Tuesday, October 2, 2012

Break The Cassanova's Heart


“Break the Cassanova’s
Heart” Operation
By alyloony
"Break the Casanova's Heart" Operation
10 things to do to break the Casanova's heart
1. Make him notice you.
2. Do a thing for him that the other girls hasn't done yet
3. Make him ask you on a date
4. Make sure that date will be the one he will remember the most
5. Make sure that he will take you seriously
6. Make sure that you'll be the only girl he's dating
7. Make him introduce you to his parents
8. Make him kiss you
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
But there is one and only rule you must abide.
Do not fall for him
If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment.
Signed by: Naomi Mikael Perez
I am Naomi Mikael Perez. My friends calls me Naomi, my relatives calls me Mika. He calls me Nami. And yes, tama
ang nababasa niyo sa taas, ako nga ang nag sign diyan. As in ako, ang babaeng walang inintindi sa buhay kundi ang
mag lakwatsa, kumain, mag-aral, magbasa ng libro, mag-alaga ng kanyang aso at mag pa-cute sa crush niya. Isang
araw nagising na lang ako na kailangan ko na palang paiyakin ang ultimate Casanova ng aming eskwelahan. The
guy who make a thousand girls cry.
Ang lalaking wala naman akong pakialam at wala namang pakialam sakin.
"In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"
Chapter 1
*The Cassanova*
[Naomi’s POV]
“give me that damn notebook and I’ll sign it!!!”
“wait are serious?!”
“I am dead serious!!”
“remember if you sign, there is no turning back”
“yes I do remember!”
GRRR I’M GONNA SHOW THAT STEPHEN CRUZ!! I’M GONNA BREAK HIS HEART!
Inabot sakin yung notebook na pinagsulatan ng 10 things I need to do to break stephen’s heart and yung only rule
doon, kasama ang isang ballpen.
I signed the contract.
PAUSE..
Ok readers, bago ko ituloy to, kailangan niyo muna malaman ang ugat nang pangyayaring to.
Let’s rewind kung ano ang nangyari two weeks ago.
I was about to enter our classroom when a girl bump on me.
“look where you’re going!”
I should be the one saying that!
Tumingin ako dun sa babae at ready nang makipag gyera ng mapansin kong umiiyak siya. Tinalikuran niya ko and
tumakbo papalayo.
Hay, here we go again.
I enter the classroom and at the corner of our room, may isang dazzling guy na pinalilibutan ng mga babae.
“that girl should consider herself lucky! Atleast tumaggal siya ng one day no before ka makipag break!”
“korek te! She shouldn’t crying herself like that”
“girls girls, kindly understand her, mukhang nasaktan ko talaga siya. But anyways, I’m looking for a new
girlfriend ”
A girl cling on his arm “I can be your next girlfriend honey ”
“sure dear” he lean on that girl and start kissing her.
Talking about PDA!
After awhile, tumigil na siya sa paghalik dun sa girl.
“let’s break up”
“huh?! Why?!”
“you’re a very lousy kisser.”
“that’s a record breaking! Tumagal kayo for only 15 seconds! ”
Nagtawanan yung mga babae including that guy,
What a jerk!
That guy is Stephen Cruz. Ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae dito pero never pang may tumaggal na
karelasyon niya ng isang linggo. Ang pinaka matagal niya atang naging girlfriend is within four days. But still madami
paring nagkakandarapang maging girlfriend niya. Kung bakit, I have no freaking idea!
Anyways, wala akong pakialam sa pinagagagawa niya kasi hindi naman ako naapektuhan. Pareho kaming may
sariling buhay dalawa. Though since Highschool classmate ko siya, never ko pa siyang nakausap. Ganun din naman
siya sakin. Siguro di niya lang ako feel kasi alam niyang di ko siya kinamamatayan tulad ng ibang mga babae dito.
He never dare to seduce me in return. Siguro in the first place alam niyang di tatalab yun at I’m not the kind of girl na
magugustuhan niya.
Let’s see, physical appearance ko pa lang bagsak na sakanya. I have a waist length hair pero lagi ko naman tinatali
to. My uniform is quite bigger and longer than my usual size. Instead of leather shoes with heels, rubber shoes ang
gamit ko. I am wearing glasses. And siguro yung fact na may apat akong kuya at ako ang nagiisa nilang kapatid na
bunsong babae. I am a nineteen year-old girl na never pang nagka boyfriend. Kung bakit? Basahin niyo ulit ang
description ko sa sarili ko sa taas, ayan ang sagot,
Pero syempre tao parin naman ako at nagkaka-crush no! may crush ako na tourism student dito and also a member
of basketball team. His name is Drew. First time ko siyang nakita nung sinamahan ko ang bestfriend kong si Kryzel
na mag audition for the school’s cheering squad. It was like I saw a Prince for the first time. Habang nanunuod ako at
busying-busy sa pag ch-cheer kay Kryzel, bigla siyang lumapit sakin at tinabihan ako.
Love at first sight ata ang nangyari sakin. Smile palang kasi niya makalaglag puso na. Actually magka block mate sila
ni Kryzel kaya naman naging kaibigan ko din si Drew. Kung mag kaka bf ako gusto ko yung tulad niya, unlike that
Stephen Cruz.
Habang pinagpapantasyahan ko si Drew, umupo ako sa chair ko then nilabas ang PSP ko at nagumpisang maglaro
ng tekken habang nakapasak ang headset sa tenga ko at malakas na nagpapatugtog.
Pero sa kabila ng lakas ng pagpapatugtog ko, rinig na rinig ko parin ang landian ng mga girls kong classmate at ni
Stephen. Good thing dumating na agad ang professor namin.
Oh by the way, I’m an HRM student. Parang di kapani-paniwala no? Muka akong tibong nerd pero pumasok ako sa
field ng hospitality management. Actually I do love to cook and I’m planning to take a second course pagka graduate
ko, which is culinary arts. Pero sa ngayon HRM muna kasi di pa kaya ng bulsa namin ang Culinary.
After 3 subjects break time na namin. Pumunta na ko sa cafeteria to meet my best friend, Kryzel. As usual
pinaliligiran na naman siya ng mga boys. Kryzel is quite popular in our school. Bukod sa maganda siya, matlino and
mabait din siya. And also she’s a member of our cheering squad. Sobrang opposite kami ni Kryzel but still marami
ring bagay ang napagkakasunduan namin. Kaya nga lab na lab ko tong bff ko na to!
“please go out with me, I promise I’ll make that day memorable for you”
“I’m sorry but I don’t have any intention of going on a date for a while. So if you’ll excuse me, my best friend
is waiting for me”
Dumiretso si Kryzel sa table namin.
“ang dami mong admirer sis ”
“admirer? Baka stalker! Hindi ko alam kung saan sa word na ‘ayoko’ ang hindi nila maintindihan eh.
Ginugutom tuloy ako sa kanila. Tara kain na tayo”
Pumila na kami para bumili ng food. Then after a while bumalik narin kami sa table namin and we started eating.
“err, sis I need to tell you something”
“ano yun? About ba kay Drew yan?”
“gaga! Ikaw nagiging muka ka nang Drew! Inlababo ka na masyado sa kanya! Kung ipagtapat mo na kaya no!
hina mo rin kasi”
“teka nga, bat ako ang magtatapat? Ako ba lalaki? Dapat siya no!”
“hay naku sis napaka makaluma mo talaga! Hindi na uso yan ngayon. Anyways hindi about kay Drew ang
sasabihin ko”
“ano?”
“uhmm, ano kasi eh, you know—“
“Oh my gosh!”
“what?”
Tinuro ko si Stephen Cruz na papalapit sa table namin, and he was looking at me. Wait don’t tell me na ako ang
plano niyang isunod na maging girlfriend niya! Excuse me no! May Drew na ako!
Tama nga ang hinala ko na sa table namin papunta si Stephen, pero hindi ako ang pinansin niya kundi si Kryzel.
“hey”
“hey”
Hey? Hey? Magkakilala sila?
“enjoying your food? ”
“ah yes”
“good then, I’ll see you around ”
“bye”
He winked at her then umalis na siya. Si Kryzel naman, ngiting ngiti
“hey! Tell me the truth! Kayo ba?”
“h-ha? H-hindi no! ”
“naku, siguraduhin mo lang! wag kang maglalalapit dun, playboy yun! Wala pang naging serious girlfriend
yan, and alam mo bang 4 days pa lang ang may pinaka matagal niyang naging girlfriend?”
“yeah I know. Wala naman akong balak maging gf niya.”
“I’m glad. So ano nga ba ulit ang sasabihin mo?”
“h-ha? W-wala. Kalimutan mo na yun! Kumain na tayo!”
After lunch break, bumalik na ako sa room namin and I saw Stephen na may kahalikan na naman na ibang babae.
Napailing na lang ako. Grabe.
Pagkatapos na pagkatapos ng last period, dumiretso agad ako sa gym para hintayin si Kryzel sa practice nila ng
cheering squad and para masilayan ko narin ang aking prince charming na si Drew.
Umupo ako sa isa sa mga bleachers doon and nanuod ng practice. Sa kabilang side ng gym nag papractice sila
Kryzel ng cheering while on the other side naman, si Drew ng basketball.
I saw Drew threw a 3 point shot then napatayo ako bigla nung nashoot niya. I clap my hands and napatingin siya
saakin. Bigla naman ako namula. He waved at me then tumakbo siya papalapit sa kinauupuan ko.
Habang lumalapit siya sakin, parang nag i-slow motion ang paligid. And I can feel butterflies in my stomach. Shock
kinikilig ako.
“hi Naomi ”
“h-hi”
“hinihintay mo ulit si Kryzel?”
“uhmm y-yes”
“Samahan na kita, katatapos lang din ng game namin eh. Wait mo ko dito ah Magpapalit lang ako ng damit”
“s-sure”
Naku Drew, kahit hindi ka na magpalit ng damit, mabango ka parin at gwapong gwapo sa paningin ko.
Maya-maya lang din binalikan na ako ni drew sa bleachers while looking fresh and handsome as always. May daladala
siyang food and drink
“here, I bought you a drink, and a doughnut. Baka di ka pa kasi nag me-meryenda ”
“thanks”
Kinuha ko yung bigay niya saaking C2 and doughnut. Oh di ba! Gwapo na, mabait pa! Gentleman na, galante pa!
Ayan ang tunay na dream boy!
Napalingon naman ako kay Kryzel and she was looking at us. Nginitian niya ako ng nakakalokong ngiti.
“so, how’s your part time job sa Bistro nila Kryzel?”
“f-fine.”
Shocks! nakaka speechless lang talaga ang kagwapuhan ng isang to!
Oo nga pala, every weekends may sideline ako sa Bistro nila Kryzel. Kumakanta ako dun siguro mga 4 songs then
syempre may sweldo no. Kaya kahit papaano may mga pangastos ako sa mga luho ko.
“Actually, I kinda miss your voice. Siguro kakain ako sa bistro this weekend ng mapakinggan naman kita
kumanta ”
Nagningning naman ang mga mata ko sa sinabi niya at halos gusto ko na magsisisigaw sa kilig!
Shocks! Haba ng hair ko!
“naku kahit di ka na pumunta! Kakantahan na lang kita, libre pa!”
“ay wait,” he leaned on me. My heart skip a beat kasi sobrang lapit na niya saakin. Bigla niyang pinunasan yung
gilid ng lips ko “may chocolate”
Bigla naman ako napatakip ng bibig and pinunasan yung labi ko. Shocks nakakahiya talaga!!!
He grinned then ginulo niya buhok ko
“you’re cute ”
Namula ako bigla. Grabe talaga ang epekto saakin ng lalaking to!
After 15 minutes na parang 1 second lang saakin, natapos narin ang practice nila Kryzel.
Nagpalit lang siya saglit ng damit then pinuntahan niya na kami.
“Naomi, Drew, sorry for waiting”
“no prob! Sabay-sabay na tayo lumabas?”
Tama.. pero sana tinagalan mo pa bestfriend!
“sure!”
Sabay-sabay kami lumabas ng university, then sumakay na ng jeep si Drew. Kami naman ni Kryzel, nagstart na
maglakad pauwi. Walking distance lang kasi yung bahay namin from school.
“so, kamusta naman ang pagkain ng doughnut with Drew? May papunas punas pa kayo ng labi ah! Naku
Naomi! Ibang level na yan! ”
“nakakahiya kaya! Wa poise!”
“sus! Ang sweet nga eh! Oo nga pala Naomi, ano kasi may sasabihin ako”
I look at her “ano ba yung sasabihin mo nayan na hindi mo matuloy-tuloy?”
Huminto siya sa paglalakad “I’m dating someone”
“what?! You mean my boyfriend ka na?! sino? Pakilala mo naman saakin! Uuuy! Sa wakas nakahanap ka
narin ng true love! Sino ba siya? Taga school natin?”
“yes, taga school, and you know him”
“I know him? Sino? Don’t tell me its Drew!”
“of course not! Iyong iyo na si Drew no! ”
“good. Buti ng nagkakalinawan. Pero who’s the lucky guy?”
“Stephen Cruz”
“wow, ang swerte naman niy---WHAT?! SI STEPHEN CRUZ?! You’ve got to be kidding me!”
“no, I’m serious!”
“b-but Kryzel! Are you out of your mind?! Alam mo namang napaka playboy nung taong yun eh! Seryoso ka
ba diyan?! And kelan pa naging kayo?!”
“Three hours ago, after natin kumain sa cafeteria and yes I’m serious Naomi. I love him and I can feel that he
loves me too! Please I know what you are going to say. But I hope supportahan mo na lang ako sa desisyon
ko”
Umalis siya then iniwan niya akong nakatayo dun.
Si Stephen ang boyfriend ni Kryzel?
Oh no.
Mukang hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga mangyayari.
Chapter 2
*The Haters and the contract*
[Naomi’s POV]
It’s been 2 weeks eversince nalaman kong si Kryzel na and si Stephen. Ilang beses ko ding kinumbinsi si Kryzel na
hiwalayan niya na si Stephen but hindi parin siya nakinig. Sadyang matigas ang ulo ng best friend ko. I tried talking to
Stephen Cruz pero wala naman akong makuhang magandang pagkakataon kasi he is always surrounded by his
friends na pare-pareho ding maangas ang dating.
Pero nung lumagpas naman ng 2 weeks ang relationship nila ni Kryzel, kahit papaano nakahinga ako ng maluwag.
Aba, diba 4 days lang ang pinaka matagal na naging relationship ng babaerong yan? Siguro naman dahil umabot ng
2 weeks ang relationship nila ibig sabihin seryoso na siya kay Kryzel? And nagpalit pa ng status si Stephen and si
Kryzel sa fb na in a relationship and naka list ang name ng isa’t isa. Baka nga nakahanap na ng true love si babaero.
..Sana..
Dahil 2 weeks nang in a relationship ang status ng loka kong best plen, mag isa na akong kumakain sa cafeteria.
Bruhang yun pinagpalit ako sa lalaki! Pero kung sabagay, blessing in disguise siya kasi madalas kong nakakasabay
ang aking drew sa pagkain ng lunch and paguwi.
But today is another lonely day for me. Hindi kami sabay ng break ni Drew kaya magisa akong kumakain sa cafeteria.
As usual, dun ako sa favorite table namin ni Kryzel umupo. I’m in the middle of eating my lunch when someone
caught my attention.
Sa far left corner ng cafeteria, nandun si Stephen Cruz, laughing boisterously with his friends. Teka, akala ko kasama
niya si Kryzel ngayon? Napatingin si Stephen sa direction ko and he caught me staring at him. He winked at me then
tinuloy niya ang pakikipag tawanan sa mga friends niya.
EEWWWW. I think I want to vomit!
After lunch, dumiretso muna ako sa comfort room to pee, pag pasok ko ng cubicle, I accidentally heard the
conversation of the two girls.
“I pity her, grabe iyak siya ng iyak. Ayun na ata ang malalang pinaiyak ni Stephen”
“tama, i break ba naman siya sa lahat ng madaming tao”
“akala ko pa naman seryoso sa kanya si Stephen, hindi pala”
“infairness, tumagal siya ng 2 weeks ha! But a playboy will always be a playboy! Kahit pa ang pinaka popular
na babae dito sa school natin nagwa niyang paiyakin”
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Naramdaman kong nag init ang mukha ko. Lumabas ako sa cubicle and I
faced the two girls.
“where is Kryzel? ”
“ha? Sino ka naman? ”
Hinawakan ko yung kwelyo ng unifom niya “I AM ASKING YOU WHERE IS SHE?! ”
Napatalon sa gulat yung dalawang babae and mukhang natakot saakin “i-in the gym”
Sumugod ako sa gym and I saw Kryzel seating on one of the bleachers.
“kryzel..”
Lumingon siya saakin and she was crying “what now? Sasabihin mo saakin na ang tanga-tanga ko?
Ipamumukha mo saakin na mali ang naging desisyon ko? Na dapat nakinig ako sa sinasabi mo? You can say
anything you want. Ipamuka mo saakin, tama naman kasi eh! ”
I hugged her “It’s ok. He’s not worth your tears ”
She hugged me back “Naomi, ngayon lang ako nagmahal ng husto pero ano? two weeks pa lang natapos na
agad. Na loko lang pala ako! Malamang, I am quite popular, and may pride siya. Ipinakita lang niya sa buong
school na kayang kaya nya mabola at mapaiyak si Kryzel Aguilar! :'(Ang galing niya! Nakuha niya ang gusto
niya ”
Nanginginig ako sa galit. I want to kill Stephen Cruz right now! Tumayo ako.
“don’t worry, sisiguraduhin kong hindi na sisikatan ng araw ang manlolokong yun. ”
“ep, ep, ep. Wag naman. Endangered species na nga ang mga lalaking gwapo na straight, babawasan mo
pa!”
Napalingon ako sa nagsalita, and I saw a girl and a gay walking towards us
“sino naman kayo?”
“Hello” lumapit saamin yung girl “I’m Yannie, and that’s Fransisco Juan” tinuro niya yung gay na kasama niya
“ewww don’t call me that! It so kadiri no!! Ewwww talaga! Eeewww.” Tumingin siya saamin“Just call me
France ”
Tinaasan ko sila ng kilay “so? Sino naman kayo? ”
“Ang taray ng lola mo! Aba eh syempre nakaramdam na naman ang radar namin na may pinaiyak ang
gwapong demonyong si Stephen, kaya run kami agad dito ”
Nilapitan ko sila “kung nandito kayo para makitsismis, sorry pero wala kayo mapapala, kaya kung ako sa inyo
lumayas na kayo . And if you’ll excuse me may papaslangin pa akong nilalang! ” hinawakan ko si Kryzel “let’s
go sis”
“Actually we’re here to help”
Napatigil kami ni Kryzel pareho
“h-ha?”
“malalaman niyo pag sumama kayo saamin”
Dinala nila kami sa isang room na kung tawagin nila ay head quarters. Sa loob ng room, may mga sampu sigurong
girls na nandun.
“oh, new member ng club natin?”
“club?”
“yep, we’re the “Haters of Stephen Cruz” club”
Ano daw? Haters of Stephen Cruz? May ganun palang club? Aba wala akong idea! Dapat sumali ako dati pa!
“lahat kami sinaktan at pinaiyak ng lalaking yan. Welcome lahat ng mga babaeng sinaktan niya sa club
namin ”
“even him? ” tinuro ko yung baklang France ata ang name!
“naman ate! Grabe niyang dinurog ang puso kong fragile”
Kinilabutan ako bigla. Grabeng lalaki to! Pati pala bakla pinapatulan!! Kinikilabutan ako!
“wag ka nga assuming France! Nagpaturo lang siya sayo ng assignment nag feeling ka na agad!
Ambisyosa!”
“excuse me no! nagpapahiwatig na kaya siya sakin na love niya ko! Pero niloko niya ko!”
“ok enough, wag nga kayong mag away sa harap ng mga bisita natin” she looked at us“anyways, I’m the
President of this club. Welcome kayo na sumali saamin. Our purpose is to help each other lalo na yung mga
new members na naka encounter ng heartbreak because of him. And maybe pag naging mas madaming
hater si Stephen rather than admirer, it’ll be easy for us para tanggalin ang crown niya bilang ultimate
heartbreaker ng iskwelahang ito! Magiging ordinaryong estudyante na lang siya.” May inabot siya saaming
papel “you can list your name here if you want to join”
“ha? Sorry wala kaming panahon maging bitter. Mas ok pa na masuntok ko ang mukha ng lalaking yun ng
masira na kesa sumali ako sa club na to”
Palabas na sana ako ng bigla akong pinigilan ni Kryzel
“wait Naomi” kinuha niya yung ballpen then she wrote her name in the paper
“Kryzel! Bat mo sinulat pangalan mo?!”
“well, lahat kami dito nasaktan ni Stephen. We all know how it feels and maybe they can help me get over
him ”
“and to have a revenge ”
“so ikaw, sumali ka narin! Dahil pare-pareho lang tayong pinaluha ng lalaking yan”
Napatigil ako sa sinabi niya then I laugh hard. Habang sila nakatitig saakin at takang taka kung bat ako tumatawa,
ako naman patuloy parin sa pagtawa hanggang sa halos mabilaukan na ko!
“hahahahahahahahaha! Grabe pinaluha? Wahahahahahahahahahahahahhaha ” hinawakan ko yung tyan ko
and I try to calm myself. Paglingon ko sakanila, lahat ng kilay nila nakataas, then natawa ulit
ako. “Wahahahahahahahahahahha ”
“uy, pakibatukan mo nga kaibigan mo. Mukhang nasiraan na ata ng ulo. Gawa ba yan ng heartbreak na
binigay sa kanya ni Stephen? ”
“hahahah gaga hindi! ” tumigil ako sa pagtawa “ako? Nasaktan ni Stephen? Asa! Over my dead body never
akong nagkagusto and never akong magkakagusto sa kanya no! we’ve been classmate eversince highschool
and not even once nagkagusto ako sa kanya! Yamot pa nga ako sa kanya eh! Hahahahahahaha ”
Nagkatinginan silang lahat then an evil grin formed in their faces
“perfect siya madam!”
“yeah I know ”
It’s my turn na tumaas ang kilay
“perfect? Saan? ”
May inabot sila saaking notebook. “read and malalaman mo”
Tinignan ko yung nakasulat sa notebook
“Break the Casanova’s Heart” Operation
10 things to do to break the Casanova’s heart
1. Make him notice you.
2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet
3. Make him ask you on a date
4. Make sure that date will be the one he will remember the most
5. Make sure that he will take you seriously
6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating
7. Make him introduce you to his parents
8. Make him kiss you
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
But there is one and only rule you must abide.
Do not fall for him
If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment.
Signed by: _________________
“oh ano naman to? ”
“ay ang slow mo te! Ikaw ang perect sa job na yan! Never kang nagkagusto sa kanya, malamang sa alamang
eh kilala mo na siya kasi eversince highschool classmate ka niya. And by the looks of you, ikaw yung pinaka
least person na mapapansin niya and magakakgusto sa kanya ”
“so? ”
“so, join in our club and tulungan mo ang mga pusong luhaan na maghiganti ”
“what?! Hindi ko gagawin kasi first and foremost wala naman kasalanan saakin yung tao! Yes, he hurt my
best friend pero hindi dahilan yun para maghiganti ako. And I don’t approve revenge. I’m sorry” tumalikod na
ako and ready to leave ng hilahin ulit ako ni Kryzel
“Naomi, alam mo naman na never akong umiyak sa ibang lalaki before ” I looked away “you’ve been my
bestfriend for a very long time. And alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon. I am very much hurt
because of what he done. At the same time, I am mad, freaking mad because he use me. Naomi, I want to
teach that guy a lesson, please ”
“I-I can’t, I’m sorry. ” Lumabas ako sa headquarters.
I felt guilty for Kryzel kasi hindi ko siya matulungan. Pero alam ko namang hindi ko rin kaya ang pinagagawa nila.
Hindi kasi maganda.
For the whole day hindi ko na nakita si Kryzel. She didn’t even answer my calls. Hanggang sa paguwi hindi ko siya
nakita. Siguro nagtatampo siya saakin.
2 weeks has passed pero wala parin akong balita sa kanya. Nag tetext parin ako and tumatawag but hindi parin niya
sinasagot mga tawag ko.
Not until today. I recived a call from her mom. She was rushed to the hospital. Hindi sinabi saakin ang cause pero
agad agad akong pumunta sa hospital.
Grabe akong kinakabahan. Hindi ko expected na for a short period of time, nagawa niyang mahalin ang babaerong
yun ng husto.
Naku, sana naman hindi niya pinagtangkaan tapusin ang buhay niya. Please Lord, sana ok lang ang best friend ko.
Pagdating ko sa hospital, agad ako sinalubong ng mom ni kryzel
“tita! How is she?”
“she’s fine now. Over fatigue ang cause. Halos hindi siya kumakain and lagi siyang nasa room. Sometimes I
heard her crying pero ayaw niya saamin sabihin ang problema. Naomi, I know you can help her. Please talk
to her. ”
“opo tita” i held her hand "don't worry, kakausapin ko po siya"
I enterd the room and I saw Kryzel lying in the bed but she’s awake
Umupo ako sa chair katabi ng bed niya “how are you? ”
“as you can see, not so good”
“Kryzel, I’m very sorry. ”
She looked at me “no, I should be the one saying that. Sorry Naomi, alam kong labas ka na sa problem ko
pero pinipilit parin kita sa gusto kong mangyari I’m sorry. It’s just that—“ she burst into tears “muntik na
niyang makuha ang bagay na mahalaga saakin ”
“h-ha? What do you mean?”
“you know, w-we almost did it. I-I was drowned in his kisses, and I cannot control myself. Good thing may
biglang dumating. ”
“HE DID THAT TO YOU?! MAKIKITA NIYA!!! ”
“w-wait—“
I stormed out of the room.
Bumalik ako sa school and hinanap ang manyak na lalaking yun. I found him in the staffers office. Photographer siya
ng newspaper staffers sa school namin kaya hindi na nakakapagtaka na dito siya tumambay.
Walang katok-katok. Diretso ako sa loob ng office ng makita kong may kahalikan siyang babae.
He disgust me!
Lumapit ako and tinapik ko yung babae
“excuse me miss, mamaya niyo na yan ituloy and may kailangan kaming pagusapan ng lalaking to!
” kinaladkad ko palabas yung babaeng kahalikan niya then I close the door
“so, it’s my nerd classmate. Ano naman ang dapat nating pagusapan na kailangan mo pang i-interupt ang
make-out session namin? ”
I slap him “you know what?! You’re such a jerk!! Bat mo ginawa kay Kryzel yun ha?! Bat mo siya nagwang
saktan?! >:(Ano bang ginawa niyang masama sayo?! Or talagang libangan mo na ang manloko ng mga
babae?! Ha?! >:(Sumagot ka!!! ”
I tried punching him pero nasalo niya yung kamay ko
“oopps, wag sa mukha, saying ang kagwapuhan ko ”
“alam mo ang hangin mo rin eh noh!!! Wala akong paki kung masira yang mukha mo! Ang panget mo naman!
Manloloko pero ang panget panget mo naman!!!”
Nagpipiglas ako at pinagsusuntok ang braso niya gamit ang isa ko pang kamay. Hinawakan niya ang magkabila kong
kamay then isinandal niya ako sa pader.
Medyo kinabahan na ko dahil mukhang papatulan ako ng manyak na to pero syempre hindi ko pinahalata
“oh? Bakit? Sasapakin mo ko? Sasaktan mo ko? Ha?! Bakla ka!! Bakla!! Bakla!!!”
He removed my eyeglass
“t-teka--”
“I didn’t know you have a beautiful eyes” he showed his dazzling smile at me then tinitigan niya ko ng kulang na
lang matunaw ako. He is looking straight into my eyes, ako naman hindi makatingin sa kanya ng diretso
“bakit? A-akala mo makukuha mo ko sa p-pag f-flirt mo ha? ”
“My dear, you are stammering. I guess you are being disturb by my presence"
“b-bitawan mo nga ako!!!”
Nagpumiglas ako pero hindi ko siya kaya. Masyado siyang malakas.
Nilapit niya ang mukha niya saakin, as in sobrang lapit hanggang sa magkadikit ang mga noo namin.
Nanginig ang buo kong katawan
Mukhang ma-r-rape ata ako ngayon.
Naku wag naman sana
“you are nervous, I can feel it.” Inilayo niya ulit yung mukha niya saakin then he looked at my I.D“so your name is
Nami”
“it’s Naomi. ”
“well, I want to call you Nami.” Inilapit niya ulit yung mukha niya saakin then he looked at my lips“what if I kiss
you right now?”
I didn’t dare speak kasi baka halikan niya nga ako.
Waaaaaaaahh ayokong mapunta sa kanya ang first kiss ko!!
Mas nilapit pa niya ang mukha niya saakin na halos magkadikit na ang labi namin. I can feel his breath. Bumilis ang
tibok ng puso ko.
He smiled his evil smile
“on the second thought, bibitinin muna kita ngayon ” Lumayo siya saakin then binitawan niya na ako pagkatapos
ay tumalikod
Nakahinga ako ng malalim. Akala ko itutuloy niya. Buti na lang! naku lord thank you!
Hindi pa ako masyadong nakaka recover sa ginawa niya ng bigla ulit siya humarap saakin at itinulak ako sa wall.
Before I knew it, he is kissing me torridly.
I try to push him away pero ayaw niya paawat. Bigla-bigla na lang ako nanghina and halos mapaupo na ko dahil sa
ginagawa niya. His arms supported me.
Itinigil niya yung paghalik saakin then he smiled “nasarapan ka no? ”
I slap him again “MANYAK!!!!! ”
Lumabas ako sa room.
How dare he! How dare he! How dare he!!!!!!!!!!!!!!
First muntikan niya na kunin ang virginity ng best friend ko! And now he stole my first kiss?!?!?!?!
I’m dreaming na ang first kiss ko ay si Drew. Pero ngayon? Wasak ang pangarap ko!!!!
Aaminin ko, masarap ang halik niya . . . . . . pero kahit na!!!!!!!
Dumiretso ako sa headquarters ng mga haters niya
“give me that damn notebook and I’ll sign it!!!”
“wait are serious?!”
“I am dead serious!!”
“remember if you sign, there is no turning back”
“yes I do remember!”
GRRR I’M GONNA SHOW THAT STEPHEN CRUZ!! I’M GONNA BREAK HIS HEART!
Inabot sakin yung notebook na pinagsulatan ng 10 things I need to do to break stephen’s heart and yung only rule
doon, kasama ang isang ballpen.
I signed the contract then I grinned
The game has finally began
Chapter 3
*First conversation*
[Stephen’s POV]
“so is it true? You break the heart of the most popular girl in our university? Saludo na ko sayo!”
“you know what darling, instead of minding other people’s business let’s just continue what we’re doing”
I kissed her again. She’s Sabrina, my new girlfriend. Pero mamaya break na kami nito. Ayoko ng pakielamera eh.
Simula nung i-break ko si Kryzel in front of many people 2 weeks ago, wala ng ibang usap-usapan kung hindi iyon.
Well actually I didn’t mean to use her para patunayan sa kanila na kahit sinong babae kaya kong makuha at paiyakin.
Sus! Kayang kaya ko naman patunayan yun kahit di ko gawing gf si Kryzel. Unang una sa lahat, sa gwapo kong to
sino bang hindi mahuhumaling? And isa pa, wala naman hindi napapasailalim ng seduction powers ko.
Except her.
She’s been my classmate ever since highschool but never siyang nagpakita ng pagka kilig and pagka interesado
saakin. She’s weird. Dahil nga hindi siya interesado saakin, ako ang naging interesado sakanya, I tried searching for
her background which is napaka dali naman dahil sa dinami-dami ng babaeng nakakasama ko na tsismosa. I found
out that when she was still a child, her mom died because of cancer. But now, may stepmom siya, which is yung
second wife ng dad niya. She has a 3 older brother and siya ang bunso sa pamilya. Nag p-part time job din siya sa
bistro nila Kryzel. Kumakanta siya dun every weekend. Dahil sa na-curious ako one time kung ano ang tunog ng
boses niya, nagpunta ako dun para kumain at mapakinggan siya. She has a beautiful voice. Yung tipong parang
anghel na ang kumakanta. Minsan nga naiisip ko na sana naging boses na lang siya.
Pero may pagka weird din ang babaeng yun eh. Balita ko kasi, gwapo naman ang mga kuya nun. Yung isa nga eh
nag mmodel pa daw. Pero syempre no alam ko namang mas gwapo ako. Anyways, ayun nga, kung may magandang
lahi ang pamilya niya, ibig sabihin maganda din dapat siya pero sa nakikita ko muka talaga siyang nerd na mukhang
tomboy. Siguro kung nag ayos siya kahit papaano lilitaw ganda dun.
Ang mean ko ba sa pag d-describe niya? Hindi naman masyado. Pero inaamin ko, siya na siguro ang taong nanakit
sa pride ko. Paano ba naman, kada makikita ko ang babaeng yan, parang sinisigaw niya sa buong mundo na hindi
lahat ng babae kaya kong akitin. Kasi never pa siyang naakit saakin. Siya ang sumisira ng image ko bilang isang
Casanova. At kada makikita ko siya, gustong gusto ko siyang lapitan at kausapin at makipag flirt pero nawawalan ako
ng lakas ng loob. Bakit kaya? May powers ba siya na nanghihigop ng lakas?
Oy teka, baka naman iniisip niyo inlove ako sa babaeng yun!! Excuse me ang mga tipo kong babae ay magaganda,
sexy, and isa pa, I prefer bad girls. Kaya nga nakipag break ako sa best friend ni tibong nerd eh. Akala nga ng
marami nakahanap na ako ng serious relationship kasi tumagal kami ng 2 weeks. Well actually dapat 3 days lang
ang itatagal namin, pero ayaw niya makipag break so I don’t have any choice kundi i-break siya sa harap ng
madaming tao.
I was back to reality ng maramdaman kong may mga kamay na nagtatanggal ng butones ng polo ko.
“darling, what are you doing?”
“let’s do it”
I laughed hard “I’m sorry, balak ko lang gawin yan sa babaeng mahal ko. ”
She also laughed “Stephen Cruz do not know how to love”
“then I think I’m gonna be a virgin forever ”
“don’t make me laugh!”
“I’m sorry honey, but I am absolutely serious ”
Bigla kaming nagulat ng may nagbukas ng door.
It was her.
Lumapit siya saamin then hinawakan niya sa buhok si Sabrina “excuse me miss, mamaya niyo na yan ituloy and
may kailangan kaming pagusapan ng lalaking to! ” . Hinila niya ito palabas ng room.
Whoa! Ibang klaseng babae! Amazona!!
Teka, baka naman nagseselos kasi nakita niyang mag kahalikan ako? Pakipot pa to. Meron din naman palang lihim
na pagtingin saakin.
Lumapit siya saakin and she look very mad. Grabe nakakatakot ang tingin niya
Pero hindi naman ako pasisindak sa babaeng to! Wag niya sabihing may powers siya na nakakapang hina (and
nararamdaman ko na nanghihina na naman ako) Tatapatan ko siya ng seductive powers ko!
“so, it’s my nerd classmate. Ano naman ang dapat nating pagusapan na kailangan mo pang i-interupt ang
make-out session namin? ”
She slaps me and bigla ako natulala.
No one has ever dare to slap me before.
“you know what?! You’re such a jerk!! Bat mo ginawa kay Kryzel yun ha?! Bat mo siya nagwang saktan?!
>:(Ano bang ginawa niyang masama sayo?! Or talagang libangan mo na ang manloko ng mga babae?! Ha?!
>:(Sumagot ka!!! ”
Lumapit siya saakin and tried punching me but good thing nahawakan ko agad ang kamay niya.
Para nga akong nakuryente nung mahawakan ko ang kamay niya.
Hindi lang pala nangunguha ng lakas ang babaeng to, may electric power din!
“oopps, wag sa mukha, saying ang kagwapuhan ko ”
“alam mo ang hangin mo rin eh noh!!! Wala akong paki kung masira yang mukha mo! Ang panget mo naman!
Manloloko pero ang panget panget mo naman!!!” pinagsusuntok niya ang braso ko.
Aba saan sa mukha ko ang panget ha?! Papalitan niya na nga ang salamin niya at mukhang di na siya nakakaita ng
maayos!!!
Sinabihan niya akong panget pwes makikita niya kung ano ang kayang gawin ng isang Stephen Cruz!
Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay and unti-unti ko siyang tinulak sa pader hanggang sa makasandal siya.
“oh? Bakit? Sasapakin mo ko? Sasaktan mo ko? Ha?! Bakla ka!! Bakla!! Bakla!!!”
Naramdaman kong nanginig siya.
I smile.
Kayang kaya ko rin pala ang isang to.
I gently removed her eyeglasses then I look straight into her eyes.
“t-teka--”
“I didn’t know you have a beautiful eyes”
That’s an honest compliment. Maganda pala ang mga mata niya. Nakakatunaw---
WAIT Stephen Cruz! Snap out of it! Siya dapat ang maapektuhan hindi ikaw!!
“bakit? A-akala mo makukuha mo ko sa p-pag f-flirt mo ha? ”
I smile again
“My dear, you are stammering. I guess you are being disturb by my presence"
Hah! I made that girl stammer! For the first time!!!
“b-bitawan mo nga ako!!!”
Nagpupumiglas siya pero di niya ako kaya.
Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya and I saw her blush.
Sa lahat ng babaeng ginawan ko ng ganito sa kanya ako pinaka nag eenjoy!
“you are nervous, I can feel it.” nilayo ko ang face ko sa kanya then I look at her ID. Actually kilala ko naman siya
pero bat ako aamin? baka mabuko pa akong niresearch ko siya! “so your name is Nami”
“it’s Naomi. ”
“well, I want to call you Nami.” Nilapit ko ulit ang mukha ko sa mukha niya and I look at her lips“what if I kiss you
right now?” Nate-tempt nga talaga akong halikan siya ngayon.
Teka nga Stephen, tumigil tigil ka sa mga pinagiisip mo! Focus! Focus!
Hindi siya nagsalita but still, she is blushing and looked very nervous.
Lumayo ako sa kanya “on the second thought, bibitinin muna kita ngayon ” I grinned then tumalikod ako.
I heared her sigh and eto na naman, tinamaan na naman ako ng kapilyuhan ko kaya hinarap ko ulit siya, isinandal sa
pader ang started kissing her.
At first pumipiglas syia, but little by little nararamdaman kong hindi na siya gumagalaw.
First kiss? Or baka naman hinimatay na sa kilig?
Muntikan na siyang mapaupo kaya hinawakan ko siya sa gilid. Mukha atang nasarapan sa halik ko ah?
“nasarapan ka no? ”
She slapped me hard on the face “MANYAK!!!!! ” the she stormed out of the room.
Napangiti ako.
You are a big challenged to me Naomi Mikael Perez.
You’ll be mine. I swear.
Chapter 4
*Step 1*
[Naomi's POV]
"there are two things in life you must keep in mind: don't make any promises when you are happy, and don't make
any decisions when you are mad"
Sana nung mga panahong pinipirmahan ko yung contract, naalala ko tong quote na to. Grabe, bat ko nga ba
pinirmahan yun?!
Busying busy ako makipaglaro sa kuya kong si Nico ng tekken ng biglang bumulaga sa bahay namin si Kryzel,
Yannie and ang baklang si France and kinaladkad nila ako papuntang mall.
Kayamot! Matatalo na sana ng Lili ko ang Jin ni kuya kung hindi lang sila sumulpot! Isang bar din yun ng hersheys
kung nanalo ako!
"teka nga saan niyo ba ako dadalhin ha? At bat ba bigla bigla na lang kayo sumusugod sa bahay namin ng walang
pasabi?"
"ano ka ba loka! Syempre immake over ka namin! Paano mo mapapaibig si papa Stephen sa ganyang itsura ha! And
maiba nga tayo ng topic! You're so mean talaga! Bat di mo sinabi saamin na kuya mo pala yung sikat na model!!"
Oo nga pala, model ang kuya Nico ko pero di ko naman alam na sikat pala siya.
"oo nga! Ang gwapo niya, nabigla nga ako nung makita ko siya eh. So can I have his number?"
"ako din! Ibigay mo din saakin! "
"sorry dears, di ko kayang ibugaw ang kapatid ko!"
"hindi mo naman siya ibubugaw! Ipapakilala mo lang siya samin!"
"haha naku masanay na kayo kay Naomi, ganyan talaga yan pagdating sa mga kapatid niya. Masyadong madamot! "
Naman! Kung gusto nilang makilala kuya ko gawin nila ng nagsisikap! Baka mamaya katawan at mukha lang ni kuya
ang habol nila, lalo na ni France!
Una kaming pumasok sa isang beauty parlor at agad naman nila ako dinala sa isang babae dun.
"miss paayusan namin siya"
Pinaupo ako sa chair sa harap ng salamin
"ano po ba gusto niyong ayos ma'am?"
Tinanggal ni Yannie ang pagkakatali ko sa buhok "gusto kong I curl mo yung dulo ng hair niya"
"ha?! Teka, don't tell me permanent yan?"
"yes dear"
Lumapit si Kryzel "bat hindi na lang ipa rebond?"
"my dear, mas may dating kay Stephen ang curly kesa rebonded na buhok. And besides masyado ng maraming
nagpaparebond ngayon. Common na. Kailangan maiba ni Naomi."
Teka, pwede ba ako ang magdesisyon?! Nak ng tokwa! Buhok ko tong mumurderin niyo eh!!
Pero bago pa ko makaangal, sinimulan na ng babae ang pag mumurder ng buhok ko. And hindi lang buhok ko ang
minurder, pati din mga kuko ko. Pagkatapos kong ayusan, sunod naman nilang ginawa is bilhan ako ng contact
lense.
"hindi ko ba pwede gamitin na lang tong eyeglass ko?"
"dear, hindi pwede. Sumunod ka na lang"
Ano pa nga ba magagawa ko? Pera nila ginagastos nila eh!
Nung makabili na kami kumain lang muna kami saglit tapos nagikot-ikot na ulit kami para bumili ng mga damit,
sapatos at bag.
"best, papalitan natin yung bag mo ng hand bag. Tumingin ka na diyan kung ano gusto mo"
"pati ba naman bag ko kailangan nating palitan?"
"It's a must sister! Eto look mo to" may pinakita siya saakin na isang bag
"eew!"
"anong eeww?! Wala ka talagang taste! Gucci yan girl! Gucci!"
so ano naman ang Gucci?!
May kinuha akong jansport na bagpack "eto ang maganda!"
"ayan ang eewww!"
"excuse me no! mas maganda naman to kesa diyan!"
"ang panget ng taste mo!"
"sayo ang mas panget echoserang bakla!"
"kadiri talaga taste mo! Panglalaki! Tibong nerd!!"
"oh tama na! baka kayo na magkatuluyan niyan!"
"eeeww"
In the end si France din ang nagwagi, yung Gucci ang binili namin hindi yung jansport.
After ng bag, sapatos naman ang binili namin. With high heels. First time ko lang magsusuot ng high heels and
mukhang habang pinaiibig ko si Stephen I need to bear my aching feet sa pagsusuot ng sapatos na to.
Nagikot ikot pa kami para naman mamili ng mga damit. May school uniform kami but every Friday and Saturday,
wash day naming so allowed na mag civilian.
"try this one" may inabot saakin si Kryzel ng blouse na kita ang cleveage
"good taste kryzel! Ternuhan pa nito!" inabot naman saakin ni France yung short skirt
"sure kayo?"
"yep!"
"hindi ba ako mapupunta ng deans office pag sinuot ko to?"
"girl madami nagsusuot ng ganyan sa school kaya for sure allowed yan"
Naku naman. Pagkakatanda ko yung mga nagsusuot nyan ay yung mga taong walang paki kung magka sanction sila
or hindi eh!
"err I don't think papatok kay Stephen yan"
"what? Ano ka ba! Ang sexy kaya!"
"no, it is flirty not sexy. Typical na masyado ang ganyang outfit for Stephen. Try this one Naomi" may inabot siya
sakin na damit pero not so daring. And tama nga siya, ang ganda ng dating.
"alam mo Yannie, papasa ka narin na heartbreaker ni Stephen! Masyado kang madaming alam about sakanya! "
Napatingin agad ako "oo nga! Kung ikaw na lang kaya? You can do better than me"
She laughed "kung effective ako edi sana kami pa ngayon? And Naomi, I want to remind you, bago mo pirmahan
yung contract diba we gave you a warning na once you signed it there is no turning back? "
"ok ok "
Hay naku! Napasubo na talaga ako dito!
Matapos kaming mamili, at last nakauwi na ko! Sa gate sinalubong ako agad ng aso kong si hot dog
"hot dog!! Come here!" I tapped my legs but instead na lapitan niya ko, he barked at me
"hey what's wrong?"
Patuloy parin sa pagtahol si hotdog.
"hotdog bat ang ingay mo?"
Lumabas si kuya Nico
"kuya! Tinatahulan ako ni hotdog!"
"wh-what the--?! " gulat na gulat si kuya nung nakita niya ko
"why? "
"kuya Myco! Kuya Jake! Kuya Sean! Lumabas kayo!!"
Nagsilabasan naman yung tatlo ko pang kuya
"ano bang problema nico?!"
"look" tinuro ako ni kuya Nico
"whow!"
"waaaaaaaaaaaah!!"
"b-bunso?"
"ano bang problema niyo?! "
And they burst in laughter
Ok? ano nakakatawa?
Kinaladkad nila ako sa loob ng bahay at iniharap sa salamin
"grabe sis! Ang ganda mo! Ang laking transformation ang nangyari sayo ha!"
"kaya pala hindi nakilala ni hotdog! "
Nagtawanan ulit sila
ANAK NG TOKWA!!!
Pero sa totoo lang, ang laki nga talaga ng pinagbago ng itsura ko. From being nerd, ganito na ngayong naging itsura
ko.
Pero ang tanong, tatalab ba naman?
I smile.
Tignan natin kung ano maging reaksyon niya sa gagawin ko bukas.
[Stephen's POV]
"grabe akala ko new student siya pala yun"
"maganda naman pala siya eh"
"dapat dati pa siya nagaayos ng ganun"
"pare pwede nang ligawan! Na love at first sight ako sa kanya"
Kanina ko pa naririnig na pinaguusapan nila 'siya' and hanggang ngayon wala parin akong idea kung sinong 'siya'
ang tinutukoy nila! Pero maganda daw? Sus! Kayang kaya kong paibigin yan kahit gaano pa siya kaganda!
Pumasok ako sa room namin and as usual, hinihintay na ko ng mga girls ko.
"good morning girls "
"good morning Stephen" they said in chorus
The moment na umupo ako, pinaligiran nila ako agad. And I kissed them isa-isa. Syempre smack lang. And mukhang
bitin na bitin sila.
Mga babae talaga.
Silang apat, ang girlfriend ko ngayon. Yes, tama ang rinig niyo, apat sila and sabay sabay. Ok lang naman din sa
kanila kasi halik ko lang ang habol ng mga yan eh. And alam naman nilang hindi ako seryoso sakanila.
Ang mga babae hindi dapat sineseryoso, kasi in the first place, sila ang mga manggagamit.
"honey, what's your plan for tonight?"
"gimik tayo!"
"bar hopping!"
"or pwede dun na lang tayo sa condo mo" she winked
"I'm sorry girls, pero wala akong babaeng dinadala sa condo ko. If you want, gusto niyon kumain sa isang bistro?
May alam ako"
And an idea strucked me. It's Friday and alam kong nandun si Nami para kumanta. It's my chance para subukan ang
flirting powers ko sa kanya. Mwahahahahaha
"oh my gosh!"
Napalingon ako nung sumigaw ang isa kong girlfriend na limot ko na agad ang name. And I saw an angel walking
towards me.
W-wait, si Nami siya. Naomi Mikael Perez, siya ba talaga yan?!
Halos di ako makapagsalita sa nakikita ko. I never thought na kaya niyang maging maganda ng ganyan.
Lumapit siya sakin then looked me into my eyes
"I want to be your girlfriend"
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya.
So ganito na lang? magiging girlfriend ko siya ng walang kahirap hirap? Wow! Baka naman tinamaan na talaga ng
husto saakin dahil sa kiss ko!
"sure darling "
I placed my arms around her waist then inilapit ko siya saakin. Siya naman inilapit niya ang face niya sa face ko then
she was looking at my lips.
I was about to kiss her when she placed her fingers on my lips
"I want to be your girlfriend, but not now"
"h-ha? Anong ibig mong sabihin?"
Inalis niya yung pagkakahawak ko sa waist niya
"magiging girlfriend mo ko pag marunong ka na magseryoso. Ayoko ng fling lang dear. I want a serious relationship"
Am I hearing her correctly? Serious relationship?! You've got to be kidding me!
Nilapit niya ulit ang face niya sa face ko then teased to kiss me
"oh and dear, you could only kiss me if you learned to love me " she winked and left me standing.
Speechless.
Chapter 5
*smack*
[Naomi’s POV]
“hahahaha effective ang ginawa natin! Naku saying hindi mo pinicturan yung mukha ng Stephen na yan! ”
“I never expected na may makakapagpatulala kay Stephen ”
“isa lang ang ibig sabihin nun, effective ang ating napili! ”
Nagtawanan pa kami ng nagtawanan. Aba kanina ko pa pinipigilan ang paghalakhak ko. The expression in the face
of Stephen is priceless
Nakita ko naman si Kryzel na nasa isang sulok lang ng room at busy sa pagsusulat. Nilapitan ko siya
“best success ang step 1 natin!”
“o-oo nga! Buti n-naman!” she avoided my gaze
May problem ba?
“best—“
“oh my, malapit na ang next class ko. I gotta go!”
She stormed out of the room. Hmmm ano kaya meron?
[Stephen’s POV]
Nakakainis! Nakakainis talaga! How dare she do that to me?! At ang lakas naman ng loob niya para sabihing she
wants a serious relationship with me?! In her dreams! Anong akala niya hahabol-habulin ko siya?! Na adik ako sa labi
niya at pagaaralan kong mahalin siya mahalikan lang siya?! Lakas niya mangarap ah!
Though those lips are very kissable
Pero kahit na no! di porket tinapalan ng makeup ang mukha niya eh magiging head over heels na ko sa kanya!
Naasar talaga ako! Especially for the entire day hinding hindi niya maalis ang nakakalokong ngiti sa mukha niya!
Teka nga bat ba nagiinit ang ulo ko? The game has just began. Kayang kaya ko naman palaruan ang babaeng yun
especially now alam kong may gusto na siya saakin. Hahaha. Nagkamali ka ng kinatapat mo Naomi Mikael. Makikita
mo.
[dismissal time]
Dumiretso ako sa bistro kung san nag tatrabaho si Nami. Alam ko kasi by 7pm kakanta na siya. Dumiretso ako sa bar
and umupo sa isa sa mga stool, para mamaya pag nagumpisa kumanta si Nami, di niya ako agad makikita.
Nilapitan naman ako agad ng isang bartender.
“goodevening sir, I’m Rence, your bartender for the night " inabutan niya ako ng menu “here’s the menu sir ”
I didn’t accept kasi alam ko na naman ang laman niyan, sus! Regular costumer na ako dito! Siguro baguhan lang
tong bartender na to.
“I don’t need the menu. I’ll just order tequila sunrise” syempre I don’t wanna get drunk dahil may trabaho akong
dapat gawin kaya dapat light lang “and buffalo wings”
He repeated the order then iniwan na niya ko dun. I looked at the clock, it’s 6pm. One hour to go magagantihan narin
kita Nami.
[After 1 hour..]
As expected, by 7pm magi-start ng kumanta si Nami. She went up the platform habang hawak-hawak ang guitar niya.
A lot of customers gasp nung makita ang new look niya. Hindi lang pala ako ang nabigla ng babaeng to ng bongga!
“good evening to our dear guests, I hope you are enjoying your dinner here. I am Naomi and I am going to
serenade all of you tonight. My first song is The only exception”
She started to strum the guitar
“When I was younger I saw my daddy cry, and cursed at the wind
He broke his own heart and I watched as he tried to re-assemble it
And my momma swore that she would never let herself again
And that was the day that I promised I never sing of love if it does not exist
But darling..
You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception”
Pinanuod ko siya habang kumakanta. Kung titignan mo siya ngayon para siyang isang anghel na napakahinhin at
hindi makabasag pinggan na sa totoo lang hindi lang pinggan ang kaya niyang basagin, pati mukha ng tao kayang
kaya niyang basagin. Amazona eh.
Pagkatapos niya kantahin ang kanyang first song, nagpalakpakan na ang ibang tao, ako naman agad na lumapit sa
kanya sa platform. Halatang gulat na gulat siya nung makita ako.
Kinuha ko yung bouquet ng roses na binili ko kanina tsaka ko inabot sa kanya “that was a very nice song Nami ”
Hindi niya kinuha yung bouquet instead she stare at me. Ohh I could smell she’s mad “it’s NAOMI MIKAEL ”
“ok then, I’ll just call you love ” nagtawanan at naghiyawan ang mga guests. Eto na ang pagkakataon ko. Lumapit
ako sa kanya then I stare at her eyes “you knew me as a Casanova. Hindi ako nagseseryoso sa mga babae but
darling I want you to know," mas nilapit ko ang mukha ko sa kanya "you are the only exception ” Mas lalong
naghiyawan ang mga tao. I leaned forward to Nami then I whisper in her ears “akala mo ikaw lang ang magaling sa
ganitong bagay ha? Gantihan lang”
Then I smacked her.
Lumakas ang hiyawan ng mga guests “so, I think nakakaistorbo na ko sa pagkanta ng love ko” I looked at
Nami “I’ll see you later ” I winked then iniwan ko na siya nakatayo dun, pulang pula.
See? I could make her blush!
Dahil sa galit nga lang
Chapter 6
*other sides*
[Kryzel’s POV]
Rinig ko parin ang mga paguusap ng mga tao about sa incident kanina. Nakaalis na’t lahat si Naomi pero
pinaguusapan parin sila. Ang sweet sweet daw nilang dalawa.
Pumunta ko sa may bar counter. “give me any cocktail drinks, the strong one”
“how about pina colada ma’am? ”
“no, mild lang yun. Long island iced tea”
Nag mix na yung bartender ng cocktail ko then inabot niya saakin “here’s you’re long island iced tea ma’am. I
hope this drink will put a smile on your face ”
I didn’t mind the bartender instead I started sipping my drink.
Bakit ganun? I should be happy kasi alam kong unti-unti ng napapansin ni Stephen si Naomi, but still, bat ganito ang
nararamdaman ko. Para akong nagseselos.
Nagseselos kasi yung attention na ibinibigay ni Stephen kay Naomi is never niya pang nagawa saakin.
I admit na galit ako sa kanya because he used me. But still, mahal ko parin siya. Hanggang ngayon siya parin. Never
pa akong nainlove ng ganito sa buong buhay ko. PEro bat ganun? Bat magmamahal pa ko sa taong manggagamit?
And why, of all people, ang taong pagseselosan ko is yung bestfriend ko?
I heared the bartender rang the bell. Ibig sabihin maraming tips. And pag marami ang nakuhang tips, mag fflairing
siya.
Narinig ko na nagpalakpakan ang mga tao nung nag fflair na yung bartender. I am watching him pero ayaw mag sink
in sa utak ko yung mga routines na ginagawa niya. Masyado akong pre-occupied.
Tumayo ako and umalis na.
[Stephen’s POV]
I cannot forget the look on her face. Pagkalabas na pagkalabas ko sa bistro, I burst in laughter.
So ma-ki-kiss ko lang siya pag mahal ko na siya? In her dreams!
Di ko siya hahabol-habulin dahil sa labi niya no! and anyways I can kiss anyone whenever I like.
Naguumpisa pa lang ang laban. Kung sabagay panalo na ako. Siya narin nag sabi na may gusto siya saakin. Kayang
kaya ko siyang makuha, paikutin at pagsawaan.
Bago pa ako masugod ng babaeng yun, sumakay na ako sa kotse ko and pinaandar papunta sa condo unit ng bigla
namang mag ring ang cellphone ko.
Calling..
Steve Cruz
Oh, ano naman gusto nito?!
I answered the phone “what do you want?”
“that’s a very nice greeting my son”
“ano nga dad? I’m busy you know”
“umuwi ka muna ngayong gabi dito”
“ha?! Bakit?! ”
Nakakainis naman! Madami pa akong bar na pupuntahan!
“basta! Wag ka umangal! I need you to be here within 20 minutes or else I’ll cut your allowance”
“but!!— “
Before I could react, he already hang up the phone!
Nakakakinis!!
Dumiretso ako sa bahay namin. Oo nga pala, hindi ako madalas umuwi dito. Lagi lang ako nasa condo kahit malapit
lang ang bahay namin sa school. Mas gusto ko pa humiwalay kesa tumira dito.
May naalala lang akong hindi magagandang bagay.
Pagpasok ko ng bahay, agad ako sinalubong ng isa naming maid and sinabi na pumunta ako sa dining hall.
Dumiretso naman ako agad dun and I saw my dad, together with a lady around his age.
“what is this? ”
“son, you’re here” they both stand “I want you to meet Alice, my future wife ”
“what?! ” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni dad “future wife?! You’ve got to be kidding me! ”
“I’m sorry, but this is not a joke” he held her hands “I love her”
Tumawa ako bigla. Malakas na tawa “LOVE? You LOVE her? Alam mo ba ang sinasabi mo?! Or baka naman
nakalimutan mo na ang nangyari sayo because of that LOVE?! ”
“Stephen, matagal na yun. I moved on!”
“well, I’m not! Hindi ako pumapayag!!! ”
I stormed out at dumiretso sa room ko para magkulong.
Love?! Dahil sa lintik na love na yan sira ang pamilya ko!!
Let me tell you something. When I was still a kid, my mom left us for another guy. MAHAL daw niya kasi yung
lalaking yun kesa kay dad. At dahil MAHAL ni dad si mom, halos mabaliw siya nung iniwan niya kami. Everynight lagi
siyang may dalang iba’t ibang babae. He even went to bed with most of them. Hindi na siya halos nagtatrabaho.
Pinabayaan niya sarili niya, pati ang anak niya. Galit na galit ako sa kanila nun, sa dad ko lalo na sa mom ko.
Ipinangako ko sa sarili ko na never akong masasaktan dahil sa lintin na pagmamahal na yan! Dahil wala namang
babaeng seryso! All of them are like my mom! Lahat sila dapat lang na paglaruan at saktan!
Dahil sila ang dahilan bat sira ang pamilya ko.
Ngayon magdadala na naman si dad ng panibagong babae na sisira sa buhay namin?!
Hindi ako papayag!
Chapter 7
*girl’s bestfriend*
[Naomi’s POV]
“alam mo hotdog, nakakainis talaga siya. Dalawang beses na niya ako ninakawan ng halik! Napaka manyak
talaga ng lalaking yun! Manyak na babaero! Pero infairness, magaling siya sa pambobola. Kaya nga babaero
di ba?! Naku! Kayong mga lalaki kayo napaka manloloko! Buti pa ang papa Drew ko!”
Nandito ako ngayon sa park para maglakad lakad kasama ng aso kong si Hotdog. And ayun sa kanya narin ako
nagkwento ng nagkwento about sa humal na lalaking si Stephen.
Nakakainis kasi talaga yung lalaking yun!!! After ng eksena niya saakin kagabi, halos di na ko makakanta ng maayos
at nagkakamali narin ako sa mga lyrics ng kanta ko. Napagtatawanan na nga ako ng mga customers sa bistro ni
Kryzel eh. Masyado daw ako na lovestruck sa ginawa ng manliligaw ko!
AS if naman! Love struck? Sa kanya?! EEEEEWWWW. Wag na uy!
Tsaka di siya nanliligaw no! baka nga ako pa nanliligaw eh!! Naku naman!!
Sana naman ma-fall na sa alindog ko ang lalaking yun ng matapos na to!!
Umupo ako sa isang bench then hinimas ko yung gilid ng tenga ni hotdog
“hotdog, namimiss ko na si Drew. Ilang araw ko na siya hindi nakikita dahil nagiging busy ako sa
pagpapapansin kay Stephen. Miss na miss ko na siya. Promise talaga pag natapos ang lahat ng to
magtatapat na ko sa kanya. Sana lang hindi pa ko huli pag dumating ang panahon na yun. ”
“wag diyan nakikiliti ako”
WAAAH Nagsalita si HOTDOG?! Pero parang boses ng babae. Malandi eh.
Napalingon ako dun sa babaeng may malanding boses and nakita ko, sa may gilid ng puno, kasama ng babaeng
may malanding boses ay si Stephen na nakikipaglandian.
Ay talaga naman!!!! Kahit ba weekends makakakita parin ako ng demonyo?! Grabe naman! Hindi ako tinantanan.
Worst, nakikipaghalikan siya sa ibang babae.
Napatingin ako kay hotdog and napatingin ulit ako sa dalawang naglalandian.
Hmm.
Lightbulb!
“hotdog, napakatalino mong aso at natrain naman kita ng husto. I trust you. Tumakbo ka papalapit sa kanila
” binitawan ko yung tali ni hotdog and as I told tumakbo nga siya papalapit dun sa dalawa. Dinamba niya yung lintang
babae atsaka diniladilaan ito.
Good boy.
“waaaaaaaaaaaaaaaaahh!! OMG! OMG!!!!!”
Nakita ko na puno ng paw prints ni hotdog ang spaghetti top nung babae. Si Stephen naman hindi malaman kung
paalisin ba si hotdog dun or hindi. Tumakbo ako palapit sa kanila.
“Hotdog come here!”
Lumapit saakin si hotdog. “good boy, good boy”
“It’s that your dog?! ”
“obvious ba?!”
“tignan mo ang ginawa niya saakin!! ” nag-amba siyang hahampasin si hotdog kaya nanan hinarap ko siya
“Oh, wag mong subukan saktan ang alaga ko, ni-hindi ko nga to pinadadapuan sa lamok eh! Baka gusto
mong patulugin kita ngayon!”
“then pay for my shirt!!! ”
“why? Hindi pa ba sapat na payment ang paghalik mo sa boyfriend ko? ”
Nakita kong nagulat si Stephen sa sinabi ko
“boyfriend? FYI, he’s everyone’s boyfriend!”
“sorry” hinatak ko yung braso ni Stephen palapit saakin “but I don’t share! Hintayin mo na lang na magbreak
kami darling tsaka mo siya halikan! Oh and by the way, kung nagdedemand ka talaga ng bayad sa shirt
mo,” inabutan ko siya ng pera “ayan ang bente pesos, ipa-laundry mo na lang ”
“grrr! Humandan ka sakin! Makikita mo!! Maghintay ka lang!! ”
“sure, I can wait ”
Kitang-kita ko na inis na inis na saakin yung babae. Pero dahil wala naman siyang magawa, lumayas na lang siya.
Sus. Chicken.
“so, possessive ka pala?” nakita ko sa mukha niya na nangingiti siya na ewan. Hindi siguro nito malaman kung
maiinis siya, magwawala, matatawa or kikiligin dahil dun sa ginawa ko.
“yes, and ayoko ng may kahati”
“pero tayo na? ”
“of course not! Ano ka sinuswerte! Magiging tayo lang kung ready ka na sa serious relationship!”
“alam mo nakakatawa ka talaga, sa dinami dami ng lalaki bat saakin ka ng hihingi ng serious relationship
samantalang alam mong hindi ako makatagal sa isang babae ng lagpas 3 araw?”
“na-inlove ka na ba? ”
“ano bang klaseng tanong yan!!”
“kung hindi pa, wag kang mag conclude na di mo kaya ”
“arf! Arf!!”
Bigla kong nabitawan ang pagkakahawak ko sa tali ni hotdog at tumakbo to palayo
“wait, hotdog!!” hinabol ko si hotdog and nakita kong nilapitan niya ang isang lalaki.
“Drew?”
“oh, Naomi. Sabi na nandito ka, nagulat kasi ako bigla akong nilapitan ni hotdog eh ”
Kung may malas kang makikita, may swerte. Kung may demonyo, may anghel.
I love you hotdog! Sino ba nagsabi na man’s bestfriend lang ang aso? Pwede ring girl’s bestfriend!
“ah, hehe naglakad lakad kami ni hotdog. Alam mo naman ang mga golden retriever, masyadong active. Pag
hindi mo nailabas ng bahay nag sisira ng gamit”
“ang bait mo namang amo. Kaya ang galing-galing ng alaga mo eh” hinimas niya ang ulo ni hotdog
“tara, gusto mo ba kami sabayan sa pag lalakad?”
“sure!”
“Nami!!” tumakbo palapit saamin si Stephen. Naku po nakalimutan ko ang isang to! “Nami, let’s go. Kain na
tayo” bigla naman niya ako inakbayan sa harap ni Drew
GGRRRRRRRRRR WALANGYANG LALAKI PANIRA NG MOMENT!
“ah, hehe mauna ka na lang Stephen!”
“bakit ba? Gusto ko makasama ang mahal ko! Tara na kain na tayo and you promised me ”biglang umungkot
yung mukha niya na parang disappointed at hurt na ewan
Galing mong umarte tsong!!!
“Naomi, una na ko, may kasama ka pala. Maybe next time ”
“s-sige. See you”
“bye ” he waved at me and nag simula na ulit mag jogging
“sino yun? Type mo ba yun?! ”
“ay malamang hindi! Kanino ba ko nanghihingi ng serious relationship?! Sa kanya ba?! ”
He grinned “good. Possessive din kasi ako ” Nag unat siya ng braso sabay akbay saakin, “tara kain na lang
tayo, my treat ”
Hay naku!
[that night]
10 things to do to break the Casanova’s heart
1. Make him notice you.
2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet
3. Make him ask you on a date
4. Make sure that date will be the one he will remember the most
5. Make sure that he will take you seriously
6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating
7. Make him introduce you to his parents
8. Make him kiss you
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
1 down, 9 to go. Excited na excited na ako matapos eto ng makapagtapat narin ako kay Drew my loves!
Number 2 – Do a thing for him that the other girl’s hasn’t done yet
Ano naman kaya yun? Kung sapakin ko na lang kaya siya sa harap ng maraming tao? Malamang wala pang
nakakagawa na ibang babae sa kanya nun?
Hay naku. Ano ba dapat ang gawin ko?
Kinuha ko yung guitar ko. Kesa sumakit ang ulo ko makapag practice na lang ng susunod kong kakantahin next
week.
Wait a minute kapeng mainit.
Paano kaya kung ang gawin ko ay---
LIGHT BULB! An idea struck me.
Kinuha ko agad ang cellphone and called Yannie
“Yannie, do you know any band?”
“yes, why?”
“good, I have an idea. Introduce me to them tomorrow”
Chapter 8
*Hey Stephen*
[Naomi’s POV]
“so Naomi, this is Ray their drummer, Denzel, the pianist, Adrian the lead, and Christian bass and the
vocalist”
“hello, nice meeting you all ”
“hi Naomi! ”
“hi cutie!! ” tumakbo si France palapit dun kay Ray atsaka naman ipinulupot ang mga braso niya dun “I’m France ”
Hinila naman siya ni Yannie “hoy Fransisco Juan, umayos ayos ka nga diyan! Para kang linta!!”
“eewww! How many times should I tell you not to call me Fransisco Juan?! France ang name ko FRANCE!! ”
“hay naku guys pag pasensyahan niyo na ang lintang ito! Pero kahit ganyan yan may pusong tao parin yan.
Anyways thank you guys for accepting my favor”
“It’s alright Yannie, malakas ka samin eh! And besides, we can’t turn down this beautiful lady over here ” he
looked at me
I smiled. Hmm mukha namang mababait sila at mga gentleman! Isa pa napaka honest nila. Sabihan daw ba akong
maganda eh totoo naman?
“anyways uhmm ano ba ang plano natin?”
“oh, Naomi should discuss that. Naomi?”
I smile “here is the plan”
[Stephen’s POV]
“I didn’t know you’re such a great kisser sweetie”
“I guess, looks can be deceiving ”
She’s Apple Ignacio my new girlfriend. The Campus queen of our university. Kung titignan mo ang itsura niya she
look very innocent and smart. May bad side din pala. Who would have thought na pumapayag siya sa fling at
makipag make-out sa school?
Mga babae talaga.
Pero sa lahat ng babaeng nakilala ko, yung Naomi Mikael Perez na yun ang kakaiba. Aba naman talagang hindi
sumusuko dun sa serious relationship na hinihingi niya. Pwede ko naman siya pagbigayn na maging girlfriend ko
kahit for 1 month tutal grabe akong naawil sa kanya . Grabe talaga!!
“excuse me”
Tumigil sa paghalik si Apple and lumingon dun sa nagsalita. Mm sino na naman ba to? Malamang si Nami na naman
at nagseselos .
Humarap din ako dun sa nagsalita and I saw her best friend instead.
“yes dear can we help you?”
Hindi niya ko pinansin instead lumingon siya kay Apple at may pinakitang picture sa kanya, picture namin habang
naghahalikan
“w-what--?”
“miss, you won Miss Campus Queen right? And also was given a full scholarship dahil sa pagkapanalo mo.
But what if ipakalat ko to sa buong campus? Ano kaya iisipin nila?”
“p-please d-don’t ”
“then break up with him and geto out of my face!! ”
Apple looked at me “I’m sorry ” then she ran away while crying
“look what you’ve done to that poor girl”
“Stephen” she held my hand “please, balikan mo na ko ”
Hay naku. Parehong pareho sila ng best friend niya, napaka kulet at the same time parehong nahuhumaling saakin.
Birds with the same feather flock together
“dear may I know your name”
“h-ha? Nakalimutan mo na ako agad? ”
“I’m sorry pero hindi ako matandain eh. So naging tayo na?”
“w-why could you be so cruel? ”
“I’m sorry darling pero hindi ko na binabalikan ang mga naging ex ko. Tapos ko na kasi sila pagsawaan. If
you come to beg me para balikan ka, I’m sorry but you’re wasting your time”
I walked away
"do you like her?!"
Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya
“do you like Naomi?”
“why did you ask?”
“please, wag siya ang gustuhin mo, ako na lang! mahal na mahal kita at di kita sasaktan! Please ”
“and siya sasaktan ako? ” nilapitan ko siya then I held her chin “don’t worry, as long as I don’t love, I won’t get
hurt ” I gave her a smack on her lips then I walked away.
Hay naku, ilang oras palang na nagiging kami ni Apple naghiwalay na kami agad. Tsk sayang naman, mukha pa
namang mage enjoy ako sa kanya.
“OMG!!! ANG GWAPOOOO MOOO TALAGAAAAAAAAAA!!!”
Napalingon ako sa may gym and nakita kong may mga babaeng nagtitilian habang nanunuod ng basketball game.
“Drew Fernandez ang gwapo gwapo mo talagaaa! Akin ka na lang!! Yiiiiieeeee!!”
Napataas ang kilay ko. Drew Fernandez? Ayun yung lalaking kinausap ni Nami sa park ah? Yung mukhang
pumuporma sa kanya at kay hotdog! Hmp! Gwapo? Eh kamukha lang niya ang kuko ko eh!! Walang binatbat yan
saakin!!
“papa stepheeeeeennn!!!! ” nagulat na lang ako out of no where may dumamba saaking isang lamang lupa
“waaaaaaaaaah!! Bitawan mo ko bitawan mo ko!!!”
“sumama ka sakin papa Stephen!!”
Pilit ko siyang itinutulak sa pagkakapulupot sa braso ko kaso ayaw umalis. Anak ng tokwang bakla kung makapulupot
akala mo anaconda!
“Heh bitawan mo ko!!! At bakit ako sasama sayo ha?! San mo ko dadalhin?!”
Kumindat siya saakin “sa heaven ”
Swear parang tumayo ang balahibo ko sa buong katawan. Grabe nakakakilabot!!
“bitawan mo kooo!!!”
“hay ang kiri-kiri mo talaga France!! ”
Napalingon ako sa dumating and I was shocked nung nakita ko kung sino yun
“Alyana?!”
“oh! Hi Stephen! ”
“Alyana? Yannie? Kilala ka niya? ”
“di ba nga sabi ko ex ko siya?”
“Alyana naman, it hurts me to be addressed like that. ”
“oh I’m sorry Stephen ”
“long time no see ”
“yeah I know, we’re in the same school pero di tayo madalas magkita. Mukhang busying busy ka kasi”
I grinned. I’m happy to see her. Namiss ko din tong isang to!
“medyo”
“teka, close kayo? ”
Hinila ni Alyana yung lamang lupa “tumahimik ka nga muna Fransisco Juan!” she looked at me“by the way
Stephen, I think you should go to the quadrangle if you want to see something interesting ”
“huh? ”
Sabay-sabay kami nagpunta sa quadrangle at ako’y nabigla ng makita ko ang pagmumuhka kong gwapo sa isang
malaking tarpuline na nasa stage at may nakalagay na
“I love you very much Stephen Cruz. My heart sings your name”
Halos di ako makakilos sa nakikita ko.
“HOY BABAERONG STEPHEN CRUZ NAKIKINIG KA BA?!”
And mas na shock ako ng makita ko si Nami na nasa stage kasama ang isang banda.
“oh bakit ganyan ang mukha mo? Gulat ka no! hah! Wala pang nakakagawa sayo ng ganitong bagay no? ako
pala ang first? Good. Halata naman sa mukha mo eh kasi nanlalaki ang singkit mong mata. Ayan tuloy mas
lalo akong naiinlove sayo ”
Naghiyawan ang mga tsismosong nakikinuod
“making ka sa kakantahin ko dahil ito ang gustong sabihin ng puso ko ” she snapped her fingers then nag start
tumugtog ang banda
“Hmmm hmmm hmmm hmm hmm
Hey Stephen, I know looks can be deceiving
But I know I saw a light in you
And as we walked we were talking
I didn't say half the things I wanted to
Of all the girls tossing rocks at your window
I'll be the one waiting there even when it's cold
Hey Stephen, boy, you might have me believing
I don't always have to be alone
'Cause I can't help it if you look like an angel
Can't help it if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I've been feeling since I met you
Can't help it if there's no one else
Mmm, I can't help myself”
Tss paano kaya kung makita siya ng bestfriend niya ngayon? Baka naman mag-away silang dalawa? Kung sabagay
kung papipiliin ako I’ll choose Nami.
She sure got some style.
And tama siya, she’s the very first person to do this to me.
"Hey Stephen, I've been holding back this feeling
So I got some things to say to you
I've seen it all, so I thought
But I never seen nobody shine the way you do
The way you walk, way you talk, way you say my name
It's beautiful, wonderful, don't you ever change
Hey Stephen, why are people always leaving?
I think you and I should stay the same
'Cause I can't help it if you look like an angel
Can't help it if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I've been feeling since I met you
Can't help it if there's no one else
Mmm, I can't help myself"
Inalis niya yung mic sa stand then bumaba siya sa stage papalapit saakin
"They're dimming the street lights, you're perfect for me
Why aren't you here tonight?
I'm waiting alone now, so come on and come out
And pull me near and shine, shine, shine"
This time nasa harapan ko na siya. She held my hand and looked me in the eyes while singing the song na para
bang yung lyrics nito ay yung matagal na niyang gustong sabihin saakin
“Hey Stephen, I could give you fifty reasons
Why I should be the one you choose
All those other girls, well, they're beautiful
But would they write a song for you?”
She smile then bigla niya ko hinila paakyat ng stage
“I can't help it if you look like an angel
Can't help it if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I've been feeling since I met you
Can't help it if there's no one else
Mmm, I can't help myself
If you look like an angel
Can't help it if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I've been feeling since I met you
Can't help it if there's no one else
Mmm, I can't help myself
Myself
Can't help myself
I can't help myself
Oh oh oh
Hm hm hm hm hm”
After she finished the song she bowed
Hay ibang klase talaga. Kakaiba siya
She never fails to amuse me.
[Naomi’s POV]
After I sang nagpalakpakan yung mga nanunuod. I even saw Yannie winked at me.
YES!! I DID IT!
I face Stephen “nagustuhan mo ba ang ginawa ko?”
“malakas talaga ang tama mo sakin no? I never thought na magagawa mo to, I appreciate it darling” he put
his arms around my waist and then pulled me closer to him “and as a thank you gift..”
Bigla niya ako inislide pahiga while his arms is supporting my body. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko
and rinig na rinig ko yung lakas ng hiyawan ng mga tao.
Yun nga lang mas malakas ang tibok ng puso ko. Bigla kong tinabing ang mukha niya
“oh, nakakadalawang stolen kiss ka na sakin, tama na muna yan ha?’
Inayos niya ako ng tayo then he kissed my cheeks instead “thank you, Nami ”
Nagulat ako sa sinabi niya, and I swear bigla akong namula.
T-teka, bat ako nag bublush dahil sa kanya?
Tumingin ako sa mga audience para tignan ang reaction nila Yannie and France, but instead iba nakita ko.
It was Drew.
He was looking at us seriously, ni hindi ngumingiti. Nung nakita niyang nakatingin ako he looked away at bigla na
lang umalis.
Oh no.
Chapter 9
*gorgeous *
[Naomi's POV]
"OMG Naomi! Di ko alam na keribells mong magpakilig ng bonggacious!"
"nice job Naomi"
"thanks, wait lang muna saglit"
Tumakbo ako palayo sa kanila. The moment na nakahanap ako ng pagkakataon, sinundan ko agad si Drew.
Tama ba ang nakita ko? Nagalit ba siya? Nagselos?
Sheeeeeeeeemay kinikilig ako! Ibig sabihin ba nun eh may lihim siyang pagtingin saakin? oh gulay! Sana nga.. sana
nga.. sana nga..
Paano kung magtapat na siya saakin ngayon at ibunyag ang kanyang undying love para saakin? Sasagutin ko nab a
agad? Or magpapaligaw muna ako?
Syempre! Dapat magpaligaw muna at pag sinabing ligaw kailangan niyang dumaan sa butas ng karayom! Hindi
naman saakin siya mahihirapan eh kundi sa apat kong kuya. Hihihi.
Pero saan na nga ba nagsuot ang aking future boyfriend?
"grabe ang lakas ng loob niyang kantahan si Stephen ah! But infairness nakakakilig!"
Napahinto ako sa pagtakbo.
Nakalimutan ko si Stephen.
Oo nga pala, hindi ako pwedeng magkaroon ng boyfriend dahil sa kanya. Di ba nga inlababo dapat ako kay
Stephen? To the point na head over heels ako sa kanya kaya ako ang nanliligaw.
Pero paano ang love life ko? Paano kung gusto nga talaga ako ni Drew? Ano gagawin ko pag nagtapat siya saakin?
Anong palusot ang sasabihin ko samantalang parang ipinagsigawan ko na sa buong mundo na mahal na mahal ko si
Stephen?
Hay buhay! Kung si Stephen ay isang taong marunong magmahal, hindi sana ako nahihirapan ngayon!
Bat pa kasi may ipinapanganak sa mundo na mga manloloko eh.
Naglakad ako papunta sa basketball court and nagbaka sakaling nandun si Drew. Hindi ako nagkamali, nandun siya
pero wala ngayon mga babaeng nakapalibot sa kanya. Siya lang magisa naglalaro.
I watched him threw a three point shot. Ang gwapo talaga ng lalaking to kahit pawis na pawis na. Kahit saang
anggulo ko tignan naiinlove parin ako sa ka-gwapuhan niya. Para siyang si Rukawa ng Slam Dunk. Cool. Gwapo.
Heartthrob. And higit sa lahat napakabait at gentleman.
Every girls dream.
"D-drew"
Napalingon siya saakin.
"oh, Naomi " he smile then tumakbo siya papalapit saakin "bat ka napunta dito?"
"uhmm, ano, err o-ok ka lang ba?"
"oo naman bat mo naitanong?"
So guni-guni ko lang ang nakita ko? Hindi siya nakasimangot nun? Hindi siya nagselos? Or baka naman talagang
hindi siya ang nakita ko? Ano yun doppelganger niya?
"w-wala naman. Sige alis na ko, babalik na ko sa classroom ko"
Tinalikuran ko na si Drew ng bigla niyang hatakin ang kamay ko. He look so serious. Yung expression niya na nakita
ko kanina.
"Naomi, I don't want you to get hurt "
"Drew.."
Ano daw sabi niya? ayaw niya akong masaktan? bakit? dahil mahal niya ako? OH GULAAAY
Binitawan niya yung kamay ko.
Oh wag muna.
"uhm, j-just a friendly advice, ingat ka sa kanya"
"ok, thanks"
Iniwan ko si Drew doon
Just a friendly advice.
Ok fine! He cares for me kasi kaibigan niya ako! Tama nga ang sinabi nila: expecting doesn't hurt too much,
assuming does. Napaka assuming ko para isipin na may gusto siya saakin! sino ba naman ako kumpara sa mga
babaeng nakapaligid sa kanya?!
Isang nerd na mukhang tibo!
Sa isip niya siguro ganun parin ako. Kahit na ang ganda ko na ngayon (at alam ko naman talaga na kahit noon pa
maganda na talaga ako) hindi parin niya ako pinapansin. Ni hindi nga niya sinabi saakin na maganda ako eh!
Buti pa si Stephen, naappreciate!
Kung ang kanta ko kay Stephen is Hey Stephen dahil sa dami ng babaeng nagkakagulo sa kanya, ang kanta ko
naman kay Drew is teardrops on my guitar.
Drew looks at me I fake a smile so he won't see wha I want and I need and everything that we should be.
Honestly, what's with Taylor Swift songs? Parang feeling ko inaasar ako ni taylor swift eh!!
"look who's here"
Napatingin ako dun sa mga babaeng ang tataas ng mga kilay. Pinalibutan naman nila ako. Hmm para akong nasa
Korean drama ah at ako ang bidang api-apihan sa mga kontrabidang mukhang mga palaka.
"wag please" sinabi ko sa kanila na may expression ng sobrang amo at talagang nagmamakaawa.
"so Stephen likes weak girls now? " they all laugh. Hinawakan ng isa yung mukha ko. "kung hindi dahil sa make-over
hindi naman magiging ganyan ang mukha mo eh! Geek! Tingin mo naman mapapansin ka na ni Stephen sa
ginagawa mong yan "
"bitawan mo ako please ."
Nagtawanan silang lahat "wala ka naman binatbat eh! Panget ka na duwag pa!!!"
"sabi ng bitawan mo ko eh!!! " tinulak ko yung babae kaya lumipad siya sa floor. It's my turn para tumaas ang kilay
"so feeling niyo kayo ang mapapansin ni Stephen?! Atleast ako gumanda dahil sa make-over eh kayo kahit anong
make over pa ang gawin niyo at kahit anong kapal ng make-up ang itapal sa pagmumukha niyo mukha parin kayong
mga palaka!!! "
"you--!!! " sinugod ako ni palaka. Sasampalin na niya ko kaya lang nasalo ko ang kamay niya at bigla kong pinalanding
ang palad ko sa mukha niya. Kitang kita ko ang bakat ng kamay ko sa pasngi niya
"opps, sorry. Nagmamalasakit lang dear, hindi kasi pantay yung blush-on mo. Pinantay ko lang "
"how dare you!!! " kitang kita sa mukha niya ang panlalaki ng mga mata niya. So akala niya talagang api-apihan ako?
Joke lang yun no. Nagdrama lang para kunyari nasa Korean drama talaga ako.
"oh wag mo naman ako masyadong panlakihan ng mata baka mamaya maging permanent na yan mas lalong
magmukha kang palaka"
"nakakinis ka!!! " susugurin ulit ako nung babe kaso naunahan ko na naman siya at tinulak. Lumipad na naman siya
buti na lang nasalo siya ng mga kaibigan niya.
Siguro yun ang function ng mga julalay niya, tagasalo? Hahaha.
At ang lakas din naman kasi ng loob ng babaeng to na sugurin ako eh wala naman talaga siyang laban sakin. Sus,
sa labing walong taon kong pagkakaroon ng apat na kuya na walang ibang ginawa kundi i-wrestling ako, natural eh
magiging basagulera ako!
"may araw ka rin!! "
Nagsialisan na ang mga palaka.
Hay naku masama akong ginagalit lalo na kung broken hearted ako!
"haha ang liit liit mo pero ang tapang tapang mo "
Nakita ko naman ang gwapong demonyo na si Stephen Cruz na nakasandal sa wall. So pinanunuod niya pala kami?
Gentleman siya infairness, hindi nagabala na tulungan ako! Kung sabagay carryng carry ko naman ang mga yun.
"kanina ka pa diyan?"
"yep, and nakaa-enjoy kayo panuorin. Akala ko maglulupasay ka na kanina eh! "
I glared at him "thank you sa concern "
Inakbayan naman niya ako "babes namiss mo ba ko? "
"paano kita mamimiss samantalang halos 10 minuto lang tayong hindi nagkikita?!"
"oh relax. Highblood ka masyado eh! May gusto ka ba talaga saakin? "
Oo nga pala, dapat makipag flirt din ako sa unggoy na to.
"hindi talaga kita namiss!! paano kita mamimiss samantalang sa kahit kaninong lalaki ako tumingin mukha mo ang
nakikita ko?" shet ano ba itong sinasabi ko kinikilabatutan ako!
Nakita ko naman napataas din ang kilay niya, as in sobrang taas, then bigla siyang tumawa ng malakas.
Ano naman ang nakakatawa? Ang korny kaya ng sinabi ko. Ano bang klaseng sense of humor meron ang isang to?
"grabe! Nakakatuwa ka talaga! Ibang klase ka! Kahit banat mo kakaiba! Hahahahahahahahahahaha "
Binatukan ko nga "aray!! Bat mo ko binatukan!! "
"galing sa puso ko ang sinabi ko tapos pagtatawanan mo ko?! "
"sorry na babes" ngumuso naman siya and nag akmang hahalikan ako, tinabing ko ang ulo niya
"wag mo nga akong tatawagin ng ganyan! Anong feeling mo tayo na?"
"bakit hindi pa ba? Ako ang ililigawan di ba? ako ang mag dedesisyon kung kelan magiging tayo. So sinasagot na
kita kaya girlfriend na kita. Tara na sa motel! " kinuha niya ang kamay ko at hinila ako
"ANONG MOTEL?! MANYAK KA TALAGAAAA!! Tsaka di pa kita boyfriend no!!"
"joke lang ang sa motel, pero hindi joke yung pagiging girlfriend mo "
"in yo face! Tsaka na pag mahal mo na ko"
"kailangan pa ba nun? " he stretched his arms then nilgaya niya yung dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya "tara
na nga sa room, babes"
Naglakad na siya palayo.
"uhmm Stephen!! Am I beautiful?"
Napatingin siya saakin then tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "nope, you're not."
"ha?"
"hindi ka rin cute, you're not even pretty" umiling iling siya
"ok."
Binilisan ko ang paglalakad ko. Hmp!! Hindi rin pala niya appreciated ang make-over ko! Nakakainis! Siguro kaya
hindi ako sinasabihan ni Drew na maganda ako kasi hindi naman talaga. Eto na naman ako masyadong assuming!!
Nakakainis .
"babes!" naramdaman kong may mga kamay na humawak sa waist ko then hinila ako palapit sa kanya. Inilapit niya
ang face niya sa face ko then he touched my nose "if I say you are beautiful then I am comparing you to a sunset. If I
say you are cute then I am comparing you to a dog. And babes, the word pretty is not enough to describe you" he pull
me closer to him then itinapat niya ang lips niya sa ears ko then he whispered gently "you are gorgeous"
I blush.
[dismissal]
Nandito ako ngayon sa headquarters at tiniignan ang sarili ko sa salamin
Gorgeous.. gorgeous.. gorgeous..
"hoy bakla! Kanina ka pa tingin ng tingin sa salamin! Sige na ikaw na ang maganda!!"
"tsk panira naman tong si France oh!"
"oo nga pala Naomi, nakita ko yung ginawa mo kanina, ang galing mo ha! Infairness natulala si playboy!"
"hindi lang natulala, kinilig pa yan for sure!"
"iba karin Naomi!"
"naman! Creation ko yan eh!"
"anong creation mo?! Magaling lang talaga ako pumili!"
Nagtawanan kami. Eto talagang si France lahat na inangkin.
"o siya may klase pa ako una na ko"
"ako din, sama na ko sayo"
Nagalisan na yung ibang members. Naupo naman ako sa tabi ni France at Yannie.
"ay oo nga pala Yannie! Grabe ka ah ginulantang mo ako! Bat kayo close nitong si Stephen?"
"sabi ko nga sayo ex ko nga siya!"
"eh lahat naman tayo dito ex ni Stephen! bat ako ex niya di manlang ako maalala!!"
"sino ba naman gustong umalala sayo? "
"you're so mean"
Napaisip ako bigla "oo nga Yannie, ang alam ko nagiging cold si Stephen sa mga nagiging ex niya eh kasi according
sa kanya eh pinagsawaan na niya yun"
"corrected by! At sayo no sign of coldness! Parang natuwa pa siya na nakita ka niya. And ayaw niya na i-address na
ex mo siya. Tapos masyado ka pang maraming alam sa kanya. Ano ba talagang meron sa inyo?"
"alam mo Fransisco Juan, masyado kang matanong eh. Let's just say isa ako sa mga ex ni Stephen na hindi niya
makakalimutan "
Isa sa mga ex na hindi makakalimutan?
Sabi ni France close daw si Yannie at Stephen. At halata naman kasi mukhang maraming alam si Yannie about kay
Stephen.
Kung close sila, ibig sabihin magkaibigan na sila ngayon. Pero ang pagkakaalala ko si Yannie ang founder ng club na
to at nangunguna sa planong paghihiganti kay Stephen.
Bakit?
Ano bang ginawa ni Stephen para magalit ng ganun si Yannie?
Now, I am very curious.
Chapter 10
*first time*
[Naomi’s POV]
10 things to do to break the Casanova’s heart
1. Make him notice you.
2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet
3. Make him ask you on a date
4. Make sure that date will be the one he will remember the most
5. Make sure that he will take you seriously
6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating
7. Make him introduce you to his parents
8. Make him kiss you
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
Haaaaaay gravy! Sumasakit ang ulo ko kakaisip! Hindi madali-dali itong number 3 ah? Buti sana kung sinabi “ask him
on a date” kaso hindi eh dapat “make him ask you on a date.” Paano ko naman gagawin yun? Tokwa naman oh!
Kung yung 1 and 2 madali aba’y itong susunod hindi na. at talagang magkadugtong ang 3 and 4? Pag pumalpak ako
sa 4 uulitin ko na naman ang 3!
Nakakainis naman. Excited na akong matapos ito eh! Sino kaya ang gumawa ng listahang ito?! Grabe naman kasi!!
Pwede bang itapon ko na lang yung list then gumawa na lang ako ng sariling way para mapa-ibig siya?
Kalerkey!
“HOOYYY! ”
“AY TOKWA!! ” bigla kong tinago yung list sa bag ko. Juskooo muntik na yun ah! Bat ba kasi parang kabute siya na
basta sumusulpot
“Oh? Bat ka nakapangalumbaba diyan ha? Miss mo na ko? ” tumawa siya “ay wait, oo nga pala hindi mo ko
mamimiss kasi kahit sinong lalaki ang tignan mo mukha ko parin ang nakikita mo ”at again, tumawa siya ng
sobrang lakas.
So talagang naalala niya pa ang sinabi kong yun?! Kayamot eh no!! kinikilabutan kaya ako kada maalala ko yun!!
Nakuuuuuuuuuuu nakakayamot siya! Ang sarap niya sakalin kaya nakakapagtaka kung bakit nahuhumaling sa kanya
ang mga kababaihan at mga kabaklaan!
“oh? Bat di ka makapagsalita? Gwapong gwapo ka naman masyado saakin ”
Sige na siya na winner sa payabangan award!
“oo, ang gwapo mo talaga Stephen. Pwede mo ba akong ihatid sa bahay namin mamaya? ”
Napatulala siya sa sinabi ko. Ha! Nakuha ko na style nito eh, kesa makipag away sakanya mas ok pa kung sakyan
mo na lang siya.
“s-sige” tumalikod siya saakin tsaka bumalik sa upuan nun.
Ako naman ang lumapit sa kanya, then humarap ako ng ngiting ngiti
“b-bakit?”
“haha bat ganyan ang itsura mo? Kinilig ka no?! ”
“hindi no! pwede ba umalis ka nga dito baka magbago pa isip ko sa pagsama sayo mamaya!!”
“sus, wag mo na kasing ideny na naiinlove ka na sakin ”
“babes I don’t know how to love ”
“kakainin mo din yang sinabi mo ”
Bumalik ako sa upuan ko. Sana nga talaga nagkakagusto na siya saakin para mapadali na ang paghihirap ko!
[dismissal]
Babes, wait mo ko sa north gate ha. May kailangan lang ako daanan saglit sa club
Naku naman I’m gonna kill him pag pinaghitay niya ako dito ng 5 minuto!!
Oo nga pala member si Stephen sa journalist club. O di ba, kahit babaero siya may alam din naman pala siyang
matinong gawin sa buhay. Nagtataka nga ako at bakit nag HRM yan eh. Sana journalism na lang, or Mass Com, or
English Major? Basta kahit anong may kinalaman sa hobby niya, bakit HRM pa? kung saan nandun din ako?
Hmp! Kayamot.
Eto ako ngayon naghihintay sa lalaking pinaka hate ko.
May tumakip sa mata ko bigla from behind
“w-wait sino to? Stephen? Naku alam kong ikaw yan! Alisin mo na ang kamay mo at uuwi na ko!”
“ouch naman, selos ako” natahimik ako dun sa nagsalita. Inalis niya yung pagkakatakip sa mata ko and ayun nga
nakita ko ang aking papa Drew.
“D-drew”
Sheeeeeet ang gwapo niya! God ibigay niyo na lang sakin tong lalaking to please, I promise magpapakabait na ko.
Tutulong na ko sa gawaing bahay at papaliguan ko na si Hotdog.
“uhmm nagiisa ka ba?”
“ah.. oo”
Oo nagiisa ako, at ikaw din nagiisa ka rin. Meaning we are both single. Gusto mong maging in a relationship with
me?
“oh good, tara punta tayo sa mall! Naghahanap ako ng makakasamang kumain eh ”
Oh gulaaaaaaaaaaay! Moment ito!!! Kinikilig ako! He’s asking me on a date, he’s asking me on date!! Kung date nga
ba to?
Pero basta masosolo ko ang labidoo ko!
“sig—“
“NAMIIIII!!!!”
Napalingon kami agad dun sa taong tumawag saakin and sino pa nga ba ang tumatawag saakin ng Nami?!
Ang gwapong demonyo!
“halika na uuwi na tayo! ”
Crap. Nakalimutan ko siya!
“h-ha? K-kasi--”
Umakbay si Stephen saakin “babes, sino siya? Friend mo ba siya babes? Ipakilala mo naman siya
sakin babes! ”
So talagang kailangan ipagdiinan ang babes?
“uhmm maybe next time na lang. bye Naomi ”
“s-sige bye”
WAAAAAAAAAAH moment ko naglahong parang bula dahil sa demonyong ito !
“huy, alam mo pakiramdam ko may gusto yan sayo eh!”
“w-wala no! impossible naman yun! Tara na nga!”
[Kryzel’s POV]
“alam mo sinabihan niya ako na hindi siya masasaktan dahil hindi naman daw siya marunong mag-mahal!
Hahaha tapos alam mo sunod na ginawa niya? Hinalikan ako!! Hahahahahahaha *hik*”
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at nagpunta ako sa bistro namin para magpakalasing. For sure
pag nalaman ito ng daddy ko grounded ako nito!
At ewan ko nga bas a sarili ko bat ako nag kukwento sa bartender na ito, samantalang di ko naman siya kilala?
“Ma’am tama na po ang inom” hinila niya saakin yung bote pero kinuha ko ulit sa kamay niya
“anoo baaa! Wag ka nga makielam ha! Nakuuu! Patay ka sa daddy ko pag ako ginalit mo! Mwawalan ka ng
trabaho! Hahahaha”
“alam mo ang cute mo eh. Pero mas cute ka pag nalalasing ”
“tingin mo magugustuhan na ko ni Stephen pag nakita niya akong lasing? *hik*”
“hindi. Pero baka ibang tao oo. Wag mo nga aksayahin ang pagmamahal mo dun. Sayang ang ganda mo”
“haha grabe ka rin mambola! Sayang nga *hik* ang *hik ganda ko!! Kasi di ko makuha ang mahal ko *hik*”
“hay naku, panuorin mo na lang ako mag flair”
Medyo masakit na ang ulo ko at blur na ang paningin ko. Nawawala narin ako sa sarili ko pero nakita ko parin yung
paghagis hagis ng bote nung lalaki.
Nung matapos siya bigla naman ako natawa “hahahaha grabe ang galing mo mag hagis ng bote! Pwede ka na
sa perya! Hahahahahahaha ”
Napakamot siya ng ulo “ok narin. at least na napansin mo ang flair ko ngayon kesa yung last time ”
“alam mo ang gwapo mo! Gawin kitang boyfriend diyan eh!”
“pwede rin”
“ha? Pumapayag ka na? so deal boyfriend na kita hangga’t di ko nakakalimutan yang hayop na Stephen Cruz
na yan! ”
“sige sabi mo yan ha. Gagawa ako ng kasulatan”
Kumuha siya ng papel at ballpen at may sinulat siya “oh pumira ka dito”
Pumirma ako kung saan niya tinuro “at dahil boyfriend na kita” hinila ko siya palapit “hahalikan kita”
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, palapit ng palapit hanggang sa
Black out
. . .
. . . .
. . . . .
. . . . . . .
Nasilaw ako sa sikat ng araw. Tokwa sino ba nag bukas ng bintana sa kwarto ko? Sabi ng ayokong may pumapasok
sa room ko pag natutulog ako.
Napahawak ako sa ulo ko, grabe ang sakit, ang dami ko atang nainom eh. Teka sino kaya yung nag hatid saakin sa
bahay?
Naku po baka si daddy. Yari ako.
Bumangon ako and nagitla sa nakita ko.
H-hindi ito ang kwarto ko!
T-teka, nasaan ako?
Napasilip ako sa ilalim ng kumot at nakita kong naka undies lang ako
“WAAAAAAAAAAAAAAAAH!! ”
May lalaking lumabas galing sa C.R
“oh gising ka na pala. Good morning”
S-siya yung bartender namin ah! T-teka bat siya nandito, don’t tell me—
“ikaw! Ano ang ginawa mo sakin ha?! ”
Napangiti siya at lumapit saakin. Sobrang lapit “ako? Ikaw kaya yun! Di ko alam na aggressive ka pala.
Anyways, nag enjoy talaga ako sayo kagabi! ”
Naku po!
“so papasok na ko sa school. Ikaw din alam kong may klase ka pa. pero una na ko ha”
Tsaka ko lang napansin na naka uniform siya ng uniform ng school namin.
Ibig sabihin estudyante din siya dun?
Lumabas na siya and ako naman halos did makakilos kakaisip sa kung anong nangyari.
Ang alam ko lang eh lasing ako at parang baliw na tawa ng tawa, tapos parang may pinirmahan ako na something at
palapit ng palapit ang mukha ko sa kanya tapos..
WAAAAAAAAAAAAAHH It can’t be!!!
Mas masahol pa ata to sa pagkagusto ko kay Stephen
h-he’s my f-first---
Oh gosh i don't even know his name!!
Chapter 11
*Rainy day*
[Kryzel's POV]
Naglasing ako.
Nawala sa sarili.
Tumawa ng tumawa na parang loka loka.
Nag kwento ng lovelife sa bartender.
Tumawa ulit na parang loka-loka.
May kung anong pinirmahan.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.
Tapos-
Tapos-
HINDI KO TALAGA MAALALA!!!
Ampupu naman oh, may nangyari ba talaga?! Wala ako maalala! Teka, may sign ba na nawala ang virginity mo?
Sabi nila sumasakit daw yun ano eh, but I feel normal.
Kung magpatingin kaya ako sa doctor?
Waaaaaah naku naku aku wrong idea!!
Paano kung buntis na pala ako?!
WAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahh! Hayop na lalaking yun! Patatalsikin ko talaga siya sa bistro namin!!!
"BEEESSSSST!! "
Napalingon ako and nakita kong patakbo papunta saakin si Naomi.
"BBEESST!! " tumakbo din ako palapit sa kanya and nagtatalon kaming dalawa habang magkayakap.
"ilang araw kang di nagpapakita saakin! ano bang nangyari ha?!"
Umupo kami sa bench "ahm naging busy kasi"
Busy sa pagiging broken hearted kay Stephen.
Hay namiss ko tong bestfriend ko! Nakokonsensya tuloy ako na pinagselosan ko siya.
Nagkwentuhan lang kami saglit then naghiwalay na kami para pumunta sa kanya kanyang mga klase.
Hay hindi ko naikwento sa kanya yung nangyari last night. Alam ko rin naman na magwawala yun pag nalaman niya.
Isa pa ayoko narin na makita niya akong patay na patay parin kay Stephen to the point na nagpakalasing ako dahil
dun.
"ang lungkot na naman ng mukha mo"
Napalingon ako sa nagsalita and ayun nakita ko si Mr. Bartender sa harapan ko. Nag flashback na naman sakin ang
mga pinaggagagawa ko kagabi. Tinalikuran ko siya.
"hey, bakit mo iniiwasan ang boyfriend mo? "
Napatingin ako sa kanya "boyfriend?! Ano pinagsasasabi mo diyan ha?! Tsaka bat ka ganyan makipagusap saakin?!
amo mo ko baka nakaaklimutan mo "
"actually no, kasi hindi ikaw ang nagpapasweldo sakin. And besides, nasa school tayo ngayon. Naglalakad sa iisang
hallway, kumakain sa iisang cafeteria, at nagbabayad ng i-isang tuition. In short, hindi kita amo dito sa school na to.
And kung hindi mo naalala yung mga nangyari kagabi, ipapaalala ko sayo"
May inabot siya saaking papel. Binuksan ko, may nakita akong naka drawing na malaking heart. sa loob ng heart
may nakasulat:
I, Kryzel Aguilar, promise to held Rence Reboredo's heart until the day that I forgot my feelings to Stephen Cruz.
I promise to be a good girlfriend to him.
Signed by
Kryzel Aguilar
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng mabasa ko yun.
"kung hindi mo matandaan kung sino ako, I'm Rence Reboredo your boyfriend. So I'll fetch you tomorrow after class.
" He winked.
Oh gosh. Ano ba itong pinasok ko?
[Naomi's POV]
Dismissal Time.
Hindi ko na niyaya pa si Stephen na ihatid ako. Nakakainis lang siya eh! Bakit ba kailangan niyang sumulpot sa mga
panahong nagpapacute ako? Diba?
Ano kaya iniisip na saakin ng papa Drew ko? Baka nasa isip nun eh katulad na ko ng ibang babae na nagiging
girlfriend ni Stephen! At isa pa alam din niyang ex ni kryzel si Stephen. Hay di ko naman pwedeng sabihin sa kanya
ang dahilan.
Naglakad ako palabas ng gate at nagbabakasakaling bigla ulit sumulpot si Drew kaso hindi. Nag hintay pa ko ng 30
minutes sa harap ng north gate kaso wala parin eh.
Hay sayang talaga ang pagkakataon kahapon! Etong Stephen Cruz naman kasi na to eh!
Nung nakita kong medyo kumukulimlim na at parang uulan, umalis na ko. Wala pa naman akong dalang payong,
mahirap ng abutan ng ulan.
Habang naglalakad ako pauwi, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kung mamalasin ka nga naman!!
Tunakbo ako sa ministop at dun sumilong, kaso sa lakas ng ulan na to mukhang aabutin ako ng dilim dito. Naku
naman, wag din sanang bumaha. Pumasok ako sa loob ng ministop.
"mwah! "
Napatalon ako sa gulat nung biglang may humalik sa cheeks ko from behind.
At sino pa nga ba ang kaisa-isang manyak sa storyang to?
Hinampas ko yung braso niya "manyak mo no!"
"eto naman! Alam kong kinilig ka sa ginawa ko! "
Hmp kilig your face! Baka kinilabutan! Kung si Drew lang ang gumawa niyan baka kinilig ako.
"ano naman ginagawa mo dito?"
"nakikipag date" tinuro niya yung dalawang babae na kasama niya.
"Stephen, darling who is she?"
Lumapit sila kay Stephen at pinulupot ang mga braso nila sa magkabilang braso ni Stephen.
Ladies and gentleman, I want you to meet the linta girls.
"girls she's Nami my-"
"his girlfriend! " hinila ko si Stephen palayo sa linta girls "babes sabi mo pupunta na tayo sa condo mo babes. Tara na
babes baka bumaha pa dito babes"
Gantihan lang tsong! Bwahahahahaha.
"what are you talking about?"
"hindi kaya nagdadala ng babae si Stephen sa condo niya"
"yah I know kasi ako lang ang dinadala niya dun " hinila ko palabas si Stephen "let's go babes"
Nung nakalabas na kami binitiwan ko na yung braso niya "ibang klase ka talaga. Ganyan ka ba talaga kapatay sakin
"
Hmp! Kapal ng mukha!
"oo! May angal ka?! Hmp uuwi na ko diyan ka na!! "
"paano ka uuwi sa ganyang kalakas na ulan aber?"
"tatakbo" tinalikuran ko na siya pero hinila niya ulit ako
"sira ka ba! Gusto mong magkasakit? Dun ka na lang muna sa condo ko" tinuro niya yung building sa kabilang street
"tatawid lang tayo. pwede naman natin takbuhin"
"ayoko nga!! Ayoko sumama sa taksil na katulad mo! Babaero!! "
"ok kung ayaw mo di wag. Basta ako uuwi na ko ha? Goodluck na lang sa paglusong mo sa ulan " siya naman ang
tumalikod at naglakad palayo
"w-wait!" hinawakan ko yung kamay niya "sama na ko sayo"
He grinned "sus sasama ka rin pala! halika nga dito " inakbayan niya ako tapos ci-nover niya ng braso niya ang ulo
ko at sabay kami tumakbo papunta sa condo niya.
BWAHAHAHAHAHAHA
Ako ang unang babaeng makakapasok sa condo niya!!
Nung makaakyat kami sa condo niya inabutan niya agad ako ng towel.
Infairness, malaki din ang condo niya ah at ang ganda. Take note, ang linis linis niya. Kahit papaano pala eh malinis
din tong isang to. Mukha kasi siyang balahura eh!
"Nami nagpakayat ako ng pagkain dito. Dyan ka lang ah, mag s-shower lang ako"
"ok"
Pumasok siya sa loob ng banyo. Ako naman naupo sa kama niya.
Napansin kong may mga pictures sa side table niya kaya tinignan ko at nagulat ako nung makita ko kung sino ang
nasa picture na yun.
Si Stephen kasama si Yannie.
Ayan inaatake ako ng pagka curious na naman!
"oh ano tinitignan mo?"
Napatingin naman ako kay Stephen at kung nagulantang ako sa picture mas nagulantang ako sa kanya.
Naka tapis lang naman siyang lumabas ng banyo, basa ang buhok, at kitang kita ko ang anim na pandesal sa tyan
niya.
Hindi sa ngayon lang ako nakakita ng lalaking nakatapis lang ha. Araw araw ako nakakakita nun kasi puro lalaki ang
kasama ko sa bahay. Parang every morning nag li-liveshow ang mga kuya ko sa harap ko habang binabalandra ang
mga pandesal nila.
Pero ngayon lang ako nakakita ng lalaking nakatapis na hindi ko kapatid
At napaka makalaglag eyes.
"oh bat ganyan ka makatingin? Nate-tempt ka sa katawan ko? "
Iniwas ko agad ang tingin ko. "hindi no! p-pwede bang mag damit ka na!"
"sure, huhubarin ko ba tong twalya sa harap mo?"
"WAG MONG SUBUKAN!!! "
"oh bat ka namumula " nilapitan niya ako then kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa abs niya
Inalis ko naman agad ang kamay ko "lumayas ka sa harap ko!!!"
"bakit ba babes? Ano bang problema?"
Lumapit siya ng lumapit saakin hanggang sa mapahiga na ako sa kama niya at siya naman naka dagan na sakin
while grinning.
Mas nilapit niya ang mukha niya sakin kaya napapikit na lang ako.
Oh tukso, layuan mo akoooo.
Naramdaman kong binuga ni Stephen ang hininga niya sa mukha ko "bango ng hininga ko no? bagong mouthwash
kasi ang gamit ko " umalis na siya sa pagkakadagan niya sakin.
Anak ng tokwa!
Ang lakas ng ulan sa labas, pero bakit nainitan ako bigla!
Chapter 12
*savior*
[Naomi's POV]
"MIKA WHERE THE HECK ARE YOU?!"
"kuya relax! Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko. I can't go home, ang lakas ng ulan"
Tumingin ako sa bintana ng condo unit ni Stephen, walang humpay parin ang ulan and it's already 10 in the evening.
Mukhang wala akong choice kundi mag-stay dito sa condo niya
"ha?! Kaninong bahay?! Mikael don't tell me lalaki yan ha!!!"
Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na busying busy kumain ng cup noodles
"h-hindi siya lalaki! Babae ang kaibigan ko "
Napatingin naman saakin si Stephen and he gave me a what-the-heck-are-you-talking-about look.
"siguraduhin mo ha Naomi Mikael! Anong pangalan niya?!"
Sabihin ko bang si Kryzel? Naku po wag alam ni kuya ang telephone number ni Kryzel, baka bago ko pa mawarningan
ang babaeng yun eh naunahan na ko ni kuya.
"Y-yannie. Her name is Yannie. Yung sumundo dati saakin sa bahay, yung may kasamang bading"
Nakita ko naman na ngumiti si Stephen ng nakakaloko. Tokwa yang mga ngiting yan may pinaplanong masama.
"babes kainin mo na tong cup noodles mo, sige ka lalamig yan! "
"babes?! Sino kasama mo diyan ha Mika?! Sigurado kang babae yang kasama mo?!"
Tinignan ko si Stephen ng masama. Tokwang lalaking to!
Nginitian naman niya ulit ako ng nakakaloko.
"ah, y-yung kuya ni Yannie yun, nandito kasi girlfriend niya"
"give me their telephone number!"
"ok wait lang nag sho-shower yung kaibigan ko! Di ko alam number nila, te-text ko na lang sayo"
"sige, magaantay ako ng limang minuto. Make sure mag text ka agad ha! Kung hindi kakaladkarin kita pauwi dito
kahit gaano pang kalakas ang ulan! Naintindihan mo ba Naomi Mikael Perez?!"
Huwaw! Mas malala pa tong kuya ko sa aking ama eh!
"opo naiintindihan ko NICOLAI PEREZ!"
Binabaan ko siya ng cellphone. Tokwang kuya ko eh no grabe magalit!
"huy babes kelan pa ko naging babae? At kelan pa ko naging kuya ng friend mo na kasama ang girlfriend niya? "
"hoy ikaw! Pag kausap ko ang kuya ko wag mo kong matawagtawag na babes ha! "
"oh relax. Ikaw naman highblood. Bat ba kasi hindi mo na lang sinabi sa kuya mo ang totoo? "
"kasi pag nalaman niya na lalaki ang kasama ko we're both dead meat! "
"aysus! Gaano ba kalaki ang katawan ng kuya mo ha? Baka naman hindi ako kaya nun! "
Teka naghahamon ba ang lalaking to ng suntukan sa kuya ko?
"magkasing katawan kayo"
"o yun naman pala eh! "
"pero ang problema apat ang mga kuya ko. Goodluck sayo"
Tinalikuran ko si Stephen at nagpunta sa kitchen niya para doon tumawag kay Yannie. Mahirap na baka gumawa na
naman yun ng kalokohan habang may kausap ako sa phone!
"Hello Yannie?"
"oh Naomi bakit ka napatawag? May plano ka bang naiisip para kay Stephen?"
"hindi, kasi may problema ako eh and ikaw lang ang makakatulong"
"ano yun?"
"please give me your phone number, tapos tatawag ang kuya ko diyan, tell him nandiyan ako matutulog dahil hindi
ako makauwi sa lakas ng ulan, ha? Please"
"sure but nasaan ka ba talaga ngayon?"
"sa condo ni Stephen"
"WHAT?! OMG! Umaariba ka na sis!"
"coincidence lang ang lahat! Anyways, please pagtakpan mo ko kay kuya ha? Patay ako pag nalaman niyang nasa
condo ako ng lalaki! And oh, if he ask kung may brother ka at kasama niya ang girlfriend niyang kumakain ng cup
noodles um-oo ka na lang. ha? Please"
"eh? Sure. Teka, teka yung kuya mo ba na tatawag saakin is yung model?"
"yep"
"shocks! Sige! Kahit cellphone number ko ibigay mo narin sakanya!"
"sige na sige na tutal tutulungan mo naman ako "
"sige, bye. Ay goodluck pala sa gabi niyong dalawa. Enjoy. Lalo na ngayon umuulan, malamig, kailangan ng body
heat! " narinig ko ang malakas na tawa ni Yannie then binaba na niya.
Tokwang babae! Body heat?!
Pagkatext na pagkatext saakin ni Yannie ng phone number nila agad ko namang finorward kay kuya kasama ang cp
number ni Yannie.
Teka speaking of Yannie, may itatanong nga pala ako kay Stephen!
Pinuntahan ko ulit si Stephen then kinuha ko yung picture nila ni Yannie sa side table
"Stephen, sino tong girl na kasama mo?"
"oh that's Alyana" Alyana? Ayun ba ang whole name ni Yannie?
"kaano-ano mo siya?"
"she's my ex-girlfriend"
"ex?! Kelan ka pa natutong maglagay ng picture ng ex mo sa kwarto mo?! "
"why? Selos ka? Gusto mo bang ilagay ko din ang picture mo dito? "
"tumigil ka nga! Pero bakit nga?"
"kasi hindi ko lang basta ex si Alyana"
"eh ano? Don't tell me minahal mo siya?! "
"hahaha. My dear Nami ilang beses ko bang uulitin sayo na hindi ako marunong magmahal ha? "
"then, baka naman sya ang unang babaeng nagalaw mo?! " nanlaki ako ng mata at napatakip sa bibig.
Siguro nga! Kaya galit na galit si Yannie kay Stephen eh dahil siya ang kumuha ng virginity nito?! Naku po! Bad
talaga ang lalaking to!
"hindi no!!! wala pa kaya akong babaeng nagagalaw"
Napalapit naman ako sa kanya "weh?"
"anong weh?! Oo nga! Ano ka ba sa dinami-dami ng nagiging girlfriend ko kung gagalawin ko silang lahat malamang
eh may AIDS na ko ngayon!"
Tinaasan ko siya ng kilay. Maniniwala ba ko sa sinasabi ng lalaking to?
"w-why are you looking at me like that?! Totoo nga sinasabi ko!! "
Natawa naman ako bigla sa expression ng mukha niya. Galit na galit eh!
"p-plano ko lang gawin yun sa taong seseryosohin ko ng panghabang buhay"
Natigilan naman ako sa pagtawa.
He looked sincere nung sinabi niya yun.
Kahit pala play boy ang isang to naniniwala rin pala siya na dadating ang araw may babae siyang seseryosohin eh.
"di bale alam ko naman ako ang babaeng pang habang buhay mong mamahalin eh! "
"ganun ah?" nagulat ako dahil bigla niya akong binuhat at hiniga sa kama
"o-oh.. a-nong gagawin mo ha?!!"
"matutulog na natural "
Tumabi naman siya saakin. ako naman nagharang ng dalawang unan sa gitna
"don't you dare na tanggalin ang mga harang na yan ha!"
"sure" hinubad niya yung shirt niya tsaka inilapag sa side table. Though naka pajama naman siya, naka topless parin
siya.
Ang lamig lamig bat nagta-topless ang isang to? Hindi ba niya alam ang use ng t-shirt?! Talagang kailangang mag
liveshow ulit sa harap ko?!
Pero hindi na ko nag react pa sa kanya, tinalikuran ko na lang siya at ipinikit ang mata. Mahirap nab aka tuksuhin
este pagtripan na naman ako ng isang to.
"goodnight babes"
Pinatay na ni Stephen yung ilaw. Ako naman halos balutin ko na ang buong katawan ko ng kumot dahil sa sobrang
lamig. Paano ba namang hindi? Bumabagyo na sa labas nakabukas parin ang aircon?! Sino ba naman hindi
giginawin! Mukha na nga akong lumpiang shanghai na balot na balot dito eh.
Humarap ako kay Stephen, nakatalikod siya saakin and hindi na gumagalaw. Baka naman tulog na to?
"Stephen?"
Naghintay ako ng sagot niya pero wala. Mukhang tinulugan na nga ako ng isang to.
Tinalikuran ko ulit siya, then humarap ulit ako, at tumalikod ulit, at humarap, at tumalikod. Kahit anong pwesto ko di
ako kompurtable. Ang lamig eh!
Nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Stephen papalapit sa kanya. Wala na ang mga unan na nakaharang sa
gitna namin.
"o-oy! Ano gagawin mo ha?!"
Niyakap niya ako habang magkaharapan kami. Yung ulo ko nakasandal sa chest niya.
"S-stephen!"
Tintulak ko siya pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya saakin.
"ang gulo mo namang matulog eh! Dito ka na lang at wag kang gagalaw, para hindi ako magising dahil sayo"
Eto ba ang sinasabi ni Yannie na body heat?! Infairness medyo nawala ang lamig ha at ang komportable ng pwesto
ko. Ang bango pa ng lalaking to!
Maya-maya lang nakatulog narin ako.
[Kryzel's POV]
Sunny day!
Hay nako, kagabi pa ako nagdadasal na sana wag tumila ang ulan para suspended ang klase para hindi ko makita
yang Rence na yun. Pero hindi eh. Sinalubong ako ng napaka taas ng araw pagkagising ko. Parang nangaasar lang!
Naalala ko na naman yung sinabi ni Rence na susunduin niya ako mamaya. Kinilabutan ako bigla.
Ayan ang dahilan kung bakit ayaw kong pumasok ngayon.
Pero dahil saw ala nga akong choice pumasok narin ako. Bago ako dumiretso ng classroom namin, kinuha ko muna
yung mga libro ko sa locker ko. Mabait na bata kasi ako, hindi naguuwi ng libro, lahat nasa locker.
Dahil tatlong sunod-sunod na subject ko ngayong umaga, tatlong libro ang kinuha ko. Take note lahat sila hardbound
at ang kakapal.
Sinara ko na yung locker ko pagkakuha ko ng libro at nag start maglakad ng bigla naman akong may nabangga.
Nahulog lahat ng libro na dala ko at nagmadali akong pulutin. Tinulungan ako nung nakabangga saakin na pulutin
yung mga libro
"here"
Nung narinig ko ang boses na yun agad akong napatingin sa kanya.
It's Stephen, kasama ng tatlong babae.
"ohhh if I'm not mistaken she's Kryzel right?"
"oo yung tourism student! Yung madaming lalaking naghahabol sa kanya!"
"correction dear, hindi na ngayon simula nung i-break siya ni Stephen sa harap ng madaming tao "
I looked away. Sa dinami-dami ng ma-eencounter ko bakit si Stephen pa na may kasamang mga babae?!
"girls stop tormenting the poor girl"
"halika honey!" inilapit nung girl ang mukha ni Stephen sa kanya then she kissed him. tinignan naman ako nung
babae ng nangiingit na ngiti.
Sa totoo lang gusto kong ipagbabato sa kanila tong mga librong hawak ko. Pero bat ganun hindi ako makagalaw sa
kinatatayuan ko?! Nanginginig ako sa sobrang inis!
Nagulat na lang ako ng biglang may umakbay saakin.
"hey I've been looking for you. Tara ihahatid na kita sa classroom mo"
"R-rence"
"wait you're Rence Reboredo right? Yung nag champion sa flairtending competition?"
He smiled at them "yes ako nga. And Kryzel is my girlfriend"
"what?! Girlfriend mo siya?!
"really? Good to know "
"halika na Kryzel" inilayo ako ni Rence sa kanila tapos dinala niya ako sa may quadrangle at doon kami naupo.
"napaaga naman ang sundo mo sakin. Akala ko mamaya pa "
Inilapit niya saakin ang balikat niya "iyak na"
"h-ha?"
"alam kong gusto mong umiyak. You can cry on my shoulders"
"sino naman nagsabi sayo na naiiyak ako?! Hindi naman ako naiiyak ah! Napaka pakielamero mo talaga! "
"halika nga dito" bigla naman niya akong inakbayan then he placed my head on his chest "hindi rin naman ako tanga
para hindi mahalatang nasasaktan ka ngayon. Di ba boyfriend mo ko? Then it's my duty na i-comfort ang nasasaktan
kong girlfriend" he tapped my head.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang ako naiyak habang yakap-yakap niya ako.
Chapter 13
*EPAL*
[Naomi's POV]
"Best ikaw talaga! Bat hindi mo naman saakin sinabi na boyfriend mo na si Rence Reboredo ha?!"
Nandito kami ngayon ni Kryzel sa cafeteria at kumakain ng lunch. Ako naman todo tanong ako sa kanya about sa
new boyfriend niya!
Aba si Rence Reboredo yun! Ang pantasya ng mga kababaihan sa school na to!
"pati ba naman ikaw Naomi?! Ang dami niyo na nagtatanong sakin niyan ngayon, honestly ano bang meron? Eh-"
"ano ka ba naman!! Natural madami nagtatanong sayo! Si Rence Reboredo yun! Ano ka ba!"
"oh eh ano naman kung siya? Hamak na bartender lang naman yun ng bistro namin"
"ano ka ba? Siya kaya yung nag champion sa flairtending dito sa school natin! Tapos inilaban siya sa iba pang mga
school at nag champion din siya! Ang swerte nga niya dahil after graduation ang poproblemahin na lang niya kung
saan niya gustong magtarabaho. Di na niya kailangan maghanap pa dahil sandamakmak na ang nag o-offer sa
kanya! Ang daming nag sasabi he'll be the next Ram Ong! "
"so? "
Ay tokwa tong best friend ko! Slow talaga!
"so para ka nang nakahanap ng Prince Charming parang si Papa Drew ko!"
"speaking of Prince Charming, tignan mo kung sino ang parating "
Napatingin ako sa likod ko at nakita kong naglalakad papalapit saamin ang isang napaka gwapong nilalang. Ang
aking Prince Charming.
"Drew"
"hi girls! "
"kamusta ang practice?"
"eto ayos lang! ay oo nga pala gusto niyo sumama saakin sa mall ngayon?"
"si Naomi na lang, may klase pa ko. Speaking of class, malapit na ang next class ko, kaya maiwan ko na kayo ha?
Enjoy "
Kinindatan ako ni Kryzel. Alam kong 1 hour pa before ang next class ni Kryzel. Nagpapaka anghel na naman ang
aking best friend na mukha talagang anghel. Kaya labs na labs ko to eh!
"bye Kryzel. By the way congrats pala"
"ha? Saan?"
"Sa inyo ni Rence"
"eh?! Even you?! Ano ba talagang meron?!"
"If you're curious you better go to the quadrangle " he winked at her then umalis na kami ni Drew.
Mukhang wala pa ngang idea si bestplen sa nangyayari. Gusto ko pa naman makita ang reaction niya pag nakita
niya kung anong meron sa quadrangle. Sweet. Tinalbugan ang pagkanta ko kay Stephen!
Sumakay kami sa jeep ni Drew papuntang mall. Dahil punuan, dikit na dikit si Drew saakin sa upuan to the point na
amoy na amoy ko ang pabanggo niya.
Humarap saakin si Drew "naiinitan ka ba?" nagulat naman ako nun kasi sobrang lapit ng mukha niya saakin dahil nga
siksikan.
Betcha by golly wow! What a lips! Na te-temp akong halikan!
"h-ha? H-hindi naman" nag smile lang siya then ibinaling niya ulit sa kabila ang mukha niya.
Eto na ba to God? Binibigyan mo ng second chance ang naudlot naming moment dalawa? Waaaah magpapakabait
na talaga ako! Kaya sana God wag munang sumulpot si Stephen habang nag momoment ako. Please? Let this be a
Stephen-free day!
Inalalayan ako ni Drew pababa ng jeep nung makarating na kami sa mall. Hanggang sa pag pasok namin nakahawak
siya sa braso ko.
"Drew bat ka pala nagyaya bigla mag mall?"
"wala lang. Gusto kita makasama eh"
Nagulat ako sa sinabi niya. G-gusto daw niya ako makasama? Tama ba dinig ko? Hindi ba ako nabibingi? Tama ba?
Tama di ba?
SHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEETTTT
Kinikilig ako! Kinikilig ako!!
Bigla kong naramdaman yung kamay ni Drew na nakahawak sa braso ko na unti-unting bumababa hanggang sa ang
hawak na niya ay ang kamay ko.
Halos hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Ang tanging alam ko lang, hawak niya ang kamay ko. Tinignan
ko siya kung anong reaction niya. Hindi siya nakatingin saakin but he's smiling.
Gravy! Eto pala ang pakiramdam nafirst time kang i-holding hands ng taong gusto mo? Heaven! Parang gusto mo ng
lagyan ng permanent glue ang kamay niyong dalawa para forever ng nakadikit sa isa't isa.
"gusto mong maglaro sa arcade?"
"s-sige kahit saan"
"tara "
Dinala niya ako papuntang arcade habang hawak hawak niya parin ang kamay ko. Halos mapakanta na nga ako ng
"This is the Moment" sa sobrang tuwa eh.
This is the moment, the sweetest moment of them aaaaaaaallllll.
Syempre una naming pinuntahan sa arcade is yung basketball. Nag padamihan lang kami ng ma sho-shoot na bola.
Syempre ako ang nanalo! Kala niyo si Drew no? Ako kaya ang nanalo! Mind you lahat ng bola na shoot ko sa ring!
"oh ice cream yan ah! Nanalo ako! Papalitan na kita sa pagiging varsity! "
"eh ang daya mo naman eh! Dun ka sa pangbata nag laro! "
"sus! Pareho narin yun "
Nag try pa kami ng ibang games. Merong race, barilan at air hockey. Nag enjoy naman ako ng husto, paanong hindi
eh nakakalibreng chansing ako kay Drew! Aba pag nananalo ako sa games di ko maiwasang magtatalon at
mapayakap sa kanya.
"gusto mong kumanta?"
"ha? Kanta?"
Itinuro niya yung maliit ng stage sa loob ng arcade. May videoke dun sa harap.
"h-ha? Wag nakakahiya. Ang daming nanonood eh"
"sus ano ka ba! Wag ka mahiya. Tsaka lagi ka naman na kumakanta sa harap ng maraming tao di ba?"
"eh kasi..."
"please, for me? Dedicate a song for me, please?" nag puppy eyes naman siya.
Tell me, paano ko siya matatanggihan?
"s-sige na nga"
"yun oh! "
Pumili ako ng song na kakantahin then nung nakapili ako tsaka ako umakyat ng stage. Grabe ngayon ko lang
gagawin to ha? Magkaibang magkaiba ang kumakanta ka sa harap ng maraming tao para kumita sa kumanta sa
harap ng maraming tao para sa isang tao.
[Weak by Jojo]
I don't know what it is that you've done to me
But it's caused me to act in such a crazy way
Whatever it is that you do when you do what you're doing
It's a feeling that I want to stay
'Cuz my heart starts beating triple time
With thoughts of lovin' you on my mind
I can't figure out just what to do
When the cause and cure is you, you
I get so weak in the knees
I can hardly speak, I lose all control
Then somethin' takes over me
In a daze, your love's so amazing
It's not a phase
I want you to stay with me, by my side
I swallow my pride
Your love is so sweet, it knocks me right off of my feet
Can't explain why your lovin' makes me weak
The whole time na kumakanta ako, nakatingin lang ako kay Drew na nakatingin din saakin. Bakit ba ganito? Ako ang
kumakanta pero bat parang ako ata ang kinikilig?
Hay, I love this day!!
Nungnatapaos akong kumanta nagpalakpakan naman ang mga tao sa pangunguna ni Drew.
"thank you "
Nagyaya naman si Drew na mag DQ kami. Dahil nga natalo ko siya sa basketball kanina sa arcade nilibre niya ako.
"Here's your order!"
Nilapag niya yung order kong blizzard na kitkat. Yung sa kanya naman chocolate chip.
"yehey! Thanks sa libre"
"next time arcade ulit tayo. Pero pag nag laro tayo ng basketball ako na dun sa pambata ha? "
"naku edi hindi na kita matatalo nun for sure!"
Ginulo niya yung buhok ko "thanks for accompanying me Naomi "
"no problem "
Kinain na namin yung ice cream namin. Tignan mo nga naman ang luck ko ngayong araw na to. Nakasama ko na si
Drew, nakaholding hands ko pa, nayakap ko pa, nakantahan ko pa, nalibre pa ko ng DQ. Mukhang malakas ata ako
sa taas ngayon.
"Naomi, nainlove ka na ba?"
Napatingin ako bigla sa tanong ni Drew "h-ha?"
"sabi kokung nainlove ka na ba?"
Oo sayo.
Gustong gusto kong sabihin yan ngayon sa tanong niya pero paano? Kinakabahan ako!! Waaaaahhh jusmiyooooo.
"b-bakit mo naman naitanong yan?"
"wala lang. Naiinlove kasi talaga ako sa babaeng kaharap ko ngayon eh"
1
2
3
4
5
"h-ha?"
"sabi ko naiinlove ako sayo"
Ok. ano dapat kong i-react? Biglaan to! I mean, pinagpapantasyahan ko lang dati yang mga katagang yan na sabihin
saakin ni Drew, ngayon talagang sinasabi niya na!
Shocks, malapit na ko mag freak out dito. Gusto kong magtititili sa kilig!
Hindi ko maibuka ang bibig ko kasi sobrang speechless talaga ako ngayon. hindi ko to expected!
"gusto kitang ligawanan Naomi dati pa. Kaso mukhang late na ako para gawin pa yun "
Late?! hindi ka late Drew!!
Teka iniisip niya ba yung kay Stephen?
Hindi pwede! Hindi pwedeng masira ang love life ko dahil kay Stephen! Kailangan kong umamin kay Drew
"Drew, the truth is-"
"Babes!!"
Bumagsak ang ulo ko sa lamesa.
Please, nagkakamali lang sana ako ng dinig ng boses na yun.
"huy babes!" naramdaman kong may pumindot sa braso ko kaya inangat ko ang ulo ko. At sino pa nga ba?!
"anong ginagawa mo dito?!"
"ikaw naman babes! Nag promise ka kaya saakin na pupunta tayo sa condo ko ngayon "
"ha?!" teka wala naman akong natatandaan na pupunta ako dun ah?!
Napatingin ako kay Drew, and he was looking at me. hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya. Pero isa alam
ang alam ko, hindi ito maganda.
"let's go babes!" hinatak niya ang braso ko "mauna na kami"
"w-wait! Ano ba kas gagawin natin dun?!"
"ano pa bang ginagawa ng couples sa isang condo lalo na pag silang dalawa lang? " he winked.
Napatingin ako kay Drew and swear hindi nga maganda ang expression ng mukha niya .
Hindi na ako nakapag paalam pa sa kanya dahil hinila na ako ni Stephen.
GRRR nakakainis!! Bakit ba kailangan niyang dumating sa panahong nagtatapat na ako kay Drew?! Nakakainis
talaga! Para atang pinanganak sa mundong ito si Stephen na may ginintuang katungkulan na sirain lahat ng moment
ko sa buhay eh!!
Inalis ko yung braso ko sa pagkakahawak ni Stephen
"ikaw! Bat mo naman ginawa yun?! Nakita mo namang may kasama ako di ba?! "
"di ba nanliligaw ka sakin? Sino ba naman gustong makita ang manliligaw nila na may kasamang iba?"
Aba talagang piangatawanan niyang ako ang nanliligaw sa kanya ha?!
"alam mo ang epal mo talaga! Epal ka! "
"thank you "
"ha?"
"EPAL. Everlasting Peace and Love. Gusto mo gawin mo pang EPALOG. Everlasting peace and love of God "
Ok, barado ako dun ah!
Kesa maki pag sagutan pa sa kanya, tinalikuran ko na lang siya at nag walk out.
"huy babes wag ka na magalit"
"WAG MO KONG TATAWAGING BABES! HINDI AKO BABOY! "
Bat ba nakakainis siya?!
Chapter 14
*flair*
[Kryzel’s POV]
“If you’re curious you better go to the quadrangle” Drew winked at me then umalis na sila ni Naomi.
Ako naman naiwang nakatayo dito at nagiisip kung ano nga ba talagang meron.
“Kryzel!!”
Nakita kong palapit saakin yung isang ka-member ko sa pep squad
“Hi Paula ”
“Kryzel, ikaw ha! Boyfriend mo pala si Rence ”
“eh?!”
“congratz! Ayun napadaan lang para sabihin yun sayo. Babye ” umalis na siya and ako naman nagkaroon ulit ng
isang malaking question mark sa ulo.
Ok? ano yun? Ano ba talaga meron?
Mula pa kaninang pagpasok ko wala ng ibang sinabi ang mga tao kundi puro congrats. Ano ba talagang kalokohan
ang ginagawa ng Rence na yan at mukhang buong mundo alam na boyfriend ko siya?!
At dahil sa hindi ko na talaga makayanan ang pagka intriga ko sa nangyayari, dumiretso ako sa quadrangle.
Pagkadating ko dun, madami ng nagkakagulong mga tao dun. Nagulantang naman ako ng makita kong may
malaking banner na nakalagay dun sa stage at may nakasulat na:
“Kryzel Aguilar is the one who is holding my heart right now. All of you, especially the girls of Stephen Cruz,
don’t you dare lay even a finger on her or else you’ll have to face me.”
Sa taas ng stage nandun si Rence nag f-flairing habang nag chi-cheer ang mga babae sa kanya.
Ako naman, I was rooted to the ground and hindi makapaniwala sa nakikita ko.
Bloody Mary! Ano bang pinaggagagawa ng lalaking to?!?! Ano ba talaga tumatakbo sa isip niya!!
“Uy Kryzel!!” nakita ko yung ka blockmate ko na palapit saakin “grabe ang swerte mo sa boyfriend mo ngayon
ha! Mukhang mahal na mahal ka talaga niya. Sabi niya pa mag hapon daw siyang mag f-flairing ngayon para
ipakita ang pagmamahal niya sayo”
“HA?!”
Nagulat naman ako. Mag hapon?! Meaning kanina pa siya diyan umaga?!
Tanghali na ngayon and medyo mataas ang araw kaya mainit sa quadrangle. Gusto ba niya mag collapse?!
Seriously, bat ba niya ginagawa ang mga bagay na to?!
Umakyat ako sa stage at nilapitan siya. Nakita ko naman na napatigil siya sa pag f-flair.
“Kryzel! Nakita mo ba ang ginawa ko? ”
Binulungan ko siya “ok itigil mo na yan ngayon, I’m warning you. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho itigil
mo na yan.”
Instead na matakot siya sa sinabi ko, nginitian lang niya ako at biglang inakbayan at itinago ang mukha ko sa may
ilalim ng kilikili niya.
“w-wait—“
“Guys, mukhang na touch talaga ang girlfriend ko sa ginawa ko. Maiyak iyak siya eh ”
Narinig kong naghiyawan yung mga estudyanteng nanunuod. May iba pang sumisigaw ng “kiss!!”
Ako naman nagpupumiglas sakanya kaso hindi ako makakawala.
Anak ng pagong na lalaking to oh!!!
Hinarap naman niya ako at biglang pinunasan ang pisngi ko na para bang may pinupunasang luha pero sa totoo lang
walang luha. Tapos bigla niyang pinisil ang pisngi ko “ang cute talaga ng girlfriend ko! ” hinalikan niya ang noo ko
atsaka itinulak pababa ng stage.
“sige na love, pumasok ka na sa klase mo before ka pang ma late ” he winked at me “I love you!”
Arggghh!!! Nakakainis siya talaga!! Ano ba tong pinag gagagawa niya ha?!
Dahil wala na kong magawa, naglakad na ko palayo. Narinig ko pa ang pahabol niyang sigaw na“Kryzel I love you
very very much. Mwah mwah” kasabay ang tawanan at hiyawan ng mga tao.
Napatingin ako sa kanya at nag start na ulit siyang mag flair.
Tokwa naman talaga oh! Ano ba talaga ang nasa isip ng lalaking yan at ganyan ang mga pinag gagagawa niya?! I
just met him last week, nakainom ako, at nagising sa kama niya without any idea kung may nangyari ba saamin o
wala.
Tapos eto ngayon, pinangangatawanan niyang boyfriend ko siya?! Imposibleng wala siyang hidden agenda sa mga
ginagawa niya!
B-baka naman nabuntis niya ako at habol niya is ang baby namin?
Teka, pwede ba yun? siya ang maunang makaalam na buntis ako kesa ako?
Pumasok na ako sa next class ko pero hindi rin ako ganoong nakapag focus kakaisip kay Rence. Pati sa mga
sumunod kong subjects, lutang ang utak ko. Nung dismissal time, dumiretso na ako sa gym para sa practice namin
ng pep squad.
Siguro naman hindi na nag f-flair yung taong yun no?
But I was wrong nung pauwi na ako nakita ko paring nasa quadrangle si Rence at nag f-flair. Mukha na siyang pagod
but still hindi parin siya tumitigil
Medyo tinamaan na ako nun at napa isip.
Siguro kung walang Stephen Cruz sa puso ko ngayon, malamang na-fall na ako sa mga pinag gagagawa ni Rence.
Chapter 15
*mall*
[Naomi’s POV]
Saturday morning. Wala akong pasok, thank God. Pero tinawagan naman ako ni Yannie at France na magkita daw
kami sa mall at may pag uusapan kami.
May pakiramdam ako na about sa contract yun. Kung tatanungin nila kung may plan na ko about sa step 3, nag
aaksaya lang sila ng oras dahil wala! As in capital WALA.
Isa pa malabo akong yayaing makipag date ni Stephen dahil nga: Una, galit ako sa kanya dahil sa pagwasak ng
aking lovelife. Parang winasak niya na ang future ko. Pangalawa, nagtatampo siya saakin dahil sinabihan ko siyang
wag niya kong matawag tawag na babaes dahil hindi ako baboy! Na hurt daw siya sa sinabi ko dahil ako lang daw
ang tinawag niyang babes, lahat ng ababe niya puro darling ang tawag niya, ako lang daw ang babes. Tapos lalaitin
ko pa daw! Come on! Sino ba naman gusto magpatawag ng babes sa kanya?! Ikaw ba gusto mo?! Sige kung gusto
mo kayo na lang magtawagan ng babes, basta ako ayoko! Nakakalait ng figure!
Di naman ako mataba, medyo nagiging chubby lang.
Naligo na ako at nagbihis para hindi ako ma late sa usapan namin nila Yannie. Pagbaba ko ng kwarto agad namang
bumungad ang aking apat na kuya na pare-parehong hindi pa naliligo at mga naka boxers lang at magugulo ang
buhok. Kala mo mga ramp model ng boxer shorts eh.
Sa sofa nakita ko ang kuya Nico ko na busy sa pag lalaro ng PSP habang nakabulagta sa sofa. Dahil sa depress ako
ngayon, kailangan ko ng mapagtitripan kaya naman nilabas ko ang cellphone ko atsaka kinunan ng picture si kuya
kaso nahuli.
“huy Mika!” lumapit si kuya at nag akmang aagawin ang cellphone ko kaso nailayo ko sa kanya agad
“wahahahaha kuya ano kaya ang sasabihin ng mga fans mo pag nakita nila ang pictures mo? For sure
panalo to! Mabibigyan ka ng bench ng marami pang photoshoot at maiinlove sayo si Shaina Magdayao pag
nakasama ka ulit niya sa photoshoot !”
“tumigil ka nga! Amin na yan! ”
“ayoko nga!” binelatan ko siya “ipapkalat ko pa to sa net eh”
“huy Mika!!”
*I'm only gonna break break your break break your heart
I'm only gonna break break your break break your heart
I'm only gonna break break your break break your heart
I'm only gonna break break your break break your heart*
Natigilan kami pareho ni kuya sa paghaharutan
“shh may tumatawag” sinagot ko yung cellphone ko “hello?”
“Naomi! This is Yannie, susunduin ka na lang namin sa house niyo. Dala ni bakla yung kotse niya eh. Malapit
na kami diyan”
“oh, ok, hintayin ko kayo”
I hang up the phone.
“pupunta dito si Yannie, susunduin na lang daw nila ako.”
“S-si Yannie ba?”
Napatingin ako kay kuya “bakit kuya Nicolai? ”
“w-wala lang” tinalikuran niya ako “sige maliligo muna ako”
Hmm I smell something fishy. And mukhang hindi lang ako ang nakaamoy nun, pati ang tatlo kong kuya.
Nung papasok na ng banyo si Kuya Nico, kinaladkad siya nila Kuya Myco, kuya Jake at Kuya Sean pabalik sa sala.
“o-oh teka bakit ba?!”
“hoy Nico, pinopormahan mo ba yung kaibigan ni Mika?” tanong ni kuya Sean, ang pinaka panganay saamin.
“h-hindi no! nakakatext ko lang yun! Ano ka ba naman kuya Sean!”
Aba! Nakaka text na?! ang galing din naman pala dumamoves ni Yannie ah! Parang nung isang araw ko lang ibinigay
kay kuya ang number niya!
“eh bakit bigla kang magaayos diyan nung marinig mong papunta dito yung kaibigan ni Mika?”
“Kuya Myco naman! Masama bang maligo?! ”
“hindi, pero hindi pa ito oras ng pagpaligo mo. Usually bago tayo mag tanghalian. Meaning may
pinopormahan ka!”
“Kuya Jake!!”
At ayan po ang aking mga kuya, pag nagkaka lovelife ang isa, grabe makapag interrogate! Lalo na saamin ni Kuya
Nico, kami kasi ang pinaka bata eh. Pero compare kay Kuya Nico ako ang pinaka kawawa pagdating sa ganyan kasi
ako ang bunso at nagiisa pang babae. Masarap magkaroon ng apat na kuya pero mahirap din.
At dahil sa mukhang wala sila talagang planong papaliguin si Kuya Nico nakisingit na ko sa kanila“mga kuya kung
ako sainyo mag suot kayo ng t-shirt!”
Mahirap na baka pag nakita sila ni France na naka boxers lang eh pagnasahan pa sila!
“naku di na yan!” umakbay si kuya Myco kay Kuya Nico “di ba Nico?”
Biglang may nag doorbell at narinig naming tumahol si Hot dog
“arf! Arf!”
Nagkatinginan ang tatlo kong kuya ng masasamang tingin sabay kaladkad kay kuya Nico sa harap ng pinto
“h-hoy! Ibaba niyo ko! Ibaba niyo ko!!”
“nope! Open the door Nico!” tinulak tulak siya ni Kuya Sean
Dahil sa trapped at napapaligiran ng tatlo ko pang kuya si Kuya Nico wala na siyang nagawa kundi ang buksan ang
pinto. Kaso pagbukas niya ng door hindi mukha ni Yannie ang bumulaga sa kanila kundi ang pagmumukha ni France
“oh la la…!! ”
Nagkanya-kanyang takbo ang mga kuya ko para magtago.
Sabi sa kanila eh mag t-shirt sila! Hindi tuloy nakaligtas sa mapanuksong mata ng pamintang anaconda na si France
ang mga katawan nila.
Ako naman ang lumapit sa pinto para salubungin si France “uy nasan si Yannie?”
“nasa kotse ko, hindi ko pinalabas baka agawan ako kay papa Nico! Grabe bakla ang sarap naman mag
bakasyon sa bahay niyo. Ang daming hot bodies! ”
“loka! Wag mo nga pagnasahan mga kuya ko!” hinaltak ko ang braso ni France “tara na nga”tumingin naman
ako sa bahay namin para hanapin ang mga kuya kong nagtatago “uy alis na ko mga kapatid!! Bye bye!”
“ingat bunso!!” rinig kong sigaw ni Kuya Jake.
Dumiretso na kami ni France sa kotse at nandun nga si Yannie nakakulong.
“lokang bakla to! Ni hindi manlang ako hinayaang makita ang papa Nico ko!”
“huy babae! Ikaw ha! Pinopormahan mo ba ang kuya ko?! ”
“hindi no! siya ang pumoporma saakin! hay naku wag na nga muna kami ang topic! Tsaka na yan, dapat
pagusapan ay ang tungkol sa inyo ni Stephen. Fransisco Juan paandarin na ang kotse at gora na tayo!”
“eewww sabi ng France ang name ko! France!!” he started the engine.
[mall…]
“ginawa niya talaga yun?! Wahahahahahahahahaha ”
“grabe bakla! Nakakalerkey si Papa Stephen! ”
“korek Fransisco! He even called her babes! ”
Kinuwento ko sakanlia ang ginawa saakin ni Stephen at sa record breaking niyang pagwasak sa lovelife ko
hanggang sa pagtatampong pururut niya sa pag lait ko sa tawag niyang babes. Pero imbis na makakuha ako ng
moral support eh eto tinawanan lang ako ng tinawanan ng dalawang to! Hindi ba nila alam kung gaano kasakit yun?!
“it’s not funny!” I glared at them “kayo kaya ang mawalan ng pag-asa sa taong mahal niya no!”
“ano ka ba naman girl, eh hindi ka naman pwedeng magka boyfriend hangga’t pinaiibig mo si Stephen!”
paalala saakin ni France.
He’s right, hindi nga naman ako pwede magka-bf. Hay, pero pag hindi ako kumilos mawalala nang tuluyan saakin si
Drew at hindi pwede yun. Ang tagal kong pinangarap na maging kami. Umaga, gabi, 24-hours a day siya ang laman
ng pantasya ko. Akala ko nga hanggang pangarap na lang na mapansin niya ako pero eto nagtapat na siya saakin
kaso sinira naman ni Stephen ang moment namin!
“but it’s a good sign you know” napatingin naman ako bigla kay Yannie “mukha kasing nagseselos si Stephen
sa kilos na pinapakita niya eh”
Nagulat naman ako sa sinabi ni Yannie kaya napahagalpak ako ng tawa “hahahaha ayun?! Nag seselos?! Sus!
Eh hindi nga marunong mag mahal ang humal na lalaking yun eh!! Alam mo kesa paibigin ko siya kung
sapakin at basagin ko na lang ang gwapong mukha ng demonyong yun? For sure hindi na siya
pagkakaguluhan ”
“hay naku hindi pwede yun, mayaaman sila Stephen at kaya niyang ipaayos ulit ang mukha niya!”
Hmp!
“oo nga pala Naomi, the reason kung bakit ka namin gustong makausap is because of this”
May ipinakita saaking flyer si Yannie. Binasa ko naman ang nakalagay dun.
“Mr. and Ms. Tourism in Palawan?! Don’t tell me isasali niyo ko diyan?!”
“gaga hindi! Di mo naman kayang kabugin ang mga sasali diyan no! isa pa tourism student ka ba?! HRM ka
di ba?!”
Tinignan ko ng masama si France. Lokong bakla to inapi ako! Di hamak naman na mas lamang ang beauty ko kesa
sa kanya.
“so ano nga ito?” tanong ko kay Yannie
“ang sasali sa competition na yan ay ang bestfriend mong si Kryzel at ang love of your life mong si Drew”
Nagulat ako sa sinabi ni Yannie “Si Drew at Kryzel?! Waaaah bat walang sinasabi saakin si Kryzel?!”
“actually kasasabi lang sa kanila kanina. Nagkataon lang na nakasalubong namin siya kaya nasabi niya
saamin. Maya-maya itetext ka narin nun” paliwanag saakin ni France
“so Naomi ang gusto naming mangyari is sumama ka sa Palawan. You see, university staffer si Stephen di
ba? and ipapadala din siya dun to cover the event. Kaya naman malaking chance yun na makapag bonding
kayo ni Stephen. Kaya opportunity mo na to”
“tama si Yannie bakla! Tsaka nandun din si papa Drew mo kaya gora ka na!”
“hmp sige na nga! Pero hindi ako ang mauunang makipagbati kay Stephen! Never!!”
“speaking of the devil..”
Napalingon kami sa direction na tinitignan ni France and ayun nga, ang gwapong demonyo parating.
I saw him beaming nung lumalapit siya saamin. Mukhang masayang masaya ang loko!
Nung nakkarating siya sa table naming agad naman niyang niyakap si Yannie
“Alyana! I miss you!”
Yannie hugged her back “Hey, how are you?”
Bumitaw si Stephen sa pagkakayakap niya then he occupied the seat next to Yannie na katabi ko din. Kaya bale
pinagigitnaan namin siya ni Yannie.
“ok lang naman ako. It’s nice to see you here” he told yannie habang nakatalikod siya saakin.
Nagkatinginan naman kami ni France. Ok para kaming pader dito ni France na hindi pinapansin ah!!
“so balita ko kasama ka sa Palawan?”
“yeah, actually pwede daw magsama ng iba pa para mag chi-cheer sa representatives natin eh, how about
you Yannie, sama ka dali!”
“naku ano naman ang kinalaman ko dun? Si Naomi yayain mo”
Tinignan lang ako ni Stephen saglit tapos binalik niya ang tingin niya kay Yannie “bawal daw pumunta dun ang
mga taong hindi nagpapatawag ng babes eh. Balita ko hindi nila binebentahan ng ticket papuntang Palawan

“at kelan pa nagkaroon ng ganong batas ha?! ”
Humarap si Stephen saakin “kanina lang! di ka ba nakikinig sa news!”
“tingin mo sino maniniwala sayo ha?! Eh kung gusto kong pumunta sa palawan wala kang magagawa!!”
“at bakit? Susundan mo ko dun no? sus naman Nami! patay na patay ka talaga saakin. Kunyari ka pa kasi a
ayaw patawag ng babes! ”
Aba namang ang kapal ng mukha ng humal na to!!
Grrr. Patay saakin to!!! Dadating ang araw hahabol-habulin din niya ako!!
At ngayon mag rerevenge ako dahil sa nawasak kong pagibig! Patay ka sakin Stephen Cruz!!
[Kryzel’s POV]
“uy Kryzel, ikaw pala lalaban sa Mr. and Ms. Tourism, goodluck ah! We’ll support you”
“thanks”
Kanina pa ako wala sa sarili habang pinapaliwanag ng Dean saamin ni Drew yung about sa contest. Paano ba
naman eh hindi ko makalimutan yung sinabi ng daddy ko kagabi ung sugurin ko siya sa room niya.
[flashback…]
“DAD!!” I opened the door of his room without even knocking.
“yes princess? Mukhang galit na galit ka ah?”
“Dad, patalsikin niyo na sa bistro yung bartender na yun please!!”
“huh? Sinong bartender?”
“yung Rence Reboredo!!”
“but why my princess? Did he done something wrong?”
“err kasi…” sasabihin ko ba kay dad na nalasing ako at nagising ako sa kama niya at simula nun naging kami na?
Naku for sure magwawala yan!
“h-he … he is stalking me!”
Bigla namang tumawa ng malakas si daddy “yun lang ba? Hindi naman enough reason you to fire him! And
besides malaking asset siya sa bistro natin. Marami tayong nagiging regular guests because of him”
“b-but, madami pa naman ibang bartender diyan na mas may experience at mas magagaling. Ano bang alam
niya? He’s just a student”
“and a very talented student. Yun nga ang dahilan kung bakit marami tayong nagiging regular guests.
Humahanga kasi sila sa husay ni Rence kahit sa estudyante pa lang siya.”
“ok, then I want to be a bartender! Papalitan ko siya sa bistro natin!”
Tumawa ulit ng malakas si daddy “dear you’re a tourism student. Paano ka magiging bartender? ”
“pwede naman akong mag aral ah? And besides I’m also on the field of hospitality industry. I’m very good at
entertaining guest! ”
“but you can’t flair and you cannot even mix a cocktail drink”
“edi mag ppractice ako sa bar!”
“oh don’t you dare young lady! Marami akong mamahaling wines na naka display sa bar natin! Pag yun
natamaan mo ng flairing bottle at nabasag 2 years kang walang allowance”
“b-but..”
“no buts, I won’t fire him. tsaka ano bang ayaw mo sakanya? Mabait na bata naman si Rence at gwapo pa.
Bagay na bagay kayong dalawa! I am planning na ipagkasundo ka sa kanya ”
“what?! ”
“haha I am just joking my princess . Pero hindi rin malabong mangyari yun pag hindi ka nagkagusto sa
kanya. But anyways I have a confident na kaya ka naman niyang paibigin ”
[end of flash back]
Ano kayang ibig sabihin ni dad dun? He has a confidence na kaya akong paibigin ni Rence? Meaning ba nun eh
sinet-up ako ni dad kay Rence? Magkano naman ang binayad ni dad sa bartender na yun at napapayag niya?! Hay
naku naman!
Naglakad na ko papuntang next class ko ng biglang mapadaan ako sa freedom wall kung saan may mga babaeng
nagkukumpulan at nag hahagikgikan. Nng makita naman nila akong lumapit agad silang lumayo at tinignan ako ng
nakakalokong tingin.
Ano na naman ba meron?!
Tinignan ko yung pinagtatawanan nila sa freedom wall.
Sa taas nun may nakasulat na question : “what do you think is the right age for a person to get married”
Sa baba ng questions nandun yung iba’t ibang views ng mga estudyante. Ano naman ang nakakatawa dito?
Aalis na sana ko but something caught my eye. Sa far left corner ng freedom wall, may naka dikit na papel dun at
may nakasulat, in all capital letters at gamit pa ay napaka tingkad na kulay ng pentel pen na
Kahit kelan handa akong magpakasal basta ang taong pakakasalan ko ay si KRYZEL AGUILAR. I love you
honey! Mwah mwah!
- Rence Reboredo
WHAT THE HECK?!
KELAN BA SIYA TITIGIL HA?!
Kukunin ko sana yung papel para tanggalin kaso biglang may dumating na professor
“hija hindi ka pwedeng mag tanggal diyan!”
Umalis na yung prof kaya ako naman naiwang nakatayo dun. May mga estudyanteng tumingin sa freedom wall at
bigla na namang nag hagikgikan. Malamang nabasa nila ang sagot ni Rence
“Arrrgghhhh!!! ”
Napatingin sakin yung mga estudyante. Ako naman nagtuloy tuloy na lang sa paglalakad.
Nakakayamot talaga!
Chapter 16
*black mailer*
[Naomi’s POV]
“oh my gulaay eto na siya! Eto na ” nakatakip ako ng mata habang nag lo-loading sa computer ang site ng grades
sa school namin.
Aba’y gulay ako’y kinakabahan ng husto. Mukhang napahamak ko ang basic finance ko na subject eh.
“ayan na best! Imulat ang mata!” niyugyog naman ako ni Kryzel para makita ang mga grades ko.
For. Lang. 2 - 2.00
Basic Finance - 2.50
Nakahinga ako ng maluwag. Hay akala ko bumagsak na ako eh
*******************************************************************************************************
Author's Note
Makikisingit lang si ako. Para po sa mga highschoolers, elementary at kinder (kung meron man) kong mga readers.
At para sa mga walang idea sa grading system ng college. Ganito po yun.
1.00 > pinakamataas na grade na makukuha. Kung baga sa highschool 100 na yan. Perfect
1.25
1.50
1.75
2.00
2.25
2.50
3.00 > pasang awa. Pwede ka ng magsaya. Ibig sabihin naligtas ka.
3.50 > kawawa ka hindi ka manlang pumasok sa pasang awa. Bagsak ka.
4.00 > mas bagsak sa bagsak
5.00 > pinakabagsak sa lahat ng bagsak. Pasan mo ang mundo.
*********************************************************************************************************
Tinignan ko yung iba ko pang grades
Soc. Sci 5 – 1.50
HRM 12 – 2.00
HRM 13 – 2.25
HRM 14 – 2.25
HRM 15 - 1.75
Math 13 – 2.25
Tour Plan – 1.75
“ok naman pala ang mga grades mo best eh! Hindi na babawiin ni tito ang pang Palawan mo. Mapapanuod
mo na kami ni Drew!”
“hay salamat best. Akala ko talaga bumagsak na ko sa basic finance na yun. Tokwa di talaga ako pwedeng
humawak ng pera! Wala akong future”
“oh my gosssh! I’m doomed!!! ” narinig naming ang sigaw ni France kaya naman napatakbo kami papunta sa
kanya para tignan sa monitor ang grade niya.
Nat. Sci 2 – 3.50
“anak kanaman ng--!! Ano ba naman yan Fransisco Juan! Pharmacy ang course mo simpleng nat. sci di mo
kayang ipasa?!” binatukan ni Yannie si France
“eh terrorista ang prof namin dun eh! Kamag-anak ata ni bin laden!”
Cinomfort ko naman si France, “ok lang yan France, may midterms at finals pa naman. Pag bumagsak ka shift
ka na lang ng HRM ”
“gaga anong kinalaman ko sa pag gawa ng pagkain?! Baker king?! Taga kain lang ako no! tsaka gamot ang
ginagawa ko hindi pagkain”
“gamot? Baka gayuma? ”
“hi girls and gay”
Napalingon naman kami sa nagsalita.
“hi papa Stephen!!” kinawayan siya ni France.
Tokwa naman oh! Pati ba naman sa computer shop makikita ko siya?!
Isang linggo kong hindi pinapansin si Stephen. Nakakainis parin kasi ang ginawa niya eh. Di ako maka get over.
Isang linggo ko ding hindi nakita si Drew. Nag tetext ako sa kanya at nag e-explain kaso dinededma naman niya mga
text ko.
Mukhang galit ata sakin yun.
Naku Stephen Cruz!!
“ano ginagawa niyo dito?”
“tinitignan lang namin yung grades namin” sagot ni Yannie sa kanya
“uhmm best nakalimutan ko may kailangan pa akong daanan. Una na ako ha? ”
“s-sige bbye best. Ingat”
Lumabas na ng computer shop si Kryzel.
Halatang iniiwasan niya parin si Stephen.
“ako naman! Patingin din ng mga grades ko!”
Itinulak ako ni Stephen paalis sa harap ng computer at siya ang naupo dun
“hoy FYI ako nag rent niyan”
“sus love mo naman ako eh! ”
Hindi ba siya kinikilabutan sa pinagsasasabi niya?!
“FYI hindi pa kita napapatawd sa ginawa mo!! ”
“hindi mo naman ako kailangan patawarin dahil alam ko in the first place hindi mo kayang magalit saakin ”
Ay tokwa!! Nakakayamot talaga siya!!
Hindi na ko pinansin pa ni Stephen at tuloy-tuloy lang siya sa pag bukas ng grades niya. Ni hindi man lang pumikit at
nasindak.
Aba? Mukhang confident ang loko ah?
Nung nag load na yung grades niya tinignan ko naman agad. Syempre para pag may bagsak siya aasarin ko!
Bwahahahaha.
Kaso nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
For. Lang. 2 - 1.50
Basic Finance – 2.00
Soc. Sci 5 – 2.00
HRM 12 – 1.75
HRM 13 – 1.75
HRM 14 – 1.50
HRM 15 – 1.25
Math 13 – 2.00
Tour Plan – 1.00
“sus! Chicken! ”
Ay tokwa bat ang tataas ng grade ng isang to samantalang mukhang di naman siya nakikinig sa professor pag
nagtuturo?!
Nataasan pa niya ako sa basinc finance at naka uno pa siya sa tour plan?! Walanjo mo naman! Ano bang sikreto ng
lalaking to?!
“hoy ikaw! Kanino sa mga babae mo ikaw nangopya?!”
Nagisip naman ako ng mga nilalandi niya sa classroom na matalino. Pero wala naman, lahat ng nilalandi niya puro
paglalandi rin ang laman ng utak.
“hoy, excuse me ako ang gumawa ng lahat ng yan no! hindi ako nanlandi ng kaklase natin para makakuha ng
mataas na grade”
“wait, baka naman mga prof natin ang nilandi mo?! Hoy umamin ka!!”
“hindi nga ano ba! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!” bigla naman niyan ako inakbayan “kasi naman kung
inaamin mo na lang na matalino talaga ako babes ”
Inalis ko ang pagkakaakbay niya saakin “sabi ng wag mo kong tatawagin niyan eh!! ”
Nag walk out ako palabas ng computer shop. Narinig ko pa nga ang malaks na tawa ni Stephen.
Grrrr nakakainis talaga siya!!
[dismissal]
Dumaan muna ako sa locker ko bago umuwi para ilagay ang mga gamit ko. Sana naman hindi ko makita ang
gwapong demonyo sa paligid. Baka pag tuluyan akong maasar dun eh masipa ko pa bigla ang pagkalalaki niya ng
mamilipit siya ng bongga sa sakit!
Matapos kong ilagay yung mga libro ko sa locker, napansin ko sa di kalayuan si Drew na nag-aayos din ng locker
niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba nung nakita ko siya.
Naalala ko na naman ang lahat.
“Naomi, nainlove ka na ba?”
“b-bakit mo naman naitanong yan?”
“wala lang. Naiinlove kasi talaga ako sa babaeng kaharap ko ngayon eh”
"gusto kitang ligawanan Naomi dati pa. Kaso mukhang late na ako para gawin pa yun ”
Nakaramdam ako bigla ng kilig at the same time pagka dismaya.
Hay si Stephen kasi eh.
Kung hindi ba siya dumating at natuloy ang pagtatapat ko kay Drew kami na kaya ngayon? Siguro hindi dahil
kailangan ko pang tapusin ang kontrata.
Pero atleast alam na ni Drew ang totoo kong nararamdaman.
Hay.
Ano ka ba naman Naomi! Tatayo ka na lang ba diyan at walang gagawin?!
Kahit ang bilis ng tibok ng puso ko, I gathered all my strength para lapitan si Drew.
“D-drew”
Tumingin siya saakin and halatang gulat na gulat siya na makita ako.
“oh, Naomi”
“ah Drew, uhmm p-pwede ba kitang makausap?”
Isinara niya yung pintuan ng locker niya “uhmm sorry Naomi, hindi ako pwede ngayon eh. May gagawin ako”
Halatang iniiwasan niya ako
“Drew, about dun sa nangyari sa mall sorry talaga ha. Ts-tsaka yung sinabi mo sakin—“
“ayos lang yun Naomi, hindi naman ako galit. Tsaka yung sinabi ko sayo kalimutan mo na yun”
“ha? P-pero bakit?”
“hindi naman totoo yun eh. Binibiro lang kita. kaso hindi ko na nabawi kasi biglang dumating si Stephen.
Kaya wag mo na sanang intindihin yun. Sige Naomi una na ako sayo ha? Bye” he waved at me then tinalikuran
na niya ako at naglakad palayo.
Hindi totoo yung sinabi niya?
Napasandal ako sa wall.
Akala ko naabot ko na siya, hindi parin pala.
[Saturday Morning]
“hotdog hotdog hot diggydidog! Hay naku hotdog ang sakit talaga huhuhu. Para narin akong harap
harapanang na-basted eh. Come to think of it, nag mistulang anghel din pala itong demonyong gwapong si
Stephen. Siguro kung hindi siya dumating para na akong tangang nagtatapat sa lalaking gino-goodtime lang
pala ako! Hay naku”
Sinabon ko yung mga balahibo ni Hotdog at pagkatapos nun kinuha ko yung hose at itinapat sa kanya para anlawan
siya.
“ayan hotdog mabango ka na ulit at gwapo. Baka tuluyan ng mainlove sayo ang aso ng kaptibahay natin!”
Nung matapos ko ng anlawan si Hotdog, bigla naman niyang pinagpag ang balahibo niya kaya nagtalsikan sakin
yung tubig
“ay bat mo naman ako binasa Hotdog!”
“arf! Arf!”
Narinig kong bumukas yung gate namin at nakita kong papasok na ang aking apat na kuyang kakagaling lang sa
paglalaro ng basketball.
Buti naman! Wala kasi si daddy dahil nag out of town. Ibinilin ako sa mga kuya ko pero ako lang gumagawa ng
gawaing bahay! Kamusta naman yun!
“kuya! Magluto ka na ng tanghalian natin!” sigaw ko sa kanila habang pinupunasan ko ng twalya si Hotdog.
“hindi na kapatid, mag palit ka na ng damit, sa labas na tayo mag lunch. Nagyaya kasi itong si Stephen eh”
“ah ok”
Bigla naman akong napatigil sa pagpunas kay Hotdog
Si Stephen daw ba kamo?!
Tumingin ako sa likod and ayun nga, kasama ng apat kong kuya ang gwapong demonyo!
Anak ng--!! Paanong naging kakilala niya ang mga kuya ko?! At bat mukhang close sila?!
“grabe Stephen ulitin natin to ha! Basketball ulit tayo”
“sure, next week? Game ako diyan!”
“ay oo nga pala eto pala si Naomi, ang bunso at nagiisang babae naming kapatid” pakilala ni Kuya Nico saakin.
“oh Nami!” ngumiti naman ng nakakaloko si Stephen
“magkakilala kayong dalawa?”
“yep,blockmate ko siya! ”
“then good, sabay sabay na tayo sa Mcdo”
Tokwa mukhang may hindi magandang mangyayari saakin ah.
[Mcdo]
Isa-isa kaming umorder sa Mcdo. Good thing, nauna kaming dalawa ni Stephen na maka-order at makaupo sa table
kaya naman kinausap ko agad siya.
“hoy paano mo naging kaibigan ang mga kuya ko ha?”
“wala lang nakakalaro ko lang sila sa park minsan ng basketball. Ni-hindi ko nga alam na kuya mo sila eh ”
Bakas sa mukha niya na nag sisinungaling siya. Kayamot!!
“teka alam ba nila na nililigawan mo ko?”
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ay tokwa! Talaga naman!!
“hoy lalaki FYI hindi kita nililigawan. Isa pa please wag ka namang magkwento ng tungkol satin!”
“bakit naman? Ayaw mo bang ipaalam sa kanila kung sino ang nilalaman ng puso mo? ” inilapit niya ang
mukha niya sa mukha ko “at kung sino ang unang lalaking nakahalik sayo? ”
Naku pag nalaman ni kuya malamang eh patay ako eto pa namang lalaking to ang hilig manlaglag!
“h-hoy! Tumigil ka! Wag kang magsasalita!”
“sige hindi ako magsasalita, pero sa isang kondisyon”
“ano?”
“bati na tayo at papayag ka ng babes ang tawag ko sayo ”
“mukha mo!! ”
“ok madali ako kausap. Siguro ma th-thrill sila pag nalaman nila kung nasaan ka talaga nung gabing
bumabagyo ng malakas at kung sino ang kasama mo” he winked at me
“you--!!”
Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi nagsidatingan na ang mga kuya ko.
Nag start na kaming kumain. Ako naman halos hindi mailunok yung food sa sobrang kaba. Baka any minute eh
magsalita itong si Stephen.
“oo nga pala, magkaklase pala kayo ni Naomi no? wala naman sigurong umaaligid na lalaki sa kapatid
namin?”
Naku po eto na.
“umaaligid na lalaki? Wala naman” tinignan niya ako ng nakakaloko “pero baka siya may inaaligirang lalaki ”
“ha? Naomi may nagugustuhan ka ba?”
“ah eh.. ano ha.. k-kasi”
“mukha ngang may nililigawang lalaki si Naomi eh” sabat ni Stephen habang naka-ngiti parin ng nakakaloko.
Tokwa ka Stephen patay ka talaga saakin!
“Naomi totoo ba un?! Ikaw ang nanliligaw?!”
“h-hindi no! wag nga kayo maniniwala diyan ”
Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext si Stephen
****************************************************************************************
Hoy! Tumigil ka na. sige na pumapayag na ako sa gusto mo. Bati na tayo babes.
****************************************************************************************
Nakita kong napangiti si Stephen nung mabasa niya ang text ko.
Binawi agad ni Stephen yung sinabi niya, “hehe joke lang yun. Natatawa lang talaga ako kay Naomi pag naasar

“ah ganun ba, akala namin totoo na eh!”
Nagtawanan sila dun ng nagtawanan.
Nakakayamot ka Stephen.
Blackmailer!
Chapter 17
*Hello Palawan!"
[Naomi's POV]
"Mika sure kang wala ka ng naiwan na gamit ha?"
"yes Kuya Myco! Wala na!"
"nagdala ka ba diyan ng sapat na underwear? Baka mamaya side A side B gawin mo "
"kuya nakakadiri ka alam mo yun!"
"to naman nagpapaalala lang! yung boarding pass mo dala mo?"
"yes boss"
"buti naman! Ingat ka bunso, uwian mo ko ng kasuy ah? Tsaka ng pawikan!"
"sige kuya, basta ba makakauwi ako ng hindi nakukulong pag nag puslit ako ng pawikan dito"
Ginulo ni kuya Myco ang buhok ko, tapos pareho kaming bumaba sa kotse atsaka niya ibinaba ang maleta ko.
Sa wakas papunta narin kami sa Palawan at eto ang kuya Myco ko, hinatid ako sa airport. Aba'y excited ako! First
time kong makakapunta dun eh. Ang dami kasi nagsasabi na ang ganda ganda daw talaga sa Palawan, lalo na yung
underground river nila.
"hay naku 2 weeks mawawala ang bunso namin. Walang magluluto ng masarap."
"pagtyagaan niyo muna ang yakisoba at century tuna kuya. 2 weeks lang naman. Tsaka alagaan niyo si Hotdog ah!"
"oo naman! Nasa safe hands si Hotdog saamin!"
Nagpaalam na ako kay kuya and agad pumasok sa loob ng airport. I checked-in my baggage then kinuha ko na yung
ticket pati nagbayad ng terminal fee. After nun dumiretso na ako sa waiting area kung saan kami maghihintay ng
flight namin.
Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin yung mga kasama ko kaso mukhang ako pa lang ata ang nandito. Yun
mga yun talaga, always late. Naupo ako then inilagay ko yung headset ko and nakinig sa music sa aking ipod habang
naglalaro ng Crash Bandicoot sa PSP. Dahil naka-shuffle yung songs sa ipod ko, kung anu-ano na ang music na
napapakinggan ko.
I don't know what it is that you've done to me
But it's caused me to act in such a crazy way
Natigilan ako and ayun tuluyan na akong naunahan ng mga kalaban ko sa race.
Whatever it is that you do when you do what you're doing
It's a feeling that I want to stay
Yung kanta kasi eh. Nakakayamot naalala ko na naman yung araw na nag mall kami ni Drew. Ayan yung kinanta ko
nun
'Cuz my heart starts beating triple time
With thoughts of lovin' you on my mind
I can't figure out just what to do
When the cause and cure is you, you
Pero kesa ilipat ko sa ibang songs, I found my self na sumasabay narin sa pagkanta.
I get so weak in the knees
I can hardly speak, I lose all control
Then somethin' takes over me
In a daze, your love's so amazing
It's not a phase
I want you to stay with me, by my side
I swallow my pride
Your love is so sweet, it knocks me right off of my feet
Can't explain why your lovin' makes me weak
"ang sarap talaga pakinggan ng boses mo pag kumakanta"
Napatigil naman ako bigla sa pagbirit dahil sa nagsalita. Napatingin ako sa likod ko and ayun nakaupo si Drew.
Magkatalikuran kasi yung mga bench bali nakaupo si Drew sa katalikuran ng bench na inuupuan ko.
"i-ikaw pala"
Napaayos ako ng upo at pinatay ang ipod ko.
"buti nakasama ka"
"oo nga. Gusto ko kasi mapanuod si Kryzel" ..at ikaw
"ah"
Anak naman ng tokwa ano bang nangyari saamin. Hindi naman kami dati ganito mag-usap eh. After ko siyang
kausapin sa tapat ng locker niya, hindi ko na ulit siya nakita.
Ok inaamin ko na medyo umiiwas ako sa kanya. Hindi na ako nanunuod ng practice nila Kryzel ng pep squad after
dismissal kasi natatakot akong makita siya. Iniiwasan ko naring makasalubong siya sa school. Pero wala naman
kahirap-hirap ang ginagawa ko kasi mukhang pati siya iwas saakin.
Ang dahilan ko kaya ako umiiwas kasi nasaktan ako dun sa pagbawi niya. Naniwala ako na totoo lahat ng yun. Pero
eto, assuming na naman pala ako. Pero atleast ako may dahilan, pero siya hindi ko alam kung anong dahilan kung
bakit niya ako iniiwasan. Gusto ko siya i-confront at tanungin. Baka mamaya may gusto talaga siya saakin kaso
nagpakaduwag lang at binaw ang sinabi. Pero ayokong kausapin siya, mamaya assuming na naman pala ulit ako.
"best!!"
Medyo gumaan ang pakiramdam ko nung makita kong padating si Kryzel kasama sina Yannie, France at ang
gwapong demonyong si Stephen.
"hi babes "
Ok sinisimulan na naman niya. Kada tatawagin niya ako ng ganyan kumukulo ang dugo ko, at halata namang
nakikita niya yun kaya lang hindi parin niya ko tinatantanan ng kakatawag ng babes dahil alam niyang wala akong
magagawa dahil nga blackmailer siya. Anak ng tokwa! Nag eenjoy talaga siya sa ginagawa niya!
Hindi ko na lang siya pinansin kesa masira pa ang araw ko.
Maya-maya lang din kumpleto na kami. After 15 minutes na pag aantay, sa wakas natawag narin ang flight number
namin at pinasakay na kami sa airplane. Hinanap ko naman agad ang seat ko
12B
Nung nakita ko na yung 12B medyo yamot naman ako dahil yung seat ko ay hindi katabi ng window. Napapagitnaan
pa ng dalawang upuan. Hay.
Inilagay ko sa taas yung hand-carry na bag ko
"excuse me"
Tumabi naman ako at napatingin sa likod ko and nakita kong umupo si Drew sa 12A, katabi ng bintana. Katabi ko.
Ano ba ito, pinaglalaruan ako ng tadhana?
Dahil sa no choice ako, umupo narin ako sa tabi niya. Hindi naman pwedeng nakatayo na lang ako dito forever.
Napatingin ako sa side niya and nakita kong nakatingin lang siya sa may bintana habang naka headset.
Kung ok lang sana kami ngayon edi masaya ako at kinikilig pa dahil katabi ko siya. Ang kaso hindi kami
nagpapansinan.
Hay
Sa totoo lang gustong gusto ko na ulit siyang pansinin.
Naramdaman kong may nag-occupy narin ng sit sa right side ko kaya tinignan ko kung sino.
"hi babes"
Anak naman ng lahat ng masasamang bagay sa mundo! Bakit sa lahat pa ng tao eto?! Pati ba naman dito hindi parin
ako hinihiwalayan ng isang to?!
"oh bat ganyan ka makatingin? Kinikilig ka naman dahil katabi mo ko? " kinindatan niya ako ng may halong pangasar.
TOKWA!
"oo grabe kinikilig ako, sobra" I told him in a sarcastic tone
Hay naku Naomi, hindi matutupad ang plano mo kung lagi mong sinusungitan si Stephen.
Waaaaaaah kahit na wala akong paki ngayon! Nakakayamot!
"tingin mo babes, ano kaya ang pameryenda nila satin"
"kape at biscuit ano pa ba?!"
"eto naman ang highblood, halikan kita diyan eh!" inilapit niya ang mukha niya saakin atsaka ngumuso ng
pagkahaba-haba. Itinabing ko naman ang mukha niya
"sipain kita diyan eh!"
Maya-maya lang pinapatay na saamin yung lahat ng gadgets namin dahil ready for take off na daw yung airplane.
Naramdaman ko namang unti-unting umandar ang airplane hanggang sa nasa himpapawid na kami. Gustong gusto
ko nga sumilip sa window. Nung last time na sakay ko sa airplane nung papunta kami sa Cebu sa may window ako
nakaupo. Ganito ding time yun, hapon and papalubog na ang araw. Ang ganda tignan ng sunset pag nasa airplane
ka. Parang upclose mong pinapanuod ang paglubog ng araw. Napaka breathtaking, wala akong masabi sa ganda.
The beauty of God's creation. Pero ngayon naman gusto ko ulit mapanuod kaso ayun eh hindi ako makatingin kasi
nahihiya ako kay Drew. Tsaka baka isipin niya tinititigan ko siya. Aba mahirap na, baka assuming din ang isang to!
Kinalabit ako bigla ni Stephen "hoy, bat ka naninigas diyan? Natatakot ka no? first timer ka sa pagsakay ng airplane
no?"
"excuse me pangatlong beses ko na nakasakay no"
"yabang! " tumawa naman siya dun na parang sira ulo.
Sa buong byahe dada ng dada si Stephen. Kung ano-ano ang sinasabi. Ang sarap nga pasakan ng tinapay sa
bunganga para matahimik eh. Para siyang si donkey sa shrek! Ang daldal!!
At nung sobrang sumasakit na ang tenga ko sa daldal niya, di ko na napigilan ang sarili ko "would you please stop
talking for just five minutes?! "
That shut him up. Pero after five minutes ang ingay niya ulit at salita na naman ng salita.
Oh God!
Sa kaliwa, katabi ko ang lalaking gustong gusto kong pansinin pero ayaw naman akong pansinin. Sa kanan, katabi
ko ang lalaking papansin ng papansin kahit ayaw kong pansinin.
How ironic! Imaginin niyo na lang kung gaano ka-peaceful ang byahe ko!
[Kryzel's POV]
Puerto Princesa Airport...
"best!!! We're here! We're here!! " lumapit saakin si Naomi at nagtatalon sa harap ko. Halatang halata na excited ang
isang to. Kagabi pa text ng text saakin to na sobrang excited siya.
"oo nga best, sana makagala agad"
"oo naman no! bago ka pa maging busy gagala na tayo! Tsaka hindi pwedeng hindi dahil binigyan na ko ng mga
kuya ko ng mahabang listahan para sa mga pasalubong nila"
Nag picture picture muna kami sa harap ng airplane tapos pumasok na kami sa loob to get our baggages. Nung
makuha na namin yung baggage, agad naman na may sumalubong saamin to welcomed us at sinabitan kami ng
flowers na kwintas.
Lumabas na ulit kami then hinanap yung car na susundo saamin.
"guys, ayun ata yung susundo satin" tinuro ni Drew yung van na color gray kaya lumapit naman kami.
"hay ang tagal niyo naman dumating, kanina pa ako dito"
Halos malaglag ko yung mga gamit na hawak ko sa sobrang pagkagulat.
What is he doing here?!
"Rence!"
"hi Naomi! Nakasama ka rin pala "
"yep kami ang palakpak brigade nila Kryzel "
"eh ikaw what are you doing here?!" I glared at him
"masama na ba panuorin ang girlfriend ko? "
"yiee ang sweet" pang-aasar saakin ni Naomi.
Ginatungan pa nila Yannie at France. Naman oh! Akala ko magiging Rence-free ang buhay ko ng dalawang linggo!
Hanggang Palawan ba naman nasundan niya ko?! Grabe lang!!
Sumakay na kami dun sa van tapos inihatid kami nito sa rest house na tutuluyan namin.
Dalawa kasi yung rest house na yun. Medyo maliit lang siya at may dalawa lang room, isang CR, isang dining area,
sala at kitchen.
Sa isang rest house pito ang pwede mag occupy. Kaya nagsama-sama na kami. Ako, si Naomi, si Stephen, si Drew,
Yannie, France, at... siya sino pa ba? Yung buntot at anino kong si Rence!
Dun sa kabila naman, in-occupy nung professor na kasama ko, yung dalawa pang staffers na kasama ni Stephen at
apat pang member ng mag chi-cheer saamin na kung tawagin ni Naomi ay palakpak brigade.
Inayos na namin yung mga gamit namin at nilagay dun sa room. Magkakasama kami nila Naomi at Yannie sa isang
room. Sa kabila naman sina Drew, Rence, Stephen at France.
"hay naku enjoy na enjoy si bakla dun sa kabilang room! Palibhasa puro papables ang makakasama niya sa kwarto"
sabi ni Yannie habang naglalagay ng gamit sa cabinet.
Maya-maya lang nakarinig kami ng malakas na sigaw galing sa room ng mga boys
"RAAAAAAAAAAPEEEEEEEEEE!!!!!"
"ano ba papa Stephen wala naman akong gagawing masama sayo!!"
Biglang bumukas ang pinto ng room namin at nakita namin ang pagmukuha ni Stephen. Tumakbo agad siya sa likod
ni Naomi.
Sumunod naman na pumasok ay si France.
"he's molesting me!!" tinuro-turo ni Stephen si France habang nakatago pa sa likod ni Naomi.
"papa Stephen wala naman akong gagawing masama sayo no! I'm just helping you to change your clothes "
"hoy ang landi mong bakla ka!" hinampas ni Yannie ang braso ni France.
Niyakap nama ni Stephen si Naomi "babes I'm so scared!! " tinulak tulak siya ni Naomi
"ano ba Stephen! Lubayan mo nga ako!!"
"anong tawag mo sakin? Stephen?" tinignan ni Stephen si Naomi ng nakakaloko
"b-babes. Sabi ko nga babes ang tawag ko sayo "
"good " biglang hinalikan ni Stephen ang pisngi ni Naomi
"ay ang sweet! Naiinggit ako! "
"tumigil ka nga Yannie! Eh kinakalantarya mo nga ang kuya ni Naomi eh!"
Nagtawanan sila.
"oh may swimming pool!" tumuro ako sa labas and lahat sila nagtinginan sa bintana "wait punta lang ako dun ha"
Lumabas ako sa room and pumunta sa may side ng pool.
Hay, what a scene.
Alam kong hindi naman talaga mahal ni Naomi si Stephen pero kada makikita ko sila hindi ko maiwasang hindi
masaktan. Tinanong ko dati si Naomi kung sa tingin niya mahal na siya ni Stephen, sabi niya saakin mukhang hindi
dahil hindi naman daw marunong magmahal yung lalaking yun.
Pero tingin ko nahuhulog na sa kanya si Stephen.
Kung alam lang ni Naomi kung paano makitungo si Stephen sa mga nagiging girlfriend niya. Palaging less talk, more
kiss. Alam ko yun, dahil naranasan ko. Kung ang babae alam ni Stephen na hindi niya mahahalikan, hindi na niya ito
lalapitan pa. Pero pagdating kay Naomi hindi. Nakikita ko ang makulit na side ni Stephen pag kasama niya si Naomi.
And mukhang kay Naomi niya lang nailalabas ang ganung side niya.
"HOY!! "
"ay daga!!" napalingon ako sa bwisit na lalaking nangulat sakin, and ayun nakita ko si Rence na tawa ng tawa "alam
mo nakakainis ka eh no! lakas ng tama mo!! "
"ikaw naman honey! Ang lungkot kasi ng mukha mo eh, gusto lang kita patawanin! "
"oo grabe tawang tawa ako sa ginawa mo!" I told he sarcastically
Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko the he filled the spaces between it "ang ganda sa Palawan no? isipin
mo na lang nag ddate tayo dito"
Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya "date your face! Hindi naman tayo!!"
Tinalikuran ko siya kaya lang napaharap ulit ako dahil nakita kong papadating si Naomi at Stephen.
"tara babes mag night swimming tayo, isuot mo yung bikini mo ha!"
"tigil-tigilan mo nga ako sa ka-manyakan mo Stephen!"
"ano kamo? "
"Fine! Babes!"
Iiwas na sana ako sa kanila at sa kabilang side dadaan kaya lang mukhang nakita na nila kami.
"oh Rence, Kryzel"
Lilingunin ko na sana sila to give a smile, kahit sa totoo lang gusto kong umiyak. Kaya lang bago ko pa sila malingon
nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Rence papalapit sa kanya at bigla akong hinalikan.
Nanlaki ang mata ko habang hinahalikan niya ako. Grabe yung halik niya, hinihigop ang labi ko to the point na kulang
na lang kainin niya na to ng buong buo. His kiss was aggressive. Very aggressive.
"babes let's go baka naiistorbo natin sila " I heared Stephen.
Nung makaalis sila itinigil na ni Rence ang paghalik saakin habang ako natulala at nawala sa sarili dahil sa ginawa
niya.
He held my hand then hinila niya ako "tara na sa loob honey. Kain na tayo ng dinner"
Pero kesa gumalaw sa kinatatayuan ko, hinila ko pabalik ang kamay ko kaya lang sobrang higpit ng pagkakahawak
niya kaya hindi ko ito mabawi.
"ano ba bitiwan mo ko!!" hinihla ko ang kamay ko kaya lang ayaw parin niya bitawan. Nakatalikod siya saakin pero
hawak-hawak parin niya ang kamay ko "ano ba! Sabi ng bitawan mo ko eh!! " nag-loosen ang pagkakahawak niya sa
kamay ko kaya agad kong inalis ito sa pagkakahawak niya. Hindi parin siya humaharap saakin "alam mo tigilan mo
na ko please! Kung makaasta ka feeling mo boyfriend kita eh! Nakakainis na! tell me, bat mo ba ginagawa ang mga
bagay na to ha?!"
"masisisi mo ba ko?" I was taken aback when I heard him speak. Hindi ito yung usual na masayahin niyang boses.
Yung tono nya ngayon ay napaka seryoso.
Mas nagulat ako nung humarap siya saakin. Yung expression ng mukha niya parang nasasaktan and was about to
cry.
"masisisi mo ba ko Kryzel? Nakikita ko ang babaeng gusto ko na nasasaktan dahil sa walang ka-kwenta kwentang
lalaki at wala akong magawa para alisin sa kanya ang sakit na nararamdaman niya. Masisisi mo ba ako kung bakit
ako nagkakaganito?"
Tinalikuran niya ako at naglakad na papasok ng rest house.
Chapter 18
*Mahal kasi kita*
[Kryzel’s POV]
“oh game! Game!” sumenyas si Drew and lumapit si Stephen at Rence sa kanya.
Pinagpatong-patong nilang tatlo ang mga kamay nila “maalis taya!” they all said in chorused.
“oh yes I’m safe!!” sabi ni Rence habang nagtatatalon
“me too!” nag high-five si Rence at si Drew.
“cheaters!! Ulitin natin to! Hindi maaari!!” pagrereklamo ni Stephen habang nakasimangot
Inakbayan ni Rence si Stephen “sorry bro, hindi na pwedeng ulitin eh! ”
Lumapit naman si France atsaka ipinulupot ang kamay niya sa braso ni Stephen “baby loves, alam ko naman na
gustong gusto mo akong makatabi eh! ”
“tigilan mo ko!!”
Nag maalis taya ang mga boys kung sino ang makakatabi ni France for two weeks, at kung suswertehin nga naman
si France, si Stephen ang natalo.
Tinignan ko sila habang nagtatawanan.
Mukhang masaya naman si Rence eh. Nakakapagdalawang isip tuloy kung totoo yung sinabi niya saakin kanina.
“masisisi mo ba ko Kryzel? Nakikita ko ang babaeng gusto ko na nasasaktan dahil sa walang ka-kwenta kwentang
lalaki at wala akong magawa para alisin sa kanya ang sakit na nararamdaman niya. Masisisi mo ba ako kung bakit
ako nagkakaganito?”
Waaaaaaaaaaaah nababaliw talaga ako! Ano ba talaga ako sa kanya? Gusto niya ba talaga ako?
Pero paano?
I mean, hindi naman kami talaga magkakilalang dalawa eh. Saglit pa lang kami nagkakasama. Ni hindi nga kami
close eh. At isang beses ko pa lang siya nakakakwentuhan, at lasing pa ko nung mga panahon na yun na nahantong
pa sa.. you-know-what.
Kung meron man talagang nangyari.
Paano niya ako magugustuhan? Ano yung love at first sight?
No, I don’t believe at love at first sight. Dahil kung ganoon nga nangyari, hindi naman pagmamahal ang tawag dun,
dahil mukha ko lang ang nagustuhan niya hindi yung tunay na ako.
But still…
*sigh*
May biglang nag doorbell, binuksan naman ni Naomi yung pinto.
“oh ma’am Icalla”
Si Ma’am Icalla yung professor na kasama naming pumunta dito.
“kamusta kayo dito?”
“ok lang po ma’am”
“nag dinner na ba kayo?”
“yes ma’am!” we all said in chorus
“by the way, Drew and Kryzel, wala pa kayong naka schedule na activities tomorrow so free kayo mamasyal.
Ikaw din Rence”
Si Rence? Wait kasali din ba siya?
“yes ma’am!”
“ayun ayos makakapasyal din tayo!”
“teka, kasali ka din sa Mr. and Ms. Palawan Rence?” tanong ni Naomi sa kanya
“ah hindi, mag bibigay lang ako ng intermission number”
Akala ko pa naman nandito talaga siya para panuorin ako.
Teka Kryzel, bat parang disappointed ka?!
Maya-maya nung matapos sila magharutan, nag pasukan narin sila sa kani-kanilang room. Dahil tatlo lang kami at
dalawang queen-sized ang kama sa room namin, napag-desisyunan naming mag rotation kung sino ang mag sosolo.
Ngayong gabi si Naomi ang magso-solo sa kama tapos tabi naman kami ni Yannie sa kabila pa.
Bago ako pumasok ng room, pumunta muna ako sa kitchen para magtimpla ng milk. Pagka kasi sa ibang lugar ako
natutulog, hirap ako makatulog kaya lagi akong umiinom ng gatas.
Pagkapasok ko ng kitchen nakita ko naman si Rence doon na may ginagawa. Hindi naman ako makatingin ng diretso
sa kanya.
Naman bat ba ko naiilang sa kanya?
“uhmm Rence, y-yung sinabi mo kanina, totoo ba yun?” bago ko pa mapigilan ang sarili ko eh naitanong ko na
agad sa kanya ang bagay na yan.
Hindi niya ako pinansin and busyng busy siya sa pagtitimpla ng kung ano sa mug niya. siguro hindi niya narinig ang
sinabi ko.
Sana..
Kaso bigla naman siyang nagsalita
“tingin ko nasa saiyo na kung maniniwala ka or hindi” inabot niya yung mug na hawak-hawak niya saakin “hot
milk yan pinagtimpla kita para makatulog ka agad” lumapit siya saakin then he kissed my forehead “goodnight ”
Lumabas na siya ng kitchen then iniwan niya akong nakatayo.
I sipped the milk and it tastes good.
Nasa akin ba talaga ang desisyon kung maniniwala ako o hindi? Pero ang hirap naman.
Wala akong makitang rason para paniwalaan ang ginagawa niya
But still, wala rin akong makitang dahilan para hindi siya paniwalaan.
[Naomi’s POV]
“ok matulog na kayo at bukas maaga pa tayong pupunta sa underground river!” pinatay na ni Yannie yung ilaw
sa room namin. Ako naman nagtalukbong na nang kumot. Mukhang hindi ako makakatulog nito ah, excited na
excited ako! Aba matagal ko ng gustong makita ang underground river na yan! Hanggang sa mga pictures ko palang
nakikita yun eh ngayon pupuntahan na talaga namin!
Ilang beses pa akong nagpagulong gulong sa kama, at last nakatulog narin ako.
In the middle of the night bigla naman akong naalimpungatan. Kinuha ko yung cellphone ko na nakalagay sa
sidetable sa gitna ng kama ko at kama nila yannie at Kryzel. I checked the time.
1:46 am
Hay hating gabi pa pala. I closed my eyes then nagtalukbong ako ng kumot at humarap dun sa kabilang side tapos
niyapos ko yung unan ko.
Teka bat ganto yung unan, para atang medyo tumaba at, err humaba?? Bat parang mas mahaba pa saakin yung
unan and may nararamdaman akong hininga sa may mukha ko?
Dumilat ako and halos mapasigaw ako sa nakita ko.
ASDFGHJLPOUYEWR!!! TOKWA!
Bumulaga lang naman ang nakangiting pagmumukha ni Stephen sa harap ko!!
Tinakpan ni Stephen ang bibig ko para hindi ako mapasigaw
“shh wag ka maingay babes, baka magising mo sila ”
Inalis ko yung kamay niya sa bibig ko at pabulong kong sinabi na “anong ginagawa mo dito sa kama ko?!”
“ayoko dun sa room namin. itinabi nila ako kay France eh. Minomolestya kaya niya ko! Sinasamantala niya
ang pagkalalaki ko!”
“I don’t care. Bumalik ka na sa room niyo!”
“ayaw! Gusto ko katabi kita!” bigla naman niya itinaklob ang kumot saaming dalawa at idinagan saakin ang mga
braso at hita niya “kanina nga hinuhug mo pa ko eh!”
“tse! Akala ko unan ka!”
Inilapit niya ako sa kanya at biglang niyakap. Magkadikit ang mga noo naming dalawa and ramdam na ramdam ko
ang hininga niya sa mukha ko “o-oy t-teka ano ginagawa mo”
“eto ang gusto kong pwesto eh, ang comfortable. Matulog ka na nga lang babes and wag ka na maingay
baka magising mo pa sila”
Tinulak tulak ko naman si Stephen pero wala, para siyang mighty bond na nakadikit saakin. In the end no choice ako
kundi matulog sa ganung pwesto namin. Nakayakap siya saakin at magkadikit ang mga noo namin na parang onting
maling kilos lang eh mahahalikan ko siya.
Pero infairness, comfortable nga.
Maya-maya lang din nakatulog na ako.
The next morning maaga naman ako nagising dahil kailangan kami umalis ng maaga para sa pagpunta sa
underground river. Pagkagising ko naman wala na si Stephen sa tabi ko and mukhang wala namang idea sina
Yannie at Kryzel na naktulog sa room namin ang gwapong demonyong yun.
Kasama yung prof namin at yung iba pa naming kasama sa kabilang resthouse, sabay-sabay kaming sumakay ng
van. After two hours ng byahe, sa bangka naman kami sumakay. Ako naman napaghahalataang ipinanganak lang
nung isang araw, manghang mangha naman ako sa dagat. Aba ang ganda naman kasi talaga ng dagat dito sa
Palawan. Ang sarap iuwi at ilagay sa bakuran namin!
After a couple of minutes, nakarating narin kami sa pampang kung saan nandoon yung underground river. Bago
makarating sa underground river, kailangan muna kaming dumaan sa monkey trail kung saan nagkalat nga ang mga
unggoy.
“ang cute!! Stephen kamukha mo oh! ” sabi ko habang turo-turo yung isang maliit na unggoy
“ano ka ba naman babes di hamak na mas gwapo ako diyan no!”
Nung makarating kami sa dulo, agad naman kaming inabutan ng mga crews ng helmet and life vest. Sinuot ko
naman agad yung akin at dali-daling sumakay sa bangka.
Sige na ako na ang excited!
Dahil sa ako ang pinaka naunang sumakay, namili naman ako ng pwedeng upuan. By twos kasi yung mga seats eh.
Ako naman sa may bandang harap naupo.
Sumunod na sumakay ng boat si Drew. Nung una akala ko tatabi siya saakin, pero umupo siya doon sa kabilang
dulo.
Sige lang! pamukha niyang iniiwasan niya ako! Grr ganda ganda ng mood ko nasisira!
Nagispuntahan narin yung iba pa naming mga kasama sa bangka. Syempre sino pa ba ang tumabi saakin kundi si
Stephen! Kailangan pa bang imemorize yan?
Nung nakumpleto na kami nag start na sa pagpapaandar yung bangkero namin. Binalaan pa nga kami na wag
masyadong mag sasalita dahil hindi lahat ng bumabagsak galing sa itaas ay tubig, yung iba daw wiwi ng paniki.
Yuck.
Nung nakapasok na ang bangka namin sa cave, doon ko napagtanto na masyadong madilim sa loob. Buti na lang at
may flashlight. Kanya-kanya naman kaming labas ng camera para picturan ang iba’t ibang rock formation sa loob.
Bigla ko tuloy naalala yung sa harry potter and the half-blood prince. Yung pumasok si Dumbledore at Harry sa isang
cave para kunin ang horcrux ni Voldemort. Ganito din ata yung itsura nung cave.
Manghang-mangha naman ako sa ganda nung cave, talagang kakaiba yung mga stalagmites and stalactites na
makikita. May mga rock formation na korteng mais, may korteng The Nativity (Joseph, Mary and Jesus), meron pang
mukha ni Jesus at madami pang iba. Meron ding batong parang nag gi-glitters. Hindi yan man made, natural yan.
The beauty of God’s creation.
Dumaan kami sa part kung saan sa itaas namin ay may milyong-milyong nakasabit na paniki. Napatalukbong naman
ako nun dahil takot talaga ako sa paniki.
“hala babes ayun yung isa oh nakatitig sayo patay ka!!”
Dahil natakot ako sa pangasar ni Stephen, gumilid naman ako kaya gumewang gewang yung bangkang sinasakyan
namin at pati silang lahat ninerbyos dahil saakin. buti na lang hindi tumaob ang bangka.
“best wag ka matakot, tulog naman ang mga paniki na yan. Sa gabi sila active”
Hinampas ko si Stephen sa braso dahil sa pangaasar niya saakin. Bwisit talaga na lalaking yun!
Nung marating na naming yung certain point ng cave kung saan hanggang doon na lang kami, ibinalik na agad nung
bangkero yung bangka namin sa may pang-pang. Nung pababa naman ako muntikan na akong madapa sa tubig buti
na lang at nakakapit ako agad dun sa may sanga. Ang ganda nga eh, malapit lang saakin nung mga panahon na yun
si Drew pero hindi siya nagatubiling tulungan ako.
Ano ba talaga ang nagawa ko dun at mukhang ang laki ng galit saakin?!
After ng underground river, kumain muna kami ng lunch at naglibot-libot. Mga bandang hapon nung maka balik kami
sa rest house.
Naligo muna ang lahat at nagpahinga at natulog dahil lahat kami pagod. Mga 6pm, sinundo kami ng van at dinala sa
Ka’Lui restaurant at doon kami kumain ng dinner. Ang ganda nga ng ambiance ng lugar at ang sarap pa ng mga
food.
Pinaalalahanan naman ni Ma’am Icalla sila Drew at Kryzel na may practice sila tomorrow para sa talent portion.
Sasayaw kasi sila ng hawaiian dance with a tune of Waka waka ni Shakira. Mapapalaban ang bestfriend ko nito sa
sayawan!
After mag dinner, bumalik na ulit kami sa rest house. Dahil lahat kami ay natulog ng hapon at mga matatas pa ang
energy, nagkulitan muna kami ng nagkulitan.
Ayos sana ang araw na to kung hindi lang talaga ako iniiwasan ni Drew eh. Ano ba kasi talaga nagawa ko sa kanya?!
Wala akong idea talaga!
Teka, baka naman ang pangit ng tingin niya saakin dahil kay Stephen? Baka inisip niya katulad na ako ng mga
babae ni Stephen? Jinujudge na ba niya ako na malandi?! Bakit porket ba umibig ang isang tao kay Stephen eh
malandi na?! hindi naman sa gusto ko si Stephen or what, pero hindi naman lahat ng babae ni Stephen ay parepareho!
Bakit iba naman si kryzel sa kanila, iba si Yannie, sige isama na natin si France. Iba si France. IBANG IBA.
At mas lalo naman ako!!
Tapos ngayon iniisip ni Drew na ang landi ko?!
WAAAAAAAAAAAAH! HINDI KO NA KAYA ITO!!
Tumayo ako at kinuha ko yung remote ten itinapat ko sa bibig ko na parang mic “ladies and gentleman!
Kakantahan ko kayo ngayon!!”
Lahat sila napatigil sa paghaharutan at napatingin saakin. Isang way ko kasi ng pagaalis ng bad vibes sa katawan ay
ang pagkanta. At pag ako kumanta asahan niyo ng may patatamaan talaga ako!
“sige nga babes! Kantahan mo kami!”
Nagpalakpakan silang lahat, well except Drew.
Sinimulan ko na ang pagkanta ko
“If I'm a bad person, you don't like me
Well, I guess I'll make my own way
It's a circle, a mean cycle
I can't excite you anymore
Where's your gavel? Your jury?
What's my offense this time?
You're not a judge but if you're gonna judge me
Well, sentence me to another life”
Nagkunyari naman ako na may iniistrum na gitara sa harap at ginaya gaya ko si Hayley ng Paramore.
“Don't wanna hear your sad songs
I don't wanna feel your pain
When you swear it's all my fault
'Cause you know we're not the same
No, we're not the same, oh, we're not the same
We're the friends who stuck together
We wrote our names in blood
But I guess you can't accept that the change is good
It's good, it's good”
Siguro mukha na akong timang dito sa harap na feel na feel ang pagkanta ng rock song. Kulang na lang pati
headbang ni Hayley gayahin ko eh. Kaso di na keribells ng powers ko.
“Well, you treat me just like another stranger
Well, it's nice to meet you, sir
I guess I'll go, I best be on my way out
You treat me just like another stranger
Well, it's nice to meet you, sir
I guess I'll go, I best be on my way out
Ignorance is your new best friend
Ignorance is your new best friend”
Nag bow ako sa harap nila, nagpalakpakan naman sila.
“grabe bakla hardcore yun ah! Kulang na lang basagin mo lahat ng salamin sa bahay na ito! ”sabi ni France
na natatawa tawa
“naku hindi ka lang marunong maka-appreciate ng music! Ay grabe hiningal ako dun ah, labas muna ako
saglit.”
Agad agad akong lumabas ng rest house at pumunta sa may gilid ng pool.
Ok masyado ata akong na-carried away sa pinagiisip ko at napakanta tuloy ako ng bongga! Grabe nakakahiya
talaga! Nakakahiya!!
Tinanggal ko ang tsinelas ko at naupo sa gilid ng pool habang nakalubog ang mga paa ko sa tubig. Naalala ko na
naman ang mga pinag-gagagawa ko.
Hay pwede na akong matanggalan ng lisensya sa pagkanta! Nakakahiya ang ginawa ko talaga. Mukha akong timang
sa harap na nagwawala!
Nagulat naman ako ng biglang may nagpatong ng jacket sa likod ko.
“malamig”
Napatingin ako at nagulat ako ng makita ko si Drew.
Umupo siya sa tabi ko at ginaya ako sa paglubong ng paa sa tubig.
Ako naman hindi ko siya matignan. Paano nasaksihan pa niya ang pagwawala ko sa harap. Nakakahiya. Wa poise!
“uhmm sorry”
Nagulat naman ako bigla sa sinabi niya. Ano daw? Sorry?
“sorry Naomi hindi kita pinapansin. Tinamaan ako sa kanta mo” sinabi niya na medyo natatawa tawa “pero
natuwa naman ako kasi affected ka pala na hindi tayo nag papansinan”
“eh kasi mahal kita kaya ganun”
Natigilan ako sa sinabi ko. Napatingin ako sa kanya and kitang kita ko na nanlalaki ang mata niya at halatang gulat
na gulat sa sinabi ko.
“m-mahal mo ko?”
Tokwa. Nadulas ako.
Siomai.
Paano ko babawiin ang sinabi ko?
Chapter 19
*unknown pain*
[Naomi's POV]
"m-mahal mo ko?"
Nakatingin parin ako hanggang ngayon kay Drew at parehong nanlalaki ang mga mata namin.
Shoot ano bang dapat kong sabihin ngayon? Ayokong bawiin at the same time ayokong ituloy ang mga sasabihin ko.
Naman Stephen, sa ganitong pagkakataon di ba madals kang umepal? Bakit ngayon hindi ka dumadating? Wrong
timing ka namang lalaki ka eh! >_<
Tsk hindi ko alam na dadating pala ang oras na hihilingin ko na sana biglang umepal si Stephen sa pag mo-moment
ko kay Drew.
"uhmm, a-ano k-kasi eh.." ganito ba ang pakiramdam ng nagtatapat? Grabe nakaka nerbyos. Partida wala pa kong
practice! Biglaan ito!
Nagulat naman ako ng biglang ipatong ni Drew ang kamay niya sa kamay ko then he gently squeezed it.
Ako naman eto kinikilig na kinakabahan. Feeling ko nga matatae ako na ewan dahil sa nararamdaman ko.
Tumingin si Drew sa mga mata ko "Naomi, may gusto ka ba saakin?"
Yumuko ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya "o-oo"
Siomai!! Ramdam na ramdam ko nagiinit ang mukha ko!! Ako'y ninenerbyos.
"mahal mo ba ako Naomi?"
"o-oo" still hindi parin ako makatingin sa kanya
"Naomi look at me"
"a-ayoko!"
"please?"
Humarap ako sa kanya pero sa may pool nakatingin ang mga mata ko
"Naomi, look into my eyes and tell me you love me"
"a-ayoko! "
Oh gulay bakit ba niya ako tinotorture ng ganito? Hindi ba niya alam na once na tumingin ako sa mga mata niya ay
mabilis pa sa kidlat na matutunaw ako?
"please, Naomi?"
Pinilit naman niyang i-angat ang ulo ko pero ayoko parin. Pumikit na nga ako kasi pinipilit niya parin ako.
"bakit ano ba kung mahal kita?!" sabi ko habang nakapikit parin "eh wala ka naman paki saakin eh. Dahil isang
malaking joke lang yung sinabi mong mahal mo ko "
Binitawan niya ang pagkakahawak niya sa mukha ko
"paano kung sabihin kong totoo na mahal kita?"
Bigla akong napatingin sa kanya at nakita kong seryosong seryoso ang mukha niya.
Iniwas ko ulit ang tingin ko.
"alam kong hindi naman totoo yun. Imposible na magustuhan mo ang tulad ko "
"imposible?" he gently lifted my chin then bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Nanlaki na naman ang mga mata ko ng dahan dahan siyang pumikit at dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya
sa mukha ko.
Palapit ng palapit hanggang sa maramdaman kong nagdampi ang aming mga labi.
1..2..3 seconds.
Tatlong segundong magkadampi ang labi namin, pero parang may sumabog na fireworks sa puso ko. Alam niyo
yung fireworks sa dibdib ni katy perry sa music video niya? Parang nagkaroon ako bigla ng ganun sa dibdib ko.
Kulang na lang tumalon ako sa pool sa sobrang pagpipigil sa nararamdaman ko.
WAaaaaaaaaaaaaaaaahhh hinalikan niya ko! Tokwa tokwa tokwa! I'm suffocating! Kinikilig ako!!!
Pero syempre hindi ko pinahalata. Dahil nasa in state of shock din ako kung bakit ako biglang hinalikan ni Drew.
Humiwalay siya saakin pero nakatingin parin siya sa mga mata ko "Naomi, mahal din kita"
"k-kung biro yan bawiin mo na agad"
"hindi ko na siya babawiin ngayon. Sorry kung nagpaka duwag ako"
Nagulat ako sa sinabi niya, ibig sabihin totoo talaga na mahal niya ko?
"p-pero bakit mo binawi dati?"
"akala ko kasi ang mahal mo ay si Stephen. Ayokong magulo ang pagiisip mo at the same time ayoko rin masira ang
friendship natin. Baka kasi mailang ka saakin" napakamot naman siya sa likod ng ulo niya at mukhang nahihiya "pero
mahal talaga kita."
Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti. I saw him grinning too.
Alam mo yung pakiramdam na kinikilig ka at alam mo yung kasama mo ay kinikilig din ng dahil sayo kaya dobleng
kilig ang nararamdaman mo? Ganyan ganyan ang nararamdaman ko ngayon. Somebody stop me, malapit na akong
tumalon sa swimming pool sa sobrang kilig!!
"Kaya lang hindi ko maintindihan, anong meron sa inyo ni Stephen?"
"oh that" napayuko naman ako. Alam kong kailangan kong aminin kay Drew ang lahat. Selfish na kung selfish pero
mahal ko talaga si Drew at ayokong mawala pa ulit itong chance na to saakin.
Huminga ako ng malalim "I-I signed a contract. Kailangan kong paibigin si Stephen then I'll break his heart. Katulad
ng ginawa niya sa maraming babae. At first ayoko naman talagang gawin p-pero kasi nakita ko kung paano nasaktan
si Kryzel ng dahil sa kanya..." and he also stole my first kiss..gusto ko sanang idagdag kaso hindi ko magawang
sabihin sa kanya.
Narinig ko ang malakas na pag sigh ni Drew kaya napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakasmile siya "I'm glad,
akala ko too late na ako."
"d-drew, mahal mo ba talaga ako?"
Tinignan ako ni Drew sa mata "oo Naomi, mahal kita, matagal na. "
Pwede na kong mamatay ngayon swear!!
"ikaw Naomi, mahal mo ba ako?"
Tinignan ko rin siya direct in his eyes "mahal din kita, matagal na. k-kaso ok lang ba sayo na tago ang relationship
natin?"
Nginitian naman niya ako "I'll wait for you. Gusto kitang ligawan, kaya hihintayin ko ang tamang oras para maligawan
kita. Sana maintindihan mo"
Kinilig na naman ako ulit sa sinabi niya. Ang romantic niya sobra. Parang hindi ako makapaniwala sa nangyayari "oo
naman, naiintindihan ko, salamat Drew"
He kissed my forehead.
Maya-maya lang din pumasok na kaming dalawa sa loob ng rest house. Syempre hindi namin pinahalata na may
something na saamin. Pero kung malakas ang radar mo, mararamdaman mong bigla kaming naging blooming
dalawa.
"babes!" lumapit saakin si Stephen "solo mo ba ulit ang bed mo?"
Napaiwas ako ng tingin kay Stephen. Hindi ko alam pero bigla akong nailang sa kanya.
"h-hindi eh. Si Kryzel naman ang mag o-occupy nun ngayon"
"ay sayang! Kawawa naman ako mukhang mare-rape ako ngayong gabi!"
"s-sige pasok muna ko sa kwarto namin" sabi ko kay Stephen ng hindi parin nakatingin
Bigla naman siyang humarang sa dinaraanan ko at pilit sinisilip yung mukha ko "oy babes, ano bang nangyari sayo?
Bat hindi ka makatingin saakin? "
Nakayuko parin ako at pilit na dumadaan.
Bakit nga ba hindi ako makatingin sa kanya? Hindi ko rin alam ang dahilan. Parang feeling ko pinagtataksilan ko siya
eh.
Waaaaaaaaaah
Teka hindi naman kami ah!
"tabi nga!!!" tinabing ko siya at agad pumunta sa room naming at nagpagulong sa kama
"shet shet shet sheeeeeeeeeeettttt"
"huy best anong problema mo? "
Napaupo naman ako bigla nung makita ko si Kryzel
"best, may kailangan akong sabihin sayo!"
Umupo si Kryzel sa tabi ko "ano yun?"
"umamin na saakin si Drew. Mahal daw niya ko "
Nakita kong halos mapatalon si Kryzel sa kinauupuan niya dahil sa sinabi ko
"kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ano sinabi mo?!"
"sabi ko mahal ko din siya" I said while grinning
"oh my gosh best! Kinikilig ako! Kinikilig ako!! "
Nagtitili naman kaming dalawa ni Kryzel dun, pero yung mahina lang. Yung tiling parang nagpipigil para hindi kami
marinig sa labas.
"pero wait, ano dinahilan mo yung about sa inyo ni Stephen?"
"sinabi ko sa kanya yung totoo. And sabi niya ready naman daw siyang maghintay ng tamang oras"
Napayuko naman si Kryzel "best, sorry ha. Ng dahil saakin hindi mo tuloy makasama si Drew "
"ano ka ba naman best, wala ka namang kasalanan eh! Tsaka isa pa kung hindi dahil dito hindi rin kami
magkakaaminan ni Drew."
Kryzel smile "actually nung una natatakot ako kasi baka naiinlove ka na din kay Stephen. Baka masaktan ka din.
Pero natutuwa naman ako sa binalita mo saakin ngayon "
"naku imposibleng mainlove ako dun! Pero best sana satin munang dalawa yung about saamin ni Drew ah? Tsaka ko
na lang sasabihin sa kanila pag dumating na yung tamang oras"
"sure. Your secret is safe with me"
Maya-maya lang din pumasok na ng room si Yannie at nagsitulugan na kaming tatlo.
Ako naman hindi talaga makatulog dahil naalala ko na naman ang conversation namig ni Drew. Napapakanta na
tuloy ako sa isipan ko.
Di na makatulog, di pa makakain. Tigyawat sa ilong, pati na sa pisngiii.
Nung hindi ko na kinaya, tumayo ako at lumabas para mag timpla ng milk. Nagulat naman ako nung makita ko si
Stephen na natutulog sa sofa at walang kumot.
Naku kawawa naman ang isang to, mukhang minomolestya talaga ng bongga ni France. Yung baklang yun talaga,
ang harot harot!
Pumasok ulit ako sa room namin at kinuha yung spare na kumot sa cabinet atsaka ko ito ikinumot kay Stephen.
Napatitig naman ako sa mukha ni Stephen habang natutulog. Infairness hindi siya mukhang demonyo ngayon.
Mukha siyang anghel. Ang amo ng mukha niya habang natutulog.
Kinuha ko yung cellphone ko at pinicturan ang natutulog na mukha ni Stephen. After ng isang shot napatigil naman
ako bigla.
Bat ganito? Parang may kakaiba akong nararamdaman sa puso ko ngayon. Parang nasasaktan?
Habang tinititigan ko yung natutulog na mukha ni Stephen, pasakit ng pasakit ang nararamdaman ko sa puso ko.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya atsaka ako pumunta sa kitchen at uminom ng tubig.
Ano bang meron?
Tinatamaan na ba ako ng konsensya?
Chapter 20
*carpenters*
[Naomi's POV]
Next morning.
Maaga kaming umalis para sa photo shoot nila Drew at Kryzel. Ako naman, halos hindi maka bangon sa kama sa
sobrang pagkabangag. Hindi kasi ako makatulog talaga kagabi eh.
"hay naku, inlababo kasi kaya nagka insomnia ang babae " pangaasar saakin ni Kryzel.
Tumawa na lang ako sa sinabi niya. Pero sa totoo lang hindi naman dahil kay Drew kung bakit ako hindi makatulog
eh. Dahil dito sa lintik na nagpupukpok sa puso ko. Ewan ko ba kung anong meron! Under construction ba ang puso
ko kaya kailangan ng mga karpintero?
Tokwa talaga.
Nagsilabasan na sina Kryzel at Yannie ng room at naiwan naman ako doon na nagaayos pa ng gamit hanggang
ngayon dahil nga sabog ako at mala-pagong kung kumilos.
Nagulat naman ako ng may biglang may yumakap saakin from my back.
"good morning" napangiti ako agad ng marinig ko ang boses ni Drew.
Humarap naman ako sa kanya, "good morning too "
He kissed my forehead "sabi ni Kryzel di ka daw nakatulog. Ako din, kasi miss agad kita"
Natawa naman ako "sana pala tinawag mo ako para nakapagusap tayo"
"akala ko kasi tulog ka na."
"love birds" nagulat naman kami pareho sa boses ni Kryzel "hay naku mamaya na kayo maglambingan at kailangan
na natin umalis"
Sinenyasan ko naman si Kryzel "ano ka ba best may makarinig sayo!"
Natawa na lang siya.
Lumabas na kami then sumakay sa loob ng van. Syempre hindi kami pwedeng magtabi ni Drew sa kadahilanang si
Stephen dapat ang katabi ko.
Pagpasok ko naman ng van nandun na si Stephen sa loob. Nakaupo siya sa tabi ng bintana habang nakasandal
doon ang ulo niya at natutulog. Mukhang puyat din ang isang to samantalang nadatnan ko naman siyang tulog na
tulog sa sofa kagabi.
"hoy bakla!" hinampas ni Yannie ang braso ni France "ikaw talaga masyado mo nang hinaharass si Stephen eh! Kay
Naomi na si Stephen naintindihan mo? "
"oo na sister! Hmpf!"
Nagtawanan naman kami sa loob. Pasaway kasi tong si France eh, kawawa tuloy si Stephen.
Tinignan ko yung natutulog na mukha ni Stephen, and again yung mga bwisit na karpintero sa puso ko nag
pupupukpok na naman ng martilyo.
Nilabas ko na lang ang cellphone ko at nag start magbasa para ma-distract ako sa nararamdaman ko.
(after a couple of minutes)
"oh my gosh, oh my gosh kinikiliggg ako " sabi ko habang humahagikgik.
"uy best sino ba yang katext mo ha? Kanina ka pa tawa ng tawa diyan na parang kinikiliti"
"new boylet ba yan bakla? Paano na si" ngumuso naman si France sa way ni Stephen.
"ano ba wala akong ka text! Nagbabasa lang ako ng stories"
"stories? Anong stories?"
"stories in HaveYouSeenThisGirl. Try niyo ang ganda! Diary ng panget, Stop in the name of love, I met a jerk named
seven, and oh, 11 ways to forget your ex boyfriend"
"11 ways to forget your ex boyfriend?" Yannie, Kryzel and France said in chorus.
"yes" alam ko mga iniisip ng mga to. May mga gusto atang kalimuta sa "past" bwahahaha. Kaso si France hindi ko
lang sigurado. XD
"saan mo binabasa?!" inagaw naman saakin nila France yung cellphone ko.
"w-wait--!!"
Tinignan nila yung cellphone ko at nagpipindot pindot. Tapos maya maya naglabasan narin sila ng mga cellphone
nila at nag start mag basa.
After a couple of minutes, apat na kaming humahagikgik at kinikilig dito sa loob ng van.
[Author's Note: pinopromote ko po ang stories ng aking sis idol! (HaveYouSeenThisGirl) love na love ko mga stories
niyan pati siya love na love ko! Ang gaganda talaga promise, pati ang author maganda .. kaya hindi kayo magsisisi.
Basa na sa mga hindi pa nakakapagbasa ng stories niya! ]
Maya-maya lang tumigil na yung sasakyan namin at nakita naming nasa Honda Bay na kami. From Honda Bay kasi,
sasakay kami sa isang boat papunta doon sa snake island kung saan mag p-photoshoot sila Kryzel at Drew. Ginising
naman namin si Stephen and kawawa talaga dahil mukhang puyat na puyat siya.
"nandito na pala tayo? bat hindi ko naramdaman na bumyahe tayo? "
"tulog na tulog ka po kasi. Bat ba hindi ka nakatulog kagabi?"
"iniisip kasi kita " kinindatan niya ako.
Ok! kamusta naman yun no?! bangag na nga ganyan parin?!
Sumakay na kami sa bangka at binigyan nila kami ng life vest pati snorkels. Doon kasi sa island pwede kaming mag
snorkeling doon. Yun nga lang hindi makakasali sina Kryzel at Drew saamin dahil hindi sila pwedeng mangitim
hangga't hindi natatapos yung contest.
"oy basta promise niyo ah babalik tayo dito after ng contest! Kailangan naming ma-experience ni Kryzel ang pag
snorkeling!"
"oo naman!" I said while smiling to Drew. He smiled back
Syempre, smile pa lang nagkakaintindihan na kami. Ganyan daw ata ang nagmamahalan., may certain connection sa
isa't isa? Bwahahaha.
Lumapit naman si Rence kay Kryzel "di bale love, hindi rin muna ko mag snorkeling ngayon para sayo. Samahan kita
sa photoshoot and willing akong maging P.A mo today " he winked at her
"ayiieeee ang sweet " pangaasar ko sa kanila
"hindi na wag na no!"
"ano ka ba naman Kryzel pumayag ka na!" inakbayan ni Yannie si Rence "alam ko namang kinikilig ka dahil dito sa
papable mong si Rence. Di na uso pakipot ngayon girl "
Nagtawanan naman kami. Si Kryzel naman namumula. Wahahaha.
Nagpunta na sina Kryzel sa set nila, and kami naman nagpalit na ng mga pampaligo namin.
Hindi ako naka bikini. Simpleng bathing suit lang at shorts. Ayokong bigyan ng kaligayahan ang mga mata ni
Stephen.
Nung makapag palit, agad naman silang sumugod sa tubig, si Yannie, France at Stephen. Si Rence sineryoso
naman ang pagiging P.A niya kay Kryzel. Ako naupo lang sa seashore. May phobia kasi ako sa pag su-swimming.
Last year kasi, may swimming class kami and muntikan na akong malunod nun. As in nawalan na talaga ako ng
malay. Buti na lang na-save ako agad ng gwapo naming professor. Instant chansing ako sakanya nun. Bwahahaha.
Pero simula talaga nun takot na takot na akong mag swimming sa malalim. And alam kong malalim ang part ng
beach na ito dahil nga pwede kaming mag snorkeling di ba?
"Nami babes! Halika na!"
Nilapitan naman ako ni Stephen at hinila
"a-ayoko! Takot ako!"
"ano ka ba wala namang pating diyan eh tsaka may life vest ka naman. Tara na babes!"
"a-ayoko! Tsaka di ba snake island to? Baka madaming ahas diyan eh!"
"tungak! Di ka talaga nakikinig doon sa tour guide. Kaya tinawag na snake island kasi korteng snake yung isla hindi
dahil madaming snake"
"eh ayoko padin! Nakita mo naman kung paano ako malunod sa swimming class nun second year tayo di ba?" yes
classmate ko siya nung mga panahon nay un at malamang nasaksihan niya rin yun.
"hindi ko nakita, may kahalikan ako nun! Tara na kasi babes!! Di ka malulunod. Kaya nga may life vest di ba!"
Ilang masinsinang pangungumbinsi pa ang ginawa niya. In the end napapayag din niya ako. Pero syempre hindi pa
rin mawawala na takot talaga ako.
Nung lumusong ako sa dagat hanggang dibdib ko na agad yung tubig. Take note: hindi pa ako masyadong
nakakalayo sa seashore nun ha!
Bumitiw ako kay Stephen "dito na lang ako mag snorkeling" nilubog ko ang ulo ko at puro dilis lang ang nakita ko.
"nye ano ka ba naman! wag mong sabihing mamanghain mo na lang ang sarili mo sa sight ng mga dilis? Dali na
babes! Ang daming magagandang isda doon oh! Tara na!"
"eh hayaan mo na lang ako! Pumunta ka na kasi doon!"
Biglang dumating ang alon and medyo natangay ako kaya napausog ako ng onti sa kinatatayuan ko. Yun nga lang
pagka usog ko nagulat ako ng biglang lalim ng tubig at wala na akong naapakan.
"oh my gosh! Malulunod ako! Malulunod ako!!! Stephen help me!!" nagpupumiglas ako doon sa tubig. Si Stephen
naman nakatingin lang sakin.
Tokwang lalaki ayaw ako i-save!!
"Stephen! Help me! Stephen!! "
Naramdaman kong tumulo na ang luha ko sa sobrang nerbyos ko. Hindi ko magawang lumangoy papunta sa
mababw dahil sa sobrang taranta ko.
Nilapitan ako ni Stephen at hinawakan sa magkabilang braso "Nami relax! Hindi ka lulubog, may life vest ka!"
Napatigil naman ako sa pag galaw nun. Tama si Stephen, hindi nga ako lumulubog. Mukhang nakalimutan ko ang
function ng life vest ah. Bobitang babae.
"Humawak ka sakin" inabot niy Stephen ang kamay niya saakin atsaka hinila papalapit sa kanya "pupunta tayo sa
malalim ha?"
"p-pero"
"Nami hindi naman ako papayag na hindi mo makita ang ganda ng ilalim ng dagat. Just trust me" tumingin siya sa
mata ko "hindi kita bibitawan"
Bigla akong kumalma noon at niyakap si Stephen habang lumalangoy kami papunta sa malalim.
Hindi kita bibitawan
Bakit ganoon? Bakit gusto kong sabihin niya ulit saakin yun, pero sa ibang pagkakataon naman.
Yung mga karpintero sa puso ko, nag start na naman ulit magpukpok. Naasar naman ako! Hindi ko maintindihan
kung ano ang nararamdaman ko!!
"babes" humiwalay siya sa pagkakayakap niya saakin pero hindi niya parin binibitawan ang kamay ko "sisilip tayo sa
ilalim ha? One, two, three"
Sabay naming nilubog ang ulo namin and tama nga si Stephen, ang ganda ganda ng ilalim ng dagat. Ang daming
iba't ibang isda pati corals. Nagpalipat-lipat naman kami ng pwesto ni Stephen. Hindi ko namamalayan, nawawala na
yung takot na nararamdaman ko kanina. Ineenjoy ko na lang yung nakikita ko sa ilalim ng dagat.
Siguro mga halos dalawang oras din kami na ang swimming nung naisipan naming umahon na. By that time hindi na
pantay ang kulay ng mga balat namin. Well except si Stephen. Hindi naman nangitim! Namula lang! nakaka insecure
eh!
Nagpunta muna kami sa site kung saan pinipicturan sina Kryzel at Drew. Nakita ko naman na naka two-piece si
Kryzel and ang sexy niya talaga at ang kinis pa!
Sa isang tabi naman, nakita kong nakaupo si Rence habang pinanunuod si Kryzel. Nilapitan ko siya at tumabi ako sa
kanya.
"ganda ng best friend ko no? ang sexy pa!"
"oo nga eh. Pero kahit hindi siya maganda at sexy ok lang para saakin. love ko parin siya "
Napa smile naman ako sa sinabi ni Rence.
Hay naku, sana lang mapansin din siya ni Kryzel. Hindi ba niya alam na ang daming nagkakandarapa dito kay
Rence? Tsaka seryoso talaga siyang magmahal. Alam ko nakaka dalawang girlfriend pa lang siya pero parehong
tumagal yun. Alam kong pag naging sila sasaya si Kryzel sa kanya.
Nung matapos ang photoshoot ng mga girls. Yung mga boys naman ang kukuhanan ng picture. Isa isa narin silang
naglabasan.
Halos lumuwa naman ang mata ko nung makita ko si Drew na naka swimming trunks.
Gravy! Makalaglag eyes pati narin panty! Ang hot niya! Ang ganda ng katawan. Siguro dala narin ng pagiging varsity
niya.
Talaga bang mahal ako ng mala-Adonis na lalaking nasa harapan ko? Di ako makapaniwala.
"ano ba yan puro bilbil!" napatingin ako sa gilid ko at nakita kong si Stephen na ang katabi ko na busy sa pagkain ng
saging "tsaka tignan mo yung nipples oh ang liit liit! Yuck!!!" sabi niya habang tinuturo si Drew.
Naku tong isang to, napaghahalataang insecure!!
Nung matapos ang photoshoot kumain muna kami ng lunch sa Pandan Island then dumiretso kami sa souvenir shop.
Syempre tuwang tuwa naman ako kasi oras na para waldasin ang perang pinadala saakin ng mga kuya ko at bilhan
sila ng mga pasalubong.
Madami-dami naman akong nabili. Kasuy, cashew tart, cashew cookies, cashew pulvoron at kasuy pa ulit. Mag sawa
sila sa kasuy! Bumili din ako ng mga t-shirts at keychain pati mga anklets. Syempre binilhan ko rin ng accessories
ang sarili ko kahit wala naman akong hilig doon. Remember? Tibong nerd nga ako at walang hilig sa ganyan.
Nung nakapila na kami para magbayad, may nakita naman akong isang turtle na stufftoy doon. Ang cute sobra at
ang lambot. Ang sarap i-hug.
"magkano po ito?" tanong ko doon sa ale
"ah, 150 lang yan. At dahil maganda ka, ibibigay ko sayo ng 120"
Wow ang mura!! Kung sa manila umaabot ng 300+ ang stufftoy na ganyan ka cute eh!
Kinuha ko yung stufftoy at pinakita kay Drew "tignan mo Drew oh ang cuuuttteeee!! "
Tinignan niya yung stufftoy "oo nga no! kaso wag mo ng bilhin, wala ka naman pag gagamitan eh. Ipambili mo na
lang ng tshirt mo pa at souviner yung money mo "
"ganun?" ibinalik ko yung stufftoy at nagbayad na ng mga pinamili ko.
Nung matapos naman kaming mamili, bumalik na kami nina Stephen sa resthouse samantalang si Drew naman at
Kryzel, may kailangan pang puntahan para sa practice nila ng sayaw.
Agad naman akong nahiga sa kama pagkadating sa resthouse. Maya-maya nakatulog na din ako. Siguro gawa ng
pagod.
Mga bandang 4pm ako nagising at nakita ko na naman si Stephen sa tabi ko pero hindi siya natutulog. Hawak niya
lang yung camera niya at mukhang may tinitignan.
"hay naku nag trespass ka na naman sa room namin!" sabi ko habang kinukusot-kusot ang kagigising kong mga
mata
"ay gising ka na pala babes! May gusto kasi ako ibigay sayo eh"
"ha? Ano?"
Nagulat naman ako ng may bigla siyang nilabas na stufftoy na turtle. Yung katulad ng stufftoy na nakita ko kanina
"here"
"a-akin to?" sabi ko habang nagniningning ang mga mata ko
"yep. Sinong nagsabing hindi mo magagamit ang stufftoy na yan? Ang sarap kaya yakapin pagka gabi. Bumili nga rin
ako ng para saakin eh, para pareho tayo! " ginulo niya ang buhok "tara na sa labas babes! Kumakain na si Yannie at
bakla ng meryenda doon"
Lumabas na ng room si Stephen and again naramdaman ko na namang may pumupukpok sa heart ko. Pero this time
hindi na ata martilyo gamit nila. Mas malaking bagay na.
*sigh*
Nakakainis ka naman Stephen eh. Sana magpaka babaero ka na ulit para magalit ako sayo. Natatakot kasi ako.
Baka mamaya hindi ko na masunod yung contract na pinirmahan ko.
Chapter 21
*bad memories*
[Kryzel’ POV]
“best galingan mo ha! Ichi-cheer ka namin! ang iyong official palakpak brigade! ” sabi ni Naomi habang
nakayakap saakin.
“thank you best!”
Nakita ko naman na sumenyas si Stephen “oh picture muna! Tabi kayo ni Drew!”
Nagtabi kami ni Drew then kinuhanan kami ng picture ni Stephen. Kailangan ata para sa documentary nila.
“o siya labas na kami ha! Galingan mo Kryzel”
sige, thanks Yannie! ”
“kabugin mo sila sister! ” sabi ni France habang winawagayway yung pompoms na ginawa niya. Natawa naman
ako sa kanya.
“good luck love ” Rence winked at me.
Inirapan ko naman siya. Narinig ko nalang na natawa siya.
Nagsilabasan na sila sa backstage.
Hay naku thank god at hindi nagpaiwan dito si Rence. Araw-araw na lang nakabuntot saakin. Naiirita na talaga ako!
Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Ang mainlove ako sa kanya? Oh tapos ano na?
Halata naman na nag deal sila ng dad ko eh. Si dad kasi excited na atang magkaasawa ako kaya kung kani-kanino
ako nirereto!
“well, well, well, look who’s here”
Napatingin kami ni Drew doon sa dumating. Si Tricia at si Ryan, mga contestants din sila dito pero hindi namin
makuhang makasundo. From Impakta University ata nanggaling ang dalawang to.
Tricia looked at me from head to toe “grabe ang lakas ng loob mag suot ng ganyan! Ang panget naman ng
katawan!” nagtawanan sila ni Ryan.
Naka pang Hawaiian kasi ako para doon sa talent portion.
“don’t mind her” narinig kong ibinulong ni Drew saakin.
“oh don’t worry Drew, hindi ko naman siya papatulan! Lalo na kung yung costume niya eh balot na balot.
Parang may gustong itago” I told Drew pero medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Tricia.
She threw me an angry look “magiingat ka Aguilar. Baka ngayong gabi masira ang image mo ”she strode
passed me.
Nung makaalis na siya, pinagsabihan naman ako agad ni Drew “hay naku Kryzel, wag mo na siyang patulan.
Kaya lang naman nagkakaganyan yan kasi feeling niya napakalaking threat mo sa kanya”
Sinunod ko naman yung advice ni Drew though medyo nakakairita lang dahil parinig ng parinig saakin yung Tricia
from Impakta University na yun!
Maya maya lang, nag start na yung talent portion. Nung tinawag na kami ni Drew, agad kaming umakyat sa stage
then nakarinig kami ng malakas na palakpakan.
Mukha atang kinarir masyado nila Naomi ang pagiging palakpak brigade ah?
“DREW FERNANDEZ ALABYUUUUU! ANG GWAPO MO! WILL YOU BE MINE?! ”
Halos matawa naman ako, pero pinigilan ko. Aware ako na sa boses ni France nanggagaling yung mga tili at sigaw
na yun! Hindi naman ako maka tingin sa audience pero pinilit kong imagining ang itsura ni France habang
winawagayway ang kanyang pompoms.
“KRYZEL AGUILAR, YOU’RE A GODDESS!”
Namula naman ako bigla sa narinig ko. Yeah, boses nga ni Rence yun! Bwisit talaga na lalaki.
Pinatugtog na yung song.
Waka Waka!
Waka Waka!
You're a good soldier
Choosing your battles
Pick yourself up
And dust yourself off
Get back in the saddle
You're on the front line
Everyone's watching
You know it's serious
We are getting closer
This isn't over
Todo sayaw naman kaming dalawa ni Drew kahit parehong alam namin na wala talaga kaming ka-amor amor sa
pagsasayaw. Pero syempre performance level ang ginawa namin.
The pressure is on
You feel it
But you got it all
Believe it
When you fall get up, oh oh
If you fall get up, eh eh
Tsamina mina zangalewa
Cuz this is Africa
Tsamina mina, eh eh
Waka waka, eh eh
Tsamina mina zangalewa
This time for Africa
Nung matapos na yung sayaw namin, nakarinig naman kami ng malakas na palakpak, syempre sa pangunguna ng
aming magiting na palakpak brigade.
Bumaba na kami sa stage and papunta sa dressing room para makapag palit ng damit. May bigla namang
sumalubong saamin na dalawang lalaki.
“Ms Kryzel, pwede ba kaming magpapicture sayo? Ang ganda mo kasi eh” tanong nung isa saakin.
“Oh, sure!”
Tumabi ako doon sa lalaking nag tanong saakin. yung isa naman kinuha yung camera para makunan kami.
“ok smile, 1, 2…”
Nagitla ako ng biglang hawakan nung lalaki yung butt ko kaya ang tendency napatingin ako sa kanya at bigla ko
siyang nasampal. Sabay ng pagsampal ko ang pag flash ng camera.
“BASTOS!! ” sigaw ko doon sa lalaki. Nagulat naman yung iba kaya napatingin saamin.
“h-ha?! W-wala akong ginagawa sayo!” pag d-deny niya.
“ganyan ka pala Ms. Kryzel! Bigla bigla ka na lang nananampal ng taong wala namang ginagawa sayo! Buti
nakuhanan ko ng litrato ang ginawa mo! Ibibigay ko to sa mga judges! Hindi ka dapat manalo! Ang sama ng
ugali mo!!” sabi saakin nung isang lalaking may hawak ng camera.
“b-but---!”
Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Rence at sinuntok yung lalaki
“BAWIIN MO ANG SINABI MO KAY KRYZEL!! ” hinawakan ni Rence ang kwelyo nung lalaki.
Pareho namang lumapit si Stephen at Drew para pigilan si Rence.
Nung mabitawan ni Rence yung kwelyo ng lalaki, nagtakbuhan naman sila paalis.
“hindi namin palalagpasin to!!” sigaw nung isa sa kanila.
“best ok ka lang?”
Tumango lang ako kay Naomi pero talagang nanginginig ako.
What was that?!
Ako na nahipuan ako pa masama?! Ngayon ipapadala na nila sa mga judges ang picture.
Patay ako nito.
Dinala nila ako sa dressing room para pakalmahin. Pagkaupong-pagka upo ko bigla agad akong naiyak.
“best” hinimas himas ni Naomi ang likod ko.
“p-paano na kami ni Drew mananalo pag nakita nila yun? ”
Pinatungan ni Rence ng jacket ang mga balikat ko then tumingin siya saakin
“ayos lang yun Kryzel, wag mo nang masyadong isipin. Alam naman namin na wala kang ginawang masama
eh ”
Lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya.
“wala ka naman naiintindihan eh!! ” sigaw ko kay Rence “tsaka isa pa bat ka ba nangielam kanina ha?! Hindi
mo ba alam na sa ginawa mo mas lalo mo lang pinakumplikado ang sitwasyon?! Palibhasa hindi naman ikaw
ang lumalaban eh!!”
“best..”
“bakla ginawa lang naman niya yun para sayo” pagtatanggol ni France kay Rence
“eh hindi ko naman siya boyfriend eh!! ” tinignan ko si Rence “alam ko naman ang dahilan kung bakit mo
ginagawa to eh! Dahil may kasunduan kayo ng daddy ko tama ba?! Sumagot ka!! ”
But instead na sumagot, iniwas niya lang ang tingin niya saakin.
See? Hindi siya makasagot. Tama ako ng hinala!
Lumapit ako sa kanya then humarap ako “ngayon sinasabi ko pa lang sayo itigil mo na yan kasi kahit kelan
hindi kita kayang mahalin”
“best!!”
“totoo naman eh! Tigil-tigilan mo na ko Rence. Pwede bang mawala ka na lang sa buhay ko?!”[/i]
Napatingin bigla saakin si Rence and halatang gulat na gulat siya sa narinig niya. Kahit ako nabigla sa sinabi ko pero
hindi ko na baabwiin to. Mas mabuti na to para tumigil na siya.
Mahirap na, baka mamaya tuluyan na akong mahulog yun pala siya ginagawa lang to dahil sa pera namin.
Hindi na siya sumagot saakin. tinalikuran na lang niya ako at lumabas ng room.
Naupo ulit ako then I put both of my hands on my face “please iwan niyo muna ako”
Naramdaman ko namang nagsilabasan sila. Pero pagkalabas nila may bigla namang pumasok sa dressing room.
Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ito.
It’s Tricia.
“sabi sayo Aguilar eh magingat ka ngayong gabi baka masira ang image mo”
She gave me a smirk then lumabas na siya ng room.
[Stephen’s POV] >> (Author’s Note: nakakapanibagong itype to STEPHEN’s POV. Matagal tagal bago ko ulit siya
nabigyan ng POV. Mwahahaha)
***
“Hoy Stephen kain ka ng kain diyan! Nagkagulo na nga’t lahat eh wala ka parin inatupag kundi ang pagkain
mo! Akin na nga yan! ” inagaw ni Nami sa kamay ko ang hawak kong chichirya.
“ano ka ba naman babes! Tingin mo makakatulong ang pag sesenti natin sa mga nangyayari? Malungkot na
nga bestfriend mo magpapakalungkot ka rin? Ano ka baliw?” tumawa ako ng malakas. Si Nami naman tinaasan
lang ako ng kilay.
Here we go, come with me
There's a world out there that we should see
Take my hand, close your eyes
With you right here, I'm a racketeer
Narinig ko naman na tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko to sa bulsa ko and tinignan kung sino ang tumatawag.
Calling…
Steve Cruz.
Tsk bat tumatawag na naman ang isang to?
Tinignan ko si Nami “oy babes wag mo uubusin chichirya ko ha?”
Lumabas ako ng rest house then sinagot ko yung tawag
“dad, what is it this time?”
I heard him sigh on the other line “ikaw bata ka! Parang hindi kita tinuruan sumagot ng maayos ha”
“fine, fine. So what do you want?”
“kelan ang balik mo dito?”
“bat mo tinatanong?”
“next Saturday may engagement party kami ng Tita Alice mo and you have to be there”
Nagulat naman ako sa sinabi niya “WHAT?! ENGAGEMENT?! Talagang buo na ang desisyon mo diyan sa kasal
na yan?!
“oo anak. Please naman tanggapin mo na si Alice”
“HINDI KO MAGAGAWA YAN! ”
“Stephen I’m warning you. Pupunta ka sa engagement whether you like it or not! At tatanggapin mo si
Alice!!”
“bakit mo ko dinidiktahan--@$@#%$#!!”
Bigla na lang inend ni dad yung call kaya napamura ako. Sa sobrang inis ko sinipa ko yung bato sa harapan ko
“Argghhh! ”
“Stephen?” napatingin naman ako bigla sa likod ko at nakita kong parating si Nami “may kaaway ka ba diyan? Bat
ka sumisigaw? ”
Tinignan ko lang siya then I strode pass her. Narinig ko namang humahabol siya saakin
“huy saan ka pupunta?!”
Lumingon ulit ako sa kanya “hayaan mo muna ko mag isa” I told her coldly.
Mukhang nagulat siya sa tono ng boses ko pero hindi na niya ako sinundan.
Naglakad lakad ako hanggang sa may nakita akong park at naupo sa isa sa mga swings doon.
Ipinatong ko ang mukha ko sa kamay ko at bigla na naman nag flashback lahat ng nangyari.
“mama!! Wag mo kaming iwan!! ”
Hinahabol ko nun ang mama ko pababa ng hagdan habang dala-dala na niya ang maleta niya. Iyak ako ng iyak.
“anak patawarin mo ko ”
“hindi mo nab a ko love mama? ” tanong ko sa kanya habang humahagulgol parin ng iyak
Lumuhod siya sa harap ko para maging ka-level niya ako then pinunasan niya ang mga luha sa mata ko “hindi totoo
yan Stephen, mahal na mahal kita!” niyakap niya ako.
“bat mo kami iiwan? ” tanong ko sa kanya habang umiiyak parin.
Bigla naman dumating si Dad nun at hinila ako palayo kay mama.
“wag ka maniwala diyan Stephen! Hindi tayo minahal ng mama mo kasi kung mahal niya tayo hindi niya
gagawin to!! ”
“Steve alam mo naman kung bakit ko ginawa to di ba? Umpisa pa lang pinagpilitan mo na ang gusto mo!
Hindi mo manlang inisip kung ano ang mga mararamdaman namin.”
Tinakpan ni Dad ang tenga ko “umalis ka na lang dito sa pamamahay namin! Lumayas ka na!! ”
Kinuha ni mama yung maleta niya at tuluyang umalis.
Pitong taon pa lang ako nung mga panahon na yun. Hindi ko lubusang maisip kung paano ko nakaya ang mga
nangyayari saamin nung mga panahon na yun. Ang pitong taong pagiisip ko na hindi pa kaya tumanggap ng
impormasyon sa mga nangyayari. Ang alam ko lang iyak ako ng iyak. Gabi-gabi akong hindi makatulog at grabe
akong nasaktan.
Isang gabi nagising ako ng may marinig akong tawanan ng mga babae sa kwarto ni dad. Sa pagaakalang si mama
yun, lumabas ako ng kwarto ko para tignan. Pero iba ang nakita ko.
Tatlong mga babaeng walang saplot sa katawan ang nakapalibot sa dad ko.
Halos gabi-gabi, ganoon ang nakikita ko. Isang araw tinanong ko si dad bat niya ginagawa yun.
“kasi hindi dapat sineseryoso ang mga babae dahil mga mangagamit sila. Dapat sila din pinaglalaruan.”
Ayan ang sagot niya saakin. Pero ngayon ano ginagawa niya? Magpapakasal ulit siya? Tapos ano? Babalik sa
pagiging miserable ang buhay namin?
Nahihibang na ba talaga siya?!
Dahil masyadong sumasakit na ang ulo ko kakaisip, tinignan ko na lang yung camera na naka sabit sa leeg ko.
Pagka-on ko, mukha agad ni Nami ang nakita ko sa screen.
Napa hinga ako ng malalim.
Nung mga panahong kasama ko si Nami nakakalimutan ko ang sakit na idinulot saakin ng mama ko.
Pero may nakalimutan akong isang bagay.
Babae din si Nami at malaki ang chance na masaktan niya ako.
Ayokong matulad sa dad ko kaya ayokong magmahal.
Kung hindi ko ititigil ang pakikipaglaro ko kay Nami baka sa huli magsisi lang ako at masaktan.
I think oras na para lumayo ako sa kanya.
Chapter 22
*Rence’s Tale*
[Rence’s POV]
Move your body out on the floor
Put your troubles aside and start living
Anybody, can't let go
Throw away all your problems 'cause right now it's party time
Girl, don't feel outta place
'Cause I, I'm in love with this feelin' now, now, ah
Hope that this will last a while
We should make it last a while
“grab.. throw.. grab.. throw..”
You like to drink, so do we
Get my bottles, bring 'um to me
Hold your glasses up, people everywhere
Now everybody put your hands in the air
Yeah, yeah, yeah, girl, I wanna, yeah, yeah, yeah
I wanna see you tonight, ooh, yeah
Yeah, yeah, yeah, girl, I gotta, yeah, yeah, yeah
I gotta, I gotta, I wanna see you tonight
Oh, oh, oh, let me see your hands
Oh, oh, oh, tonight is the night
“grab.. throw.. grab.. throw.. gr—ouch!!”
Nagpa practice ako ng flairing using three bottles ng biglang hindi ko nasalo yung bottle na hinagis ko at tumama ito
sa mukha ko.
Kinapa ko yung ilong ko and nakita kong dumudugo ito. Pinatay ko yung tugtog sa cellphone ko at nahiga sa
damuhan.
Bat ba kasi ako nag p-practice ngayon samantalang aware naman ako na out of focus ako?
*sigh*
Napapikit ako at bigla na naman nag flashback sa utak ko lahat ng nangyari kanina.
“alam ko naman ang dahilan kung bakit mo ginagawa to eh! Dahil may kasunduan kayo ng daddy ko tama ba?!”
Bakit ba hindi niya makita ang totoong motibo ko sa kanya? Bakit ba hindi niya maramdaman yung tunay kong
nararamdaman sa kanya?
Mali ba ako ng naging approach sa kanya?
“ngayon sinasabi ko pa lang sayo itigil mo na yan kasi kahit kelan hindi kita kayang mahalin”
“Pwede bang mawala ka na lang sa buhay ko?!”
She despise me that much?
Naramdaman ko nalang na may tumulo ng luha sa mga mata ko. Nakakainis naman oh, kalalaking tao ko napaka
iyakin ko. Weak. Nakakainis!
Parang ganito din ang nararamdaman ko nung una kong makilala si Kryzel. Alam kong hindi na niya natatandaan
ang araw na yun pero saakin maliwanag pa sa sikat ng araw.
(flash back)
1st year college. 1st semester. Dalawang linggo matapos magsimula ang klase. Tandang tanda ko pa yun. Hindi pa
ko kilala bilang ‘Rence’ kundi bilang ‘Ang nerd na si Lorenzo Reboredo’
Loner ako natural. Nerd daw eh. Wala akong kaibigan, at lagi lang ako nasa sulok ng isang room. Yung mga
kababaihan hindi pa nahuhumaling saakin samantalang yung mga kalalakihan madalas pa akong pagtripan. Ang
panget pa ng hairstyle ko nun, pareho nung kay Rizal. Nakasuot ako ng malaking eyeglasses na pag nakita mo
masasabi mong walang binatbat ang eyeglass ni Harry Potter saakin. Hindi pa ako palaayos nun at yung bag na
gamit ko katulad nung bag ng mga tindero ng dictionary at encyclopedia na nagbabahay bahay. Isang beses nga
may matanda pa na lumapit saakin at tinanong ako kung magkano daw ba yung tinitinda kong dictionary. Kaya ayun
pinagtawanan ako nung mga ka blockmate ko na naka witness. Pero ayos lang naman lahat yun saakin, masaya ako
dahil sa girlfriend kong si Vina.
Well.. akala ko lang…
Nahuli ko si Vina na may kahalikan na lalaki sa school namin. Unlike me yung kahalikan niya gwapo, macho, varsity
at habulin ng mga babae. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa yun. Ang sagot niya?
“sawa na kong magkaroon ng boyfriend na nerd”
Ayos no? nung mga panahon na yun gusto kong pagbuhulin ang bituka nilang dalawa. Pero syempre pinigilan ko
naman ang sarili ko.
Pumunta ako sa garden ng university namin kung saan restricted lang yun para sa mga science courses. Pero dahil
brokenhearted ako at siga, tuloy tuloy parin ako sa loob.
Naupo ako sa isang swing doon at umiyak. Kalalaking tao ang iyakin ko, pero kasi nasaktan talaga ako eh. Seryoso
ako sa kanya tapos para lang sa kanya laro laro lang pala? Nag effort pa ako sa panliligaw sa kanya! Nakakainis
talaga.
Sa sobrang frustrate ko pinagdiskitahan ko yung mga walang kamuwang muwang na damo. Pinagbubunot ko sila.
“nakakainis! Manloloko! Nakakayamot ka!”
“parang babae ka naman umiyak”
Napalingon ako sa likod ko at may nakita akong isang babae na nakatayo. Yung uniform niya is pang tourism
student.
“bawal ka dito” sabi ko kay Ms. Tourism
“eh ikaw din naman eh” sagot naman niya saakin.
Hindi ko na lang siya inimikan at tuloy ako sa pagbunot ng damo.
Nagulat na lang ako ng biglang nasa harapan ko na siya at inaabutan niya ako ng panyo.
“alam mo parang baliktad eh. Dapat ang lalaki ang nagbibigay ng panyo sa babae pag umiiyak sila. Pero
dahil mukhang may malaki kang problema, kesa paginteresan mo yang mga kawawang damo, eto ang panyo
punasan mo nga yang mukha mo. Gwapo ka pa naman”
Pagkatapos niyang sabihin yun, inilagay niya sa palad ko yung panyo niya at umalis na.
Tinigilan ko ang pagbubunot sa mga kawawang damo at pinunasan ko ang luha ko gamit yung panyong binigay niya.
Feeling ko kasi nagmumukha na kong bakla sa pinaggagagawa ko. Nabigyan pa ko ng panyo ng babae! Nakakahiya
talaga!
The next morning ibabalik ko sana yung panyo niya (syempre nilaban ko yun!) kaso napapaligiran siya ng mga lalaki
kaya naman nahiya ako.
Sabi ko sa sarili ko, bukas na lang. Pero dumating ang bukas hindi ko parin naibigay sakanya yung panyo, hanggang
sa mga sumunod na araw. Nainis ako sa sarili ko kasi para kong nato-torpe na ewan samantalang ibibigay ko lang sa
kanya yung panyo. Lagi ko siyang tinitignan sa malayo pero hindi ko magawang lumapit. Na we-weirduhan na nga
ako sa sarili ko kasi parang nagiging stalker na ang dating ko.
Sa mga panahong nakatingin ako sa kanya mula sa malayo at nagiipon ng lakas ng loob para ibalik ang panyo niya,
medyo nakilala ko siya. Nalaman kong Kryzel ang pangalan niya nung tinawag siya ng isang kaibigan niya. Pala tawa
siyang tao at laging naka ngiti. Ayaw niya sa makulit kasi naiirita siya. Magaling siya mag sayaw, kaya nga member
siya ng pep squad yun nga lang ayaw niyang maniwala na magaling talaga siya sumayaw. Athletic din siya. Magaling
siya sa swimming pero hindi siya marunong mag volleyball. At mahal na mahal niya ang best friend niya.
Hindi ko dati maintindihan ang nararamdaman ko nun sa kanya. Kada nakikita ko siya lalo na pag ngumingiti siya
may kakaibang saya akong nararamdaman. Imposibleng mahal ko siya kasi hindi ko naman talaga siya nakakasama
pa pero one time nung nakita kong kasama niya si Drew at masaya silang nagtatawanan tinamaan ako ng selos. Oh
wag niyo kong pagtawanan, honest mistake yun! Akala ko talaga may namamagitan sa kanila. Di ko naman alam na
friends lang talaga. >__<
Pero yun nga tinamaan ako ng selos at ng asteroid—I mean sapatos sa ulo. Basta habang nakatingin ako sa kanila
at nag seselos, bigla na lang may nahulog na sapatos galing sa second floor at tinamaan ako sa ulo. Nag sorry
naman yung may ari ng sapatos pero natulala talaga ko. Kasabay ng pagtama ng sapatos sa ulo ko, narealize ko na
baka nga mahal ko na siya. Kaso ang torpe ko lang talaga.
Pero kailangan ng kumilos baka magsisi na naman ako.
Pumunta ako sa bistro nila Kryzel para mag apply bilang dishwasher. And hindi ko alam kung swerte o malas, pero
ang taong nag interview saakin is yung daddy ni Kryzel.
Habang binabasa niya yung resume ko, ninenerbyos talaga ko.
“ok naman ang resume mo hijo. May mga job experiences ka na pero masyado pang maaga para mag apply
ka dito at isa pa hindi rin naman namin kailangan pa ng dishwasher”
“janitor po? Taga linis ng kubeta? Taga kuskos ng salamin? Or kahit taga dilig ng halaman ok lang po kahit
ano!”
Tinignan niya ulit yung resume ko.
“nag aaral ka sa ********** University? Alam ko mahal ang tuition doon and hindi ka makakapag aral doon
kung wala kang kaya sa buhay. And hindi ka naman mukhang mahirap. Tell me bakit mo ba gustong mag
trabaho dito?”
Napayuko ako. Naalala ko kasi bigla yung sinabi ng professor namin na pag may job interview ka kailangan mong
sagutin ang tanong nung nag iinterview sayo as honestly as you can. Pero nakakahiya kasi talaga…
“uhmm m-mahal ko po kasi ang anak niyo.”
“huh?”
“m-mahal ko po s-si Kryzel a-and nahihiya ako lapitan siya kaya po baka pag pumasok ako dito b-baka po
may chance na magkakilala kami ”
Natulala yung daddy ni Kryzel sa sinabi ko then maya-maya he burst in laughter. Tawa lang siya ng tawa doon na
parang mag e-end of the world na habang ako pinapanood ang walang humpay niyang pag tawa.
“tanggap na po ba ko?” tanong ko sa dad ni Kryzel.
But instead na sagutin niya ako tumawa pa ulit siya. Nung medyo nakalma na siya sa kakatawa, tumingin siya sakin
ng seryoso “no, hindi ka tanggap”
“b-bakit po? ”
Tumayo siya then ibinalik niya saakin yung resume ko “bumalik ka dito after one year, kung mahal mo pa ang
anak ko sa mga panahon na yun tatanggapin kita. Pero dapat malakas na ang loob mo by that time ” umalis
na siya at iniwan akong mag isa.
Syempre umuwi naman ako ng luhaan nun. 1 year pa?! 1 year pa ang hihintayin ko para mapalapit kay Kryzel?!
*sigh*
Kasi naman bat ba ko pinanganak ng torpe eh?! Pwede naman akong lumapit sa kanya bat pa ko magpapakahirap
na mag hintay ng isang taon?!
Pero wala talaga. Sabihin niyo nang ako ang pinaka torpe sa lahat ng torpe pero totoo naman eh. Kada makikita ko
siya hindi na ko makagalaw na para kong ginamitan ng stunning spell. Nakakainis. Sa sobrang badtrip ko sa pagigng
torpe ko bumalik ulit ako sa garden at nagbunot ng damo kaso nahuli naman ako ng isang professor kaya na
confiscate pa ang ID ko.
Dobleng badtrip.
Second year college, first semester. Nagkaroon kami ng subject na bar and beverages. Nag enjoy ako ng husto sa
subject na to lalo na nung tinuruan kami na mag hagis hagis ng bote na kung tawagin ay flairing. Araw gabi ako nag
pa-practice nun dahil na addict ako ng husto. Eto na ata ang pangalawang bagay na kinaadikan ko. Syempre una
kong kinaadikan si Kryzel. LOL.
Talagang hindi ako tumitigil mag flair nun kahit nagkapasa pasa na ko sa iba’t ibang parte ng katawan kada
matatamaan ako ng flairing bottle. Pero worth it naman dahil nakitaan ako ng potential ng professor ko at sinali sa
flairtending competiton ng campus namin. Pero bago yun dapat muna kong mag mukhang kagalang galang na
bartender sa harap ng marami, hindi mukhang tindero ng encyclopedia at dictionary. Bumili ako ng bagong bag at
contact lense. Mas madali kasi mag flair ng walang inaalalang salamin na baka mabasag. Nag iba narin ako ng hair
style, hindi na yung katulad nung kay Rizal. Nagulat naman ako kasi the next day after kong mag transform eh ang
dami ng babaeng nanghihingi ng number ko.
Pero syempre di ko binigay. Pa suplado effect
So ayun dumating ang araw ng competition at nag champion ako. Inilaban ako ng school sa iba pang university at
nag champion din ulit ako. Siguro dahil sa mga experiences ko sa pagsali sa mga competition ang nakapag build up
ng self confidence ko.
Kaya bumalik ulit ako sa bistro nila Kryzel para mag apply. Pero hindi na bilang Lorenzo kundi bilang Rence na.
Ang dad ni Kryzel ang nagbigay saakin ng nickname na ‘Rence’
Nakakatuwa nga nung bumalik ako una niyang tanong saakin is “mahal mo pa ba ang anak ko?”
Take note, kasama niya din ang mom ni Kryzel nung mga panahon na yun.
“opo. And mas mahal ko po siya ngayon ”
Napangiti ang mom ni Kryzel “matanong ko lang hijo, ano ba una mong nagustuhan sa anak namin? Dahil ba
ang ganda niya?” malumanay niyang tanong saakin.
“uhmm nakakahiya man pong sabihin, sana wag po kayong ma-offend, pero mahal ko na siya bago ko pa
marealize na ang ganda pala niya”
Nagtawanan silang dalawa “hun, tanggapin mo na ang batang to. Gusto ko siya para kay Kryzel”
Napangiti naman ang dad ni Kryzel “tatanggapin ko naman talaga siya pero hindi na bilang isang janitor o
dishwasher o tagalinis ng kubeta kundi bilang bartender natin”
“b-bartender po?” gulat pero masaya kong tanong sa kanya.
“bakit ayaw mo?”
“h-hindi po! Nagulat lang talaga ko! YES!!!” sigaw ko
“pero may kapalit ang lahat ng to.”
“a-ano po yun?”
“make my daughter fall in love with you without our help. ” Sabi ng dad niya saakin
“and pag nangyari yun make sure that she’ll be the happiest girl in this world” dagdag naman ng mom ni
Kryzel
“o-opo! Gagawin ko po yun!!”
Masaya akong umalis sa bistro nila. Kaya lang pagpasok ko sa school nagulat ako sa nalaman kong balita.
Si Kryzel at si Stephen naging sila pala. At nung araw na yun din mismo hiniwalayan siya ni Stephen sa harap ng
madaming tao.
Tumakbo ako papunta sa court kung saan nandun si Kryzel. Nakita ko siyang umiiyak habang yakap yakap siya ng
best friend niya. Gusto ko siyang lapitan pero tinamaan na naman ako ng katorpehan.
Naiinis ako sa sarili ko nun! Hindi ko manlang magawang alisin ang luha sa mata niya. Pakiramdam ko napaka
walang kwenta ko. Sinasabi kong mahal ko si Kryzel pero hindi manlang ako magkalakas loob na lapitan siya at
patawanin.
Isang araw nagpunta siya sa bistro para uminom. 2nd day ko pa lang nun pero tinry ko ang best ko na mapansin niya
ako. Naalala ko pa nga inorder niya saakin is Long Island Iced Tea. Ang kauna-unahang cocktail na gawa ko na
ininom niya.
Malungkot siya nung mga panahon na yun kaya naman naisipan kong mag flair. Madaming guest na nanunuod
saakin at namamangha sa mga flaring routines ko kaya lang ang nagiisang taong gusto kong manuod sakin ni sulyap
hindi manlang ako tinignan.
Naulit na naman ang pagpunta niya sa bistro and this time talagang nag lasing na siya. Tawa iyak ang ginagawa niya
habang kinukwento niya yung ginawa sa kanya nung hayop na Stephen Cruz na yun! Pinipigilan ko siyang uminom
pero ayaw niya papigil. Ginawa ko nag flairing ako ulit sa harap niya and this time pinanuod niya na ko. Sabi nga niya
ang galing ko daw eh, at pwede na ko sa perya. Pero ayos lang atleast pinansin na niya ako.
Kaso ikinagulat ko nung sinabi niya saakin na gusto niya akong maging boyfriend. Gumawa naman ako ng kasulatan
nun na naglalaman:
I, Kryzel Aguilar, promise to held Rence Reboredo’s heart until the day that I forgot my feelings to Stephen Cruz.
I promise to be a good girlfriend to him.
Signed by
___________
Sa baba nun pinapirma ko si Kryzel. Oo na, lasing siya at nag take advantage ako pero may pakiramdam ako na may
magandang mangyayari. Alam kong hindi naman talaga niya ako magiging boyfriend pero ginawa ko to para
maprotektahan ko siya sa sakit na nararamdaman niya.
Habang binabasa ko yung kasulatan at nakangiti na parang ewan dahil pinirmahan niya to, nagulat naman ako bigla
sa ginawa niya.
“at dahil boyfriend na kita” hinila niya ako palapit “hahalikan kita”
Unti-unti, nilapit niya ang mukha niya saakin hanggang sa magdampi ang mga labi namin. Pagkalapat ng labi niya sa
labi ko bigla naman siyang napayuko sa counter at mukhang nakatulog na sa kalasingan.
Napangiti ako.
Bakit ganun? Isang segundo lang naglapat ang mga labi namin pero ang saya-saya ko?
I tried to wake her up pero wala talaga. Mukhang knock out ang isang to. Tumawag ako sa house nila and sinabi sa
mom niya na nalasing na si Kryzel. At ang sabi saakin?
“iuwi mo na lang muna siya sa condo mo tutal malapi lang naman yun sa bistro. Wala na kasi magsusundo
sa kanya dito”
Oh di ba ang galing galing. Ibig sabihin may tiwala na saakin ang mom ni Kryzel.
Ginawa ko naman yung sinabi ng mom niya. Dinala ko siya sa condo ko and tinawag yung pinsan ko para tanggalin
yung damit ni Kryzel dahil basa ng pawis. Mahirap na baka magkasakit pa siya. Syempre bago ako pumasok
pinakumutan ko muna siya. Natulog naman ako sa sofa. Oh akala niyo may nangyari saamin? Wala. Malaki ang
respeto ko sa kanya at hindi ko kayang gawin yun.
Hayaan na lang natin siyang mag isip kung meron ba talagang nagyari saamin o wala. Kaya quiet lang kayo ha? Ang
magsabi sakanya ng totoo pupukpukin ko ng flairing bottle!!
The next day kinausap ko naman yung best friend ni Kryzel na si Naomi. Kinuwento ko sa kanya lahat lahat pati narin
ang nararamdaman ko. Masaya naman ako dahil boto siya saakin. eto pa nga sabi niya eh:
“sa lahat ng stalker ni best, ikaw ang favorite ko! ”
(end of flashback)
Para kong ewan no? Nagtapat na ko sa parents ni Kryzel pati narin kay Naomi pero sa kanya hindi ko parin masabi
sabi ang nararamdaman ko. Kahit pa nagka self confidence na ko, hindi parin naalis na ang torpe torpe ko.
Kinapa ko yung bulsa ko atsaka nilabas yung panyo ni Kryzel.
Hanggang ngayon hindi ko parin naibabalik sa kanya to. Kasi hanggang ngayon wala parin akong lakas ng loob.
Napatingin ako doon sa bintana ng room nila and nakita kong naka bukas parin ang ilaw galing sa lamp shade.
Naaninag ko naman si Kryzel na nakaupo at nagbabasa ng libro
“oh sh1t nakalimutan ko!”
Napatayo ako bigla sa pagkakahiga ko sa damuhan at agad dumiretso sa kitchen.
Nakalimutan kong hindi pala madaling makatulog si Kryzel pag nasa ibang lugar siya! Yung milk niya!
Agad akong nagtimpla ng milk and kumatok sa room nila.
“pasok” narinig kong sabi niya
Pumasok ako sa loob and nakita kong tulog na si Yannie at Naomi. Nung nakita naman niya na ako ang kumatok
agad niyang ibinalik yung mga tingin niya sa librong binabasa niya.
“uhmm, pinagtimpla kita ng milk”
Nilapag ko yung milk sa side table. “s-sorry kanina ah?” sabi ko sa kanya pero hindi parin niya ako tinitignan.
“s-sige lalabas na ko, good night”
Lumabas na ko ng room nila and sinarado ko yung pinto. Napahinga ako ng malalim.
Kahit ayaw niya saakin, hindi ako susuko. Ayokong pagsisihan to.
Mahal na mahal ko siya and kahit anong mangyari patutunayan ko yun sa kanya.
Chapter 23
*Bipolar*
[Naomi’s POV]
“alam mo ikaw nakakainis ka eh! Bigla bigla ka ng hindi namamansin! Tapos aalis ka ng Palawan ng hindi
manlang pinapanuod ang competition?! Ayos ka ding babaero ka! Ano bang problema mo?! Nangungulit ka
tapos bigla bigla kang magsusungit! Bipolar ka ba?! ”
Ok muha rin siguro akong ewan dito at kinakausap ko yung turtle na stuff toy na binigay ni Stephen saakin.
Kinonyatan ko yung ulo nung turtle tsaka ako nahiga sa kama.
Ano nga kaya problema ng lalaking yun?! Bigla bigla na lang magbabago ng pakikitungo saakin. Ang malupit lahat
sila pinapansin niya ako lang hindi.
Oo nga pala, nakauwi na kami from Palawan. Yung mga lalaking nanghipo kay Kryzel nahuli. Binayaran pala sila
nung isang contestant doon na Tricia ata ang name? kaya ayun na disqualified sila ng partner niya. Si Kryzel and
Drew naman nag 2nd runner up sila. Si Kryzel best in evening gown while Drew is best in swimwear. Syempre
machong macho ng labs ko eh! Then best in talent silang dalawa. Yun nga lang hanggang ngayon hindi parin bati si
Kryzel at Rence. Ewan ko ba sa best friend ko bat ganyan kamanhid!
Pero bago pa mag coronation night, etong si Stephen nag fly agad pauwi. Pare-pareho kaming walang idea kung ano
ang nahit-hit niya at bigla na lang niya naisipang umuwi. To think na kailangan pa niyang gumawa ng documentary
para sa university organ about sa contest!
Teka lang, hindi kaya nalaman niya yung about sa contract namin? pero imposible naman yun. As in imposible
talagang malaman niya.
Pero possible rin namang…
Wah hindi! Imposible talaga eh! Kasi kung alam niya yung about sa contract hindi ganun ang magiging reaction niya.
Magwawala siya! Mapapatay niya ko! Hindi yung basta na lang hindi mamamansin, di ba? di ba?
Tokwang Stephen Cruz ka oh! Badtreeep!
*beep*beep*
Tinignan ko yung cellphone ko kung sino nag text.
Drew my labs
Hi Naomi. I miss you already. See you tomorrow sa school. I love you.
Napangiti naman ako ng abot hanggang tenga sa message ni Drew.
Anebe kinikilig akoooooo. Gulaaaaaaaaayyy
Nireplyan ko naman ang labs ko
Miss narin kita Drew! See you tomorrow. I love you too <3 <3
After kong masend sa kanya yung message nagpagulong gulong naman ako sa kama dahil sa sobrang kilig. Siomai
ganito ba kasarap magkaroon ng soon to be boyfriend? Paano pa kaya pag kami na talaga ni Drew? Baka ikasawi ko
na ang sobrang kakiligan. Bwahahahahaha. Siomai kinikilig talaga ko!!!! Ayiieeeee
“Mika lumabas ka na diyan!!! Si mama eto na!!!”
Nahulog naman ako sa gulat dahil dito kay kuya Nico. Lumabas ako ng kwarto ko and nakita kong nagkukumpulan
na sila sa harap ng computer.
Agad akong lumapit sa kanila
“mama!!!! ” sigaw ko sa harap ng computer. Nakita ko naman si mama sa computer screen na kumakaway saamin.
“hi bunso!” sabi ni mama saakin “inaalagaan ka ba ng mga kuya mo?”
Bigla akong inakbayan ni Kuya Myco “oo naman po! Labs na labs na naming itong si Mika eh!”sabi niya kay
mama
“naku mama wag kang maniwala! Lagi nila akong inaapi!!” sabi ko
“nyek! Hindi no! inaalagaan nga namin si Mika eh ” pagkontra naman saakin ni Kuya Nico.
Natawa na lang saamin si mama “basta kayo wag niyo masyadong hihigpitan itong si Mika ah? Baka mamaya
niyan hindi na siya magka boyfriend”
Natawa naman ako. Kung alam lang siguro ng mga kuya ko na may ka M.U ako at may lalaking planong paglaruan
siguro bantay sarado na sila saakin ngayon. Baka mag hire pa sila ng body guard.
Nakipag kwentuhan kami kay mama then syempre nag bilin narin ng mga pasalubong. After three months ata uuwi
na siya dito samin kaya excited na ang lahat. Nung matapos ang kwentuhan, iniwan muna namin si papa at mama
para makapag kwentuhan sila ng maayos. Di kasi kanina makasingit si papa saamin lima eh.
Oo nga pala, si mama Anna na kausap namin ngayon, kung naalala niyo, hindi siya ang real mom namin. Yung tunay
na mama namin, namatay na fourteen years ago. Five years old pa lang ako nun at seven naman si Kuya Nico kaya
wala kaming masyadong memory sa kanya. Pero happy naman ako kay mama Anna kasi tinuring niya talaga kaming
tunay na anak. Though hindi narin sila nagkaanak ni papa dahil baog si mama Anna. Pero ok lang naman daw dahil
nandito naman kami.
“Mika, labas muna kami ha” sabi ni Kuya Sean saakin habang pinapaikot yung bola na hawak niya sa daliri niya.
“saan kayo pupunta kuya?” tanong ko naman sa kanila. Mga naka sweat shirts at rubber shoes kasi sila. Mukhang
may laban ata?
“maglalaro lang kami ng basketball kasama si Stephen. Gusto mo sama ka? Sali ka samin!!”bigla naman ako
inakbayan ni Kuya Jake at hinila palabas
Syempre nagpumiglas naman ako “ayoko sumama! Mag amoy araw pa ko!”
Napatingin silang apat saakin ng may pagtataka.
“ano bunso? Ayaw mo maarawan? ” nagtawanan silang lahat “gumanda ka lang naging conscious ka na sa
itsura mo! Samantalang dati nakikipaglaro ka pa saamin! ” pangaasar sakin ni Kuya Nico.
Inirapan ko na lang sila at nag walk out pabalik sa kwarto ko habang rinig ko ang malalakas nilang tawanan.
Bwisit na mga yun! Hindi naman sa naco-conscious ako! Ayaw ko lang talaga makita ang hayop na Stephen Cruz na
yan!! Nakakainis kasi talaga yun! Bigla biglang magiging suplado, hindi naman bagay sa kanya! Grrr naiinis talaga
ko! Bipolar!!!
Nilabas ko yung notebook na pinagsusulatan ng contract at tinitigan ito.
“Break the Casanova’s Heart” Operation
10 things to do to break the Casanova’s heart
1. Make him notice you.
2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet
3. Make him ask you on a date
4. Make sure that date will be the one he will remember the most
5. Make sure that he will take you seriously
6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating
7. Make him introduce you to his parents
8. Make him kiss you
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
But there is one and only rule you must abide.
Do not fall for him
If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment.
Signed by: Naomi Mikael Perez
Dalawang step pa lang ang nagagawa ko. Ni-hindi ko pa alam paano ko gagawin ang step 3. Lalo pa ngayon at
nagiinarte itong si Stephen. Naman oh!! Nalulurky na ko! Gusto ko na matapos to!! >__<
[next morning]
“Ms. Perez pwede ba kong makahingi ng favor sayo?” tanong ng isang professor saakin.
“bakit po ma’am? Ano po yun?”
“punta ka naman sa staffers office and paki bigay itong mga pictures na to kay Stephen” inabot niya saakin
yung isang envelope na may lamang mga pictures.
“s-sige po”
“salamat ha?”
Umalis na yung prof namin at ako naman nagpunta na sa staffers office. Ay sa dinami dami ng inuutos bakit yun pa?!
pero ok narin ng makausap ko na yung baliw na lalaking yun. Mamaya hindi na siya bipolar at kausapin na ulit ako ng
matino.
Pag dating ko sa staffers office may narinig akong hagikgikan at malalanding boses.
“ano ba Stephen, nakikiliti ako..”
Napataas ng bongga ang kilay ko nung marinig ko ang pangalan ni Stephen. Bigla kong binuksan yung pinto and I
was shocked to saw Stephen na nakikipag landian sa ibang babae.
Ay teka, bat ba ko na sho-shock eh gawain na niya yan?!?!
Nakita kong napatingin saakin si Stephen but instead na tumigil sa ginagawa niya, pinagpatuloy niya pa. Yung girl
naman mukhang hindi aware na nandito ako.
Stephen nibble the ear of the girl then pababa ng pababa ang labi niya hanggang sa yung leeg na nung babae yung
hinahalikan niya. Narinig kong napa-wow pa yung babae.
Biglang tumaas ang presyon ng dugo ko at feeling ko ma hi-highblood ako. Pakiramdam ko parang pinagtataksilan
niya ko ng harapan eh!!
Sa sobrang inis ko ibinato ko yung envelope nung mga pictures sa mga lintang nag lalandian kaya naman napatigil
silang dalawa.
“PINAPABIGAY SAYO NG PROF!!!! ” I told Stephen at the top of my lungs sabay labas ng room na may kasama
pang pagbalabag ng pinto.
NAKAKAINIS SIYA!! NAPAKA PLAYBOY! MANYAK! MANLOLOKO! LAHAT NA! LINTA SIYA! LINTANG MALANDI!!
BWISEEEEET!!!!
Teka bat ba ko naapektuhan ha?! Eh hindi naman kaming dalawa ni Stephen?! Pero nakakasar talaga eh!! Nakita na
niya akong nakatayo don, ano yun nangaasar siya?! Bwisit na lalaki talaga ang hayop na yun!! Nakakayamot!!
Walang puso!! Alam naman niyang may gusto ako sa kanya eh…well hindi naman totoong may gusto ako sa
kanya… pero ang pagkakaalam niya meron akong gusto sa kanya tapos makikipaglandian siya sa harap ko?! Bwisit
talaga siya!!
Naramdaman kong may tumutulong luha sa pisngi ko habang naglalakad paalis. I aggressively wiped the tears on my
cheeks.
Badtrip! Bat ba ko umiiyak at bat ba ko galit na galit ngayon?!
Nakakainis naman oh!
Nagdadadabog ako sa paglalakad ng biglang may pumatid saakin kaya nadapa ako bigla. Nakarinig naman ako ng
malakas na tawanan.
“oopss, sorry ” sabi nung babaeng pumatid saakin habang natatawatawa.
At syempre dahil badtrip na ko, napatid pa ko, at yung nakapatid sakin mukhang nag enjoy pa sa nagawa niya mas
lalong uminit ang ulo ko. Tumayo ako at hinarap yung bwisit na babae.
“ANO BANG PROBLEMA MO HA?! ” sigaw ko sa harap niya na kulang na lang lumabas ang esophagus ko.
“Ikaw! Problema ko ang mga slut na tulad mo!! ” sagot niya saakin with matching pataas taas ng kilay.
“huh? ” pagtatakang tanong ko naman sa kanya. Ano naman problema nito saakin? ni hindi ko siya kilala. Or baka
naman nakaaway ko na ang isang to hindi ko lang matandaan?
“alam mo ang landi landi mo!! Nilalandi mo na nga si Stephen, pati kay Drew dikit ka ng dikit! Pok pok!!! ”
“aba’t---!!!”
Bago pa ko makapag react bigla na lang siyang sumugod sa harap ko at sinabunutan ako. Aba syempre papatalo ba
naman ako? Sinabunutan ko rin siya! Partida mas mahaba pa ang buhok ko sa kanya! Tokwa!
Yung mga nanunuod naman saamin, talagang nanuod lang at walang may planong umawat. Feeling ata nila sine
kami! Kulang na lang popcorn!!
Bumitiw yung babae sa pagkakasabunot niya saakin at bigla naman niyang hinila ang kwelyo ng uniform ko
hanggang magtuloy tuloy na magkatanggalan ang mga butones nito kaya napabitaw ako sa kanya at napatakip sa
katawan ko. Nakita ko naman ang ngiting tagumpay sa mukha niya.
“oh bat ka napatigil sa pagsabunot? Natakot kang ma expose ang katawan mo?!”
“you-!!! ”
Lumapit siya saakin at pinilit tanggalin ang pagkakahawak ko sa uniform ko. Pag nabitawan ko to for sure, bubukas
ang uniform ko. >__<
“ano ba bitiwan mo nga ako!!!” pagpipiglas ko sa kanya
“ayoko nga!! Dali na tutal pokpok ka naman eh! Pakita mo na katawan mo!!!”
“ano ba--!!”
Napatigil naman ako ng biglang may tumulak dun sa babae palayo saakin at may nag patong ng polo sa likod ko.
Tinignan ko kung sino to.
“D-drew”
“it’s ok” sabi niya saakin habang yakap yakap ako “leave it to me” tumingin siya doon sa babae“gusto mo bang
mapatalsik sa iskwelahan na to dahil sa ginawa mo ha?!?!?! ”
“d-drew..” sabi nung babae
“umalis ka na sa harapan ko at wag mo ng subukang galawin ang babaeng to kundi kahit babae ka pa
papatulan talaga kita!!” sigaw niya. Tumingin siya doon sa mga usiserong nanunuod saamin “ano tinitingin tingin
niyo ha?! Umalis na nga kayo!!!”
Umiwas ng tingin saamin yung mga usisero at nagsialisan na.
Hinawakan ako sa mukha ni Drew “ayos ka lang ba Naomi?”
I nodded “salamat Drew, buti dumating ka ”
“NAMI!”
Napatingin kami doon sa sumigaw and nakita ko si Stephen na seryosong nakatingin samin. Yung tingin niyang
seryoso na akala mo gusto niya ng tunawin si Drew.
Lumapit siya samin at biglang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palayo
“t-teka Stephen!” pumipiglas ako sa kanya pero ayaw niya bitawan ang kamay ko.
Nakita ko namang hinawakan ni Drew yung braso ni Stephen “san mo dadalhin si Naomi?!”
“wag kang makielam!!” tinabing ni Stephen ang kamay ni Drew “may date kaming dalawa!!!” at tulyan na niya
akong kinaladkad palayo
Chapter 24.1
*the date*
[Stephen’s POV]
“oh my gosh darling, what a good kisser you are!” Cyril told me between our kisses.
Hindi ako nag react basta tuloy lang sa pag halik. Bigla naman nag flashback sa isip ko yung expression kanina ni
Nami na galit na galit.
Hay naku naman na gui-guilty ako sa ginawa ko! Pero kung hindi ko naman gagawin yun eh hindi ako lalayuan ni
Nami. Mapanganib na yung babaeng yun ngayon. Pag hindi ko siya inalis sa buhay ko, baka pati puso ko ma-take
over niya.
“STEPHEN CRUZ!”
Bigla kaming naghiwalay ni Cyril sa paghahalikan dahil sa biglang nagbukas ng pinto at sumigaw ng pangalan ko.
“Alyana?! Bakit?!”
Nakita ko ang galit na expression ni Alyana kasama yung bading na si France habang nakatinigin saakin.
“hoy ikaw lalaki ka ang landi mo!!” sabi niya habang papalapit saakin “nakikipaghalikan ka dito habang yung
mahal mo nakikipag sabunutan dahil sayo! Ang kapal mo talaga!!”
Nagtaka naman ako sa sinabi niya “mahal? Sinong mahal? Tsaka sino nakikipag sabunutan?”
“sino pa ba kundi ang babes mong si Naomi!! Kaya gora ka na papa Stephen at ipagtanggol ang iyong
prinsesa!” sabi ni bakla saakin.
Ano daw? Nakikipag sabunutan si Nami dahil saakin? Naku naman! ano na naman ang ginagawa nung mga stalker
ko kay Nami babes!
“ha? T-teka nasaan ba siya? Pupuntahan ko”
“nandun sa tapat ng science lab. Dali punta ka na”
“sige”
Bigla naman may humila ng braso ko “teka darling, what about me” sabi ni Cyril habang naka pout
“uhmm, sorry darling but this is urgent!”
“no!! kanina pa tayo naiistorbo sa paghahalikan natin eh!” pinulupot niya yung braso niya sa braso ko at
sinandal niya ang ulo niya dito “dito ka lang hunny! Paliligayahin kita! ” she winked at me
Ay talaga naman oh!!!
Lumapit si France saamin at hinila palayo si Cyril “oy bakla! Dito ka lang at wag ka nga makielam! Kung
makapulupot ka over ha! Nakakaimbyerna!!”
Hindi naman nag react si Cyril, instead nagulat kami dahil bigla bigla nalang niya dinamba si France at niyakap ito.
“ikaw na ang matagal na hinahanap ng puso ko!!” sabi ni Cyril kay France habang yakap-yakap ito"hulog ka ng
langit!!"
“what?! Eewwww ano ka ba let go of me!!! let go of---“ bago pa matuloy ni France ang sasabihin niya, bigla
naman siyang hinalikan ni Cyril sa lips.
Kami naman ni Alyana, ganito ang itsura ng mga mukha namin >> O______O.. O.o
And maya-maya lang narealize naming na masyadong nakakadiri ang scene sa harap namin kaya pareho kaming
napangiwe.
Nung matapos halikan ni Cyril si France, kitang kita ko ang pamumutla sa mukha ni France.
“oh my gosh, I’m gonna die! I’m gonna die!!” sabi ni France habang nakahawak sa table for support.
Bigla naman ako hinawakan ni Alyana sa braso “Stephen masyadong nakakadiri ang mga eksena dito. Mas
nakakdiri pa sa panunuod ng mga cannibal videos. Tara na sa labas at ikaw puntahan mo na ang babes mo”
Pareho kaming lumabas ni Alyana sa office. Narinig pa nga naming ang mga sigaw ni France.
“waaaaaah help me! mare-rape ako! Help me!!!
“dito ka lang darling!! ”
“dali na Stephen puntahan mo na si Nami!”
Agad naman akong tumakbo papunta sa science lab. Kaso pagdating ko mukhang nahuli na talaga ako.
Imbes na makita ko si Nami na nakikipagsabunutan, nadatnan kong nakayakap sa kanya si Drew.
Bigla akong nakaramdam ng galit sa nakita ko. Parang gusto kong gulpihin si Drew hanggang magkagutay gutay ang
katawan niya! Gusto ko siyang ipalapa sa leon! Gusto ko siyang ipasagasa sa tren at gusto kong ma meet niya na si
San Pedro!!! Sa kabilang banda gusto ko naman halayin si Nami.
Naku po Lord, patawarin niyo ko sa mga naiisip ko! Wala din akong idea kung bakit ko naisip ang mga bagay na yun!
Pero galit talaga ako ngayon!! Galit na galit!!! Grrrrrrr
“NAMI!!!” sigaw ko sa kanila.
Bigla naman silang naghiwalay sa pagyayakapan at napatingin saakin. Halatang gulat na gulat sila nung nakita nila
ako.
Lumapit ako sa kanila at hinatak ang kamay ni Nami.
“t-teka Stephen!” nagpumiglas si Nami sa pagkakahawak ko pero hindi ko siya binitawan.
Bigla namang hinawakan ni Drew ang braso ko para pigilan ako sa paghatak kay Nami.
“san mo dadalhin si Naomi?!”
Dito sa puso ko! bakit may angal ka?! Joke
“wag ka nga makielam!!” sigaw ko sa kanya sabay tabing ng kamay niya “may date kami!!”
Hinatak ko ulit si Naomi palayo doon kay Drew. Mahirap na baka mamaya yung mga naiisip ko ay magawa ko talaga.
Pero nakakainis naman oh! isang linggo ko palang hindi pinapansin si Nami eh! isang linggo pa lang ako umiiwas
tapos bigla nang may gantong eksena! kamusta naman yun, di manlang ako hinayaan umabot ng isang buwan >__<
Weak. Bumigay ako agad >__<
[Naomi’s POV]
“o-oy Stephen san mo ba ko dadalhin?!” tanong ko sa kanya habang patuloy niya akong kinakaladkad. Pero wala
eh dedma ang isang to!!
Pero hinayaan ko na lang siya na kaladkarin ako. Ako naman parang ewan na napapangiti dito. Nagseselos ba si
Stephen? Wahahahaha kahit nakikipag landian tong si Stephen sa iba, ang puso at isipan niya ay nasaakin parin.
BWAHAHAHAHA.
Teka bat ba ang saya saya ko?!
Dinala ako ni Stephen sa parking lot at pinasakay sa kotse niya. Sumakay naman siya sa driver’s seat.
“saan mo ba ko dadalhin?”
Tumingin saakin si Stephen at bigla naman nitong iniwas agad ang tingin niya at inuntog ang ulo sa manibela.
“sh1t! sh1t! tukso layuan mo ko!!”
Ano daw?
Hala, nasiraan na ata to ng bait?
Bumaba ulit siya sa kotse at binuksan yung likod and mukhang may kinuha ata. Nung bumalik siya sa driver’s seat
bigla nalang siyang may ibinato na jacket saakin.
“isuot mo nga yan! Mamaya di ko na talaga mapigilan ang sarili ko!”
Ano daw? Bakit naman?
Doon ko lang naalala na sira nga pala ang uniform ko at natatakpan lang ang hinaharap ko ng polo ni Drew.
Napatingin ako bigla sa dibdib ko and ayun, kita ang cleavage ko.
Kinuha ko yung jacket ni Stephen at sinuot ko.
Pinaandar na ni Stephen ang kotse niya at nag drive papunta doon sa condo niya.
Teka akala ko ba mag d-date kami? Excited pa naman ako. Aba, nagbabadyang katuparan na ito ng step 3 and 4 eh!
Mwahahahaha
Pagpasok ko sa unit ni Stephen nakita ko agad sa ibabaw ng kama niya yung kapartner nung turtle na stufftoy na
binigay niya saakin nung nasa Palawan kami. Napatakbo naman ako doon at hinug ko yung turtle.
“ang cuttteeee talaga nito!! ” sabi ko habang yakap yakap yung stufftoy.
“ano ba!” bigla niyang inagaw saakin yung turtle na stufftoy “sinasakal mo naman si Nam-nam eh!”
“nam-nam? ”
“oo! Yan ang name nung turtle ko! Tapos yung sayo naman pen-pen.”
“kelan pa nagkapangalan ang stufftoy?”
“ano ka ba!” nag pout siya bigla “bigay ko yun sayo dapat mahalin mo! Tsaka dapat bigyan mo ng pangalan!”
“sige na! sige na! name na nung turtle ko ay pen-pen at sayo naman nam-nam ” I rolled my eyes heavenwards.
Tong si Stephen kakaiba eh. Biruin mo ang isang tulad niya ay may kakayanan mag pangalan sa stufftoy?
Wahahaha.
[A/N: name “pen-pen” is courtesy of kimikimikimi, my kapatid. Hi kapatid *kaway kaway* <3 ]
May kinuha si Stephen na damit sa cabinet niya atsaka ibinato saakin.
“palitan mo na yang suot mo”
Tinignan ko naman yung binato niyang damit sakin, isang simple casual dress.
Biglang napataas ang kilay ko.
“oy bat meron kang damit ng babae dito ha?! Akala ko ako lang ang nadala mo dito sa condo mo! May iba ka
na bang nadala dito?! Bat nandito damit niya?! Naghubad ba siya dito ha?! Nag toootoooot na ba kayo?!”
“anong toootooot?! Tsaka ano ba! Ang dumi mo magisip ha! Padala kasi yan ng tita ko para sa pinsan ko eh
nakasama sa package na pinadala niya dito, kaya suotin mo muna”
“weh?”
“oo nga! Bakit ba?” lumapit siya saakin at mukhang seryosong seryoso siya “gusto mo ikaw ang unang babaeng
maghuhubad dito sa condo ko?” he asked me with an evil grin.
Bigla naman niya ako tinulak pahiga ng kama at iniharang ang mga braso niya sa magkabilang side ko.
“o-oy S-stephen! W-wag mong subukang gumawa ng masama kung ayaw mong may mangyaring hindi
kanais-nais sayo!! ”
“bakit?” bigla na lang siyang dumagan saakin at nilapit ang mukha niya sa mukha ko “ano bang gagawin mo?
Bibigyan ako ng kaligayahan?”
Ay tokwang lalaking to! Bat ba ang hilig niyang mangganito?!
Na –te-temp ako.. >__<
Umalis siya sa pagkakadagan saakin at tumayo. “mamaya na natin ituloy to, mag bihis ka muna ”
Aba’t--- nabitin ako ha!!!
Di, joke lang XD
Pero anong ituloy?! Alam niyang black belter ako sa taekwondo nung highschool kami at gumawa lang siya ng wrong
move, bali na ang buto niya!!
Tinignan ko lang siya ng masama habang siya nakangiti ng nakakaloko saakin. pumasok ako sa C.R niya para
magpalit ng damit.
Nung paglabas ko, nakita kong pinalitan narin niya yung uniform niya ng civilian.
“hindi ka na ba papasok?” tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang buhok ko “class hours pa natin ah”
“hindi na. ikaw din naman”
Paano kaya ako makakapasok sa lagay na to? Sira ang uniform ko! >__<
“tsaka d-diba may date pa tayo?” sabi niya sabay iwas ng tingin.
Napangiti naman ako sa kanya ng todo “talaga? Mag d-date tayo?”
“oo nga! Wag ka nga masyadong ngumiti at napaghahalataang kinikilig ka”
Hindi ko siya inintindi at ngiting ngiti parin ako “saan tayo pupunta?”
“kahit saan lang”
Kahit saan lang?! hindi naman pwede yun! Paano magiging memorable ang araw na to sa kanya kung kahit saang
lang?!
“eh dali na suggest ka!” sabi ko sa kanya with matching pa cute “saan mo ba dinadala madalas ang mga babae
mo?”
“sa bar, sa club, beerhouse” tumingin siya saakin ng nakakaloko “pwede rin sa pulang building, or sa banyo, o
gusto mo dito na lang sa sahig pwede din ”
Binatukan ko nga. Manyak talaga ang isang to eh no!!
Naman oh puro pinupuntahan nila wild na lugar eh! Yung maraming mga linta at kung anu-ano pang parasites on the
loose. Dapat sa ibang lugar kung saan ko siya masosolo but at the same time hindi siya mabobored. Sa isang lugar
na hindi pa niya napupuntahan at hindi niya expected na mageenjoy siya dun.
Dapat maging memorable sa kanya to nang dalawang steps na ang magawa ko sa loob ng isang araw.
Pero saan?
Lightbulb.
An idea struck me.
“alam ko na kung saan!!”
“ha? Saan? Sa pulang building?”
“sira hindi!!” hinila ko siya “tara na!!!!”
Chapter 24.2
*The Date*
[Naomi’s POV]
“tara na dali!! ” hinila ko si Stephen papasok sa Star City.
“talagang dito tayo mag de-date?” tanong niya saakin na parang dismayado “ano tayo mga bata?!”
“wag ka na kasi mag reklamo! Enjoy kaya diyan noh! Madalas kami magpunta nila kuya dito.”Tinignan ko siya
ng may halong pagtataka “teka hindi ka pa ba nakakapunta dito? Or kahit saang amusement park? ”
“hindi pa”
“weh? Kahit nung bata ka pa?”
“hindi pa nga! Ang kulet naman!” =___=
Tinignan ko siya ng may halong awa saaking mga mata. Nakakahabang naman ang isang to. Hindi manlang niya
naranasan ang sayang naidulot ng star city at iba pang amusement park sa buhay ng mga tao. Kawawang nilalang
talaga ang isang to. Nadudurog ang puso ko para sa kanya. T___T
“o-oy! Bat ka ganyan makatingin sakin ha?!
Napailing ang ako “wala. Tara na sa loob” sabi ko sa kanya ng may nakakaawang tinig habang awang awa din na
nakatingin sa kanya.
“oy! Tigilan mo nga yang mga tingin na yan! Kinikilabutan na ko eh!!”
Natawa ako bigla sa itsura niya. Asar na asar siya eh. Wahahahahahaha.
Bumili kami ng ticket ni Stephen. Syempre libre niya eh, siya kaya nagyaya ng date. At ang pinabili ko naman sa
kanya yung ride-all-you can na ticket plus winter fun land at laser blaster. Php500 din ang isa nun. Kaya nanlulumo
siyang naglabas ng isang libo sa wallet niya habang bumubulong na“I can’t believe this! I’ll waste 1000 pesos
para sa isang pambatang lugar!”
Tinawanan ko lang. Pambata pala ha? Mamaya lalamunin niya ang mga sinasabi niya! Bwahahaha.
Nung nakapasok naman kami sa loob, hinila ko agad siya doon sa mga rides.
“tara Stephen doon tayo!!” tinuro ko yung star flyer sa kanya
“gusto ko dun” napatingin ako sa kanya and nakita kong hindi siya nakatingin doon sa star flyer instead nakatingin
siya doon sa mga taong nakaupo habang naka babad ang paa sa isang mini pool. Tinignan ko yung tarpaulin
“Dr. Fish?” sabi ko habang nakaturo doon.
“oo masarap ata doon nakaka relax!”
“eeeehhh! Kakagatin lang naman ng mga isda yung paa mo diyan eh! Boring! Sakay na tayo sa rides!!” hinila
ko naman siya kaso ayaw niya talaga umalis doon
“eh gusto ko diyan eh! Diyan muna tayo!! mamaya na yung rides na yan!” tuloy tuloy siya naglakad papunta kay
Dr. Fish. Hay ano pa nga ba magagawa ko?! Libre niya to eh.
Hinubad na namin yung mga sapatos namin then inilubog yung paa namin doon sa mini pool. Agad naman
nagsilapitan yung mga isda at kinagat kagat na ang paa namin. Medyo nakakakiliti sa una pero pag sanay ka na
marerelax ka talaga. Palagi namin dinadala dito si daddy pag pagod sa work kaya naman sanay narin ako dito.
“AY! ”
Nagulat naman ako sa sigaw ni Stephen. Nakita kong tinaas niya bigla yung paa niya kaya nagulat yung mga isda at
lumangoy palayo saamin.
“ano ka ba Stephen!” hinampas ko ang braso niya “tinatakot mo yung mga isda eh”
“eh nakikiliti ako eh” >__<
“pigilan mo lang yung kiliti mo. Pag nakasanayan mo na mareelax ka.”
Inilubong niya ulit yung pa niya sa tubig and maya maya lang nagdatingan na ulit yung mga isda.
“hehe ay! Hehehehehhe..ayay hehehehe”
Napatingin ako kay Stephen “hoy! Para kang bakla!”
“eh nakakakiliti eh! Hehehehehehe ay! hehe”
Walanjo mo tong isang to oh! Mas babae pa ata to saakin eh!
After namin kay Dr. Fish pinagbigyan naman niya ako ng isang ride sa Star flyer. At dahil nag enjoy siya, tatlong
beses kaming sumakay doon ng paulit-ulit. After ng star flyer, pumasok ulit kami sa loob para pumunta sa winter fun
land.
“mukhang malamig sa loob Nami babes” bigla naman niya akong niyakap “kailangan mo ng body heat!”
“anong body heat?!” tinulak ko siya palayo.
Tokwa I sucked at acting, dapat sweet ako kaso mapanganib ang kamanyakan ng isang to. Baka paglabas namin ng
winter fun land buntis na ko >__<
“ikaw naman Nami babes! Binibiro ko lang eh!” bigla niya akong inakbayan “tara na nga sa loob! ”
Nung pumasok na kami, aba manghang-mangha ang loko. Tuwang tuwa sa artificial snow. Kung titignan mo siya
mukha siyang tao sa mula. Wahahahaha. Nagbatuhan naman kami ng artificial snow doon hanggang sa parehong
mamanhid ang kamay namin. After magbatuhan, nag slide naman kami. Mga ilang beses na ata kai nakabalik doon
nung tinamaan na talaga ako ng ginaw and medyo hirap ng lumabas. Pero etong si Stephen enjoy na enjoy parin at
ayaw lumabas. Kulang na lang doon na siya tumira eh.
See? Sabi sa inyo bibigay din ang lokong yan eh! Kanina aayaw ayaw pa. kesyo pambata daw. Pero tignan mo
ngayon, mukhang batang naglalaro. Wahahaha.
After ng Winter fun land, pumunta naman kami sa Hunted Castle. Ako naman, ang yabang yabang ko at nauuna ko.
Dahil nga weekdays at wala masyadong tao sa Star City kami lang ni Stephen ang papasok sa loob.
"tara na Nami babes! excited na ko! madilim sa loob!!"
Binatukan ko siya "excuse me hindi ako matatakutin no!! hindi ako kakapit sayo!!"
"sus yabang!"
Pumasok na kami ni Stephen sa loob.
After a few minutes, nakalabas narin kami. Agad naman siyang umupo sa isang bench doon at pinunasan yung
pawis sa noo niya. Tinignan ko yung itsura niya, nakalawlaw yung isang mangas niya, lukot ang damit at natanggal
pa yung isang butones sa polo niya.
"grabe feeling ko na devirginize ako!" sabi niya habang nagpapaypay gamit yung panyo niya.
Nag pout ako sa harap niya. Ang sama talaga ng isang to!! malay ko bang nakakatakot talaga sa loob! napakapit ata
ako sa kanya ng mahigpit sa sobrang takot ko. =____=
Sinakyan namin lahat ng rides ni Stephen. Yung iba paulit-ulit pa namin sinakyan. Nung tinamaan na kami ng gutom
dalawa, naisipan na naming umalis sa Star City at magpunta sa seaside sa may MOA para kumain ng dinner.
Umorder lang kami sa isang restaurant doon pero hindi namin sa loob ng restaurant kinain. Pina take out ko yung
food at nagpunta sa may seaside at doon naupo habang nakatingin sa may dagat.
“first time kong kakain dito ha” sabi niya habang sumasampa sa may seaside para makaupo“usually sa loob
kami kumakain eh.”
“puro ka kasi gimik at inuman. Hindi mo tuloy maranasan yung ibang lugar ng walang inuman at mga linta. "
Natawa naman siya “oo na sige na! binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Nag enjoy ako sa star city.”
Napangiti ako sa sinabi niya. Hay buti naman at nag enjoy ang isang to.
Nag start na kaming kumain habang nakatanaw sa dagat.
“Nami, bat mo ko minahal?”
Halos maibuga ko yung kinakain ko dahil sa tanong niya.
“h-ha? Bat mo naman naitanong?”
“wala lang. Nagtataka kasi ako eh. Alam mo namang playboy ako but still mahal mo parin ako. Bakit nga
ba?”
Err, paano ko sasagutin ang tanong na yan? Naman tong si Stephen eh!
Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita “di ba kung mahal mo talaga ang isang tao wala namang dahilan
kung bakit mo siya nagustuhan? Kahit pa playboy siya at hindi nakakatagal ng apat na araw ang mga
girlfriends niya ayos lang sayo, basta mahal mo siya” sheeeeet, gumagaling na ko sa pag arte, infairness >__<
Napangiti naman agad si Stephen “ganun? Oy pero hindi naman 4 days lang ang pinaka matagal kong naging
girlfriend no!”
“oo nga pala, 2 weeks, si best”
“h-hindi, meron pang mas matagal”
Napatingin ako agad sa kanya at gulat na gulat “meron pang mas matagal?! Teka gaanong katagal?!”O.o
“hulaan mo!” sabi niya saakin ng nakakaloko
Tokwang to pahihirapan pa ko sa panghuhula “3 weeks? 1 month? 1 month and a half? 2 months?”
“hindi ”
“ano ba talaga?!”
“one and a half year”
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya “one and a half year?! Teka paan nangyari to!!
Imposible!!” O___________O
“grabe ka naman magsalita! Pero totoo no!!”
“ibig sabihin nag mahal ka na dati?!?!”
“hindi!!! Hindi nga sabi ako marunong magmahal di ba?! Kaya lang kami tumagal ng one and a half year kasi
nga pinagkasundo kami ng mga magulang namin. Natakot kasi si dad na baka di na ko makapag asawa dahil
sobrang babaero ko kaya hinanapan niya na ko ng asawa.”
“teka, sino naman yung malas na babaeng yun?!”
“o yang sakit mo magsalita samantalang patay na patay ka saakin!” sabi niya saakin. aba ang kapal niya
ha! “tsaka kilala ma yung babaeng yun, s-si Alyana.”
Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, “i-ibig sabihin engaged na kayo ni Alyana?! t-teka naguguluhan
ako, paano nangyari to!”
“ hindi nga kami na-engaged dalawa kasi nga one and a half year lang ang tinagal namin. Actually nung mga
panahong yun, sa tatlong babae ako pinapapili ni dad. Isa-isa akong nakipag blind date sa kanila, panghuli si
Alyana. Natatwa pa nga ako kasi pagkaupong pagkaupo ko, binantaan na niya ko agad. Sabi niya ‘ngayon pa
lang sinasabi ko na sayo na wala akong balak na maging asawa mo. Mamaya may AIDS ka eh. Tsaka isa pa
may boyfriend ako. Pero ako ang piliin mo kasi kailangan kong pagbigyan ang mommy ko. Palabasin lang
natin na hindi maganda ang pagsasama natin para sila na mismo ang magpahiwalay satin.’ Eh syempre ang
brilliant brilliant ng idea niya kaya pumayag na ko. Pinapalabas namin na lagi kaming nagaaway though
pagtalikod nila nagtatawanan kaming dalawa. May times pa nga na umarte kami na nagbabatuhan ng gamit
eh. ” Stephen Laughs “di ba parang ewan lang kami? Pero after one and a half year naghiwalay narin kami
though we’re still friends. Siguro si Alyana na ang unang babaeng iginalang ko. ”
Nanahimik ako. Ewan ko kung bakit pero nung sinabi niyang si Yannie ang unang babaeng ginalang niya parang
biglang nag toktokitoktok ang puso ko.
Waaaaaaaaaaah ano ba to?! Imposibleng nagseselos ako!! Hindi ako nagseselos!! Hindi!! Meron na kong Drew my
labs!!! Hindi talagaaaaaaaaaaaa!!!
“minahal mo ba si Yannie?” tanong ko kay Stephen bago ko pa mapigilan ang sarili ko.
Siomai na bibig oh!! Dire-diretso naman kung magsalita >__<
Natawa naman si Stephen sa tanong ko “minahal ko si Alyana bilang kapatid hindi yung katulad nung romantic
feelings na nararamdaman mo saakin. ” tinignan ko siya ng masama. Hmpf! Kayabangan “at kung tatanungin
mo ako kung minahal ako ni Alyana, hindi rin, kasi may boyfriend siya nung mga panahon na yun. Kaso !@#$
nung lalaki iniwan siya eh. Sumugod saakin si Alyana nun at nagiiyak. Ako naman hindi ko alam ang
encouraging word na sasabihin ko. Sabi ko na lang sa kanya ‘wag ka na kasi mag mahal. Manloko ka na lang
tulad ko. Tignan mo, enjoy na hindi ka pa masasaktan’”
Bigla ko naman binatukan si Stephen “hoy lalaki!!! Grabeng advice yan ha!! Napaka good influence!!! ”
Hinimas niya yung likod ng ulo niya “ay grabe ka babes! Galit na galit ka ah! Kala ko matatanggal ang ulo ko!!”
Tinignan ko ulit siya ng masama “eh loko loko ka eh!! Paano na lang kung naimpluwensyahan mo si Yannie
ha?!”
“wag ka magalala nakatanggap din ako ng batok sa kanya nun! Sabi pa nga niya pag ako daw nagmahal
mararamdaman ko din kung gaano kasakit, at the same time kung gaano kasarap sa pakiramdam ang
nagmamahal. Syempre tinawanan ko lang siya at sinabing hindi ako marunong magmahal” tumingin si
Stephen saakin at nagulat naman ako dahil bigla na lang siyang pumunta sa harapan ko at inilapit ang mukha niya sa
mukha ko “kaso ngayon pakiramdam ko kinain ko na lahat ng sinabi ko” sabi niya saakin ng seryosong seryoso
“S-stephen?”
Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako gumalawa sa pagaakalang nagbibiro na naman siya.
Tinignan ko lang siya sa mata at kitang kita ko na seryosong seryoso siya. Nagulat ako ng biglang pumikit si Stephen
kaya napapikit din ako. Unti-unti, dahan-dahan, nag dampi ang labi namin dalawa.
Bigla kaming naghiwalay dalawa at napatitig na lang sa mukha ng isa’t isa. Pareho naming hindi alam kung paano
magrereact, pareho kaming natulala sa nangyari habang nakatingin parin sa mata ng isa’t isa.
And again, ininvade na naman ng mga pesteng karpintero ang puso ko.
Chapter 25
“conscience”
[Naomi’s POV]
Tokwa 2:30 am na pero hindi parin ako makatulog. Kailangan ko pang gumising ng maaga. >______< Kinuha ko si
pen-pen at itinakip ito sa mukha ko.
“thanks for the night Naomi, nag enjoy talaga ko. Hindi ko to makakalimutan”
Step 3 and 4 is already done.
But still…
“syempre tinawanan ko lang siya at sinabing hindi ako marunong magmahal. Kaso ngayon pakiramdam ko
kinain ko na lahat ng sinabi ko..”
Waaaaaaaaaaaaaah ano ba to?! Di ba dapat matuwa ako sa sinabi ni Stephen? Dapat mag bunyi ako dahil atlast—
atlast, nahuhulog na siya sa alindog ko.. pero bat ganito ang nararamdaman ko?
..ayoko ng ituloy..
Gusto kong lumayo na kay Stephen. Pakiramdam ko kasi kada lalapit ako sa kanya mas masasaktan ko siya eh.
Gusto ko na mag back out.
Pero ganun parin, pag nag back out ako masasaktan ko parin siya dahil malalaman niya ang lahat. At hindi ko naman
talaga siya mahal, si Drew ang mahal ko.
Kaso..
Hay naguguluhan talaga ako sa dapat kong gawin. Isa pa itong si Yannie, kahit anong isip ko hindi ko malaman kung
bakit ganun na lang ang galit niya kay Stephen.
Baka naman dahil iniwan siya ng boyfriend niya? Pero imposibleng ayun ang dahilan kasi si Stephen pa nga ang nag
comfort sa kanya nun eh. At sabi ni Stephen parang magkapatid na talaga sila.
Hindi kaya mahal ni Yannie si Stephen?
Waaaaaah ano ba to. Naguguluhan ako!! Alam ko may iba pang dahilan si Yannie, hindi lang yun. Kailangan kong
malaman yun, baka sakaling mapagbago ko ang isip ni Yannie.
Ayoko na kasing ituloy to. Natatakot ako..
The next day, kahit bangag na naman ako dahil sa sobrang pagiisip at pambubulabog ng mga karpintero, agad kong
hinanap si Yannie sa university.
Nung nakita ko siya na pababa dun sa building nila, agad ko siyang nilapitan.
“Yannie!!”
Lumingon naman si Yannie saakin “oh Naomi!” nilapitan niya ako “kamusta? May kailangan ka ba?”
“uhmm pwede ba tayo magusap?”
“oh sure”
Nagpaalam si Yannie doon sa mga kasama niya then nagpunta naman kami agad sa headquarters.
“ano yung sasabihin mo Naomi?”
“uhmm nag date kami kahapon ni Stephen”
Napatingin naman bigla si Yannie saakin “talaga? Siya nagyaya? Nag enjoy ba siya?”
I nod
“oh my gosh!!! Ang galing mo talaga Naomi!!! ” sabi ni Yannie habang kilig na kilig.
“uhmm, Yannie ayoko ng ituloy ”
Natigilan bigla si Yannie “b-bakit?”
“nakokonsensya na ko” I looked away
Alam kong binalaan nila ko bago ko pirmahan yung kontrata kaso talagang tinatamaan na ko ng konsensya eh.
Habang tumatagal ayoko ng saktan si Stephen.
Lumapit saakin si Yannie then she held my hand “Naomi, hindi ka dapat makonsensya dahil sa ginagawa mo
mas matutulungan mo si Stephen”
“Yannie, bat mo ba gusto saktan si Stephen?”
Binitawan niya ang kamay ko then she looked away “you don’t need to know ”
“itong ginagawa mo, totoo bang para matuto lang si Stephen, o baka may iba pang dahilan?”
“h-hindi ko pwedeng sabihin sayo Naomi, pero sana magtiwala ka saakin. Please? Magtiwala ka lang.
“p-pero—“ hindi ko naituloy yung sasabihin ko kasi biglang may nagbukas ng room ng headquarters.
Halos mapatalon kami ni Yannie sa gulat ng makita namin ang mala-zombie na mukha ni France.
Literally, mukha siyang bangkay na naglalakad. O_________O
“juskooo Fransisco Juan bat ganyan ang itsura mo?! ” sabi ni Yannie habang gulat na gulat na nakatingin kay
France
Lumapit si France saamin at naupo sa isang upuan then bigla na lang siya humagulgol ng iyak.
“huhuhuhuhuhuhu my lips, my virgin lippssss ” T________T
“hay sus! Ayun lang pala! wag mo na isipin yun! ”
Mas lalong lumakas ang hagulgol ni France.
“teka, ano ba meron sa labi ni France? ”
“alam mo yung kahalikan kahapon ni Stephen sa staffer’s office kahapon?”
“yung linta?”
“oo yun! Na love at first sight ata yun kay France. Bigla nalang dinamba at hinalikan. ”
“WHAT?!?!?!”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yannie at maya-maya lang hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagtawa.
“WAHAHAHAHAHAHAHAHA MAY KA LOVE TEAM KA NA FRANCE! Wahahahahahhaha magiging lalaki ka
na!!!! wahahahahahahha ”
“bruha ka! Excuse me! over my sexy dead body, never!! ” bigla ulit humagulgol ng iyak si France kaya naman
inabutan ni Yannie si France ng isang box ng tissue “grabe I can’t believe this! Hinalikan ako ng linta!! Hindi ko
tanggap! Buti sana kung ka-line up pa nila papa Drew, papa Stephen at papa Rence ang humalik sakin edi
waging wagi ako! Kaso hindi!! Isang kalahi ni Eba ang nakatuka sakin! Waaaaaaaaaaaaaah huhuhuhuhuhu ”
Walanghumpay parin ang tawa ko habang humahagulgol si France. Sino ba naman ang hindi mapapahalakhak kung
ang isang lalaking mas babae pa saakin ay hinalikan ng isang tunay na babae at na love at first sight pa sa kanya.
O di ba, astig ni France! Wahahahaha
Narinig ko naman na nag ring ang bell kaya napatingin ako sa wall clock.
“oh my gosh! May lab pala kami ngayon!! Culminating pa naman!” napatayo naman ako then I grabbed my
things “see you later!”
“ma-late ka sana!! ” sigaw ni France. Binelatan ko na lang siya.
Tumakbo na ako papunta sa locker ko para kunin ang mga gamit then dumiretso na ako sa girl’s comfort room para
magpalit ng chef’s uniform. Napahinto naman ako bigla ng maalala ko na may pinaguusapan pa pala kaming dalawa
ni Yannie. Lokong France to! Nadistract ako ng dahil sa kanya.
Hay, di bale mamaya na lang.
After kong magpalit ng chef’s uniform, lumabas na ko sa comfort room then dumiretso sa laboratory.
“ang bango talaga ng hininga mo.”
“talaga? Oh eto amuyin mo pa”
Napahinto naman ako bigla nung marinig ko ang boses na yun. Teka parang kilala ko ang boses na yun ah…
Sumilip ako doon sa may likod ng staircase and hindi nga ako nagkamali, si Stephen nga yon, at may kalandian na
naman na ibang babae!!!
Agad akong pumasok sa laboratory at pumunta sa storage room at kinuha kung ang mahawakan ng kamay ko.
Lumabas ulit ako at sinugod yung mga lintang naglalandian!
“PAGE 99 OF STUDENT’S HANDBOOK, LESS SERIOUS OFFENSE NUMBER 8! PUBLIC DISPLAY OF
AFFECTION!!”
Sigaw ko sa kanilang dalawa kaya naman gulat na gulat silang napatingin saakin.
“N-nami?! B-bat may hawak kang sandok?!”
Inamba ko yung sandok na hawak ko sa kanila then lumapit ako
“FIRST OFFENSE: TWO-CLASS DAY SUSPENSION!!”
“oh my gosh what is she doing?!” napatakbo naman sa takot yung babae kaya si Stephen na lang ang nasa harap
ko.
“SECOND OFFENSE: SEVEN-CLASS DAY SUSPENSION!!!” pinaghahampas ko si Stephen nung sandok na
hawak ko habang pilit niyang cino-cover yung sarili niya
“b-babes? B-bakit?!” hinampas ko pa ulit siya ng hinampas “aray! Ow! Ow!”
“PASALAMAT KA HINDI KUTSILYO ANG HAWAK KO! ”
Pinag hahampas ko pa siya ng sandok “b-babes! Sorry na!! ow! Babes! Aray!’
“THIRD OFFENSE: TEN-CLASS DAY SUSPENSION AND NO READMISSION ON THE FOLLOWING DAY!”
“b-babes sige na ikaw na ang may—ow!—kabisado ng rules and—aray!—regulations sa student handbook—
ow! Ow!—pero wag mo na ko hampasin ng sandok—aray!!”
“AT DAHIL LAGPAS SA TATLONG BESES MO NA GINAWA TO, GUSTO MONG SIPAIN KITA PAPUNTA SA
BERMUDA TRIANGLE?! HA?! ”
Lokong lalaki to! May pa halik halik pa siyang nalalaman pero nambababae parin! Hayop siya! Manloloko!! Bwisit!
“Nami!” biglang hinawakan ni Stephen yung magkabilang braso ko at isinandal ako sa pader. Napatigil naman ako
bigla
“bitawan mo ko!!”
“Nami” Stephen touched my cheeks then he wiped something “why are you crying?”
“Crying?! Muka mo! Hindi ako umiiyak!!”
“eh ano ang tawag diyan sa tubig sa mata mo? ”
Doon ko lang naramdaman na tumutulo na ang luha sa mata ko.
Siomai bat nga ba ko umiiyak! Hindi ko din alam =_____=
Iniwas ko yung tingin ko kay Stephen “bitawan mo nga ako”
“paano kung ayoko?”
“ano ba!!! Dun ka na sa babae mo! Magsama kayo!!”
Napangiti naman bigla si Stephen “so kaya ka nagalit ng ganun is because nagseselos ka? ”
Iniwas ko ulit yung tingin ko “obvious ba”
Bigla naman akong hinila ni Stephen papalapit sa kanya then he hugged me “sorry babes. Sorry for making you
jealous. Promise hindi na mauulit” he told me seriously.
Ewan ko kung bakit, pero gumaan bigla ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
At the same time inaatake na naman ako ng konsensya.
*sigh*
Nakakainis talaga pag hindi mo malaman ang dapat mong maramdaman.
After ng culminating namin, inayos ko na agad ang gamit ko at naghanda na para umuwi. Medyo wala na kong
energy dahil 6 hours ako nakatayo sa laboratory at nagluto. Kalurkey. Pero si Stephen energetic parin. Nagawa pang
umattend sa meeting ng staffers. Nag e-enervon ata ang isang yun.
Nung naglalakad na ko palabas ng gate ng school, nagulat naman ako ng biglang may kumuha nung dala-dala kong
paperbag.
“mukhang mabigat to ah, tulungan na kita ”
“D-drew!”
“Hi Naomi, tara starbucks tayo?”
“h-ha? Ah.. eh”
“my treat ”
I smile at him at pumayag na. Miss ko narin kasi si Drew at isa pa once in a blue moon lang ako makalibre sa
starbucks eh. Wahahahaha
Habang papunta kami doon, hawak-hawak niya yung kamay ko. Ako naman medyo naiilang pa. Ewan ko, ang
uneasy ng pakiramdam ko. Siguro dahil kinikilig ako?
Siguro..
“Naomi, ano gusto mo?”
“uhmm, coffee jelly na lang siguro”
“ok, ayun narin ang akin. Wait mo ko ah?”
Nagorder na si Drew then maya-maya lang bumalik narin siya sa seat namin with the coffees on his hand.
Inabot niya saakin yung isa “here”
“thanks”
“uhmm, so ano ginawa niyo ni Stephen kahapon after niyo umalis?”
“uhmm” I sipped the coffee then ibinaba ko ulit “n-nag star city kami”
“oh I see”
“Drew, sorry ”
Drew smile at me “it’s ok. Hindi naman ako galit sayo eh. Pero inaamin ko, nagseselos ako”
“Drew, sorry talaga. Sorry ”
Hinawakan ni Drew yung kamay ko “wag kang mag sorry ano ka ba, naiintindihan ko naman eh. Tsaka kada
magseselos ako lagi kong iniisip na ako ang mahal mo kaya kahit papaano napapangiti din ako. Naomi, I love
you ”
I smile “I love you too, Drew”
Nagkwentuhan lang kami ni Drew sa starbucks then hinatid narin niya ako saamin. Pero kada tinitignan ko siya, hindi
ko rin maiwasan na hindi masaktan.
Parang feeling ko pareho sila ni Stephen na sinasaktan ko. Para tuloy akong namamangka sa dalawang ilog.
Pero kung kanino ako mas nasasaktan, hindi ko alam.
Habang tumatagal, parang pahirap na ng pahirap ang nangyayari saakin. naguguluhan ako.
Sa ganitong sitwasyon, ano ba ang dapat kong maramdaman?
Chapter 26
*the picture*
[Yannie’s POV]
“oh my gosh bakla, ang dami mong bagong make-up ha! Penge naman ng iba” tinignan ni France yung mga
make-up sa ibabaw ng tukador ko “ang swerte mo talaga sister! Gusto ko rin magkaroon ng nanay na make-up
artist!”
Hindi ko pinansin si France at nahiga na lang ako sa kama ko. Lokang bakla kasi eh, pinapunta ko siya dito para
pagusapan namin ang tungkol kila Naomi at Stephen hindi para pagpyestahan ang mga make-up ko.
Kinuha ko yung cellphone ko sa may side drawer then I checked kung may nagtext.
1 message received
Tinignan ko kung sino yung nag text.
Nico:
Free ka ba tomorrow? If you like, gusto mo bang mamasyal tayo. well uhmm kung ok lang sayo.
Napabangon agad ako sa kama ko nung nabasa ko yung text
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH”
“aaaaaaayyyy bakla ano ka ba nakakagulat ka! Bigla bigla kang sumisigaw?! Bakit ano bang problema?! May
mga mamamatay tao na ba sa alabs ng bahay niyo?! ” nanlaki ang mata ni France at napatakbo papunta sa
kama at nagtalukbong ng kumot “oh my gosh! I don’t wanna die! Pangarap ko pang maging tunay na babae at
makahanap ng artistang asawa!!!” O___________O T___________T
“loka!” inalis ko yung kumot na nakataklob sa kanya “masyado kang praning! Kinilig lang ako sa text na nabasa
ko”
“kinilig? Why sister?”
Pinakita ko yung text ni Nico saakin kay France at nung mabasa niya ito nagtitili din ang bakla.
“oh my gosh sister! Chance mo na to! Gora ka na! text mo na siya! Say yes!!”
“naman!!” itetext ko n asana si Nico ng may bigla akong maalala kaya napatigil ako “on the second thought, err I
think hindi tama na sumama ako sa kanya ” ibinalik ko yung phone ko sa may side drawer
“ay bakit naman atii? Ano naman masama doon? Single ka, single siya! Libreng libre kayo”
“pag kasi naiisip ko si Naomi nakokonsensya ako. Bakla, ayaw na tumuloy ni Naomi, nakokonsensya na siya.
And pakiramdam ko alam niya na yung tungkol saamin ni Stephen. Nagdadalawang isip narin ako sa plano.
Natatakot ako sa kalagayan ni Naomi. Delikado.”
“ano ka ba Yannie, kung may nasa delikadong sitwasyon ngayon, ikaw yun. Natatakot din ako para sa iyo”
“ayos lang naman ako eh. Kaya ko silang harapin. Pero si Naomi at Stephen?” napahiga ako sa
kama “haaaaaaaay naguguluhan na ko! Tsaka pakiramdam ko mali tayo ng hinala kasi mukhang hindi talaga
mahal ni Naomi si Stephen. Talagang si Drew ang gusto niya”
“ay sister, diyan ka nagkakamali ”
Napabangon naman ulit ako “ha? Bakit?”
“kahapon nakita ko si Naomi at Stephen naghahampasan ng sandok!”
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni France “oh? So ano konek nun? ”
“kaya hinahampas ni Naomi si Stephen kasi nahuli niya to na may kalandian sister!”
“eh baka naman acting lang yun”
“loka, nakita mo bang nag try umarte si Naomi? Di ba hindi? Tsaka te, umiyak si Naomi nun at alam kong
hindi peke ang iyak niya. Feeling ko kaya ganun si Naomi kasi unconsciously may nararamdaman na siya
kay Stephen. Siguro nasa isip niya ngayon mahal niya si Drew pero I know, naguguluhan na siya ngayon
kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman kay Stephen. At kahit siya mismo hindi niya maintindihan
kung bakit ganun na lang siya umasta pag may nakikita siyang ibang kasama si Stephen. In short, nasa in
denial stage siya”
Napatigil naman ako sa sinabi ni bakla. Infairness may point siya ah. At hindi lang basta point, isang napakalaking
tuldok talaga.
“grabe ka bakla, ang galing mo mag analyze, palitan mo na ang author ng storyang ito ”
Tumawa naman si France “op corz atii! Ako pa! masyado akong genius eh. Pero ikaw, wag na kokonsekonsensya
pa at itext mo na agad si papa nico no! gora ka na sa date kung ayaw mong agawan kita”
Napangiti naman ako then I get my cellphone and texted Nico.
[the next day]
“h-hi” lumapit saakin si Nico then inabot niya saakin yung isang box ng ferrero chocolate na hawak niya “sorry
walang flowers, puro lanta kasi yung paninda eh”
Napangiti naman ako “it’s ok. Ayoko rin naman ng flowers eh, mas gusto ko ang chocolate”
Pumasok na kaming dalawa sa loob ng mall.
“talaga? Yung dati kong nililigawan binusted ako dahil binigyan ko siya ng ganyang kalaking ferrero. Hindi
ko manlang daw inisip ang figure niya ”
Natawa naman ako sa sinabi ni Nico “siguro tabain yung nililigawan mo dati. Buti na lang ako hindi. Pero kahit
man tabain ako kakain parin ako ng chocolate. Ok ng mataba, nag enjoy naman”
Natawa rin siya sa sinabi ko.
Habang naglalakad kami papunta sa sinehan, ang dami naman niyang kinukwento saakin.
Grabe akala ko magiging awkward ang araw na to para saamin. Ito kasi ang unang beses na nagkasama kami eh.
And ito rin ang unang beses na naguusap kami personally, hindi sa text. Akala ko pareho kaming maiilang, pero
nakikita ko na ginagawa ni Nico lahat para maging comfortable ako.
Nung nanunuod kami ng sine, doon ko narealize kung gaano ka gentleman si Nico. Well, akala ko nung una katulad
siya nung karamihan sa mga lalaki na dadalhin ang babae sa sinehan sa first date nila para makagawa na agad ng
first move. Bigla niya kasi akong tinanong kung nilalamig daw ako. Syempre sa dinami-dami ng naka date ko alam ko
na yung ganung style. Tatanungin ang babae kung nilalamig sila, pag um-oo palalapitin tas biglang aakbayan para
hindi daw lamigin kuno pero sa totoo nanananching na.
Kaso iba si Nico. Nung um-oo ako sa tanong niya bigla na lang siya naglabas ng jacket sa bag niya at binigay saakin.
Ayan tuloy di ako nakapag concentrate sa pinapanuod namin dahil kinikilig ako ng sobraaaaaaaaa. Ahihihihihihihi
After namin manuod ng sine, kumain muna kami, syempre libre niya. Then after nun, niyaya ko siya saglit sa Bench
dahil kailangan kong bumili ng bodyspray.
Nung nandun na kami nakita ko yung poster niya na napapagitnaan siya ni Kim Chiu at Shaina Magdayao.
“Nico, sino sa kanilang dalawa yung binusted ka dahil binigyan mo ng chocolate? ” tanong ko sa kanya
habang nakatingin doon sa poster
Bigla naman natawa si Nico “wala. Hindi ako mahilig sa artista”
Pumasok na kami sa loob then agad akong pumunta doon sa bilihan ng mga pabango. So Nico naman, nagpunta
doon sa may mga polo at nag tingin tingin. Nung mahanap ko na yung bodyspray at mabayaran ko, hinanap ko
naman siya agad and nakita kong pinagkakaguluhan na siya.
Madaming mga babae ang nakapalibot sa kanya at nagpapa-picture.
Hindi agad ako lumapit, but instead tinignan ko lang siya.
Bat ba ganyan ang lalaking yan? Ang gwapo, gwapo, dikat na model at habulin ng chiks pero napaka down to earth
naman at mahiyain. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi kiligin sa kanya ng bongga.
Hay pero hindi muna ako dapat mahulog. Not now. Magulo pa ang sitwasyon at baka pati siya madamay kung
sakaling…
Hay
Nung nakita niya akong nakatingin sa kanila, agad naman siyang tumakbo papunta saakin.
“Yannie, sorry nagantay ka ba? Pasensya ka na ah”
“sus ayos lang yun! So saan na tayo pupunta ngayon?”
“uhmm may gusto sana akong ipakilala sayo eh, kung ayos lang?”
“ha? Sino naman?”
“isang babaeng mahalaga din sa buhay ko ”
“o-ok”
Isang babaeng mahalaga sa buhay niya? Teka, don’t tell me dalawa kaming nilligawan niya?
Nagulat naman ako nung lumabas kami sa mall and dinala niya ako sa isang memorial park.
Pumunta kami sa isang puntod doon. Tinignan ko yung nakalagay na name sa lapida.
“Nerissa Michelle R. Perez..?”
“she’s my mom”
“o-oh, I’m sorry”
“it’s ok, matagal narin naman siya wala, gusto lang kita dalhin dito”
“p-pero bakit?”
Hindi niya pinansin yung tanong ko instead umupo siya sa may damuhan then tinignan yung lapida ng mom niya.
“mama, sabi ko sayo dadalhin ko dito yung girl na mamahalin ko. Eto na po siya. Gusto ko sana siyang
ligawan kaya sana payagan niya ko. Tingin mo po mama, papayagan niya kaya ako?”
“N-nico…”
Tinignan ulit ako ni Nico “hindi ko alam kung bakit, pero kada magka text tayo ang saya ko. Dati hindi ako
naniniwala na true love yung mga taong nagkakakilala lang sa text tapos magiging sila. I mean paano mo
naman maggawang mahalin ang taong hindi mo naman nakakasama at nakakausap ng personal? Pero mali
pala ako. Nakalimutan ko na mapaglaro pala ang tadhana. Basta nagmahal ka, kahit sa anong pagkakataon
hindi mo mapipigilan.”
Oh gosh, siguro kung wala ang contract, walang gulo, walang pahamak, napatakbo na ko papunta kay Nico at
niyakap ko siya.
Kaso…
“Yannie” tumayo si Nico at humarap saakin “sana hayaan mo akong manligaw sayo. Hindi mo man ako sagutin
ayos lang sakin yun. Basta hayaan mo lang ako”
Oh God help me. paano ko pa siya mare-reject sa lagay na to?
Kung pati puso ko gusto narin um-oo?
Huminga ako ng malalim then I looked at him “of course I will allow you ”
“talaga?” I nod “YES!”
Nagtatatalon naman si Nico sa tuwa. Naalala ko tuloy si Naomi sa kanya.
Hay, naka-oo na ko eh. Bahala na kung ano mangyayari.
Wag ko lang sanag pagsisihan ang desisyon ko.
After we gave a little prayer for his mom, nagpunta naman kami sa isang foodchain doon then nag meryenda.
Pinakita naman saakin ni Nico yung picture ng mom nila.
“ang ganda niya oh, kamuka ni Naomi!” sabi ko habang tinitignan ko yung picture.
“oo naman! tsaka kaugali pa siya ni Mika!” napa smile si Nico “kaya ganyan kami ka overprotected kay Mika.
Bukod sa nagiisang kapatid namin siya na babae, siya na lang yung tanging nagpapaalala saamin kay mama.

“and Naomi is blessed with four hot, caring brothers” natawa si Nico “pero buti hindi siya nalulungkot kasi
wala siyang makabonding na girl sa bahay niyo”
“nandyan naman si Mama Anne, yung second wife ni papa. Mabait siya saamin at tinuring niya kami na
parang tunay na anak”
“talaga? bihira na yung ganun ah”
“yes. Pakita ko sayo yung picture” may kinuha si Nico na picture sa wallet niya then inabot niya saakin “maganda
din si Mama Anne tulad ni mama ”
Tinignan ko yung picture.
Nung makita ko ito, halos atakihin ako sa puso.
Y-yung babaeng nasa picture. Kilala ko siya.
Kilalang-kilala.
She’s Stephen’s mom.
Chapter 27
*broken hearts*
[Naomi’s POV]
“Kuya laro tayo ng tekken!!!” sigaw ko kay Kuya Nico na kasalukyang nakahiga sa kama niya
“wag ka nga magulo Mika!” galit naman niyang sagot saakin sabay talukbong ng unan sa mukha.
Hay naku, simula nung bumalik siya galing sa date nila ni Yannie ganyan na yan. Napaka init ng ulo. Hindi kaya
nabasted to ni Yannie?
“oy kuya” pinindot ko yung mukha niya “basted ka no? wahahahahha basted! Basted! Basted!! ”
Bigla naman napatayo si Kuya Nico “ANO BA MIKA!!! ” he looks away “mukha ngang basted ako. Hay ”
“teka, ano ba kasi nangyari ha?”
“eh kasi bigla bigla na lang siyang umalis. Sabi niya hindi daw maganda pakiramdam niya tapos ayaw niyang
magpahatid saakin.”
“ha? Baka naman may nasabi ka sa kanya na hindi maganda?”
Nagisip naman si Kuya Nico “hmm wala naman. Ang huling pinagusapan namin is yung pinakita ko yung
picture ni mama Anne. After nun bigla na lang siya namutla. Tapos uuwi na daw siya”
Napaisip naman ako sa sinabi ni Kuya. Bat kaya ganun? Hindi kaya..
“Ah! Alam ko na!”
Napatayo bigla si kuya sa pagkakahiga “bakit? Ano yun? Basted na ba talaga ako? ”
“hindi ano ka ba! Feeling ko kaya nagkaganun si Yannie kasi…”
“kasi ano?”
“uhmmm.. girl thing”
“ha?! Ang gulo namang paliwanag yan! Anong girl thing!”
“you know, pulang tuldok, red alert!”
“eh? Ano?”
Ay jusko ang hina gumets ng kuya ko!
“monthly period!!! Ano ba! Syempre mahihiya sayo yun, kaya ayaw niya magpahatid tsaka kaya siya
nagkaganun kasi baka natatakot siya na tagusan. Feeling ko naramdaman niyang may period na siya kaya
ganun”
“owww I see, ganun nga siguro” ngumiti naman si Kuya “tara bunso! Laro na tayo ng tekken!”
Napangiti naman ako. Hay salamat ok na tong isang to.
[Kryzel’s POV]
“best!” nilapitan ko si Naomi na busy sa pag-aayos ng gitara niya sa may bustand ng bistro namin“bat ka nandito?
Ang init init, tara dun ka sa office mag ayos”
“naku wag na best, malapit narin naman akong kumanta eh. Bat ka nga pala nandito?”
“naku, nag out of town trip kasi si mommy at daddy para i-celebrate ang anniversary nila. Iwan ako tuloy
magisa sa bahay kaya hindi narin ako nagpaluto ng dinner. Dito na lang ako kakain. Nakakainis nga eh, sa
Bohol pa sila nagpunta. Inggit tuloy ako!”
Natawa naman si Naomi saakin “hayaan mo na best, kailangan nilang mapag solo ngayon. Di bale sa summer
punta tayo ng Bohol”
“talaga? Masaya yun! Sama natin sina France at Yannie, pati narin si Drew mo”
“oo at si Rence mo ” she winked at me
I rolled my eyes “naku wag na”
Hanggang ngayon hindi ko parin pinapansin si Rence, and hindi narin naman niya ako ginugulo eh. Buti naman.
Mukhang natauhan ata sa sinabi ko.
Though nakakamiss dahil walang nagungulit saakin..
Acheche! Hindi ko siya namimiss! Kahit kalian hindi ko siya mamimiss dahil si Stephen lang ang mahal ko.
At alam kong mukhang pinagkasundo kami ng daddy kaya niya ko nilalapitan. Pera lang ang habol niya.
Hay.
Pumunta ako sa may bar top para doon kumain ng dinner. Nakita ko naman na si Rence yung bartender on-duty
ngayon.
Talking about malas. Hay naku naman!
“h-hi Kryzel. S-sorry pala kung hindi ako nagpakita sayo this past few days, naging busy kasi ako sa practice
ng flairing para sa competition”
I just rolled my eyes and hindi ko siya pinansin “just give me fish and chips, mushroom burger and Shirley
Temple for drink”
“ah, s-sige po!” agad naman siyang umalis to punch my orders then afterwards he mixed my drink.
Maya-maya lang din dumating na yung order ko and sinerve na niya saakin
“enjoy your dinner ” he told me while smiling brightly. Again hindi ko siya pinansin.
Epal naman kasi na lalaki, masyadong papansin.
Napatingin ako doon sa platform and saw Naomi setting up her guitar. Maya-maya lang nag salita na siya.
“Good evening to our dear guests. I hope you are enjoying your dinner tonight. To add your enjoyment, I am
going to sing a song for you. I hope you like it”
She started to stram the guitar
"I like the way you sound in the morning
We're on the phone and without a warning
I realize your laugh is the best sound I have ever heard
I like the way I can't keep my focus
I watch you talk you didn't notice
I hear the words but all I can think is we should be together"
“Ang ganda talaga ng boses ni Naomi no? No wonder siya ang unang taong sineryoso ni Stephen”
Nasaktan naman ako sa sinabi ni Rence, kaya hindi na ako nag react.
"Every time you smile, I smile
and every time you shine, I'll shine for you
Whoa oh I'm feeling you baby
Don't be afraid to jump then fall, jump then fall into me
Baby, I'm never gonna leave you,
Say that you wanna be with me too
Cause I'm gonna stay through it all so jump then fall"
Napabuntong hininga ako. I wish Stephen would just jump then fall in me. Habang tumataggal mas lalo akong
nagsisisi na pilitin si Naomi na pumirma sa contract. Akala ko makukuntento na ko sa revenge, yun pala hindi. Mas
masakit palang makita siya na unti-unting nahuhulog sa best friend ko.
"Well, I like the way your hair falls in your face
You got the keys to me I love each freckle on your face, oh,
I've never been so wrapped up,
Honey, I like the way you're everything I've ever wanted"
Bakit nga ba ganun? Kahit napaka playboy niya at kahit na sinaktan pa niya ko, gustong gusto ko parin siya. Kahit na
ang yabang niya minsan o kahit na ang landi niya sa mga babae, kada makikita ko siya parang gustong lumundag ng
puso ko.
"I had time to think it oh-over and all I can say is come closer,
Take a deep breath and jump then fall into me
Every time you smile, I smile
And every time you shine, I'll shine for you
Whoa oh I'm feeling you baby
Don't be afraid to jump then fall, jump then fall into me
Baby, I'm never gonna leave you,
Say that you wanna be with me too
Cause I'm gonna stay through it all so jump then fall"
Napabuntong hininga ulit ako. Gusto ko ng alisin si Stephen sa puso ko kaso kahit anong gawin ko, siya at siya parin
ang laman nito.
"The bottom's gonna drop out from under our feet
I'll catch you, I'll catch you
When people say things that bring you to your knees,
I'll catch you
The time is gonna come when you're so mad you could cry
But I'll hold you through the night until you smile"
Siguro ganun na lang talaga ang gagawin ko? Pag dumating ang araw na malaman na niya yung about sa contract,
tsaka ko na lang siya lalapitan at i-co-comfort. Baka sakaling mahulog na din siya saakin.
"Whoa oh I need you baby
Don't be afraid please
jump then fall, jump then fall into me
Baby, I'm never gonna leave you,
Say that you wanna be with me too
Cause I'm gonna through it all so jump then fall
Jump then fall baby
Jump then fall into me, into me"
Nagulat naman ako pag angat ng ulo ko nakatitig saakin si Rence.
“w-what’s your problem?!” pagalit kong tanong sa kanya
“k-kanina ka pa kasi nag bubuntong hininga. Uhm A-ayos ka lang ba Kryzel?”
Inirapan ko ulit siya then ibinalik ko yung tingin ko kay Naomi
"Every time you smile, I smile
and every time you shine, I'll shine
And every time you're here Baby, I'll show you, I'll show you
you can jump then fall, jump then fall, jump then fall into me, into me
Yeah"
Nagpalakpakan naman yung mga guest. Ako din nakipalakpak. Then sumenyas pa ko kay Naomi ng ‘good job!’
Nagulat naman ako ng makarinig ako ng hiyawan at ayun nakita ko si Stephen na papalapit kay Naomi habang may
dala-dalang isang bouquet ng roses. Umakyat siya sa platform then inabot niya kay Naomi yung flowers.
“babes, I love you. Kung dati lokohan lang ngayon seryoso na ko. Maybe it took me a while bago ko
marealize ang nararamdaman ko para sayo, pero ngayon, walang halong biro at kamanyakan, mahal kita
” Stephen kissed Naomi’s forehead. Kitang kita ko ang pag bu-blush ni Naomi at kilig ng mga guests namin.
At kitang kita ko rin ang sincerity sa mga mata ni Stephen.
Para akong sinaksak ng paulit ulit.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumakbo palabas. Bigla naman pumatak ang luha sa mata ko.
Naiinis ako sa sarili ko. Sa isang maling desisyon, nasasaktan ako ng ganito. At the same time natatakot ako na baka
dumating ang araw na mahalin narin ni Naomi si Stephen. Alam kong sa ngayon mahal niya si Drew, pero malaki ang
posibilidad na magkagusto siya kay Stephen, lalo na ngayon… mahal na siya nito.
Patuloy ako sa pagtakbo. Kung pwede nga lang na habang tumatakbo ako, malaglag na lang bigla si Stephen sa
puso ko para hindi ako nasasaktan ng ganito eh. Kung pwede lang…
“Kryzel!”
Biglang may humawak sa braso ko kaya napatigil ako.
“K-kryzel, a-ayos ka lang ba?”
Humarap ako kay Rence “mukha ba kong ayos ha?!” tinanggal ko yung pagkakahawak niya saakin “pwede ba
lubayan mo muna ako!! Gusto kong mapagisa!!!”
“p-pero---!!”
“Ano ba! Di ba sinabi ko sayo na tantanan mo na ko ha?! Sinabi ko sayo na umalis ka na sa buhay ko! Pwede
ba?!”
Tumakbo ako palayo sa kanya atsaka agad na pumara ng taxi at umuwi na saamin. Pagkadating ko sa bahay, agad
akong tumakbo sa kwarto ko at nagkulong. Sumalampak ako sa kama at doon nagiiyak.
Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Sobrang sakit. Siguro marami nang natatangahan saakin kasi mahal ko parin
ang lalaking nanloko saakin. Kahit ako din naman natatangahan sa sarili ko eh. Pero kahit anong pilit ang gawin ko,
si Stephen parin ang laman ng puso ko. At mas masakit pa, ang best friend ko ang mahal niya.
Ayokong makaramdam ng galit kay Naomi. Alam kong wala siyang maling ginagawa. Pero hindi ko mapigilan na
hindi magselos sa kanya.
I heard a knock on my door. Siguro yung maid lang. I tried my best to straighten my voice.
“mamaya niyo na ko istorbohin! I’m busy!!!!” sigaw ko sa kanila
“K-Kryzel.. please..”
Nagulat naman ako ng marinig ko yung boses ni Rence
“what the heck are you doing here?!” sigaw ko sa kanya
“Kryzel, open the door, please naman.. nagaalala ako sayo ”
Hindi ko pinansin yung sinabi niya, nagsisisigaw parin ako sa tapat ng pinto ko at walang balak buksan ito “”get lost
will you?! Tsaka sino nagsabi na pumasok ka sa pamamahay ko ha?!”
“binilin ka saakin ng dad mo. Dito muna ako matutulog ngayon, utos niya”
Natawa naman ako sa sinabi niya “see?! Parang inamin mo narin na may kasunduan nga kayo ni dad! Oh ano,
ipipilit niyo ko sa fixed marriage ha?! For your information, hindi ako magkakagusto sayo kahit kelan!
Mangyayari lang yun pag pumuti na ang uwak!!!”
“b-but, you’re getting it all wrong”
“anong mali sa pagkakaintindi ko. Malinaw naman na may usapan kayo ni dad di ba?! tama naman ako di
ba?!”
“b-but—about that—“
Hindi niya itinuloy yung sasabihin niya “see?! Hindi ka makapagsalita! Tama ako! Lumayas ka na lang Rence!
Get out of my life!!!”
Hindi na ko nakarinig ng salita galing sa kabilang door. Siguro naisipan na nun umalis. Napaupo naman ako sa tabi
ng pintuan ko then I hugged my knees and pinatong ko doon ang ulo ko. Bwisit na Rence hindi makaintindi ng
sitwasyon. I didn’t mean to shout him like that pero kasi pag sinabi kong gusto kong mapagisa dapat lubayan ako
kung hindi nakakapagbitaw talaga ako ng masasakit na salita.
Bigla na naman tumulo ang luha ko. I don’t know kung dahil ba to sa nakita ko kanina or sa frustration na
nararamdaman ko. Basta ang alam ko may kung anong mabigat sa puso ko.
"Sir, I'm a bit nervous 'bout being here today
Still not real sure what I'm going to say"
Nagulat ako ng bigla kong marinig ang boses ni Rence na kumakanta mula sa kabilang side ng pintuan ko.
"So bare with me please if I take up too much of your time,
See in this box is a ring for your oldest
She's my everything and all that I know is
It would be such a relief if I knew that we were on the same side
Very soon I'm hoping that I..."
I heared his voice broke at dinig na dinig kong umiiyak narin siya. There are sobs between his singing.
Can marry your daughter and make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'till the day that I die, yeah
I'm gonna marry your princess and make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
Can't wait to smile when she walks down the isle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter
And again narinig ko yung sobs niya “Kryzel, ayan sana yung gusto kong sabihin sa dad mo eh, kaso habang
tumatagal mas naiisip ko na malabong mangyari na yun. Ngayon pa lang grabe na ang galit mo saakin,
paano pa kita mapapasaya? Siguro nga hindi ako deserving sa pagmamahal mo. Pero Kryzel sana
maramdaman mo yung tunay kong nararamdaman sayo. Lagi ka na lang nakatingin sa likod ni Stephen,
habang ako naman nakatingin sa likod mo. Kung pwede nga lang kitang hilahin paharap saakin para
malaman mo na kung ano talaga ikaw saakin, ginawa ko na eh. Mahal kita, Kryzel. Sana maramdaman mo na
yun. Kahit hindi mo na ko mahalin, basta maramdaman mo lang na mahal kita. Sorry kung naiinis ka na
saakin ah, hindi ko kasi alam ang tamang pag approach sayo. Sana mapatawad mo na ko. Pero kung gusto
mo talaga na lubayan na kita, gagawin ko na yun. Hindi na kita guguluhin, pangako. Basta sana sumaya ka
na ” nakarinig ako ng kaluskos galing sa labas “siguro oras na para ibalik ko sayo to. Mas kailangan mo na to
ngayon eh. Aalis na ko Kryzel. Ba-bye”
Nakarinig ako ng footsteps na paalis. Nung wala na kong naririnig I opened my door and sa
paanan nun nakita ko yung panyo kong matagal ko ng hinahanap.
Kinuha ko yung panyo sa sahig then bigla na lang akong naiyak.
Mahal ako ni Rence? Hindi ko maintindihan. Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko yun o hindi, pero isa lang ang
alam ko ngayon....
Hindi lang ako ang nasasaktan..
Chapter 28
*The Casanova has fallen*
[Stephen’s POV]
I opened my eyes then kinuha ko yung cellphone ko to check the time.
7:30 am
Napa-smile naman ako. First time ko atang gumising nang ganitong kaaga pag weekend? Usually kasi na gising ko
12pm na.
Excited? Siguro.
Tumayo na ko sa kama ko at nag shower. After that, bumaba na ko para kumain ng breakfast. Oo nga pala wala ako
sa condo ko ngayon. Nandito ako sa bahay namin dahil nag insist na naman ang aking ama na dito ako matulog
every weekend.
Nung papunta na ko sa dining area, nakita ko naman doon si dad at ang kanyang soon-to-be wife. Lumapit ako sa
kanila then I greeted them “good morning ”
Napatingin naman sila bigla saakin. Ako naman, naupo na lang ako then kumuha ng toast and nag lagay ng fresh
milk sa baso ko.
“Stephen, next Saturday na ang engagement party namin. Hindi ko na pwede pang i-move yun ng dahil sayo
lang. Kailangan mong pumunta whether you like it or not” my dad told me coldly.
Ako naman nginitian ko lang si dad “oh sure dad, don’t worry I’ll come ”
Pareho ulit silang napatitig saakin na akala mo eh tinubuan ako ng tentacles sa katawan.
“son, are you alright? Nilalagnat ka ba? Gusto mo bang magpa-ospital? ”
Natawa naman ako kay dad “I’m perfectly fine! Healthyng healthy ang anak niyo don’t worry! ”
“teka, pupunta ka talaga sa engangement namin? sigurado ka?” dad asked me in disbelief.
“oo naman dad! Kailangan kong masaksihan yun. Syempre magiging mom ko na si tita Alice---oh I think I
should start calling you mom?”
Napa nod na lang si Tita Alice habang nanlalaki din ang mata.
“sigurado kang ayos ka lang? talagang pupunta ka? Weh?” tanong ulit saakin ni dad
Ako naman ang napataas ang kilay then natawa na lang ako “gulo mo din dad! Halatang tumatanda ka na. Sabi
niyo pumunta ko. Tas etong pupunta ko grabe ka naman makapag react ”
Napa sign of the cross si dad “oh God, miracle do exists”
Isinubo ko yung toast ko then tumayo na ko and pat my dad’s shoulder “dad ang bibig baka pasukan ng langaw.
Isara mo yan ” tumawa ako then I look at tita Alice “una na po ako. Paki alagaan na lang ang tatay ko. Bye tita—
este mommy ” I winked at her then iniwan ko na sila doon.
Narinig ko pa nga na sinabi ni dad “mag papapyesta na ba ko?”
Sus, bat ba parang gulat na gulat sila ngayon? Ano bang meron?
Napailing na lang ako. Mga matatanda talaga oh.
Pumunta ako sa room ko to get my things then bumaba na ko sa garage at sumakay sa kotse ko.
Napangiti naman ako.
Ngayon na ang tamang araw para sabihin ko kay Nami lahat ng nararamdaman ko. Madami akong dapat puntahan
at ayusin ngayon. Para mamayang gabi, ok na ang lahat, sarili ko na lang ang ihahanda ko.
Hay naku after all this time doon parin pala talaga ako babagsak. Kahit anong pigil ang gawin ko, wala, nahulog at
nahulog parin talaga ako sa kanya. Nung una ayoko talagang aminin sa sarili ko. Oo natatakot talaga ako na mag
mahal. Pero ngayon hindi na.
Handa na kong masaktan…
Kasi naamin ko na sa sarili ko na marunong ako mag mahal.
[Naomi’s POV]
Every time you smile, I smile
and every time you shine, I'll shine
And every time you're here Baby, I'll show you, I'll show you
you can jump then fall, jump then fall, jump then fall into me, into me
Yeah
I bowed my head then I received a round of applause from the audience. Napatingin naman ako sa may bar counter
and nakita ko si Kryzel na nag thumbs up saakin. I smile at her. Bababa na sana ako ng stage ng makita ko si
Stephen na papalapit saakin.
Naku po, ano na naman kayang kalokohan ang nasaisip ng lalakin to.
“S-stephen? Ano ginagawa mo dito?”
But instead na sagutin ako inabutan niya lang ako ng flowers.
Tumingin siya saakin ng seryoso.
Ang mga tingin na minsan ko lang makita sa mata niya.
“babes, I love you. Kung dati lokohan lang ngayon seryoso na ko. Maybe it took me a while bago ko
marealize ang nararamdaman ko para sayo, pero ngayon, walang halong biro at kamanyakan, mahal kita ”
Natulala lang ako sa sinabi ni Stephen. Hindi ko alam ang ire-react ko. Hinihintay ko ang mga nakakalokong ngiti niya
but instead hinalikan niya ako sa noo.
“Hindi mo na kailangan kantahin pa ang Jump then fall kasi matagal na kong tumalon, ngayon ko nga lang
narealize na nahulog na pala ako. Nami,” he held my hand “I think it’s about time para ligawan na kita”
Narinig ko ang mga pangangantyaw ng mga guests. Narinig ko pa nga yung iba sinabi na “sagutin mo na yan!”
“kiss naman!”
“ay pwedeng akin na lang yung guy kung di naman siya sasagutin?”
OH juskooooo help me. Ano gagawin ko dito? Tatayo na lang ba ko at tititig kay Stephen? Naman oh!! >_______<
Define speechless. =______=
“oh babes kain lang ng kain”
After nung heartbreaking scene namin kanina ni Stephen, nilibre niya ako ng dinner dito sa bistro nila Kryzel. At
talagang planado niya din to dahil nagpareserve na siya beforehand doon sa isang private room ng bistro na to para
daw may “privacy” kami.
“uy kanina ka pa tahimik diyan. Hanggang ngayon ba kinikilig ka parin sa sinabi ko? ” he told me while
grinning widely.
“eh t-totoo ba naman lahat ng sinabi mo?”
Again, binalik niya ang seryosong expression niya “I wouldn’t go that far kung hindi ako seryoso. Alam kong
mahihirapan kang maniwala kasi nga playboy ako. Pero Nami, totoo talaga lahat ng sinabi ko sayo”
“p-pero di ba sabi mo hindi ka marunong mag mahal?”
“kinain ko na ang sinabi ko” he held my hand then he smile at me “nung una hindi ko talaga maintindihan
nararamdaman ko. Basta alam ko kada makikita kita lumulundag ang puso ko. Kahit pa asar na asar ka
saakin, tuwang tuwa naman ako. Ang komportable ng pakiramdam ko kada mayayakap kita o kada
hahawakan ko ang mga kamay mo. Pagka naman nakikita ko na may kasama kang ibang lalaki, lalo na kung
si Drew, nasasaktan ako…” he placed his hand on his chest “..dito. Lalo na nung nakita kong nakayakap siya
sayo. Nung mga panahon na yun parang gusto ko ng makita ni Drew si San Pedro..” napakamot naman siya sa
ulo. Ako naman hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya, “malay ko bang nagseselos na ko nun. First time
ko lang kasi maramdaman yun eh. Natauhan lang ako nung nandun na tayo sa may seaside, yung tinanong
kita kung bakit mo ko minahal? Kasi nung mga panahon na yun, mahal na pala kita. Nami, mahal kita,
seryoso ako.”
Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
“oo Stephen, naniniwala na ko sayo ”
Aaminin ko, kinikilig ako sa mga sinasabi ni Stephen. Biruin niyo nag succeed akong mapaibig ang Casanova na ito.
Sa mga susunod na steps na gagawin ko, hindi na ko ganoong mahihirapan. Pero, bakit ganito, nakakaramdam ako
ng sakit?
Hay bat ba ganito? Bat ba gusto kong sabihin niya na hindi totoo lahat ng nararamdaman niya? Na hindi talaga niya
ko mahal. Bat gusto ko marinig sa kanya na hindi siya marunong magmahal at kahit anong gawin ko hindi niya ko
mamahalin.
Stephen, bat mo ko minahal? Hindi mo ba alam sa ginawa mo mas lalo kang masasaktan?
The Casanova has fallen… and malapit na siyang ma-karma..
Pero pwede bang hindi na lang ako ang maging karma niya? Hindi ko na makayanang isipin na masasaktan ko ang
lalaking to.
[Yannie’s POV]
“WHAT?! You mean yung mother ni Stephen at yung step mother ni Naomi ay—ay—oh my gosh!!!! ”
Hinampas ko sa braso si France “wag ka masyadog maingay Francisco Juan! Mamaya may makarinig sayo
eh..”
“sorry bakla. Pero gosh naman, shocking itech ha. Hindi na to kaya ng powers ko to the highest level. Ay
grabe talaga… paano na ang loveteam ng bayan? Panoooo naaaaaaaaa ”
“ang OA ha? Pero bakla satin dalawa lang muna to ha? Dapat walang ibang makaalam”
“oo naman bakla. Pero ano na plano mo ngayon? Sasabihin mo ba kila Stephen?”
Umiling ako “no, wala ako sa tamang lugar para sabihin sa kanila to. Pero alam ko naman na malalaman at
malalaman din nila ang lahat.”
“hay hindi ko maimagine ang mga expression ng mukha nila. Talagang masasaktan at masasaktan sila”
“ganun talaga. Maprotektahan ko man sila sa ibang bagay, pagdating dito sila na dapat ang prumotekta sa
sarili nila. Alam ko naman na makakaya nila to eh”
“hay. But anyways, para naman gumanda ang mood natin,” may nilabas si France sa bag niya“eto oh, pictures
nina Stephen at Naomi kagabi sa bistro nila Kryzel!”
Kinuha ko yung mga pictures then tinignan ko. Sa litrato, inaabutan ni Stephen ng flower si Naomi. Meron pang
nakahawak siya sa kamay ni Naomi at meron ding hinalikan niya sa noo si Naomi. Napangiti naman ako.
“hay naku magpapaka single ako forever pag hindi nagkatuluyan ang dalawang yan! Promise yan!”
“then akin na lang si papa Nico mo? ”
“ibang usapan naman yun!!!!”
Tinawanan lang ako ng baklitang to. Loka talaga, never kong ibibigay si Nico sa kanya no! magkakamatayan muna
kami. Bwahahahahaha.
Bigla naman nag vibrate yung cellphone ko then tinignan ko kung sino ang nag text. Napatingin ako bigla kay France
nung mabasa ko yung message.
“why bakla? Sino yung nag text?”
Tinignan ko siya ng seryoso
“oh my!” napatakip siya ng bibig “don’t tell me…?”
I just nod then I grab my bag “aalis muna ko”
“Yannie, sama ko?”
I just smile at him “no, ako na lang. Don’t worry”
Umalis na ako.
Sana matapos na lahat ng ‘to.
Chapter 29.1
*the other guy*
[Naomi’s POV]
“PEN-PEN!!!!!! ” niyakap ko yung turtle ko atsaka nagiiyak.
Tokwa talagaaaaaaaaaaa. Gusto ko ng iumpog ang ulo ko sa sobrang gulo!! Sana naman yung utak ko dumiretso
na. Nababaliw na ko eh.
“mahal kita..”
Stephen naman eh, bat ka ba ganyan? Bat mo ba ko minahal kung kelan hindi ko na magawang magalit sayo?
Tsaka ano ba tong nararamdaman ko? Di ko expected na magkakaganito ako. Malay ko bang magkakaroon ako ng
awa kay Stephen.
Pero kasi hindi naman talaga ako masamang tao at una pa lang wala akong galit kay Stephen.
Ok ninakaw niya ang first kiss ko, pati narin ang third? Pero yung second naman napunta kay Drew. Kahit naman
ang manyak niya, mapangasar, mahangin, mayabang, babaero, at lahat na ng masasamang bagay sa mundo. . . . . .
. . .mahal niya ako. At hindi ko maitatanggi na kumikirot ang puso ko dahil doon.
Kinuha ko yung notebook na pinagsusulatan nung contract at binasa yung nandun.
10 things to do to break the Casanova’s heart
1. Make him notice you.
2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet
3. Make him ask you on a date
4. Make sure that date will be the one he will remember the most
5. Make sure that he will take you seriously
6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating
7. Make him introduce you to his parents
8. Make him kiss you
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
But there is one and only rule you must abide.
Do not fall for him
If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment.
Signed by: Naomi Mikael Perez
Step 5. Make sure that he will take you seriously.
Naalala ko ulit yung sinabi niya saakin.
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
Then does it mean na nagawa ko na ang step 5?
Step 6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating.
Kung totoo talagang mahal niya ako at seryoso siya saakin, madali ko narin mapapatunayan na ako lang talaga ang
nag-iisa, at wala ng iba.
Habang tumatagal mas padali ng padali na ang mga steps, lalo na ngayong mahal na ako ni Stephen. Pero…
HAY JUSKO TSAKA NA KO MAGIISIP!!!
Kailangan ko ng matulog sa ngayon. May quiz pa ko bukas sa international cuisine and hanggang ngayon hindi pa
sumasagi sa isip ko ang pag rereview =____=
Pinatay ko yung ilaw ko then niyakap ko si pen-pen at sinubukan kong matulog.
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
Tokwaaaaaaaaa. Ano ba toooooo! Bat ayaw niya mawala sa isip ko?! Itinakip ko sa tenga ko si pen-pen and
sinubukan ko ulit matulog.
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
Napabangon ako sa kama ko
WAAAAHH ayoko na ayoko naaaaa!!!!!!
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“Nami, mahal kita, seryoso ako.”
“OO NA MAHAL MO NA KO! IKAW NA! SIGE NA IKAW NA ANG NAGMAMAHAL SAAKIN!
CONGRATULATIONS MARUNONG KA NA MAGMAHAL!! OO NA, O NA MAHAL MO NA KO! PAULIT ULIT?!
PAULIT ULIT?!?! GRRRRRR! GRRRRRR!!!”
Biglang may nagbukas ng pintuan sa kwarto ko and tumambad sa mukha ko si kuya Jake.
“bunso, may kaaway ka ba ha? At sinong nagmamahal sayo? May nanliligaw na ba sayo? Ha? Ha? Ha? ”
“eh..hehehehehehe. N-nag p-practice lang ako ng play para sa isang subject namin ”
“ganun ba? Sige mag practice ka lang diyan pero pwede wag na ng sumigaw ok? pati kapitbahay
nabubulabog mo eh”
Lumabas ng room ko si kuya Jake at ako naman nahiga ulit.
Tokwa ka Stephen, hindi ka ba napapagod ha? Takbo ka kasi ng takbo sa isip ko.
Wala na, ang korny na. Makatulog na nga ulit!
Pinikit ko ang mata ko at nag bilang ng mga sheeps para makatulog. But instead na mga tupa na tumatalon sa bakod
ang naiimagine ko. Si Stephen na may dalang bulaklak ang pumapasok sa isip ko.
Sige na, panalo na siya. Tuluyan niya ng nainvade ang isipan ko ngayon. =____=
I closed my eyes and hinayaan na lang yung mga boses na naririnig ko pati narin yung pagmumukha ni Stephen na iinvade
ang isipan ko. Isali mo pa yung mga linshak na karpinterong iniinvade naman ang puso ko.
Owkamon mamon!! Goodluck na lang sakin bukas. >____<
[next morning]
YAWNNNN
2 hours of sleep. Kamusta naman ang tulog ko. 2 hours of sleep. Lutang na naman ako ngayon, to think may quiz pa
kami sa international cuisine at hindi pa ako nakakapag review ni-isa.
Pagdating ko naman sa classroom namin, agad akong upo sa chair ko at isinandal ang ulo sa desk. Antok na antok
talaga ko. Wala ding use kung magrereview pa ko. Bahala na lang si Batman saakin mamaya. =_______=
“BABES KO! GOOOOOD MORNING! ”
Inangat ko ang ulo ko at nakita kong tumabi saakin si Stephen habang ngiting ngiti na nakatingin saakin.
Tumango lang ako kay Stephen “oh” sabay sandal ulit ng ulo sa desk at balik sa pagtulog.
Pero bago pa ko makatulog kinalabit na naman ako agad ni Stephen.
“babes alam mo bang namiss kita. Grabe kagabi ngiting ngiti parin ako. I love you babes”
“oh”
“date ulit tayo. Balik tayo sa star city ha! Oh gusto mo bang pumunta sa condo ko mamaya?”
“oh”
“oo? YES! Sabi mo yan ha? Pupunta ka mamaya sa condo ko! A promise is a promise! Bwahahahaha”
“oh”
Hindi ko na masyado iniintindi yung mga pinagsasabi ni Stephen dahil talagang lumulutang na ang utak ko sa sobra
kong antok. Tokwa talaga sana manahimik na ang isang to. I’m so sleepy. =_____=
Nung medyo nakakatulog na ko bigla naman ako ulit kinalabit ni Stephen.
“babes! Babes! Gising ka, review tayo sa international cuisine! Tara! Para pareho tayong mataas ang
grades.”
“hmm”
“uy babes!” niyugyog niya ko “dali na babes wag ka na matulog. Para sa future natin tong gagawin natin.
Tsaka sa mga magiging anak natin! ” pinindot pindot niya yung pisngi ko “uy babes! Gising na babes!”
Napaangat bigla yung ulo ko at hinarap ko si Stephen “WALANJO KA NAMANG LALAKI KA EH NO! HINDI NA
KO NAKATULOG KAGABI KAKAISIP SAYO! HANGGANG DITO BA NAMAN SA SCHOOL GUGULUHIN MO
PARIN AKO?!?! ”
Napatingin saakin lahat nung mga kaklase namin. Nakita ko naman ang ngiting tagumpay sa mukha ni Stephen.
“ganun ba babes? Hindi mo naman agad sinabi saakin na hindi ka nakatulog dahil iniisip mo ako. O sige
matulog ka na ulit at hindi na kita guguluhin. I love you! ” and bigla niyang hinalikan ang pisngi ko.
Naghiyawan naman ang mga kaklase namin at inasar-asar pa kaming dalawa. Lalo na ko! Best in banat daw yung
sinabi ko.
Tofu =_____=
It is an Irish dish containing potato mixed with cabbage or cale.
Err ano na nga ba ulit yun? Nabblangko ang isip ko! Next question na nga lang.
It is a smoked herring frequently served at breakfast.
Hindi ko din alam ang sagot.
A stew-like combination of kidneys and steak topped with a pastry crust.
Curse you Britih isle cuisine =________=
It is a Scottish dish containing or consisting of sheep’s heart, liver and wales lungs mix with oatmeal stuffed with
sheep stomach and boiled.
Mag ddrop na ko. Makapag artista na nga lang. =____=
Sabi na ganito ang mangyayari saakin eh. Kahit stock knowledge ayaw lumabas sa utak ko sa sobrang antok. Good
luck na lang. For sure isang malaking bilog ang makikita ko sa quiz paper ko!
Nagulat naman ako ng biglang kunin ni Stephen saakin yung papel ko at ipinalit niya sa papel niyang tapos na niyang
sagutan. Inumpisahan naman niyang sagutan yung papel kong blanko. Nung matapos na niya sagutan lahat, ibinalik
niya na ulit saakin yung paper ko then he winked at me.
After i-check yung mga quiz papers namin, kaming dalawa lang ni Stephen ang nakakuha ng perfect score.
Sige na siya na matalino.
Lunch break, hindi ako masasabayan ni Kryzel kasi daw nagkayayaan sila nung mga kaklase niya na kumain sa
pizza hut kaya no choice ako kundi sumama kay Stephen. Sa cafeteria lang kami kumain. Nag insist pa nga siya na
siya na ang magbabayad ng food ko eh.
Syempre libre, pumayag narin ako. Bwahahaha.
“oh babes kain ng kain ha”
“salamat Stephen, tsaka kanina din nung quiz natin, salamat ah”
“ayos lang yun babes! Ikaw pa! mahal kita eh ”
Bigla naman naginit ang mukha ko sa sinabi niya. Bakit ba ganito? Kada sasabihin niya na mahal niya ko, ganito ang
naararamdaman ko. Hindi ako sanay, lalo nang alam kong totoo yung sinasabi niya.
Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Stephen at sumigaw.
“Makinig kayong lahat saakin!!” tumingin siya doon sa mga taong nasa cafeteria “The Casanova has fallen.
Simula sa araw na to ipinapangako ko na hindi na ko mambababae and I will give my loyalty to the only one
girl. And that’s Naomi Mikael Perez. Siya ang babaeng nagturo saakin magmahal, and I am very thankful for
that. Mahal kita Nami. Mahal na mahal”
Napuno ng bulungan at hiyawan ang cafeteria dahil sa ginawa ni Stephen. Ako naman hindi ko na alam talaga ang
irereact ko sa mga pinag gagaagwa niya.
Umupo ulit siya sa harapan ko at ngiting ngiti siya.
So ganito pala magmahal ang Casanova? Ibang klase =_______=
Napatingin ulit ako sa crowd at ayun lahat na sila nakatingin sa mesa naming. Nahihiya talaga akooo.
Kaso nagulat ako nung makita ko kung sino ang lalaking nasa tapat namin at titig na titig saaming dalawa with a sad
expression on his face.
It’s Drew.
Chapter 29.2
[Naomi’s POV]
Dismissal time.
Buti nakatakas ako kay Stephen dahil may biglaang meeting ang mga staffers ngayon. Sabi ko sa kanya kailangan
ko ng umuwi ng maaga dahil tatawag mamaya ang mama ko saamin. Buti na lang at pumayag siya.
Nung nasa meeting na si Stephen, agad naman ako pumunta sa basketball gym para puntahan si Drew.
Tofu naman pakiramdam ko two-timer ako sa ginagawa ko at ang sama sama kong babae. Wag sana kong
parusahan ni Lord =______=
Pagdating ko doon sa gym, si Drew na lang ang nandoon at nagaayos na siya ng gamit niya. Mukhang paalis na
siya.
“D-drew…”
Tinignan niya lang ako at ibinalik ulit ang tingin niya doon sa gym bag na inaayos niya. Galit na talaga ata siya saakin
T_______T
Nilapitan ko si Drew “uhmm p-pwede ba tayo magusap Drew? ”
Tumayo siya at tinignan lang ulit ako “may dapat ba tayo pagusapan?”
Napayuko naman ako. Ano nga ba ang gusto kong sabihin kay Drew? Sorry dahil sa sinabi ni Stephen? Sorry dahil si
Stephen ang kasama ko kesa siya? Sorry kasi nasasaktan siya ng dahil saakin? sorry dahil pinirmahan ko yung
contract?
Tapos ano?
Wala lang. Basta sorry lang. kasi wala naman akong magagawa eh. Sa mag susunod na araw kailangan ko parin
gawin ang mga yun. Araw-araw nalang ako mag sosorry sa kanya.
Ano na ang magagawa ng sorry ko?
Hindi ko alam ang sagot sa tanong ni Drew dahil sa totoo lang hindi ko alam kung may dapat pa nga ba kami
pagusapan. Nilagpasan na lang ako ni Drew at dire-diretsong naglakad paalis habang ako tinitignan na lang siyang
naglalakad papalayo saakin.
Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at lumapit ulit saakin atsaka ako niyakap
“pasensya ka na sa inaasal ko Naomi. Sorry talaga ha? Hindi ko kasi maiwasang hindi masaktan pag nakikita
ko kayong dalawa ni Stephen. Yung mga ginagawa ni Stephen sayo, dapat ako ang gumagawa nun eh. Dapat
ako ang nagpapasaya at nagpapangiti sayo. At dapat ako ang taong ipagsisigawan kung gaano kita kamahal,
pero hindi ko magawa. ”
Niyakap ko rin si Drew “hindi mo kasalanan Drew, ako ang may mali. Dahil sa padalos dalos kong desisyon,
naging ganito tuloy ang sitwasyon natin. Sorry Drew ha? Nasasaktan kita. I love you ”
Hinimas niya yung likod ng ulo ko habang nakayakap parin siya sakin “mahal din kita Naomi, mahal na mahal na
mahal kita” humiwalay siya sa pagkakayakap saakin then he held my hand“promise ko sayo, susubukan kong
lawakan ang pang unawa ko. Panghahawakan ko yung sinabi mong mahal mo ko para mas mag work out pa
tayo. Alam ko naman dadating ang araw na magiging tayo rin”
I nod “kakausapin ko narin si Yannie. Hindi ko narin naman talaga kayang saktan si Stephen. Kahit papaano
naging mabuti siya saakin ”
“Naomi, salamat talaga ha” he smile at me “uhmm gusto mo bang lumabas ngayon? Or m-may plano kayo
ngayon ni Stephen?”
I smile at him “may meeting sila ngayon and sabi ko kailangan ko ng umuwi agad. Tara gala tayo? ”
Napangiti ulit siya “talaga?” he held my hand “Naomi, alam mo bang ang saya saya ko kapag nakakakuha ako
ng mga pagkakataong magkasama tayo” naglakad kaming sabay palabas ng school “but pag hindi tayo
magkasama miss na miss kita. That’s why it made me appreciate your prescence more ”
“ako din Drew, miss na miss na miss kita”
Masyado akong madaming iniintindi at iniisip this past few days and nakalimutan ko kung gaano ako kasaya pag
kasama ko si Drew. Ngayon tuloy ramdam na ramdam ko kung gaano ko siya ka-miss. Sobrang namimiss ko yung
pakiramdam na kinikilig ako sa simpleng ngiti niya lang saakin. Eversince nag sign ako sa contract, nawala na yung
simpleng buhay ko dati.
Na-mimiss ko lahat ng yun. Kung pwede nga lang maibalik ang oras para maitama ko yung maling nagawa ko eh.
Dahil sa isang padalos dalos na desisyon madaming tao ang masasaktan.
Pwede bang patayin na lang ako ng author sa storyang ito? =________=
Nagpunta kami ni Drew sa parking lot then sumakay na kami sa car niya.
“saan tayo pupunta Drew?”
“uhmm may alam ako na magandang park na pwedeng puntahan. Makakapag relax ka doon ”he started the
engine then nag start na siyang mag drive.
“WOW ang laki naman ng park na to! ”
Manghang mangha ako nung makita ko yung park na pinagdalhan niya saakin. Merong lake doon sa park kung san
pwede kaming mag boating dalawa. May fishpond din kung saan pwede kaming magpakain ng isda. Meron pang fish
spa, bicycle lane, and nagkalat na mga tindero ng dirty ice cream, scramble, cotton candy, cheese corn, taho at kung
anu-ano pa.
Oo manghang mangha ako dito na parang bata. Mababaw lang talaga ang kaligayahan ko. =_____=
“tara Naomi sakay tayo sa bike para malibot kita dito sa park” hinawakan niya ang kamay ko then nagpunta
kami doon sa nag rerent ng bike. Nag rent naman siya ng isang single bike then nakaangkas ako sa likod niya.
“kapit ng maigi ah”
I put my arms around his waist then pinatakbo na niya yung bike.
Siomai naman kinikilig ako ngayon pag naiimagine ko ang itsura naming ni Drew. Mukha kaming mga lovers sa
Koreanovela. May libreng chansing pa ko kay Drew! Wahahahahha
“Naomi tignan mo yun oh, ang ganda” tinuro saakin ni Drew yung butterfly garden na puno nga ng mga butterfly
“oo nga no!” sabi ko sabay amoy ng likod niyang mabango. Ang bango bango naman ng isang to. Nakakaadik ang
amoy niya. Kahit galing siya ng basketball training bakit ba ang bango bango parin niya? Baka mismo atang pawis
niya kasing halimuyak ng bulaklak. Kahit forever ko na siyang amuy-amuyin hindi magsasawa.
Patuloy lang ang pag tour saakin ni Drew dito sa park habang ako naman busying busy sa pag amoy sa kanya.
Oo na, pwedeng pwede na siya na tour guide. Kaya nga tourism ang course niya di ba? pero la ako pake, gusto ko
lang siyang amoy-amuyin. Bwahahahaha
Narinig kong bigla biglang tumawa si Drew ng malakas kaya napatigil ako sa pagsinghot ng likod niya.
“b-bakit ka tumatawa?”
“wala lang. Pakiramdam ko kasi ubos na ang pabango sa katawan ko kakaamoy mo eh. hahaha ”
Namula naman ako bigla.
Tofu alam pala niya na pinagnanasahan ko siya =________=
After namin mag bike ni Drew sumakay naman kami sa boat. Syempre siya ang nagsasagwan habang ako
nakatingin sa kanya.
“Naomi, I love you”
“h-ha? B-bat bigla bigla ka namang nag i-I love you?”
“masama ba? Totoo naman eh. I love you ” he winked at me
“I love you too .”
Aneeebbeeeeeeeee nikikilig naman ako ng bonggaaaa. Waaaaaaaaaah.
Bigla naman nagbago ang expression ng mukha ni Drew at naging seryoso siya habang nakatingin saakin.
“b-bakit? May problema na Drew?”
“umamin ka nga saakin. Ano ba talagang ginawa mo ha?” tanong niya saakin ng may seryosong tono at parang
nambibintang na boses.
Bigla naman akong naguluhan sa kanya at the same time kinabahan.
Natatakot ako pag ganyan kaseryoso si Drew.
“h-ha? H-hindi kita maintindihan, b-bakit bigla kang naging seryoso? May nagawa ba kong mali?”
“oo. Ikaw kasi eh. Ano bang ginawa mo saakin bakit napaka head over heels ko sayo?” bigla naman siyang
napangiti.
Ako naman napataas ang kilay sa sinabi niya at nung marealize ko ang ibig sabihin niya bigla bigla ko siyang
hinampas sa braso “nakakainis ka!! Akala ko naman kung ano na!!”
Tumawa siya ng malakas “hahahahaha ang cute ng itsura mo kanina Naomi. Pero uuyyyy kinikilig ka no?
aminin mo kinikilig ka!! ”
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya “hindi no! bat ako kikiligin!” kahit sa totoo lang pwede na kong mamatay sa kilig
dito. Pero syempre di ko sasabihin sa kanya no. Pakipot effect.
“alam ko naman na grabe kang kiligin saakin eh. Hawakan ko pa lang ang kamay mo or yakapin kita abot
langit na ang kilig mo ”
“a-ang kapal mo ha!” pero tama ang sinabi niya. Bat ba alam na alam niya ang nararamdaman ko? =_______=
“weh? Eh paano kung gawin ko to” bigla naman siyang tumigil sa pagsasagwan at inilapit niya ang mukha niya sa
mukha ko habang nakangiti ng nakakaloko
“w-walang effect yan” ano ba Drew! Gusto mo ba kong mag hyperventilate sa harap mo? Juskooooooowwww.
“talaga lang ha?” bigla niya kong hinalikan, pero yung simpleng smack lang.
Hinampas ko naman siya kaya nagpagewang gewang yung Bangka “ano ba Drew! Oo na kinikilig ako!!”
Tumawa siya ng tumawa “now I succeed in making you blush so hard. Ang pula talaga ng face mo ngayon.
Ang cute cute mo. Wahahaha ”
Tumawa pa siya ng tumawa doon. Juskooo day! Blush ko lang pala ang habol niya kailangan pa ko pakiligin ng
bongga! Pag di siya nagtigil diyan hahalayin ko siya sa harap ng madaming tao. =________=
After naming sumakay sa boat, nagyaya naman siya sa fish spa. Tamang tama, I need a little pampering dahil sa
stress na natatamo ko.
“aba himala Naomi hindi ka nakikiliti”
“lagi kaming pumupunta sa Dr. Fish doon sa Star City kaya nasanay narin ako”
“oh I see”
Naalala ko naman tuloy yung nag star city kami ni Stephen at nag try siya mag fish spa na halos hindi niya mailubog
ang paa niya sa tubig sa sobrang kiliti kaya natatakot yung mga isda sa kanya. Dagdagan mo pa na mukha talaga
siyang bakla nung mga panahon na yun sa sobrang pagpipigil ng kiliti. Napaka priceless talaga ng itsura niya nun.
Tapos yung itsura pa niya asdgshfgksfgsgurt. TOFU!
Bat ba iniisip ko si Stephen ngayong kasama ko si Drw my loves?! Pwede bang bigyan niya ko ng peace of mind
kahit ngayong araw lang?! Ilang araw na siya ang laman ng isip ko eh! Naman ohhhhh Stepheeeeen!!!!!
>____________<
After ng fish spa, naglakad lakad kami ni Drew sa park. HHWW. Di ba, parang couples na kami talaga? Kinikilig
talaga akoooo. Kumain lang kami saglit sa isang diner malapit doon then bumalik ulit kami sa loob para mag star
gazing. Nakaupo lang kami sa may ilalim ng puno habang yakap yakap niya ako.
“Naomi, I love you”
Napa smile ulit ako “I love you too”
Nakakatuwang isipin na kada sasabihin niya saakin ang mga salitang yun, talagang ang saya saya ko. Mahal ko
talaga si Drew, sigurado ako. Yun nga lang kada maiisip ko si Stephen parang may kung anong sumasakit sa puso
ko.
Ang adik ko talaga, sarili ko ni hindi ko maidentify kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Pakibatukan niyo nga
ako!
Naramdaman kong biglang humigpit ang yakap saakin ni Drew the I could feel his soft breath on my neck that made
me shiver. He gently traced soft kisses on my neck then bigla akong napaharap sa kanya.
“Naomi..”
He lean closer to me then he put his arms around my waist. I put mine around his neck and we started kissing each
other.
Soft passionate kiss.
I savor the moment. Mahal na mahal ko talaga tong lalaking to. Kahit kelan hindi ako magsasawang sabihan siya ng I
love you, yakapin siya at halikan siya. Siya lang naman ang taong nakakapagparamdam ng ganito saakin eh. Kung
pwede lang pakasalan ko na siya ngayon. Mahal na mahal ko talaga si Stephen.
Bigla akong napahiwalay kay Drew and para hindi niya mahalata ang pagkabigla ko, niyakap ko na lang siya.
What the heck…
Bakit si Stephen ang iniisip ko nung hinahalikan ako ni Drew?
Chapter 30
*step 7*
Mahal na mahal ko talaga si Stephen.
Ay tokwaaaaaaaaaa ano ba to!! Ako ay nababaliw na, sobra. Ano ba tong nararamdaman ko? Naiinis na talaga ko!!
Bakit ka ba ganyan Stephen? Bakit ba ayaw mong mawala sa isip ko?
Mahal na mahal ko talaga si Stephen.
Baka naman nagkamali lang ako ng sabi? Hindi kaya ibig kong sabihin ay Drew hindi naman Stephen? Siguro nga
ganun. But still, paano naman ako magkakamali kung nasa isip ko lang sinasabi yun? Hindi kaya...?
Mahal na mahal ko talaga si Stephen.
HINDI PWEDE. Impossible as in sobrang imposible tong naiisip ko. Mahal ko si Drew, nararamdaman ko yun. Pag
kasama ko siya masayang masaya ako. Parang palaging gustong lumundag ng puso ko pag nakikita ko siya,
pagniyayakap niya ko, pag hinahawakan niya ang kamay ko…at nung hinalikan niya ko.
Si Stephen naman, well may mga times na nakakaasar siya, walang sense kausap and ang sarap pang ipatapon
minsan sa Bermuda triangle para lapain siya ng mga giant squids doon. Ang daming times din na grabe akong
nahihiya dahil sa mga pinaggagagawa niya. Kaso hindi ko rin maitatanggi na komportable akong kasama siya.
Naipapakita ko sa kanya yung tunay na ako. Yung maangas at masungit na side ko. Pero hindi ko rin maipagkakaila
na madalas akong atakihin ng mga karpintero sa puso lalo na pag kasama ko siya.
TOKWA!!!! ANG HABA NG HAIR KO! DALAWANG GWAPONG NILALANG ANG NAGMAMAHAL SAAKIN!!
At hindi ito nakakatuwa, swear.
Naging ambisyosa din ako dati at hiniling na sana maranasan ko namang mahalin ng two hot gorgeous guys na
parang nasa isang Korean drama ako. Ngayon ko lang napagtanto, be careful what you wishing for, you might just
get it.
Ngayon ang sakit talaga ng ulo ko!!
Mahal na mahal ko talaga si Stephen.
Ay bwiseeeeeeeeeeeeeet!
Niyakap ko si Pen-pen. Juskooo naman don’t tell me another sleepless night itong gabing to?
Tinry kong matulog and nung medyo nakakatulog na ko nakarinig naman ako ng kantahan galing sa sala namin.
“Coz when I’m with him I am thinking of you.
Thinking of you
What would you do if
You were the one who was spending the night?
I wish that I was looking into your eyes”
Napabangon ako dahil doon sa kumakanta at bumaba sa salas namin, and ayun, si Kuya Myco, damang dama ang
pagkanta ng thinking of you ni Katy Perry. Nangaasar?!
“KUYA MANAHIMIK KA!!!!” sigaw ko kay kuya. Gulat na gulat naman silang napatingin saakin.
“AT BAKET HA?!” sigaw niya habang nakatapat parin sa bungaga niya yung mic kaya naman lahat kami napatakip
ng tenga.
“Ano ba naman Myco! Ang sakit sa tenga!!” sabi sa kanya ni kuya Sean.
“eh sorry naman! si Mica kasi bigla bigla akong pinapatahimik sa pagkanta eh!!”
“eh kasi naman kuya bat sa dinami-dami ng kakantahin mo yan pa?!” talagang nagpapatama saakin eh.
=________=
“eh ano naman mali sa kinakanta ko?!”
Anong mali?! MALI DAHIL AYAN ANG NAG DEDESCRIBE SA NANGYARI KANINA SAAKIN. Tofu, oo na ako na
ang two timer!!! Ako na!!!!!
“p-pangbakla kasi! Bakla ka ba?!” sigaw ko sa kanya sabay takbo papasok ng kwarto ko at lock ng pinto. Baka
mamaya bigla akong sugurin dito nun at kotongan. Ang sakit pa naman mangotong nun!
I try to get some sleep and after many attempts at last nakatulog narin ako.
A week had passed. Napakagulong week. Sa umaga, kasama ko si Stephen sa lahat. Mula sa first subject, lunch
breaks at last subject siya ang kasama ko. Gusto daw niya kasing lagi akong nakikita dahil lumulundag daw ang puso
niya pagkasama ako. Kaya ayun, ako naman, feeling ko gusto ko narin lumundag---mula sa tutok ng school namin
pababa ng mawala na ko sa mundong ibabaw kasabay ng pagkawala ng mga problema ko.
Oo nga pala, buong linggo kinukulit ako ni Stephen na magpunta sa condo niya. Nangako daw ako sa kanya na
pupunta ko, kaya tampo-tampuhan siya nung ayaw kong pumayag. Hindi ko naman talaga maalala na nangako ako
sa kanya eh. Hindi talaga! Kayo may naalala ba kayo? Di ba wala naman? tsaka isa pa, mapanganib. Sabi niya dati
plano niya lang gawin yung you-know-what doon sa babaeng mamahalin niya. Sabi niya mahal niya ko. Ayoko pang
mabuntis, madami pa akong pangarap sa buhay. Kailangan ko pang maging chef!!
Kami ni Drew? Ayun, may mga pasimpleng sulyap lang at pangiti ngiti. Ganun lang. Hindi kasi siya makakalapit dahil
kay Stephen. Natatakot tuloy ako baka nasasaktan ko na naman ulit siya.
Hay. Ayoko na talaga. Buong linggo hinanap ko si Yannie pero hindi ko siya ma-contact. Nung tinanong ko si France
sabi niya nagbakasyon daw si Yannie sa probinsya pero halatang nagsisinungaling si France. Hindi siya makatingin
ng maayos saakin and mukha pa siyang natataranta. Nasaan na kaya si Yannie?
Kahit si Kryzel di rin nagpaparamdam and mukhang iniiwasan pa ko ni France. Ano ba to. Kung kelan kailangang
kailangan ko ng mapaglalabasan ng lahat ng nararamdaman ko tsaka sila nawawala lahat. Ang bigat bigat tuloy ng
pakiramdam ko. Feeling ko nagiisa lang ako ngayon. Nalulungkot talaga ako.
[Saturday Morning]
*I’m only gonna break break your break break your heart
I’m only gonna break break your break break your heart*
Kinuha ko yung cellphone ko then tinignan ko kung sino ang nangiistorbo saakin ng pagkaaga aga.
Calling..
Pen-pen babes.
Walang mag rereact. Siya nagpalit ng name niya sa cellphone ko. =____=
I answer the call.
“oh baket?” wahahaha siga eh no?
“babes my loves goodmorning! I love you!!! ”
“ano nga kailangan mo?! Tokwa ka Stephen antok na antok pa ko!”
“to naman! ayaw mo nun ako ang unang boses na maririnig mo pagkagising mo sa umaga? Ayieeeeee kilig!”
“=_________=”
“oy babes! Susunduin kita diyan sa inyo tonight at 6am. Wear something semi-formal. Mag cocktail dress ka
ha? And magayos ka ng buhok at put some make up!”
“teka ano na naman to? Kung mag ddate tayo, I’m sorry, may work ako ngayon” I told him lazily. Antok na
antok talaga ako.
“no my dear, I am going to introduce you to my parents.”
Napabango ako bigla sa kama at lahat ng kaantukan na nararamdaman ko ay nawala bigla sa katawan ko “HA?!
BAKIT?! AGAD AGAD?! ”
I heared him laugh on the other side “halatang halata na gulat na gulat ka ah? Yes love, ipapakilala kita.”
“b-but—“
“no buts. I’ll fetch you later kahit ano pang sabihin mo. Kahit hindi ka naligo at may panis kang laway I’ll
make sure na sasama ka saakin.”
Naku naman oh. Pasaway talaga tong Stephen na to. Nagiging hubby niya na talaga ang pambblack mail saakin
>____<
“FINE! Just fetch me in Starbucks near the bistro!” mahirap na baka magtanong pa sila papa pag nakita nila si
Stephen dito.
“good. So I’ll see you later. I love you”
Oh God.
Kinuha ko yung contract sa sidetable.
________________________________________________________
“Break the Casanova’s Heart” Operation
10 things to do to break the Casanova’s heart
1. Make him notice you.
2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet
3. Make him ask you on a date
4. Make sure that date will be the one he will remember the most
5. Make sure that he will take you seriously
6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating
7. Make him introduce you to his parents
8. Make him kiss you
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
_____________________________________________________
After tonight, magagawa ko na ang step seven. Step 8 and step 9 is quite easy. Lalo na ang 8 kasi kung tutuusin
matagal ko na naman siyang nagawa.
What’s hard is the step 10.
Kung pwede nga lang dagdagan pa ng isang libong steps to para hindi agad matapos eh. Dati iniisip ko na bakit
sampung step ang kailangan kong gawin. Napaka dami naman nito! Atat na kong matapos to!
Pero ngayon, iba na.
Chapter 31
*meet the parents + evil plan*
At exactly 6pm, nandun na ako sa Starbucks near Kryzel’s bistro. Todo palusot pa ko kila daddy. Sabi ko may
biglaang debut akong pupuntahan at kasama ako sa 18 candles kaya hindi pwedeng mawala ako doon. Good thing
at pumayag sila. Balak pa nga akong ihatid ng mga kuya ko eh, buti na lang napigilan ko.
Ang hirap talaga maging bunso at nagiisang babae. Sobra. Kaya doon sa mga bunsong babae na puro lalaki ang
kapatid, saludo ako sa inyo! =________=
Pagkadating ko doon sa meeting place, nandun narin si Stephen at napaka HOT niyang tignan doon sa coat niya.
Aba first time kong makita si Stephen na mukhang kagalang galang ang itsura ha! Infairness ang gwapo gwapo
gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo—ok O.A na.. pero ang gwapo
talaga niya. Period.
“babes, if you don’t stop staring at me like that, I might melt you know ” he laughed
I rolled my eyes “I am not staring at you” palusot ko
“then kanino ka titig na titig? Ano ka banlag? ” mas lalo pa siyang tumawa ng malakas. GRRRRR, ang hanging
niya talaga eh no? pasalamat siya ang hawt hawt niya ngayon.
“hindi pa ba tayo aalis?! Tara na nga!”
Tinawanan lang niya ako then he lead me to his car. Ok this is it. Talaga bang meet the parents na? oh may gash
ako’y ninenerbyos naman ng husto dito. Tsaka bat ba kailangan pa ko magayos ng bongga? Ano naman kaya ang
occasion? San namin sila immeet? Baka naman sa isang fine dining restaurant kaya dapat ganito ang attire? Pero
bakit meet the parents na agad? Kami na ba? di ba ligawan mode pa lang?
Pero kung sabagay mabuti narin to para matapos na ang lahat. May evil plan ako tonight. I’ll do anything para
maturn-off ng bongga saakin ang parents ni Stephen. At pag nangyari yun pipigilan nila ang pagmamahalan namin
dalawa “kuno.” Tapos kunyari mag papagod paguran ako dahil ayaw saakin ng parents ni Stephen and sa huli
magsasawa na saakin si Stephen and mawawala ang feelings niya saakin. Tapos sasabihin ko kina Yannie na
napaka EPIC FAIL ng pagpili nila saakin kaya no choice sila kundi palitan ako. And I’m free atlast!
Bwahahahahahahahaha.
Ang bad ng idea ko no? =______= Pero desperate na ko, kaya pagbigyan niyo na ko. Tsaka lahi ko naman ang
ipapahiya ko sa gagawin ko eh.
“babes we’re here” ipinark ni Stephen yung car niya sa isang malaking bahay.
“nasan tayo? kaninong bahay to?”
“bahay namin”
Nanlaki ang mata ko “SAINYO TO?!” O_____O
Ok calm down, alam kong mayaman sila Stephen but I didn’t expect na ganito kalaki ang bahay nila. I mean, bat pa
siya nagtyatyaga na tumira sa condo niya samantalang ang gara gara ng bahay nila? Malapit rin lang naman to sa
school at isa pa may kotse naman siya. Kakaibang nilalang talaga to. Alien ba siya? Gusto niya trade houses kami.
O____O
Bumaba si Stephen ng car then pinagbuksan naman niya ko ng pinto and he held my hand. Doon ko lang napansin
na ang daming tao sa house nila. Mukhang hindi lang kami ng family niya ah. Akala ko ba meet the parents lang?! eh
bat mukhang meet the relatives to?!
“err, anong occasion?”
“engagement party ng dad ko and nung magiging second mom ko ”
“oh I see” hmmm ano kaya nangyari sa real mom ni Stephen? Pareho kaya kaming ulila na sa ina? But sana naman
maging kasing bait ni mama anne ang magiging stepmom ni Stephen.
Bigla akong natigilan. Wait a minute kapeng mainit. Kung engagement party to ibig sabihin hindi lang basta meet the
parents and meet the relatives kundi meet the clan and meet the friends din? O________O
Paano na ang aking oh so brilliant na evil plan?! Don’t tell me kailangan kong ipahiya ang lahi ko sa harap ng
madlang people na ito?!
Err well mas mabuti siguro yun atleast hindi lang parents ni Stephen ang tututol kundi pati mga friendships and
relatives niya. Magmimistulang me-and- you-against-the-world ang drama namin nito!
“oh here’s my dad. Let’s go babes, ipapakilala kita” hinila naman ako ni Stephen papalapit sa dad niya
“Nami, this is my dad, Steve Cruz and she is Tita Alice, my future mom. Dad, Tita Alice, this is Nami, my
soon-to-be-girlfriend ”
Nagulat naman ako sa sinabi ni Stephen. Talagang soon-to-be girlfriend?!
“h-hi po”
“so you are the one! I should thank you hija. Ng dahil sayo matutuloy na talaga ang kasal namin ni Alice ” her
dad told me while smiling
“dad naman eh!” sabi naman ni Stephen
“himala at tinawag mo akong dad ngayon? Ibang klase talaga ang nagagawa ng pagibig ” mas lalong natawa
yung dad ni Stephen samantalang si Stephen ay namumula.
Napatingin naman saakin yung dad ni Stephen and medyo kinabahan ako kasi napalitan ng seryosong expression
ang mukha niya habang tinititigan niya ako sa mata.
Like he was reading my mind.
“oy dad, baka matunaw tong soon to be girlfriend ko! Wag mong titigan ng ganyan you dirty old man! ” sigaw
ni Stephen sa kanya.
Bigla naman natawa yung dad niya “bumabalik ka na naman sa ugali mo anak! Hahaha” he looked at
me “actually ngayon ko lang napansin na may kamukha si Nami. Someone I know for a long time.
Kamukhang kamukha mo talaga siya”
“sus, exotic ang beauty ng babes ko! Impossible na may kamukha siya bukod sa pamilya niya”
Pasimple kong hinampas si Stephen sa braso.
Walanjo mo to! Ang sama ng ugali! Exotic daw ang beauty ko =_______=
Tumawa ulit yung dad ni Stephen “naku baka naman kamag-anak mo talaga siya? Do you want to know kung
sino ang kamukha mo?”
I nod “s-sino po ba?”
“that person is a very special friend of mine..” tinitigan niya ulit ako sa mata “…who became my worst enemy”
Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
Ewan, kamukha ko lang naman pero bat feeling ko natatakot ako sa kanya?
Tokwa, kinakabahan ako.
He again laughed “I’m just kidding! So see you around. Son ipakilala mo siya sa mga relatives natin ha!”
“sure crazy old man!”
Nakahinga din ako ng maluwag.
Err, dagdag turn off ba yun? Yung kamukha ko yung friend niya na naging worst enemy niya? =_______=
“hey sorry about that dirty old man. Does he scare you?”
“ha? Ah hindi naman”
“don’t worry kahit ganoon yun mabait naman yung matandang yun”
Napataas ang kilay ko. Parang kanina pa niya tinatawag ng kung anu-anong names ang tatay niya ah? Grabe siguro
kung ako ang tatawag ng ganun kay daddy gulpi ang aabutin ko sa mga kapatid ko at isa pa babagabagin ako ng
konsensya.
Kung sabagay wala naman konsensya ang taong to. Ni-hindi nga tinamaan ng konsensya sa pambablack mail saakin
eh. Di ba niya alam na wala akong kikitain sa bistro nila kryzel ngayong gabi ng dahil sa kanya! >____<
Pinakilala naman ako ni Stephen doon sa mga tito at tita niya, mga pinsan, family friend, family doctor at family pet.
Lahat naman sila puro compliment ang natanggap ko.
“ang ganda ganda naman niya”
“naku Stephen galingan mo sa panliligaw sa kanya ha? I want her for you”
“Ang ganda mo naman Naomi, naku wag mo ng pahirapan si Stephen! Sagutin mo na siya agad!”
“as I’ve heared, you are really pretty! Tell me do you have a brother? Pakilala mo naman sakin!”
Puro thank you naman ang nasabi ko sa kanila. Kulang na lang lumaki na ang ulo ko sa sobrang compliment.
Napaghahalataan talaga na pamilya sila ng mga bolero at bolero. Pero uyyyyyy ang ganda ko daw oh!
Wahahahahahahhahaha.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH MALI TO!!!! Tofu mukhang buong clan nila gustong gusto ako para kay Stephen.
Mukhang wala pang nararating ang oh so brilliant na evil plan ko =______=
“oh the old man is calling me. may ipapakilala na naman na business partner niya. Babes wait for me here
ha?”
“si-sige” naupo na lang ako sa isang bench doon.
Grabe gutom na aketch. Kelan ba nila balak simulan ang party at ng magkainan na? yung tyan ko nag vi-vibrate na
kasi!
Napansin kong may papalapit saaking isang lalaki then naupo siya sa tabi ko.
“hi!” he told me while smiling
Waw, ang gwapo naman nito. Siguro pinsan ni Stephen. Bat ba ang gu-gwapo at ang g-ganda ng mga kamag-anak
ng pen-pen na to?
“h-hi” sabi ko doon sa lalaki
“so you’re Stephen’s girl?” tanong niya saakin while still smiling
“no. I’m not YET his girl”
Totoo naman eh! Di pa kami.
He laughed “hay grabe kala ko forever nang magpapaka Casanova itong si Stephen. Good thing at
sumusunod din siya sa yapak ko. You see Casanova din ako dati pero nagmahal kaya eto, matino na gwapo
pa! by the way I’m Lance Victorino,The Casanova Prince—well not anymore!”he chuckled, “and you are?”
“Naomi. Naomi Mikael Perez ”
We shook each other’s hand “nice meeting you Naomi”
“thanks”
Hmmm ang gwapo ng pinsan ni Stephen. Di ko alam sino mas gwapo sa kanila O___O
For sure madami din napaiyak na babae ang isang to!
“BABES!” napalingon naman kami ni Lance kay Stephen. Agad agad na lumapit si Stephen samin at naupo sa gitna
namin ni Lance “get your hands off my girl” he told Lance
Tumawa lang ng malakas si Lance “Inlababo ka na talaga bro! ” he told Stephen while patting his back “don’t
worry hindi ko siya balak sulutin sayo. I already have a girlfriend ”
Owww may gf na siya! Sayang! Bwahahaha
Naku Naomi Mikael Perez tigil-tigilan mo na nga yang kalandian mo. Halos mabaliw ka na nga dahil may Stephen ka
na may Drew ka pa. Baka ikamatay ko na pag may duamgdag pang isang papable sa listahan ko. Pag nangyari yun
ay, magmamakaawa ako sa author na gawin niyang isang HOT PAPA si France at ng siya ang maging ka labteam
ko! Seryoso ako =___=
Maya-maya lang bigla ng inannounce na mag start na yung party. Inintroduce yung newly engaged couples with
matching petals ng roses pa as a confetti. Sosyal!
Onting speech speech lang then kainan na! at last! Bigla namang may umilaw na ligh bulb sa tuktok ng aking ulo at
nakaisip ako ng magandang idea para may marating ang aking evil plan. Bwahahahaha.
Isa-isa na kaming lumapit sa buffet table. Agad ko namang nakita yung paella at nag ningning ang aking mga mata.
HUWAW PAELLA MY LABS! MY PEYBORIT! Namiss ko tuloy si mama Anne. Pareho naming favorite to eh. Actually
siya nga ang nag introduce ng Paella sakin.
Pinuno ko ang plate ko ng paella and isa isang kinuhanan lahat ng handa doon. Nung nakabalik na ko sa table
namin, dalawang plate na ng punong puno ng foods ang dala ko. Oy di ako PG ha? For the sake of my evil plan kaya
ko to ginagawa no!
“oh babes ang dami naman niyan! Mauubos mo ba yan?!” gulat na gulat na tanong saakin ni Stephen
“naku Stephen hayaan mo lang siya, malay mo she has a big apetite” her dad told him
“oo nga naman! walang pakielamanan!!! Tsaka favorite ko tong paella eh! Pareho kami ng mama ko!”
Bigla naman nanahimik sa table. Ok? may nasabi ba ko? Hindi ko pa inuumpisahan ang evil plan ko natameme na
sila agad? What meron?
Nag smile yung dad ni Stephen “really? Her mom loves paella too. I mean her real mom”
“oh I see!! By the way, err if you don’t mind ano po bang nangyari sa kanya?” I asked them. Sige lang
magpaka chismosa ka Naomi, baka turn-off din sa kanila yun! Bwahaha
“oh her mom? She’s---“
“she’s already dead” Stephen told me with a very cold voice “let’s just eat!”
“o-ok”
Oh, I think I hit below the belt. Mali ata talaga na inopen ko yun.
We started eating in silent. Naku naman ang dami masyadong food na kinuha ko at alam kong hindi ko mauubos
yun. Mukhang hindi pa sila turn off saakin, kailangan kong magisip ng bagong plan.
Lightbulb!
Bwahahaha alam ko na!
“so Naomi, kelan mo balak sagutin itong si Stephen namin?” Tita Alice asked me
I smiled “naku po, secret muna ”
“sus babes pa secret secret ka pa diyan alam ko naman na head over heels ka rin saakin”
Sumubo ako ng isang big serving ng food ko hanggang sa mapuno ng bongga ang bunganga ko then bigla akong
humarap kay Stephen with matching talsik talsik pa ng food sa harap niya.
“HAHAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga pen-pen babes ko! Wahahaha” *talsik ng paella, lumpiang shanghai,
shrimp, chicken.. kung anu-ano pang laman ng bibig na hindi na maidentify*“wahahahahha kaya labs na labs kita
babes eh! Grabe ang sense of humor mo! Wahahaha”*talsik talsik talsik*
Nakita ko naman ang gulat na expression sa mukha nila kahit yung kay Stephen. Ako naman patuloy lang sa
pagtawa hanggang sa---
*GULP* O______O
Bigla akong nasamid kaya napapalo ako sa may dibdib ko.
“babes are you alright!!”
Ubo ko ng ubo at kinuha ko yung kung ano mang inumin na nakalagay sa glass na nasa harap ko at ininom ko siya,
straight.
Lahat sila nakatingin na saakin
“a-are you alright babes?”
Nagtataka naman ako sa mga reaction nila ng bigla kong malasahan yung ininom ko.
Tofu, champainge yun… at ininom ko na para lang ako umiinom ng tubig.
Hindi pa naman ako sanay uminom =____________=
Bigla akong nakaramdam ng panghihilab ng tyan and mukhang----alam niyo na kung ano---tawag ng kalikasan.
“err, san ang C.R?”
Tinuro saakin ni Stephen kung saan yug comfort room and agad akong tumakbo papunta doon.
Naupo agad ako sa bowl at inilabas lahat ng sama ng loob ko.
Tofu naman oh. Ngayon ko lang nalaman. May talent pala akong ipahiya ang sarili ko ng walang kahirap hirap. Lahat
yan natural =_______=
Nakakahiya!!!! O///O
Huhuhuhu.
After ng paglalabas ng sama ng loob, nag hugas na ako ng mga dapat hugasan ang I make sure na walang bakas ng
amoy yung c.r bago ako lumabas. Pagkalabas ko naman nakita kong nakasandal sa wall opposite ng door ng c.r si
Stephen. Hindi ako makatingin sa kanya gawa ng overflowing na kahihiyang nararamdaman ko.
I heared him chuckled
“DON’T YOU EVEN DARE LAUGH AT ME OR ELSE I’LL KILL YOU” sigaw ko sa kanya
Pero walanjo mo hindi pinansin ang warning ko at tinawana pa ko lalo!
“babes don’t worry, ang cute mo parin talaga kahit anong mangyari. Mas cute ka lang nga nung puno ng
pagkain ang bibig mo! Wahahahahahahahhahahaha ”
“ggrrrrrr”
Bigla naman niya akong niyakap.
“don’t worry kahit ilang eksena mo pa na ganun ka ang makita ko hindi parin magbabago ang nararamdaman
ko. Ikaw parin ang nagiisang babes sa puso ko ”
Bigla naman nawala ng kahihiyan na nararamdaman ko at napalitan ng i-don’t-know-what-kind-of-feeling. Ewan ko
kung bakit pero, waaaah bat pakiramdam ko gusto kong kiligin?
Ginawa ko lahat dito para maturnoff sila saakin but in the end pinarealize saakin ni Stephen kung gaano niya ako
katanggap.
I hate it.
Chapter 32
*The jealous Cassanova*
[Naomi’s POV]
“…the subscriber cannot be reach, please try again later…”
Pindot.. pindot.. pindot… tawag
“…the subscriber cannot be reach, please try again later…”
Call again
“…the subscriber cannot be reach, please try again later…”
Waaaaaaaaaaaaaaah Yannie please answer the phone!!! T________T
Pinagtataguan ba talaga ko ni Yannie?! Ilang araw ko na siya kinokontak pero wala parin talaga! Naiinis na ko sa
kanya! Bat niya ko iniwan sa ere?! Naman onting onting onti na lang matatapos ko na ang contract. 3 more steps to
go. Ayoko na, nakakabaliw. T_____________T
Teka, baka alam ni kuya Nico? Oo nga si Kuya! Imposibleng hindi niya alam kung nasaan si Yannie dahil labidoo
niya yon!!
Tumakbo ako palabas ng room ko at agad agad na sumugod sa room ni kuya Nico.
“KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA”
Napabangon bigla si kuya sa kama niya.
“what the heck--?! Mika?! Ano ba!! Wag mo nga akong istorbohin sa pagtulog, I need to get some sleep!
Maaga pa ko aalis bukas for my photoshoot! ”
“eh magtatanong lang naman taray taray nito!”
“ANO ITATANONG MO?!” galit na sigaw niya sakin
“alam mo ba kung nasan si Yannie? Na co-contact mo ba siya?”
“oo! Kakakausap ko lang sa kanya kagabi. Ok na?! alis na matutulog na ko” humiga na ulit siya sa kama.
“WAAAAAAAAAAH!” sigaw ko kaya napabangon ulit si kuya
“Mika naman eh!!!!!”
“bat ikaw sinasagot niya tawag mo ako hindi?!?!? Ha! Nakakainis! Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi
niya sinasagot! Mababaliw na ko!!! Kailangan ko siyang makausap!!”
“She’s in Hongkong right now kaya hindi mo talaga siya makakausap! And FYI ikaw ba ang boyfriend niya?!
Di ba ako?!”
Nagulat naman ako sa sinabi ni kuya. Ahhh nasa Hongkong pala siya---pero ANO?! BOYFRIEND?! O__________O
“kuya, kayo na?!”
“ha? Ah eeehh” bigla naman nagkamot ng batok si Kuya. At pulang pula siya!
“uuuuuuuuuuuuuuyyyy kayo na no?! wahahahaha sinagot ka na niya no?! weeeeeeeeeeeeeee.
Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee MAY GIRLFRIEN—“
Bigla naman tinakpan ni kuya ang bunganga ko “wag ka nga sumigaw bunso!! Making ka, wag mo muna
sasabihin sa kanila ha? Hintayin ko muna makabalik dito si Yannie then tsaka ko siya ipapakilala kay daddy,
kasabay narin ng paguwi ni mama anne”
“oo nga pala malapit na umuwi si mama anne no? naeexcite naman ako!!”
“yeah, kaya quiet ka muna ha?”
I smile “sure kuya”
Lumabas na ko sa room niya.
*sigh*
Buti pa si kuya ang tino ng lovelife. Sana ako din.
[Kryzel’s POV]
“grabe nakakakilig ang love story ni Naomi at Stephen no?”
“oo nga eh. Akala ko forever ng cassanova si Stephen!”
“who would have thought na si Naomi pa ang makakapagpaibig kay Stephen?”
Sigh. Talagang hindi na siya nagpakita saakin after that incident. Tinotoo niya talaga yung pagiwas saakin.
Naguguilty naman ako bigla.
“kaso di ba Kryzel mahal mo dati si Stephen ano ang masasabi mo na inlove siya ngayon sa bestfriend mo?”
Kung mag sorry kaya ako kay Rence? Oo tama! Mag so-sorry na lang ako sa kanya. Nakakahiya man magpakita sa
kanya dahil sa lahat ng accusation ko pero talagang willing ako malinis ang konsensya ko. Aba ilang linggo narin ako
binabagabag ni conscience to the point na hindi ako makatulog pagkagabi!
“sus syempre hindi na affected yang si Kryzel! Magkaroon ba naman siya ng gwapong admirer na si Rence
eh”
Rence? Rence? Napalingon ako doon sa kasamahan ko sa pepsquad
“Rence? Bakit anong meron kay Rence?”
Nagulat naman ako ng bigla silang nagtawanan.
“alam mo Kryzel, kanina pa naming pinaguusapan si Stephen dito. Pero nung nabanggit namin ang pangalan
ni Rence bigla bigla ka na lang nagkaganyan! Sagutin mo na kasi! Halata namang mahal mo din eh! ”
“h-hindi no”
Totoo naman, hindi ko talaga mahal si Rence. Kaya ko lang siya iniisip kasi nakokonsensya ako sa lahat ng sinabi at
nagawa ko sa kanya dati. And it’s killing me. tsaka isa pa… o sige na inaamin ko na! nakakamiss ang presence niya
kasi nasanay ako ng laging may nangungulit sakin. Pero yun lang. Yun lang talaga!!
After ng practice namin sa pepsquad, dumiretso ako sa locker ko para kunin yung mga gamit ko. Pauwi na sana ko
ng mapadaan ako sa activity center and nakita ko si Rence doon habang nag pa-practice ng flair.
Ngayon ko lang napansin, ang cool nga niya talaga tignan habang nag fflair siya. No wonder kaya ang daming
babaeng nainlove sa kanya. Ang daming beses ko na siyang nakitang nag flair kaso laging hindi sa kanya ang focus
ko. Kung hindi ako busy mag-emo dahil kay Stephen, busy naman akong mainis sa kanya. Ngayon ko lang talaga
siya napanuod mag flair na sakanya naka focus ang attention ko. Hindi sa kung ano pa man.
Kung lumapit na kaya ako sa kanya ngayon at mag sorry? Mamaya niyan mahirapan na naman akong hagilapin
siya.
Palapit na sana ako ng biglang may isang babaeng lumapit sa kanya then she threw her arms around Rence’s neck
and started kissing him.
Si Rence naman hindi pumapalag doon sa babae at mukhang enjoy na enjoy din siya makipaghalikan doon.
AY TOFU!!! O_______O
Gabi-gabi akong nakokonsensya dahil sa kanya tapos ganito makikita ko?! Tofu talaga!!! Mahal daw niya ko eh ano
to?! Wow!!!!! ANG DALING MAPALITAN NG PAGMAMAHAL NIYA SAKIN!
Ayoko na silang makita pang maglaplapan dalawa kaya tumalikod na ko at naupo sa isa sa mga belachers sa labas
ng activity center.
Bigla na lang tumulo ang luha ko sa sobrang frustration na nararamdaman ko.
Pare-pareho silang mga lalaki! Sasabihin mahal ka pero pagnakatalikod ka makikipaghalikan naman sa ibang babae.
Kung hindi ka gagawing flavor of the week, gagawin ka naman niyang panakip butas. Minsan pera lang o katawan
mo ang habol sayo. Yung iba naman, wala lang, trip lang nila maglaro.
CURSE ALL THE BOYS!!! MAMATAY NA SILANG LAHAT!
Mga Son of at @#@$@!
Bat ba ang malas malas ko pagdating sa buhay pagibig?!
Gusto kong pumatay ng tao ngayon sa totoo lang! Gusto kong pag gutaygutayin ang katawan niya hanggang sa
tuluyan na siyang mapunta sa hell! Mapapatay ko talaga ang unang lalaking makikita ko ngayon! SWEAR!!!
Bigla akong may narinig na mga yapak na papalapit saakin then may bigla akong narinig na boses ng lalaki
“you” alam ko ako tinutukoy niya dahil kahit nakayuko ako, aware akong nasa tapat ko siya.
And my victim is here. Kawawa naman ang nilalang na to, mawawalan na siya ng buhay.
Inangat ko ang ulo ko para makita ko yung lalaking mumurderin ko ng magulat ako na si Rence ang nasa tapat ko
habang nakatingin sakin ng seryoso.
“R-rence..?”
Without a word bigla na lang niya ako hinila papunta sa parking lot.
[Naomi’s POV]
“baaaabeeessss!!” lumapit si Stephen saakin at naupo sa tabi ko “good morning!!! Na miss kita
huhuhuhuhu!” bigla siyang yumakap sakin
“Stephen! Ma PDA tayo! ayokong magka sanction you know!!”
“to naman! eh namiss ko lang nama ang babes ko masama bang yakapin kita?”
“bat mo naman ako na miss samantalang isang araw lang tayo hindi nagkita? ”
“eh kasi mahal kita” he told me while smiling widely.
Speechless na naman ako.
“oy babes, alam mo ba gustong gusto ka nung matanda kong tatay tsaka ni Tita Alice? Sabi niya ipapakasal
na din daw nila tayo! gusto mo sumabay na tayo sa kasal nila para double wedding? ”
Tinaasan ko naman siya ng kilay “bakit? Sinagot na ba kita? hindi pa naman tayo ah?”
“sus, alam ko malapit ka ng bumigay! Kung tutuusin nga ikaw pa ang unang umamin saakin na head over
heels ka saakin eh! Oo nga pala naalala ko yung sinabi mo sakin dati! Sabi mo pwede kitang halikan pag
natutunan na kitang mahalin? Ibig sabihin ba nito--? ” nag evil grin siya. Napalunok naman ako bigla
“ha? Eh? Hehehe sinabi ko b-ba yun? ”
“yes babes, sinabi mo yun. Baka pag hinalikan kita maalala mo” nilapit niya ang mukha niya saakin while still
grining evily.
“s-stephen naman ehhh…” >____<
Tumawa naman siya “don’t worry hindi kita hahalikan dito but I swear the moment na makahanap ako ng
pagkakataon na masolo kita, patay ang lips mo sakin. ”
Napalunok ulit ako. Minsan talaga napaka dangerous na tao nitong si Stephen. Sobra =______=
“Naomi, may nagahahanap sayo!” sabi nung isa kong classmate sakin
Napatingin naman ako sa may pinto ng room namin and nakita ko doon ang aking Prince Charming na si Drew!!!
^_________^
Lumapit ako sa kanya “D-drew hi”
“hi Naomi” lumapit siya sakin then binulungan niya ko “I miss you”
Napangiti naman ako then bumulong din ako sa kanya “I miss you too”
“Naomi, may bibigay ako sa iyo” may inilabas siya sa bulsa niya “ticket to para sa World Tour punta ka sa
booth namin ha? England yung gagawin namin doon!”
“s-sure!”
Ginulo niya yung buhok ko “aasahan ko yan! See you!”
I waved my hand “bye”
Tinignan ko yung ticket sa kamay ko. Yung World Tour ay isang activity event ng mga tourism students na talagang
inaabangan ng mga students dito sa school na to. Parang gagawa sila ng iba’t ibang booth representing different
country from all over the world. And honestly saying, maaganda talaga yung event nila.
Bumalik na ko sa upuan ko then nakita ko naman si Stephen na naka pout.
“oh anong problema mo?” tanong ko sa kanya
“you’re so mean to me. I hate you” sabi naman niya sakin habang naka pout parin
“ha? Ano ginawa ko sayo? ”
“che wag mo kong kausapin! Galit ako sayo!” tumayo siya then lumipat ng upuan.
Okay? What was that?
Ano naman ang ginawa ko doon sa mokong na yun?
Sa buong class period, hindi ako pinansin ni Stephen and talagang hindi rin siya tumabi saakin.
Ang weirdo ng isang yun, bigla bigla na lang magagalit ng hindi ko alam ang dahilan! Bipolar ba siya?!
Nung lunch break, agad naman lumabas si Stephen and talagang hindi ako pinansin. Hinabol ko naman siya.
“oy Stephen, ano bang problema?”
“hmpf!”
Pilit ko siyang sinabayan sa paglalakad “galit ka ba sakin?”
“-______-“
“may nagawa ba ko sayo?”
“=_________=”
“ano ba talaga kasalanan ko sayo?”
“>_______<”
“huy babes magsalita ka naman!”
Napatigil siya sa paglalakad niya then humarap siya sakin ng may seryosong mukha “sobrang laki ng kasalanan
mo sakin. Sinaktan mo ko ng husto! Hindi mo ba alam na parang sinaksak ng isang milyong patalim ang
puso ko ng dahil sayo?”
Napataas ulit ang kilay ko. Ano ba talaga ang nagawa ko sa lalaking to.
“o-ok hindi ko alam kung anong nagawa ko pero sorry na!”
“hmpf” tinalikuran niya ulit ako at nag start maglakad.
“oy Stephen naman sorry na nga kung ano man yun!!” hindi niya ko pinansin and tuloy-tuloy lang sa
paglalakad “o sige sabihin mo kung ano ba ang dapat kong gawin mapatawad mo lang ako sa kung ano mang
kasalanan ko!” =____=
Humarap siya bigla saakin habang nakangiti ng nakakaloko.
“talaga? Sabi mo yan ha!” he told me while grinning evily.
Ang mga ngiting parang gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan.
Napalunok ako bigla.
I think I’m in danger.
Chapter 33
*One Month*
[Kryzel’s POV]
“ah r-rence? San tayo pupunta?”
He didn’t answer me but instead, tuloy parin siya sa pag kaladkad saakin. Ang tahimik niya, masyadong seryoso.
Ewan ko pero kinakabahan ako sa kanya.
Weird. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito dahil sa isang lalaki.
Napansin ko na lang na nasa parking lot na pala kami nung bigla niyang binitawan ang kamay ko then lumapit siya
sa isang black Porsche car at binuksan niya ito.
Pumasok siya sa loob then inopen niya yung door sa side ng passenger’s seat “hop in”
W-wait, sakanya to? Di nga? Seryoso? Kanya tong kotseng to? Bat parang ang yaman ng bartender ng restaurant
namin? gaano ba kalaki pinapasweldo sakanya ni dad? Kung mag shift na kaya ako ng HRM at magtrabaho kay dad
para makabili din ako ng magandang kotse?
Teka baka naman hiniram niya lang tong kotseng to?
Titig na titig ako doon sa kotse and hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Sino ba mas gwapo? Si Rence o si black porsche?
“I said hop-in!” I was back to my senses nung sumigaw siya.
Agad agad naman akong pumasok sa loob ng kotse.
Tokwa hindi niya ko sinisigawan ng ganyan dati! Natatakot tuloy ako =____=
Pagkapasok ko sa loob ng kotse bigla naman siyang lumapit saakin. He leaned on me then tinignan niya ko ng
seryoso. Yung mukha niya parang mukha ng mga gwapong suplado. Nakakakaba. Halos di ako makahinga habang
nakatitig siya sa mata ko. Wala akong idea sa gagawin niya. Kinakabahan talaga ako. (-__-)
Bigla naman akong narinig na may nag snap then before I knew it, nakakabit na yung seatbelt ko.
Lumayo na siya saakin at biglang pinaharurot yung kotse niya.
The whole ride tahimik lang kami. Hindi naman siya nagsasalita at hindi ko rin siya makausap o matanong kung saan
kami pupunta. Busy din kasi akong alalahanin ang buhay ko kasi grabe ang bilis niya magpatakbo ng kotse. Byaheng
langit kami nito! Kulang na lang humiwalay ang puso ko sa katawan ko eh!
Si Rence na nakilala kong napaka kalmadong tao, kaskaserang driver pala!
God magpapakabait na ko, wag niyo lang akong patayin ngayon. Please? -____-
Huminto siya sa tapat ng isang malaking bahay. Sobrang laki na tipong mas malaki pa sa bahay namin.
He parked the car then bumaba na kami.
He motioned me to follow him then ginawa ko naman. Pagkapasok namin sa loob agad kaming sinalubong ng mga
maids at butlers.
“master Rence welcome home” they all said in unison.
Nilagpasan lang lahat sila ni Rence at nag dirediretso papasok sa isang room. Ako naman manghang mangha sa
bahay. Di ako makapaniwala, kila Rence ba talaga tong bahay na to? Ang bartender na nagtatrabaho saamin mas
malaki pa ang bahay kesa saamin! O___O
Sinundan ko siya doon sa room na pinasukan niya and nakita ko na isang built in na bar pala yun.
“have a seat” tinuro niya yung mga stools doon sa may bar counter.
Umupo naman ako at siya naman pumasok sa loob ng bar then nag start mag mix ng kung ano.
“uhmm R-rence? Bat mo ko dinala dito?”
Hindi niya ko pinansin and busy parin siya sa pag mix ng kung anong drink.
I cleared my throat “a-ano Rence kasi, ano eh.. uhmm” oh damn it! Bat ba ang hirap sabihin ng salitang sorry?!
Nag rehears ako ng madaming beses sa harap ng salamin kung paano ako magsosorry sa kanya. Kabisado ko na
nga lines ko pero bat ngayon natatameme ako?!
Huminga ulit ako ng malalim “R-rence k-kasi y-yun ano uhmm k-kasi—“
Nagulat naman ako ng biglang may inilagay siyang baso sa harapan ko “strawberry margarita. Drink. It tastes
good”
“h-ha?” kinuha ko yung baso “s-salamat”
I sipped the drink and yeah, he’s right, it tastes good.
Nakita ko siyang nag mix ulit doon. May pinag halo halo lang siya na drink. Vodka, sprite, blue curacao, then
nilagyan niya ng lemon soda and lemon juice and ice cubes.
Naupo siya sa stool na katabi ko then ininom din niya yung drink na ginawa niya.
Err ano na nga ba ulit yung sinasabi ko kanina? Ah, oo yun
“R-rence ano yung tawag sa iniinom mo?” I asked him habang todo ngit. Tokwa hindi naman to ang sasabihin ko
eh. >___<
“blue lagoon” sabi niya sakin ng hindi nakatingin
“ah, kaya pala color blue ang kulay niya. Ha.ha.ha” I laughed awkwardly. Mukha akong sira.
Ano ba naman to! Dinala lang ba niya ko dito para makipaginuman?
“uhmm, b-bat mo pala ko dinala dito?”
Hindi niya ko sinagot, patuloy parin siya sa paginom ng blue lagoon. At dahil pahiya na naman ako ininom ko narin
yung ginawa niyang strawberry margarita. Ang sarap talaga, hindi ko masyadong malasahan yung alcohol na naka
mix dito. Magaling talaga tong si Rence. Kaso hindi ko maenjoy yung iniinom ko because I feel so awkward.
“Kryzel”
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang magsalita
“b-bakit?”
“sabi ko lalayo na ko but it doesn’t mean na mawawala ako. Pag umiiyak ka asahan mo makikita mo
ko” tumayo siya sa kinauupuan niya then inilgpit yung baso niya.
Kaya ba niya ko dinala dito dahil nakita niya kong umiiyak kanina?
Kung alam lang sana niya ang dahilan
“by the way, your dad told me he will be out of the country with your mom for a month”
Nagulat ako sa sinabi niya “WHAT?! Wait bat walang sinasabi si dad sakin?!”
Tumingin siya sa orasan “I think malapit na ang flight nila ngayon. Pinagbilin ka na saakin ng dad and mom
mo. You will stay here in my house for a month. Your room is over there” may tinuro siya saakin na isang room
na may white door. “yung katabi niyan is yung room ko. If you need something pwede mo kong puntahan
doon. Nandyan na lahat ng damit mo. Pagkatapos mo diyan pwede kang mag shower na then I’ll let the maid
call you pagkakain na ng dinner. Sige maiwan muna kita”
He left me with my mouth hanging.
One month.
One month?
ONE MONTH?!?!?!
MOM, DAD! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?!
Chapter 34
*Step 8*
[Rence’s POV]
“hello, Rence is she already there?”
“Yes sir. Nandito na po siya kanina pa. She’s already in the guest room, sleeping”
“oh good. Thank you Rence ha? Please do take good care of my daughter”
“no problem sir. Aalagaan ko po talaga siya hanggang sa makabalik na kayo”
Bigla akong nakarinig ng malakas na tili sa kabilang line “oh my gosh! Nasa bahay na ni Rence ang Kryzel natin?
Oy Rence, alagaan mo ang princess namin ha? And galingan mo!” sabi sakin ng mama ni Kryzel
“errr galingan po saan?” takang takang tanong ko naman
“sa alam mo na yun! Ikaw talagang bata ka! Basta dapat mabigyan mo kami ng magandang apo!” she laughed
Halos mamula naman ako sa sinabi ng mama niya “n-naku po! H-hindi kop o magagawa kay Kryzel yun!”
“hoy Rence talagang pag ginawa mo yung sa baby naming ipapapatay kita!!” galit naman na sabi ng dad niya
saakin
“ano ka ba hunny malalaki na sila! Pwede na yan! Tapos ipapakasal na natin sila!” tumawa ulit ang mama ni
Kryzel
“hindi pwede! Ayoko! Bata pa ang Kryzel natin at gusto ko kasal muna bago yun!”
“uhmm hello po?” singit ko sa kanila
“oy Rence Reboredo binabantaan kita wag kang gagawa ng masama or else alam mo na mangyayari sayo!!”
“ha o-opo. Wala naman akong planong ganun” =_____=
“naku Rence wag ka na kasi mahiya!” – mommy ni Kryzel
“hon wag mo silang i B-I!” – daddy ni Kryzel
“naku hon hindi naman pam bi-b-I yun! Di ba Rence?”
“ha? Ah eh..”
“halika na nga hon! Pumasok ka na sa kotse ng makaalis na tayo! excited na ko mag Hawaii! Parang nag hohoneymoon
ulit tayo ngayon!” – daddy ni kryzel
“kaya nga! Tara na hon!”
TOOT TOOT TOOT
Binabaan na nila ko ng phone.
God, I want to thank you kasi hindi niyo hinayaan si Kryzel na maging katulad ng mga magulang niya. Thank you
talaga =_____=
Paakyat na ko sa room ko para matulog ng mapansin kong medyo naka open yung door ng room ni Kryzel and
nakapatay ang ilaw.
Hindi pa siya pumapasok sa room niya?
I tried to knock on the door but no response kaya pumasok na ko sa loob. Nakita ko naman siya na tulog na tulog na.
Hmmm so hindi pala niya binubuksan yung lamp niya pag natutulog siya? May nalaman na naman ako na tungkol sa
kanya.
Nilapitan ko si Kryzel then naupo ako sa side ng bed niya. Ang ganda niya talaga. Ang amo amo ng mukha niya, like
a face of an angel.
"kryzel, masaya ka ba ngayon? pasensya ka na kung nasusungitan na kita ha? Pero pangako ko, kahit na
gusto mo na kong mawala ng tuluyan sa buhay mo lagi parin ako andito pag umiiyak ka. Lagi kitang
babantayan. Pangako."
I held her hand and placed it on my heart.
“you are so close to me. Pero bakit feeling ko napakalayo mo parin saakin?”
I touched her face
“Kryzel, kelan ba kita maabot? ”
[Naomi’s POV]
“hop-in babes! Tara na at mag mall! ”
“yes babes =____=” sagot ko sa kanya
Pumasok na ko sa loob ng kotse ni Stephen na naka simangot.
Nakakayamot talaga siya. Sobra =____=
Alam niyo ba ang gusto niyang ipagawa saakin para mapatawad niya ko sa kasalanang hindi ko alam?
Gusto niyang mamasyal kami sa Mall ngayon na parang isang bagong kasal na couples at kailangan na tatawagin ko
siyang ‘babes’ ngayong araw.
Ang dali lang ng hinihiling niya no?
Pero sino nga ba pinaguusapan natin? Si Stephen di ba? At pag si Stephen humiling, hindi lang basta, basta. Lalo na
kung may manyak siyang isipan.
Sabi niya doon ako matutulog sa condo niya, at hanggang doon, magpapanggap parin kami na bagong kasal.
Tinawagan niya nga sina Kuya at may kung anong sinabi. Hindi ko talaga alam ang dinahilan ni Stephen pero
napapayag niya sila.
Tokwa natatakot ako sa pinaplano niya. Bat ba pakiramdam ko may masamang mangyayari saakin ngayong araw na
to? Grabe talaga.
God wag niyong hayaan na saniban ng espirito ng kamanyakan si Stephen mamayang gabi. Please maawa kayo
sakin. Bata pa ko. Hindi pa ko ready. Ayoko pa magkaanak =____-
Nung makarating kami ni Stephen sa mall, nag stroll lang kami habang magkahawak ng kamay.
“Tara babes punta tayo sa department store”
Nagpunta kami sa ladies section then nagtingin tingin naman ako ng mga shirts doon.
Na-miss ko na ang pagsusuot ng shirts. Simula kasi na nag sign ako sa contracts pinagbawalan na ko nina Yannie.
Kailangan daw maging fashionable. Miss ko narin ang eyeglass ko at ang rubber shoes pati narin ang mahabang
skirt ng uniform ko.
I miss my boyish look. T__T
Tinigilan ko na ang pagtingin tingin ng mga shirts at hinanap si Stephen at nakita ko siyang tumitingin ng mga
lingerie.
Don’t tell me plano niyang ipasuot sakin yan mamayang gabi?! O______O
May lumapit sa kanya na sales lady.
“hi sir, para po ba sa mom niyo?” tanong niya kay Stephen habang tinitignan ito ng malagkit na kulang na lang eh
hubaran na niya si Stephen. With matching pakita pa ng cleaveage niya!
Ay tokwang sales lady to!!!! Ang harot!!
Lumapit ako kay Stephen at pinulupot ko ang braso ko sa braso niya
“babes bigla kang nawawala! Kanina pa kita hinahanap”nag pout ako “para sakin ba yang lingerie nay an
babes? Oww how sweet naman. Pero mas prefer ko ang Pj’s kasi lamigin ako eh” tinignan ko yung sales
lady “newly wed couple kami. Ang gwapo ng asawa ko no? ”
Bigla naman nawala ang ngiti sa mukha nung maharot na sales lady.
“let’s go babes?” hinila ko si Stephen doon sa mga Pj’s
Napansin ko naman na ang laki ng ngiti sa mukha niya“jealous much? ”
Hinampas ko siya sa braso “ang landi mo! ”
Tinawanan niya lang ako.
“don’t worry babes hindi naman ako nagpapadala doon sa mga panlaladi ng mga babae sakin kasi simula ng
minahal kita, pinangako ko na sa sarili ko na ikaw na lang ang pwedeng lumandi saakin at pwede kong
landiin”
I smirk “good. At least nagkakaunawaan tayo”
After naming mag stroll sa mall, kumain lang kami ni Stephen sa isang restaurant. Libre niya syempre, siya nagyaya
eh.
“babes, order lang ng order ha?”
“syempre! Libre eh! Magpapakabusog ako!”
I ordered Cajun chicken and spice pasta, onion soup, citrus summer salad, Perfect ten for the drink, and mocha
mudpie for dessert. Complete course meal. Nakita ko ang nanlulumong mukha ni Stephen.
Bwahahahaha libre niya eh. Tsaka gutom ako ngayon! Walang pakielamanan.
“hay naku babes, bat ba ang takaw mo? Ang dami mong inorder eh” sabi niya saakin habang naghihintay ng
order namin.
“sus ikaw kaya nagsabi na order lang ako ng order”tumawa ako sa kanya
“pero basta kahit anong mangyari uubusin mo yung inorder mo ha?”
“syempre no gutom ako eh!”
“good. Wait babes punta lang ako sa comfort room”tumayo si Stephen ang nagpunta doon sa comfort room.
Napansin ko naman na sinusudan siya ng tingin nung mga babae sa katabi naming table.
“siya si Stephen Cruz di ba?”
“grabe ang gwapo niya!”
“oo nga eh! Makalaglag panty siya! Sobra”
“naku naging boyfriend ko yan for 1 day!”
Napatingin yung tatlo doon sa isang babae “talaga naging boyfriend mo?”
“yep and grabe sobrang galing niya humalik! Grabe niyang nainvade ang bibig ko eh! Parang drug yung
halik niya, nakakaadik!”
“owww ang swerte mo naman!”
“syempre!”
“yung girl siguro na kasama niya ang bagong gf niya”
“sus hindi naman kagandahan. Flat chested pa! pustahan mag bbreak agad sila!”
“sure game, pusta ko after a day break na yan!”
“ako by the end of this day ibbreak na siya ni Stephen!”
“ako naman after nila kumain!”
“pusta ko after ako makita ni Stephen ibbreak na siya”
Wow ha. Grabe mag chismisan! Talagang kailangan abot sa pandinig ko ang pinaguusapan nila?!
Onti na lang susugurin ko ang mga malalandi nay an. Onti na lang talaga at lalabas na ang pagiging amazona ko!!
Nakita kong pabalik na si Stephen sa table namin. Nung padaan na siya doon sa table nung mga malalanding babae
bigla naman siyang hinarang nung isang babae na nagsabi na ibbreak agad ako ni Stephen right after siyang makita
nito.
“hi handsome” malanding bati nung babae kay Stephen
AY TOKWA! INUUBOS NG BABAENG TO ANG PASENSYA KO!!
“hey, ditch that girl over there then come with us” tinuro niya yung mga malalanding babae “we will give you a
night to remember” she winked at him
Grrrr nakakayamot sila!!!! Makikita nila ang bangis ko!!!
Patayo na sana ko para sugurin yung mga babae ng mapahinto ako dahil sa sinabi ni Stephen.
“sorry I cannot come with you. You see, yung girl na tinuturo niyo kanina is the only girl I want to spend my
night with. Oh not just my night, but the rest of my life.”
Nagtawanan naman sila “Why Stephen got a new tactics. Mas nagiging sweet ka na ba sa mga nagiging
girlfriend mo ngayon?”
“Girlfriend? She’s my wife! Hindi niyo ba nabalitaan? The Casanova has fallen ”
Nilagpasan niya na yung table leaving them with their mouth hanging open.
Stephen, bat mo ba ko minahal ng ganito?
Condo Unit..
“babes!!! Matutulog na tayoooooo! ” nag bounce si Stephen sa kama sa at tumabi saakin habang niyayakap si
Nam-nam
Napalunok ako. Juskooooooooo wag niyo ko hayaang mabutis please? >____<
“oy Stephen w-wag mong s-subukang g-gumawa n-ng k-kalokohan ha!”
Nag evil grin siya saakin then pinatay niya ang ilaw.
“why babes? Di ba sabi mo gagawin mo ang lahat mapatawad lang kita? ”
“binabawi ko na. Sige na magalit ka na sakin! Wala na ko paki!” =_____=
“sorry pero nasabi mo na bawal ng bawiin ”
Hinubad niya yung t-shirt niya. Bale naka pajama na lang siya though topless siya.
“S-stephen naman eh”
Nag evil grin ulit siya saakin then nahiga na siya sa tabi ko.
Bigla ako nakahinga ng maluwag.
“babes alam mo ba kung bakit ako nagtampo kanina?”
“bakit nga ba?”
“kasi nagseselos ako kay Drew”
Napatingin ako sa kanya bigla. Nagseselos siya kay Drew?
Well, hindi ko siya masisisi.
“alam mo ba Nami, pagka nakikita ko na kasama mo si Drew nasasaktan ako. Feeling ko kasi may gusto siya
sayo eh. At feeling ko rin ang laki ng chance na magkagusto ka sa kanya.”
Hay Stephen, kung alam mo lang.
“ano ba yan! Hindi ako sanay ng ganito! Biruin mo ang playboy natuto magselos?” he laughed softly the
nagulat na lang ako ng bigla siyang pumatong sa harap ko then he pinned both of my arms on the bed
“O-oy S-stephen! A-ano gagawin mo?!”
“babes, tell me, what have you done to this Cassanova? Bakit ba patay na patay na ko sayo ha?”
Sabi niya sakin ng seryosong seryoso
“S-stephen..”
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Maraming beses na kong tinakot ng ganito ni Stephen pero
hindi naman niya siguro itutuloy no? alam ko naman hindi niya talaga itutuloy pero grabe kinakabahan ako.
“Nami. Mahal kita, sobra” and with that, bigla na lang dumampi ang labi niya sa labi ko.
Nararamdaman kong gumagalaw ang lips and tounge niya but I refuse to give back the kiss. Tinuloy parin niya ang
ginagawa niya and before I kew it, I am giving back the kiss.
His kisses was sweet and slow. Hindi nag mamadali. Parang ineejoy lang niya yung moment unlike nung unang
beses niya kong hinalikan. Yung time na galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Kryzel.
Yung halik na naging dahilan kung bakit ko pinirmahan ang contract.
Pero habang hinahalikan niya ako, may biglang pumasok sa isip ko.
8. Make him kiss you
Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko.
Two more to go.
Makabalik lang si Yannie from Hongkong, I promise, kahit anong mangyari, mag qu-quit na ko.
Kahit ano pang dahilan niya.
Chapter 35
*The New Rence*
[Kryzel’s POV]
I whip my hair back and forth I whip my hair back and forth (just whip it) I whip my hair back and forth
Napadilat ako bigla at kinapa kapa yung side table drawer ko para hanapin yung bwisit na maingay na bagay na yun
na umiistorbo sa beauty sleep ko!
Tofu nasaan na ba? Bat wala?!
I whip my hair back and forth (whip it real good) I whip my hair back and forth I whip my hair back and forth I whip my
hair back and forth I whip my hair back and forth
Gumulong ako sa kama at hinanap sa ilalim ng unan ko yung cellphone ko pero pagtingin ko hindi naman yun ang
tumutunog.
Hop up out the bed turn my swag on. Aint no sense listining to them haters cuz we whip em off. And we aint doing
nothing wrong. So dont tell me nothing, i'm just tryna have fun. So keep the party jumping
Nagtakip ako ng unan sa tenga pero rinig na rinig ko parin yung bwisit na maingay na yun.
So whats up (yea) And i'll be doing what to do We turn our back And we walk over and just shake them off Shake
them off, shake them off,shake them off
“ARRRRGGGHHHH!!!”
Bumangon ako sa kama sabay kamot sa ulo na may magulong buhok. Sino ba yung hayop na nagpapatugtog na
yun?!
Don't let haters keep me off my grind Keep my head up and I know i'll be fine Keep fighting until I (yea) Am down and
I feel like giving up
“buti naman nagising ka na”
Halos mapatalon ako ng makita ko si Rence na nakasandal sa wall katabi ng pintuan ko at katapat ng kama ko
habang may hawak hawak na cellphone kung saan nanggagaling yung tugtog.
Tsaka ko lang naalala na nandito pala ko sa mansion nila.
Pinatay niya yung tugtog sa cellphone niya and tinignan ako ng seryoso “maligo ka na at bumaba. Kakain na ng
breakfast”
Napatingin ako sa orasan.
8am?!
“R-rence, wala naman tayo pasok ngayon. Founder’s day daw. Bat ang aga?”
Gusto ko pa matulog =___=
“ganito akong oras kumakain ng breakfast”
“ah, hehe sige sa bistro na lang ako kakain”
Nahiga ulit ako at nagtaklob ng unan.
Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko. Malamang si Rence. Bahala siya diyan! Inaantok pa ko! Tsaka
kahapon pa siya ang sungit sungit! Kala mo babaeng mag memenopause eh!
My mama told me when I was young, we are all born superstars. She rolled my hair and put my lipstick on in the
glass of her boudoir.
“waaaaaaaaaaaaaaaah!!!”
Bumangon ulit ako and nakita kong nakatapat sa tenga ko yung phone niya habang nakangiti siya ng nakakaloko.
“bumangon ka na!”
“ayaw!”
“hindi ka babangon?!” nakita kong naging seryoso ang mukha niya “get up” he told me in a voice full of authority.
Tofu nakakatakot siya O____O
“a-ayoko!” pagmamatigas ko.
“ayaw mo?”
“o-oo!” nagtalukbong ulit ako ng kumot. Bat nga ba ko nakikipag matigasan sa kanya?
Hindi ako sanay na inaaway niya ko. >_____<
“sabi mo yan ha”
Naramdaman kong sumampa siya sa kama then bigla niyang inalis yung kumot na nakatalukbong saakin at nakita ko
na lang siya na nasa ibabaw ko.
“Oy umalis k-ka diyan!!”
“why? This is my house. This bed is my property. This pillow..” kinuha niya yung unan na yakap yakap ko tsaka
inihagis kung saan “..is mine” he smirked “wala kang karapatan na utusan ako sa loob ng pamamahay ko”
Makapigil hininga ako habang nakatingin sa kanya. Tofu bat ba siya nagkaganyan?! Baka mamaya hindi na to si
Rence eh! Baka ang tunay na Rence ay kinidnap na ng mga alien.
Ibalik niyo ang tunay na Rence! T___T
“R-rence, p-pwede ka bang umalis diyan, please?” sabi ko sa kanya wit matching puppy eyes
“no” he told me seriously
Bigla siyang gumapang papalapit saakin habang ako naman umuusog papalayo sakanya hanggang sa nakasandal
na ko sa headboard nung kama.
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko “naalala mo ba Kryzel? Nung unang gabi tayong nagkausap?”
“h-ha? A-anong ibig mong s-sabihin?”
“yung lasing ka” he smirked
Napalunok ako bigla. PAANO KO MAKAKALIMUTAN?!
“R-rence..”
“yung pagkagising mo ng umaga nandoon ka na sa condo ko at naka under garments na lang”mas lalong
lumawak yung ngiti niya.
“A-ano ang pinag sasasabi mo” nanginginig ang buo kong katawan kay Rence.
Bat ba kailangan niya pa ipaalala ang bagay na ayoko nang alalahanin >__<
“oh wala ka ba maalala?” mas nilapit niya ang mukha saakin and an evil grin formed in his face“gusto mo ipaalala
ko sayo?” he whispered on my ears which made me shiver
“b-babangon na ko! K-kakain na t-tayo ng breakfast! ”
Lumayo na siya saakin “good. Dapat ka pa kasing tinatakot eh”
Tuluyan na siyang lumabas ng room ko habang ako naman hinahabol parin ang hininga ko.
Ano bang nangyari kay Rence at nagkaganyan na siya?!
Mukhang hindi ko ata kakayanin ang isang buwan na pamamalagi ko dito sa bahay nila eh. T___T
[Yannie’s POV]
“YANNIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!”
Biglang may dumamba saakin at ipinulupot ang braso sa leeg ko habang nagtatatalon
“F-fransisco Juan! Ano ba! Hindi ako makahinga!”
“grabe-eyams ka girl!!! Namiss kita ng bonggacious! Akala ko six feet underground ka na!!! I’m so happy
buhay ka pa!! huhuhuhuhu! ”
Inalis ko yung braso ni France na nakapulupot sa leeg ko “grabe-eyams ka din bakla ha! Kung makapag react ka
akala mo sumugod ako sa madugong digmaan! Isinama lang naman ako ni mama na magbakasyon sa
hongkong! Gusto daw niya kasi makita si mickey mouse!”
“eh kasi naman bakla! Hindi ka man lang nakikipag communicate no!”
“bakit miss mo ko? Hoy bakla, baka mamaya niyan nagbabalatkayong bakla ka lang pero the truth is
inlababo ka saakin!”
“ay girl! Asa ka pa no! Paano kita magugustuhan eh di hamak na mas lamang ang beauty ko sayo!” biglang
irap pataas
Tinawanan ko na lang siya. Sige na pagbigyan na ang bakla!
“oy France may sasabihin ako sayo”
“ano naman yun? Tungkol ba sa..?” bigla siyang napatakip ng bibig “Waaaah! Don’t tell me..?!
waaaaah!O___O”
Binatukan ko
“aray naman! bat mo ko binatukan?! Ang brain cells ko!”
“eh kung makapag react ka wagas eh! Hindi yun tungkol doon! Tungkol to ….samin ni Nico”[/i]
Biglang lumawak ang ngiti sa mga labi ni France
“ayieeeeeeeeee ano ang tungkol sa inyo ni Nico ha?”
“k-kami na” sabi ko sa kanya na medyo nahihiya hiya.
“HUWAAAAAAAAAAAAAAA?! Kayo na?! oh my gosh oh my gosh!!!! I’m so kilig!!! Waaaaaaaaaaaaah kelan
pa? kelan pa?!”
“bago ko umalis”
“ay gulay! Ilang linggo na palang kayo hindi mo manlang ako ininform! I’m so sad!!”
“bruha! Pero, alam mo parang nagsisisi ako. Kasi yung kay Naom—“
“no! anong nagsisisi?! Kailangan mo ding sumaya no! atsaka---“
“YANNIE!!!!!!!!”
Halos mapatalon kami ni France sa upuan nung makita namin si Naomi na pumasok ng headquarters.
“N-naomi”
“Yannie!” bigla niyang inilapag yung notebook kung saan nakasulat yung contract sa lamesa “I’m quitting”
“ha? Pero bakit?!” tanong ko sa kanya
“hindi ko na kayang saktan si Stephen! Kahit ano pang dahilan mo ayoko na!”
“Naomi, hindi mo alam ang ginagawa mo swear!” sabi ni France kay Naomi
“OO! Kasi ayaw niyong ipaalam dalawa!”
Pareho kaming natahimik ni France.
Sabi na, dadating at dadating din ang panahon na to.
“ok” huminga ako ng malalim “I will tell you everything. But afterwards kailangan mong mag decide kung
tutuloy ka pa ba o hindi”
Chapter 36
*tears*
[Naomi’s POV]
“I will tell you everything. But afterwards kailangan mong mag decide kung tutuloy ka pa ba o hindi”
Tumingin ako sa mga mata ni Yannie and ewan ko, sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang ako kinabahan.
Pumunta ako dito ng buo ang loob sa gusto kong mangyari. Pero bat ganito? Bakit parang kinakabahan ako?
Pero alam ko kailangan kong malaman ang lahat.
“y-yes. Sabihin mo sakin ang lahat Yannie, I need to know”
Huminga ulit ng malalim si Yannie “Naomi, nasabi na ba sayo ni Stephen ang totoong dahilan kung bakit siya
naging playboy?”
“h-ha? Dahilan?”
“7 years old iniwan siya ng mommy niya at sumama sa ibang lalaki”
“h-ha? Pero sabi ni Stephen patay na ang mama niya!”
“Naomi, malaki ang galit ni Stephen sa mom niya, sobra. Simula ng iwan sila nito, walang ibang ginawa ang
dad ni Stephen kung hindi mag uwi ng mga babae sa bahay nila. Kitang kita ni Stephen lahat ng ginagawa ng
dad niya sa mga babaeng inuuwi nito. Hindi niya pa naiintindihan lahat ng bagay ng yun nung mga panahon
na yun kaya takot na takot siya. Pero kahit gaano kalakas ang pagiyak niya, walang lumalapit sa kanya para
patahanin siya. Lumaki siya ng hindi nakaramdam ng kalinga ng mga magulang kaya malayo din siya sa dad
niya. Lumaki siya ng puro galit sa mga babae ang laman ng puso niya.”
Napaupo ako bigla sa upuan katapat ni Yannie. Biglang kumirot ang puso ko.
Hindi ko alam na may ganitong pinagdaanan si Stephen. Yung mga ngiti niya, parang ang saya saya palagi. But still,
behind those bright smile is a painful past.
“n-nasan ang mom ni Stephen?”
Biglang iniwas ni Yannie ang tingin niya sakin “y-yung mom niya? H-hindi ko alam. Walang balita ”
Ang mom ni Stephen. Siya pala ang dahilan kung bakit nagkaganon si Stephen. Nakaramdam ako ng galit bigla sa
kanya. NAPAKA IRESPONSABLENG MAGULANG. Matapos sumama sa ibang lalaki ni hindi manlang niya
nagawang kamustahin ang anak niya kung buhay pa to?! May mga magulang pa palang nabubuhay ng ganito sa
mundo?!
And ako? Ganun din ang gagawin ko kay Stephen. Ang iwan siya at mas saktan siya.
Hindi ko na kaya…
“Yannie, alam mong may ganoong nakaraan si Stephen pero bakit mo to nagawa?! Bakit kailangan mong
dagdagan ang sakit na nararamdaman niya ha?!”
“Stephen’s life is in danger Naomi”
“h-ha? Anong ibig mong sabihin?”
“May mga naging girlfriend si Stephen na mga anak ng mafia group. Walang idea dito si Stephen. But they
are plotting a plan to kill him”
Napatakip ako sa bibig ko “n-no. You are lying! H-HINDI TOTOO YAN!”
“Naomi, totoo lahat to. Na-trace ko sila. Member sila ng club na to and kilala mo sila.”
“Si Mitchell, Danica at Clarisse” sabi ni France saakin.
Sila? Yung tatlong babaeng lagi kong nakakausap dito sa club? Imposible!
“baka naman nagkakamali kayo! Mababait naman sila ah?! Imposible! Wag niyo ko pinaglololoko.”
“totoo yun Naomi, maniwala ka samin! Napigilan ko silang gawin ang balak nila and ayun ay dahil sa
contract. Ginawa ko tong contract para mailigtas si Stephen. Sinabi ko sa kanila na mas makakapaghiganti
sila kung magagawa nilang iparanas kay Stephen ang mga pinaranas nito sa kanila. They agree. Gumawa
sila ng contract na hindi nila gagalawin si Stephen basta makakahanap ako ng taong makakasakit dito. But
of course, may iba pa kong plano. Dapat yung taong gagawa ng steps sa contract ay mahuolg din kay
Stephen para pag dumating na ang time na kailangan na niyang saktan to, ipapaliwanag ko kay Stephen ang
lahat lahat.” Tinignan ako ni Yannie diretso sa mga mata “at sasabihin kong totoo lahat ng pinakita nung
babaeng yun sa kanya. At mahal na mahal siya nung babaeng yun”
Bigla na lang tumulo ang luha ko
“kaso nag fail kami sa part na yun. Dahil may ibang mahal yung babae”
“b-bakit ako Yannie? Sa dami dami ng babae bakit ako pa?”
“dahil dati pa lang alam kong ikaw lang ang taong makakapagpatibok ng puso ni Stephen”
“h-ha?” tanong ko sa kanya habang patuloy parin sa pagbagsak ang mga luha ko
“Simula highschool pa lang kayo mahal ka na niya Naomi. Nung una akala ko naiinis lang siya sayo kasi
kahit anong gawin niyang pa cute hindi mo siya napapansin. Pero nung nakita ko kung paano siya tumingin
sayo, Naomi alam ko mahal ka niya.”
“i-imposible. Ni hindi nga kami naguusap ni Stephen nung highschool kami”
“Naomi, ako ang madalas makasama ni Stephen noon kaya alam ko lahat! Mahal ka niya! Kahit siya hindi
niya pa maidentify sa sarili niya yun pero Naomi mahal ka niya! Mahal na mahal!”
Napahagulgol na ko ng iyak. Niyakap naman ako bigla ni France.
Masyado akong madaming nalaman ngayon. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman at kung ano ang dapat
kong gawin.
Mali nga pala talaga at inalam ko pa lahat ng to. Mas maganda nga siguro kung wala na lang akong nalaman.
Ang sakit, sobra.
“Naomi, it’s up to you. Tutuloy ka pa ba o hindi na?”
Humiwalay ako sa pagkakayakap k okay France. I tried to calm myself then huminga ako ng malalim.
Tumayo ako at kinuha ko yung notebook na pinagsusulatan nung contract
“I will save Stephen no matter what” sabi ko sa kanila at tuluyan na kong lumabas ng room.
[Yannie’s POV]
The moment na lumabas si Naomi sa room, bigla na lang din ako nanlabot.
“France, nasasaktan ako sa nangyayari sa kanilang dalawa. Kung pwede ko lang silang protektahan sa lahat
ng sakit na pwede nilang maramdaman ginawa ko na ”
“sister, kahit si superman hindi kayang protektahan ang mga tao sa pain. Ikaw pa kaya? Pero bakit hindi mo
sinabi kay Naomi ang totoo about sa mom ni Stephen?”
“hindi ko na makakayanan pang mas saktan si Naomi. Isa pa wala na ako sa tamang lugar para sabihin yun.
Siguro sa ngayon mas magandang hindi muna nila alam ang tungkol doon. Na ang mom ni Stephen at stepmom
ni Naomi ay iisa.”
Bigla na lang bumukas yung pinto kaya pareho kaming nagulat ni France.
Lalo na nung makita namin kung sino ang mga to.
Yung tatlong babaeng gustong pumatay kay Stephen.
“ang mom ni Stephen at step-mom ni Naomi ay iisa?” tanong ni Mitchell
“mali ka ng dinig” palusot ko naman
“girl, we heard it clearly” – Danica
Napangiti si Clarisse “that’ll be exciting. Ano kaya mararamdaman ni Stephen pag nalaman niya lahat ng yun”
“leave those two alone!! Malapit na matapos ni Naomi ang contract! Ano pa ba gusto niyo ha?!”
“ang mas maghirap si Stephen!!” – Mitchelle
“Yannie kung ako sayo kilalanin mo ang kinakalaban mo baka mamaya matapos agad ang buhay mo”
Lumabas na yung tatlong babae.
God, nalaman nila.
Mas lalo na kong natatakot sa pwede nilang magawa.
[Naomi’s POV]
The moment na lumabas ako ng school, bigla na lang bumuhos ang ulan.
Dati inis na inis ako kada umuulan ng malakas lalo na kung pauwi na ko. Pero ngayon grabe ko itong naappreciate.
Naglakad ako sa gitna ng ulan at hindi manlang sinubukan na sumilong o magpayong. Habang naglalakad ako tuloy
tuloy ang patak ng luha sa mata ko.
Stephen, Stephen, Stephen…
Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko ang pangalan niya.
Si Stephen, ang sakit ng naging nakaraan niya. Si Stephen nasa panganib.
Si Stephen, mahal ako, dati pa.
Bakit nangyayari to? Bakit? Tama ba naging desisyon ko? Tama bang saktan ko ulit siya para lang mabuhay siya?
Di ba pag ginawa ko yun para ko narin siyang pinatay?
At si Drew. Masasaktan ko din si Drew dahil sa naging desisyon ko.
Ang kumplikado ng sitwasyon. Nahihirapan ako. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
Huminto ako sa isang park atsaka tumingin sa langit habang tumatama ang malalaking patak ng ulan sa mukha ko.
Gusto kong magwala ngayon at sumigaw ng sumigaw hanggang sa maubos ang lboses ko. Nasasaktan ako kada
maiisip ko lahat ng magiging epekto nitong gagawin ko.
Wala na ba talagang ibang paraan?
Pwede bang ako na lang ang patayin nila? Iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari pero parang hindi ko na
kinakaya.
Nagulat ako ng biglang may nagtapat ng payong saakin. Nung lumingon ako, nakita ko si Stephen na seryosong
nakatingin saakin.
“Nami ano bang tumatakbo sa isip mo at nagpapaulan ka ha?! ”
Instead na sagutin ko siya, bigla na lang ako napayakap ng mahigpit kay Stephen sabay hagulgol sa kanya.
“N-nami? Anong problema? Bat ka umiiyak?”
Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Stephen. Gusto kong mag stay ng ganito. Gusto kong yakapin na lang siya
para hindi na siya masaktan.
Para hindi ko na siya masaktan.
Kung pwede lang tumigil ang oras eh.
“Nami?”
“S-stephen, hayaan mo lang ako” I told him between my sobs
Bigla naman humiwalay si Stephen sa pagkakayakap ko.
“Nami, please sabihin mo saakin ang problema”
Umiling ako.
“hindi mo ba alam na nasasaktan ako ngayon dahil nakikita kitang umiiyak?” humawak siya sa chest
niya “parang sasabog ang puso ko sa sakit. Nami… ayokong nasasaktan ka..”
Tinignan niya ako sa mata and unti-unti niyang inilapit ang mukha niya saakin hanggang sa magdampi ang mga labi
namin.
Mas lalo akong naiyak.
Stephen, bat mo ba ko minahal ng husto?
Chapter 37
*new feelings*
[Kryzel’s POV]
*BRRRGGGGGGGGG*
Napataklob ako sa kumot ko. Tofu naman natatakot na ko to the highest level. Ayoko na! I want my mom T___T
Bakit kasi kailangan bumagyo sa gabi eh. With matching kidlat at kulog pa.
Bata na kung bata pero talagang takot ako sa kulog at kidlat. Nagka trauma na kasi ako dati nung grade six ako.
Meron kaming camping noon then merong pinagawang activity saamin na treasure hunt. Dahil nasa gubat kami,
naligaw kami ng mga kasamahan ko at sa kamalas malasan, umulan pa nun ng malakas. Naghanap kami ng punong
masisilungan nun. Kaso walang effect, pare-pareho din kaming basa sa ulan. Kitang kita pa namin na tinamaan ng
malakas na kidlat yung puno sa harap namin. Simula nun sinusumpa ko na ang mga panahong bumabagyo, lalo na
kung may kulog at kidlat pa.
Pag ganitong panahon, madalas akong sumingit sa room nina mom at dad then yayakapin ko sila ng mahigpit na
mahigpit hanggang sa makatulog ako. Malapit talaga ako sa parents ko kasi only child lang ako, though hindi naman
ako spoiled.
*sigh*
I miss my mom and dad. Bakit kasi pinatapon nila ko ng isang buwan kila Rence eh. Ngayon pa nila naisipang mag
second honeymoon. T___T
*BROOOOOGGGGMMM*
Ay pusang gala!!
Napataklob ulit ako ng kumot. I’m so scared, I think I’m gonna die. >____<
Bigla ulit kumulog at kumidlat kaya napayakap ako sa unan ko. Tofung bata naman oh! Tofu tofu tofu.
_ _ Move your body out on the floor
Put your troubles aside and start living _ _
Napabangon ako bigla nung marinig ko yung music na nanggagaling doon sa kabilang room. Oo nga pala si Rence
yung nag o-occupy doon sa room katapat nitong room ko.
_ _ Anybody, can't let go
Throw away all your problems 'cause right now it's party time _ _
Tumayo ako then lumabas sa room ko at sinilip ko siya. Nakita ko naman siyang nag papractice ng flairing doon.
_ _ Girl, don't feel outta place
'Cause I, I'm in love with this feelin' now, now, ah _ _
Uhmm kung kumatok kaya ako? Tutal sabi naman niya pumunta ako dito if may kailangan ako eh.
_ _ Hope that this will last a while
We should make it last a while _ _
Pero may kailangan ba ko sa kanya ngayon? Ano naman yun?
_ _ You like to drink, so do we
Get my bottles, bring 'um to me
Hold your glasses up, people everywhere
Now everybody put your hands in the air _ _
Err natatakot ako kasi kumikidlat, at kailangan ko ng…
…kayakap matulog?
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah erase erase erase! Tamaan na ko ng kidlat pero never akong yayakap sa alien na si
Rence. Oo alien, kasi ang tunay na Rence ay kinidnap ng mga alien at dinala sa Jupiter. Etong Rence na to ay isang
FAKE! Hindi siya yung dating Rence na nakilala ko!!
Aggressive siya, masungit, tahimik, suplado at aburido sa buhay.
Pero kahit saang anggulo ko siya tignan, lalo na ngayong nag fflair siya… uhmmm ang gwapo pala niya. O///O
_ _ Yeah, yeah, yeah, girl, I wanna, yeah, yeah, yeah
I wanna see you tonight, ooh, yeah
Yeah, yeah, yeah, girl, I gotta, yeah, yeah, yeah _ _
Nakita kong huminto sa pag fflair si Rence at pinatay yung music then tinanggal niya yung shirt niya.
Oh gulay, the abs, the abs!! O///O
Ang sexy ng katawan niya! Parang ang sarap hawakan nung abs niya? O///O
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah!! Ano ba kryzel! Get hold of yourself! Tantanan mo ang kamanyakan diyan sa isip mo!!!
Tumalikod na ko at ready nang bumalik sa kwarto ko para kaharapin ulit ang mga pagsubok na binibigay saakin ng
kulog at kidlat kaso bigla naman nag salita si Rence.
“bat mo ko pinapanood?”
Lumingon ulit ako sa kanya “h-ha? ah, uhmm w-wala.. wala naman. S-sige goodnight”
Tinalikuran ko na ulit siya kaso bigla naman niya akong hinila papasok sa room niya at kinandado yung pinto.
“ah R-r-rence? B-b-bakit?”
Lumapit siya saakin at tinignan ako ng seryoso.
Ulp.. ano na naman to ha? N-naman eh! B-bat ang hilig niya kong ginaganito?!
Bigla bigla na lang niya ako binuhat at inilapag sa kama niya.
“R-rence.. b-bata pa ko >____<”
Bigla siyang napangiti “bata ka pa? eh ginawa na nga natin dati to eh!”
Ay gurabeeee sige ipaalala niya! Ipaalala niya pa yung bagay na pinaka ayokong maalala!!! O///O
Pero teka ibig sabihin may nangyari nga talaga saamin? Ibig sabihin hindi na ko..?
WAAAAAAAAAAAAAAAAH AYOKO! AYOKO! HINDI KO MATATANGGAP TO! BRING MY VIRGINITY BACK!
AYOKO! HINDI MAARI! HINDI PWEDE T___T
“oh bat ganyan ang reaction mo? Don’t tell me hindi mo alam yung nangyari saating dalawa dati?” sabi ni
Rence saakin.
Hindi ko alam kung anon g itsura ng pagmumukha ko. Basta ang alam ko ay ang init init ng mukha ko at gusto kong
sapukin ang gwapong alien sa harap ko! =_____=
Bigla naman siya gumulong sa side ng kama at nahiga sa tabi ko sabay hinawakan ang kamay ko.
“I’m only joking. Wala talagang nangyari satin. Wala akong ginawang masama sayo”
Napatingin ako sa kanya “p-pero b-bat naka under garments na lang ako nun?”
“tinawag ko yung babaeng housekeepr para alisan ka ng damit kasi basa ng pawis. Don’t worry I didn’t see a
thing. Bakit disappointed ka? ” he smirk
“h-ha?! excuse me hindi no!!”
Lokong to! Walangya! Ako pa disappointed samantalang siya nga tong may lihim na pagnanasa saakin?! Kapal ah!
Pero wala talagang nangyari saamin? Sayang! Pwede take two?
JOKE LANG! Mahal ko virginity ko!
“you can sleep here” he whispered
“h-ha?”
“alam ko naman na takot ka sa kidlat at kulog eh” hinila niya ako papalapit sa kanya tsaka niya ako niyakap ng
mahigpit.
He placed my head on his chest kaya amoy na amoy ko yung pabango niya. Tanaw na tanaw ko din yung abs niya.
Nakaka-akit!!
“R-rence? Bakit ba ang dami dami mong alam tungkol saakin?” tanong ko sa kanya.
Nakakapagtaka kasi eh. Parang mataggal na niya akong kilala.
“mahal kasi kita”
Parang halos lumundag yung puso ko sa sinabi niya “b-bakit ako?”
“bakit hindi ikaw?”
“p-pero..”
“pero ano Kryzel? Si Stephen ang mahal mo? Hindi mo kayang mahalin ang tulad ko? Na kahit kelan hindi
mo na magagawang lumingon saakin? Alam ko naman yun eh at hindi ako humihiling na mahalin mo rin ako.
Pero sana Kryzel..” mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya saakin “…sana, hayaan mong mahalin kita. Ito
manlang Kryzel wag mo nang ipagdamot pa saakin ”
Hindi ko alam kung bakit pero halos gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi ni Rence.
Nasasaktan akong isipin na may isang taong nahihirapan ng dahil saakin.
Gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit katulad ng pagyakap na ginagawa niya saakin ngayon pero hindi ko
maigalaw ang katawan ko.
Sana si Rence na lang ang minahal ko, hindi si Stephen.
[Naomi’s POV]
“babes, maluluto na ang dinner natin ha? wait ka lang diyan” Stephen told me habang ang lawak lawak ng ngiti
sa labi niya.
Naiuwi na naman kasi ako sa condo niya. Sobrang lakas ng ulan and it’s beyond impossible na makauwi ako sa
bagyong to kaya no choice ako kung hindi mag stay na naman dito. Dalawang gabi na ko natutulog dito, miss na
miss ko na ang room ko.
Kinausap na naman ni Stephen sila papa, and ewan ko ba pumayag na naman sila. Ano bang sinasabi o pinapakain
ni Stephen kay papa at sa mga kapatid ko at napapapayag niya ng ganun ganun na lang? samantalang ako mag
oovernight lang kila Kryzel kailangan ko pang magpa misa payagan lang nila ko. =______=
Ganyan kasarap ang maging nagiisang babae sa bahay. Bunso pa. I miss mama anne T___T
Tinignan ko ulit si Stephen na kasalukuyang busy sa pagluluto. I am very much aware na magaling siya magluto.
Every lab kasi namin, lagi na lang napupuri ng mga professors ang luto niya at the same time isinasali din siya sa
mga competitions. Napakalaki siguro ng chance niyang maging successful.
Pero isang pagkakamali ko lang mawawala lahat ng yun. Isang maling desisyon kukunin nila si Stephen saamin. . . . .
. saakin.
Yun ang hindi ko kayang mangyari.
Pero bat kailangan pang humantong sa point na kailangan ko siyang saktan?
Mula dati, nung mga highschool pa lang kami, ako na ang laman ng puso niya. Kung tutuusin pala matagal ko ng
napaibig ang cassanova na to.
Kahit walang makeover, kahit mukha akong tibong nerd, kahit hindi ko pa siya nakakausap nor pinapansin. . .
. . . . minahal niya na ko.
Naramdaman kong parang tutulo ulit ang luha ko pero pinigilan ko. Ayokong makita na naman ako ni Stephen na
uumiiyak.
Narinig kong nag ring yung phone ko then chineck ko kung sino tumatawag.
Calling..
Yannie..
Tumingin ako kay Stephen “uhmm Stephen wait lang ha? sasagutin ko lang yung phone ko”
“sure babes, pagkabalik mo ready na ang dinner ” he winked at me
I smiled at him then medyo lumayo layo ako tsaka ko sinagot yung phone.
“Y-yannie, bakit?”
“Naomi, nasan ka ngayon?”
“nandito ako sa condo ni Stephen”
Narinig kong huminga siya ng malalim “Naomi, sorry ha? sorry sa lahat”
“no, you don’t have to say sorry dahil naiintindihan ko kung bakit mo ginawa yun”
“salamat Naomi, salamat talaga. And sorry sorry. Naomi, please be careful. Binabantayan nila ang bawat
galaw niyo. Lalo na si Stephen. It is better na walang alam si Stephen tungkol dito”
“pero Yannie hindi ba mas ok na sabihin natin sa kanya? Para mas hindi na siya masaktan.”
“Naomi, pag sinabi mo sa kanya, itatanong niya sayo kung totoong mahal mo siya. At pag sinabi mong hindi,
maniwala ka, siya pa ang mag rerequest sa kanila na patayin siya”
Nanahimik ako.
May point siya.
“w-wala na bang ibang paraan para hindi ko siya masaktan?” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Yannie.
“ikaw lang ang makakasagot diyan Naomi. Ikaw lang. Pero please, sundin mo kung ano ang tinitibok ng puso
ko. Kung pipilitin mong mahalin si Stephen ng dahil dito, wag mo ng ituloy dahil mas lalo mo siyang
masasaktan”
Bumagsak ang luha ko.
Sa sinabi ni Yannie, parang wala na talagang paraan para maiwasan na to.
After namin magusap, bumalik na ko sa kitchen and nakita kong patapos ng magluto si Stephen.
“babes, halika tikman mo to” sinubuan niya ako nung niluluto niya “what can you say?”
“ang sarap! Sige ikaw na talaga ang the best!”
“syempre full of love yang luto ko ”
Napatitig ako sa kanya then I hugged him
“uh b-babes? B-bakit?”
“wala lang. gusto lang kitang yakapin”
Naramdaman kong niyakap din niya ko “Nami, alam mo ba ang saya saya ko talaga. Madaming nagsasabi na
ang hirap magmahal kasi masasaktan ka lang. pero bat ganito? Puro saya ang nararamdaman ko?”
Stephen… kung alam mo lang, malapit mo nang maranasan ang sakit na sinasabi nila.
At sana pag dumating ang araw na yun magawa mo pa kong patawarin.
Kinabukasan maaga akong umalis sa condo ni Stephen para umuwi at makapagpalit ng school uniform. Inihatid
naman niya ako saamin.
“Stephen, salamat sa paghatid. See you sa school mamaya”
“see you babes ” nag bend siya saakin then he gave me a quick kiss “I love you” nag wave siya saakin then
tuluyan ng umalis.
Napahawak naman ako sa mga labi kong hinalikan niya.
Halik pa lang niya ramdam na ramdam ko na kung gaano niya ako kamahal. Mas lalo akong nahihirapang isipin kung
ano ang mararamdaman niya.
*sigh*
I was about to open our gate ng biglang may humatak ng braso ko. Tinignan ko kung sino.
“Drew?”
“Naomi”
Nagulat ako sa expression ng mukha niya. Seryosong seryoso.
Wait, nakita niya kaya yung hinalikan ako ni Stephen? O__O
“D-drew..”
“Naomi, isang tanong isang sagot, mahal mo pa ba ko?” tanong niya saakin. Halatang halata ko sa tono ng
boses niya na nasasaktan siya.
“m-mahal kita Drew, alam mo yan!”
“then prove it to me! Hiwalayan mo si Stephen! Mag quit ka na sa contract!”
Chapter 38
*His Feelings*
[Drew’s POV]
[A/N: first time magkaka POV si Drew! *tears of joy*]
“good morning Naomi. Wala lang, miss lang kita. Walang pasok ngayon eh. I love you”
I send the message to Naomi then tinago ko yung phone ko. It’s Tuesday morning but considered as holiday ang
araw na to saamin kasi Founder’s day ngayon and lahat sila nag out of town to celebrate. Kaya pati ang mga
estudyante, nag ce-celebrate sa pagtulog hanggang 12 ng tanghali.
Pero ako maagang gumising para pumunta sa school at mag training.
By 8 am nakarating na ko sa school and mukhang wala pa yung mga kateam mates ko at ako pa lang ang unang
dumating.
Kahit kelan talaga ang mga yun pasaway.
Nag punta ko sa locker room para ilagay yung bag ko then nag start na kong mag warm up para naman hindi ako
mainip ng kakahintay sa kanila.
After kong mag warm up, mga hindi pa din dumadating ang masisipag na team mates ko kaya naman nag start na
kong mag laro. Puro lay-up shots lang ang ginagawa ko.
*BOOOGSH*
Napahinto ako bigla ng may narinig akong kalabog na nanggagaling doon sa locker room. Nakita ko sa floor yung
trashcan na nakahiga at may mga kamay na nagtayo nito.
May tao?
Baka yung mga team mates ko na, pero bakit hindi ko naman sila nakitang pumasok?
Hindi kaya magnanakaw?!
Agad akong napatakbo doon sa may locker room
“sino yan?!”
Pinasok ko ito at may nakita akong babae doon na natatarantang ligpitin yung mga tumapon na basura.
“Jeanell?”
Inangat niya yung ulo niya pero agad din niyang iniwas ang tingin niya.
“uhm, s-sorry ” sabi niya saakin then tinalikuran niya na ko.
“Wait!!” I grab her arms “kanina ka pa dito? Gusto mong manuod saakin? ”
Tumango lang siya but I saw her smile.
Sabay kaming lumabas ng locker room and pumunta sa basketball court. Naupo siya sa may bleachers and ako
naman nag start na ulit mag practice.
Ganito kami madalas ni Jeanell. Lagi niya akong pinapanood dati. Yun nga lang dati, may kasaman cheer, ngayon
she’s trying her best to avoid my gaze.
Eversince that day, hindi na naging normal ang friendship namin.
Eversince inamin niya saakin na mahal niya ko.
I know, I have to turn her down because hinihintay ko si Naomi. Mahal ko talaga si Naomi and alam kong handang
handa akong maghintay sa kanya. Kahit maraming beses na akong nasasaktan.
“bakit siya pa ang minahal mo? Bakit hindi ako? Bakit kahit nasasaktan ka na patuloy mo parin siyang
minamahal? Bakit ka pa naghihintay kahit nakikita mong Masaya siya kasama si Stephen? Bakit Drew?
Bakit?”
Ayan ang mga sinabi saakin ni Jeanell nung araw na pinagtapat niya ang nararamdaman niya. Sa totoo lang,
tagustagusan ang mga salitang yun saakin. Tama ang sinabi niya. Nagpapakatanga talaga ako. Pero patuloy parin
ako sa paghihintay
…dahil mahal na mahal ko si Naomi.
Napahinto ako sa pag shoot ng bola then tinignan ko si Jeanell. Agad naman nitong iniwas yung tingin niya saakin.
Jeanell is a very beautiful lady. Hindi lang siya maganda, mabait at matalino pa. Every man’s dream kung baga.
She’s been my friend eversince freshman. Member siya ng pep squad like Kryzel. And to tell you the truth, siya lang
ang nagiisang taong napagkakatiwalaan ko ng lahat, maging ang mga nararamdaman kong hindi ko maipakita sa
ibang tao. Lagi siyang nandiyan sa tabi ko at handang makinig. Siguro kung wala si Jeanell, tuluyan na kong nabaliw
sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Jeanell is like my guardian angel who always there to wipe my tears away.
But in the end, I end up hurting her.
Mahirap para saakin na hindi maibalik ang nararamdaman niya pero hindi ko rin naman magawang pilitin ang sarili ko
na magustuhan siya. Alam kong pareho lang kaming masasaktan lalo na ngayon na si Naomi lang ang babaeng
nagpapatibok ng puso ko.
“Jeanell”
“b-bakit?” sagot niya saakin without looking at my gaze
“sorry”
“para saan?”
“kasi—“
“—kasi hindi mo ko mahal?” inangat niya ang ulo niya then she looked me in the eye “kasi hanggang ngayon si
Naomi parin ang nasa puso mo? Kahit nasasaktan ka, kahit unti-unti kang namamatay sa sakit? No Drew,
you don’t have to pity me. Ilang beses na kong nagmahal at nasaktan. Sanay na ko. Pero please Drew,
maawa ka sa sarili mo. Wag mo ng saktan ang sarili mo, please?” nakita kong may bumagsak na mga luha sa
mata niya “ok lang naman na hindi mo ko mahalin eh, ayos lang. Oo inaamin ko, masakit, pero mas masakit
para saakin ang makita kang nasasaktan ng dahil sa iba ”
“Jeanell..” lalapitan ko sana siya para punasan ag mga luha sa mata niya ng biglang nagsidatingan ang mga team
mates ko. Agad agad naman niyang pinunasan ang luha sa mata niya atsaka umalis palabas ng gym.
Kung pwede ko nga lang diktahan ang puso ko, matagal ko ng ginawa.
[the next morning]
Maaga ulit akong gumising pero ngayon hindi para pumasok kundi para abanggan si Naomi sa kanila at masabayan
ko siyang maglakad papasok ng school.
Halos dalawang lingo ko narin kasi siyang hindi nakikita at hindi rin naman siya nag rereply sa mga messages ko
kaya miss na miss ko na talaga siya.
Naghintay ako doon sa may park malapit kina Naomi ng may nakita akong familiar na kotse na huminto sa tapat ng
bahay nila.
Nagulat naman ako ng lumabas si Stephen doon sa kotse, at sa kabilang side si Naomi.
Teka, bakit sila magkasama ng ganitong oras? It’s still 6 in the morning.
Don’t tell me they’ve spend the night together?
The idea pierced my heart.
At mas lalo na nung nakita kong hinalikan ni Stephen si Naomi. Parang biglang gumuho ang mundo ko.
Pagkaalis na pagkaalis ni Stephen, agad ko namang pinuntahan si Naomi at hinila ang braso nito.
“Drew?”
“Naomi”
Tinignan ko ang mga mata ni Naomi. Bakit ganoon? Dati kada titignan ko ang mga mata niya parang sinasabi nito na
mahal niya ko.
Pero bat pakiramdam ko hindi na ngayon?
“D-drew..”
“Naomi isang tanong isang sagot, mahal mo pa ba ko?”
“m-mahal kita Drew. Alam mo yan!” sagot niya saakin.
Naramdaman kong may halong doubt ang tono niya.
“then prove it to me! Hiwalayan mo na si Stephen! Mag quit ka na sa contract”
Tinignan niya ako sa mga mata at halatang gulat na gulat siya sa sinabi ko.
Umiling siya “no. I-I’m sorry Drew but I can’t ”
“pero bakit Naomi?! Hindi mo ba alam na sa ginagawa mo hindi lang si Stephen ang pwedeng masaktan! Ako
din!” iniwas niya lang ang tingin niya saakin “kasama ba ko sa contract? Sinabi din ba ng contract na kailangan
mo kong saktan ha?! Sumagot ka!!!”
Tinignan niya ako then hinawakan niya ang kamay ko “Drew, I’m sorry ” kasabay noon ay ang pagbagsak ng mga
luha sa mata niya.
I’m sorry? Hanggang doon na lang ba kami?
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko atsaka tumakbo palayo.
Ang sakit. Sobra.
Minahal ko siya ng husto pero bakit ganito ang nangyari? Bakit parang pati Diyos ayaw na maging kami?
Nangako siya saakin. Nangako siya. Pero bakit ganito na ang sitwasyon? Bakit mas pinili niya si Stephen kesa
saakin.
Mahal niya ko pero hindi niya kayang gumawa ng paraan para magkasama kami? Mahal ba talaga niya ko?
Bigla na lang bumagsak ang malakas na ulan kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.
Si Naomi lang ang babaeng iniyakan ko ng ganito. Siya lang din ang babaeng nakapanakit sakin ng ganito. Kasi siya
lang ang nagiisang babaeng minahal ko ng husto.
Mali ako. Dapat una pa lang pinigilan ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Siguro ngayon hindi ako nasasaktan.
“DREW!!!”
May narinig akong mga yabag na papalapit saakin at naramdaman ko na lang na may tao na sa likod ko at
pinapayungan ako. Hinarap ko kung sino to.
It’s Jeanell.
Tinabing ko yung payong na hawak niya.
“UMALIS KA!! AYOKO NG MAKAKAUSAP NGAYON! IWAN MO KO! WAG MO KONG
PAKIKIELAMANAN” sigaw ko sa kanya
“P-pero Drew…”
“HINDI MO BA KO NARIRINIG HA?! @#$@%$@ MAHAL NA MAHAL KO SIYA ALAM MO YUN?! SOBRANG
MAHAL KO SIYA!! PERO BAKIT GANITO?! BAKIT HINDI AKO ANG PINILI NIYA?! SABI NIYA MAHAL DIN
NIYA KO PERO BAKIT HINDI SIYA MAKAGAWA NG PARAAN PARA MAGSAMA KAMI?! @#@$&$&^&
PINAASA NIYA KO SA PANGAKO NIYANG WALA NAMAN KINAHANTUNGAN! ANG SAKIT… ANG SAKIT
SAKIT!”
Binitawan ni Jeanell ang hawak niyang payong
“masakit…” sabi niya saakin “oo masakit! MASAKIT! PAKSHET NA BUHAY TO!!! BAKIT NIYA SINAKTAN ANG
TAONG PINAKA INIINGATAN KO?! BAKIT YUNG LALAKING MAHAL KO UMIIYAK NG DAHIL SA KANYA?!
ANG SAKIT NGA! ANG SAKIT SAKIT! PARA AKONG SINASAKSAK! DREW! BAKIT HINDI NA LANG AKO?!
BAKIT SIYA PA?!” biglang yumakap saakin si Jeanell. Ako naman halos hindi makapag salita dahil sa gulat ng pag
sigaw niya “..drew, kung pwede lang na kunin ko lahat ng sakit na nararamdaman mo para ako na lang ang
masakta. Kung pwede lang na lumuhod ako sa harap ni Naomi at makiusap sa kanya na ako na lang ang
saktan niya mataggal ko ng ginawa. Drew, please naman, stop torturing yourself kasi ako din nasasaktan eh.
Mahal na mahal kita.”
Inalis ko sa pagkakayakap si Jeanell then I leaned forward and started kissing her.
The moment that our lips met, narealize ko..
…ayoko ng masaktan pa.
Chapter 39
*stalkers*
[Naomi’s POV]
I flinched at the sight of Drew’s painful expression.
Yung nararamdaman niya, nararamdaman ko rin. Yun nga lang mas masakit siguro sa part niya.
Nahiga ako sa kama then I stared at the ceiling habang tuloy tuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko.
Ano na ba ang nangyayari? Bakit ba ako umabot sa ganitong sitwasyon? Parang ewan lang eh. Pagkagising ko
isang araw kailangan ko ng paiyakin ang ultimate cassanova, umamin saakin na mahal ako ng taong mahal ko,
nalaman kong nasa panganib ang buhay ni Stephen, may umepal na mga anak ng mafia sa story, at iniwan ako ng
taong mahal ko.
Walanjo, totoo pa ba lahat to? Parang hindi na eh! Mas makatotohanan pa kung ipapatapon ako sa Bermuda triangle
at mapapadpad sa liliput island at makakakilala ng maliliit na tao. =_____=
I want to use avada kedavra curse on myself. >___<
Dati naman simple lang ang buhay ko. Wala akong ibang ginawa kundi maglakwatsa kasama si Kryzel, magbasa ng
stories ni Haveyouseenthisgirl, alagaan si Hotdog, makipag asaran sa mga kuya ko, at tumambay sa basketball court
para silayan si Drew.
Simple lang, walang excitement. Pero masaya ako.
Hindi katulad ngayon. Ang daming nagbago. Gumanda nga ako, pumanget naman buhay ko. I want my nerd look
back. I want my simple life back.
I want him back.
Hindi na ko pumasok sa school at nag mukmok na lang sa bahay. Sinabi ko na lang kila papa na masama ang
pakiramdam ko. Hindi narin sila nagtanong ng kung ano pa.
Nung gabi, bumaba lang ako para mag dinner then nagkulong na ulit ako sa kwarto ko. Hindi rin ako makatulog.
Buong gabi lang akong nakatitig sa kisame habang umiiyak.
Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala si Drew saakin ng ganito na lang.
The next morning, pumasok ako sa school ng lutang ang isip. Kailangan kong makausap si Drew at sasabihin ko sa
kanya lahat ng nararamdaman ko. Bahala na si batman kung anong mangyari. Maniwala man siya or hindi, basta
kailangan kong sabihin sa kanya na siya ang mahal ko.
Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako.
Paano si Stephen?
Arrrggghhhh nakakabaliw!! Ayoko na! ayoko na talaga! Sinong kulangot ang nagsabi na napaka swerte ko dahil
mahal ako ng dalawang papables?! Anak ng kwatong! Anong ka-swerte swerte dito?! Kulang na lang umakyat ako sa
tuktok ng eiffle tower atsaka tumalon eh! T__T
Ayoko na!!
“Drew, pupunta ka na ba sa court?”
“yeah”
“sige sabay na ko sayo”
Napatago ako sa gilid ng mga locker nung makita ko si Drew kasama yung isang girl, na kung hindi ako nagkakamali
eh kasamahan ni Kryzel sa pep squad.
Sabay silang naglakad paalis. Sinundan ko naman sila hanggang sa pumasok sila sa gym.
Kung kausapin ko na kaya si Drew ngayon?
Tama! Tutal hindi pa naman nag start yung practice, siguro ito na ang tamang oras.
Lalapitan ko na sana si Drew ng mapahinto ako.
Nakita ko si Drew na nakaluhod sa harap nung girl na kasabay niya and tinatalian niya ito ng sintas. After niyang
talian, naupo ito sa tabi niya then yung babae naman, pinunasan yung pawis sa noo ni Drew.
Nagtago ako bigla sa gilid ng door ng gym.
They looked like a sweet couple there. For a second, nakaramdam ako ng matinding selos.
Ewan ko ba kung nagiging malicious lang ako but nasaktan ako sa nakita ko.
What more yung naramdaman ni Drew nung nakita niyang hinalikan ako ni Stephen? Mas matinding sakit?
Tinignan ko ulit silang dalawa and nakita kong masaya silang nagkukwentuhan. Drew is wearing a bright smile on his
face.
Masaya ba siya na kasama yung babaeng yan?
Ang sakit isipin.
Habang nakatitig ako sa kanilang dalawa, narinig kong may kumanta ng famous song ni Imelda Papin
“Kung liligaya ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya”
Ganun ba talaga yun? Nakahanap agad siya ng iba. Ganun ba kadaling itapon yung sinabi ko sa kanya na mahal ko
siya?
“Tututol ba ako kung kagustuhan mo?”
Pero anak ng pagong ano pa ba magagawa ko? Kung sasabihin ko bas a kanya ang lahat may magbabago ba?
Wala naman di ba?
“Sapat na ang minsa'y minahal mo akoooooooooooo” *piyok*
Tama, siguro sapat na mi----teka nga? San nanggaling yung piyok? Bat pumiyok yung kumakanta ng background
music ko?
Lumingon ako sa likod ko kung saan nanggagaling yung kanta at nakita ko si France na nakatayo sa likod ko at may
hawak ng isang box ng tissue paper.
“sorry bakla di carry ng boses ko yung boses ni Imelda Papin eh! Pero ang gandang pang senti no? oh eto
tissue gusto mo? ”
Tinignan ko ng masama si France “nangaasar ka ba ha?!”
“ay hindeee ” tinignan niya ko ng painosente look the tumingin siya kina Drew “uyy oh new love team na yan! Ibig
sabihin kay Stephen ka na! yehey! Stephen _ Nami forevah!! ”
Hindi ko pinansin si France and naglakad na lang ako paalis. Hinabol naman niya ko.
“uy bakla ano na! kay Stephen ka na kasi. Tignan mo mas maraming may Gusto sa Stephen_Nami kesa sa
Drew_Naomi!”
Huminto ako sa paglalakad and tinignan si France “oo na! marami na! Kung pwede nga lang eh edi go na ko,
kaso hindi”
“at bat naman hindi pwede aber?”
“eh kasi” I placed my hand on my chest “si Drew ang laman nito. Kahit pagbalibaliktarin ko ang nararamdaman
ko si Drew ang mahal ko. Malinaw pa sa sikat ng araw. ”
Tinignan lang ako ni France then huminga siya ng malalim “hay sige na nga bakla. I understand you. Ako ang
magiging cupid mo for today”
“Cupid? Wait di ba lalaki si cupid hindi bakla? ”
“ay bruha! Ikaw na tutulungan manlalait ka pa! kaimbyerna ha! sige bahala ka diyan sa buhay mo!”
“uy joke lang” hinila ko ang braso ni France “help me please?” nag beautiful eyes ako.
Hmmm siguro wala naman masama kung magpapatulong ako sa baklang cupid na to no? Pasensya na desperada
na talaga ko. Kahit patalim kakapitan ko for the sake of my love. =_____=
“hay France ang gwapo talaga ni Drew kahit saang anggulo ko tignan. Tignan mo oh, pang model ang mukha
at katawan. Hindi ako makapaniwala na ang isang mala Adonis na tulad niya ay minahal ang isang tulad
ko” sabi ko kay France habang nakatingin ako kay Drew na kasalukuyang nakasandal sa may restroom.
“oo nga yummy. Pak na pak!”
Napatingin ako kay France at nakita kong nakatingin siya doon sa poster nung lalaking naka underwear sa Bench.
Binatukan ko nga
“aray bakla! Yung brain cells ko naalog! Bat ba bigla bigla kang nambabatok?!” T___T
“eh kasi naman ano ba talaga ang pakay natin dito ha?! ang gawin yung step 1 nang oh so brilliant plan mo
to bring Drew back to me or mag sight seeing ng mga posters ng lalaking naka underwear?!”
“eto naman! napatingin lang ako bigla doon no! pero di ba model ng bench ang kuya mo? May poster din ba
siya ng naka underwear lang?” malanding tanong ni France saakin.
Ang harot harot ng baklang to. Bakit sa kanya ko ba naisipan magpatulong =____=
“Fransisco Juan, gusto mo bang isumbong kita kay Yannie at pinagnanasahan mo ang boyfriend niya?”
“eto naman! parang nagtatanong lang eh! Ay the bruha is coming!!” tinuro ni France yung side na kinatatayuan
ni Drew at nakita kong palabas ng rest room si i-don’t-know-her-name.
“Drew sorry ha napaghintay kita. Mahaba ang pila eh”
“it’s ok Jeanell, so let’s go?”
She smiled then naglakad na sila paalis.
“ok, so Jeanell pala ang name niya” sabi ni France habang sinusulat ito sa tickler niyang hello kitty ang design at
color pink.
Nasa mall kami ngayon para sa plano ni France na tinawag niyang “Getting Drew Back to Naomi” Operation. At ang
step number one ay know your competitor. Kaya ito, nag mistulang mga stalkers kami dito para makasagap ng
enough information kay Jeanell.
KASO MALAY KO BANG MAY DATE SILA NI DREW?!
Para kong tino-torture sarili ko nito eh. >_____<
“oy bakla wag ka na sumimangot diyan! Paalis na sila oh!” kinaladkad naman ako ni France at patago silang
sinundan.
Nakita namin na pumasok sila sa Starbucks kaya kami rin nakasunod sa starbucks.
Umupo kami sa table malapit sa kanya. Good thing madaming pang disguise itong si bakla. Ewan ko lang kung saan
niya ginagamit. Siguro madalas niya i-stalk ang mga papa niya.
“Jeanell, ano gusto mo?”
“coffee jelly na lang”
“ok then, order lang ako ha?”
“sure”
tumayo si Drew and nagpunta na sa counter.
Nilabas ni France yung tickler niya and he scribbled something.
“she ordered coffee jelly”
“importante pa ba ilista kung ano ang inorder niya? ”
“oo naman no! para makita kung gaano ka panget ang taste niya!”
“favorite ko rin ang coffee jelly” =____=
“ay ganun? Di mo naman agad sinabi saakin bakla!” kinuha niya ulit yung tickler niya at nag sulat“pareho sila ni
Naomi na favorite ang coffee jelly”
Talaga bang importante pang isulat niya na pareho kami ng favorite?
Nung makabalik si Drew, si France naman ang tumayo para umorder. Maya-maya lang din, bumalik na si bakla.
“oh ano Naomi, may something na ba silang pinagusapan?”
“Wala pa naman”
“good!”
Tumingin kami sa dalawa at tinalasan ang pandinig doon sa mga pinaguusapan nila.
“thank you Drew ha? for askin me out.. kahit na, alam mo na..”
“ano ka ba! Wala yun no! tsaka best friend naman kita eh” sagot ni Drew
“bestfriends sila?” sabay naming sinabi ni France ng pabulong
“uhmm, sorry ha? kung iniiwasan kita” sabi ni Jeanell
Teka iniiwasan? Bakit? Ano meron sa kanila? Ano? I’m curious!
“ano ka ba! Hayaan mo na yun. Tsaka wag na nating pagusapan. How about let's watch a movie after this? ”
“s-sure!”
Manunuod sila ng movie?
Hindi pa namin nagagawa ni Drew dalawa yun.
“ay bakla kaimbyerna ah! Di ako maka relate sa pinaguusapan nila! Tsaka grabe dumamoves itong si Drew,
sine agad? Madilim doon!”
“ang dumi ng isip mo France!”
“why? Wala naman akong sinabing iba! Ang sabi ko lang madilim sa loob ng sinehan! Bakit hindi ba? ”
“one Coffee jelly and one chocolate chip for Bubbles” sabi nung barista
“ay ako na yan! Wait lang bakla” tumayo si France at nagpunta doon sa counter para kunin yung order niya.
Bubbles?! Ewwwww. Kelan pa siya naging Bubbles?
After ng starbucks, pumasok sila sa Bench kaya nakasilay na naman si France doon sa poster ng lalaking naka
underwear.
“pumasok sila sa Bench” France scribbled on his tickler.
Nandun lang kami ni France sa labas ng Bench at nag aabang sa kanila. Pinanuod ko si Jeanell at si Drew.
Nagtatawanan silang dalawa habang tumitingin ng damit. May itinatapat si Jeanell sa kaatwan ni Drew na damit
pangbabae, tapos naman si Drew tinatapatan si Jeanell ng damit panlalaki.
Ang saya saya nilang tignan.
Kung tutuusin yung mga bagay na ginagawa nila ay mga bagay na hindi namin magawa ni Drew. Yung mga bagay
na yun, kayang ibigay sa kanya ni Jeanell, samantalang ako hindi.
Si Drew, alam kong hindi siya magiging masaya habang nakatali siya saakin. Masasaktan at masasaktan ko lang
siya.
Siguro tama na rin to? Tama na bitawan ko muna siya.
Tinignan ko ulit sila and kasabay ng pagtingin ko ay ang pagtingin ni Drew saakin.
Our eyes met and pareho kaming gulat na gulat.
Napasandal ako bigla sa wall
“F-france! H-he saw me! Drew saw me!” O__O
“what?!”
Nakita kong palapit saamin si Drew kaya agad kong hinila si France patakbo.
“Naomi?” narinig kong sabi ni Drew.
“waaaah bakla bat ka naman kasi nagpakita ha!”
“malay ko bang lilingon siya sa direction ko!”
Napahinto kaming dalawa ni France dahil dead end na at nasa kabilang dulo yung escalator. Pag tumakbo kami
pabalik, makikita nila kami. Waaaaah ano ba to! Sabi na eh suicidal mission ang pinasok ko!! T___T
Nakita kong parating na si Drew at Jeanell. Juskooo bahala na si batman sa gagawin ko, pero wag sana kong
mapunta sa hell. Lord, patawarin niyo ko. Magkakasala ako.
Hinila ko si France atsaka ko isinandal sa pader
“o-oy bakla! Ano balak mo ha?!” O___O
Idinikit ko ang mukha ko kay France at nagpanggap na hinahalikan siya. Pero oy! Di nag dampi labi namin ha!
Mandiri kayo! =____=
Ay tokwa ano ba tong ginagawa ko? Nasusuka ako!
“Naomi! Lumayo ka hindi tayo talo! Lalaki din ang hanap ko!”
“manahimik ka diyan France! Kunyari naghahalikan tayo! Palapit na sila!”
“hindi ka ba nandidiri?!” O____O
“hindi, hindi ako nandidiri… Nasusuka lang!” =____=
Narinig ko yung mga yapak nila.
“sure ka bang si Naomi ang nakita mo?” dinig kong sabi ni Jeanell
“oo hindi ako pwedeng magkamali.”
“ay tofu eto na sila! Yakapin mo ko!” pabulong kong sabi kay France
“paano? Ganito ba?” he put his arms around my neck. Ako naman sa waist niya.
Ay tofu! Kung titignan niyo parang ako ang lalaki saaming dalawa. Naiimagine niyo ba? Ako ayoko ng imaginin,
nasusuka ako.
“oh may naghahalikan, wag tayo dito” sabi ni Drew
“grabe namang PDA yun” sabi naman ni Jeanell.
Naramdaman kong palayo na sila kaya humiwalay narin ako kay France.
“grabe bakla, next time na gusto mong magtago wag mo nang magawa saakin yun! Hindi ko pinangarap na
mahalikan ulit ng babae! Ewwww talaga ewwww!”
“excuse me no! parang gusto ko naman yung ginawa ko! Kung alam mo lang kung gaano ako kinilabutan!”
“hmp! Tara na nga at sundan na natin sila!”
Hinila ako ni France kaso hindi ako gumalaw “ano, France..wag na.”
“ha? ano ka ba! Hindi na tayo mahuhuli!”
“hindi yun. I mean, tignan mo ang saya-saya na ni Drew. Ayoko na siyang guluhin ngayon. Siguro mas
maganda kung mag uusap na lang kami ng maayos”
“sure ka ba diyan te?”
I smile at him then kinuha ko yung phone ko.
I typed “let’s talk” and send it to Drew.
Chapter 40
*Last Hug*
[Naomi’s POV]
“surelalu ka na ba diyan sister? As in ready ka na? bawal na mag bago ang isip?” tanong saakin ni France
habang nakatambay kami sa Dairy Queen at kumakain ng ice cream.
“oo nga France, sure na Sure na sure. .”
“hay, ayoko na nga mainlove. Sakit sa puso eh. Forever na lang ako lalandi”
“France.. naisip ko lang..” sabi ko sabay subo ng ice cream
“ano yun?”
Tumingin ako kay France “sana maging lalaki ka na lang tapos tayo na loveteam”
Halos mabilaukan naman si France doon sa sinabi ko “ay kaimbyerna ka ah! Pasalamat ka at broken hearted ka!
Kung hindi baka nasabunutan na kitang bruha ka! Hoy para sabihin ko sayo bakla, never akong magiging
lalaki! Babae ako sa puso’t isipan! Mas malandi at mas mapilantik pa ko sayo kaya don’t you even dare… ay
wititit! Baka gusto mong mag planking dito ng di oras!”
“ayaw mo talaga? Palagi kang nasa bahay namin pag nangyari yun. Lagi mong masisilayan ang mga kuya
ko. Tapos pag nag overnight ka syempre di naman pwede na tabi tayo kaya syempre pwede ka maki-room sa
isa sa mga kuya ko.”
Nakita kong nag ningning ang mga mata ni France “on the second thought” umubo siya then pilit pinalaki ang
boses, yung pang machong boses “tara date tayo babes”
Hinampas ko si France “anak ng tokwa kinikilabutan ako! Brrrr di bagay france! Wag na wag mo nang
subukan! Beki ka na forever! Tanggapin mo yan!!”
Biglang ngumuso si France “eh kasi naman eh, enge na lang kahit isang brief ng kuya mo?”>___<
Walanjo mo tong baklang to! Plano pa manyakin mga kapatid ko!
But infairness, thankful parin ako kasi si France ang kasama ko ngayon. Dahil sa kalandian ng baklang to nawala
kahit papaano yung sakit na nararamdaman ko sa gagawin ko.
Bukas, everything will come to an end.
Siguro kung ano man ang kahantungan, si God na ang bahala saamin.
[Bistro]
Pumasok ako sa loob at huminga ng malalim. Usually pag ganitong araw normal lang akong pumapasok sa bistro.
May nakapasak na headset sa tenga ko at pinapakinggan paulit-ulit yung kanta na kakantahin ko. Pero ngayon hindi
ako makapag concentrate.
Doon ako dumaan sa back duct ng bistro then agad kong binaba yung guitar na dala-dala ko.
“best” lumapit si Kryzel saakin then tinapik niya ang balikat ko “h-he’s here. Nasa may bar counter”
I nod “thanks best”
Naglakad na ko papunta ng bar counter ng tawagin ulit ako ni Kryzel “b-best..” she told me with a worried
expression on her face
I smile “I’m ok, don’t worry”
Nakita ko agad si Drew na nakaupo doon sa isa sa mga bar stools. Lumapit ako sa kanya then naupo sa tabi niya
“hi”
“hello”
Errr awkward
“uhmm k-kamusta na?” I asked him
“eto ayos lang”
“oh I see.”
Ano ba tong pag uusap na ito. Walang kahahantungan.
“ano..” me and Drew both said in unison
“ikaw muna” sabay ulit namin sinabi
“sige ako muna” at sabay ulit namin sinabi
Nagkatinginan kami at parehong ngumiti.
“ikaw na muna” sabi ni Drew
“uhmm kasi” huminga ako ng malalim “k-kayo na ba ni Jeanell?”
“oh her? No. she’s my best friend though I know na may gusto siya saakin. Pero hindi kami. Hindi pwedeng
maging kami kasi ikaw ang mahal ko at ayokong gawin siyang panakip butas”
“Drew.."
“but to tell you the truth, kada kasama ko siya masaya ako.”
Boom. Ang sakit.
“Drew, m-mahal kita”
He sighed “but you choose Stephen”
“may dahilan lahat. Kung pwede lang akong kumawala sa contract ginawa ko na, kaso hindi. Siguro ngayon
hindi mo maiintindihan ang ginawa ko. Pero Drew sana maniwala ka sakin, ikaw ang mahal ko. Alam mo ba
Drew, sobrang saya ko dahil minahal mo ko, kahit nung dati pa na mukhang tibong nerd ako. Pinaramdam
mo saakin kung paano mahalin ng taong mahal mo. Ang sarap sa pakiramdam. Siguro maswerte na rin ako.”
He looked at me “Naomi, bakit mo sinasabi saakin lahat ng bagay ng to?”
Lumunok ako just to restrain myself from crying “dahil mahal kita, at ang kaligayahan mo ang pinaka
mahalagang bagay ngayon para saakin. D-drew, I am letting you go.”
Tinignan niya ako ng matagal. Walang nag sasalita saamin. Kahit ako hindi ko na alam ang sasabihin ko, nabitawan
ko na ang mga salitang pinaka ayokong bitiwan.
Pero ngayon, ayoko ng magpaka selfish. The more na hahawakan ko si Drew, the more na mahihirapan siya.
“s-siguro nga. Tama narin na itigil muna natin to. Actually, eto rin ang plano kong sabihin sayo”sagot niya
saakin after a long silence
Parang gumuho ang mundo ko.
“k-kung sakaling matapos ko ang contract, p-pwede parin kaya tayo?” sabi ko sa kanya habang pinipigilan ko
ang mga luhang gustong lumabas sa mata ko.
“walang kasiguraduhan. Pero kung tayo, tayo talaga”
Medyo napangiti ako “alam mo bang masyadong gamit na ang line na yan? But still, naniniwala ako”
“But do you believe in destiny?”
“destiny? Not really. I do believe in free will” sagot ko sa kanya
“free will? Parang mas gusto ko yun” he smiled “kung gusto pa natin na maging tayo after ng contract, then
let’s give our relationship a second chance”
I nod “Drew, be happy”
“I will. You too, Naomi”
Tumayo na siya sa may barstool kaya tumayo narin ako “so this is goodbye then?” sabi ko sa kanya
“Naomi, can I hug you?”
I nod then niyakap niya ako ng mahigpit. I hugged him back habang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na wag
akong iiyak. Ayoko, ayokong umiyak sa harapan ni Drew.
Kung pwede lang sana na pahintuin ang oras ginawa ko na. Mahigpit ko siyang niyakap kasi walang kasiguraduhan
na mayayakap ko pa ulit siya ng ganito.
Mahal ko siya, sigurado ako, kasi kung hindi, hindi naman ako masasaktan ng husto ngayon. Ayokong pakawalan
siya, pero umabot na sa point na hindi na kami pwedeng magpatuloy. Kung ipipilit ko pa, pareho lang kami
masasaktan.
Humiwalay na si Drew sa pagkakayakap saakin then he kissed my forehead.
“mag iingat ka palagi” tinalikuran na niya ako then lumabas na siya sa bistro.
Ako naman, pumasok na ulit sa busstand para mag handa dahil malapit na akong kumanta. Agad akong sinalubong
ni Kryzel
“Naomi, ok ka lang ba?”
I tried my best to smile “o-oo naman! s-sige kakanta na ko”
“uhhmmm pwede ka mag leave ngayon”
“no, sayang naman yung kita”
“best!”
“I’m ok, I swear” kahit alam kong gustong gusto ko na umiyak.
Umakyat na ko sa stage then inayos ko na yung guitar ko. I greeted the guests then I start stramming my guitar
“We often fool ourselves
And say that it's love
Only cause when it's gone We end up being lonely
So how are we to know That it just isn't so
That we just have to let each other go”
Siguro nga mukha akong ewan dito. Para kong tinotortue ang sarili ko. Naiiyak na nga ako eto pa ang kinakanta ko.
Napaka masokista ko talaga.
“There were many times
When we shared precious moments
But later realized they were only stolen moments”
Naalala ko lahat ng times na magkasama kami ni Drew. Kung tutuusin isang beses nga lang kami nakalabas na yung
talagang tatawagin mong ‘date.’ Isang araw lang yun, isang nakaw na sandali, but still, ang saya saya ko nung mga
panahon na yun. Nakakalungkot lang dahil malaki ang possibility na hindi na maulit ang pagkakataon na yun.
“So how are we to know That it just wasn't so
That we just had to let each other go
If loving you is all that means to me
When being happy is all I hope you'd be
Then loving you must mean
I really have to set you free”
Siguro nga hindi ako nagkamali ng desisyon. Gusto ko ngayon ay yung sumaya siya. Pero anak ng crocodile naman
eh, bat ang sakit sakit? Bakit ba gustong gusto ko magpaka selfish ngayong mga panahon na to. Gusto ko siyang
habulin at magmakaawang balikan ako. Pero mali at alam kong hindi ko magagawa yun.
“Each day remains my love for you
Keeps growing stronger But everytime we meet
Makes leaving you so much harder”
Malamang, pag nakita ko ulit si Drew, or kahit makasalubong lang siya, yung bwisit kong puso gugustuhin na naman
siyang makasama. Siguro mas maganda kung hindi muna kami magkita. Kasi alam ko na the more na magkikita
kami, the more na mararamdaman namin ang sakit.
“So how are we to know That this just wasn't so
That we just have to let each other go
If loving you is all that means to me
When being happy is all I hope you'd be
Then loving you must mean
I really have to set you free
Letting go is not an easy task
When smiling feels like
I must wear this lonely mask”
I know it’ll be hard on my part to give a ‘true smile’ again after what had happened. Hindi ko alam na dadating pala
ang araw na kahit sarili kong kaligayahan kailanganan kong pekein.
“It hurts deep inside”
Sobrang sakit to the point na gusto kong tanggalin ang puso ko para matapos na to. Kung pwede nga lang na
maging bato na lang ako ginawa ko na eh.
“And I just cannot hide
That there's anguish at the thought
That we should have to part”
Oo aminado ko, may part saakin na pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Hindi ko maisip na gigising ako kinabukasan na
wala ng Drew na nag aantay saakin. Nakakabaliw. Hindi ko expected na magkakaganito ko dahil sa isang lalaki. Dati
natatangahan ako sa mga taong nagpapakamiserable dahil sa tokwang pag-ibig na yan. Ngayon alam ko na kung
gaano kasakit.
“If loving you is all that means to me
When being happy is all I hope you'd be
Then loving you must mean
I really have to set you free
If loving you is all that means to me
When being happy is all I hope you'd be
Then loving you must mean
I really have to set you free”
After that song, alam kong hindi ko na kakayanin pang kumanta ng isa pa kaya bumaba na ko agad sa stage. Nakita
ko naman na nakaabang saakin si Kryzel, France at Yannie. Nung makalapit ako sa kanila, agad nila akong niyakap.
“ano ba kayo, ok lang ako” sabi ko sa kanila, pero hindi ko narin napigilan pa ang sarili ko, bigla na lang akong
humagulgol ng iyak habang yakap yakap nila ako.
Nararamdaman ko rin na naiiyak na sila. Walang nag sasalita saamin, pero alam kong dinadamayan nila ang
nararamdaman ko.
“bakla sige na payag na kong maging ka love team mo” sabi ni France habang maluha luha
Medyo napatawa ko “gaga, edi ginahasa mo ang mga kuya ko”
Nagiyakan at nagtawanan kaming apat doon na parang sira. Inilabas ko lahat ng luha na pwede kong mailabas sa
katawan ko. Para kaming sirang iyak tawa gawa ni France.
Pero kahit papaano, nabawasan lahat ng bigat ng loob na nararamdaman ko.
I thank God for giving me friends like them.
Sa ngayon, masakit. Pero alam ko makaka move on din ako. Madaming taong nakapaligid saakin na pwedeng
tumulong na makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.
Pero alam ko, simula ngayong araw na to, ibibigay ko na lang muna lahat ng attention ko para maprotektahan si
Stephen.
Chapter 41
*Mr. Abs *
*part 1*
[Naomi’s POV]
“best sure kang ok ka na ha?”
“oo naman best. Ako pa!”
Hinawakan ni Kryzel ang kamay ko “kung alam ko lang sana na ganito ang kahahantungan ng lahat, hindi na
sana kita pinilit dati. Best sorry talaga, sorry”
“ano ka ba! Kung hindi mo ginawa to siguro matagal ng pugot ang ulo ni Stephen”
Medyo natawa si Kryzel “kung sabagay.. yung isa rin naman kasi na yun eh, napaka babaero”
Oo nga pala, alam narin ni Kryzel yung about sa mafia thingy. Sinabi na namin nila Yannie sa kanila and medyo
gumaan din ang pakiramdam ko nun kasi kahit papaano alam kong wala na kong nililihim kay Kryzel.
Sinabi din niya saakin na may nararamdaman pa siya kay Stephen, but I do not need to worry kasi lately parang
nawawala narin yung nararamdaman niya kay Stephen, sa di daw malaman na kadahilanan.
Si best talaga, may pagkamanhid. Sana maidentify niya na na yung ‘hindi malamang kadahilanan’ na yun ay si
Rence. Pagka talagang nagkatuluyan ang dalawang yan mag papaparty ako! Itaga niyo yan sa tyan ng crocodile!
“oo nga pala best, magiingat ka doon sa mga babaeng yun ha? kinakabahan talaga ako sa sitwasyon niyo ni
Stephen”
“ano ka ba best! Masamang damo kami, lalo na si Stephen. Di kami agad agad mamamatay. Tsaka sabi rin
naman ni Yannie na marunong tumupad sa kasunduan ang mga yun. Pinapahalagahan nila ang pangako.
We’ll be fine”
“sana mainlove ka na kay Stephen”
“naku ewan ko lang best” we both laughed then nag paalam narin saakin si Kryzel
“see you later Naomi! Ingat”
“same here!”
She waved then naglakad narin doon sa opposite way. Ako naman dumiretso sa locker room para kunin yung chef’s
uniform ko.
*sigh*
Nakakaasar naman na puso ito oh. Hanggang ngayon ayaw parin tumigil sa pagsakit. Parang may naglalagare sa
puso ko eh. Alam niyo yung unti-unting nahahati sa dalawa?
Inaamin ko hanggang ngayon masakit parin. Sino ba naman ang makakapag move on lang within overnight? Wala
naman di ba? Inaamin ko na nanghihinayang din ako para saamin dalawa. Mahal ko si Drew, pero alam ko hanggang
doon na lang yun.
Medyo gumaan kahapon nung naiiyak ko lahat ng sama ng loob ko kina Kryzel. Pero nung napagisa ako ulit, bumalik
na naman lahat ng sakit. Ang hirap pala ng ganito. Sa totoo lang kung may magagawa nga lang ako para hindi
bitawan si Drew ginawa ko na. Kaso alam ko kailangan ko na siyang pakawalan.
But if second chance was given to the two of us…
“Naomi” lumingon ako sa tumawag saakin and saw Jeanell
“Jeanell” I smiled at her
“Naomi,” bigla bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at nagulat ako nung makitang paiyak na siya “k-kung
ano man yung nangyari sa inyo ni Drew please, I am begging you, kalimutan mo na”
“ha? ano ibig mong sabihin?”
“k-kung may nagawa siyang hindi maganda, patawarin mo na siya. He’s in pain right now and alam kong
ikaw lang ang makakapagpasaya sa kanya. Naomi please balikan mo si Drew, I am begging you” she looked
at me with an eyes full of tears
Nilapitan niya ako para sabihin ang mga bagay na yan?
Alam mo ba ang gusto kong gawin ngayon? Gusto ko siyang sigawan at pagmumurahin. Gusto kong sabihin sa
kanya na ang bobo bobo niya! Ayan na, libreng libre na si Drew! Bakit kesa nandun siya at nagttake advantage sa
sitwatsyon ni Drew nandito siya ngayon at nagmamakaawa saakin na balikan ko si drew?! Mahal niya si Drew for
pete’s sake! Pero bakit sinasabi niyang gusto niyang balikan ko si Drew!
Nakakainis!
She’s so…
..selfless
I smiled at her “hay nakaka insecure ka alam mo yun?”
“h-ha?”
“alam mo ba” nilapitan ko siya then hinawakan sa magkabilang braso “mahal na mahal mo si Drew higit pa sa
pagmamahal ko. Ayun ang nakaka insecure”
She looked away “what are you saying? Eh ikaw naman ang mahal ni Drew. T-tsaka wag mong ibahin ang
usapan. Please naman Naomi, maawa ka kay Drew. Nasasaktan na siya. Please.. please..”
“masakit alam mo ba?” humawak ako sa chest ko “ang sakit sakit dito na malaman na nasasaktan ko si
Drew, kaya nga pinalaya na namin ang isa’t isa”
“p-pero..”
“Jeanell, kung merong tao ang makakapagpasaya sa kanya, tingin ko ikaw yun. Please be there for him.
Gawin mo ang mga bagay na hindi ko nagawa sa kanya. Mahalin mo siya ha? and don’t ever hurt him.
Masyado ko na siyang nasaktan at ayokong may manakit ulit sa kanya. Please?”
“N-naomi, p-paano ko gagawin kung ikaw ang mahal niya?”
“ako nga ang mahal niya but he told me na sayo siya masaya”
Biglang natigilan si Jeanell sa sinabi ko “h-he told you that?”
I smile then tumango ako “take good care of him for me please?” I whispered on her ears then umalis na ko.
Siguro nga, huli na ang lahat.
Lalo na ngayon nakakita na ko ng taong mas magmamahal kay Drew ng higit pa sa kaya kong ibigay.
Dumiretso na ako sa comfort room para magpalit ng chef’s uniform. 6 hours laboratory kasi kami ngayon at talaga
namang bangag na bangag ako. Paano ba naman wala akong tulog kagabi kakaiyak. Mukha na ngang kinagat ng
isang milyong ipis ang mata ko sa sobrang pagka maga eh. Sana naman walang makapansin, lalo na si Stephen.
Kung hindi patay talaga pag nagtanong siya. Wala akong maidadahilan.
Lumabas na ako ng comfort room right after kong makapag palit. Agad ko naman nakita si Stephen sa may labas ng
laboratory. Lumingon siya saakin then naglakad palapit
“hey babes”
Halos malaglag ang panga ko nung makita kong naka unbuttoned yung chef’s jacket niya and wala siyang under shirt
kaya yung abs niya eh kumakaway saakin.
Ay ampupu itong lalaking to. Bakit ba napakalaking temptation niya sa mga babae ha?! Tapos yung way pa niya ng
paglalakad papalapit saakin eh akala mo ramp model ng underwear. Tapos yung itsura pa niya parang
nagsusumigaw ng ‘come and get me’.
Ay juskooooooooo papatayin mo ko ng maaga Stephen!! O//O
*sampal sa sarili* maghunos dili ka Naomi! Broken hearted ka ngayon! Kaka let go mo lang sa love of your life
nakukuha mo ng maakit sa katawan ng ibang lalaki?! *sampal sa sarili* wag kang malandi!
Ehhh kasi naman si Stephen eh, nakaka manyak ng isipan! >___<
“babes kanina pa kita hinihintay! I miss you” sabi sakin ni Stephen
“hi Naomi! You can touch me if you like” sabi naman ng abs ni Stephen
Err ok lang kaya na hawakan ko ang abs niya?
“pwedeng pwede” sagot ng abs ni Stephen
Ay jusko nawiwindang ako
“babes? Yuhoo? Ok ka lang?”
“Stephen Cruz please button your chef’s jacket now!!” kung ayaw mong halayin kita
“ha? bakit naman?”
“eh basta!” nakasalalay dito ang virginity natin pareho
“babes?” nilapitan niya ako lalo “what’s the problem? Tsaka bakit parang ang pula pula ng mukha mo?
Namamaga pa ang mata mo. Teka umiyak ka ba?”
“h-ha? ah o-oo umiyak ako. N-nanuod kasi ako buong gabi nung…errr nung.. uhmm 1 litre of tears! Tama!
Tinapos ko yung 1 litre of tears kaya 1 litre din ng luha ang iniyak ko” =____=
And the winner for best liar is Naomi Mikael Perez. Palakpakan siya! Yehey! Parteh parteh =___=
“oh I see. Pero bakit ka naman namumula”
BOOM.
Ano naman palusot ang gagawin ko?
Napatingin ulit ako doon sa abs ni Stephen and swear parang nakita kong binigyan ako ng mapangakit na ngiti nung
abs niya. Walanjo mong yan oh. Inaakit ako nung abs O///O
“babes?! Ok ka lang ba talaga?” hinawakan ni Stephen ang nook o “di ka naman mainit pero bakit parang ang
pula pula mo? Ok ka lang ba?”
“h-ha? o-oo! O-ok lang ako”
“sure ka ba?”
“o-oo nga!”
“Stephen darling!!”
Napalingon kaming dalawa ni Stephen sa likod at may bigla na lang dumamba kay Stephen na unknown species
“Stephen darling I miss you” sabi ni unknown species sabay halik kay Stephen sa labi.
Ay AHGDJKDHNRLER!!! Gusto kong pumatay ngayon!!!!! RAWR
“t-teka sino ka?!” sabi ni Stephen habang enjoy na enjoy siya sa pagyakap nung babaeng haliparot sa kanya
“ano ka ba! I’m Dianne! One of your ex! Diba tatlong beses ng naging tayo? Sabi mo kasi masyado kang nag
eenjoy saakin dahil ang galing galing kong magtanggal ng pagod” she winked at him sabay himas ng dibdib ni
Stephen papunta doon sa abs niya.
AY ANAK NG CROCODILE! HINAWAKAN NIYA SI MR. ABS?! SAMANTALANG AKO HINDI KO MAGAWA GAWA!!!
AT ETO NAMANG SI STEPHEN NI HINDI PINIGILAN?!
GRRRR
DIGMAAN NA TO!!
Naglakad ako sa gitna nila para mapaghiwalay sila tsaka ko tinignan si Stephen. Hinatak ko yung magkabilang
kwelyo ng chef’s jacket niya sabay sabi ng “ilang beses ko bang uulitin sayo na ayaw ko ng may kahati babes?
Madamot nga ako di ba?!” I glared at him, yung tipong matutunaw siya
“b-babes” sabi ni Stephen saakin na halata mo eh takot na tako
“so mas trip mo na pala ngayon ang mga mukhang uod?”
“hey! Who are you calling uod?!” sigaw naman ni babaeng uod
“ay hindi lang pala uod, bingi din!” sabi ko naman “magsama kayong dalawa!”
“b-babes! Wait”
Tinakbuhan ko sila palayo. Hindi naman ako nagawang habulin ni Stephen dahil hinatak agad siya ni uod at, ewan ko
kung ano ginawa. Siguro hinalay na nun si Stephen.
Grrrr nakakabadtrip!!! Nakaka badtrip talaga!!! Alam niyo yun?! Yung dahil sa pagiging babaero niya kaya nasa
panganib buhay niya tapos nakukuha parin niya manlandi!! Kung hindi dahil sa pagiging babaero niya hindi sana ko
nawalan ng love life ngayon!! Pero tignan niyo oh harap harapan nangbababae yung hinayupak na Stephen Cruz na
yun!!
Grrrr nakakapikon talaga!! Nasan na ba yung tatlong babae na anak ng mafia?! Mapa ambush na nga tong si
Stephen!! Kung gusto nila tulungan ko pa sila eh! Nakakayamot!!! Grrrr! Nakakaasar!!! Rawr!!! rawRR!!!
Chapter 41
*Mr. Abs*
(part 2)
“b-babes let me explain” hinatak ako ni Stephen sa braso at agad ko naman itong tinabing
“explain what?! Kitang kita ng dalawang magaganda kong mata ang paghalik sayo ng uod na yun at
pagkaenjoy mo sa mga labi niya!!!”
“babes hindi naman eh! Sa labi mo lang ako nag eenjoy, promise” nginitian niya ko ng ngiting aso with matching
painosente look pa
“hindi ako tatablan niyan Cruz! Doon ka sa babae mong magaling mag tanggal ng pagod sa katawan!!”
“babes naman eh… ikaw ang girlfriend ko hindi siya. Ikaw ang labs ko”
“girl friend?! Excuses moi hindi pa tayo no!!!”
“eh doon din naman ang kahahantungan nun di ba?” sagot niya with matching beautiful eyes
“HINDI!! DAHIL HINDI KITA SASAGUTIN!! SI FRANCE NA LANG ANG SASAGUTIN KO!!”
“h-ha?! si F-france! P-pero babes naman eh di kayo talo!” T__T
“pwes icoconvert ko siya sa pagiging tunay na lalaki! Ayoko na sayo! Si France na lang ang labs ko!”
“babes don’t do this to me. Baka mapatay ko si France” T__T
“hmpff!”
Tumakbo ako palayo sa kanya atsaka pumasok ng girl’s restroom para hindi ako masundan sa loob ni Stephen.
Nakakayamot talaga ang lalaking yun!! Ang sarap..halayin nung abs niya… este ang sarap niya ipahalay sa
crocodile!!
Hay naku naman Stephen Cruz, pag pinagpatuloy mo yang pambababae mo baka paglamayan ka na namin ngayon.
Or worst baka ako ang maging sanhi ng kamatayan mo. Mapapatay kita sa sobrang inis!!!
Oo alam ko naman na dahil doon sa pagiwan ng mom niya ang dahilan bakit naging abnormal siya pero kasi naman
eh sabi niya mahal niya ko pero nakukuha niyang mambabae sa harap ko?! Sakit na ata niya ang pambababae eh!!
Ang sarap niya ikuskos sa pader!!
Sumilip ako sa labas ng girls C.R and nakita kong wala na doon si Stephen. Saan naman nagpunta ang babaerong
yun?!
Hmpf ang daling sumuko! Nakakayamot! Bahala siya sa buhay niya!
Dumiretso na ako sa laboratory and good thing nakaabot ako before mag start. Kinuha ko na yung recipe ng lulutuin
ko. We are going to cook French cuisine today, at ang lulutuin ko ay ratatouille ^__^
“ok guys, if your equipments are complete, you may start doing your mise en place” our professor announced
then nag kanya kanya na kaming kuha ng mga ingredients.
Kumuha ako ng eggplant then I cut it into long slices, same with zucchini. Tuloy tuloy lang ako sa paghihiwa ng
marinig yung pinaguusapan nung dalawa kong classmate
“sino ba yung gagawa ng Crème anglaise pati nung soufflés?” tanong ni classmate number 1 kay classmate
number 2
“alam ko si Stephen eh. Siya ang naka assign doon”
“nasaan ba si Stephen?”
“ewan ko nga eh. Kanina naman nandito lang siya, bigla bigla na lang nawala”
Hindi pa bumabalik si Stephen? Saang lupalop ng mundong earth naman nagpunta yun?
Teka, hindi kaya nadepress siya kanina dahil sa sinabi ko na ipagpapalit ko siya kay France tapos nag punta siya sa
tuktok ng school building tsaka tumalon? O baka naman nag punta rin sa CR ng boys at naglaslas? Baka nag bigti
siya? Or kumuha ng chef’s knife at sinaksak ang sarili? Baka naman pumasok sa loob ng oven at binake ang sarili
niya? Or baka pumunta sa Bermuda triangle at nagpakain sa giant squid? Or sa Pluto at nagpa rape sa mga aliens?
O______O
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah nasan na si Stephen?! Bakit wala siya?! Saan na siya nagpunta?! T___T
Stephen where art thou? T__T
“uy wait lang ha? may kukunin lang ako sa locker ko” sabi ko doon sa kagroup mate ko
“oh sure. Balik ka kaagad dito Naomi ah?”
“s-sige”
Tokwa kailangan ko ng hanapin si Stephen before pa siya magpa rape sa mga alien. Sayang ang abs eh. =___=
Agad agad akong naglakad palabas pero pagkabukas ko ng door, nakita ko na agad si Stephen
“b-babes, sorry” sabi niya saakin
tinalikuran ko siya at nagpunta na ulit sa working station ko.
Akala ko naman kung ano nang nangyari sa lalaking yun! Late lang pala.
Pumunta narin si Stephen sa working station niya which is sa likod ko lang. Narinig kong binulungan niya ako
“talaga bang ipagpapalit mo na ko kay France?”
Di ko siya sinagot at pinagpatuloy ko lang yung paghihiwa doon sa kawawang sibuyas. Hmpf bahala siya diyan!
Hindi narin naman niya ako ulit kinulit. Siguro ok lang talaga sa kanya na ipagpalit ko siya kay France. Hindi niya
siguro talaga ako love. Nagsawa na siguro siya kaya mambababae na lang ulit siya.
Grrrr makikita mo Stephen Cruz!!! Ipagpapalit talaga kita kay France! Humanda ka!!!!!!
Nung matapos ko na yung niluto kong ratatouille at naiplating ko na, naupo na lang ako sa isang sulok ng laboratory
habang hinihintay kong mag evaluation ng food. No where to be seen na naman ang playboy. Siguro nambababae
ulit. Saksak ko sa baga niya yyung niluto niyang soufflés eh!!
Yumuko ako at pinatong ang ulo doon sa tuhod ko. Hay namimiss ko tuloy bigla si Drew. Si Stephen kasi masyadong
pasaway. Nakakainis talaga siya. Pag talagang nambabae siya mapapatay ko siya! >____<
Bigla akong may narinig na nag strum ng gitara malapit saakin kaya napaangat ako ng ulo. Halos matulala ako ng
makita ko si Stephen sa harapan ko at nakaluhod. May apat na lalaki din na nasa likod niya. Yung tatlo, may hawak
na roses, yung isa naman may hawak na gitara. Si Stephen may hawak na tray na may soufflés. Sa soufflés, may
nakasulat doon na ‘I’m sorry babes. I love you.’ Mukhang yung crème anglaise pa ang ginamit niyang pang sulat.
Nag simulang mag strum ng gitara yung isa naming classmate then bigla na lang kumanta si Stephen habang
nakaluhod parin sa harapan ko at hawak hawak yung tray.
“Darlin' I can't explain
Where did we lose our way
Girl it's drivin' me insane”
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanta ni Stephen eh. Alam niyo yung nagpupumilit na pagandahin
yung boses niya? But in the end, nagmumukha lang siyang trying hard.
And I know I just need one more chance
To prove my love to you
If you come back to me
I'll guarantee
That I'll never let you go
Though I find it sweet.
Can we go back to the days our love was strong
Can you tell me how a perfect love goes wrong
Can somebody tell me how to get things back
The way they use to be
Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin. Inaasar narin kami nung iba. Yung iba naman kinakantsawan na ako
na patawarin ko na daw si Stephen dahil ayaw daw nilang bumagyo.
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee
“whooo batiin na yan!”
“kiss! Kiss! Kiss! Kiss!!”
Hindi nagsalita si Stephen but instead tinignan lang niya ako ng ngiting tagumpay. Alam niya kasi na wala na kong
magagawa kung hindi patawarin siya.
“babes, I’m sorry na. Ikaw lang ang mahal ko maniwala ka. Don’t worry pina blatter ko na si Dianne para
never na siyang makalapit saakin. Kung kinakailangan lahat ng babae lalayuan ko para ikaw lang ang
makakasama ko gagawin ko. Basta patawarin mo na ko. Wag mo na kong ipagpalit kay France please? I love
you babes”
“ayieeee ang sweet” mga pangaasar saamin nung mga kaklase namin
“bati na yan!”
Hay makakaangal pa ba k okay Stephen?
I smile at him “ayoko rin naman sa bakla. Sige na bati na tayo”
“talaga babes?! Yehey! Bati na kami!!” inabot niya yung tray ng soufflé doon sa isa namin kaklase sabay yakap
saakin “wala ng bawian babes ha? bati na tayo ha?! I love you baaaaaabbeeeeesssss”
“kiss kiss kiss!!” hiyaw ng mga classmates namin
“babes, kiss daw oh”
“manahimik ka diyan!”
Pero bago pa ako makapag react, Stephen kissed me…
..on my cheeks.
[dismissal time]
“babes hatid na kita please?” pangungulit ni Stephen saakin with matching puppy eyes
“hindi nga pwede. Tsaka pupunta kami ni Kryzel sa mall ngayon”
“eh sama ko”
“di pwede”
“bakit?”
“girl bonding! Girl ka ba?”
“sige na babes, pleaaasee”
“no”
“pleaaaseee”
“no”
“eh pleaaaasseeeeee?”
Hay jusko bat ba ang kulit kulit ng isang to?! Imagining niyo na lang pag naging kami. Ano kaya itsura naming
dalawa?
“sige na sige na! basta wag kang makikisali sa usapan namin ha?!”
“yes boss!”
Maya-maya lang, nakita ko narin si Kryzel na papalapit saamin.
“oh ayan na pala si best” kinawayan ko si Kryzel “best dito!”
Nung medyo makalapit na siya doon ko lang napansin na umiiyak siya.
“b-best? Bakit?”
Tinignan niya ng masama si Stephen “YOU!!” sigaw niya kay Stephen habang tinuturo “KUNG IPAPASA MO
YUNG VIRUS MO MAMILI KA NG TAONG PAGPAPASAHAN!!” pagkasabi ni Kryzel nun, bigla na lang siyang
tumakbo palayo
Wait anong problema?
Tinignan ko si Stephen tsaka hinampas sa braso “oy ikaw anong ginawa mo sa bestfriend ko ha?!”
“w-wala! Hindi ko alam! Wala akong ginagawa!”
“eh bakit nagkaganun yun?!”
“e-ewan ko! No idea”
Agad kong sinundan si Kryzel.
Ano kayang problema nun?
Chapter 42
*Mr. Virus*
[Kryzel's POV]
"Naomi, be strong" I told her then hinawakan ko yung kamay niya.
"thanks best. Salamat talaga ng madami sayo ah?"
"ikaw! wag kang iiyak mamayang gabi ha? mag rest ka na"
"yes boss" sumakay na si Naomi sa loob ng car
"France, Yannie, kayo na bahala kay best" I told them
"don't worry bakla! di namin padadapuan si Naomi kahit sa lamok" sagot naman ni France
I smiled then pinaandar na nila yung car.
*sigh*
Nalulungkot ako sa nangyari ngayong gabi kay Naomi at Drew. Alam kong pareho nilang mahal ang isa't isa. Kung
alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi ko na pinilit si Naomi na pirmahan yung contract.
Nakakaguilty isipin. Ng dahil sa pagiging selfish ko umiiyak ngayon ang best friend ko. Pinaliwanag na saakin lahat ni
Naomi yung tungkol sa totoong balak ni Yannie kung bakit niya ginawa yung contract. Pero kahit anong kumbinsi ang
gawin ko sa sarili ko, ang hirap parin talaga tanggapin na nasaktan ko ang isang taong mahalaga saakin.
Inamin ko kay Naomi na matagal bago ako naka moved on kay Stephen. Totoong minahal ko si Stephen. But now...
Ay jusko bwisit na lalaki kasi. Kada makikita ko siya iba ang nararamdaman ko. Akala ko nung una habang buhay ko
siyang kaiinisan. Tapos lately ang sungit sungit pa niya. Pero bakit ngayon kahit lagi ko siyang nakikita
parang… namimiss ko siya?
"Kryzel"
Napalingon ako doon sa tumawag saakin at nakita ko ang lalaking tinutukoy ko.
"Rence, ikaw pala"
"tapos na ang duty ko. Tara na uwi na tayo?"
"ah sige"
We walked in silence papunta sa parking lot.
Nung makarating na kami sa tapat ng kanyang napaka gwapong Porsche, bigla naman niyang hinubad yung jacket
na suot suot niya at pinatong niya ito sa braso ko
"malamig. Baka mamaya sipunin ka kung ganyan lang ang suot mo"
Naka sleeveless blouse lang kasi ako
"thanks"
Tignan niyo yun? Sino bang hindi mawiwindang sa kanya? Minsan ang sungit, minsan ang bait, minsan ang manyak,
minsan ang gentleman. Nakakabaliw siya di ba?!
At nababaliw ang kawawang braincells ko ngayon ng dahil sa kanya.
He opened the driver's seat then pinagbuksan na niya ako ng pinto sa passenger's seat. Pumasok na ako sa loob at
siya naman inopen yung radio. At para nga namang nangaasar yung kanta.
"Sir I'm a bit nervous about being here today
Still not real sure what I'm going to say
So bear with me please if i take up too much of your time"
Nalala ko na kinanta ito dati ni Rence habang umiiyak siya. And bwisit na kanta, na LSS ako ng dalawang linggo.
Ang mas nakakainis pa, pina realize saakin ng kantang to kung gaano ako kamahal ni Rence.
"See in this box is the ring for your oldest
She's my everything, and all that I know is
It could be such a relief if I knew that we were on the same side"
Kaso hanggang ngayon pa kaya? Ako parin ba ang laman ng puso niya?
Tinignan ko si Rence habang nag da-drive and naramdaman kong bumilis ang pintig ng puso ko. The same feeling
na naramdaman ko kay Stephen nung mga panahong mahal na mahal ko siya. Ang pinagkaiba nga lang, mas
malakas ang pintig ng puso ko ngayon.
Hindi kaya, nahulog narin ako sa kanya?
Pero parang imposible naman na mangyari yun. Masyadong mabilis. Nung isang linggo lang sinusungitan niya ko,
tapos ngayon biglang nahulog na ko agad sa kanya?
Nah! baka guni-guni ko lang ang lahat.
But still…
“nakakalurkey ka Rence”
Napatingin bigla ako kay Rence at napatakip ng bibig
“ha? bakit?” tanong niya saakin ng takang taka
Ay bobitang babae! Why did I say it aloud?! Jusmiyoo
“h-ha? bakit ano yun?” sabi ko sa kanya.
Sige Kryzel, mag panggap ka lang.
“sabi mo nakakalurkey ako”
“ha? may sinabi ba ako?”
“www.palusot.com”
“A-ano?!”
“wala. Sabi ko ang ganda mo”
Bigla akong namula sa sinabi niya.
Ay pagong. Matagal na niya kong sinasabihan ng ganyan pero bakit parang iba na ngayon? Jusko naman. Ano ba
itey? Nababaliw ako.
[Rence’s house]
“g-good night” sabi k okay Rence pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng bahay. Tinalikuran ko na siya and
naglakad papunta sa room ko pero bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak ako.
“wag ka muna umakyat. Ipagtitimpla pa kita ng hot milk”
“ah—s-sige”
Umupo ako sa may bar stool then siya naman pumasok sa may bar at… at … a-at… a-a-at *gulp* at hinubad ang
pang itaas niyang damit. Amen
T-teka akala ko ba ipagtitimpla niya ako ng gatas? Eh bakit nag li-live show ang isang to sa harapan ko?!
O///O
Tinignan ko siya mula ulo hanggang dibdib hanggang sa abs hanggang sa….err balik ulit sa mukha niya, sa dibdib sa
abs sa… mukha ulit, at tumingin ako sa sahig. ( _._ )
Lord help me. Ayokong magkasala. Ayokong maging headline ng news bukas. Babae, ginahasa ang isang macho at
gwapong bartender sa loob mismo ng pamamahay nito.
“here’s you’re milk” napaangat ang ulo ko at nakita ko na naman ang kanyang topless na katawan.
Ay jusko po. >___<
I avoided his gaze and tinitigan na lang yung milk
“salamat” sabi ko sabay inom doon sa gatas “AW!” bigla ko naman inilapag yung baso dahil napaso ang dila ko sa
init.
“hey are you alright? Mainit yung milk. Be careful”
“o-ok lang ako!” sabi ko habang titig na titig parin sa milk
“Kryzel”
“hmm?”
“bakit di mo ko tinitignan?”
“h-ha? wala lang”
Naramdaman kong hinawakan niya ang chin ko then he lifted my face up at kitang kita ko ang gwapong mukha niya.
Bakit ba ngayon ko lang napansin na ang gwapo nito?
“alam ko kung bakit hindi ka makatingin saakin” he told me while smirking
“w-wala ka na don!”
“bakit ba kayong mga babae ang hihilig niyo sa abs?” he asked me habang natatawa tawa
LIKE WHAT??!?!?!?! O___O
“Abs your face! Wala ka ngang abs eh! Monay yung sayo! Monay!!” sabi ko sa kanya
Alpha kapal muks niya! Abs daw!
Pero meron nga siya nun. =___=
“monay? Hindi kaya monay to! Pandesal!”
“monay yan! Yung malaking monay, yung putok! Ang laki ng tyan mo tsong! Paliitin mo”
“oy abs yan hindi tabs! Hawakan mo pa!” bigla niyang hinila ang kamay ko at inihawak doon sa tabs este abs
niya.
“o-oy! Bitawan mo kamay ko!!” hinihigit ko yung kamay ko pero ayaw niyang bitawan kaya forever nang
nakahawak ito sa abs ni Rence. Enge nga gluegun, or might bond or scatch tape or stapler!
Ng forever ng naka attach ang kamay ko sa sexy tummy niya. Rawr
Echos lang =___=
“hoy Reboredo!! Bitawan mo ang kamay ko kung ayaw mong mawalan ng trabaho!!” effective pa ba ang
ganitong pananakot? Parang laos na ata to eh. Napagiwanan na ng panahon. =___=
“hahahaha ilang beses mo na ba ko tinakot ng ganyan?” binitawan niya yung kamay ko.
Awww sayang. I want more >___<
Ay lantutay na babae!
Bigla bigla namang inilapit ni Rence ang mukha niya sa mukha ko, na any wrong move magkakahalikan na kami.
Ay ampupu. Sa pagkakaalala ko si Stephen ang ganito sa storyang to eh? Epal tong si Rence eh, gaya gaya kay
Stephen.
Or baka naman nahawahan na ni Stephen ng virus niya si Rence?
Tinignan ako ni Rence ng seryoso and I don’t dare moved kasi baka mahalikan ko tong isang to. Ay mali, baka ma
halay ko ang isang to.
“Kryzel, you are in my house right now. At sa bahay na to ako ang boss. Kung ano gusto ko,
nasusunod” mas nilapit niya ang mukha niya sa may right ear ko and he whispered “kung gusto kitang gawin
slave, wala kang magagawa”
Napanganga ako sa sinabi niya
“s-slave?”
He smirked “Yes. Slave. Unang utos ko sayo. . . .
. . . . .mahalin mo ko”
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Nakatingin lang si Rence saakin ng seryoso.
“R-rence..”
He smiled then ginulo niya yung hair ko “I’m only joking!” then nilagpasan na niya ako at pumunta na sa loob ng
kwarto niya.
Joke?
Pero bakit ganun? Parang pakiramdam ko walang halong joke doon sa sinabi niya?
The next morning, hindi ako sumabay kay Rence pumasok, instead sinundo ko si Naomi sa house nila and sabay
kaming naglakad papunta sa school.
At ang babae, ay magang maga ang mata.
“pasaway mo rin no? sabi ko sayo wag kang iiyak eh” pambungad ko sa kanya
“sorry best. Pasaway si tears ayaw magpaawat” sagot naman ni Naomi
I hugged her “best, leave everything to God. Alam ko makakaya mo to.”
“syempre naman! ako pa!” she smiled at me.
Fake. Alam kong peke lahat ng ngiti na yun. Because behind those smile is a bleeding heart.
A bleeding heart caused by my selfishness.
Naglakad kami papuntang school.
“best sure kang ok ka na ha?”
“oo naman best. Ako pa!”
I held her hand “kung alam ko lang sana na ganito ang kahahantungan ng lahat, hindi na sana kita pinilit dati.
Best sorry talaga, sorry”
“ano ka ba! Kung hindi mo ginawa to siguro matagal ng pugot ang ulo ni Stephen”
Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Naomi “kung sabagay.. yung isa rin naman kasi na yun eh, napaka
babaero”
Pero atleast, alam ko, marunong din palang magmahal ng tunay si Stephen. Hindi man ako ang minahal niya,
masaya ako.
“oo nga pala best, magiingat ka doon sa mga babaeng yun ha? kinakabahan talaga ako sa sitwasyon niyo ni
Stephen”
Alam kong mabigat ang kalaban naming ngayon. Simpleng mga tao lang kami na in any minute pwede nilang
ipapatay, lalo na si Stephen at si Naomi.
Nakakatakot, baka mamaya may gawin silang hindi maganda.
“ano ka ba best! Masamang damo kami, lalo na si Stephen. Di kami agad agad mamamatay. Tsaka sabi rin
naman ni Yannie na marunong tumupad sa kasunduan ang mga yun. Pinapahalagahan nila ang pangako.
We’ll be fine”
Hay sana nga talaga. Sana.
Pero paano kung mag succeed nga ang contract. Paano kung nagawang saktan ni Naomi si Stephen? Parang ako
ang nasasaktan para kay Stephen.
Alam mo yung minsan ka na lang mainlove niloko ka pa? masakit dahil naranasan ko sa kanya yun. At ayokong
maranasan niya yun.
“sana mainlove ka na kay Stephen” I told Naomi.
Sana nga, ganun na lang ang mangyari. Siguro pag naging sila, ang cute cute nilang tignan.
“naku ewan ko lang best” sagot naman ni Naomi then we both laughed.
Nagpaalam narin ako kay Naomi at dumiretso na sa class ko.
Pagkadating ko sa classroom, nadatnan ko naman doon si Drew na nakasandal ang ulo sa desk niya. Nilapitan ko
siya and I tap his back.
“be strong” I told him
Inangat niya ang ulo niya and like Naomi, maga din ang mata niya “masakit pala no? masakit na iwan ang taong
mahal mo. . .pero kailangan”
“Drew, yung naging decision ni Naomi, maiintindihan mo rin yun balang araw”
He smiled “alam ko naman yun eh. Kilala ko si Naomi and alam kong may reason lahat ng ginagawa niya. But
as for now, much better kung hindi na muna kami magkikitang dalawa. Siguro pag magaling na ang mga
sugat, tsaka lang ulit kami pwedeng maging magkaibigan”
“Drew, sorry ha? it’s all my fault”
“nope. Wala kang kasalanan Kryzel. Ako ang may mali. Kung dati pa lang sinabi ko na sa kanya lahat ng
nararamdaman ko edi sana hindi na hahatong pa sa ganito” tinignan ako ni Drew then he smiled at me “kaya
ikaw, learn from my mistake. Kung pakiramdam mo mahal mo na, wag mo ng pilitin idestansya ang sarili mo
sa taong yun. Sige ka baka magsisi ka”
“h-ha? a-ano ibig mong sabihin”
“asus alam mo na yun”
Lunch break.
Tokwang Drew Fernandez na yan! Ganyan ba ang epekto ng heartbroken? Nakakapag bitiw ng mga salitang
mapapaisip ka. Paulit ulit sa utak ko yung sinabi niya saakin. Hanggang matapos ang lunch break, hanggang sa mga
sumunod na subjects yun lang ang nasa isip ko…
. . .isama mo na si Rence.
ANEBEEEEE NAKAKABALIW!!
Hindi kaya ginayuma na ko ng lalaking yun?! Baka nga nilalagyan niya ng gayuma yung mga milk na pinapainom
niya saakin O___O
Gayuma ng pagmamahal.
*pukpok ang ulo* Sana umuwi na si mom at si dad T___T
Dismissal time. Agad kong inayos yung gamit ko at dali daling lumabas ng room. May date kasi kaming dalawa ng
aking bestplen na si Naomi. Parang ang tagal na na panahon ang lumpias nung huli naming gala dalawa.
Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko then nakita ko na may isang unread message.
I opened my inbox then binasa ko yung message. From Rence
Kryzel, daan ka muna sa activity area before ka umuwi. I want to show you something.
May ipapakita siya saakin? Ano naman kaya yun? Baka surprise? Baka naman isang malaking banner na may
nakasulat na ‘will you be my girlfriend?’
Ayiiiiiieeeeeeeeeeeee
Ay ang landi! Bat ako kinikilig? Hoy Kryzel wag kang assuming!!
Dali-dali akong nagpunta sa activity area. Nakita ko naman agad si Rence doon na busy mag practice. Lalapitan ko
na siya ng bigla akong mapahinto sa nakita ko.
. . .at dahil doon sa nakita ko, bigla na lang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
May isang girl na lumapit kay Rence. She put her arms around his neck, his was around her waist. And they kissed
each other…
. . .torridly.
S-so ito pala ang gusto niyang ipakita saakin? Ito pala yun? Anong ibig sabihin nito?
Our eyes met then humiwalay siya doon sa babae. Agad naman akong tumakbo palayo.
Bwisit! Nakakaasar! Ano to? Parang de ja vu! Parang nangyari na saakin to.
Ang sakit.
Mukhang yung virus ni Stephen nalipat kay Rence ah? Una nahulog ako, minahal ko, nung naamin ko na sa sarili ko
na mahal ko siya tsaka naman ako sinaktan.
Katulad ni Stephen.
Katulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Bakit lahat na lang ng lalaking mamahalin ko ganito ginagawa saakin? Ano bang mali saakin? Mukha ba kong laruan
nila?
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makasalubong ko sina Naomi at Stephen
“b-best? Bakit?” tanong saakin ni Naomi
Hindi ko siya pinansin, instead tinignan ko ng masama si Stephen “YOU!!” sigaw ko sa kanya "KUNG IPAPASA MO
YUNG VIRUS MO MAMILI KA NG PAGPAPASAHAN!!”
Before pa sila makapag react dalawa, agad agad na kong tumakbo palayo.
Ang sakit. Ampusa! Alam kong wala akong karapatan magalit! PERO SANA WAG NIYANG SASABIHIN NA MAHAL
NIYA KO KUNG MAKIKIPAGHALIKAN LANG SIYA SA IBANG BABAE!!
“Best!” nahabol ako ni Naomi and hinatak niya ang braso ko “best bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Sino
nagpaiyak sayo? Gugulpihin ko na ba? patitikimin ko na ba ng flying kick?”
“b-best” yumakap ako kay Naomi at doon humagulgol “ang sakit”
“best ano bang nangyari?”
“Kryzel” napahiwalay ako sa pagkakayakap k okay Naomi nung marinig ko ang boses ni Rence.
Nakita kong papalapit na siya saakin habang tinitignan niya ako ng seryosong seryso
“Rence bat umiiyak si Kryzel?” tanong ni Naomi
He didn’t answer her but instead he grab my wrist and dragged me.
Chapter 43.1
*hidden feelings*
[Naomi’s POV]
Tinignan ko kung paano hilahin ni Rence si Kryzel. Wala akong idea kung ano ang nangyari sa dalawang yun but for
Pete’s sake ang sarap nilang pag untugin dalawa. Tapos yung best friend ko naku, kung di ko lang mahal yan eh
napukpok ko na ng martilyo ang ulo niya! Halata naman na nagtotoktokitoktok na ang heartlalu niya kay Rence eh
hanggang ngayon nasa indenial stage parin! At naku naman, etong si Rence, pag talagang gumawa to ng kalokohan
ipapalapa ko siya sa crocodile!
*sigh* sana naman eh magkatuluyan yang dalawang yan.
“babes!!” napalingon ako sa likod ko and nakita kong tumatakbo na papalapit saakin si Stephen“babes ano
nangyari sa dalawang yun? Bat ganun yun? Di ba natin sila susundan?”
Pinukpok ko si Stephen sa ulo “ikaw sabihin mo nga anong virus yung tinutukoy ni Kryzel ha? bakit
magkaaway yung dalawa? Ano ba ginawa mo?!”
“Wala nga! Wala naman akong virus eh! Ang linis linis ko kaya!!”
Tinignan ko si Stephen mula ulo hanggang paa at bigla akong napatakip sa bibig ko.
Oh no. oh no. oh no.
H-hindi kaya ang virus na sinasabi ni Kryzel ay AIDS? STD? O____O
P-pero imposible yun! Hindi pwede mangyari yun! Alam ko walang nangyari sa kanila ni Stephen. Sabi niya muntik
pa lang. Eh kasi naman tong lalaking to napakalaking temptasyon sa mga babae eh! Mag topless pa lang siya ang
sarap na niyang halayin! He made good girls go bad. =___=
Pero nga muntik pa lang yun! Hindi kaya—hindi kaya hindi na nakapagpigil si Kryzel at nahalay niya si Stephen?
Pero bago niya mahalay si Stephen ay hinahalay muna ni France at nung iba pa si Stephen kaya siya nagka virus at
nahawa si Kryzel? At dahil nainlove na ata si best kay Rence nasaktan si Rence nung nalaman niya to?!
O_____O
WAAAAAAAAAAAH!
Pinaghahampas ko ang braso ni Stephen “tell me ilang babae na nakagalaw sayo ha?! ha?! ha?!”
“a-anong?! W-wala babes! Wala akong---aray—wala talaga—aray!”
“napaka babaero mo! Cassanova ka talaga!! Gawin kitang Casava cake eh!!”
“babes!” hinawakan niya ang magkabila kong kamay “di ba sabi ko sayo wala akong balak gawin yun sa taong hindi
ko mahal? Sayo ko lang balak gawin yun no!” =____=
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ay sorry naman nakalimutan ko. Malay ko ba. =___=
Pero ano sabi niya?! Sakin niya balak gawin yung you know, totoot thing! Ay am#%@%^ $^$#%^$ &!!!
Binatukan ko siya “manyak ka!!” sabi ko sabay walk out
“Babes!” hindi ko pinansin si Stephen at tuloy tuloy ako sa paglalakad “uy babes naman!”hinawakan niya ang
kamay ko at iniharap niya na ako sa kanya “babes bat mo ba ko lagi inaaway? Sumosobra ka na! gusto mo
bang sampalin kita ng pagmamahal at bugbugin kita ng mga halik ko ha?!” =___=
Err galit na ba to o nang mamanyak na naman?
“lagi mo na lang ako inaaway! Dapat bumawi ka sakin! Tara doon sa condo ko!!” sabi niya saakin sabay akbay.
Ay ampupu! Ano balak gawin nito?!
“ayoko pumunta doon!”
“eh dali na babes! Bat ayaw mo pumunta?”
“eh kasi eh…” baka mamaya niyan eh magkaroon na naman tayo ng bed scene. Mag to-topless ka na naman. I-tetemp
mo na naman ako. Mamaya mawala na ang self control ko at madakma na kita diyan. Rawr =__=
“eh kasi ano babes?”
“gusto ko mag mall! Tara sa mall na lang tayo!”
He grinned “sure babes. Anywhere. Kahit sa hell pa yan sasamahan kita. Pero kung sabagay kahit hell ang
pupuntahan natin parang heaven narin yun kasi nandun ka” he told me sabay kindat.
Hinampas ko siya “ang cheesy mo ha. Mamaya dagain tayo dito eh”
“sus hindi ako cheesy. Sadyang mahal lang kita” sabi niya sabay akbay saakin
Para naman lumundag ang puso ko. Hay Stephen Cruz. Sige lang, ipagpatuloy mo lang yan at malaki ang chances
na mapaibig mo na ko.
Kaya lang handa ba talaga ako? Hay
“tara na ka at kumain muna tayo sa Mcdo. Libre mo ko ha?”
“sure babes! Basta ikaw!”
Naglakad na kami papunta sa may parking lot ng bigla naman namin makasalubong si Drew at Jeanell.
Nag flashback bigla saakin lahat ng nangyari sa bistro nila Kryzel. Yung mga pinagusapan namin, pati narin yung
naramdaman ko ng araw na yun. Bumalik lahat, lalo na yung sakit.
Hindi pa pala talaga ako ready na makita siya.
“oh si Drew oh may kasama! Girl friend niya ba yun?” tanong ni Stephen
“h-hindi ko alam”
Nakita kong nakatingin saamin si Drew. Nginitian niya lang ako then umalis na sila ni Jeanell.
Or should I say umiwas.
Siguro nga hindi pa ko handa magmahal ngayon. Masakit pa yung sugat na naiwan sa puso ko.
Pero once na maka move-on ako, hindi naman siguro masama kung ittry kong mahalin si Stephen di ba?
Sana nga lang pag dumating ang araw na yun hindi pa huli ang lahat para saaming dalawa.
Chapter 43.2
[Rence’s POV]
*sigh* ano ba to, kahit saan anggulo ko tignan si Kryzel bat ba ang ganda ganda niya? Ang sarap tuloy pagnasahan
nitong picture niya! Nakakaasar!
Pero lately masaya ako sa nangyayari saamin. Kahit papaano napapalapit ako kay Kryzel. Akala ko habang buhay
na niya ako itataboy eh. Kailangan palang tinatakot at tinatarayan ang isang yun para magtino. Mwahahaha. Joke
lang. Kaya lang naman ako ganun eh dahil sa paguutos ng kanyang henyong ina. Sabi kasi ng mom ni Kryzel
maging masungit daw ako kay Kryzel at si Kryzel na mismo ang lalapit saakin.
Malay ko bang effective yun na mismong pag fflair ko sa room ko eh sinisilip niya? Wahahahaha.
But honestly, what’s with girls? Bakit ba ang hilig nila sa mga gwapong suplado at mga gwapong babaero kung
meron namang gwapong gentleman, todo magmahal at stick to one na katulad ko? Di ba? Di ba? Di ba?
Tss hindi ko maintindihan kung bakit nainlove yun kay Stephen kung in the first place eh nandito naman ako,
handang saluhin ang puso niya?
Ang problema lang eh ang tagal kong nagpaka torpe nun.
Haaaayyyyy
“HUY!!”
“AY PALAKA!” napatalon ako bigla doon at tinignan ang napakagaling na nilalang na nangulat saakin “Ma’am
Pascual naman eh!!”
“ano ka ba Rence kung makatulala ka diyan wagas ah! Pinagpapantasyahan mo na naman yung Kryzel na
yun?”
“ma’am!!”
“hahaha. Oo na ikaw na inlove! Basta mamaya yung practice mo wag mong kakalimutan ha? at malapit na
ang iyong competition.”
“yes ma’am!” sabi ko sa kanya sabay salute. Siya si Ma’am Pascual, yung professor ko na nakadiscover sa talent
kong mag flair. Mahal na mahal ko yan eh at masaya kasama kasi babagets bagets. Parang second mom ko narin
siya.
“o siya sige alis na muna ako at ako’y may baking class” sabi ni Ma’am at naglakad na siya paalis
Baking class? Hmmm an idea strucked me
“Ma’am! Wait lang po!!” tumakbo ako at hinabol siya
“oh bakit?”
“pwede po ba ko makisingit sa baking class mo?”
“bakit mukha ka bang singit at makikisingit ka?”
“ehh si ma’am naman eh ang hilig mag joke!” =___=
“haha sige na sige na! alam ko naman gagawin mo yan para doon sa babaeng pinopormahan mo eh”
“yes! Sabi ko na malakas ako kay ma’am eh!”
Dumiretso ako sa baking laboratory na puro second year students ang laman. Saktong sakto dahil lesson nila ngayon
ay yung pag de-dress ng cake.
Syempre naki bake rin ako at naki design ng cake. In the end nakagawa ako ng heart shaped na strawberry
shortcake. (see picture at the side)
“aba himala Rence kelan ka pa natuto gumawa ng ganyang cake ha? samantalang dati nung baking class mo
eh kulang na lang batuhin kita ng eraser dahil di ka nakikinig sa lectures ko at cookies lang ang alam mong ibake!
Ganyan ba nagagawa ng inlove?” pangaasar saakin ni ma'am nung nakita niya yung gawa ko.
Nagtawanan naman yung mga second year students saakin kaya namula ako bigla. Si ma’am talaga pasaway!
Bukod kasi sa bar and beverage, baking professor ko rin kasi siya dati kaya alam na alam niya mga kalokohan ko
noon.
After nun, ipinatago ko muna sa fridge ng lab yung gawa ko then bumalik na ko sa classroom dahil may next class pa
ako. Nung dismissal naman kinuha ko yung cake. Buti na lang at walang nagkainteres na kumain nito! Naku pag
ginalaw nila to makakapatay ako ng tao! Rawr!
Kinuha ko yung cp ko then I texted Kryzel
Kryzel, daan ka muna sa activity area before kang umuwi. I want to show you something.
Pagka send ko nung message napa smile ako. Sana magustuhan niya.
Pagkadating ko sa activity area, inilapag ko yung cake kung saan safe ito then kinuha ko na yung flairig bottle ko at
nag start na mag flair.
Napahinto ako sa pag fflair nung biglang may tumakip sa mata ko from behind.
“Kryzel?”
Tinanggal niya yung pagkakatakip sa mata ko and hinarap ko siya.
And I was shocked nung makita ko kung sino to.
It’s Vina, my ex-girlfriend.
Remember her? Siya yung ex ko na tinutkoy ko doon sa chapter 22. Yung ex ko na nakipagbreak saakin at pinagpalit
ako sa isang varsity sa kadahilanang sawa na siyang magkaroon ng boyfriend na nerd.
“it’s been a long time Lorenzo..oh should I call you Rence now? Ang laki na ng pinagbago mo. Hindi na ikaw
ang nerd na ex boyfriend ko”
I smiled at her “it’s nice seeing you again. Balita ko nakipag break sayo yung ipinalit mo saakin dahil
nakahanap siya ng mas maganda kesa sayo” masama na kung masama. Gusto ko isampal sa mukha niya ang
salitang KARMA.
“whoa bakit parang ang bitter ng tono mo? Masakit parin ba hanggang ngayon yung ginawa ko sayo?” she
told me teasingly
“time heal all wounds honey. Wala na kong paki sayo” dahil iba na ang babaeng mahal ko.
“oh really?” hinawakan niya ang kamay ko then she placed it on her waist then she threw her arms around my neck
and started kissing me.
I tried to pull her away pero anak ng tokwa kung makakapit saakin parang linta! Tsaka baka ma PDA kami dito!
Ayoko ngang magka violation! Kung mag kaka violation ako ng PDA ok lang saakin basta si Kryzel ang ka-PDA ko
hindi tong malanding linta kong ex girlfriend!
I tried to open my eyes para tignan kung may mga dumadaan…
…at halos malaglag ang puso ko nung makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko.
It’s Kryzel. When our eyes met bigla na lang siyang tumakbo paalis.
Oh sh1t!
I pushed Vina away to the point na halos mapaupo na siya sa sahig!
“wag na wag ka ng lalapit saakin!!”
“but why honey? Alam ko mahal mo parin ako!”
“mahal?” I grinned “mukha mo! Wag ka ngang assuming! Wala akong mahal na mukhang linta! Ang mahal ko
mukhang anghel!” nilapitan ko siya at binulungan “and sa pagkakatanda ko Kryzel ang pangalan ng mahal ko
hindi Vina”
She looked dumbfounded
Tinalikuran ko na siya atsaka kinuha yung mga gamit ko pati yung cake at hinabol ko si Kryzel.
Nadatnan ko siyang umiiyak habang nakayakap kay Naomi.
I should be happy right? Alam kong dahil sa nakita niya kaya siya umiiyak. Siguro.. siguro.. unti-unti nahuhulog na
siya saakin.
Pero hindi. Nasasaktan ako. Hindi ako natutuwang makita siyang umiiyak ng dahil saakin.
Gusto kong gulpihin ang sarili ko ngayon.
Tumakbo ako papalapit kay Kryzel.
“Rence bat umiiyak si Kryzel?” salubong na tanong saakin ni Naomi.
Dahil sa kagagawan ko Naomi. Dahil saakin.
Hinawakan ko ang kamay ni Kryzel at hinila siya palayo. Hindi naman ako sinundan ni Naomi. Siguro nakaramdam
siya na kailangan naming magusap dalawa ni Kryzel.
“bitiwan mo ko” sabi saakin ni Kryzel
“uhmm K-kryzel, let me explain”
“explain?” bigla naman siya tumawa “bakit naman?” hinampas niya ko sa braso pero mahina lang “ikaw ha! may
gf ka na pala! Di mo manlang sinabi sakin! But that’s good! Para naman hindi na ko ang hahabulin mo”
“K-kryzel bat ka umiiyak?”
“ako? Umiiyak? Hindi no! napuwing lang ako!” pag de-deny niya
“mahal mo ba ko?” tanong ko sa kanya
“h-ha?” she avoided my gaze “what are you talking about? Alam mo naman na si Stephen ang mahal ko di
ba?”
“pero bakit ka tumakbo nung nakita mo ko kanina? Bakit ka umiiyak kay Naomi? Kryzel please”tinignan ko
siya sa mata “tell me what you feel”
“sinabi ko naman sayo di ba? hindi kita mahal! At hindi kita kailan man mamahalin. Doon ka na lang sa
babaeng kahalikan mo mas ok pa ng hindi ka na masaktan saakin” tinalikuran ako ni Kryzel “una na ko sayo.
May kailangan pa kong gawin”
“mahal kita. Sobra” I told her
She faced me “wag ka na nga magsinungaling!” sabi niya sabay takbo.
Hinabol ko naman siya pero nakasakay agad siya ng taxi.
Hindi ko alam ang dapat maramdaman ko ngayon. Hindi ko rin alam kung totoo pa ba ang sinasabi saakin ni Kryzel o
hindi.
Mahal ko siya. Pero sana maging totoo narin siya sa nararamdaman niya para saakin.
Kaso bakit ganun? Hanggang ngayon ba hindi parin siya naniniwala na mahal na mahal ko siya? Hanggang ngayon
ba hindi parin niya nararamdaman yun?
Kryzel Aguilar.
Kahit ilang beses mo pang sabihin saakin na hindi mo ko mahal, at kahit kailan hindi mo ko mamahalin, hindi ako
bibitaw.
Alam ko, magiging tayo rin.
Chapter 44.1
*cake, diary, roses and bear*
[Kryzel’s POV]
Oo na oo na, ang tanga tanga ko na at hindi ko manlang pinakinggan ang explanation ni Rence saakin.
Pero hindi pa ba sapat yung nakita ko?
*sigh*
Natatakot ako na baka gawin ni Rence ang ginawa saakin ni Stephen dati. Masakit. Ayoko ng maramdaman yun.
Ayoko ng maranasan ulit yung halos gabi-gabi ako umiiyak at halos lunurin ko ang sarili ko sa alak. Masakit sa ulo. .
. at sa puso.
Akala ko totoong mahal niya ko. Pero bakit ganun? Bakit siya nakikipag halikan sa iba?
Baka naman nagsawa na siya dahil tinataboy ko siya?
Kung sa bagay. Di ko siya masisisi kung yun ang dahilan. Kasalanan ko rin kasi ang tagal kong nagmukmok dati kay
Stephen samantalang nandyan naman siya para saluhin ako. Tapos ngayon ano to? Iiyak iyak ako? Masasaktan
ako? Dahil sa katangahan ko dati.
Ay lechugas! Wala akong karapatan magalit sa kanya!
Pero hindi ko maiwasan. Nasaktan talaga ako ng husto eh.
I heared a knock on my door.
“Kryzel? Kakain na tayo ng dinner” rinig kong sinabi ni Rence
I tried my best to straighten up my voice para hindi halata na umiiyak ako
“uhmm d-di ako nagugutom. Atsaka ang dami ko ginagawa na school works eh. Una ka na lang”
“Kryzel open the door and let’s talk please”
“h-ha? ano naman paguusapan natin? Yung kanina ba? Ano ka ba! Wala ka dapat iexplain saakin no. Hindi
naman tayo eh” hay bat ang sakit naman sabihin ng mga salitang yun?
“Kryzel. .mahal kita”
Biglang kumirot ang puso ko. #@%$$ bakit niya ba sinasabi yan?! Pwede bang tigilan niya na ang pagsisinungaling
ng hindi ako nahihirapan?!
I fake a laugh “hahaha ang galing mo talaga mag joke Rence! Pero uhmm ano kasi busy ako, mamaya na tayo
mag usap”
Hindi ko na siya narinig na nagsalita. Mukhang umalis na talaga siya.
Nahiga ako sa kama at may tumulo na naman na luha sa mata ko.
Ang sakit naman. Gusto ko talaga siyang kausapin at sumbatan. Gusto kong amuin niya ako ngayon pero bakit
umalis na siya?! Bat di man lang niya ko inamo?!
Eh baliw ka ba, pinaalis mo eh.
Ay naku! Nakakaasar! Nafu-frustrate na ko sa nararamdaman ko ah?! Bat ba ko nagiinarte ng ganito! Kailangan ko
na tantanan to!
Eh ano naman kung may kahalikan siya? Kung sinasabihan niya ko ng mahal niya ko pero may hinahalikan siya na
ibang babae? Ano naman kung wala siyang paki saakin? So what kung di niya ako inaamo? Ano ba siya? ISANG
HAMAK NA LALAKI LANG NAMAN SIYA DI BA? Isang hamak na lalaki na gagawin saakin ang ginawa noon ni
Stephen!
EH PAKI KO?!
Sawa na ko mamroblema ng lalaki! Ampupu na yan! Kung lahat sila manloloko edi manloloko narin ako! Ayoko na ng
isang matinong relationship! Sakit sa ulo lang yan eh! Mag sama-sama sila! Pagbuhulin ko mga bituka nila eh! Sana
mag mukha silang palaka! Sana maging kalahi na nila si France!! Grr nakakaasar! Nakaka---
--ano yun? O__O
Napatayo ako bigla ng marinig kong parang may nagbubukas ng pintuan ng room ko.
Ay tokwa! Meron nga palang spare key si Rence ng room ko! Ay bwisit!
Sinuklay ko ng kamay ko ang buhok ko then kinuha ko yung librong pinaka malapit saakin at nag pretend na
nagbabasa ako. Maya-maya lang nabuksan narin ni Rence yung kwarto ko
“Kryzel”
“oh b-bat ka nandito?” sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin para hindi niya mahalatang galing ako sa iyak.
“let’s talk”
“b-busy ako. Nag rereview ako eh. Ok lang ba kung next time na lang?”
“hay” umupo siya sa kama ko “Kryzel baliktad yung libro na binabasa mo”
*boom*
Doon ko lang napansin na nakabaliktad nga yung libro. Ang bobo mo Kryzel. Masyado ka na obvious. =__=
Kinuha niya yung libro na hawak ko kaya naman doon na lang ako tumingin sa mga kamay ko para hindi pa rin niya
mapansin ang mukha ko.
“look at me” he told me in full authority
At eto na naman tayo, bumabalik na naman ang masungit na side niya! Bwisit! Bipolar! Manhid pa! di makaramdam
na nasasaktan ako ng dahil sa kanya eh! Tapos kung makapag utos siya ngayon wagas!
“umalis ka na” sabi ko sa kanya in a cold tone. Bahala siya diyan! Gantihan tayo
“Kryzel please naman”
“ano ba gusto mo ha?! umalis ka na nga!!!”
Inangat niya yung mukha ko “bakit ka umiiyak?”
“hindi ako umiiyak!”
“eh bakit namamaga mata mo?”
“may sore eyes ako kaya wag mo kong tignan kung ayaw mong mahawa saakin!”
“Kryzel alam ko ang pinagkaiba ng sore eyes sa matang kagagaling lang sa iyak”
“o edi ikaw na maggaling!”
“Kryzel naman eh, dahil ba to kay Vina? Ku—“
“so Vina pala name niya”
“please naman, pakinggan mo ako”
Hindi ko na naiwasan ang sarili ko at napaiyak na lang ako sa harapan niya.
Ano ba kryzel! Bakit ka ba umiiyak?! Bakit pinapakita mo sa lalaking yan na mahina ka?! Naasar na ko sa sarili ko
“Rence lumabas ka na!”
“Kryzel mahal mo ba ko?”
“HINDI!” sige lang mag sinungaling ka lang
“ano ba nangyayari sayo?”
“hindi ko alam! At wala ka ng pake kung ano nangyayari saakin! Umalis ka na dito!”
“kryzel mahal kita!”
“tantanan mo na nga ang kakasabi saakin ng ganyan! Tantanan mo na ang panloloko mo ha?! pwede ba wag
mo na ko paasahin! Sawa na kong masaktan! Kaya pwede umalis ka na dito?!”nahiga ako sa kama ko at
tinalikuran ko siya atsaka ako nag talukbong
“ano bang dapat kong gawin para maniwala ka saakin?” I heared his voice broke and alam kong umiiyak siya.
Eto ang pangalawang beses kong narinig na umiyak si Rence ng dahil saakin. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya
naumiiyak, pero marinig ko palang, para na kong sinasaksak.
Narinig ko na naglakad na siya palabas ng room ko then sinarado niya yung pinto. Nung makalabas na siya tumayo
ako.
Ang bigat sa pakiramdam.
Hindi na tama to. Hangga’t hindi pa lumalala ng husto ang nangyayari, kailangan ko na itigil ang lahat.
Ayoko na matulad lang ito sa nangyari saakin dati.
Kinuha ko yung bag ko at isa-isa inilagay yung mga gamit ko. Lahat ng damit ko hinakot ko na. Siguro mas maganda
kung bumalik na ako sa bahay namin. Kahit pa pagalitan ako ng parents ko o kahit na alisan nila ko ng allowance at
i-grounded for 1 year ayos lang.
Mas mahalaga ngayon na isave ko ang puso ko.
Matapos ko ayusin yung gamit ko, nahiga na ako sa kama at sinubukan kong matulog.
Bukas, aalis na ko.
[next morning]
Medyo maaga ako na gising, or should I say hindi talaga ako nakatulog kagabi. Umiyak lang ako ng umiyak dahil sa
nangyayari. Pero pinangako ko sa sarili ko, eto na talaga ang huling beses na iiyak ako ng dahil sa lalaki.
Ayoko na. Nakakasawa.
I took a quick shower then kinuha ko narin yung bag ko at ready ng umalis. Mabuti na rin na maaga akong aalis para
hindi ako maabutan ni Rence. Less drama.
Nagsulat lang ako ng note then iniwan ko ito sa ibabaw ng kama ko. Lumabas na ko ng room ko kaya lang pag bukas
ko ng pinto may nakita akong isang box at isang notebook sa gilid ng pintuan ng room ko. Kinuha ko ito then inopen
ko yung box. Isang heart shaped strawberry short cake yung nasa loob. Binasa ko yung maliit na note doon sa box
Kryzel, pinag bake kita ng cake. Sana magustuhan mo.
Rence
Galing kay Rence?
Sunod ko naman na tinignan yung notebook na kasama nung box.
Hindi ko inaasahan, na yung laman pala ng notebook na yun ang makakapagpabago ng isipan ko.
Chapter 44.2
[Naomi’s POV]
“Hay alam mo France tingin ko talaga kailangan na natin gumawa ng paraan para kay Kryzel at Rence”
“uh-hu”
“tignan mo naman! di ko expected na ganun kamanhid ang best friend ko! Ay jusko!”
“yah”
“at tignan mo naman din si Rence! Sukat gumawa pa kasi ng kalokohan kaya ayan! Hay naku”
“hmm”
Tinignan ko si France na busyng busy sa laptop niya. “huy bakla nakikinig ka ba sakin? Ano ba yang ginagawa
mo?” sinilip ko yung laptop ni France at nakita kong nag fe-facebook siya “kelan ka pa natuto niyan?”
“ay ano akala mo saakin taong tabon na walang social network account?!”
“oo mukha eh”
“hmpf!” ibinalik niya na yung mata niya doon sa screen ng laptop niya. Bigla naman din ako napatingin at nakita
kong nag lalagay siya ng wallpost sa wall ni Stephen
Hi papa Stephen! I loooooveeee youuu!
Ay kay landing becky!!!
Itinulak ko siya bigla “hoy! Wag ka malandi! Kurutin kita sa singit eh!”
“eh ano ba! Hayaan mo na ko mader! Sayo naman siya eh. Hayaan mo na ko lumandi!”
“eh kung ganito na lang kaya. Ibibigay ko sayo yung contract at ikaw na mag tuloy? Ano bet?”
“aba’y bet na bet!” natigilan siya bigla “GAGA! Ipinasa mo pa saakin ang tungkulin mo! Ikaw gumawa niyan!”
“ehhh kasi naman..”
“alam mo Naomi para di ka mahirapan? Mahalin mo na kasi!”
“ganun ba kadaling turuan ang puso?! Tong baklang to eh!”
“..ate..” biglang may kumalabit saakin na isang batang lalaki. Mukha siyang gradeschooler pa lang“may
nagpapabigay” may inabot naman siya saakin na isang medium sized tin can na may naka label na “bear cuddlers”
sa labas. I opened it and pagtingin ko, isang cute na cute na teddy bear
“wow te may stalker ka?” tanong ni France
“hindi ko alam. Sino kaya nagbigay nito?” pero parang may idea na ko kung sino
Bigla na naman may lumapit ulit saamin na bata, this time girl naman “may nagpapabigay po ate ganda” again,
isang tin can na naman na may lamang teddy bear.
“oh my gosh bakla. Ang sweet!”
Patuloy yung paglapit nung mga bata saakin hanggang sa 12 stufftoys na ang hawak ko. Tinry ko silang tanungin
kung sino ang nagpapabigay pero pag tinanong ko na tinatakbuhan lang nila ako.
“ikaw na ang may mahabang hairlalu! Ikaw na talaga te! Naku sana ako naman ang next na bigyan” sabi ni
France
Bigla na naman may lumapit na batang lalaki saamin
“oh ano na naman yan?! Teddy bear na naman?! sabihin niyo doon sa nagpadala sarili naman niya ang
ipadala niya dito hindi puro teddy bear!” pagtataray ni France doon sa bata
“ano ba France wag mo nga siya tarayan!” tinignan ko yung bata then nag smile ako sa kanya“ano yun?”
Hindi ako tinignan nung bata instead si France ang tinignan niya.
“Oh my goooosssshhhh meron may nagpapabigay saakin?” tili ni France
Tumango yung bata and mas lalong tumili si France “ano yun?! Ano?! Anoooo?!”
May biglang inabot yung bata kay France.
Bente pesos.
“ano gagawin ko diyan?!”
“may nagpapabigay po. Bumili daw po kayo ng dalawang kamote-Q tapos pumunta daw po ikaw sa may
kanto. May nagaabang na gwapong lalaki sayo doon”
“oh my gosh! Me is so kinikilig!!”
“t-teka! Sure kang sa kanya ipinapabigay yun hindi saakin?!” tanong ko doon sa bata. Aba! Ako ang dapat naka
meet kay gwapong nilalang! Bakit si France?! Hindi naman siya ang binigyan nung teddy bear!
“opo siya talaga” sabi nung bata sabay takbo palayo
“ay naku bbye sister! Need ko na bumili ng kamote-q! wahihihihi. Diyan ka lang ha?”
“oy teka--!” bago pa ko tuluyan makapag react tumakbo na palayo si France.
Walanjong becky yun! Mukhang may mabibingwit siyang gwapong nilalang ngayong gabi ah. =__=
Unfair! Bakit saakin teddy bear lang?! kay France tunay na lalaki! Unfair talaga! >__<
Bigla bigla na lang may nagtakip ng mata ko from behind
“o-oy! Sino to?!”
“ang lalaking handang ibigay ang lahat para sayo” bulong saakin nung taong nagtatakip sa mata ko.
At sa line pa lang na yan, malamang eh kilala niyo na kung sino siya. And oo hindi kayo nagkakamali. Siya nga yan.
Walang iba.
“Stephen!”
Inalis niya ang pagkakatakip sa mata ko then nagpunta siya sa harapan ko “for you babes” may inabot siya saakin
na isang bouquet ng flowers.
Napa smile naman ako then kinuha ko “salamat. Ikaw din ang nagbigay ng mga stufftoys na to no?”
Ngumiti siya “nagustuhan mo ba?”
Hay sabi na siya yun eh. Kahit manyak yan, alam kong sweet si Stephen.
“oo na. nagustuhan ko na. Pero teka, ikaw ba yung nagpabigay kay France ng bente?”
“oo ako para naman makapagsolo tayo”
“eh sino naman yung lalaking ime-meet nun sa kanto?” tanong ko kay Stephen
“ah yun ba? Ano yun hahahahhahahahaha kasi ganito hahahahahahahahha yun yung hahahahhahahahhaha
basta siya yung wahahahhahahahahahhahaha. Teka teka hindi ako makahinga ang sakit ng tyan ko. Si
France kasi hahahahhahahahahaha hindi ko talaga magawang sabihin kasi talagang
wahhahahahahahahhaha”
Ano daw? Puro tawa! Wala akong maintindihan =___=
Mukha atang napagtripan ng isang to si France ah?
Tawa siya ng tawa doon. Ako naman nakatitig lang sa kanya. Kung batukan ko na kaya to ng matauhan no? tingin
niyo? Ang tagal tumigil sa pagtawa eh. Naiinip na ko!
Nung medyo huminahon na siya sa pagtawa, sumingit na ko sa kanya “ok na ba? Mahinahon ka na ba? pwede
mo na ba ikwento kung anong kababalaghan ang ginawa mo kay bakla?”
“hay naku babes tsaka na natin pagusapan pag naka get over na ko! Maisip ko pa lang natatawa na ko eh.
Teka amuyin mo yung flowers na binigay ko sayo, ang bango niyan”
Ginawa ko naman yung sinabi saakin ni Stephen, inamoy ko yung flowers and napapikit ako. Ang bango nga.
Pagdilat ko, nakita ko na inaamoy din ni Stephen yung bulaklak habang nakapikit siya at nakangiti. Medyo malapit
ang mukha namin sa isa’t isa (view picture at the side)
Napalayo ako bigla. Ewan ko pero parang kinabahan ako? Matagal na tong ginagawa ni Stephen, yung ilalapit niya
ang gwapong pagmumukha niya sa mukha ko pero bakit ganun?
Ngayon lang bumilis ng ganito ang tibok ng puso ko.
“mabango ba Nami?”
“h-ha? ah oo!”
Nginitian niya ako. Yung pamatay na ngiti na kulang na lang ay matunaw ako.
AY JUSKO BAT BA KO NAGKAKAGANITO NGAYON? Para kong lasing na ewan! =__=
Baka naman may kung anong gayuma ang nilagay si Stephen doon sa bulaklak kaya ako nagkakaganito? O__O
“tara punta tayo sa park” hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Sumakay kami ni Stephen sa kotse niya then
dumiretso sa park.
Nagulat naman ako dahil dinala ako ni Stephen sa park kung saan ako dinala dati ni Drew.
Weird. Wala na akong maramdaman na special sa lugar na to.
Ewan ko ba. Di ba dapat nasasaktan ako ngayon? Iniisip lahat ng mga masasayang alaala na pinagsamahan namin
ni Drew dito sa lugar na to? Pero bat ganun? Wala na kong maramdaman?
Naging manhid na ba ko?
“babes” bigla na lang hinawakan ni Stephen yung kamay ko, as in he filled the spaces between my fingers “holding
hands tayo buong araw ha?”
I just nod, pero takteng puso to oh, ang bilis ng tibok. Ano ba nangyayari saakin ngayon? Bakit ba ganito
nararamdaman ko? Ay jusko ang gulo. Nawiwindang ako.
Nag lakad lakad lang kami ni Stephen sa park and talagang magkahawak kami ng kamay. Binibitawan niya lang ang
kamay ko pag kailangan talaga tsaka nung sumakay kaming dalawa sa bike.
Nung medyo napagod kami sa pag gagala, naupo kami sa ilalim ng mango tree.
“hay grabe ang sayaaaaa” sabi ni Stephen sabay yakap saakin “kung alam ko lang na ganito pala kasarap ang
magmahal ng totoo edi sana matagal na kong nag seryoso”
BOOM. Ang sakit naman ng sinabi ni Stephen.
Kung alam lang niya ang gagawin ko sa kanya.
“S-stephen, paano kung bigla na lang akong mawala sayo”
Nakita kong naging seryoso ang mukha niya “wag mo nga sabihin yan!!!”
“i-I mean, paano kung pinagpalit kita sa iba? Paano pag sinabi ko sayo na hindi ikaw ang mahal ko?”
“edi papatayin ko ang lalaking yun”
Hinampas ko si Stephen “ikaw naman eh! Puro biro ka!”
“hahaha eh ang seryoso mo kasi eh” biglang tumayo si Stephen “halika nga sayaw tayo”hinawakan niya ang
kamay ko at inalalayan ako tumayo. Bigla naman niya hinawakan ang waist ko at hinila papalapit sa kanya atsaka
ako binigyan ng isa na namang nakakamatay na ngiti.
Ay bwiset! Bat ang gwapo niya?! >__<
“Nami”
“Naomi” pag ko-korek ko sa kanya
“hahaha I prefer Nami”
“bakit ka nga ba Nami ng Nami? Simula nung una tayong nagkausap yan na ang tawag mo saakin”
“gusto mo malaman?” nagbigay ulit siya ng isang mapangakit na ngiti atsaka ako niyakap then naramdaman kong
nag su-sway na kaming dalawa. Nagsasayaw kami ng walang tugtog. “Nami. Short for Naomi Mikael. Simula pa
lang nag imbento na ko ng nickname mo. Isang nickname na walang pwedeng tumawag sayo nun kundi ako
lang. Para kahit na hindi mo ko nakikita, marinig mo lang na sabihin ko ang pangalan mo, alam mo agad na
ako yun”
Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko na akala mo eh hihiwalay na sa katawan ko. Bakit ba ganito si
Stephen? Bakit kayang kaya na niya patibukin ng mabilis ang puso ko? Wala naman nag bago sa kanya ngayon.
Ganun parin siya.
Mahal parin niya ko.
Pero mukhang saakin ang may nagbago.
Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin then hinawakan niya ang pisngi ko “Nami, gusto ko na malaman mo na---

Hindi naituloy ni Stephen yung sasabihin niya dahil bigla naman bumuhos ang napakalakas na ulan.
Napatakbo kaming dalawa. “dali babes baka mabasa tayo!”
Tumakbo kaming dalawa papunta doon sa may parking lot. Ang problema sobrang layo ng parking lot sa pwesto
namin. Wala pang masilungan
Bigla na lang huminto si Stephen sa pagtakbo
“oy baka mabasa tayo! Wag ka tumigil diyan!”
Tumawa si Stephen “hahahhahaha. Para naman tayong sira eh. Bakit pa tayo tumatakbo samantalang basang
basa na tayo?”
Doon ko lang narealize na wala na ngang natitirang tuyo sa katawan ko. Oo nga naman. Ano pang use ng pagtakbo
namin kung pareho na kaming basang basa.
Napangiti ako sa kanya “kung sabagay”
Nginitian din ako ni Stephen then lumapit siya sa kinatatayuan ko “itutuloy ko na lang yung sinasabi ko sayo
kanina” tinitigan ako sa mata ni Stephen “gusto kong malaman mo na. . .”lumapit siya saakin atsaka ako niyakap,
then may bigla siyang binulong sa tenga ko na nakapagpalakas na naman ng husto sa tibok ng puso ko
“. . .mahal na mahal na mahal kita”
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Oo, madaming beses na niya ko sinabihan ng ganyan.
Pero mukhang kakaiba ang araw na to.
Dahil ito ang unang pagkakataon na hindi ako nasaktan dahil sa sinabi niya instead
. . .nakaramdam ako ng saya.
Chapter 45
*Rence’s Notebook*
[Naomi’s POV]
“babes ang ganda mo diyan sa t-shirt ko alam mo ba?” sabi saakin ni Stephen habang nakangiti ng nakakaloko
“tantanan mo nga ako!!” =___=
Nasa condo ako ngayon ni Stephen, as usual. Alam niyo naman kada umuulan at nababasa kami, saan ba kami
dumidiretso?! Kaya enjoy na enjoy tong lalaking to pag umuulan eh. Alam niyang trapped na naman ako sa condo
niya at mamanyakin na naman ako. . . .at ang isipan ko. =__=
Pinahiram lang ako ng oversized shirt ni Stephen kasi yung mga damit ng pinsan niyang babae na madals kong
ginagamit pag nandito ako ay nabigay na niya. Kesa naman isuot ko yung damit ko na basang basa mas ok na to.
Though nakakailang lang dahil onting maling upo eh makikita ang undergarments ko. Alam niyo naman ang kasama
ko may pagkamanyak. Mahirap na.
“babes” tinabihan ako ni Stephen sa kama niya “tara gawa tayo ng baby”
Binatukan ko na
“aray naman babes bat mo ko binatukan! T__T “
“eh ang manyak mo eh!!!”
“anong masama doon?! Mahal naman natin ang isa’t isa eh!!”
“kasal na ba tayo?! Ha?! HA?!!!”
“bakit pananagutan naman kita eh” =__=
“excuse me wala akong planong mabuntis ng maaga!” tong lalaking to talaga napakamanyak
Bigla naman siyang tumayo at isinuot niya yung jacket niya, kumuha ng payong at nagsuot ng tsinelas then dirediretso
siya papunta sa pintuan
“err saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya
“bibili ako ng condom para di ka mabuntis” =__=
AY ANAK NG--!!!
Binato ko siya ng unan “walangya ka! Napaka manyak mo!! Nakakaasar ka! Uuwi na ko!!”
Bigla naman siya natawa sa sinabi ko “hahaha to naman, joke lang yun babes. Sadyang ang cute mo lang pag
namumula ka ng ganyan”
Inirapan ko siya “hindi magandang joke!”
Tumabi siya sakin then niyakap ako “sorry na po, di ko na uulitin. Alam mo naman na di ko magagawa sayo
yun eh. Well not unless kung gugustuhin mo talaga”
Dugdug
Napalunok ako bigla dahil pakiramdam ko eh sasabog ang puso ko. Ang lakas ng ulan sa labas at naka todo pa ang
aircon dito sa unit ni Stephen pero BAKIT ANG INIT NG PAKIRAMDAM KO.
“uhmmm inom lang ako water” sabi ko sa kanya. He let go of me then pumunta ako sa kitchen niya at kumuha ng
tubig. Sumandal ako doon sa may bar sa kitchen niya tsaka ko uminom ng tubig. Huminga ako ng malalim pero ayaw
parin mawala ng kabog ng dibdib ko.
Ay tofu ano ba nangyayari saakin at kinakabahan ako ng ganito?! Nakakaasar naman kasi si Stephen eh, kung anuano
ang mga pinagsasasabi. Ininom ko ulit ng isang lagukan yung tubig then pag angat ng ulo ko nakita ko si
Stephen na papalapit saakin while grinning.
Err bat parang may hindi ako magandang pakiramdam sa mga ngiti na yan?!
“Nami..”
“b-bakit?”
Lumapit saakin si Stephen at iniharang niya ang dalawa niyang kamay sa magkabila ng bar kaya natrap ako.
“may gusto akong gawin ngayon” sabi niya saakin
“a-ano y-yun?”
He gave me an evil grin “ano ba masarap gawin pag umuulan?”
Napalunok ako at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Juskoo kaya ba ako kinabahan ay dahil may hindi
magandang pinaplano ang lalaking to saakin?! T__T
Wag naman po >__<
“uhmm S-stephen, k-kasi eh m-mali yun alam mo n-naman eh..”
Mas lalong lumawak ang napakalaki niyang masamang ngiti “mali? I don’t think so. Wala naman mali doon
eh” nilapit niya ang mukha niya saakin. Ay tofu bat ang gwapo niya?! T__T
“S-stephen..” lumayo ka sakin namamanyak isipan ko =__=
“Naomi Mikael Perez” mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nung sinabi niya ng buong buo ang pangalan ko.
Nilapit niya ang lips niya sa may right ear ko and whispered something which made me shiver all over “I want
you” naramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko. Ay ampupu, iba na nararamdaman ko >__<
“S-stephen”
“but I also want a hot chocolate too. Ikaw ba gusto mo?”
“h-ha?”
Lumayo na siya saakin habang may hawak hawak na dalawang mug at may ngiting tagumpay sa mukha niya.
S-so kinuha niya lang yung mug sa likod ko?!
AY BWISET!!!!!
“oh babes bakit mukha kang nalugi diyan? May problema ba?” tanong niya saakin habang hindi parin nawawala
ang nakakalokong ngiti sa mukha niya
Tinignan ko lang siya ng masama kaya mas lalo siyang natawa
“hahahahaha. Grabe ang saya! Hahahahahaha”
“oo nga! Enjoy na enjoy ka diyan! Halatang halata!”
“hehehe sorry babes. Nakakatuwa lang. Kahit pala alam mong mahal kita eh naapektuhan ka parin ng
seducing powers ko. Pero dahil mukhang disappointed ka, gusto mo ituloy na natin?”
“gusto mo sipain kita where it hurts the most?!”
“hmpf taray neto. Nag su-suggest lang naman” =__=
Ay grabe! Napakaganda kasi ng suggestion niya eh! Sobra!
*I’m only gonna break break your break break your heart
I’m only gonna break break your break break your heart*
Kinuha ko yung cellphone ko doon sa kama ni Stephen then tinignan ko kung sino tumatawag
Calling…
France Kagandahan
Oh wag niyo ko sisihin. Siya nagpangalan niyan sa sarili niya. =__=
Pero ano naman kailangan ng isang to?
I answer the call “hello”
“HAY NAKU TE!! PAKIBATUKAN NA YANG PAPA STEPHEN NA YAN HA?! SABIHIN MO PAG NAKITA KO
SIYA HUMANDA SIYA SAAKIN AT HAHALAYIN KO SIYA NG BONGGA!!” >____<
Inilayo ko sa tenga ko yung phone. Ampupung bakla ito, sukat sumigaw?!
“ano ba nangyari sayo ha?” tanong ko sa kanya
“huhuhuhuhuhu di ko carry! Di ko carry! Im so scaaareeeeedd” iyak ni France “but anyways, hindi yan ang
tinawag ko” bigla naman back to normal ang boses niya. Adik na vaklush, pabago bago ng mood
“oh eh ano nga kailangan mo?”
“nasa condo ka ni Stephen right?”
“ha? ah oo. Teka paano mo nalaman?”
“umuulan eh. Obvious?”
Ganun ba yun? Kada umuulan ibig sabihin nasa condo ko ni Stephen? =__=
“wag ka aalis diyan bakla! On the way na kami ni Yannie diyan!”
“ha? teka bakit?—“ TOOT TOOT TOOT
Ay binabaan ako?! Bastuseng bakla to!
Pero teka, ano naman kailangan ng mga yun at pupunta dito?
[Kryzel’s POV]
Nahiga ako sa kama sa room ko at nagpagulong gulong.
Haaaaaaaaaaaay it’s so nice to be home! Namiss ko ang room ko!
I checked my cp. No messages.
Nakita kaya ni Rence yung letter na iniwan ko sa room? Alam kaya niya na umalis na ko? Baka natutulog pa yun kasi
pag alam niya na edi tinawagan na ko nun. =__=
Ay naku! Paki ko ba sa kanya?! Bat ko ba siya iniisip?! Dapat tantanan ko na to at baka mamaya eh mas masaktan
pa ko!!
Huminga ako ng malalim then bigla kong naalala yung notebook na nakita ko. Oo nga pala hindi ko pa nakikita yung
laman ng notebook na yun.
Bumangon ako then kinuha ko yung notebook. I opened it then nag start ko magbasa
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Diary. Ay ampupu ang bakla pakinggan. Mali mali. Dapat palitan ko.
HOY NOTEBOOK,
Oo na para akong bakla at nagsusulat ako ng ganito pero pakinshet lang eh, wala akong mapagsabihan ng
nararamdaman ko kaya no choice ako kundi kumausap ng papel! Alam mo ba yung girlfriend ko na si Vina na mahal
na mahal ko? Iniwan niya na ko at ipinagpalit sa isang basketball player!! Alam mo dahilan niya?! Sawa na daw siya
magkaroon ng nerd na boyfriend. Oh eh ano naman kung mukha akong nerd at kapareho ko ng hairstyle si Rizal?
Wagas naman ako magmahal eh
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wait wait, diary ba to ni Rence? Bat naman niya ibibigay saakin to. Pero teka, tungkol naman to doon sa ex niya na si
Vina na nahuli kong kahalikan niya eh! Bat ko pa binabasa to?!
Pero pinagpatuloy ko parin ang pagbabasa. Para kasing may gustong ipaalam ang notebook na to saakin eh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa sobrang inis ko nagpunta ako sa sa biology garden at doon nag eemote. Pinagbubunot ko pa ang mga damo
kaso bigla namang may dumating na tourism student at inabutan ako ng panyo! Nakakahiya babae pa man din siya!!
Pero atleast kahit papaano naranasan kong may maabutan ng panyo sa panahong nasasaktan ako. Kahit papaano
pala, may mga concern din na tao dito sa mundo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Biglang nag flashback sa isip ko yung mga pangyayaring yun. Wait siya yung lalaking nakita kong umiiyak? Kaya
pala nasa kanya yung panyo ko!
Inilipat ko sa kabilang page yung notebook then nagpatuloy ako sa pagbabasa
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HOY NOTEBOOK!
Alam ko na yung name nung nagbigay saakin ng panyo. Kryzel. Ang cute ng name niya no? pep squad siya and
napanuod ko ang practice nila. Ang galing niya sumayaw though medyo natakot ako nung inihagis siya sa ere.
Delikado yun ah. Pero alam ko naman na kailangan talaga yun
Di ko parin naisosoli yung panyo niya eh. Nahihiya ako na ewan. Pero nakakatuwa siyang sundan. Nakikita ko kasi
na masayahin siyang tao eh. Ayan crush ko na tuloy siya.
Nakita ko pala si Vina at yung bago niyang boyfriend kanina. Wala na kong paki sa kanila.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Teka, teka ibig sabihin ba nito eh matagal na panahon na kong iniistalk ni Rence?! Stalker ko siya dati?! Ang
gwapong bartender na yun?! O___O
Ang hirap paniwalaan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HOY NOTEBOOK
Para na naman akong tanga at kakausapin ka. Eh kasi naman eh feeling ko nagkakagusto na talaga ako kay Kryzel.
Parang imposible no kasi di ko naman talaga siya kilala eh. Pero kasi ewan, alam mo yung kinakabahan ako na
natatae na ewan pag nakikita ko siya? Ganun nararamdaman ko.
Pero mukhang wala akong pag-asa. Meron kasi siyang kaklase na basketball player din. Drew ata pangalan eh. Alam
ko naman na karamihan ng mga babae eh mahilig sa basketball player. Ano naman ang pag-asa ko di ba?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Medyo natawa ako dito. Nag selos siya kay Drew?! Hahahahaha of all people bakit kay Drew pa?!
Pero ibig sabihin ba nito umpisa pa lang mahal na ko ni Rence?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HOY NOTEBOOK
Ang ganda pala ni Kryzel, ngayon ko lang napansin
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ay walanjong lalaki to! Di ba kapansin pansin ang beauty ko?!
Pero napangiti ako sa nabasa ko. At least alam kong mahal na niya ko bago pa niya mapansin na maganda ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HOY NOTEBOOK
Tinamaan ako ngayon ng sapatos sa ulo at nagkabukol ako. Pero salamat sa sapatos na yun natauhan ako.
Kailangan ko ng gumawa ng paraan para magkakilala kami ni Kryzel! Pumunta ako sa bistro nila para mag apply
bilang steward-slash-tagahugas ng plato kaso ayaw ako tanggapin. Sabi ko pwede rin ako janitor, o taga linis ng
kubeta o taga punas ng bintana kaso wala talaga, ayaw nila ako i-hire. Tinanong pa ako nung naginterview saakin
which happened to be Kryzel’s dad kung bakit ko gustong pumasok. Well I told him the truth and pinagtawanan lang
ako. Balik na lang daw ako after a year kung mahal ko pa si Kryzel nun.
Bat kasi ang torpe ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Teka teka, nag apply siya sa bistro namin dahil saakin? And alam ni dad na mahal ako ni Rence kaya niya ko
pinagkakasundo sa kanya?
Ayun ba ang dahilan?!
Pinag patuloy ko ang pagbabasa.
Nalaman ko ang araw araw na pagsunod saakin ni Rence sa school pati narin nung nanalo siya sa kauna-unahan na
flairing competition and iminake over siya kaya naging ganyang kagwapo. Nalaman ko rin na after a year, nag apply
ulit siya saamin bilang tagahugas ng pinggan. Pero dahil nga sa mga competition na sinalihan niya, kinuha siya ni
dad bilang bartender and sinabi din sa kanya ni Rence na hanggang ngayon mahal parin niya ko. Kaharap pa si mom
nun. At nangako din siya na makukuha niya ang puso ko.
Nandoon din pala siya nung panahong nasaktan ako kay Stephen. Habang umiiyak ako, siya rin pala umiiyak para
saakin. Tinry niya ko pasayahin nung uminom ako saamin pero di ko siya pinansin. At nung gabing nalasing ako,
nalaman ko, wala palang nangyari saamin dalawa. Kinausap din niya si Naomi at sinabi niya dito lahat ng
nararamdaman niya para saakin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HOY NOTEBOOK
Dati pa lang si Kryzel na mahal ko, hanggang ngayon, at hanggang sa mga susunod pa na araw. Ano ba ang dapat
kong gawin para maniwala siya?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bigla na lang bumagsak ang luha ko.
Ganito pala ko kamanhid hindi ko alam. Hindi lang pala manhid, tanga pa. Mahal ako ni Rence. Mula umpisa, palang
ako na. Kahit ilang beses ko siya itinulak palayo at sinabihan ng masasakit na salita, ako parin ang mahal niya.
Pakiramdam ko napaka sama kong tao.
Bakit hindi ko manlang nagawang lumingon sa kanya? Masyado kong inaksaya ang panahon ko sa pagiyak para kay
Stephen samantalang may lalaking nagmamahal naman saakin ng buong buo?
Nagsisisi ako sa lahat ng panahon na nasayang at sa lahat ng masasakit na salitang nabitawan ko sa kanya.
Hindi pwede to. Kailangan kong itama to.
Ayoko na mag deny
Mahal ko din si Rence and ngayon oras na para ako naman ang magparamdam sa kanya ng pagmamahal ko.
Patayo na ko at handa ng umalis para bumalik sa bahay nila Rence ng bigla naman tumunog ang phone ko
Calling…
France Dyosa
Huh? Si France? Bakit naman kaya?
Sinagot ko yung phone ko
“hello?”
“ASAN KA?!”
“sa bahay bakit?”
Bigla naman sumigaw si France ng pagkalakas lakas pero di ko maintindihan yung sinasabi niya kasi chappy.
“hello? France di ko maintindihan sinasabi mo! Chappy!”
“ANG SAMA MO! HOW DARE YOU CALL ME CHUBBY?! MATAPOS AKONG PAGTRIPAN NI PAPA STEPHEN
TATAWAGIN MO KONG CHUBBY?! KAAWA-AWA NA ANG CHARACTER KO SA STORYANG ITO ABA!”
“sabi ko CHAPPY hindi CHUBBY!! Ano ba kasi ang sinabi mo?!”
Tong baklang to eh! Panira ng moment! Busy ako sa page emote eh!
“ang sabi ko—“
Di ko na narinig ang sinabi niya dahil chappy na naman. Ano ba to!! =__=
“hello France?! Di ko maintindihan!!---“ TOOT TOOT TOOT
Ay binabaan ako ng bakla? Sosyal ha!
Ay naku wala akong oras para intindihin ang nagaalborotong bakla. Tsaka na yan. Kailangan ko muna ayusin ang
lovelife ko!
Kinuha ko yung hand bag ko at nagsuklay ng buhok then lumabas na ko ng kwarto ko. Kaso paglabas na paglabas
ko ng kwarto ko eh nakarinig ako ng isang malakas na sigaw galing sa isang malanding boses
“KRYZEEEEEEEEEEEEEEEEEEEELLLL LUMABAS KA DIYAAAAAAAAANN!!!”
Nakita ko si France na kapapasok pa lang ng bahay namin kasama si Naomi, Stephen at Yannie.
Teka ano ginagawa ng mga to dito?!
“bat kayo nandito?” tanong ko sa kanila
“ay bruha ka! Dapat ikaw ang tinatanong namin niyan! Bruha ka talaga!!” sagot ni France
“h-ha? teka ano bang meron ha?!”
“best sumama ka samin, si Rence aalis na” sabi naman ni Naomi
“t-teka, a-anong ibig mong sabihin?”
“alam ko pinadala na siya ng school sa ibang bansa para maging foreign exchange student. Kryzel,
. . .3 years siyang mawawala”
Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
Hindi pwede to. Hindi.
Chapter 46
*closing*
[Kryzel’s POV]
“Ay ano ba bakla!! Wag ka lumuha yung eyeliner kumakalat! Di mo ba alam na hirap na hirap ako sa
paglalagay niyan ha?!” sabi ni France saakin.
Nandito na kasi kami sa car ni Stephen on the way sa airport para habulin si Rence. Syempre iyak ako ng iyak kahit
hindi pa kami nakakarating. Ang dami dami kong naiisip na bagay. Paano na lang kung di ko na siya maabutan?
Paano kung di ko masabi nararamdaman ko sa kanya? Paano kung makahanap na siya ng iba?
Sino ba naman hindi maiiyak? Kahit kelan ang malas ko sa pagibig
AT ITO PANG BAKLANG FRANCE NA TO KITA NANG IYAK NA KO NG IYAK PERO TODO MAKE-UP PARIN
SAAKIN!! >__<
“naku te ang pimples lumalabas! Masyado ka na de-depress diyan! Chillax ok?! Tsaka dapat maganda ka
mamaya! Yung tipong para kayong nasa scene ng penikula ni Rence? Habulan mode tapos maabutan mo
siya then iiyak ka, tapos magyayakapan kayo. After that mangangako siya na babalik siya, na di siya
mambabae, na ikaw lang at ng kung anu-ano pang mga kasinungalingan at pambobola ng isang lalaki then
POOF! Kissing scene na. The end ang story niyo!”
“sige lang! sige lang ipaglandakan mong aalis si Rence!” sagot ko sa kanya sabay napahagulgol na naman ako
ng iyak. Langyang bakla kasi to eh ang sarap sapukin T__T
“hoy Fransisco Juan tigilan mo na nga itong si Kryzel! Kita mo na ngang nahihirapan na yung tao kung anuano
pang kabaklaan yang ginagawa mo!” saway sa kanya ni Yannie. Buti na lang at di nako kinulit ng baklang to!
Sa buong byahe iyak lang ako ng iyak at the same time kinakabahan ako. Bat ba kasi napaka tanga ko eh? Lagi na
lang akong mali pagdating sa ganyang bagay. Mali ng minahal na lalaki, mali ng sinaktan na lalaki, maling akala… at
maling oras kung kelan ko narealize ang lahat ng pagkakamali ko.
Pero sana naman this time hindi na ko mahuli? Sana this time maging “tama” na ang gagawin ko.
Ayoko ng magkamali.
“we’re here” sabi ni Naomi.
Agad agad kong binuksan yung pintuan ng kotse kasi nakita ko na si Rence na papasok sa loob ng airport. Once na
makapasok siya sa loob alam ko magiging huli na ang lahat saamin.
Nung makita kong ipinapacheck na niya yung plane tickets niya sa guard at medyo malayo layo pa ko, sumigaw na
ako.
“RENCE REBOREDO WALA KA PANG RESIGNATION LETTER NA BINIBIGAY SA BISTRO NAMIN SO DON’T
YOU DARE ENTER THAT DAMN AIRPORT!”
Napatingin saakin si Rence pati narin yung guard at yung mga nasa likuran ni Rence. Nakita ko rin sina Naomi na
nakahabol na saakin.
“Kryzel?”
“guard bakit niyo papapasukin ang lalaking yan ha?! pina blatter ko yan eh!!”
“teka Kryzel, a-ano bang sinasabi mo?” tanong saakin ni Rence
“sorry po ma’am wala po kasi kaming nare-receive na order. Ano po ba ginawa niya?” tanong naman nung
gurad
“ninakaw niya puso ko. Bawal siyang umalis” sabi ko sa kanila
“ay sosyal! Naiiyak na pero nakuha pang bumanat ni atii! Kabog!” rinig ko naman na sabi ni France
Oo ang korny ng banat ko pero naiiyak ako ngayon. =___=
“Kryzel”
Lumapit ako kay Rence then tinignan ko siya sa mga mata at sinabi ang mga katagang nagpabilis sa pintig ng puso
ko
“mahal kita, Rence”
“t-teka, totoo ba tong naririnig ko? Hindi ba ko nabibingi? Paki ulit nga ang sinabi mo”
Bigla na lang bumuhos ang luha ko at niyakap ko si Rence “bingi mo talaga eh! Sabi ko mahal kita! Mahal na
mahal na mahal kita! Ayokong mawala ka sakin Rence. Pero bat ganun? Wala pang nagsisimula aalis ka na
agad! Bat kailangan mo pang mawala ng tatlong taon ha?! bakit kailangan mo kong iwan sa panahong gusto
ko ikaw na ang kasama ko? Ang sakit eh” mas lalo akong napahagulgol ng iyak “mahal kita, mahal kita, pero
bat mo ko iiwan agad?” tuloy tuloy ang agos ng luha ko at halos hindi na makahinga sa sobrang hagulgol ko.
Humiwalay si Rence sa pagkakayakap saakin then he wiped my tears
“nasasaktan din ako Kryzel na makita kang ganyan. Pero alam mo ba na ang saya saya ko na marinig lahat
ng mga yan sayo? Natutuwa ako dahil mahal mo ko”
“eh paano ipabasa mo ba naman saakin ang diary mo no!” sabi ko habang patuloy parin sa pag iyak doon
“diary? Teka anong diary?”
Ipinakita ko kay Rence yung diary na nabasa ko then bigla naman siya napapalo sa noo “oh sh1t nabasa mo yan?!
Nagkamali ako ng notebook na bigay sayo! Kesa yung notebook na puro I love you ang nakasulat ayan pala
yung naibigay ko! Ay ang tanga ko! Nakakahiya!”
“tanga ka pa sa lagay na yan? Eh narealize ko na nga na mahal kita eh! Dahil dito nalaman ko na ang lahat!
At nalaman ko rin kung bakit tumitibok ang puso ko ngayon! Dahil sayo to! Dahil mahal kita!!” mas
napahagulgol ako ng iyak at niyakap ko ulit si Rence “yun nga lang aalis ka na! bat kasi kailangan mo pang
mawala ng tatlong taon eh. Pero ok lang saakin, basta pangakuan mo ko na babalik ka at talagang
magaantay ako sayo, kahit gaano katagal”
Humiwalay ulit si Rence sa pagkakayakap saakin at pinunasan ang luha ko “mahal na mahal na mahal din kita
Kryzel and pangako babalik ako. Babalikan kita. Kaya lang Kryzel kasi hindi naman ako tatlong taon
mawawala eh, isang araw lang. pupunta kami ngayon ng Cebu kasi may competition kaming sasalihan.
Tomorrow afternoon nakauwi na ko. Di mo ba nabasa yung note ko sa ref? tsaka kanino mo ba napulot ang
balitang yan na 3 years ako mawawala?”
Biglang umurong ang luha ko pati narin ang uhog ko dahil sa sinabi niya.
t-teka one day lang siya mawawala hindi 3 years? As in one day lang? totoo bang rinig ko? One day lang talaga?
Tinignan ko yung mga taong kasama niya sa likod niya and dun ko lang napansin yung mga nasa likod niya ay
schoolmates pala namin. Nandun pa si Ma’am Pascual, professor at the same time coach nila. Tinginan ko ang mga
pagmumukha nila and pare-pareho silang mga kinikilig.
Ay ampupu! Napahiya ang lahi ko doon ah! Todo emote ako dito tapos maling akala pala?! Sayang ang luha! Sayang
ang make up! Sayang ang pag papagod ko sa pagtakbo! Ay ampupu talaga! Nag dadadrama pa ko sa harap ng mga
estudyante at mga prof?! nakakahiya ako =__=
AFTER LAHAT NG KORNY AT MADARAMANG LINES KO EH GANITO ANG LALABASAN! ITLOG NG
CROCODILE! GUSTO KONG PUMATAY!!
Kasi naman sabi nina France!
Napatingin ako doon sa apat na traydor na nagsabi saakin at ganito ang mga reaksyon nila
(--_-- ) – Yannie
( --_--) - Naomi
( _._ ) - Stephen
(^__^)v - France
AY TOKWA TALAGA!!!
“uhmmm Rence wait lang ha may papaslangin lang ako” I gave him my sweetest smile sabay talikod at binigyan
ko ng nakakalisik na mata yung apat +___+
“MGA WALANGYA KAYO!”
“TAKBOOOOO!”
Mga nagsitakbuhan sila kaya namana ng ginawa ko hinubad ko ang sapatos ko at pinagbabato sa kanila! Binelatan
lang nila ko kasi di ko sila natamaan.
Ang babait naman kasi talaga na mga kaibigan to eh no! sarap ipalamon sa crocodile!!
Bigla kong naramdaman na hinawakan ni Rence ang braso ko sabay hila saakin papalapit at paharap sa kanya “wag
mo na sila awayin. Basta yung sinabi mo wala ng bawian ha? sinabi mo na mahal mo ko! Pag binawi mo yun
aanakan kita sige ka!”
Hinampas ko siya sa braso “oo na wala ng bawian. Ayoko pang mabuntis eh! Pero mahal talaga kita”
Napangiti si Rence then tumingin siya kay Ma’am Rence “ma’am wala naman po tayo sa school di ba? so pwede na
kami mag PDA dito?”
Medyo natawa si ma’am sa sinabi niya “sige na go na! alam ko naman na matagal mo na hinihintay yan eh”
“thank you ma’am!!” humarap ulit si Rence saakin habang nakangiti ng nakakaloko “I love you, Kryzel” and before
pa ko makasagot sa kanya
. . .he started kissing me
. . . and I gave the kiss back.
For the first time, naramdaman ko kung gaano kasarap mahalin ang taong mahal mo.
This might be the closing of our heart aches. Oras na para sumaya kaming dalawa.
Chapter 47
*a kiss*
[Naomi’s POV]
“best halika na!”
“wait lang best! Magbibihis lang ako! Excited much?”
“eh kasi eh..”
Natawa ako sa namumulang mukha ng best friend ko. Sige na siya na ang inlove.
Kababalik lang ni Rence from Cebu and he bagged 2nd place in flairtending competition out of 56 colleges and
universities na sumali. At dahil daw proud “girlfriend” si Kryzel eh mag ce-celebrate kami sa victory ni Rence. Though
kami-kami lang naman.
Oo, sila na ni Rence. Aba’y dapat lang! hahaha bago umalis si Rence papuntang Cebu he asked Kryzel kung pwede
ba siyang maging girlfriend. Eto namang baklang si France todo ang pagbabantang ginawa kay Kryzel para lang umoo
na siya kay Rence. Pagbantaan ba naman niyang aagawin niya si Kryzel kung magpapaligaw ba to kay Rence eh!
Hahaha yung baklang yun talaga.
But I’m glad happy na ang bestfriend ko. Rence is a nice guy, bonus na ang pagiging hot niya at sweet. Alam ko
magiging masaya si Kryzel sa kanya.
Nung matapos ako sa pag bibihis, bumaba narin kami ni Kryzel. Nakita ko naman si Yannie at Kuya Nico na nag
uusap sa isang tabi dun. Hanggang ngayon wala pa halos nakakaalam ng relationship nila. Pero malapit lapit narin
naman kasi pauwi na si Mama Anne. Excited na nga ako. Miss na miss ko na kasi siya.
“hahaha basta pare ah mag basketball ulit tayo! Di ka na kasi madalas pumunta sa court eh! May
pinagkakaabalahan ka no? may nililigawan na?” narinig kong tanong ni kuya Myco and nagulat naman ako ng
makita kong nakikipagharutan ang tatlong kuya kong kay Stephen habang si France naman ay titig na titig sa kanila
na kulang na lang eh sunggaban niya ang mga kuya ko at halayin. Pero for sure hinahalay na niya ang mga kuya ko
sa isipan niya. =__=
“nililigawan? Hehe oo pare eh meron” tumingin si Stephen sa direction ko then he winked at me
Walanjo. Pag ako nabuko ng mga kuya ko ipapakain ko siya sa crocodile! =__=
“gwapo ni Stephen no best? Bagay kayo” bulong saakin ni Kryzel
Ngumiwe lang ako sa kanya. Naku sabi na eh, dahil may lablayp na ito ipagpipilitan narin niya na magka lablayp ako!
Pero sa sitwasyon ko ngayon, parang malabong mangyari yun. :/
“guys the car’s ready” sabi ni Rence na kapapasok lang.
Nagsitayuan naman na sila doon “oy Stephen alagaan mo ang bunso namin ha!” sabi ni Kuya Jake
“oo nga wag mong hayaang may lumapit na lalaki diyan” sabi naman ni Kuya Myco
“and paki hatid narin dito” dagdag pa ni Kuya Nico
Bat ba sila ganyan?! bat ang laki ng tiwala nila kay Stephen?! Kung alam lang nila. =___=
“oh sure!” lumapit saakin si Stephen “Nami is safe with me” then he winked
“oh my goshiness! Me is kinikilig! Me is nag ha-hyperventilate!” sabi ni France habang nagpapaypay sa sarili.
Nagtawanan naman silang lahat.
“oh alis na kayo?” sabi ni papa na halos kalalabas lang sa room niya
“oh papa, alis na po kami”
“good evening po tito” bati naman nila kay papa
“o sige mag iingat kayo ha” biglang napatingin si papa kay Stephen kaya naman napa-attention siya
“uhmm b-bakit po?”
Bigla siya nginitian ni papa “hijo alam mo ba may kamukha ka”
“h-ha? sino po?”
“wala wala. May naalala lang ako bigla” tinapik niya sa balikat si Stephen, "magiingat kayo ha?”
Nag paalam na ko kina papa then lumabas narin kami ng bahay.
“kinabahan ako dun te! Akala ko ma—aray!” napatingin kami lahat kay France pero nginitian lang niya kami pati si
Yannie.
Ano naman kaya yung ginagawa ng dalawang yan?
“hmmm sino kaya yung kamukha mo Stephen? Yung tinutukoy ni papa?” napaisip naman ako bigla doon.
Parang dati din kasi nasabihan ako ng papa ni Stephen na may kamukha ako
Stephen just shrugged his shoulder “I dunno, siguro si Kim Bum? Madami kasi nagsasabi na magkamukha
kami, mas gwapo lang ako”
“sige lang, libre naman mangarap!” =__=
Sumakay na kami sa kotse. Ako sa car ni Stephen, sina Kyrzel sa car ni Rence.
“ang daya hiwalay tayo sa kanila!” sabi ko kay Stephen “dapat si Kryzel at Rence ang nakahiwalay eh”
“ok lang yun. Mas gusto ko na nasosolo kita. Selfish ako eh” nginitian ako ni Stephen then nag drive na ulit siya.
Napahinga ako ng malalim. Ampupu, akala ko nilubayan na ko ng mga karpintero sa puso ko pero bakit umaatake na
naman sila ngayon?! >__<
Napatingin ako kay Stephen habang nag da-drive siya. Matagal na kong aminado na ang gwapo ng nilalang na to,
pero bakit ganun? Bakit parang mas gumagwapo pa siya sa paningin ko ngayon? Wala naman pinagbago sa kanya.
Same hairstyle, same clothes pero parang may kakaiba talaga sa mukha niya eh. May something na nakakapagpa
gwapo sa kanya.
“babes, kung di mo titigilan ang kakatitig mo saakin baka before pa tayo makarating sa bar eh tunaw na ko”
Napaiwas ako ng tingin kay Stephen “h-hindi ikaw ang tinititigan ko no!”
“naku Nami, kahit pa lagi mo kong sinusungitan I know you can never ever resist my charms”nginitian na
naman niya ko ng kanyang killer smile
Sige na! siya na may killer smile! Siya na may charms! Siya na gwapo!
Ay bwiset bat ba ko naapektuhan ng ganto?!
Maya-maya nakarating na kami sa bar na kakainan namin. Dahil weekend, madaming tao sa loob. Karamihan mga
teenagers na gumigimik.
“Nami babeeeeeeees!!” nagulat naman ako ng biglang sumulpot si France sa gilid namin ni Stephen at pinulupot
niya ang mga kamay biya sa braso ko “let’s go inside!!”
“h-hoy bakla ka bitawan mo ang babes ko!” hinatak naman ako ni Stephen kaya lang ayaw ako bitawan!
“tse papa Stephen! Wag mo ko kausapin! Di parin ako nakakaget over sa ginawa mo! Akin lang ngayong gabi
si Naomi!”
“teka ano ba ginawa mo kay France ha?” tanong ko kay Stephen. Matagal na ko curious eh. Sino kaya ang mineet
ni France sa kanto habang may dala siyang kamote-Q?
Kesa sagutin ni Stephen ang tanong ko, humagalpak na naman siya ng tawa “babes kasi ganito pft—
hahahahahahahhahahahahahahahahhahahahahha”
Ok ang dami ko naintindihan sa tawa niya =__=
“hmpf! I hate you papa Stephen! I hate you!” mas lalong hinigpitan ni France ang pagkakahawak niya sa braso
ko “let’s go babes!” kinaladkad niya ako
“o-oy walang agawan ng babae!” tumakbo papalapit si Stephen saamin at pinulupot ang kamay niya sa kabila ko
namang braso
“hay naku best ikaw na ang mahabang buhok! Dala-dalawa kapartner mo!” panunukso ni KRyzel
“ako na ang lonely, di kasama ang boyfriend ko” sabi naman ni Yannie.
“hmpf lalaki parin ang gusto ko, pero aagwain ko muna si Nami sayo papa stephe bilang ganti sa ginawa mo
sakin”
“aba hoy mandiri ka France! Di ako pumapatol sa bakla!” =__= sigaw ko sa kanya
Ano ba kasi ang ginawa ni Stephen dito at mukhang di maka get over si bakla?
Pumasok na kami sa loob ng bar and nagulat naman ako dahil biglang nag hawian ang mga kababaihan.
Ok ano meron?
“ang gwapo ni Rence no? minsan nag f-flair siya dito eh!” rinig kong sabi nung isang babae
“oo nga eh, mukhang pina-pirate siya ng bar na to pero mas gusto parin niya magtrabaho doon sa bistro”
“kasi nandun yung nililigawan niya”
“correction te, girlfriend na”
“owwww, taken na si papa Rence” they all said in unison
Ah kaya naman pala, kilala si Rence dito.
“hay naku ikaw na sikat” sabi ni Kryzel kay Rence
Rence put his hand around Kryzel’s waist “don’t worry, sayo lang naman ako eh”
“ay naku kayo na ang sweet! Kayo na!” sabi naman ni France
Nung naglalakad na kami papunta sa loob, mas nagulat ako nung nagtilian ang mga babae
“SI STEPHEN CRUZ NANDITO NA SA BAR!”
“KYAAAAAAAAAAAAA”
May babaeng humatak kay Stephen “hi papa Stephen” bati niya dito with a seductive tone “wanna have some
fun?” sabi niya sabay kindat
Fun your face! baka gusto mong gawin kitang electric fan?!
Before pa makasagot si Stephen may isa na namang babae ang sumulpot at sumabit na parang unggoy sa may likod
niya “hey hunny long time no see. Saan ka ba nagsusuot ha? I miss your kiss” sabi ni monkey girl
At may sumulpot na namang linta sa gilid ni Stephen at pinulupot ang mga braso nito sa kabila pang braso ni
Stephen “darling I’ve been waiting for you” he told Stephen and bigla bigla na lang niya itong hinalikan
“ay inggit ako! Dapat ako din!” sabi nung monkey girl
“syempre ako dapat may kiss din!” sabi naman nung linta
Napakamot na lang ng ulo si Stephen pero hinayaan niya yung mga linta na landiin siya.
Bigla akong binalutan ng masamang aura at nag transform ako bilang Majinbu at ginawa kong chocolate yung mga
babae---sa isipan ko.
ANAK NG--!!
“oh ano best wala ka ba gagawin? Nilalandi nila si Stephen oh?” pang uudyok saakin ni Kryzel
Huminga ako ng malalim
…at sinugod yung mga babae
“HOY!” sigaw ko sa kanila kaya natigilan sila sa pakikipag landian sa Stephen KO.
“how’s this pokemon?” sabi nung isang linta
“pokemon your face! Ako si Majinbu!” hinatak ko si Stephen sa pagkakapulupot ng braso nila“back off girls he’s
mine!!!”
“at sino nagsabi ha?!” tanong nung mukhang paa
“ako baket?! May angal ka!!” sagot ko
“aba hoy! Pwede ka maki share saamin pero wag mo sosolohin si Stephen! Saamin din siya!!”
Mas lalong uminit ang ulo ko “tara dun sa labas, patitikimin ko kayo ng flying kick” =__=
Lumapit yung tatlong linta saakin at tinignan ako ng masama “tingin mo kaya mo kami?” sabi nila habang nakataas
ang mga kilay
This time humarang na sa harapan ko si Stephen “ladies I’m sorry to say this but she’s telling the truth. Sa
kanya lang ako at wala ng ibang babae pa ang may karapatan saakin” inakbayan ako ni Stephen “you see, this
girl stole my heart, and dahil doon plano ko siyang ipakulong. . . .dito sa puso ko” he gave them a killer smile
“if you’ll excuse us, mag sasaya pa kami ng babes ko” he winked at them tapos bumalik na kami papunta kila
Kryzel
“hay naku sige na nga papa Stephen di ko na aagawin si Naomi sa inyo! Kayo na! kayo na talaga!” sabi ni
France
Inasar pa kami ng inasar ng mga mokong kong kaibigan. Umorder narin ng food sina Rence. Syempre libre nung
dalawa ang lahat. Puro pulutan lang naman then onting inuman. Hindi ako ganun kasanay uminom kaya naman
isang bote lang talaga ang kinuha ko. Takot ko lang na umuwing lasing. Naku for sure gugulpihin ako ng mga kuya
ko pag nangyari yun.
Napansin ko naman na di uminom ni isang bote si Stephen
“ayaw mo ba uminom?” tanong ko sa kanya
“ayoko. Ihahatid pa kita pauwi eh”
“nye, sige na uminom ka na kahit isang bote lang”
“babes kung dahil diyan sa isang boteng yan ay napahamak tayo sa pag-uwi, di ko mapapatawad ang sarili
ko pag nasaktan ka.”
Natameme ulit ako sa sinabi ni Stephen.
Cassanova nga talaga siya, ang galing mambola eh. Pero alam ko na lahat ng sinasabi niya saakin ay totoo.
Huminga ulit ako ng malalim at pinakiramdaman maigi ang sarili ko.
Stephen, onting tulak na lang saakin, mahuhulog na ko sayo.
Biglang pinalitan nung DJ yung music na pang slow dance kaya napuno naman agad ng mga lovers yung dance floor
Rence offered his hand to Kryzel “my lovely lady, please dance with me”
Kryzel smile “of course”
Nagpunta silang dalawa sa dance floor and doon nag sayaw. Magkayakap silang dalawa at magkadikit ang mga noo
habang nakangiti.
Bagay na bagay talaga silang dalawa. Masaya ako para sa kanila. Alam ko naman kasi na masyado na silang
nasasaktan kaya naman sobrang natuwa ako nung at last naging sila na.
Sana ako din.
Sana matapos narin lahat ng to.
“guys I think we better leave them” sabi ni Yannie
“right, hayaan na muna natin mapagsolo yung dalawa” pag sangayon naman ni France
Nagsi-tayuan na kami and pasimpleng umalis ng bar para hindi mahalata nina Rence. Nag text na lang kami doon sa
dalawa na mag enjoy sila.
“sige Naomi ingat kayo ni Stephen ha? may pupuntahan pa kami nitong si bakla”
“sumabay na kaya kayo saamin” sabi ni Stephen
“naku papa Stephen wag na! alam naman naming gusto niyo mapagsolo din eh!”
Nagpaalam na yung dalawa. Kami naman ni Stephen, sumakay na doon sa kotse niya
“babes, gusto mo mag star gazing? Medyo maaga pa naman eh”
“sure”
Nag drive si Stephen doon sa isang park kung saan maganda ang view para mag star gazing.
“tara babes sa labas”
Bumaba kami ng kotse then pareho kaming sumampa sa harapan ng kotse niya at doon nahiga.
Maganda ang langit ngayon, ang daming star pero meron doon isang star na pinaka maliwanag sa lahat
“Stephen tignan mo yung star na yun oh” tinuro ko yung pinaka maliwanag na star “yan ang mama ko.
Nakatingin siya satin ngayon”
“hello po, ako si Stephen, future husband ng anak niyo. Don’t worry pinapangako ko pasasayahin ko siya”
Napangiti ako sa sinabi ni Stephen “paano ka naman nakakasigurado na ako ang magiging asawa mo?”
“dapat lang no! kada may makikita akong shooting star, yun ang winiwish ko. Kada pupunta ako sa
simbahan, yun ang pinagdadasal ko. Naghuhulog pa ako araw-araw ng barya sa wishing well sa may plaza
para lang i-wish yun. Dapat lang ikaw ang mapangasawa ko”
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil may isang lalaking grabe ang magmahal saakin o maiiyak ako dahil balang
araw sasaktan ko ang lalaking to.
Dati gustong gusto ko na mainlove siya saakin ng matapos na ang lahat ng to. Pero ngayon, parang ayoko muna
tapusin. Pwede bang pahabain ko muna ang oras? Hindi pa ko handa para saktan si Stephen
“Stephen, bakit mo ako minahal?” out of nowhere lumabas na lang yun sa bibig ko.
Lumapit si Stephen saakin then niyakap niya ko “kailangan ba ng dahilan kung bakit kita minahal? Kung oo isa
lang ang masasagot ko. Pinapatibok mo kasi ang puso ko”
“Stephen, paano kung—kung may nagawa ako sayo na hindi maganda? Magagalit ka ba saakin?”
He chuckled “oo naman no magagalit ako. Tao lang din naman ako babes eh. Pero hindi ibig sabihin nun
titigil na ko na mahalin ka”
“Stephen..” humarap ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit “pangako di ako gagawa ng isang bagay ng
walang sapat na dahilan. Tandaan mo yan ha? kung dumating ang time na nasaktan kita lagi mong tatandaan
na ginawa ko yun dahil may sapat akong dahilan”
He hugged me back “alam ko naman yun babes eh. I love you Naomi Mikael Perez”
Maya-maya pumasok na kami sa loob ng kotse niya then hinatid niya na rin ako sa amin. Pero before ako bumaba,
binigyan niya ako ng rose.
“salamat Stephen”
“babes”
“hmm?”
He smile at me then inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko “pwede ba manghingi ng good night kiss
pambawi manlang doon sa paghalik saakin nung babae doon sa bar?”
“h-ha?”
Mas lalong inilapit ni Stephen yung mukha niya sa mukha ko. Para kong na paralyzed sa pwesto ko at hindi
makagalaw.
Yung mga mata ni Stephen, yung gwapo niyang mukha, yung mabango niyang amoy pati yung labi niya---ang hirap
iresist.
Before I knew it napapikit narin ako at naramdaman kong nag lapat ang labi naming dalawa.
Ilang segundo lang yung nagtagal pero pakiramdam ko naubos ang energy ko ng dahil doon
“good night babes. I love you”
Pumasok ako sa loob ng bahay habang hawak hawak parin ang labi ko kung saan dumampi ang labi ni Stephen.
Ilang beses na ko hinalikan ni Stephen pero bakit pakiramdam ko parang first kiss ang nangyari saamin
ngayon? Bakit may kakaiba akong naramdaman?
Ilang segundo lang yun. Pero hanggang ngayon hindi parin mawala ang pakiramdam na nakadampi ang labi niya
saakin.
Bigla akong na distract ng marinig kong tumunog yung phone ko.
Calling…
Yannie
Sinagot ko agad yung tawag
“hello Yannie?”
“N-naomi” nagulat ako ng marinig ko ang boses niya na halatang umiiyak
“teka Yannie umiiyak ka ba? May problema ba? Anong nangyari?”
“Naomi..” napahagulgol si Yannie sa kabilang line pero kahit ganun malinaw na malinaw sa pandinig ko ang sinabi
niya na naging sanihi rin ng pagtulo ng luha sa mata ko
“…kailangan mo ng gawin ang step 9 and 10”
Chapter 48.1
*thunder*
[Naomi’s POV]
“..kailangan mo ng gawin ang step 9 and 10. Naomi, S-stephen’s life is in danger. Naiinip na sila. I-it’s time t-to break
the Cassanova’s heart”
Right after ko marinig ang mga sinabi ni Yannie, hindi ko na nagawang magsalita pa. I click the end call button
habang yung luha ko tuloy-tuloy sa pag agos.
Bakit ba nangyayari to? Bakit ko ba pinasok ang ganitong sitwasyon. Napakahirap.
“how can I save him?”
“fall in love with him”
Naalala ko dati yung sinabi saakin yan ni Yannie. Fall in love with him? Paano ko matuturuan ang puso ko?
Yes, I know lately nagiging malaki ang epekto saakin ni Stephen. Pero masasabi ko na ba na mahal ko na siya dahil
doon? Inaamin ko may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya, pero para tawagin itong pagmamahal parang
napakababaw pa nung nararamdaman ko na yun.
Pwede bang bigyan niyo pa ko ng onting panahon?
Onting panahon para maturuan ko ang puso ko na mahalin si Stephen
Kinuha ko yung notebook kung saan nakasulat ang contract and binasa ko yung step 9 and 10.
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
Ang hirap hirap naman nito. Paano ko to magagawa? Paano ko maatim na saktan ang isang lalaking wala naman
ginawa kundi ang mahalin ako?
Tama bang ako ang magparusa sa kanya sa kasalanan niya dati?
Tama bang parusahan siya kung ang dahilan kaya naging ganun siya ay dahil sa pagiwan sa kanya ng ina niya at
pagpapabaya sa kanya ng ama niya?
Tinignan ko ulit yung notebook at binasa yung last part ng contract.
But there is one and only rule you must abide.
Do not fall for him
If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment.
Signed by: Naomi Mikael Perez
Ngayon ko na lang ulit naalala yung one and only rule na to. Dati kasi wala akong pakielam dito dahil alam ko sa
sarili ko na hinding hindi ako maiinlove kay Stephen.
Pero ngayon maliligtas ko lang siya sa pain pag nainlove ako sa kanya. Kaso pag nainlove naman ako sa kanya,
may parusa na nagaantay saakin. Kung ano yun, I have no freaking idea.
Ang gusto ko lang gawin ngayon ay tumalon sa tuktok ng building at mamatay para maiwan ko na lahat ng problema
ko ngayon.
Ang hirap ng sitwasyon ko. Wala ng ibang butas para malusutan ko to.
Dalawa lang naman ang option ko eh: save Stephen’s life or save Stephen’s heart? Hindi ko pwedeng piliin ang
pareho, dahil ang bwisit kong puso ayaw parin tumibok para kay Stephen.
Itinakip ko yung unan ko sa mukha ko habang patuloy parin ang pag-agos ng luha ko.
Sh1t lang. Ayoko ng ganito. Sana panaginip na lang lahat ng ito.
Ipinikit ko ang mga mata ko at parang nakakapang asar lang kasi yung mukha ni Stephen ang nakita ko pagpikit ko.
Yung mukha niya na nakangiti ng masaya.
Makangiti pa kaya siya ng ganyan pag ginawa ko na ang step 10?
Stephen, patawarin mo ko sa gagawin ko. Patawad…
Humagulgol ulit ako ng iyak hanggang sa makatulog na ako.
The next morning sobrang bigat ng pakiramdam ko. As expected, pagkagising ko magang maga ang mata ko. Para
akong sinapak sa mukha dahil sa itsura ko.
Bago ako bumaba, inayos ko muna yung kama ko pati yung mga gamit ko sa school. Kinuha ko yung gitara ko at
ipinasok ko doon sa bag. Kagabi habang humahagulgol ako ng iyak, may naisip na ko kung paano ko sasagutin si
Stephen ngayon. Oo ang weird no? umiiyak na ko kagabi nakapagisip pa ko ng plano. Sisihin niyo yung kantang
naalala ko.
Baka sakaling pag kinanta ko kay Stephen yun mamaya, makakuha na siya ng hint sa pinaplano ko.
Napahinga ako ng malalim. Gusto ko na mag back out kahit alam kong hindi pwede.
Inayos ko ang sarili ko then bumaba na ako sa dining room namin para kumain ng breakfast. Nakita ko naman sila sa
baba na nagaabang ng almusal doon habang ngiting ngiti. Mukha atang maganda ang gising nila. Buti pa sila.
“good morning Mika” bati nila saakin habang ngiting ngiti
“morning” sagot ko naman sa kanila.
Naupo ako doon sa tabi ni Kuya Nico. Maya-maya lang lumabas na si Mama Anne sa kitchen then inilapag niya yung
food sa harap namin.
“thank you mama! Wow mukhang masarap ah?” sabi ni kuya Jake
“syempre naman” pag sangayon ni Papa
“namiss ko luto ni mama ah!” sabi ko
Bigla ako natigilan.
Tinitigan ko yung babaeng naglagay ng pagkain sa lamesa. Tinignan ko yung babaeng naka apron na kalalabas lang
galing sa kusina.
T-teka, totoo ba tong nakikita ko?
“m-mama?” O__O
She smiled at me then napatakbo na lang ako palapit sa kanya
“mama!”
“hay namiss ko ang baby ko!” sabi niya habang yakap yakap niya ako “akala ko di mo na mapapansin ang
presence ko eh”
Napaiyak naman ako bigla kay mama “mama naman eh! Nakauwi ka na pala bat di mo ko inakyat sa kwarto
ko?”
“Inakyat kita, tulog na tulog ka lang” humiwalay siya sa pagkakayakap saakin then hinimas niya ang pisngi
ko “patingin nga sa dalaga namin? Tama nga ang sabi ng mga kuya mo, ang ganda ganda ganda mo na
ngayon. May manliligaw na ba ha?”
“ma naman eh!”
“ay naku mama Anne, may crush kasi yang si Mika kaya ganyan” pangaasar ni Kuya Sean
“o-oy anong crush ha!” loko tong si Kuya! Wala naman ako nabababanggit na crush ko sa kanila eh =__=
“oo kaya meron! Wag ka magkaila kilala namin kung sino!” sabi naman ni kuya Myco
“at sino naman yun aber?!”
“Si Stephen! Siya mismo nagsabi saamin na umamin ka daw sa kanya na crush mo siya! Ikaw bunso ha,
lumalandi ka na!” sabi ni kuya Nico
“naku ikaw bunso ha! May nililigawan ka na pala ni hindi mo manlang sinasabi saakin!” dagdag na pangasar
naman ni papa
Ay anak ng pagong na Stephen yan! Makapag imbento ng kwento wagas! =__=
Speaking of Stephen, tae naman oh, kahit papaano nakalimutan ko yung gagawin ko sa kanya mamaya dahil sa
pagdating ni mama Anne, ito naman si kuya pinaalala pa saakin. Hay.
“t-teka Stephen ba kamo?” tanong ni mama
“opo mama, bakit po?” tanong ni Kuya Jake
“w-wala naman” tumingin saakin si Mama “ang ganda naman ng name ng crush mo anak”
“ma naman eh! Wag nga kayo maniwala sa kanila! Ayan si kuya Nico oh, ayan ang may girlfriend!”
“o-oy Mika bat mo ko nilaglag! Sabi ko secret muna eh!” >__<
“teka may girlfriend ka na?” tanong ni papa “bat di mo ipinapakilala saamin?”
“oo nga naman kuya! Ipakilala mo na sa kanila si Yannie” I smirk
Tinignan naman ako ng masama ni kuya Nico. Mwahaha gantihan lang tsong
“oy Nico ipakilala mo saamin! Yung magandang babae ba na may kasamang bakla?”
Napakamot sa ulo si kuya Nico “oo siya nga. Eh hinihintay ko lang makauwi si Mama Anne para ipakilala si
Yannie. Di bale ipapakilala ko na siya sa inyo.”
“yun oh! Isama mo narin si Stephen na ipakilala!” sabi ni kuya Myco
“o-oy! B-bakit naman?”
“oo anak isama mo si Stephen. Gusto ko siya makilala” sabi naman ni mama Anne
Hay. Kung si Stephen lang ang lalaking mahal ko why not.
Kaso siya kasi ang lalaking nakatadhana para saktan ko eh.
Ilang oras na lang, magiging kami na ni Stephen. And after that, hindi ko na maimagine ang mga susunod na
mangyayari.
Chapter 48
(part 2)
[Naomi’s POV]
Sa last period class na ako nakapasok sa school dahil nakipag bonding pa kami kay Mama Anne. Pinayagan rin
naman ako ng mga kuya ko na umabsent muna. Sabi nga nila wag na daw ako pumasok ngayong araw eh kaso
hindi naman pwede yun kasi nga, may kailangan pa akong gawin. Kung pwede nga lang na ipagpabukas na to kaso
natatakot ako sa kung anong pwede nilang magawa hindi lang kay Stephen kundi kay Yannie narin.
Nakayuko akong naglalakad papunta sa classroom namin at kasalukuyang malalim ang iniisip ng bigla namang may
bumangga saakin kaya nalaglag yung mga daladala ko.
“ay sorry miss. Sorry”
“o-ok lang” tinulungan ako nung nakabangga saakin na magpulot ng gamit. Nung napaangat na ang ulo ko, nakita
ko kung sino ang naka bangga ko.
“D-drew”
“oh N-naomi”
Pareho kami napatayo then inabot niya saakin yung book ko
“salamat”
“uhmm k-kamusta ka na?” tanong niya saakin “long time no see”
“ok naman ako. O-oo nga, di na kita masyado nakikita”
Iniwas niya yung tingin niya saakin at ganun din naman ang ginawa ko.
Ang awkward.
Nakakamiss yung dati na kada magkikita kami, lagi kaming nagngingitian. Nakakamiss yung pag tap niya sa ulo ko
pati narin yung pagiging sweet niya.
Ngayon ko lang narealize, miss na miss ko na si Drew.
“uhmm p-pasensya na ha? medyo umiiwas kasi ako sayo” sabi niya saakin
I gave him a weak smile “it’s alright. Naintindihan ko naman yun eh”
“Naomi” nagulat ako ng biglang hinawakan ni Drew yung kamay ko tapos tinignan niya ako sa mata “na-miss kita
ng sobra”
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. I can feel butterflies on my stomach. The same feeling kada makakasama ko
siya.
Akala ko naibaon ko na sa lupa yung pakiramdam na yun, hindi pa pala. Ganito parin talaga ang nararamdaman ko
kada lalapit saakin si Drew.
Hanggang ngayon, ayaw parin mawala-wala
“d-drew, a-ako din namiss kita”
He smile “sana Naomi ok ka na ngayon”
I smiled back “oo naman! ok ako ngayon, masaya” sinungaling ka Naomi, napakalaki mong sinungaling “i-ikaw?
Kamusta na kayo ni Jeanel?”
“Naomi, kami na ni Jeanel”
*BOOM*
Another bomb exploded on my heart.
Natigilan ako bigla sa sinabi ni Drew. Sila na ni Jeanel? Oo expected ko na mauuwi sa ganito lahat pero bwisit lang
bat ang sakit?
I tried my best to smile “t-that’s nice! C-congrats. Uhmm s-sige una na ko m-malelate na ko eh”
Bago pa siya makapag salita, tinalikuran ko na siya at binilisan ko ang lakad ko dahil alam ko any minute tutulo na
ang luha sa mata ko.
At di nga ako nagkamali.
Tumakbo agad ako sa restroom at pumasok sa isang cubicle at doon nag iiyak.
Letchugas na pusong to oh! Akala ko matagal na kong naka move-on. Akala ko wala na. Pero bat ang sakit parin
marinig yun? Bat ang sakit sakit isipin na yung bwisit kong puso tumitibok parin para kay Drew! Bakit ganito?!
Pwede bang kay Stephen ka na lang tumibok?
Inayos ko ang sarili ko atsaka lumabas ng restroom at dumiretso ng classroom namin habang nakayuko.
Pagkaupo ko, agad naman ako sinalubong ni Stephen at tumabi saakin. I feel like crying again
“babes bat di ka pumasok? Alalang alala ako sayo kanina akala ko kung anon a nangyari sayo! Di mo ba
narerecieve mga messages ko sayo? Babes? Ok ka lang ba?” inangat niya bigla ang ulo ko “teka bat maga ang
mata mo? Umiyak ka ba?”
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya “h-hindi”
Lumuhod si Stephen sa harapan ko para masilip ang mukha ko “umiyak ka eh. Please tell me what happened
Nami? May nangaway ba sayo? May nanakit ba sayo? Please tell me and I’m gonna kick the a$$ of that
person!”
Oh sh1t lang. Gusto ko humagulgol ng iyak. Stephen itigil mo na to nakikiusap ako.
Wag mo na kong mahalin pwede? :’(
“w-walang nangyari ano ka ba. Bumalik na kasi ang mama ko galing abroad. Miss na miss ko siya kaya eto
dramahan kami kanina”
Nakita ko naman na napahinga ng malalim si Stephen “hay akala ko kung ano na. Ayokong ayoko ka pa naman
nakikitang nasasaktan kasi parang sasabog ang puso ko pag ganun at pakiramdam ko gusto kong patayin
ang taong nanakit sayo”
I smiled at him “Stephen pwede ba akong tumambay sa condo mo mamaya?”
Nabigla naman siya sa sinabi ko “h-ha? b-bakit naman?”
“wala gusto lang kita makasama. Masama bang makasama ka?”
Nakita kong namula bigla si Stephen “g-gusto ko syempre no! sige pumunta ka ha? sabi mo yan ha?” naupo ulit
siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko “grabe nagulat ako. First time mong nag alok na pupunta sa condo
ko. Ang saya ko lang dahil gusto mo akong makasama”
Nginitian ko na lang siya.
Kung alam mo lang Stephen
Dismissal time, tamang tama pinauna na ko ni Stephen sa unit niya dahil may meeting pa sila ng mga university
staffers. Bago ako pumunta sa unit niya, dumiretso muna ko ng supermarket para mamili ng ingredients para sa
lasagna, ceasar salad and crème brulee. Alam ko kasi favorite food yun ni Stephen. After makapamili, dumiretso na
ko sa unit niya para iluto ang mga to.
Plano ko kasi na isurprise mamaya si Stephen sa may rooftop ng condo. Doon ko na din siya sasagutin. Alam kong
dapat lalaki ang gumagawa nito para sa babae pero siguro tama naman na ako ang gumawa nito para kay Stephen.
Pambawi man lang sa gagawin kong pananakit sa kanya. Para kahit papaano, nagawa ko siyang pasayahin.
Nagawan ko siya ng isang espesyal na bagay.
Habang niluluto ko yung food di ko maiwasan na umiyak. Alam ko naman kasi kung bakit ko ginagawa ang bagay na
to eh. Alam niyo yung dapat excited ako kasi alam kong matutuwa si Stephen pero hindi yun ang nararamdaman ko.
Sabi ng professor namin, pag magluluto ka daw kailangan masaya ka, kailangan iisipin mo na yung niluluto mo eh
para sa isang taong espesyal sayo. Nakakatulong daw yun para sumarap ang pagkain. Ngayon umiiyak ako habang
nagluluto, masama ang loob ko at hindi ko gusto ang ginagawa ko. Pero alam niyo kung ano ang pang asar?
Ang sarap nung nailuto ko.
Bwisit lang.
After kong matapos ang pagluluto, nag sulat ako ng note na pumunta siya sa rooftop at iniwan ko to sa may side
table niya. Pumunta naman na ko sa rooftop at sinet-up ko na yung table pati mga foods namin. After that, I waited
patiently for him.
After 10 minutes, nakarinig na ko ng footsteps na paakyat sa rooftop kaya nag ready na ako at tumayo then sinabit
ko yung gitara saakin.
Di nga ako nagkamali, si Stephen yung parating.
Pagkapasok na pagkapasok niya sinalubong ko agad siya
“babes? Bat mo ko pinaakyat dito?”
I didn’t answer him but instead I started stramming the guitar
(Thunder acoustic version by Princess. Click video to play)
“Today is a winding road that's taking me
To places that I didn't want to go, whoa”
“b-babes? Para saan to?”
Nginitian ko lang ulit siya then pinagpatuloy ko ang pagkanta ko.
“Today in the blink of an eye
I'm holding on to something
And I do not know why I tried”
In the blink of an eye, napapirma ako sa contract, in the blink of an eye gusto kong saktan si Stephen, in the blink of
an eye nalaman kong matagal na niya kong mahal.
In the blink of an eye, ayoko na ituloy to.
Tinatanong ko rin to sa sarili ko, bakit nga ba ako napapasok sa ganitong sitwasyon?
“I tried to read between the lines
I tried to look in your eyes
I want a simple explanation
For what I'm feeling inside”
Pero kahit anong gawin kong paghahanap ng isang explanation sa lahat ng nangyari, hindi ko parin mahanap hanap
ang sagot na gusto ko. Ang hirap.
“I gotta find a way out
Maybe there's a way out”
Para akong nasa loob ng isang labyrinth at naliligaw. Alam ko may daanan pa palabas, ang problema, nahihirapan
na kong hanapin to.
“Your voice was the
Soundtrack of my summer
Do you know you're unlike any other?
You'll always be my thunder”
Parang kulog sa loob ng puso ko. Dati tahimik lang to eh, pero ngayon nasasaktan ng dahil sa kanya. Dati alam nito
kung ano ang nararamdaman niya pero ngayon gulong gulo na ito.
Tumitibok para kay Drew, nasasaktan para kay Stephen. Kahit pagbali-baliktarin ko ang sitwasyon, hindi ko parin
malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.
“I said, your eyes
Are the brightest of all the colors”
Ang mga mata niyang napaka ganda. Ang mga matang puno ng pag mamahal kada titingin saakin. Ang sakit isipin
na malapit ng dumating ang araw na paiiyakin ko ang mga matang yun
“I don't wanna ever love another
You'll always be my thunder
So bring on the rain
And bring on the thunder”
Tinapos ko na agad yung kanta at tumingin ako kay Stephen.
“Stephen Cruz, alam ko dapat hindi ako ang gumagawa ng bagay na to kundi ikaw. Pero gusto ko na sa
pagkakataon na to ako naman ang magpangiti sayo” tinitigan ko siya sa mata “pwede bang maging akin ka
na?”
Stephen, please say no… please say no..
Bigla bigla na lang ako niyakap ni Stephen
“nakakaasar ka naman Nami eh! Alam mo bang nakaplano na ang araw kung saan tatanungin na kitang
maging girlfriend? Pero wala eh, tinalo mo ko inunahan mo pa ko. Pero pinasaya mo ko” naramdaman kong
mas humigpit ang yakap niya saakin “gusto kong maging sayo ako, at akin ka naman. Mahal na mahal kita
Nami. Mahal na mahal.”
Tumulo bigla ang luha ko at pinilit kong ilabas sa bibig ko ang isang kasinungalingang ayaw na ayaw kong banggitin
“Mahal din kita, Stephen”
Mas lalo akong napaiyak after kong bitiwan ang mga salitang yun. Masakit sabihin ang bagay na yun lalo na kung
kasinungalingan. Galit na galit na ko sa sarili ko dahil sa binitawan kong salita.
Humiwalay si Stephen sa pagkakayakap saakin then pinunasan niya ang luha ko “babes wag ka na umiyak, baka
isipin ko umiiyak ka kasi ayaw mong maging tayo”
I tried to fake a smile “ano ka ba! Tears of joy to. Masyado lang ako masaya”
Napangiti din si Stephen “may ibibigay nga pala ako sayo. Buti na lang daladala ko palagi to. Plano ko kasi
ibigay to sa araw na magiging tayo” may kinapa siya sa bulsa niya then may kinuha siyang isang maliit na pouch
bag. Sa loob nun, may inilabas siyang dalawang necklace na may ring-like pendant. Isang gold at isang silver. Sa
pendant may naka ingrave na “Lock our Love.”(view picture on the side) Kinuha niya yung gold na pendant then
sinuot niya saakin to “itago mo to babes ha? this is the sign of our love. Pag eto winala mo hahalayin kita”
Tinignan ko yung pendant “salamat Stephen. Don’t worry di ko iwawala to. Takot ko lang na halayin mo ko”
He chuckled then inabot niya saakin yung isa pang necklace “dali isuot mo naman to saakin”
Kinuha ko yung necklace then sinuot ko sa kanya. After that he put his arms around my waist then unti-unti inilapit
niya ang mukha niya saakin then he whispered “ikaw na ang babaeng mamahalin ko habang buhay. Itaga mo
yan sa tyan ng crocodile”
Then he started kissing me. Hindi katulad ng dati niyang halik na aggressive o smack lang at pang asar.
Damang dama ko sa halik niya kung gaano niya ko kamahal
And swear, sobrang sakit maramdaman yun.
Chapter 49
*The Cassanova’s Tears*
[Naomi’s POV]
I survived the night. Well kahit papaano. I managed to smile, to laugh and to act that I’m happy in front of them when
the truth is I’m not.
Kanina gustong gusto ko na tumalon sa rooftop dahil sa mga pinag gagawa ko. Gusto ko ng matapos ang lahat ng to.
Ayoko na. Ang hirap. Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin si Stephen sa mga susunod na araw.
The next day maaga ako nagising sa kadahilanang wala rin use kung pipilitin ko pang matulog. Mismong utak ko
umaayaw na na matulog ako.
Bumaba na ko sa dining room namin and naabutan ko naman doon si Mama na nagtitimpla ng kape. Napangiti ako.
Siguro kung meron man magandang nangyari saakin sa panahon na to eh yun ay yung umuwi na si mama.
“oh anak nandyan ka na pala. Good morning”
Lumapit ako kay mama para i-kiss siya “good morning din po mama”
“how’s your sleep? Bat maga ata mata mo?”
“ah eto po. K-kasi po napuyat ako kagabi kaka basa ng novel. Eh nakakaiyak po eh”
“hay naku ikaw bata ka. Dapat matulog ka palagi ng maaga. Napaka stressful pa naman ng college, kailangan
mo ng energy” may inilapag si mama na mug sa harapan ko “oh ayan uminom ka ng hot chocolate. Alam ko
naman na di ka mahilig sa kape eh”
Niyakap ko ulit si mama “thank you mama”
Hinimas niya naman yung ulo ko “you’re welcome Mika. Naku dalagang dalaga ka na talaga. Ang ganda ganda
ganda mo pa. Siguro madami kang manliligaw no?”
“ehh mama naman wala po!”
“hahaha pero anak kung may nagugustuhan ka man wag kang mahihiyang magopen saakin ha?”
I smiled at her then tumango ako “mama, salamat po”
“saan naman?”
“sa lahat lahat lahat. Na kahit na hindi kami nanggaling sa inyo, tinuring mo kaming tunay na anak”
“owww ang anak ko naman oh! Syempre mahal na mahal ko kayo eh. Tsaka ipinangako ko yun sa mama niyo
na aalagaan ko kayo at palalakihin na parang tunay na anak”
“kilala niyo po mama namin?”
“hmm oo. And you know what? Siya na siguro ang pinaka maganda, pinaka mabait at pinaka matalinong
babaeng nakilala ko dito. Parehong pareho kayo Mika.”
Napangiti ulit ako. Yung tunay kong mama, nakita ko lang siya sa picture. Di ko na matandaan kung ano siya sa
personal pero kahit ganoon mahal na mahal ko din siya. Pareho ng pagmamahal ko kay Mama Anne.
Siguro swerte narin kami na nakahanap si papa ng isang babaeng mamahalin din kami na parang sarili niyang anak.
Ang swerte namin na si Mama Anne ang tumayong ina namin.
Medyo late na ko nakapasok sa school kasi pinaliguan ko pa si Hotdog. Ganun kasi ang ginagawa ko pag talagang
depress na depress ako, ang makipag bonding sa alaga kong aso.
Pagkadating ko sa school, nadatnan ko naman agad doon si Stephen na nakikipagusap kina Yannie and France.
“babes good morning” lumapit siya saakin then he kissed my cheeks “binalita ko na sa kanila ang good news”
“t-talaga?” I tried my best to smile
“naku bakla! Nakakakilig ang ginawa mo kay papa Stephen ha! kaloka!” sabi ni France
“oo nga Naomi! Ikaw na! hahaha” dagdag naman ni Yannie.
FAKE. Lahat ng pinapakita nila fake, para din ako. Pwede na kaming bigyan ng best actress award.
“s-sige mauna na kami ha? enjoy kayong dalawa” sabi ni Yannie then kinaladkad na niya kaagad si France
palayo.
Pero kahit fake ang pinapakita nila, nagagawa parin nilang takbuhan ito. Sana ako din.
“oh babes maga na naman ang mata mo. Umiyak ka ba”
Niyakap ko si Stephen “oo. Ikaw kasi, di ako makapaniwala na tayo na talaga”
He hugged me back then hinalikan niya yung noo ko “ako din babes. Hindi ako halos nakatulog kagabi kasi miss
na miss kita. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Sana wag ng matapos.”
Iyakin na kung iyakin pero pakiramdam ko lalabas na ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi saakin ni Stephen.
Nakakaasar lang. hanggang kelan pa ba ko iiyak ng ganito? Alam ko masyado ng huli para mag back out, pero may
way pa ba para hindi ko masaktan si Stephen? Pwede bang ako na lang ang patayin ng mga mafia na yan?
Ang hirap protektahan ng isang bagay na alam mong sasaktan mo rin.
“babes punta tayo sa bahay niyo. Ipapakilala ko na sarili ko sa pamilya mo”
Bigla naman ako napahiwalay ng yakap sa kanya “HA?! ah k-kasi w-wag ngayon babes!”
“bakit naman? dali na oh! Gusto ko maging legal tayo! Kagabi nga tinawagan ko si dad para sabihin na tayo
na. Inasar asar pa nga ako nun eh! Sige na babes!”
“eh k-kasi eh..”
“please?” nag puppy eyes naman siya “kilala na naman ako ng mga kuya mo. May tiwala naman sila saakin
kaya no need to worry. Please babes please?”
Naku naman oh! Hindi ko siya pwedeng ipakilala. Paano ko na lang ipapaliwanag sa kanila pag ginawa ko na ang
step 10? Ang hirap naman eh!
“uhmm k-kasi babes eh..”
“dali na babes. Pakilala mo na ko!”
Hay naku “s-sige na nga! Pero wag ngayon. Sa Friday na lang. busy kasi sila eh”
“yehey! Sabi mo yan ha?”
Bahala na sa Friday kung anong palusot ang gagawin ko. Hay buhay.
“babes samahan mo ko sa mall ngayon” sabi ni Stephen saakin
“bakit naman?”
“gusto kong bilhan ng gift ang mom mo. Di ba kauuwi lang niya? Dapat bilhan ko ng gift”
Napa smile ako kay Stephen. Bat ba ang sweet ng isang to? Nakaka konsensya na. hay
“salamat babes” sabi ko sa kanya
Inakbayan naman niya ko bigla. “I love you Nami”
“I love you too Stephen”
BOOM. Pangalawang beses ko nang sinasabi ang kasinungalingan na yan.
The whole day sobrang sweet saakin ni Stephen. Ipinagsigawan narin niya sa buong klase na kami na. Siguro nga
pwedeng pwede na ko maka receive ng best actress award. Hindi ko alam kung hanggang kelan pa kami ganito.
Hindi ko na maatim ang ginagawa ko eh.
After dismissal, kinuha agad ni Stephen yung hand bag ko sabay hinawakan ang kamay ko “tara babes excited na
ko mag mall! Bilhan na natin Mama mo ng gift”
Inagaw ko sa kanya yung bag ko “ano ba akin na nga yan. Kaya ko naman buhatin yan eh. Mukha kang bakla
diyan alam mo ba?”
“hahaha ok lang yun no, wag ka lang mahirapan” he winked at me then bigla na niya akong inakbayan
God naman eh. Nangaasar ka ba? Bakit kailangan akong mahalin ng lalaking to. :(
“a-amin na yan! Magaang naman yan” sabi ko sa kanya and patuloy ko parin inaagaw yung bag ko. Nung una
ayaw niya ibigay, but in the end nakuha ko narin sa kanya.
“hay naku babes. Ikaw kasi nainlove ka lang saakin naging babae ka na. Dati naman tibong nerd ka!
Backpack ang gamit mo nun hindi handbag”
“bakit, kung ganun ba itsura ko hanggang ngayon mamahalin mo ba ko?”
“mahal na kaya kita highschool pa lang tayo”
BOOM. Wrong question Naomi. Ayoko na nga ng ganito.
Dumaan muna kami sa locker para ilagay yung iba naming books. Nung pagkakuha ko naman ng books sa bag ko,
may napansin akong parang nawawalang gamit sa bag ko.
Yung notebook na pinaglalagyan ng contract.
Kinabahan ako bigla. Tofu hindi pwedeng mawala yun! Mapapahamak kami, mapapahamak ako…pati si Stephen.
Hinalungkat ko yung bag ko kaso wala talaga.
“babes may hinahanap ka ba?”
“Stephen may kinuha ka bang notebook dito sa bag ko?”
“wala. Bakit? Anong laman ng notebook na yun?”
“h-ha?” iniwas ko yung tingin ko sa kanya tapos hinalungkat ko yung locker ko baka sakaling nandun yung
notebook “ah w-wala. Notes ko lang”
“ganun? Naku pag wala diyan don’t worry, ililipat ko na lang lahat ng notes ko sa isang notebook tapos
ibibigay ko sayo. Anong subject ba babes?”
“h-hindi kasi pwedeng mawala yun eh. Marami akong sinulat na weird na bagay dun” at pag may ibang
nakabasa nung contract, hindi ko talaga alam ang pwedeng mangyari saamin “wait lang babalik muna ako sa
classroom ha?”
“ako na!”
“hindi ok lang, ako na. Wait for me here”
“sama na ko”
“hindi ako na” tumakbo ako papuntang classroom. Pagdating ko doon wala ng tao. Pinuntahan ko yung upuan ko
para i-check kung nandun yung notebook kaya lang wala.
Oh gosh, saan kaya napunta yun? Sana mahanap ko yun. Hindi pwedeng mawala yun.
Inikot ko yung buong classroom at tinignan mismong kasuluksulukan ng blackboard kaso wala parin. Nasaan na ba
yun?
Bumalik ako papunta kay Stephen habang nanlulumo ng husto dahil sa pagkawala nung notebook.I didn’t expected
na yung madadatnan ko ang mas makakapanglabot ng tuhod ko. Si Stephen, kasama niya yung tatlong babaeng
anak ng mga Mafia…
…at hawak hawak niya yung notebook na pinaglalagyan ng contract.
“S-stephen?”
“oh Naomi is here” sabi nung isa na sa pagkakatanda ko ay Mitchelle ang pangalan
Kinakabahan ako ng husto sa sinabi nila kay Stephen but I tried my best para hindi nila ito mahalata. Kailangan kong
magpanggap na wala akong idea sa ginagaw nila
“oh k-kayo pala. B-bakit kayo nandito? Kilala niyo pala yung boyfriend ko”
Nakita ko naman na napangiti silang tatlo saakin “you’ve done a nice job Naomi. You should be rewarded, really.
But no need to act, sinabi na namin sa kanya lahat. Tapos na ang 10 steps. Congratulations!” sabi naman
nung Danica
Halos manlabot ang tuhod ko sa narinig ko. Napatingin ako kay Stephen at nakita kong hindi maipinta ang
expression sa mata niya.
“N-naomi! Stephen!” nakita namin na patakbo saamin si Yannie at France pero napahinto na sila nung makita
nilang kasama namin yung tatlong babae.
“b-babes” lumapit saakin si Stephen and kitang kita ko ang panginginig ng katawan niya. Hinawakan niya ang
kamay ko “tell me they’re lying right? Hindi totoo ang sinasabi nila di ba? Mahal mo ko di ba? Please tell me
and I’ll believe you”
Tumulo na lang bigla ang luha ko. Yung mga mata ni Stephen, nagmamakaawa na sabihin kong mahal ko siya.
Gustong gusto ko i-deny lahat. Kaso alam ko the moment na gawin ko yun, pareho kaming mapapahamak.
“Nami please…” pinunasan niya ang luha ko “..don’t cry. Just tell me the truth. Wag kang matakot dahil ikaw
ang paniniwalaan ko. Please babes? Please”
“S-stephen..”
“oh tell him already Naomi!” sabi ni Clarisse
Tinignan ko si Yannie at France. Hindi nila iniwas yung tingin nila saakin pero sinasabi na ng mga expression ng
mukha nila na tama na ang arte, kailangan ko ng sabihin kay Stephen ang totoo. Talo na ko. Naligtas ko na ang
buhay niya, pero hindi ang puso niya.
“Babes—“
“Stephen, totoo lahat ng sinabi nila. Oo niloko kita, may contract, kailangan kitang saktan. Sorry”
Napabitiw si Stephen saakin at kitang kita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya.
This is the first time I saw the Cassanova cries.
“Masakit ba Stephen? Ganyan mo din kami sinaktan dati! Ngayon alam mo na ang pakiramdam!” sabi ni
Danica
“tama na please! Tama na!” sigaw ko. Hindi ko na maatim pa na ipamukha nila kay Stephen lahat! Tama na yung
ganito! Ayoko na… ayoko na..
“pero hindi kami pwedeng tumigil Naomi hangga’t hindi pa namin nadudurog ng husto ang puso
niya” nilapitan kami ni Mitchelle “actually, may nalaman pa nga kami na gusto din namin i-share sa inyo eh”
“NO!” napatingin kami kay Yannie “please Mitchelle, wag..”
Hindi nito pinansin si Yannie instead may inilabas siyang picture sa bag niya.
Picture ni Mama Anne
Pareho kaming nagulat ni Stephen ng ipakita niya saamin ito.
“pareho kayong familiar sa kanya right?”
“b-bakit ka may picture niyan?!” sabi ni Stephen
Wait kilala niya si mama?
“kilala mo ba tong babaeng to Stephen?” she grinned evilly “she’s you’re mom right? She’s also Naomi’s
mom---correction---step mom”
“NO! YOU’RE LYING!” sigaw ko sa kanila.
Hindi yun totoo! Hindi pwedeng magkaanak si Mama Anne kasi baog siya! Hindi pwedeng anak niya si Stephen!
Hindi yun pwede!
“we’re not. Sila pa nga nagsabi saamin eh” tinuro niya sina France at Yannie
“hindi yun totoo di ba?” tanong ko sa kanila “hindi yun totoo!!”
Iniwas lang nila ang mga mata nila saakin.
Isang gesture na nagsabi saaking totoo nga lahat ng sinabi nila
“ganun ba?” narinig kong sabi ni Stephen. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko sabay inilagay niya dito
yung notebook. After that tinalikuran niya na kami at naglakad papalayo
Ang cold. Bakit ganun lang reaction niya? Mas gugustuhin ko pa na saktan niya ko, sigawan niya ko, pagmumurahin
niya ko kesa yung ganito. Tinatago niya lahat ng sakit sa loob niya
“S-stephen!” hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya “m-makinig ka muna saakin, please?”
Tinignan niya ako sa mata. Kitang kita ko na puno ng galit ang mata niya.
“sino ka? Hindi kita kilala” tinabing niya ang kamay ko tapos nag lakad na palayo.
Naiwan akong nakatayo doon habang naginginig ang buong katawan ko.
“nice job Naomi!” sabi ni Clarisse “pumunta ka bukas sa headquarters ang makukuha mo ang prize mo doon.
I think 30, 000 is enough?” they all laughed and iniwan narin nila kami.
Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko habang nakatayo ako doon. Hindi ako makagalaw. Ang daming nangyari.
Ayaw parin mag sink-in sa utak ko lahat.
Ang contract, si Mama Anne, Stephen’s tears.
Totoo pa ba lahat ng to?
“Naomi” naramdaman kong niyakap ako ni France at ni Yannie kaya mas lalo akong napahagulgol
“sorry bakla. Sorry wala kaming nagawa para iprevent to. Patawarin mo kami”
Humiwalay ako sa pagkakayakap nila “please, kailangan ko muna mapagisa” after nun, tumakbo ako palayo sa
kanila.
Iyak ako ng iyak at ilang beses akong nadapa sa pagtakbo dahil sa blurred na ang paningin ko gawa ng luha ko.
Nagkasugat na ko sa tuhod at braso pero patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako ng bahay
namin.
Pagkapasok ko, nakita ko sila kuya kasama si Papa at Mama na masayang nagkukwentuhan sa sala namin.
Napatigil naman silang lahat ng makita nila akong pumasok
“Mika bat may sugat ka? At bat ka umiiyak?” salubong ni Kuya Nico saakin.
Hindi ko siya pinansin but instead, nilapitan ko si Mama Anne
“totoo ba lahat?! Totoo bang anak mo si Stephen Cruz?!” sigaw ko sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng luha
ko
“a-anak.. p-paanong..?”
“Mika what are you talking about! Walang ibang anak si mama ano ka ba!” sabi ni Kuya Myco pero di ko
pinakinggan yung sinabi niya.
“Totoo ba?! Sumagot ka!!” sigaw ko
“Mika stop it!!” pag awat naman saakin ni Kuya Sean
Umiwas ng tingin si Mama saakin
“oo, totoo yun”
Natahimik ang buong sala. Walang nagsalita. Kitang kita ko sa mukha ng mga kuya ko na hindi rin nila alam ang
lahat. Pero mukhang alam ni Papa.
Nandiri ako sa mga magulang ko.
Hinawakan ko ang magkabilang braso ni mama Anne “bakit mo iniwan si Stephen?! Bakit mo siya pinabayaan
ha?! hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa kanya ang ginawa mo?! Hindi mo ba alam kung anong hirap
ang naranasan niya?! At kung anong naging epekto sa kanya nito?! Ha?! Wala kang kwentang ina!
Inaalagaan mo ang anak ng ibang babae pero sarili mong anak inabanduna mo! Ang sama sama mo!”
“Mika!” sigaw saakin ni papa pero hindi ko parin sila pinansin. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko habang nakatingin sa
babaeng nangiwan ng anak niya.
Nakita ko narin na umiyak si Mama Anne “a-anak..” hinawakan niya ang kamay ko kaya lang tinabing ko to
“WAG MO KONG MATAWAG-TAWAG NA ANAK! HINDI IKAW ANG INA KO!”
“Mika!!”
Iniwan ko sila doon at umakyat ng kwarto ko at nagkulong kahit rinig na rinig ko ang mga tawag nila saakin.
Sumalampak ako sa kama ko habang patuloy ang pagiyak ko.
Sana panaginip lang lahat ng nangyari ngayon.
***
Chapter 50
*The Cassanova is back*
[Stephen’s POV]
“Stephen wait! Please naman wag kang maglakad ng mabilis!”
“Alyana how many times should I tell you I want to be alone!!” sigaw ko sa kanya
I opened the door of my unit and nahabol naman ako ni Alyana. Hindi ko siya pinansin but instead nagtuloy-tuloy ako
sa loob at sumalampak sa kama ko.
“the feeling is great!! Atlast I’m free! Makakapambabae na ulit ako!!”
“oh shut up Stephen!! Wag ka nga magpanggap!! I know you!”
I faced her “why not? Ayun naman ang latest trend ngayon di ba? Ang magpanggap” I smirked then tumayo
ako at nilapitan ko siya “magpanggap na mahal mo ang isang tao when the truth is you’re not. Well gusto ko
rin magpanggap. Magpanggap na hindi ko kilala yung taong yun”
“Stephen naman, please listen to me. Kaya nagawa ni Naomi yun is para sayo din!!”
“para saakin?! Ano naman benefit ang makukuha ko doon ha?!”
“your life is in danger! Yung tatlong babae kanina, they are the daughters of a mafia group. Balak ka nilang
ipapatay and yung contract na lang ang way para ma-save ka! Pag nasaktan ka, they will spare your life.
Naomi tried everything para wag kang masaktan. Ilang beses niya narin binalak mag backout pero mahalaga
ka sa kanya Stephen at ayaw ka niya mapahamak”
Natahimik ako sa explanation ni Alyana. Ewan ko ba, di ba dapat gumaan ang pakiramdam ko ngayon na alam ko na
ang dahilan? Pero @$#@%%#$ naman oh! Mas masakit!
Tinignan ko siya sa mata “tell me, mahal ba ko ni Nami?”
Iniwas saakin ni Alyana ang mga mata niya “S-sorry Stephen”
“sana hinayaan niyo na lang akong mamatay kesa ginawa niyo saakin to”
“Stephen naman!” nakita kong tumulo ang luha sa mata niya pero wala na kong pakielam
“Ang sakit alam mo ba? Dahil sa ginawa niyo parang unti-unti niyo narin ako pinapatay. Ano pang
pinagkaiba nun?!”
Natahimik si Alyana dahil sa sinabi ko. I just can’t believe na yung babaeng inaakala kong mahal ko eh niloloko lang
ako.
Sabi na eh. Dapat pala una pa lang pinigilan ko na ang sarili ko na mahalin siya. Dahil sa ginawa ko para narin ako
nag suicide.
“S-stephen…”
“Alyana please leave!”
“p-pero”
“I SAID LEAVE!!”
Tinalikuran ko na siya then narinig kong nagbukas at nagsara yung pintuan ng unit ko senyales na umalis na siya.
Nahiga ako sa kama ko at itinakip ang braso sa mata ko. Naramdaman ko na naman ang luha na tumulo galing sa
mata ko.
Bwiset! Hindi naman ako iyakin eh! Sa tanang buhay ko iisang beses lang ako umiyak, yun yung panahong iniwan
ako ng lesheng nanay ko!
Ang ganda talaga ng nangyari saakin, yung nanay ko inabanduna ako. Ngayon malalaman ko na tumatayo na siyang
ina ng babaeng sinaktan ako. Napakaganda. Tama ngang magsama sila! Parehong pareho sila! Manloloko!
Manggagamit! Nangiiwan sa ere! Mga puny3t@! Mamatay na sila!
Pareho ko silang minahal at pinagkatiwalaan tapos eto igaganti nila saakin?! Pareho nila akong inabanduna na
parang isang pusang kalye! Sabi na eh! Dapat hindi na minamahal yang mga lesheng babae na yan! Dapat sa kanila
pinaglalaruan at ginagamit! Dahil once na ikaw ang mahulog, ikaw ang gagamitin nila at paglalaruan.
Napabangon ako sa kama. Mali eto. Hindi dapat ganito ang inaasal ko. Wala sa bukabolaryo ni Stephen Cruz ang
magpatalo.
They hurt this Cassanova. Now they will see what this Cassanova can do.
I grab my car keys. Gusto nila mawala ang pagiging Cassanova ko, pwes di ako papayag. I’ll make sure that every
girl will pay for the pain that I am feeling right now.
Sumakay ako sa kotse ko at dumiretso sa bar kung saan ako madals pumunta dati para mambabae.
[Naomi’s POV]
“anak please open the door. Please, hayaan mo akong magpaliwanag sayo. Pakinggan mo ako. Nakikiusap
ako anak. Hindi ko inabanduna si Stephen, hindi ko siya iniwan”
“manahimik ka!!! Umalis ka na nga! Ayoko marinig ang boses mo!!!”
“anak, nakikiusap ako…” narinig ko siyang umiyak pero hindi ko ito pinansin.
Ayokong makarinig ng ni-isa sa mga paliwanag niya. Masyadong masakit. Dati pakiramdam ko sobrang swerte
namin dahil ang naging step mom namin ay si Mama Anne. Inalagaan niya kami ng parang tunay niyang anak.
Minahal niya kami katulad ng isang tunay na ina. Yun pala yung tunay niyang anak naghihirap dahil iniwan niya.
Sobrang sakit.
At mas masakit pa dahil alam ko, wala pa tong nararamdaman ko ngayon sa nararamdaman ni Stephen.
Napahagulgol ako ng iyak dahil bigla kong naisip kung ano nga ba ang pakiramdam ni Stephen ngayon. Nalaman na
niya ang tungkol sa contract, nalaman pa niya ang tungkol sa kanyang tunay na ina. Kung pwede ko lang siyang
puntahan ngayon at yakapin, kaso hindi, dahil isa ako sa mga nanakit sa kanya.
Masyado ng masakit yung ginawa ko kay Stephen, pero bakit kailangan pang mas saktan siya dahil kay Mama Anne.
He don’t deserve this. Hindi siya masamang tao. Oo siguro sa ibang babae naging masama ang tingin nila kay
Stephen. Pero alam ba nila kung paano siya mag mahal? Alam ba nila yung pain na pinagdaan niya?
Alam ko lahat.
At nakuha ko pa siyang saktan.
Nailigtas ko nga ang buhay niya, pero hindi ang puso niya. Para ko narin siyang pinatay. Sa storyang to hindi yung
tatlong babae ang killer kundi ako.
Pinatay ko ang lalaking wala naman ginawa saakin kundi ang mahalin ako ng buong buo.
Narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko at nakita ko si Kuya Nico doon na hawak hawak ang susi.
“ano ba! Sabi ko iwan niyo muna ako eh!!”
“Mika”
“kuya please naman oh, hayaan mo muna ako. Please Kuya..”
“no I can’t do that” naupo si Kuya sa side ng bed ko atsaka ako niyakap “masakit din saakin na marinig yun
Mika. Kaibigan din namin si Stephen pero alam ko hindi lang dahil doon ang iniiyak mo. Alam mo Mika kahit
mahigpit kaming mga kuya mo sayo, in times like this nandito kami para sayo. Pwede mo naman sabihin
saakin ang lahat eh, makikinig ako”
Napahagulgol ako sa yakap ni Kuya Nico at sinabi ko sa kanya lahat lahat ng sama ng loob ko. Kinwento ko sa
kanya yung mula doon sa contract, sa mga anak ng mafia, hanggang doon sa nangyari kanina sa school. Habang
nag kukwento ako, tahimik lang siya na nakikinig saakin habang yakap yakap ako ng mahigpit.
Nung matapos na ko magkwento, tuloy tuloy parin ako sa pagiyak pero hindi ako binitawan ni Kuya Nico hangga’t
hindi ako nakakatulog ng mahimbing.
The next morning, kahit ayaw na ng katawan at puso ko na pumasok sa school para humarap ng panibagong
delubyo, pinilit ko parin na bumangon. Kailangan kong makausap si Stephen. Wala akong paki kung ano ang
magawa niya saakin pag nakita niya ako. Pero di ako papayag na matapos ang araw na to ng hindi niya nailalabas
ang galit niya saakin.
Eto na lang ang way para makatulong ako na bawasan ang sakit na nararamdaman niya.
After ko maligo at makapag bihis ng school uniform, bumaba na ko sa dining room para kumain ng breakfast kaso
nadatnan ko naman doon si Papa at si Mama Anne na kumakain.
“M-mika, kain ka na” sabi saakin ni Mama Anne
“no thanks” instead na pumunta ako sa dining room nagtuloy-tuloy na ako palabas ng bahay namin. Narinig ko
naman si Papa na tinatawag ako
“Mika ano ba! Itigil mo na nga yan!!!” hinatak ni Papa ang braso ko at hinarap niya ako sa kanya“hindi mo na
ginalang ang mama mo!!”
“Mama? Sinong mama? Patay na ang mama ko”
“Mika naman eh! Magtino ka nga!”
“Ako pa ngayon ang magtitino?! Papa alam kong alam niyo po na may anak si Mama Anne pero paano
niyong nagawa na pakasalan siya?! Sumagot ka nga papa, ikaw ba ang dahilan kung bakit iniwan ni Mama
Anne si Stephen ha?!”
Iniwas saakin ni Papa ang tingin niya at hindi sinagot ang tanong ko
“see?! Di ka makasagot ibig sabihin totoo!!”
“Mika makinig ka kasi muna saamin! Hindi mo alam ang buong kwento!”
“kahit ano pang kwento yan hindi parin maiaalis na iniwan niya si Stephen!”
“hindi niya kinalimutan si Stephen anak. Makinig ka please..”
“hindi kinalimutan?! Sa loob ng madaming taon ni hindi manlang niya nagawang bisitahin ito!”pagkasabi ko
nun, agad na kong pumara ng tricycle papuntang school.
Grabe lang, nakaksawa na umiyak. Ayoko na. Ubos na ubos na ang luha ko.
Pagkadating ko sa school, dumiretso muna ako sa comfort room para ayusin ang sarili ko. Pagkapasok ko sa loob ng
comfort room, halos panlambutan ako ng tuhod dahil sa nadatnan ko.
I saw Stephen making out with a stranger.
Nakaupo yung babae doon sa may sink habang hinahalikan siya ni Stephen. Nakita ko kung paano dumapo ang mga
kamay niya sa private parts nung babae.
He caught my eye, but instead na itigil niya yung ginagawa niya I saw him smirk at me. He run his fingers on the face
of the girl pababa sa my breast niya at isa isa niyang tinanggal yung pagkaka butones ng blouse nito.
Napatalikod ako at napatakbo sa labas ng comfort room habang lambot na lambot.
Hindi. Hindi totoo yung nakita ko. Hindi siya si Stephen, ibang tao siya. Hindi magagawa ni Stephen ang bagay na
yun. Nag iilusyon lang ako.
Hindi siya ang Stephen ko.
Chapter 51
*agony*
[Yannie’s POV]
“Fransisco Juaaaaaaaaaaaaan hindi ko na alam ang gagawin ko! Ako ang masisiraan ng bait ng dahil sa
dalawang yan eh! Ano ba! Bakit kailangan mangyari lahat ng bagay ng to?! Ha! sumagot ka!!
T___T” hinawakan ko yung kwelyo ng blouse ni France tsaka ko siya niyugyog yugyog
“ay kaloka ka mader! Bitawan mo ang blouselalu ko! Mahal yan te! Pag yan napunit at naexpose ang sexy
chest ko patay ka saakin!”
“eh kasi naman eh nasasaktan na ang puso ko sa mga nangyayari!!”
Inalis ni France yung pagkakahawak ko doon sa blouse niya atsaka niya ipinatong ang kamay niya sa braso
ko “ganito kasi yan te, si Naomi nasa manhid manhidan stage pa. Feeling niya si papa Drew parin ang
labidoo niya when the truth is si Papa Stephen naman ang laman ng heartlalu niya. Eto namang si Papa
Stephen syempre na-hurt dahil nalaman niyang hindi siya labidoo ni Naomi kaya naman balik sa pagiging
Cassanova ang drama niya. Pero dahil henyo ako, may naisip akong napakagandang way para matigil na ang
kadramahan ng dalawang yan”
Napatingin naman ako kay France bigla “ano yun?”
“listen carefully. I’m 100% sure na gagana itong pinaplano ko.”
“ano nga yun bakla! Wag ka na pa-suspense! Sabihin mo na saakin!”
Lumapit si France sa tenga ko then ibinulong niya saakin yung oh-so brilliant plan niya.
“hahalayin ko si papa Stephen! At pag nangyari yun, mato-trauma siya, makukulong ng bahay at di na
magagawa pang mambabae for the rest of his life! Tapos ito namang si Naomi magseselos, iiyak, magagalit
at dun niya malalaman na in love siya kay papa Stephen! Kaya ang pinaka magandang solusyon talaga ay
ang halayin ko si Papa Stephen!” ^_____^
Tinignan ko ng masama si France
…sabay binatukan ng pagkalakas lakas
“aray ko!!! That hurts you know! My brain cells! My poor brain cells!!” T__T
“alam mo ikaw bakla ka, napaka landi mo eh!! Hindi ka nakakatulong alam mo yun?! Kita mo nga’t nasa emo
part na ang storyang to nakukuha mo parin lumandi ha?! eh kung ikaw kaya ang ipagahasa ko kay Denny ng
magtino ka na diyan!!” sigaw ko kay France.
Nakaka highblood talaga ang isang to! Mauubos ang dugo ko dito! Akala ko pa naman kung ano na yung matino
niyang plano eh umasa pa naman ako =__=
“hmpf! Ang taray mo! Ako na nga nag su-suggest eh. Ganda ganda na ng plano ko” =__=
“para sayo lang maganda yun no!”
“hmpf! Taraylalu! Papa Nico oh yung girlfriend mo inaaway ako!” sabi ni France habang nakatingin doon sa
likuran ko. Napalingon din naman ako sa likuran ko at nakita ko si Nico nakatayo doon.
In an instant, parang biglang naglaho lahat ng problema na nararamdaman ko nung makita ko siya.
“Nico”
“Yannie” nilapitan niya ako then hinawakan niya ang kamay ko “pwede ba kitang makausap ngayon?”
I smiled at him “sure” tumingin naman ako kay bakla atsaka ko hinampas yung braso niya “una na kami” after that
naglakad na kami palayo pero rinig na rinig ko yung pagrereklamo ni France kaya napatawa ako
“hay naku! Kaawa awa na role ko dito ha! Pang entertainment na lang nagiging papel ko dito eh! Hindi lang
pang clown ang beauty ko aber! Sana bigyang hustisya naman ang character ko dito”T__T
“ano daw?” tanong ni Nico
“wala, wag mo na pansinin yun” sabi ko naman sa kanya.
Naglakad kaming dalawa papunta doon sa parking lot sa school then sumakay kami sa car niya.
“uhmm bakit mo pala ako gusto makausap?” tanong ko sa kanya
“Mika told me everything, yung about sa contract, kay Stephen, kay mama Anne, lahat lahat”
I sigh “alam mo na pala lahat. Ang hirap ng sitwasyon ni Naomi ngayon, naawa ako sa kanila ni Stephen”
“me too. Nasasaktan din ako sa nangyayari kasi kitang kita ko ang hirap na dinadaanan ng kapatid ko. I feel
guilty, sa panahong ito dapat dinadamayan ko siya”
Napatingin ako sa kanya bigla “what do you mean by that?”
Hindi ako tinignan ni Nico instead diretso lang ang tingin niya sa labas
Nakita kong huminga siya ng malalim
“Yannie, gusto ko munang makipag break sayo”
Napatulala ako sa sinabi ni Nico. Walang salitang gustong kumawala sa bibig ko. Hindi ko maigalaw ang buong
katawan ko. Pakiramdam ko nabaril ang puso ko. Hindi ako makakilos, hindi ako makaimik.
Pero ang luha ko, kusa na lang bumagsak sa mga mata ko.
“b-bakit?” that’s the only word I managed to utter
“dahil nahihirapan akong tanggapin na yung babaeng minahal ko ang puno’t dulo kung bakit nasasaktan ang
kapatid ko ngayon. Paulit ulit kong tinatanong sa isip ko na sa dinami-dami ng babae dito sa mundo bakit si
Mika pa ang dapat niyong gamitin sa plano niyo?” hinarap ako ni Nico at nakita kong patulo na rin ang luha sa
mata niya “Yannie, bakit ang kapatid ko pa? bakit siya pa? Mabait siyang babae alam mo ba yun?
Mapagmahal na kapatid at anak, pati narin kaibigan. Pero dahil diyan sa lintik na contract na yan hirap na
hirap siya ngayon! Ginawa niya ang bagay na ayaw niyang gawin. Ngayon pati pamilya namin nagkakagulo
lahat. Alam mo ba kung gaano kasakit na makita ko ang lahat ng yun? At alam mo ba kung gaano kasakit
isipin na ang babaeng mahal ko ang nag dala ng contract na yun sa buhay ng kapatid ko?”
Wala akong maisagot kay Nico. Tuloy tuloy ang pagluha ko. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari.
Hindi ko expected na pati siya kailangang mawala saakin.
“N-nico, mahal kita” yun lang ang bagay na naisagot ko sa lahat ng sinabi niya saakin.
“lumabas ka na Yannie”
“Nico nakikiusap ako..”
“lumabas ka na!”
Wala akong ibang ginawa kundi ang lumabas sa kotse niya. Bigla naman niya itong pinaandar agad habang ako
nakatitig parin doon sa kotse niyang kaalis lang.
Naramdaman kong pinanlambutan na ako ng tuhod kaya napaupo na lang ako sa kalsada.
Sobrang bilis ng pangyayari. Sa sobrang bilis hindi ko namalayan na nawala na pala ang lalaking mahal ko saakin.
[Naomi’s POV]
After kong makita yung incident sa restroom, hindi ko na nagawa pang makapasok. Nag stay lang ako sa clinic at
sinabi ko doon sa nurse na sobrang sama ng pakiramdam ko and kung pwede ba akong magpahinga doon.
Pumayag naman siya then nahiga lang ako sa isa sa mga kama doon at isinara yung curtain atsaka natulog. Gawa
narin siguro ng sobrang pagod ko kaya nakatulog ako ng mahimbing. Sana nga hindi na lang ako nagising eh. Pero
mga bandang 5pm, ginising ako nung nurse para sabihing mag u-uwian na. Tinanong niya din ako kung gusto ko
bang magpasundo pero sinabi ko naman na kaya ko ng umuwi.
Pero instead na umuwi ako, dumiretso ako sa condo ni Stephen. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa nakita ko
kanina. Dapat ko siyang makausap ngayon kahit ano pa ang mangyari! Kailangan kong maipaliwanag ang side ko.
Hindi pwede tong ganito. Ayoko naman masira ang relasyon namin. . . .kahit bilang magkaibigan lang :(
Gusto ko rin na sabihin saakin ni Stephen lahat ng hinanakit niya. Sasaluhin ko yun ng buong buo.Mabawasan lang
yung sakit na nararamdaman niya.
Dahil kilala na ako nung guard dito at madalas akong sinasama dito ni Stephen, pinapasok naman ako agad.
Umakyat ako sa unit niya then nag doorbell ako kaya lang walang sumasagot. Siguro, hindi pa siya nakakauwi.
Naupo ako sa tabi nung pintuan niya at doon ko siya inantay.
Medyo matagal tagal din ang ini-stay ko doon. Mga bandang 8 na nung dumating si Stephen, but then again, hindi ko
na naman expected yung makikita ko.
He’s not alone.
May kasama siyang dalawang babae at nakaabay ang magkabila niyang braso sa mga babaeng yun. Yung mga
babae naman feel na feel ang pagkakaakbay ni Stephen. Gustong gusto kong lapitan yung dalawang babae at
hilahin ang mga buhok nila palayo kay Stephen pero alam kong hindi ko na pwedeng gawin yun dahil wala na akong
karapatan na magalit. Wala na akong karapatan kay Stephen
Nung mapansin ako ni Stephen doon sa may door niya, nagulat naman ako ng bigla niya akong ngitian.
“uhmm excuse me miss, may kailangan ka ba? Mukha atang naliligaw ka ng room? Or may hinahanap ka
ba?”
Huminga ako ng malalim dahil naramdaman ko na naman na nagbabadya ang mga luha sa mata ko.
“ano ka ba hunny, baka ikaw ang hinahanap niya. You know, stalker. Ang dami mo kayang ganyan!” sabi
nung isang babae
“oo nga naman! baka gusto din niya maki line-up bilang girlfriend mo” sabi pa nung isa
“it’s that true miss? Gusto mo rin ba makipag saya saamin? Ano pala name mo?” tanong naman saakin ni
Stephen
Gusto kong pagsasampalin yung mga babaeng yun pati narin si Stephen pero tama na. ayoko na ng ganito. I just
want to end this once and for all.
Hinarap ko si Stephen
“o-oo gusto ko sana maging girlfriend mo. Pwede mo ba kong pagbigyan kahit limang minuto lang?” tanong
ko sa kanya habang pinipigilan ko ang luha sa mata ko
Mukhang nagulat naman si Stephen sa inasal ko kaya iniwas niya ang tingin niya saakin
“ohh pag bigyan mo na siya sweetie, mukhang ang tagal ka niyang inintay dito oh” sabi nung isang babae.
Humiwalay naman sila pareho sa pagkakapuluot kay Stephen “we’ll just going to buy some drinks. Babalik din
kami” umalis na yung dalawang babae kaya naman kami na lang ni Stephen ang naiwan doon
“S-stephen..”
“wala tayong dapat pagusapan” binuksan niya yung unit niya and muntikan niya na akong masaraduhan ng pinto
kaya lang naitulak ko agad yun kaya nakapasok ako “ano ba umalis ka nga dito!” sigaw niya saakin
“Stephen pakinggan mo muna ako!”
“pakinggan?! Para saan?! Alam ko na ang lahat Naomi, sinabi na sakin ni Yannie. No need to explain
yourself”
“Stephen, sorry. Mahalaga ka saakin kaya ayaw kong mamatay ka kaya ko ginawa yun. Sana intindihin mo”
Nagulat ako ng bigla akong harapin ni Stephen atsaka tinulak sa pader. Hinarang niya ang magkabila niyang braso
sa gilid ko atsaka nilapit ang mukha niya at tinitigan ako sa mata
“bago kita intindihin, sana inintindi mo rin ang kalagayan ko. Sa buong buhay ko, ikaw ang kaisa-isang
babaeng minahal ko higit pa sa buhay ko! Pero ano? Pinapaniwala mo kong mahal mo din ako. Mas
gugustuhin ko pa na yung umpisa pa lang sinabi mo na sakin na wala kang nararamdaman kesa yung ganito,
sinaktan mo ko ng husto.Ano pang kwenta ng buhay ko kung hindi naman ako mahal ng mahal ko! Mas
masahol pa ang ginawa mo alam mo yun?! Mas pipiliin ko pang mamatay kesa yung malamang hindi mo ko
mahal! Alam mo pakiramdam ko ngayon?! Pakiramdam ko isang kong taong buhay pero walang kaluluwa!
Para akong humihinga kahit na hindi na tumitibok ang puso ko! Mas pipiliin ko pang mamatay!! Sana
hinayaan mo na lang ako mamatay!!”
Napahagulgol ako ng iyak “Stephen, patawarin mo ko. Ano ba dapat kong gawin?”
I saw him smirk then mas inilapit niya ang mukha niya saakin “anong dapat mong gawin? Dapat mong
pagbayaran yung ginawa mo sakin” unti-unti, inilapit niya ang mukha niya, papalapit ng papalapit hanggang sa
naramdaman ko na ang paghinga niya…
…hanggang sa maramdaman ko na ang labi niya sa labi ko. Hinalikan niya ako, dahan dahan, pero habang
tumataggal, pabilis na ito ng pabilis. Hindi ito katulad nung halik niya saakin dati na mararamdaman mo kung gaano
niya ako kamahal.
Sa mga halik niya ngayon, ramdam na ramdam ko kung gaano siya nasasaktan.
Itinigil niya ang paghalik saakin at tinignan ako sa mata.
“binaboy mo ang pagmamahal ko sayo” sabi niya saakin ng seryosong seryoso. Nagulat naman ako ng bigla na
lang niya ako buhatin at ibinagsak ako sa kama niya atsaka siya pumaibabaw saakin “gantihan lang, ikaw naman
ang bababuyin ko ngayon”
“S-stephen p-please wag” sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa mata ko
Tinignan niya lang ako ng seryoso atsaka niya ulit ako hinalikan sa labi, then ibinaba niya ang halik niya sa leeg ko. I
felt his hands unbuttoning my blouse kaya naman hinawakan ko ito para pigilan siya. Itinigil niya ang paghalik saakin
at tinignan ako sa mata.
“Stephen…”
“this is what a Cassanova can do” he whispered on my ears then pinagpatuloy niya na ulit ang paghalik sa leeg
ko. Naramdaman ko na rin na natanggal na ang first two buttons ng blouse ko.
Habang ginagawa niya yun, hindi ko na sinubukan pang manlaban. Masyado na akong nanlalambot. Patuloy nalang
ang pag agos ng luha ko.
Sa paraan ba na to mapapatawad niya ko? Pag ba hinayaan ko siya tatanggapin niya ako ulit bilang tao?
Nasasaktan ako sa ginagawa niya ngayon.
Nararamdaman kong pababa ng pababa ang paghalik ni Stephen saakin at nung malapit na ito sa chest ko, bigla
siyang huminto. Tinignan niya ulit ako atsaka kumuha ng kumot at inihagis sa bandang dibdib ko.
Inilapit niya ang mukha niya saakin atsaka pinunasan ang luha ko gamit ang mga kamay niya.
“pero kahit gaano mo pa binaboy ang puso ko, di ko magawang saktan ka. Pasalamat ka bobo ang puso ko,
kahit nasaktan na sa ginawa mo ikaw parin ang mahal nito” after niyang sabihin yun tumayo na siya at tumalikod
saakin “umalis ka na dito baka kung ano pa ang magawa ko sayo. And please lang, wag ka na magpapakita
saakin” after he said those words, pumasok siya sa loob ng CR.
Tumayo ako at inayos ko ang blouse ko then pinunasan ko yung luha sa mukha ako at lumabas na sa unit niya. Kaya
lang pagkasaradong pagkasarado pa lang ng pinto, napaupo na agad ako sa gilid at napahagulgol ng iyak.
He despise me that much to the point na muntikan na niya gawin yun? Ganoon ko ba talaga siya nasaktan ng husto?
Stephen, nasasaktan din ako sa nangyayari.
Ipinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko at doon nagiiyak. Naalala ko bigla yung napagusapan namin ni Stephen
nung nag star gazing kaming dalawa.
“Stephen, paano kung—kung may nagawa ako sayo na hindi maganda? Magagalit ka ba saakin?”
“oo naman no magagalit ako. Tao lang din naman ako babes eh. Pero hindi ibig sabihin nun titigil na ko na
mahalin ka”
Mas lalo akong napaluha sa naalala ko.
“pero kahit gaano mo pa binaboy ang puso ko, di ko magawang saktan ka. Pasalamat ka bobo ang puso ko,
kahit nasaktan na sa ginawa mo ikaw parin ang mahal nito”
Pwede bang diktahan niya na lang ang puso niya na wag na akong mahalin? Bakit kasi ako pa ang dapat mong
mahalin? Sana minahal mo na lang yung babaeng makakapagpasaya sayo ng husto. Yung hindi ka lolokohin at di ka
sasaktan.
Sana ibang babae na lang Stephen.
Kinuha ko yung notebook na pinagsulatan ng contract sa bag ko. Mukha siguro akong tanga at hanggang ngayon
tinatago ko parin ito. Hindi ko nga ba alam kung bakit hindi ko to magawang maitapon kahit na alam kong eto ang
dahilan ng lahat.
Binasa ko ulit yung contract.
10 things to do to break the Casanova’s heart
1. Make him notice you.
2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet
3. Make him ask you on a date
4. Make sure that date will be the one he will remember the most
5. Make sure that he will take you seriously
6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating
7. Make him introduce you to his parents
8. Make him kiss you
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
But there is one and only rule you must abide.
Do not fall for him
If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment.
Signed by: Naomi Mikael Perez
Binasa ko ulit yung nasa dulo ng contract.
But there is one and only rule you must abide.
Do not fall for him
If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment.
Signed by: Naomi Mikael Perez
Napangiti ako na parang ewan doon at napahawak ako sa dibdib ko kung saan naka locate ang puso ko.
Oo nga naman, napaka tanga ko talaga para hindi agad marealzie kung bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon. Ako
na ang pinaka manhid na tao para hindi ko marealize agad kung bakit nagagalit ako pag may lumalapit na babae kay
Stephen, kung bakit ko siya namimiss pag hindi kami magkasama samantalang naiirita ako pag magkasama kami.
Kung bakit gusto ko siyang protektahan.
Maybe from the start I already broke the one and only rule.
Pero hindi ko alam kung dapat ko pa bang ikatuwa ang narealize ko kung huli na ang lahat.
Chapter 52
*weapon*
[Naomi’s POV]
Gabing gabi na nung makauwi ako sa bahay namin dahil it took me a while to regain myself doon sa pagkakaupo ko
sa labas ng unit ni Stephen. Sobrang pinanlalambutan ako kaya halos hindi ako makatayo doon.
Pagka dating na pagka dating ko sa bahay, sinalubong naman agad ako ni Mama Anne
“Mika, bat ngayon ka lang? alalang alala ako sayo” tinignan ko lang siya then nilagpasan ko atsaka ako
dumiretso sa kwarto ko. Narinig ko naman na sinusundan niya ako “anak, galit ka parin ba saakin? Please naman
pakinggan mo ako” naupo siya sa kama ko at tumabi saakin
“ayoko makipag usap sayo, sapat na yung nalaman ko”
“sapat? Mika hindi mo alam lahat! Wala kang alam sa mga nangyari kaya please wag kang magagalit saakin
sa isang bagay na hindi mo alam ang buong storya” hinawakan niya ang kamay ko “please Mika listen to me”
Hindi ako umimik. Siguro nga dapat ko narin malaman ang side ni Mama Anne. Oo galit ako sa kanya, pero sa isang
banda, alam kong miss na miss ko na siya at nakakadagdag na yung pagka miss na yun sa pain na nararamdaman
ko.
Naramdaman ko ang pag hinga ng malalim ni Mama Anne then nag start na siya ipaliwanag saakin lahat lahat.
“Mahirap lang ang pamilya ko noon. Nagtatrabaho ang mga magulang ko sa pamilya ni Steve, ang papa ni
Stephen. Ang tatay ko bilang driver nila, ang nanay ko naman bilang kasambahay. Doon kami nakatira sa
bahay nila noon kaya nakilala ko yung Papa ni Stephen. Araw-araw kaming magkalaro kaya naman naging
kaibigan ko siya. Ipinakilala din niya ako sa mga kaibigan niya nung nagpunta sila sa bahay. Yung papa mo,
at si Nerissa…”
Napatingin ako sa kanya “S-si mama?”
“oo, ang mama mo. Sabay sabay kaming lumaki noon. Naging matatalik ko silang kaibigan dahil tinaggap
nila ako kahit hindi naman ako kasing yaman tulad nila. Pero habang tumatagal, mas lalong napapalapit ang
loob ko sa Papa mo. Nalaman ko rin na mahal niya ko. Magiging kami na sana kaso biglang naaksidente si
tatay. Malaki ang gastusin sa ospital, hindi namin kakayanin kaya pinautang kami ng family ni Steve. Pero
hindi parin nailigtas si tatay namatay siya at ang pamilya din nila ang sumagot sa pagpapalibing ni tatay.
Nung mga panahong sinisingil na kami, wala kaming maibayad, wala kaming ka-pera pera. Pero nagulat ako
sa hinihingi nilang kabayaran..” naramdaman kong naginig ang buong katawan ni mama Anne at palabas na ang
luha sa mga nito “gusto nila ako ipakasal kay Steve. Doon ko nalaman na matagal na niya akong mahal. Iyak
ako ng iyak noon. Ayoko pero wala akong magawa. Napilitan akong iwan ang papa mo kahit mahal na mahal
ko siya. Pero ang mas masakit, ang makita kong nasasaktan siya habang wala akong magawa” napatulo ang
luha ni Mama Anne at hindi ko rin naiwasang maiyak.
Alam ko ang pakiramdam na yun. Ang makitang nasasaktan ang lalaking mahal mo habang ikaw wala kang magawa.
Feeling mo napaka walang kwentang tao mo.
“Nagpapasalamat ako dahil nandiyan parin si Nerissa. Hindi niya iniwan ang papa mo nung mga panahon na
yun kahit pinagtatabuyan siya nito palayo. But eventually, nakuha niya narin itong mahalin. Ikinasal na rin
silang dalawa, at imibitado pa ako sa kasal” pumatak na naman ang luha sa mata ni Mama Anne “parang
dinudurog ang mundo ko nung makita ko yun dahil sa tinagal tagal na panahon, mahal ko parin ang Papa
mo. Oo alam ko nung mga panahon na yun si Nerissa na ang mahal niya, pero masakit anak. Sobrang sakit.
At the same time, masaya din ako kasi hindi na siya nasasaktan. After nilang ikasal dalawa, nagibang bansa
muna sila kaya nawalan kami ng communication. Pinilit kong ibaling ang pagmamahal ko kay Steve pero
hindi ko parin nagawa. Namuhay ako ng nagpapanggap na masaya kahit sa totoo lang unti-unit akong
nilalamon ng lungkot. Buti na lang dumating si Stephen sa buhay ko. Akala ko talaga dati na hindi na ko
magkakaanak dahil hirap ako sa pagbubuntis. Stephen is my miracle. Sa loob ng sampung taon kong
nakasama si Steve, si Stephen lang ang nagpasaya ng buhay ko. Kaso dumating ang araw na kinakailangan
ko siyang iwan. Nalaman ni Steve na hanggang ngayon, yung papa mo parin ang mahal ko kaya sinaktan
niya ako. Palagi akong may sugat sa katawan gawa ng pananakit niya. Umabot sa puntong hindi ko na kinaya
kaya pinagbantaan ko siyang idedemanda ko siya. Natuto akong tumayo sa sarili ko magisa. Sampung taong
kalungkutan, sapat na kabayaran na yun sa lahat ng utang namin. Ginusto kong isama si Stephen sa pag-alis
ko kaso hindi ko nagawang kunin siya. Alam ko rin naman na hindi ko maibibigay sa kanya lahat ng gusto at
kailangan niya” napatakip si Mama Anne ng mukha “ang sakit mahiwalay kay Stephen, anak kung alam mo
lang. Walang araw na hindi ko siya naisip. Sinubukan ko siyang lapitan nun pero nahuli ako ni Steve.
Pinagbantaan niya ako na pag lumapit ako sa kanya, sasaktan niya si Stephen kaya nagpaka layo layo ako.
Nagkita kami ulit ng papa mo sa hindi inaasahang lugar. Doon ko nalaman na patay na si Nerissa kaya dinala
niya ako sa puntod nito. Naging magkaibigan ulit kami ng Papa mo, pero yung nararamdaman ko sa kanya
hindi parin nagbabago. Nandun parin yung pagmamahal, kaso mukhang mahal na mahal parin ng papa mo si
Nerissa” inakbayan ako ni Mama Anne “pero sobrang taggal na kinimkim ko ang nararamdaman ko, sinabi ko
sa kanya lahat lahat, na hanggang ngayon siya parin ang mahal ko. Wala akong ibang minahal kundi siya
lang. Sinabi niya na huli na ang lahat para saamin. Wala na siyang nararamdaman. But after two years,
natutunan niya ulit ako mahalin, at ako na ang tumayo niyong ina. Ipinangako ko sa sarili ko, pati narin sa
puntod ng mama niyo na aalagaan ko kayo na parang tunay kong anak. Mamahalin ko kayo katulad ng
pagmamahal ko kay Stephen”hinawakan niya ang mukha ko “anak, patawarin mo ko kung hindi ko sinabi sa
inyo agad. Pero maniwala ka, hindi ko ginusto iwan si Stephen. Araw araw ko siyang tinitignan nun mula sa
malayo. Sabik na sabik ako sa kanya, anak. Patawarin mo ko.. patawad”
Hindi ako halos makapag salita gawa ng mga narinig ko. Niyakap ko si Mama Anne
“sorry mama, sorry…”
Iyak kami ng iyak ni mama habang magkayakap kami. Hindi ko expected na ganito ang pinagdaanan niya. Akala ko
masakit na ang nararamdaman ko, pero wala pa pala ang sakit na to sa nararamdaman niya. Wala pa ang
pinagdaanan ko sa pinagdaanan niya.
Ikinuwento ko narin kay Mama yung nangyari kay Stephen nung umalis siya. Pati yung about sa mafia at ang
contract. Pati narin yung nararamdaman ko para sa kanya.
“mama sorry, sinaktan ko si Stephen kahit alam ko ang pinagdadaanan niya. Sorry, sorry..”
“ano ka ba! Wag ka mag sorry. Alam ko naman na ginawa mo yun kasi ayaw mong mapahamak si Stephen.
Natutuwa ako..” hinawakan niya ang mukha ko “dahil nakilala ka niya. Kahit iniwan ko siya, may isang babaeng
dumating sa buhay niya para pasayahin siya. Salamat, Mika”
“pero sinaktan ko siya”
“mahal mo siya di ba?” I nod “then do the right thing”
After sabihin ni mama yun, tumayo siya at hinalikan ako sa noo. Then lumabas na siya ng room ko.
Nahiga ako sa kama ko at tinitigan ko yung kisame.
Do the right thing?
Pero ano nga ba ang tama?
The next day, maaga akong nagising gawa narin siguro ng hindi rin ako halos nakatulog kagabi. Masaya ako na kahit
papaano nawalan na ng isang tinik ang puso ko. Medyo nabawasan yung bigat na nararamdaman ko nung malaman
ko ang lahat.
Pero sana malaman narin ni Stephen to. Gusto ko siyang kausapin kaso alam kong ipagtatabuyan niya ulit ako. :(
Naligo na ako at nagbihis then inayos ko yung gamit sa bag ko. Paalis na sana ko ng matignan ko yung sarili ko sa
salamin.
Bakit nga ba ganito parin ang ayos ko? Hindi na ako yung Naomi na nagpaganda para lang mahalin ni Stephen. Ako
yung Naomi na mahal si Stephen.
Napangiti ako then ibinaba ko yung bag ko. I tied my hair into a knot then tinanggal ko yung contact lense sa mata ko
at muling isinuot yung salamin kong may makapal na frame. Pinalitan ko narin yung uniform ko at isinuot yung
lumang uniform ko na maluwag at medyo mahaba ang skirt. Inalis ko sa paa ko yung high heeled shoes at nag flats
ako. Then inilipat ko yung gamit ko sa isang jansport na backpack.
Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin.
Eto si Naomi. Eto ako.
Lumabas na ako ng bahay at umalis na papuntang school.
Do the right thing
Sa ngayon hindi pa malinaw saakin kung ano ang dapat kong gawin, pero alam ko kung ano ang dapat ko ng
simulan.
Pagkadating ko sa school, hinanap ko agad si Yannie. Saktong sakto nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa
may field ng school namin. Tumakbo ako papunta kay Yannie.
“Yannie!” napatingin siya saakin
“oh Naomi..”
“Yannie..” kinuha ko yung notebook na pinagsulatan ng contract sa bag ko at inabot ko sa kanya “I love Stephen, I
broke the rule. I will accept the punishment” sabi ko sa kanya habang nakatingin ako ng seryoso.
Kinuha ni Yannie yung notebook saakin then nginitian niya ako “halika nga dito sa tabi ko”
Naupo ako sa tabi ni Yannie “ngayon ko lang na-realize lahat Yannie. Ang tanga ko. Bakit hinayaan ko pang
matapos yung 10 steps para lang marealize lahat ng nararamdaman ko. Yannie, please punished me. Wala
akong paki kung ano yung punishment nayun pero please, kailangan ko pagbayaran to”
“Naomi” hinawakan niya yung kamay ko “matagal ka ng pinarusahan”
“h-ha? what do you mean? Hindi ko maintindihan Yannie..”
She placed my hand on my heart “Yang pain na nararamdaman mo, that’s the severe punishment. Yung sakit
na nararamdaman mo, yung agony, yung mga luha mo, that's the consequence of falling in love with
Stephen. Kahit hindi mo pa nare-realize sa sarili mo na mahal mo siya, once na tumibok ang puso mo,
automatic na yung punishment na yun”
“Y-yannie.. ang hirap”
“Listen Naomi, pag nasasaktan tayo, kailangang may gawin tayo para mawala na ang sakit na yun. Ok lang
umiyak, pero hindi ibig sabihin na luha na lang ang palaging magiging sandata natin. Sometimes we need to
find a better weapon for us to fight the pain. And in finding those weapon” tumayo si Yannie at pumunta sa
harapn ko then inilagay niya yung notebook sa kamay ko“you need to open your eyes. Sometimes the answer is
right in front of you” tinapik niya yung balikat ko “I need to go. Una na ako Naomi” after that, umalis na siya.
Anong ibig niyang sabihin doon? May other way pa ba? Ano ba dapat kong gawin?
Hay nakakasar! Naguguluhan na ako!!
Sa sobrang inis ko naibato ko yung notebook sa field. Bigla naman humangin ng malakas kaya kinuha ko yung
notebook. Kaso nabigla ako nung damputin ko ito.
May nakasulat pa pala doon sa next page kung saan nakasulat yung contract
Binasa ko yung nakalagay.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
But in order to surpass the punishment and for the contract to be void
…you should fight for what you feel.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Chapter 53
*Advices*
[Naomi's POV]
Fight for what you feel..
Fight for what you feel..
Fight for what you feel..
Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin, paulit ulit yun sa utak ko.
I should fight for what I feel? Yun ba talaga ang solusyon? Yun na lang ba ang paraan?
Alam ko hindi lang yun. Pwede akong mag back out, pwede kong layuan si Stephen, pwede kong kalimutan na lang
ang lahat. Pwede akong mag desisyon kung ano ang gusto kong mangyari.
Per ang gustong mangyari ngayon ay makasama si Stephen.
At alam ko, mahirap ang naging desisyon ko.
Pero ibig sabihin ba nun susuko na ko? Titigil na ko?
Yes, maybe this is the right thing to do. I should fight for what I feel. Ang problema lang…
…di ko alam kung paano.
Napahinga ako ng malalim. Ang hirap naman ng gusto ko mangyari eh. Kung alam ko lang kung paano ko sisimulan
lahat :(
*BAAM*
“aray ko!” napaupo ako sa sahig habang nagbagsakan yung mga hawak hawak kong folders.
“Sorry miss, sorry talaga”
Patayo na sana ako ng marinig ko yung boses na yun.
“miss? Ok ka lang ba? Sorry talaga ha?” tinignan ko yung nakabunggo saakin at nakita kong nagulat siya nung
makita niya ako
“ikaw pala”
“S-stephen..” itinayo niya ako tapos inabutan niya ako ng panyo
“suot-suot mo na pala uli yang salamin mo. Punasan mo nito baka madaming dumi” after niyang iabot saakin
yung panyo naglakad narin siya palayo
“S-stephen..” tuloy tuloy siya sa paglalakad at hindi ako nililingon kaya hinabol ko siya “Stephen w-wait
lang!” nung naabutan ko na siya hinawakan ko yung braso niya “m-may sasabihin ako sayo. Please makinig ka!”
“busy ako” he told me without even looking at me
“p-please Stephen, importante to. About sa mama mo to. Sinabi na niya lahat sa—“
“—what are you talking about? Wala na kong mama. Matagal na siyang patay” after niyang sabihin yun,
naglakad na ulit siya palayo. Hinabol ko naman siya
“Wait Stephen. Please makinig ka saakin. Kailangan mong malaman ang lahat”
“tigilan mo na ko”
“hindi! Hindi kita titigilan hangga’t di mo ko pinapakinggan! Hindi kita titigilan hangga’t hindi gumagaan kahit
papaano yang nararamdaman mo!”
Huminto sa paglalakad si Stephen at tumingin saakin ng seryoso “bakit Naomi? Ano bang pakielam mo sa
nararamdaman ko? Pagagaanin mo? Nakokonsensya ka dahil sinaktan mo ko?”
Tinignan ko rin si Stephen diretso sa mata at sinabi ang mga katagang di ko inaasahan na manggagaling saakin, na
kahit ako mismo ay ikinagulat ko.
“Hindi. Dahil mahal kita Stephen”
Nakita ko sa expression ng mukha niya na nagulat din siya sa sinabi ko. We’re both loss for words. Hindi ko alam
kung paano ito lumabas sa bibig ko, pero alam ko hindi ko na to dapat bawiin. Siguro sa ganito ko dapat simulan ang
lahat. Kailangan kong aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman.
Nilapitan ako ni Stephen at tinignan ng seryoso
“tingin mo, paano ko paniniwalaan yang sinabi mo?”
“S-stephen, totoo to! Walang halong kasinungalingan. I admit it took me a long time before I realized what I
feel for you but please believe me..”
“Hindi ko na kayang maniwala sayo” tinalikuran na ako ni Stephen at naglakad palayo.
Ako naman hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
Ang sakit.
Para niya kong sinampal dahil sa sinabi niya. Pero di ko siya masisisi. Alam ko naman na ganito magiging reaction
niya eh. Alam kong hindi niya ako paniniwalaan. Sinong bobong tao ba naman ang maniniwala pag sinabihan siyang
mahal siya ng taong nanloko sa kanya? Wala naman di ba? kahit ako hindi maniniwala. Kaso ang problema
. . .totoo tong nararamdaman ko eh. Hindi ito peke. Mahal ko si Stephen.
“best” nabigla ako ng bigla namang may yumakap sa likod ko. Humarap ako para tignan ito
“Kryzel”
“ok ka lang ba?”
I tried my best to smile “o-oo naman! ok na ok lang ako”
“Naomi Mikael Perez, bata pa lang magkasama na tayong dalawa. Wag na wag mo akong maloloko, hindi
effective saakin yan” niyakap ako ni Kryzel “best friend mo ko di ba? Ano ba ang use ng isang bestfriend”
I hugged her back “best, pwedeng paiyak?”
“best feel at home ha? wag mo ng intindihin ang mga butlers and maids dito! Doon tayo sa room ko dali!!”
Hinatak ako ni Kryzel paakyat ng room niya. Loka-lokang babae kasi, after kong sabihin kung pwede ba akong
paiyak eh bigla bigla na lang akong pinilit mag cutting class at dinala ako dito sa bahay ni Rence kung saan siya
pansamantalang nakikituloy.
Tinignan ko yung buong bahay. Mansion nga talaga ang bahay nila Rence. Hay ang swerte ng best friend ko,
nakahanap siya ng boyfriend na gwapo, malakas ang appeal, mayaman, sweet, mahal na mahal siya at hindi siya
susukuan. Nung una sinasabi niya na ang malas niya pag dating sa love, pero tignan mo nga naman ang balik sa
kanya. Nasaktan siya dati, ngayon naman sobrang saya na. I know she deserves to be happy. Ako kaya? Magiging
masaya pa kaya ako?
Parang di ko na to maimagine.
Nung makarating na kami ni Kryzel doon sa room niya, naglatag naman agad siya ng picnic mat sa sahig ng room
niya at naglagay ng pagkadami-daming chichirya. Tinignan ko yung picnic mat, then I looked at Kryzel
“best, sabi ko paiyak, hindi ko sinabing pakain” =__=
“haha ano ka ba best! Naghahanda nga ako sa pagiyak mo eh”
“kailangan talagang may chichirya?”
“hindi lang yan ano ka ba! Meron pa!”
“ha?”
Bigla naman kaming may narinig na knock sa door
“come in” sabi ni Kryzel
Pumasok na yung kumatok and nakita ko naman na si Rence ito at may dala dala siyang isang tray
“good day beautiful ladies!” ibinaba niya yung hawak niyang tray at doon ko lang na-identify yung nakalagay doon
“three bottles of vodka, and one pitcher of cold pineapple juice”
“thank you love” sabi naman ni Kryzel
“you’re always welcome love. Pero may bayad yan ha? galing pa yang vodka na yan sa bar ko”
“oh sure love. How much ba?”
“I’ll tell you later” he winked at Kryzel then lumabas na siya.
Bigla naman naghihiyaw yung babaita “oh my gooosssssh best! Kinikilig ako talaga kay Rence! Alam mo yung
lagi naman siyang sweet, lagi din kayo magkasama pero nandyan parin yung kilig factor?”
“sige na, ikaw na kinikilig. Ako na brokenhearted” =__=
“ikaw naman best! Pero sige na start na, simula na ng iyakan” nilagyan ni Kryzel ng vodka yung isang shot glass
then naglagay siya ng pineapple juice sa isang highball glass atsaka inabot niya saakin
Tinignan ko ito “err best.. nandito ako para maglabas ng loob hindi para makipag inuman. Ayoko
magpakalasing.”
“best naman eh, iinom tayo hindi para makalimutan mo yang nararamdaman mo. Iinom tayo kasi gusto ko
mapagaan ang pakiramdam mo”
“by the use of alcohol? No thanks, healthy living ako” =__=
“ano ka ba best! Hindi masama uminom paminsan minsan! Ngayon ka lang iinom. At pag may nabalitaan
akong inulit mo to, sasakalin kita. Habang pinapayagan kita, samantalahin mo na!”
Tinignan ko si Kryzel, parang nanay ko lang ah =__=
Inabot ko yung shot glass at yung pineapple juice. Wala naman masama, ngayon ko lang gagawin to. Sa ngayon, I
want to escape from pain.
Ininom ko yung isang shot glass ng vodka atsaka ako uminom ng pineapple juice bilang chaser. After that
humagulgol na lang ako ng iyak at ikinwento kay Kryzel yung lahat ng nangyari
“antokwa lang best! Ang sakit eh! Ang bobo bobo ko! Napaka manhid kong tao! Marerealize ko na mahal ko
siya kung kelan huli na! ngayon ayaw niyang maniwala saakin. Wala na, ano pang dapat kong gawin!!”
Nilagyan ni Kryzel ng vodka yung shot glass then inabot niya saakin at ininom ko ulit to ng straight.
“best, alam mo kasi hindi porket sinabi ni Stephen na hindi siya naniniwala sayo eh titigil ka na. Minsan
kailangan mong patunayan lahat bago ka paniwalaan”
Nagtagay pa ulit siya saakin atsaka ko ito ininom
“pero kasi best, ang hirap naman eh. Ayaw niya maniwala saakin.”
“so susuko ka na? Iiwan mo na si Stephen? Hindi lang basta basta ang love Naomi! Tignan mo si Rence, ang
tagal bago ko siya pinaniwalaan pero naramdaman at naramdaman ko parin ang totoo niyang
nararamdaman. Minahal ka ni Stephen at nasaktan siya. Oo alam ko naman na ginawa mo yun para mailigtas
siya, pero Naomi nasaktan parin siya. Mahal mo na siya di ba? Then wag ka na magsalita, patunayan mo na
lang sa kanya” hinawakan ni Kryzel ang magkabila kong braso “listen best, pinasaya ka niya. Ang dami niyang
effort na ginawa mapangiti ka lang. He showed you how much he loves you in any sweet possible way he
can. This time, it’s your turn to make him happy.”
“b-best”
“up to now hindi ka pa nag quit sa contract di ba? The contract says fight for what you feel then sundin mo
ang nakalagay doon. That contract is now your key to find happiness, kaya lumaban ka para maging masaya
ka!”
Napaisip bigla ako sa sinabi ni Kryzel. Maybe she’s right. Walang mangyayari saakin kung susuko talaga ako. Kung
dati si Stephen ang gumagawa lahat para mapasaya ako, ngayon naman ako na ang gagawa ng paraan makita ko
lang ulit siyang ngumiti. Kung sasaya si Stephen, magiging masaya narin ako.
Uminom ulit ako ng isa pang shot ng vodka
“Kryzel, I will fight for what I feel”
She smiled then tinagayan pa ulit niya ako.
[Stephen’s POV]
“one brandy please” I told the bartender then naupo ako sa bar stool. Inayos naman niya yung order ko then inabot
niya saakin. I started to drink.
“mahal kita Stephen”
Uminom ako ng brandy.
Ano ba yan! Why all of the sudden sasabihin niya saakin yang bagay na yan?! Hindi pa ba sapat na pinaniwala niya
akong mahal niya ko dati when the truth is hindi naman talaga. Plano na naman ba niya akong lokohin at saktan?
Hindi pa ba sapat na nasaktan niya na ko once?
“mahal kita Stephen”
Napapikit ako then pinatong ko ang ulo ko sa mga kamay ko.
Nami bat mo ba sinabi saakin ang bagay na yan? Hindi mo ba alam na pinagsisigawan ng puso ko na maniwala ako
sa sinabi mo? Alam kong hindi ko na pwedeng sundin yung sinasabi ng puso ko kasi nga ang bobo bobo nito. Hindi
lang bobo, tanga pa at uto-uto. Tss bat kasi ako binigyan ng pusong ganito eh? Pwede bang magpa heart transplant
na ko? Kesa puso ang ilagay, pwede bang palitan na lang to ng bato?
Inubos ko yung laman ng rock glass ko then tinignan ko yung bartender “one more please”
“grabe ka naman mag lasing, talagang brandy? Sosyal ha” napalingon ako bigla doon sa katabi ko na nagsalita.
“ikaw pala” it’s Drew
“one mojito please” order niya doon sa bartender then binalik niya yung tingin niya saakin “so bat ka naman
nagpapaka lasing? Broken hearted?”
“mind your own business” I told him then pinagpatuloy ko ang paginom ko.
“nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Naomi. Condolence pare”
Hindi ako nagsalita pero sa loob loob ko gusto kong pagmumurahin ang lalaking to! Parang nangaasar lang eh! Yung
way pa ng pagsasabi niya ng condolence eh parang pinagkakatuwaan niya ko. Tokwa lang! gusto ko siyang sapakin
sa mukha
“pero alam mo matagal ko ng alam yang sa contract eh” pagkukwento niya “kung wala lang yang contract na
yan edi kami na ni Naomi”
Napatingin ako bigla sa kanya “anong ibig mong sabihin?!”
“ako ang mahal ni Naomi nung mga panahon na yun. Magka M.U na kami and pinangako niya na after ng
contract magiging kami na talaga” he smirk “dahil tapos na ang contract kukunin ko na siya sayo ha?”
Biglang kumulo ang dugo ko. Pakshet lang! Sabi na eh niloloko niya ko! Hindi talaga totoo yung sinabi niyang mahal
niya ko! Hindi totoo na nasasaktan siya kasi ngayon masaya na siya at magiging sila na nung humal na lalaking to!
T@n* i*@ lang!
Sa sobrang asar ko, nahawakan ko si Drew sa kwelyo ng damit niya at nag ambang susuntukin to. Pero nakita ko
kesa matakot siya, mas lalo siyang napangiti.
“bakit mo ko susuntukin? Natatakot ka na kunin ko si Naomi? Siguro dahil ngayon gusto mong balikan si
Naomi no? mahal mo no?”
Binitawan ko yung kwelyo ng damit niya and iniwas ko ang tingin ko sa kanya
“di ko alam yang mga pinagsasabi mo”
“ok then, pwede ko na balikan si Naomi?”
Nasuntok ko bigla yung bar counter kaya nagtinginan sila saakin. Hindi ko sila pinansin. Naasar na talaga ako sa
humal na to!
“hahahaha joke lang bro. May girlfriend na ko eh tsaka alam kong hindi na akin ang puso ni
Naomi” naramdaman kong tumayo si Drew then tinapik kiya ang balikat ko “one advice about Naomi,” bigla
naman siyang bumulong saakin “medyo may pagka manhid at pagka slow ang babaeng yun. And oh one more
thing, malalaman mong mahal ka niya pag sinabi niya ito sayo ng diretso sa mata” after he told me those thing
bigla na siya umalis.
“mahal kita Stephen”
Napahawak ako bigla sa dibdib ko.
She told me those words while looking direct to my eyes.
Ibig sabihin ba nun..?
Arggh!!!
Napakamot ako bigla sa ulo ko. Ano ba Stephen! Wake up! Wag ka ng gumawa pa ng dahilan para paasahin ang
sarili ko sa isang kasinungalingan. Hindi ka niya mahal, at yun ang masakit na katotohanan!
~ Easy come, easy go that’s just how you live
Oh take take take it all but you never give ~
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at tinignan kung sino yung tumatawag.
Calling..
Rence Reboredo..
Ano naman kailangan nito?
I answered the call
“hello?”
“nasan ka?!”
“sa bar bakit?”
“go to my house ASAP!”
“ha? bakit naman?”
“S-si Naomi! Something happened to Naomi..”
Bago pa niya masabi yung nangyari kay Nami, binabaan ko na siya then naglabas ako ng pera sa wallet ko at nilagay
sa bar counter tsaka tumakbo palabas papuntang parking lot.
Si Nami, anong nangyari kay Nami?
I started the engine of my car then pinaharurot ko to papunta kila Rence habang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko na pwedeng nangyari kay Nami. Sa sobrang kaba ko, kulang na lang
lumabas ang puso ko sa katawan ko.
In less than 5 minutes, nakarating agad ako sa bahay nila Rence. Agad naman niya akong sinalubong at nakita ko
ang worried expression sa mukha niya.
“what happened to her?!”
“follow me”
Sinundan ko siya sa loob ng bahay nila hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang kwarto. Pero pintuan pa
lang, dinig na dinig ko ang malakas na pagkanta ng isang babae
“THAT’S WHAT YOU GET WHEN YOU LET YOUR HEART WIN!
OHHHHHH!
THAT’ WHAT YOU GET WHEN YOU LET YOUR HEART WIN!
OWOWOWOWOWOOOOOW”
Binuksan ni Rence yung pinto at nakita ko si Naomi na kumakanta doon na parang rakista habang hawak hawak ang
isang bote ng vodka
“I DROWN DOWN ALL MY SENSE WITH THE SOUND OF IT’S BEATING!
THAT’S WHAT YOU GET WHEN YOU LET YOUR HEART WIN
OWOOOOHHHWOOOOOWWWHHH”
Kryzel clapped “bravo! Ang galing ng best ko magpaka Paramore pag lasing! Pero lasing ka na, kaya umuwi
ka na, nandyan na sundo mo!”
Nagkaroon bigla ng malaking question mark sa ulo ko.
O-k? ano to?! Ano ang masamang nangyari kay Nami? Eto ba yun?
Gravy lang =__=
“Stephen, kaw na bahala kay Naomi ah? Paki uwi na yan sa bahay nila. Baka magalit na mga kapitbahay
namin eh” tumingin si Rence kay Kryzel at hinawakan ang kamay nito “let’s go love”after that lumabas na sila ng
kwarto
Tinignan naman ako ni Naomi “ayy iniwan na nila ko? Ayaw na nila ko marinig kumanta? Ikaw gusto mo?”
“hay naku naman!”
“teka kilala kita ah” tinuro niya ko “ikaw si Stephen! Hahahahahahahahaha hi Stephen!” bigla siyang tumalon sa
mga braso ko kaya naman bigla ko siyang nabuhat
“h-hoy! Ano ba! Ibababa kita ang bigat mo eh! Tsaka ang baho mo amoy alak ka!”
“eeeehhh! Buhatin mo ko!” tinignan niya ulit ako sa mukha “hahahahahaha itsura mo oh mukha kang unggoy!
Hahahahahahahahaha” after that bigla naman niya ako pinagsasampal habang parang loka-lokang tumatawa
“aba grabe ka na ha. Broken hearted ako dahil sayo, sinabihan mo na kong mukhang unggoy,
pinagsasampal mo pa ko. Di ko na kinakaya mga pananakit mo ha” =__=
“hahahahahahahaha ang gwapo mo! Mukha kang unggoy! Ikaw ang pinaka gwapong unggoy na nakita ko!!
Wahahahhaha”
“hay ano ba naman! ang sarap mong iwan dito!” =__=
Tsk! naloko ko ng humal na Rence na yun ah. Humanda talaga sakin yun pag nakita ko siya =__=
akala ko na kung anong nagyari eh! badteeep
Mas lalo niya hinigpitan ang pagkakapulupot sa leeg ko para di ko siya ibaba “eeehh ayoko. Ang sarap sa
pakiramdam ng ganito ako kalapit sayo” after niyang sabihin yun, bigla na lang siyang pumikit. Mukha atang
nakatulog na.
Binuhat ko si Nami papasok ng kotse ko.
“oo Nami, ang sarap nga sa pakiramdam ng ganito kalapit sayo”
Ibinaba ko siya sa passenger’s seat tapos sumakay narin ako sa kotse. Nagulat naman ako ng bigla ulit siya dumilat
then nginitian niya ko
“gusto mo kantahan kita? Ayaw na ko pakinggan ni best sa pagkanta eh”
“manahimik ka na lang diyan at matulog. Uuwi na tayo”
“eh basta kakanta ako!”
Nagumpisa na siya kumanta kaso kesa rock song ang kinanta niya, nagulat ako ng kumanta siya ng love song
“Once in a while
You are in my mind
I think about the days that we had
And I dream that these would all come back to me”
Napatingin ako kay Nami at nakita ko na nakapikit siya habang kumakanta
“If only you knew every moment in time
Nothing goes on in my heart
Just like your memories
How I want here to be with you
Once more “
Pero mas ikinagulat ko when I heard her voice broke at kitang kita ko ang malungkot na expression sa mukha niya
“Y-you are al..ways gonna be…t- the one
And y- you.. should know
H-how I wish I could have..n- never let you go
C-come into my life.. again
Oh..d-don't say no “
Bigla na lang may tumulong luha na galing sa mata ni Nami
“You a-are always g-gonna be the one.. in my life
So t-true, I b-believe I can never find
S-somebody like you
My first love”
Bigla ulit siyang dumilat at nginitian niya ako.
“hoy lalaking mukhang unggoy! I love you!” and again may tumulong luha sa mata niya.
Nakangiti siya, pero may luha sa mata niya.
Pinunasan ko yung mga luha nito then inilapit ko ang mukha ko sa kanya
“I love you too babes” after that hinalikan ko si Naomi habang may lumalabas narin na luha sa mata ko.
Ngayong gabi, hahayaan ko muna na paniwalain ang sarili ko na mahal ako ni Naomi. Alam ko naman na
kinabukasan malilimutan niya na ang mga sinabi niya at ang mga nangyari.
Pero kahit ngayong gabi lang, kahit ako lang ang makaalala, gusto kong hayaan muna ang puso ko na magpaka
tanga.
Chapter 54
*too late?*
[Stephen’s POV]
Kanina pa nakatulog si Naomi dito sa kotse ko. Kanina parin kami na nasa tapat ng bahay nila pero di ko magawang
buhatin siya palabas ng kotse ko. Ayoko munang mawala siya sa paningin ko.
Tinitigan ko ang mukha ni Naomi na mahimbing na natutulog.
“hay naku babes, kahit mukha ka na namang tibong nerd ngayon ikaw parin ang pinaka magandang babae
na nakita ko” bulong ko sa kanya then hinawi ko yung buhok sa mukha niya at tinanggal ang eyeglasses niya.
Napahinga ako ng malalim. Ramdam na ramdam ko kung gaano ko kamahal ang babaeng nasa harapan ko ngayon.
Siya ang nagturo saakin magmahal, at siya rin yung babaeng nagpasaya ng buhay ko. My whole life is a sh1t until
she cames. Masarap palang magmahal.
..pero ang sakit masaktan ng husto.
Akala ko magiging masaya na ko nung dumating siya sa buhay ko. Pero katulad din ng ibang masasayang bagay,
may katapusan. Nung sinabi niya saakin na mahal niya ko, gustong gusto ko paniwalaan yun.
But I’m just too scared to take a risk.
Ayoko ng masaktan ng paulit ulit. Ang hirap na, di na ko na kakayanin. Tama na yung iniwan ako ng mom ko, tama
na yung pinabayaan ako ng dad ko.
Tama na yung niloko ako ng babaeng mahal ko.
I don’t want another torture. But for the last time, gusto kong titigan ang mukha ng babaeng mahal ko para kada
pipikit ako, eto ang makikita ko. Siguro kada maalala ko siya, papaniwalain ko na lang ang sarili kong minahal niya
ko.
I gave Nami one last look then bumaba na ako sa kotse ko at binuksan yung kabilang side kung saan siya nakahiga.
Bubuhatin ko na sana siya ng mapansin ko yung nasa leeg niya.
Yung kwintas na binigay ko sa kanya nung araw na naging kami.
Tinanggal ko yung necklace sa leeg niya “Hindi mo na kailangan ang kwintas na to Nami. Itatago ko na lang
muna to” inilagay ko sa bulsa ko yung kwintas then binuhat ko na siya palabas ng kotse ko.
Naglakad ako sa gate nila then nag door bell ako.
“ARF! ARF!!” napalingon ako doon sa gilid ng gate at nakita ko yung aso ni Nami doon
“oh wag mo ko awayin, inuwi ko na nga yung amo mo tatahulan mo pa ko.”
“ARF!! ARF!!”
“tss sige awayin mo ko! Magsama kayo ng amo mo. Sinaktan na nga ako sinabihan pa ko mukhang unggoy.
Makatarungan ba yun?”
“ARF! ARF!!”
“di ba lalaki ka rin Hotdog? Advice lang, wag ka na mag hanap ng girlfriend. Sakit lang yan sa puso. Mamaya
mamatay ka pa, sayang naman ang cute cute mo, ang taba taba mo pa! halatang na-o-overfeed ka na.”
Bigla naman may nagbukas nung door ng bahay nila
“Hotdog bat ka tahol ng tahol?”
Napatingin ako bigla doon sa lumabas ng bahay nila. Nakalimutan ko, nakauwi na pala siya.
Bigla rin siyang napatingin saakin
“S-stephen? A-anak..”
Iniwas ko agad yung tingin ko “hindi po ako si Stephen, D-drew po ang pangalan ko. Kaibigan po ako ni Naomi,
nalasing po kasi siya kaya inuwi ko na siya”
“p-pero…” naputol yung sasabihin niya ng bigla naman may lumabas ulit sa bahay nila.
It’s Nico.
“Mika?! What happened to her?!” lumapit si Nico saamin then kinuha niya saakin si Nami
“nalasing siya. Napagutusan lang ako na dalhin siya dito. Sige una na ko”
“salamat, bro” after that pumasok na sa loob si Nico habang buhat buhat si Nami kaya naiwan na lang kaming
dalawa nung . . . . Mama ni Nami
Tinalikuran ko na siya pero nagulat ako ng hawakan ako nito sa braso.
“p-pwede ko bang hawakan ang mukha mo?”
“ha?”
“m-may kamukha ka kasi eh. Kamukhang kamukha mo siya”
Bago pa ako makapag react nagulat na lang ako ng hinaplos niya ang mukha ko.
For a second, parang gustong lumabas ng luha sa mga mata ko.
My mom used to do that to me. Pagkagising ko, habang kumakain, bago ako matulog, palagi niya hinahaplos ang
mukha ko. Masyado pa akong bata nung mga panahon na yun pero tandang tanda ko ang mga haplos na yun.
Masarap sa pakiramdam at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni mom saakin kada gagawin niya yun. Akala
ko di ko na ulit mararamdaman to, pero ngayon, ginagawa na ulit saakin ito ng ina ko.
Pero kesa matuwa ako, nasasaktan ako.
Iniwas ko yung mukha ko sa pagkakahawak niya “ah pasensya na pa ko kayo. Naiilang po kasi ako, aalis na
ko” after that tinalikuran ko na siya ng tuluyan at naglakad papasok ng kotse ko.
[Naomi’s POV]
Ang sakit ng ulo ko!
Idinilat ko yung mata ko atsaka ko minasahe yung ulo ko. Parang mabibiyak ito sa sobrang sakit! Si Kryzel kasi sukat
ipaubos saakin yung tatlong bote ng vodka =__=
“hoy lalaking mukhang unggoy! I love you!”
“I love you too babes”
Napabangon ako bigla sa kama ko at napahawak sa labi ko.
Teka.. teka y-yung kagabi, yung nangyari kagabi totoo ba yun o panaginip lang?
Alam ko nasa bahay ako nila Rence at nakikipaginuman kay Kryzel, hanggang sa nalasing ako at kumanta ng
kumanta na parang takas sa mental hospital. Then.. then.. ay ampupu, dumating ba si Stephen? Pero, impossible.
Paano siya pupunta kung abot langit ang galit niya saakin?
Bigla naman may pumasok sa loob ng kwarto ko.
“oh gising ka na pala Mika”
“mama, paano ako nakauwi dito?”
“hinatid ka ng kaibigan mo. Drew ang pangalan”
Drew? Si Drew?! T-teka si Drew naghatid saakin? Pinuntahan niya ko kila Kryzel at hinatid ako saamin?
Pero ang natatandaan ko talaga si Stephen eh. Hinalikan pa niya ko. Sinabihan pa niya ko ng I love you.
Ibig sabihin hindi totoo lahat ng yun? Panaginip lang yun? :(
Bumaba ako sa dining room namin para mag-almusal. Nadatnan ko naman doon si Kuya Nico. Naupo ako sa tabi
niya then kumuha ako ng pandesal.
“oh Mika inumin mo to” inabutan niya ako ng cup na may lamang coffee “next time wag kang iinom ng sobra
sobra ha?”
“s-sorry kuya”
Ininom ko yung coffee then tinignan ko si Kuya. Doon ko lang napansin na parang ang laki ata ng eyebag niya? Di
naman siya nagpupuyat kasi lagi niya pinapangalagaan yung itsura niya para sa photoshoot niya. Isa pa para atang
mugto ang mata niya.
“k-kuya Nico ok ka lang ba?”
Nginitian niya ako “oo naman”
I smiled back “kelan mo pala ipapakilala kina Papa si Yannie? For sure magugustuhan nila si Yannie”
“uhmm Mika kasi ano eh..” iniwas niya yung tingin niya saakin
Sabi na may problema eh. At mukhang alam ko na kung ano yun. I smiled at him “kuya kung ako ang iniisip mo,
pwes sinasabi ko sayo itigil mo yan. Di ako maiingit sa inyo ano ka ba! Gustong gusto ko nga si Yannie para
sayo eh. Kaya hayaan mo na yung gulo na nangyayari saakin at ipakilala mo na si Yannie”
“hindi yun Mika eh. Kasi…” huminga siya ng malalim “me and Yannie broke up”
Napatigil ako sa paginom ng kape tsaka ko tinignan si kuya. Kitang kita ko ang lungkot sa mukha niya.
“b-bakit kuya?”
“nakipag break ako sa kanya kasi hindi ako makapaniwalang pinagawa niya ang bagay na to sayo. Alam ko
di niya ginusto pero Mika ang sakit isipin na yung babaeng mahal ko ang dahilan kung bakit nasasaktan ang
kapatid ko”
Napatitig ako sa kanya. Ang dami kong gustong sabihin kay Kuya, sa sobrang dami nito, isa na lang ang lumabas sa
bibig ko.
“tanga”
“Mika!”
“ang tanga mo kuya! Galit ako sayo!!” iniwan ko si kuya sa dining room at tumakbo ako palabas ng bahay. Naasar
ako kay kuya! Nasakanya na ang babaeng mahal niya iniwan niya pa para sa isang bagay na hindi niya alam ang
buong storya?!
Nakakaasar! Hindi ba niya alam kung gaano kasakit ang magsisi?!
“Mika!” nahawakan ni Kuya Nico ang braso ko atsaka niya ko hinarapa sakanya “bat ka ba nagagalit sakin ha?!”
“mahal mo ba talaga si Yannie ha?!”
“OO MAHAL KO SIYA! Mika naman nahihirapan din ako! Masakit din saakin na iwan ko siya.. pero di ko
tanggap…”
“di mo tanggap?! Na ano?! Kuya mahal mo siya eh! Nasasaktan din naman siya sa nangyayari pero bakit
dinagdagan mo pa?! Kuya hindi niya ko pinilit gawin ang nasa contract, ako ang mismong nagsabi na
gagawin ko yun!”
Napatigil si Kuya at bigla siyang napabitiw sa braso ko
“a-ano?”
“ako ang may gustong gumawa nun! Ako ang nagpasok ng contract sa buhay ko! Sarili kong desisyon yun
kaya kasalanan ko bat ako nasasaktan! Pero lahat ng nangyari hindi ko pinagsisisihan dahil masaya ako na
nakasama ko si Stephen at gagawin ko lahat para bumalik siya saakin. Ayoko na mangiwan, at lalong ayoko
ng magpaka tanga katulad ng katangahang ginawa mo!”
After ko sabihin yun bigla na lang tumakbo si Kuya pabalik ng bahay. Sinundan ko naman siya and nakita ko siya na
palabas din agad dala-dala ang susi ng kotse niya. Agad naman siyang pumasok dito at pinaandar to ng mabilis.
I smile.
Kuya, wag na wag na wag mo na ulit iiwan ang babaeng mahal mo.
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin para ipagpatuloy ang pagkain ko then nag-ayos narin ako at pumasok sa
school.
Pag dating ko naman sa school, nakita ko si Drew na kumukuha ng gamit sa locker niya. Nilapitan ko siya
“Drew”
“oh Naomi”
“ano, uhmm salamat kagabi sa paghatid saakin ha?”
“kagabi? Hindi kita hinatid kagabi Naomi”
“ha?”
“ano ba sinasabi mo?”
“h-ha? ah eh w-wala”
Hindi si Drew ang naghatid saakin? Pero sabi ni mama si Drew eh.
Teka teka ang gulo! Matanong na nga lang sila Kryzel mamaya. =__=
“papunta ka na ba sa classroom mo?” tanong ni Drew saakin
“ha? ah oo”
“samahan na kita” sinabayan ako ni Drew sa paglalakad
“hindi ba magagalit si Jeanell dahil sinamahan mo ko?”
He smiled “uhmm nope. Alam niya naman na siya lang ang mahal ko eh”
Napangiti ako bigla kay Drew “dapat lang! pag niloko mo yun gugulpihin kita!”
“syempre di ko lolokohin yun. Takot ko lang na magulpi mo ko” we both laugh. Bigla naman niya tinap yung ulo
ko “I’m glad Naomi, nawala na yung awkward feeling saating dalawa”
Napangiti din ako kay Drew then I stretched out my hand “friends?”
He took it then nakipag shake hands siya saakin “friends”
Nagulat naman ako bigla ng may nanghawi saamin dalawa ni Drew kaya pareho kaming napabitiw sa isa’t isa.
Pagkakita ko, si Stephen ito.
“tabi nga! Haharang harang eh!!” bigla naman naglakad ng mabilis si Stephen palayo saamin at mukhang badtrip
na badtrip. Kitang kita ko kasi ang pamumula ng tenga niya.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” napatingin ako bigla kay Drew ng humalakhak siya
“err ano nakakatawa?”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA nakakaaliw talaga! HAHAHAHAHAHAHAHAHA” napahawak siya sa tyan niya at
halos magpagulong gulong siya doon sa sobrang kakatawa. Nakita ko pa na maiyak iyak na siya.
Ok? Ano naman nakakatawa?
“bakit ba?”
“HAHAHAHAHA grabe Naomi naaliw talaga ako sa inyo ni Stephen! Hahahahaahahahaha!”
Napataas ang kilay ko. Okay? Astig ha! Pareho na kami nasasaktan dito may tao pang nagawang maaliw saamin
dalawa! Astig talaga! =__=
“hay naku Naomi, sundan mo na si Stephen! Kaya yun galit, dahil sayo”
“eh?”
“mahal ka nun at mahal mo siya. Papayag ka na magkahiwalay kayo ng tuluyan?”
“h-hindi syempre..”
“oh edi sundan mo na” bigla naman lumapit si Drew saakin at binulungan ako “minsan kailangan mo din daain
sa dahas ang isang bagay para makinig siya sayo” after he said that bigla kinindatan niya ko at umalis na.
Daanin sa dahas? Napangiti naman ako at hinabol ko si Stephen.
“STEPHEN CRUZ!!” tumigil siya sa paglalakad at iritadong lumingon saakin
“ANO?!”
“mag usap tayo!”
“nanaman?! Mag usap na naman! ano ba Naomi! Iwan mo na nga ako! Ayoko makipag usap sa manloloko!”
“hindi! Maguusap tayo sa ayaw mo o sa gusto mo!”
“eh ayoko nga eh! Wala ka magagawa! Ano ba sabi ko na tantanan mo na ko eh! Tsaka kahit ano pang
sabihin mo di ako maniniwala sayo!”
“wala akong paki kung maniwala ka o hindi! Basta maguusap tayo!”
“tss ganyan ka ba pag may hang over?! Nagiging makulit ka?!”
Napatigil ako bigla sa pagsasalita at napatitig ako kay Stephen
“oh bat ganyan ka makatingin?!” sigaw nito saakin pero di ko siya sinagot at bigla na lang ako napangiti.
“ano naman nginingiti mo diyan?!” sigaw ulit nito saakin
Tinuro ko siya “paano mo nalaman na may hang over ako?”
“h-ha? ah eh.. m-may sinabi ba ko na may hang over ka?” iniwas niya ang tingin niya saakin.
“oo! Ikaw ang nag hatid saakin sa bahay no?! hinalikan mo ko kagabi! Naalala ko! Hinalikan mo ko
kagabi!!” ngiting ngiti kong sabi sa kanya
“wala akong alam sa sinasabi mo” tinalikuran na niya ako pero hinabol ko ulit siya at hinawakan sa braso
“sabi ng maguusap tayo eh!”
“eh ayoko nga eh!!!”
Ang kulit niya! Ayaw niya magpatalo! =__=
At dahil ayaw niya makipag usap saakin, bigla ko na lang kinagat yung braso niya
“OUCH!! OW OUCH!! WHAT THE HELL?!” sigaw niya habang hinihimas himas niya ang brasong kinagatan
ko “ARE YOU INSANE?!”
Tumawa ako ng malakas "hahahahahaha. No i'm not insane, i'm drunk. Hahahahahaa"
“ewan ko sayo!!” tatalikuran na ulit niya ko kaso hinawakan ko ulit siya sa braso “WHAT NOW?!”sigaw niya saakin
“usap tayo”
“ano ba!!!”
“kakagatin kita ulit pag di ka nakipag usap sakin”
“OKAY FINE! MAGUUSAP TAYO BUT DON’T EXPECT NA MANINIWALA AKO SAYO!”
I grinned.
Tama nga si Drew. Minsan kailangang daanin sa dahas ang ilang bagay.
[Nico’s POV]
“Kuya mahal mo siya eh! Nasasaktan din naman siya sa nangyayari pero bakit dinagdagan mo pa?!”
Ipinatong ko ang ulo ko sa manibela ng kotse ko.
Maybe Mika’s right. Ang tanga tanga ko nga siguro. Kesa intindihin si Yannie at damayan, mas lalo ko pa siya
sinaktan. Napaka tanga ko para pakawalan ang babaeng mahal ko.
Pero sana tanggapin pa niya ako.
I heared my phone ring, sinagot ko naman to.
“hello?”
“NICO WHERE THE HELL ARE YOU?! THE PHOTOSHOOT IS ABOUT TO START—“
Bago pa matapos ni manager yung sinasabi niya, I cancelled the call. Wala akong paki sa photoshoot ngayon. Ang
mas mahalaga saakin ay ang mapuntahan ko si Yannie.
Dumiretso ako sa school nila Mika. Bahala na kung paano ko siya hahanapin basta ang importante ay makausap ko
siya.
[Yannie’s POV]
“oh my gosh! Nakita niyo yun? Nandito yung model nung bench! Ang gwapo sa personal!!”
“kaya nga eh”
“atii sino naman yung model ng bench ang tinutukoy nila? Baka ang papa Nico mo na yun ha!”sabi ni France
saakin
“impossible France. Di ako pupuntahan nun dito”
“Err baka napadaan lang si Papa Nico?”
I smile “impossible”
“hay naku ati bat ka kasi pumayag na makipag break sa kanya! Dapat hindi mo hinayaan na iwan ka niya!
Dapat pinagtanggol mo sarili mo!”
“France tama naman lahat ng sinabi niya kaya di ko siya masisisi”
“hindi.. mali ang sinabi ko. Mahal kita Yannie”
Napalingon kami bigla ni France sa likod nung marinig naming ang boses na yun.
“N-nico..”
“maiwan ko muna kayo” bulong ni France saakin atsaka siya umalis
“a-anong ginagawa mo dito?”
Nilapitan ako ni Nico at nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko
“nico! Tumayo ka diyan”
“sorry Yannie. Sorry sa nagawa ko. P-please patawarin mo ko. Hahayaan kitang saktan mo ko o sabihan ng
masasakit na salita pero please patawarin mo ko” hinawakan ni Nico yung kamay ko“bumalik ka na sakin
Yannie”
Napaupo din ako at niyakap ko si Nico “mahal na mahal na mahal kita Nico”
“mahal din kita Yannie, sobra. Wala akong minahal na ibang babae katulad nito.”
“..pero Nico” humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya “tama ka. Hindi nga pwedeng maging tayo”
“Yannie, please kalimutan mo na yung sinabi ko. Wag mo na isipi yun nakikiusap ako. Patawarin mo na ko,
please. Wag mong sabihin ang bagay na yan. Mamatay ako pag nawala ka..”
Huminga ako ng malalim dahil nararamdaman kong tutulo na naman ang luha ko
“Nico, di ko makukuhang maging masaya hangga’t hindi sumasaya si Naomi at Stephen”
“p-pero”
“sorry” tumayo na ako at tinalikuran si Nico pero hinabol niya ako at hinawakan ang kamay ko
“Yannie, wag mong gawin to, please?”
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at naglakad palayo ng hindi tumitingin sa kanya.
Ayoko rin gawin to Nico…
…pero di kaya ng konsensya kong maging masaya habang may dalawang taong nasasaktan ng dahil sa contract na
ginawa ko
Special Chapter
*Seducing France part 2*
[A/N Part 1 is written by HaveYouSeenThisGirl. To read, go to this link >>>
http://www.wattpad.com/2165318-break-the-casanova%27s-heart-operation-seducing]
[France’s POV]
Bago ko simulan ang POV ko, I would like to thank the author for giving me an opportunity na magka POV. Aba’y 54
chapters na ang BTCHO at patapos na ito pero ni-isang beses hindi ako nabigyan ng chance magka POV! Grabeng
pang aapi ang ginawa saakin ng author na to! Ginawa niya akong clown ng storya niya. Aba hoy sa ganda kong to di
lang pang clown ang beauty ko no! no no no!!
[A/N: sa lahat ng characters ko eto ang pinaka reklamador. Kung paslangin ko na lang kaya to?!]
Joke lang te! Kaw naman di na mabiro! O sige na, P-POV na ko kaya chupi ka na! Wag ka maglalagay ng AN sa
gitna ng chapter na to kung ayaw mong halayin ko si Papa Stephen =___=
***
Naupo ako sa isang bench dito sa park kung saan tanaw na tanaw ko ang mga nag gagwapuhang mga naka topless
na papables na busy mag basketball.
“hay naku Bruno nawiwindang na akey sa mga kaibigan ko! Lahat sila brokenheartedlalu! Akey lang ang
maganda ang love life. Buti na lang palandi landi lang akey. Hihihihi” sabi ko doon sa chiuaua kong si
Bruno “pero haller nakaka windang ng brain cells yung mga pangyayari ha! waley na ko makausap ng
matino! Lahat sila ang e-emo. Ewwww. Si Kryzel at Rence naman di ko rin makausap ng maayos kasi kada
kasama ko yung dalawa, wala naman ibang ginawa kung di mag kissing sce--*toot toot* censored censored.
How gross di ba!!”
*BOOGSSHH*
“ARAOUCH! OH MY GOSH MY BEAUTIFUL FACELALU!!” T___T
Napahawak ako sa feslalu ko na tinamaan ng kung anong bulalakaw out of nowhere!
My gulay! Sinong pangahas ang gumawa nito saakin?! Di ba nila alam na pag na-damage ang feslalu ko eh mag eend
of the world na?! Sa feslaks na ito nakasalalay ang salvation ng mundo at world peace!! >__<
“pare, sorry natamaan ka namin ng bola!”
Inalis ko yung kamay sa mukha ko at ready ng bulyawan ang pangahas na gumawa saakin nito ng bigla akong
matulala sa nakita ko.
Betcha by golly wow!
May anghel na bumaba galing sa langit.
AMPOGGEEEEEEEEE O///O
“ehem! Oo pare ayos lang kaso ang sakit ng mukha ko brad” sagot ko doon sa gwapong nilalang na parang isa
kong tunay na lalaki. Aba’y pag nabuko akong isang tunay na babae baka himatayin yan. ^___^v
“ganun ba brad? Pasensya ka na talaga ha? Saan ba masakit?”
“ditey *ehem* dito brad” tinuro ko yung part ng pisngi ko kung saan tumama yung bola.
“patingin nga” sinilip niya ang feslalu ko at sobrang lapit ng fes niya saakin.
SHOCKINGNESS! Me is kinikilig! Huwaaaaaaaaa. May kissable lips siya! Oh my! Oh my!
“Dito ba pare?” hinawakan niya yung pisngi kong may pasa
“aw aw ow aw”
Tinanggal naman niya agad yung kamay niya dito “sorry brad masakit ba?”
“hindi, masarap siya brad, masarap”
“ha?”
“ah ibig kong sabihin eh *ehem* pare alam mo bang nag mo-model ako?! Pag nadamage ang mukha ko wala
na kong kinabukasan”
“ganun ba? Naku pasensya ka na talaga! Ano ba dapat ko gawin?”
“enge number mo. Kung sakaling kailangan ko ng pampaospital dapat kong i-contact ka”
“o sige sige. Eto number ko” nilabas ko yung phone ko at tinype yung digit na binigay niya. Mwahahahaha akey na
matalino. Di lang pala pang Aphrodite ang beauty ko! Pang Athena din ang brainlalu ko. Bwahahahahaha
“ano name mo pre?” tanong ko kay papable
“James”
“hi James I’m France. Nice to meet you” I stretched out my hand para makipag shake hands sa kanya
Inabot naman niya to “nice meeting you too”
Golly! Malapit na akey mag freak out dito sa sobrang kilig ha! mwahahahaha. This is my lucky day! Ansaveh ng
beauty ko sa beauty nila Naomi?! Ako may papable na! sila mga brokenhearted. Mwahahahahahaahha
“o sige, kailangan ko na bumalik sa game. See you around” kinawayan niya akey then tumakbo na ulit siya
pabalik ng court.
“oh my goooossssssshhhh!!” tili ko “kita mo yun Bruno beybeh?! Yan ang future boyfriend ko! I got his
numbah! I got his numbah!!”
“Arf arf!!” bigla naman tumalon si Bruno sa may bench at tumakbo palayo saakin
Ay bruhildang aso! Iniwan ang dyosang amo!
Hinabol ko si Bruno at buti na lang naabutan ko siya agad
“doggy doggy. Good doggy doggy. Wag mo na kong tatakbuhan ulit! Ang mukhang to ang dapat hindi
tinatakbuhan! Sa ganda kong to! Hmpf!”
“hi beybeh France” napaangat ang ulo ko doon sa tumawag saakin at halos lumuwa ang eyeslalu ko sa nakita ko.
Si Dennylalu.
My greatest fear.
“Long. Time. No. See” she told me with matching pakindat kindat pa ng eyeslalu
“RAPIST!!!!!” O____O tumakbo agad akey palayo sa kanya!
Aba di ko pa nakakalimutan yung pinag gagagawa niya saakin no! Matapos ang rape scene na ginawa niya saakin
doon sa seducing France part 1 eh sinundan pa niya ulit yun!!
*Flashback*
(kamote-q scene ni France. BTCHO chapter 44.2)
Nasa park kaming dalawa ni Naomi ng biglang may nagdagsaang mga batang yagit at inaabutan siya ng
inaabutan ng mga teddy bear. Aba’y syempre inggit ang lola mo! Kitang kita naman na lamang na lamang
ang beauty ko sa beauty ni Naomi pero bakit siya may teddy bear ako wala? T___T
May lumapit na namang batang yagit saamin at mukhang aabutan na naman ng teddy bear si Naomi
“oh ano na naman yan?! Teddy bear na naman?! sabihin niyo doon sa nagpadala sarili naman niya ang
ipadala niya dito hindi puro teddy bear!” pagtataray ko doon sa bata
“ano ba France wag mo nga siya tarayan!” pag saway saakin ni Naomi sabay tingin doon sa bata at ngiti ng
malawak “ano yun?” hmpf obvious na obvious na kinikilig ang bruha!
But instead na sagutin siya nung bata, saakin ito tumingin
“Oh my goooosssshhhh meron may nagpapabigay saakin?” tili ko.
Sosyal! Di lang si Naomi ang may suitor no! ako din! Bwahahahaha
Tumango yung bata and mas lalo akong tumil “ano yun?! Ano?! Anoooo?!” excited na tanong ko
May biglang inabot yung bata saakin.
Bente pesos.
“ano gagawin ko diyan?!” sigaw ko.
Langyang admirer to oh! Napaka kuripot! Di lang pang bente ang beauty ko! =___=
“may nagpapabigay po. Bumili daw po kayo ng dalawang kamote-Q tapos pumunta daw po ikaw sa may
kanto. May nagaabang na gwapong lalaki sayo doon”
Owww kaya naman pala! Baka mahilig sa kamote-q ang papable ko? mwahahahaha
“oh my gosh! Me is so kinikilig!!”
“t-teka! Sure kang sa kanya ipinapabigay yun hindi saakin?!” tanong ni Naomi sa bata. Echoserang froglet!
“opo siya talaga” sabi nung bata sabay takbo palayo
“ay naku bbye sister! Need ko na bumili ng kamote-q! wahihihihi. Diyan ka lang ha?”
“oy teka--!” bago pa tuluyan makapag react si Naomi, tumakbo na agad ako palayo papunta sa bilihan ng kamote-q
“manong dalawang kamote-q nga po” inabot ko yung bente kay manong at nung makuha ko na yung kamote-q,
nag punta ako doon sa kanto kung saan matatagpuan ko yung gwapong nilalang na nakatadhana saakin.
But instead na gwapong nilalang ang nakita ko, isang pusang marshmallow ang nadatnan ko.
“nandito ka na pala darling”
“w-w-who you?!”
“nakalimutan mo na ba ko France darling? Ako si Denny…” lumapit siya saakin at hinawakan ang dibdib
ko “…ang babaeng nakatadhana sayo”
“ay chupi te! Don’t touch me! Ewww! Anong babaeng nakatadhana?! Excuse me lalaki ang nakatadhana
saakin!!”
“wag ka na umangal France, soulmates tayo kaya wala ka nang kawala saakin. Rawr!”
“wala akong soul ati! Kaya di tayo pwedeng maging soulmate!!” tumakbo ako palayo sa kanya kaya lang
nahawakan niya bigla ang braso ko.
“not so fast beybeh!”
“eewwww! Let go of me! Let go of me!!”
“Wag ka malikot! Hahalikan kita! Rawr!”
“oh my gosh! Help me! Rape! Rape!!”
“Girls!” bigla naman nag snap si Dennylalu ng fingers at may nagsulputang mga babaeng marshmallow sa tabi niya.
Hinawakan ako ng mga ito at ipinasok sa isang kotse
“saan niyo ko dadalhin?! Pakawalan niyo ko! Patay kayo kay Papa Stephen pag may ginawa kayong masama
saakin!”
“France darling, si Papa Stephen ang nag benta sayo saamin sa halagang bente pesos at dalawang kamoteq”
Huwaaaaaa pakana ni Papa Stephen to?!
I hate him! Hahalayin ko siya pag nagkita kami!! T___T
“saan niyo ba kasi ako dadalhin ha?! paalisin niyo na akey!!” T__T
“hindi pwede darling” ipinulupot ni Dennylalu ang braso niya sa braso ko at sumandal siya saakin“dadalhin ka
namin sa langit”
At ayun nga. Tuluyan na nila kong dinala. . .
. . . .sa impyerno =__=
*end of flashback*
Kung ano ang ginawa nila saakin, wag niyo na alamin. Manood na lang kayo ng cannibal films, mas accepted pa yun
=__=
“I miss you beybeh! Come to mameeh!” habol saakin ni Denny
“don’t chase me you doggy! Chu! Chu!”
“France darling, wag ka na kasi pakipot. I know you like me”
“like your fes te! Never! Over my drop dead gorgeous sexy body NEVER!”
“wag ka na mag in denial diyan! Alam kong lalaki ka na! BWAHAHAHAHAHAHA”
“hindi akey lalaki! Isa akong Dyosa kaya chupi!!”
Pero kesa umalis, dahan dahan na naglakad si Dennylalu papalapit saakin na tila isang mabangis na aso na isang
maling kilos ko lang eh dadambahin niya akey.
“mwahahahahaha wala ka ng kawala saakin France! You are mine! Mwahahahahaha”
“achehe! Wag kang lalapit saakin! Chupi! Chupi!”
At before pa akong makatakbo, tuluyan na niya akong dinamba at hinalikan.
“eeeeeeeewwww! Eeeeewwwwwwwwwwwww! Bat mo ko hinalikan!! Ewwwww! Poison to! Poison!!
Ewwwwwwwww!”
“arte mo te! Mahuhulog at mahuhulog ka rin sa alindog ko tandaan mo yan! Bwahahahahaha” at bigla na lang
siyang nag evaporate sa harap ko.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Dear miss author
Wag mo na hayaan pang magkatagpo ang landas namin ni Dennylalu.
Nagmamahal, ang DYOSA FOR LIFE.
P.S. Pinanganak akong Dyosa, mamatay akong Dyosa. Itaga niyo yan sa abs ni Papa Stephen, Papa Drew at Papa
Rence =__=
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Chapter 55
*plead*
[Naomi’s POV]
“ok what is it that you want to talk about? Sabihin mo na agad, busy ako”
Dinala ko si Stephen dito sa roof top ng school namin para magusap kami. Actually naawa nga ako sa kanya kasi
ang daming beses ko siyang kinagat bago ko nahatak yan dito sa rooftop. Kita ko mga pasa sa braso niya gawa ng
kagat ko. Sorry naman, may pagka bampira ako eh =__=
“Stephen, about Mama Anne---“
“aalis na ko” pag putol niya sa sinabi ko
“p-pero makinig ka naman muna kasi”
Humarap saakin si Stephen “please stop. Ayoko muna pagusapan ang bagay na yan. Hayaan mo muna ko.
Kung tungkol dito ang paguusapan natin then it’s better if umalis na ko”
Huminga ako ng malalim “t-then ok lang ba kung ang paguusapan natin is yung about saating dalawa?”
Hindi ako sinagot ni Stephen instead pumunta siya doon sa mga railings habang tinatanaw ang buong school namin.
Nilapitan ko siya at ginaya yung ginagawa niya.
Ilang minutong katahimikan. Naisipan ko ng mauna magsalita.
“Stephen, ano ba dapat kong gawin para maniwala ka saakin na mahal kita?”
Hindi sinagot ni Stephen yung tanong ko. Nagkaroon ulit ng ilang minutong katahimikan.
Grabe, napaka ganda ng paguusap namin. Kulang na lang maging pipe na kaming dalawa. Eh kung kagatin ko na
lang kaya ulit to? =__=
“wala”
Halos mapatalon naman ako sa gulat nung marinig kong magsalita si Stephen.
“wala, Nami. Wala kang dapat gawin para papaniwalain ako”
“S-stephen..”
“dahil kahit anong pilitng utak ko na maniwala, ayaw parin nitong paniwalaan ang sinabi mo. Siguro dahil
pag ang isang tao naloko to the point na halos ikamatay na nito ang panlolokong nangyari sa kanya, titigil na
to sa pakikinig doon sa taong nanloko sa kanya”
“p-pero ang puso mo Stephen, ano ang sinasabi ng puso mo?”
Tinignan ako ng Stephen then he gave me a sad smile “People’s heart is dumb so it’s better if we stop listening
to it. I already stop listening to my heart kaya kung ano man ang sinasabi nito, it doesn’t matter to me
anymore” after niyang sabihin yun, tinalikuran niya na ako.
Halos manlumo ako habang nakatingin ako sa likod ni Stephen habang naglalakad ito palayo saakin. Para bang
yung buong mundo ko ay tinalikuran ako.
Oo tama naman yung sinabi niya. Sa lahat ng sitwasyon dapat gamitin natin ang utak natin para hindi tayo masaktan.
Pero Stephen, minsan kailangan din natin pakinggan ang puso natin, kasi kahit tanga man ito, ang puso lang natin
ang nakakaalam kung saan talaga tayo sasaya.
Pero ngayon, magkatugma ang sinasabi ng puso at isipan ko. Yun ay yung gusto kitang makasama, at hindi ko
hahayaang ganito na lang tayo.
Tumakbo ako pababa ng roof top para habulin si Stephen
“Stephen!”
Hindi niya ako nililingon kaya mas binilisan ko ang takbo ko.
“Stephen wait lang!!”
Nung maabutan ko na si Stephen, bigla naman akong natapilok at naramdaman kong mahuhulog na ako sa hagdan
ng biglang may humawak sa bewang ko.
“Nami!!”
Hinila ako ni Stephen patagilid hanggang sa mapasandal na lang ako doon sa hawakan ng hagdan. Doon ko lang
napansin na sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang pag hinga niya at ramdam
na ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko.
Dati nagtataka ako bakit kada lalapitan ako ng lalaking to ng ganitong kalapit eh bumibilis ng husto ang tibok ng puso
ko. Ang manhid ko para di malaman na sign pala yun ng taong in love.
“Stephen, mahal kita” sabi ko sa kanya at sa hindi malaman na dahilan, bigla na lang tumulo ang luha ko. Siguro
dahil alam kong hindi niya pinaniniwalaan yung sinasabi ko. Pero wala akong paki. Pauulit-ulitin kong sabihin sa
kanya ang mga salitang yan hanggang sa maniwala siya saakin. Kahit abutin ako ng habang buhay, hindi ko titigilan
ang pagsasabi sa kanya niyan.
Huminga si Stephen ng malalim tapos pinunasan niya yung luha sa pisngi ko.
“please don’t let me wipe your tears again” binitawan na ako ni Stephen at tuluyang naglakad palayo.
*sigh*
Stephen, kahit ilang beses mo ako ipagtulakan palayo, hinding hindi ako titigil hangga’t di ka naniniwala saakin.
***
Hay buhay.
Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay namin, nagpalit lang ako ng damit at bumaba sa sala. Nakita ko naman si Kuya
Nico na nakaupo sa dulo ng sofa habang nakapangalumbaba. Naupo ako doon sa kabilang dulo ng sofa at
nangalumbaba din.
Sabay kaming napabuntong hininga ni Kuya Nico.
“nakakabaliw mainlove” bulong ko
“malapit na ko ipasok sa mental” bulong naman ni Kuya Nico
“sama ako”
“sige cellmates tayo”
Sabay ulit kaming napabuntong hininga ni Kuya Nico.
Bigla naman dumating si Kuya Myco habang may dala-dalang gitara. Marunong din kasi kumanta si Kuya Myco and
mag gitara.
“oh bat ganyan mga mukha niyo?” tanong niya saamin pero di namin siya sinagot. Naupo siya sa gitna namin
dalawa “mga broken hearted. Buti na lang ako pa-fling fling lang. Kantahan ko na nga lang kayo”
Nag strum na ng gitara si Kuya Myco at nagsimulang kumanta.
“Nagpapa-alam ka, dahil nasaktan kita.
Noo'y di'makitang mali ako.
Ngayo'y alam ko na, sayoy nagkasala.
Sana muli ako mapatawad pa”
Ay antofu naman ng kinakanta ni Kuya. Nangaasar ba siya? Talaga naman sa dinami dami ng kakatahin, ang pinili
niya eh yung kantang talagang sapul na sapul kami ni Kuya Myco =__=
“Araw araw kang lumuluha, sa akin ay nagmamaka-awa.
Noo'y di'narinig pagsamo mo...”
Biglang nag flashback sa isipan ko yung araw na unang nalaman ni Stephen ang tungkol sa contract. Naalala ko
kung paano siya nagmakaawa saakin para sabihin kong hindi totoo yung nakalagay sa contract at na mahal ko siya.
At kung paano tumulo ang luha niya nung sinabi ko ang totoo.
Biglang kumirot ang puso ko nung naalala ko ang mga bagay na yun.
Bwisit na kanta!
“Bakit pa ba nagawa,
Nasaktan ko ang isang tulad mo na labis na nagma-mahal.
Di napansin na wala,
Katulad ang alay ng pag-ibig mo, sa akin...
Ako sana muli ay patawarin”
“hay naku kuya Myco!!” bigla na lang tumayo si Kuya Nico sa kinauupuan niya at napakamot ng ulo “aalis ako.
Pupuntahan ko si Yannie” bigla naman siyang tumakbo palabas
“teka anong ginawa ko doon?” takang taka na sabi ni Kuya Myco
“nakakainis ka kasi kuya!” =__= sabi ko sa kanya then tumayo narin ako at umakyat sa kwarto ko. Narinig ko pa
nga ang pahabol ni Kuya Myco
“tong mga to kinakantahan ko lang eh. Ganda ganda ng boses ko eh!”
Eh kasi naman mamimili lang siya ng kanta yung nakaka depress pa =__=
“Mika, anak” napalingon ako kay Mama Anne na kalalabas lang doon sa room nila
“bakit po?”
“uhmm, pwede ba tayo magusap?”
“ha? ah sige po”
Pumasok kami ni Mama Anne sa room ko then naupo kami sa kama ko.
“tungkol po saan ang paguusapan natin Mama”
“uhmm pwede ka bang mag kwento saakin tungkol kay Stephen? Yung ugali niya, mga hilig niya, basta
tungkol sa kanya. Gusto ko lang malaman. 9 years old siya nung huli ko siya makita kasi pinagbawalan ako
ni Steve kaya naman miss na miss ko na siya”
I gave her a smile “si Stephen po? School mates na kami nung highschool pa lang kami kaso nung mga
panahon na yun di pa kami masyadong close. Pero naku sobrang habulin yun ng babae. Laging may bagong
girlfriend everyday! Eh kasi naman ang mukha niya talagang habulin. Pero nayayabangan ako sa kanya
nun” medyo napatawa ko “kaso nung dumating yung contract, mas nakilala ko siya. Si Stephen medyo may
pagka bata din pala mag isip. Malambing siya at sobrang sweet. Magaling siya magluto at matalino din siya
kahit hindi halata sa kanya. Maalaga siyang tao, malinis sa katawan at napaka organized ng mga gamit. Talo
pa ang babae. Tapos..”bigla na lang ulit napatulo ang luha ko “sobra siya mag mahal. T-tsaka yung ngiti niya,
napaka ganda ng ngiti niya.”
Niyakap ako ni Mama “pareho tayo Mika, miss na miss ko na ang mga ngiti ni Stephen. Gusto ko siya makita”
Kinuha ko sa drawer ko yung picture namin ni Stephen nung nagpunta kami dati sa Star City.
“eto po si Stephen”
Nung makita ito ni mama, bigla siyang nagulat at napaiyak
“E-eto si Stephen? E-eto a-ang anak ko? Nagkita na kami pero ni hindi ko manlang siya nakilala”napahagulgol
ng iyak si Mama Anne “gusto ko ulit siya makasama at mayakap kaso alam ko galit na galit siya saakin.”
Niyakap ko si Mama Anne “wag po kayong magalala mama gagawa ako ng paraan para makapag usap kayo ni
Stephen. Pangako magkakaayos kayo”
Alam kong hindi ako papakinggan ni Stephen pero gagawin ko ang lahat malaman lang niya ang totoo. Kung may
way lang para malaman ni Stephen ang lahat… Pero paano?
Bigla akong may naalala.
Alam ko na.
“ma, kailangan ko pong umalis. Alam ko na ang gagawin ko”
“h-ha?”
“bukas, magkakaayos kayo ni Stephen” pagkatapos ko sabihin kay mama Anne yun, tumakbo ako palabas ng
bahay namin at nag punta sa bahay ng mga Cruz.
[Yannie’s POV]
“hay naku talaga sister! Winner na winner ang beauty ko! Nakakuha ako ng number ng papable! My papable
James! Kung di lang umentra si Dennylalu maganda na ang araw ko but still may number ako ni papa James!
Mwahahaha”
“oh tapos?” bored na bored kong sabi.
Kausap ko ngayon sa telephone itong si Fransisco Juan at kilig na kilig doon sa bagong papa niya. Talaga naman
itong baklitang to di pa matauhan. Kung magpakalalaki na kasi at ligawan si Denny edi sana maligaya na siya! Aba
sa ganda ni Denny maswerte na siyang nagkagusto sa kanya yun no. Sukat kasi lalaki pa ang hanap =__=
“hay naku mader! Di lang ikaw ang may love life! Aketch din lumalablayp na eh! Hihi—ay pusa! Ano ba Bruno
na gulat ako sayo ha!”
“Bruno?”
“ay wag diyan Bruno! May kiliti ako diyan bakla ka! Wag diyan ano ba! Hihihi! Ano ba Bruno. Nakikiliti ako”
Napatayo ako bigla sa pagkakahiga sa kama ko “hoy bakla sino yang brunong yan?!”
May lalaking kasama si France?! O___O
“Ano ka ba ati! Si Bruno ay---“ TOOT TOOT TOOT
Eh? Si Bruno ay? Ay ano?! Ay gulay! Di kaya nanlalalaki na ang baklang yun?! Huwaaaaa hindi ko maimagine ang
ginagawa nilang dalawa.
Ewwww
*ding dong*
Tumayo ako sa kama ko at lumabas para pag buksan ng gate yung nag door bell. Baka si manang lang yun. Bumili
kasi siya ng food stock namin. Wala kasi sila mama ngayon at nag out of town kaya kami lang ni manang ang
naiwan.
Nagulat ako nung paglabas ko ng bahay, hindi si manang ang nakita ko.
“Nico?”
“Yannie”
“Anong ginagawa mo dito?”
“makikipagbalikan ako sayo. Please Yannie balikan mo na ko..”
Napahinga ako ng malalim “umalis ka na”
“Yannie nakikiusap ako sayo, mahal na mahal kita”
“umalis ka na Nico. Wala tayong paguusapan”
Tinalikuran ko na siya pero narinig kong sumigaw siya “hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ko binabalikan”
Huminga ako ng malalim at nag tuloy tuloy pumasok sa loob ng bahay namin. Pagkasaradong pagkasarado ko ng
pinto, agad naman bumuhos ang luha ko.
Sorry Nico. Sorry sa ginagawa ko pero lahat ng sinabi mo saakin dati, totoo lahat ng yun. Ako ang may kasalanan ng
lahat kaya hindi ako pwedeng maging masaya kung nahihirapan ang kapatid mo. Sana patawarin mo ko kung pati
ikaw nasasaktan. Patawad Nico..
Umakyat ako sa kwarto ko at doon ako nagiiyak hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako dahil sa malakas na ulan. Tumingin ako sa bintana ko at kitang kita ko ang lakas ng hangin pati narin
ng ulan. Mukhang may bagyo ata.
Napadapo ang tingin ko doon sa may gate namin at halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Nico na nakaupo
sa tabi ng gate.
Hindi parin siya umaalis?! Ang lakas lakas ng ulan na to pero di siya umalis?!
Ganyan ba niya ko kamahal?
Halos madurog ang puso ko dahil sa nakita ko.
Agad akong kumuha ng payong at sumugod palabas ng bahay namin.
Sorry Naomi, pero mahal ko si Nico. Magpapaka selfish muna ako ha?
[Naomi’s POV]
“magandang gabi po” bati ko doon sa Papa ni Stephen
“hija how are you” niyakap naman ako nito “balita ko kayo na ni Stephen?”
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Mukha atang hindi pa niya alam ang nangyari
“uhmm pwede po ba tayo magusap?”
“oh sure hija” naupo kami sa sofa “what is it you want to talk about?”
“uhmm k-kasi” huminga ako ng malalim at tinignan sa mata ang Papa ni Stephen “Ako po si Naomi Mikael Perez.
Anak ako ni Michael Perez at Nerissa Perez. Pero ngayon po ang stepmom ko na ay si Anne”
Nakita ko ang gulat na gulat na expression sa mukha ng Papa ni Stephen “alam ko na po ang lahat. Nakikiusap
po ako sa inyo, payagan niyo na makita ni Stephen ang mama niya. Ipaliwanag niyo po kay Stephen ang
lahat. Nakikiusap po ako..”
“wala na tayo paguusapan. Makakaalis ka na” tumayo na ang papa ni Stephen palayo pero sinigawan ko siya
“bakit ayaw niyo magkita sila?! Anak parin ni Mama Anne si Stephen! Isa pa hindi siya aalis kung hindi mo
siya sinaktan! Sampung taon ang tiniis niya! Pinilit niyo siya ipakasal sayo kahit na alam mong may iba
siyang mahal!! Hindi natuturuan ang puso, kaya wala siyang kasalanan sa ginawa niya. Kung may mali man
kayo iyon!” lumuhod ako sa harap niya “nakikiusap ako, sabihin niyo na ang totoo kay Stephen. Nahihirapan
siya sa mga nangyayari. Ang tagal niyang kinamuhian ang ina niya na wala naman ginawang masama.
Please po pakiusap”
Humarap ulit ang papa ni Stephen saakin and gave me a sad smile “hindi nga mapagkakaila, anak ka ni Nerissa.
Parehong pareho kayo ng ugali” lumapit siya saakin at itinayo ako “oras na nga para itama ko ang pagkakamali
ko”
Tinalikuran na niya ulit ako at naglakad paakyat sa second floor ng bahay nila pero bago pa siya tuluyang makaalis,
sumigaw ulit ako
“salamat po ng madaming madami! Salamat po talaga. Bukas po, magkita kayo”
“asahan mo ko” sabi niya saakin.
Umalis narin ako sa bahay nila Stephen pagkatapos nun. Para akong nakahinga ng maluwag. Sana maayos na ang
lahat ng to. Sana magkabati na si mama at si Stephen. Alam ko pag nangyari yun mababawasan ang pain na
nararamdaman niya. Kahit papaano sasaya siya.
“Nami?”
Napatingin ako doon sa lalaking papasok ng gate
“Stephen”
“what are you doing here?”
“h-ha kasi.. Stephen..” may inabot akong papel sa kanya “tomorrow at 7pm, please go to that restaurant”
“for what?”
“kausapin mo si Mama Anne”
“hindi ako pupunta” nilagpasan niya lang ako at nag dire-diretso na siya papasok ng bahay nila
“pumunta ka Stephen! Aasahan kita! Hihintayin kita!”
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tuloy tuloy siyang pumasok sa bahay nila.
Sana ipaliwanag ng papa niya ang lahat.
God, sana magkaayos na sila.
Chapter 56
*Thanks to her*
[Yannie’s POV]
“Nico!!”
Tumakbo ako sa labas ng bahay namin habang dala-dala yung payong ko kaso sa sobrang lakas ng ulan,
bumaligtad din ito kaya naman itinapon ko na lang ito at hinayaang mabasa ako ng ulan.
Agad agad kong binuksan yung gate ng bahay namin at nilapitan ang lalaking nakaupo malapit dito.
“Nico”
Napaangat ang ulo ni Nico nung makita niya ako at siguro sa pagkabigla, napatayo agad siya.
“Y-yannie?! Why are you here?! Baliw ka ba ha?! Ang lakas lakas ng ulan bakit ka sumugod!!”
Medyo natawa naman ako sa reaction niya “eh ikaw? Ang lakas lakas ng ulan bat ka nakatambay diyan?”
Iniwas niya ang tingin niya saakin “d-di ba sabi ko naman sayo di ako aalis hangga’t di mo ko binabalikan?
Mahal kita at ayaw kong mawala ka saakin kaya nandito ako”
I smile “edi yun din ang dahilan ko kung bakit ako sumugod sa ulan”
Napatingin bigla saakin si Nico pero hindi siya nagsalita.
“Nico, tayo na ulit please? Ayoko ng mawala ka pa sakin”
Hindi parin siya nag react at nakatitig parin siya saakin na akala mo eh tinubuan ako ng tentacles sa katawan.
“ayaw mo ata eh? Sige alis na ko” sabi ko kay Nico sabay talikod.
Bigla naman niya hinatak yung braso ko
“Y-yannie, pwede bang pakiulit yung sinabi mo?”
Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Nico “ayokong ulitin, ang haba eh. Pero eto na lang ang sasabihin ko
sayo” hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya diretso sa mata “mahal kita at ayokong mawala ka”
Bigla bigla na lang ako hinatak ni Nico papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit nito.
“Yannie, hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya. Alam mo ba nung mga panahon na ayaw mo ko balikan
halos mabaliw na ko? Ayoko ng mawala ka saakin. Sorry sa lahat ng sinabi ko sayo. Sorry kung sinisi kita sa
isang bagay na hindi mo naman kasalanan. Mahal na mahal kita Yannie, sobra. Wag mo na kong iiwan
please? Promise ko sayo aalagaan kita at mamahalin kita ng sobra. Wag mo kong iiwan ha?”
Niyakap ko rin ng mahigpit si Nico
“mahal din kita Nico. Sorry din kung nagawa kong saktan ka. Pangako di na ko aalis at di na kita iiwan.
Ayoko ding mawala ka saakin, ikamamatay ko”
Humiwalay si Nico sa pagkakayakap saakin at tinignan niya ako sa mata. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya
saakin hanggang sa magdampi ang mga labi namin.
It was a slow, passionate, romantic kiss.
Sa halik na yun, ramdam na ramdam ko lahat ng emotions. Nandun ang happiness, ang pain, at ang love.
I put my arms around his neck to deepen the kiss then he placed his arms around my waist.
Kung iisipin, hindi ko naman talaga expected na magmamahal ako ng ganito. Nung una talaga wala naman akong
planong makipag kaibigan kay Nico, talagang ininggit ko lang si France nun kaya ko hiningi ang number niya kay
Naomi. PArang tamang trip trip lang. Pero di ko expected na magiging ka textmate ko siya samantalang ang tamad
ko mag text. Kung dati hindi ko ginagamit ang salitang “unli” simula nung naka text ko siya palaging gusto kong may
load na ko at naka unli. Nalulungkot ako pag may araw na di ko siya makakausap o makaka text. Ang saya saya ko
naman pag magkatext kami. Hanggang sa lumalim ng lumalim ang nararamdaman ko sa kanya and isang araw,
boom, mahal ko na pala ang lalaking to.
At napaka swerte ko para mahalin niya ako pabalik. Para mahalin niya ako ng sobra.
Minsan iniisip ko na hindi ko deserve ang mga bagay na to. Di naman ako kabaitang tao para pagpalain ako ng Diyos
ng ganito. But still, nagpapasalamat ako dahil ibinigay niya saakin si Nico.
At pinapangako ko, hindi ko sasayangin yun. Aalagaan ko si Nico at mamahalin because he’s the greatest gift God
has given to me.
When we run out of breath, humiwalay na kami sa isa’t isa pero hindi inalis ni Nico ang pagkaka hawak niya sa waist
ko. Idinikit niya ang noo ko sa noo niya.
“thank you” bulong ko sa kanya
“for what?”
“alam mo ba yung isa sa pinaka dream ko? It is to be kissed by someone I love under the rain. Akala ko sa
movies lang nangyayari to, pwede palang mangyari sa totoong buhay. Feeling ko isa akong princess sa
Disney movies”
Nico chuckled “then ako yung bad guy na character”
“huh? Hindi! Ikaw ang Prince Charming ko!”
“hmm nope. Si Prince Charming kasi perfect eh. Ako naman hindi ako perfect, madami akong kapalpakan at
may mga times na nasasaktan kita. Pero kahit ganun mahal parin kita. And oh, si bad guy kasi, selfish siya
pagdating sa princess niya. Ako din ganun, selfish ako pagdating sayo”
Medyo natawa naman ako sa sinabi niya “sige na, ikaw na ang bad guy. Pero kahit pa may dumating na Prince
Charming sa buhay ko, hindi ko ipagpapalit ang bad guy ko”
“alam mo ba kung ano ang pinaka dream ko?” tanong ni Nico
“ano?”
“yun ang makahanap ng babaeng mag mamahal saakin ng ganito at mamahalin ko din ng sobra” he leaned
on me “you made that dream come true”
I smile.
“Yannie.. di ba tayo na ulit?”
“oo”
“then ipapakilala na kita sa family ko”
“h-ha?!” O___O
Bigla naman niya hinawakan ang kamay ko at hinatak ako “tara na sa bahay namin”
“HA?! Ah t-t-teka! Di ako prepare tsaka isa pa basang basa tayo ng ulan oh!”
“ok lang, maganda ka parin naman kahit basang basa ka”
“O-oy teka Nico!!”
Hindi ako pinansin ni Nico instead hinila niya ako papasok ng kotse niya at agad naman niya ito pinatakbo ng mabilis
papunta sa kanila.
Ay ampupu naman itey oh! Ipapakilala niya ako sa family niya ng mukha akong basang sisiw?! Tofu naman T___T
“ma, pa, this is Yannie, my girlfriend”
“ah h-hi po *achooo* n-nice meeting you po *sniff*Achoo*”
Nakakahiya =__=
Pinapakilala niya ako habang ako naman walang kamatayan ang pag bahing gawa ng nilalamig na ko T___T
Nakita ko naman na nakatingin lahat saakin ng mga gwapo niyang kapatid, pati narin si Naomi at yung papa at mama
niya
“nice meeting you too hija. Naku dito ka na mag dinner ah? But before that sumama ka na muna kay Naomi
sa taas para makapag palit ka” sabi ni Tita Anne, ang mama nila Nico-slash-mama din ni Stephen.
“oo nga hija. Baka tuluyan ka pang magkasakit” tinignan ng papa ni Nico si Nico “at ikaw naman, bat naman
nabasa kayo ng ulan? Tsaka bat di mo manlang hinayaan makapag palit itong si Yannie?”
Napakamot naman ng ulo si Nico “sorry po eh excited na kasi ako ipakilala ang future wife ko”
Nagtawanan naman sila doon.
“hahahahaha inlababo na talaga tong si Nico”
“oo nga! Parang kanina nakapangalumbaba lang yan! Ngayon bumabanat na!”
“uyyyy si Nico bilog na ang utot! hahahahahahaha”
Pangaasar ng mga kuya niya
“tumigil nga kayo!” saway naman ni Nico kaya mas lalo silang nagtawanan.
I smile.
Ano kayang feeling na maging member ng pamilyang to? Hehe. Pero sana baling araw maranasan ko.
Tinignan ko si Nico na busy na makipag harutan sa mga kuya niya.
Thank you God, for giving me a bad guy who can give butterflies in my stomach, who is so sweet and who loves me
very much. I am the luckiest princess ever.
[Naomi’s POV]
“eto suotin mo Yannie” inabot k okay Yannie yung damit ko
“thank you Naomi” nilapitan ako ni Yannie “N-naomi, sorry ha?”
“para saan?”
“yung samin ni Nico. Kasi alam kong nasasaktan ka pero nakuha ko pang maging ganito. Sorry talaga”
Tinalikuran ko si Yannie “hay naku nagtatampo talaga ko sayo”
“sorry na Naomi”
“alam mo nakakainis ka”
“N-naomi patawadin mo talaga ko. Di ko na kasi kayang mawala ang kuya mo. Sana maintindihan mo”
“yun nga eh! Di mo pala siya kayang mawala eh bat kailangan mo pang pasugurin siya sa ulan”
“h-ha?”
Humarap ako kay Yannie ng nakangiti “pero kung sabagay, ang sweet ng ginawa niya. Salamat dahil minahal
mo ang kuya ko”
“h-hindi ka galit?”
“oo naman loka! Gusto ko nga na magkaayos kayo!!”
“salamat talaga Naomi!!” yayakapin na sana ako ni Yannie pero pinigilan ko siya
“oops! Palit ka muna ng damit, basang basa ka eh”
“ay oo nga pala. Haha sorry naman”
Pumasok na si Yannie sa loob ng C.R para makapag palit ng damit at makapag shower narin. After naman nun
sabay na kami bumaba para kumain. Syempre todo kwentuhan at inaasar namin si kuya Nico. Natutuwa naman ako
at buti ayos na sila. Masaya kong makita na masaya si kuya Nico pati narin si Yannie.
After ng dinner, inihatid narin ni Kuya si Yannie sa house nila. Ayaw pa nga nito pauwiin si Yannie eh. Halatang miss
na miss niya. Though naiintindihan ko siya kasi pareho kami ng nararamdaman. Miss na miss ko din si Stephen.
Sana bukas maging ok na sila ni Mama Anne.
Nahiga ako sa kama pero di ko makuhang matulog. Kung sabagay ilang araw narin naman akong hindi makatulog.
Pero ngayong gabi sobrang kinakabahan ako.
Sana dumating si Stephen
Sana ipaliwanag ng papa niya ang lahat.
Sana maging maayos sila ni Mama Anne.
Ok lang saakin kung di pa ko patawarin ni Stephen, basta magkaayos lang sila. Alam kong sasaya siya once na
maging ok na sila ni Mama. Yun lang ang hiling ko. Sana.
Kinabukasan, maaga ako nagising. Bumaba lang ako para kumain then umakyat na ulit ako sa room ko at
nagkulong. Buong araw ako ganun, baba lang para kumain tapos balik ulit ng kwarto para magkulong.
Si Mama Anne din, mukhang hindi makausap ng maayos ngayon. Siguro pareho kaming kinakabahan para mamaya.
Alam ko din naman kung gaano niya ka-miss sin Stephen. Ang tagal na panahon nitong hindi nakasama ang anak
niya at alam kong napaka hirap sa part niya. Lalo na galit sa kanya si Stephen.
Mga 5pm, bumangon na ako sa kama ko para makapag ayos. By 7pm kasi ime-meet namin sina Stephen sa
restaurant.
Naligo ako at naghanap ng damit na isusuot.
By 6pm, ready to leave na kami ni mama Anne. Inihatid naman kami ni Papa sa restaurant. Wala ni isa ang
nagsasalita saamin habang nasa kotse.
We arrived at the restaurant 20 minutes early.
“gusto niyo antayin ko kayo dito?” tanong ni papa
“hindi ok lang. mag tataxi na lang kami ni Mika.”
“sure kayo ha?”
“oo naman. Mag iingat ka sa pag uwi”
Hinalikan naman ni Papa ang noo ni mama pati narin yung noo ko then nag paalam na siya saamin.
Bago kami pumasok ni mama sa restaurant, hinawakan ko ang kamay niya and gave her an encouraging smile.
“salamat Mika”
Then pumasok na kami sa loob at naupo sa table kung saan kami naka reserve
May lumapit naman agad na server and inabutan kami ng menu
“uhmm pwede po ba na mamaya na kami mag order? May inaantay pa po kasi kami” sabi ko doon sa server
“sure ma’am pwede po. How about drinks po? Para po may iniinom kayo while waiting”
“two brewed coffee will be fine” sabi ko naman. Umalis naman na yung server para kunin yung coffee namin.
“dadating kaya siya?” tanong ni Mama Anne
“opo mama Anne dadating po siya. Alam ko dadating siya”
At dapat dumating ka Stephen. Please dumating ka…
7:00
7:10
7:20
Wala pa si Stephen
“anak di na ata siya dadating” malungkot na sabi ni Mama Anne
“hindi po mama. Alam ko dadating siya. Baka na traffic lang po pero alam ko dadating siya” sabi ko kay
Mama. Pero maging ako ay nag aalangan narin
Nasan ka na ba Stephen?
8:10pm, wala parin si Stephen.
“anak, umuwi na tayo”
“mama!”
She gave me a sad smile “naiintindihan ko naman siya kung bakit di siya dumating. Siguro hindi eto ang
tamang panahon” tumayo na si mama Anne “let’s go”
Tumayo narin ako pero aaminin ko nalulungkot ako.
Bakit di ka nagpakita Stephen?
Paalis na sana ako sa kinauupuan ko ng makita ko yung dalawang lalaking kapapasok lang ng restaurant
Si Stephen, kasama ang papa niya.
“S-stephen?”
Napalingon si Mama sa likod niya at nakita kong tumulo ang luha nito
“Steve…”
“Anne..”
“e-eto ba si Stephen? Eto na ba ang anak ko?”
He nod
Lumapit si Mama Anne kay Stephen “a-anak, patawarin mo ko. Patawad sa pag iwan ko. Patawad kung di kita
nagawang bisitahin. Patawarin mo ko anak patawad”
Hindi nagsalita si Stephen but instead
…he hugged his mom.
“mom, tama na po. Alam ko na ang lahat. Sinabi na saakin ni dad. Patawarin niyo din po ako. Miss na miss
kita”
Napahagulgol ng iyak si Mama Anne “salamat” sabi niya doon sa dad ni Stephen then yumakap din ito sa kanila.
Napangiti ako.
Dahil dito sa nakikita ko sa harap ko, para akong nabunutan ng isang malaking tinik sa dibdib. Masaya akong makita
na magkaayos silang tatlo.
Alam ko sasaya din si Stephen.
Kinuha ko na yung bag ko at naglakad paalabas ng restaurant. Maganda kung iiwan ko muna silang tatlo ngayon.
Alam kong kailangan nila makapag usap tatlo.
Ang mama ni Stephen, ang papa niya at siya. Silang tatlo, isang pamilya.
Bago ako tuluyang lumabas, tinignan ko ulit sila at ngumiti ako.
Thank you God, at nagkaayos na sila.
After nun, tuluyan na akong lumabas ng restaurant. Mag papara na sana ako ng taxi ng bigla naman may humawak
sa balikat ko. Nilingon ko ito
“Stephen?”
“Nami, sinabi saakin ni dad yung ginawa mo, salamat ah”
Halos manlabot ako sa sunod na ginawa ni Stephen.
. . .he smile at me.
Hindi ito ang pekeng ngiti. Sa ngiti niya, nakikita ko na masaya siya. Alam ko simpleng ngiti lang to pero grabe ang
saya na naidulot nito saakin.
Napangiti ko siya. Napangiti ko si Stephen.
Hinawakan ni Stephen ang kamay ko
“gusto ko narin magkaayos tayo Nami..
…bukas, same time same place, mag usap tayo at ayusin na natin ang relasyon natin”
He gave me another smile then bumalik na siya sa loob ng restaurant.
Chapter 57
*unexpected*
[Naomi’s POV]
“gusto ko narin magkaayos tayo Nami. Bukas, same time same place, mag usap tayo at ayusin na natin ang relasyon
natin”
“gusto ko narin magkaayos tayo Nami. Bukas, same time same place, mag usap tayo at ayusin na natin ang relasyon
natin”
“gusto ko narin magkaayos tayo Nami. Bukas, same time same place, mag usap tayo at ayusin na natin ang relasyon
natin”
Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah
Nagpagulong gulong ako sa kama ko habang yakap yakap ko si Pen-pen, yung stufftoy na turtle na binigay ni
Stephen dati.
“ikaw Pen-pen ka! Nakakainis ka alam mo yun? Magpapakipot ka pa pero bibigay ka rin pala!”sabi ko doon sa
stufftoy sabay kinutusan ko ang ulo nito “bakit mo ba ko grabeng pinakikilig ha?! Nakakinis ka eh! Nakakakilig
ka!!”
“gusto ko narin magkaayos tayo Nami. Bukas, same time same place, mag usap tayo at ayusin na natin ang relasyon
natin”
Halos mapatili na naman ako nung maalala ko yung sinabi niya. Kanina halos masagasaan ako ng sasakyan dahil
hindi ako makapaniwala doon sa sinabi niya. Nung tinanong pa ako ng taxi driver kung saan ako pupunta ang sagot
ko sa langit. Ganyan ako kinilig. Period.
Halos di rin ako makatulog nung gabi kasi paulit ulit sa pandinig ko yung sinabi saakin ni Stephen at lagi naman nag
re-replay sa utak ko yung mga ngiti niya.
So ganito pala ang feeling ng mga babaeng nahumaling kay Stephen? Akala ko dati kaya siya nagging Cassanova
kasi sadyang malandi na siya. Pero di ko alam na simpleng ngiti lang pala niya eh magtatakbuhan na palapit sa
kanya ang mga babae.
And tofu, nahulog na ko ng husto dahil sa ngiti na yun.
Bukas. Bukas…
Sana maayos na ang saamin ni Stephen.
“ay ati super sleeplalu pa ang babaita”
“mukha atang hindi nakatulong kaagad si best kagabi?”
“siguro dahil kinikilig?”
“ay looklalu niyo mga sister! Is that panis na laway? Eeewwww may spoiled saliva sa gilid ng pisngi niya!
Super gross!”
“ang arte mo Francisco Juan! Ikaw nga pag natutulog ka bumubula pa ang laway sa bibig mo eh!”
“hoy babaitang naka bingwit ng boylet na model ng Bench! Don’t you darelalu call me Francisco Juan!
France ang name ko no! tsaka anong bumubula?! Eewwww lalu ka dear! =__= “
Ano ba yung ingay na yun?! Bat feeling ko naririnig ko ang boses ni France, Yannie at Kryzel? Inaantok pa ko =__=
Tinakpan ko ng unan ang tenga ko.
“ay naku France ang ingay mo! Mamaya magising si best!”
“eh yun naman ang pinunta natin ditey ati! Ang gisingin ang bruhildang to!” naramdaman kong may umupo sa
kama ko at niyugyog ako “hoy ati! You make bangon bangon na! mag sho-shopping pa tayo!”
“ahdahjfhdskt”
“ano?”
“jkagsfa”
“whatcha say?”
“shokoy”
“AY BRUHILDANG BABAE!!! DI AKO SHOKOY! DYOSA AKEY!!”
Nabigla ako ng may tumulak saakin sa kama at nahulog ako.
“Araykupu!”
Napabangon naman ako bigla habang hinihimas himas yung pwet kong masakit gawa nung pagkakalaglag. Halos
mapatalon naman ako sa gulat ng makita ko si France, Kryzel at Yannie sa harapan ko.
“o-oy! Anong ginagawa niyo dito?! Paano kayo nakapasok sa room ko?!?!”
“natural binuksan namin yung door” sarcastic na sagot ni France
“oy best ikaw ha!” biglang lumapit saakin si Kryzel “magkakaayos na kayo ng Stephen mo! Ayieeee
ayieeeee” pangaasar ni Kryzel.
Naikwento ko nga pala sakanya yung nangyari. Aba syempre kung wala akong pagkukwentuhan eh baka mamatay
ako sa sobrang kilig kagabi. Wahahahaha
“at dahil doon, mag sho-shopping tayo” sabi naman ni Yannie
“h-ha?”
“aba sister! Don’t tell us na magpapakita ka sa papable mo ng ganyan ang feslaks?! A big no no no!”
“eh?”
Teka loading ang utak ko, ayaw mag sink in. Bat sila nandito? Anong shopping? Para saan yun? Anong papable?
Tofu inaantok pa ko. I want to go back to sleep T__T
Gagapang na sana ako pabalik ng kama ng bigla naman akong hilahin ng tatlo papasok ng banyo.
“best maligo ka na ha!” sigaw ni Kryzel
“make sure mag hilod ng maigi!” pahabol naman ni Yannie
“don’t sleep ati! Wag ingudngod ang feslalu sa toilet bowl!” sigaw naman ni France
Anak ng pupu. Mamaya pa naman kami magkikita ni Stephen eh. Gusto ko pa matulog T__T
“ki-kidnapin po muna namin saglit si Naomi ha?” paalam ni Kryzel kina mama
“haha sige just make sure to drop her off before siya makipag kita kay Stephen para di siya ma-late”
“ma naman eh!”
“oy anak! Bawal muna kiss. Holding hands lang muna ah?” sabi naman ni papa
Natawa na lang ako. Hay naku papa kung alam mo lang.
“are you sure di kayo magpapasama?” tanong ni Kuya Nico kay Yannie
“don’t worry, ok lang kami”
“oo nga papa Nico! Wag ka mag alala, di ko hahayaang kumerengkeng itong si Yannie” sabi naman ni France
ng may pa beautiful eyes effect pa.
Dumiretso na kami sa mall at dahil tulog pa ako eh kinaladkad na nila ko sa banyo, di ko nakuhang mag almusal
kaya naman kumakalam ang sikmura ko. Buti na lang at may ginintuang puso si France at ibinili ako ng burger.
Wahahaha
After kong makakain, nag ikot ikot na kami sa mall. Good thing at wala pang masyadong tao. Sana matapos na agad
para makabalik na ko sa bahay at makatulog. Ano ba kasi ang bibilhin namin. =__=
“grabe-eyams ka ati! Parang dati lang immake over ka namin para paibigin si Stephen at saktan. Ngayon
naman immakeover ka ulit namin para paibigin si Stephen at hindi na saktan! Bat kasi bumalik ka sa
pagiging tibong nerd!”
“ano ba, di niyo naman ako kailangan i-make over no!”
“ay naku Naomi magtigil ka diyan! Dapat pag humarap ka kay Stephen mamayang gabi maganda ka!” sabi ni
Yannie
“oo nga naman best! Kahit mahal ka ni Stephen, lalaki pa rin yun. Iba parin pag presentable kang humarap sa
kanya mamaya” dagdag naman ni Kryzel
“di ba ko mukhang presentable ngayon?” tanong ko sa kanila
“hindi” they all said in unison.
Ouch ah. Kaibigan ba talaga sila? T___T
As usual dinala nila ako sa kung saan saang boutique para hanapan ng outfit na isusuot mamaya.
“eto kayang tube?” suggest ni France
“ang halay naman niyan” sabi naman ni Yannie
May kinuha ulit na damit si France “eto na lang spaghetti?”
“parang nasa bahay lang” sabi ni Kryzel
“ay itey na lang! napaka sexy!” may ipinakita si France saamin na blouse. Isang low cut v-neck na backless na
sleevless na pag sinuot mo eh makikita na ang kaluluwa mo. Not to mention, color red pa siya.
“France di ako boldstar” =__=
“hmpf ang sexy nga eh! Pag nakita ka ni Papa Stephen na suot mo yan fo sure magkakandarapa na yan
pabalik sayo!”
“tama!” sabi ni Kryzel sabay hablot nung blouse sa kamay ni France “at by the end of the night sa condo ni
Stephen ang bagsak nilang dalawa. And for sure pag uwi ni Naomi eh may sanggol na sa sinapupunan niya.
Kaya hindi to pwede” ibinalik ni best yung blouse doon sa sabitan.
“hmpf ang K-KJ ng mga peoplet na itey! Ako na nga lang mag susuot niyan!” =__=
Nakailang boutique din kami pero wala parin akong mapili pili na damit. Inabot na kami ng tangghalian eh wala parin
kaya kumain na lang muna kami ng lunch. After that, balik na ulit sa pag iikot.
After 548 years eh sa wakas nakapili na kami ng isusuot ko. Isang cute na pink na blouse na may panloob na white
then tinernuhan ng shorts, knee high socks and black doll shoes. (look the pic on the side :3)
“ayan Naomi ang ganda mo na!” sabi ni Yannie
“oo nga best! Mukha kang Korean dahil sa suot mo” sabi naman ni Kryzel
“hmpf mas gusto ko parin yung red na blouse doon” pagaalboroto ni France
Tinignan ko yung wrist watch ko
“hala 6pm na pala!”
“then ano pa hinihintay natin? Let’s go na!”
Lumabas na kami ng mall para pumara ng taxi. Grabe ang tagal pala namin namili. Sana naman wag akong ma-late.
Maya-maya lang din may huminto ng taxi sa harap namin
“good luck ati!” sabi ni France
“Salamat sa inyo”
“ano ka ba wala yun! Paki batukan si Stephen pag di siya nagandahan sayo” sabi naman ni Yannie
“go best! Sabihin mo na lahat ah?” sabi naman ni Kryzel
Nginitian ko sila “I will”
Pumasok na ko sa loob ng taxi then pinaandar na ito ng driver.
Inilabas ko yung notebook na pinaglalagyan ng contract at binasa ko yung continuation nito sa likod.
But in order to surpass the punishment and for the contract to be void, you should fight for what you feel.
Huminga ako ng malalim.
I
fought for what I feel. Sana, sana, maayos na.
[Stephen’s POV]
“ok na ba yung place? Naka set up na ba?”
“yes sir ayos na po siya”
“how about the foods?”
“ok narin po”
“good. I’ll be there in 30 minutes”
I ended the call then tinignan ko ang orasan. It’s already 6 pm. One hour to go, magkikita na ulit kami ni Nami.
Isang oras na lang, maayos na ang lahat, magiging masaya narin kami.
Siguro nga oras na para maniwala ako sa sinasabi ni Nami. Nakita ko naman yun doon sa effort niya na pagbatiin
kami ni mom. Tanga ko na lang kung di pa ko maniniwala sa kanya.
I rented the restaurant kung saan kami nagkita last night. Syempre dito sa restaurant na to maayos ang lahat kaya
dapat bigyan ko ng surprise si Nami. Sana nga lang magustuhan niya.
Sa totoo lang miss na miss ko narin siya. Ayoko ng pahirapan pa ang sarili ko. Masaktan man ako o hindi, babalikan
ko na si Nami...
..alam ko kasing sa kanya lang ako sasaya.
“Stephen?”
Napalingon ako sa may pintuan ng room ko and saw my dad
“yes dad?”
“paalis ka na?”
“opo”
Nginitian niya ako “son, you are forgetting something”
“ha?”
“hay naku, don’t tell me aalis ka ng ganyan lang? anak ba talaga kita? Akala ko ba matinik ka sa mga
babae?”
Ano naman ang sinasabi ng matandang hukluban na to? =__=
“wait me here” bigla siyang lumabas ng kwarto ko and maya-maya lang pumasok ng may dala-dalang malaking
bouquet ng bulaklak
“give it to her”
Medyo natawa naman ako. Oo nga, nakalimutan kong bumili ng flowers para kay Nami
“thanks dad”
“ikaw, don’t make her cry or else aalisan kita ng mana” pagbabanta niya
“grabe ka naman dad! Pero don’t worry, hindi ko siya saaktan at paiiyakin”
he tapped my back “give it to her” may inabot naman siya na isang envelope “wedding invitation para sa kasal
namin ni Alice. Invited din si Anne pati ang buong family nila” iniwas niya yung tingin niya “gusto ko narin
magkaayos kami ni Michael”
“sure I’ll give it to her”
“good luck son”
“thanks dad”
Lumabas na ko ng bahay namin at sumakay sa kotse ko.
I arrived at the restaurant 30 minutes early. Pinark ko lang yung kotse ko sa may likod ng restaurant then naglakad
na ako papunta doon sa main entrance. Bago naman ako makapasok, nakita ko si Nami na kabababa pa lang ng taxi
sa kabilang kalsada
“Stephen!” sigaw ni Nami habang kumakaway and was smiling at me brightly
I waved my hand at her. Napangiti naman ako sa ayos niya ngayon. Mahal ko lang ba talaga siya o sadyang mas lalo
siyang gumaganda ngayon?
Patawid na ng kalsada si Naomi but what happened next is very unexpected...
I heard a loud screeching sound and beeping noise, and the next thing I saw…
…Nami is lying in the middle of the road, with her body full of blood.
“N-nami..”
Ayaw mag sink in sa utak ko ng nakita ko.
Hindi yun totoo. Panaginip lang to. Mali ang nakita ko. Hindi to totoo…
Kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako nananaginip.
Napatakbo ako papunta kay Nami.
"PADAANIN NIYO KO!!! KILALA KO SIYA! PADAANIN NIYO KO!"
Humawi ang mga tao at nakita ko si Nami na puro dugo ang katawan. She is concious
"Nami.."
"S-s-stephen.."
Halos maiyak ako sa nakita ko. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Nakakapanlumo.
Agad ko siyang binuhat at tumakbo ako papunta sa parking lot.
“Nami, please don’t die, please. Dadalhin kita sa ospital, just hold on. Please, please”
“S-st-ephen”
“babes, nandito lang ako, please hold on.. please. Wag kang pipikit”
“m-may s-sasab-bihin ak-ko”
“shhh, wag ka na muna mag salita babes, basta wag ka lang pipikit. Kahit wag ka muna magsalita, wag ka
lang matutulog ha? Wag kang pipikit please”
“m-makinig ka” she stretched her hand then touched my face at nakita kong may luhang lumalabas sa gilid ng mata
niya. Napahinto ako bigla sa pagtakbo
“S-stephen, man-niwala k-ka. M-mahal kita”
Bigla na lang din lumabas ang luha sa mata ko
“oo babes, naniniwala ako sayo. Mahal din kita. Mahal na mahal na mahal kita. Please, wag mo kong iiwan
ha?”
She tried her best to smile “di k-kita iiwa-n. P-pangako”
After she said those words, nawalan na siya ng malay.
Chapter 58
*Handkerchief*
[Stephen’s POV]
“sorry sir, pero hanggang dito na lang po kayo” the nurse told me as they rushed Nami inside the emergency
room
Hinawakan ko yung braso nung nurse “please do everything to save her. Please I’m begging you, don’t let her
die. Please.. please”
“don’t worry, gagawin po namin lahat ng makakaya namin” sumunod narin yung nurse sa loob ng ER
Naupo ako sa upuan sa gilid ng ER then inilabas ko ang cellphone ko and send message to my mom pati narin sa
mga kaibigan ni Nami para pumunta na sila sa hospital ngayon.
After I send the messages, I put my hands together, bow my head and started praying.
God, please wag niyo po munang kukunin si Nami saakin. Alam kong madami akong nasayang na panahon dahil
mas pinairal ko ang sakit na nararamdaman ko. Natakot lang ako maniwala sa kanya nun, pero please nakikiusap
ako, wag muna ngayon. Hayaan niyo po munang makasama ko siya ng matagal na panahon. Gusto ko pa siyang
alagaan at pasayahin. Nakikiusap po ako.
Nakayuko lang ako habang paulit ulit na nagdadasal. Ramdam na ramdam ko din ang kabong ng dibdib ko, ang
panlalambot ng katawan ko, at ang sakit na nararamdaman ko.
Nag aagaw buhay ang babaeng mahal ko. Alam ko na grabe ang torture na nararamdaman niya ngayon. Kung
pwede lang na makipag palit ako ng pwesto sa kanya ginawa ko na.
Bakit kailangang si Nami pa ang masagasaan? Bakit hindi na lang ako? Sana ako na lang ang nasagasaan. Sana
ako na lang ang nag aagaw buhay ngayon. Mas gugustuhin ko pa yun kesa ang ganito.
Mas gugustuhin ko ng malaman na hindi niya ko mahal kesa yung ganito.
Maya-maya lang din, dumating na yung mga kaibigan ni Nami, sinundan naman ito ng family niya. Samu’t sari ang
tanong na ibinato nila saakin pero isa lang ang nasagot ko.
“na-hit and run siya, at wala man lang akong nagawa”
Napaupo ulit ako sa silya at ipinatong ang ulo ko sa mga kamay ko. Narinig ko naman ang mga iyak nina Kryzel pati
narin ni mom.
“she’ll be alright, my daughter will be alright” sabi ng papa ni Nami habang may namumuong luha sa gilid ng
mata nito “she’s a tough girl. Malalabanan niya to”
After that, wala ng umimik saamin. Lahat kami nag aantay sa sasabihin ng doctor. Yung ibang kuya ni Nami, pabalik
balik at alam kong kinakabahan din sila.
“anak” lumapit si mom saakin “kumain ka muna. Alam kong hindi ka pa nag hahapunan”
“wala po akong gana”
“sige na anak kumain ka muna”
“sorry po, pero wala po talaga kong gana”
Bigla naman lumapit si Kryzel saakin “tita, ako na po bahala” kinuha niya yung pagkain na inaabot saakin then
tumabi siya saakin
“Stephen, hindi magugustuhan ni Nami ang ginagawa mo ngayon. Kumain ka na muna”
Hindi ko sinagot si Kryzel, instead tinignan ko siya sa mata “sorry” bulong ko dito
“para saan?”
“siguro karma ko to. Ang dami kong sinaktan na babae dati, isa ka na dun. Kasalanan ko kung bakit nangyari
to. Kasalanan ko lahat…”
“wag mong sisihin sarili mo! Paano ka makakarma kung yung ginawa mo saakin dati eh naging daan para
maging masaya ko? Kung di mo ginawa yun tingin mo ba makikilala ko si Rence? Magiging kami ba?
Stephen wala kang kasalanan. Hindi natin ginusto ang nangyari. Maniwala ka na lang kay Naomi,
makakaligtas siya. Di niya tayo iiwan”
“salamat Kryzel…”
“kainin mo na to! Pag di mo ginalaw to isusumbong kita kay best pagkagising niya. Magagalit sayo yun
panigurado”
I gave Kryzel a sad smile then kinuha ko narin yung binigay niyang pagkain at kinain ko to.
5 hours. 5 hours na kami sa labas ng ER pero wala paring doctor na lumalabas. It’s already midnight pero ni-isa
saamin ay hindi natulog. Tahimik lang kaming nag aantay, hindi kami umiimik.
Nabasag lang ang katahimikan na yun ng lumabas na yung doctor. Lahat kami napatayo at nilapitan siya
“who’s the parents of the patient?”
“kami po” lumapit si mom pati narin yung dad ni Nami sa doctor
“ano pong lagay ng anak namin?” tanong ng dad ni Nami
“I’ll be honest with you, hindi maganda ang kalagayan ng anak niyo. Madaming dugo ang nawala sa kanya.
Madami din siyang injury na natamo”
“w-what do you mean?”
The doctor's answer broke my heart..
“I’m sorry po, but she only got limited time to live. Yung machine na lang ang bumubuhay sa kanya and once
we cut the machine, she’ll die.”
“h-hindi! Ang anak ko, ang anak namin! Hindi totoo yan! Hindi!”
“I’m really sorry”
“no! hindi pwede!!!”
Narinig ko ang mga iyakan nila, ang mga protests nila.
Lahat kami parang nabasag ang mundo...lalo na ko.
Hindi pwede, hindi pwedeng mawala si Nami ng ganito na lang. Nagsisinungaling siya! hindi to pwede!!
Nilapitan ko yung doctor.
“anong kailangan ni Nami para mabuhay? Sabihin mo sakin!!!! Kailangan ba ng pera?! Handa ako magbayad
kahit magkano!! Maraming nawalang dugo sa kanya?!” inilahad ko ang braso ko“kunin niyo na ang dugo ko!
Kahit lahat ng dugo ko, ibigay niyo sa kanya! Kung kinakailangan pati buhay ko kunin niyo na, idugtong niyo
to sa buhay ni Nami! Wag na wag mo lang sasabihin na walang pag asa! Gagawin ko ang lahat mabuhay lang
siya!” hinawakan ko ang kwelyo ng damit nung doctor “nakikiusap ako iligtas niyo siya! Hindi siya pwedeng
mamatay! Wag niyo siyang hayaan mamatay!”
“Stephen..”
Hinila ako palayo ng mga kuya ni Nami doon sa doctor. Naramdaman ko naman na niyakap ako ni mom na umiiyak
din kaya napahagulgol na ko ng iyak.
“hindi pwedeng mawala si Nami. Maguusap pa kaming dalawa, ibibigay ko pa sa kanya yung kwintas,
aattend pa siya sa kasal ni dad, magiging kami pa. Hindi to pwedeng mangyari. Hindi siya pwedeng mawala!”
“anak..”
“pwede niyo na po siyang mapuntahan sa loob”
Humiwalay si mom sa pagkakayakap saakin at nagpasukan na sila sa loob ng ER. Sinundan ko sila sa loob
“Mika anak..” nilapitan ni mom si Nami then hinimas niya ang ulo nito. Sa kabila naman ay yung papa ni Nami na
hawak hawak ang kamay nito. Pinaligiran din ng mga kuya niya pati narin nila Kryzel ang kama ni Nami
Lahat sila umiiyak.
Tinignan ko siya. Ang dami niyang sugat sa katawan. Ang dami din nakakabit na kung anu-ano sa katawan niya.
At pag hinugot ang mga yun, tuluyan ng titigil ang pagtibok ng puso ni Nami.
Hindi ko kinaya ang nakikita ko. Agad akong tumakbo palabas at papunta sa roof top ng ospital. Ng makarating ako
sa tuktok, doon ko isinigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko. Wala akong paki kung mapagkamalan akong baliw
dito or what.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko to the point na halos sumabog na ang buong katawan ko.
Bakit kailangang ngayon pa mangyari to kung kelan magkakaayos na kaming dalawa? Kung kelan magiging masaya
na kami? Bakit kailangang ngayon pa siya mawala saakin? Bakit ngayon pa?
Hindi ko matatanggap kung tuluyan na mamawala si Nami. Kahit wag ng maging kami basta wag lang siya mamatay.
Kahit saktan niya ko ng paulit ulit wala akong paki basta nandiyan lang siya.
I’ll give anything to see her smile again.
Napaluhod ako habang patuloy na humahagulgol ng iyak.
“WAG NIYO SIYANG KUNIN SAAKIN! IKAMAMATAY KO PAG NAWALA SIYA!”
Ipinatong ko ang ulo ko sa mga kamay ko habang patuloy na umaagos ang luha sa mata ko.
Mawawala na si Nami… mawawala na ang babaeng mahal ko. Iiwan na niya ko. Ang sakit sakit. Hindi ko kaya.
Tumayo ako at pumunta sa lugar kung saan alam kong pwede kong ibuhos lahat ng hinaing ko.
Dumiretso ako sa chapel…
Umupo ako sa bandang unahan.
“bakit niyo siya kukunin saakin agad? Hindi pa ba sapat na inilayo niyo ko sa mama ko ng matagal na
panahon? Hindi ba ko pwedeng maging masaya? Bakit siya pa? Bakit yung babaeng mahal ko pa? pwede
bang ako na lang ang kunin niyo? Di ko kasi kakayanin na mawala siya saakin eh. Bakit di niyo man lang
hinayaan na magkasama kami? Bakit?!” napayuko ako habang patuloy parin ang pagbagsak ng luha sa mata ko
“bakit mawawala na siya? Bakit..”
“patay na ba siya?”
Napaangat bigla ang ulo ko ng makarinig ako ng boses at nakita ko na may babae akong katabi. Maputi siya,
mahaba ang buhok na itim na itim, singkit ang mga mata niya. At nakangiti siya saakin
“e-eh?”
“sabi ko kung patay na ba yung iniiyakan mo?”
“h-ha?”
“nakita ko kayo kanina sa ER at narinig ko yung sinabi ng doctor. Di pa naman siya patay eh, sabi niya lang
once na hinugot ang life machine sa katawan niya tsaka siya mawawala”matapos niyang sabihin yun, binigyan
na naman niya ako ng isang ngiti
“sino ka ba?! At ano bang alam mo ha?! Sabi ng doctor wala ng pag asa. Makina na lang ang bumubuhay sa
kanya!! Ano pa ang pinagkaiba nun?! Tatanggalin at tatanggalin din nila ang makinang yun sa katawan niya!
Wag mo kong kausapin dahil wala kang alam! Hindi mo ko kilala! Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman
ko!”
Kaso parang nakakapang asar lang, nginitian ulit ako nung babae
“9 years old ako nung pinasok ng magnanakaw ang bahay namin”
“ha?”
“nasa probinsya nun ang mama ko at ang kuya ko naman ay nasa camping kaya kami lang ng papa ko ang
naiwan sa bahay. Nung pinasok kami ng magnanakaw, sinubukan ni papa na labanan ito kaso masyado
silang malakas kaya napatay nila si Papa”
“t-teka bat mo kinukwento to?”
Di niya sinagot ang tanong ko, instead binigyan na naman niya ako ng isang ngiti
“after 5 years, namatay naman si mama dahil sa isang sakit. Simula nun si Kuya na ang nagalaga sakin”
“Wait I don’t under---“
Pinutol niya ang sinasabi ko at pinagpatuloy ang pagkukuwento “kaso na hospitalized naman si kuya with the
same disease as my mom. My brother died 30 minutes ago”
Natigilan ako bigla dahil sa sinabi niya
“oh.. c-condolence”
Binigyan niya ulit ako ng isang ngiti “pero sa kanilang tatlo, hindi ako nawalan ng pagasa na mabubuhay sila
hanggang sa huling hininga nila sa mundo. Death is really painful specially kung ang nawala ay yung taong
mahalaga sayo. But do you believe in miracle?”
“h-ha?”
“Miracles are true as long as you believe in them. Wag mong iyakan at isuko ang taong lumalaban pa para
makasama ka” tumayo na siya at bigla niya akong inabutan ng isang puting panyo “gawa ni mama yan, pero di ko
na to kailangan ngayon. Meron ng taong mas nangangailangan nito. Ingatan mo yan ah at pag di mo na
kailangan, ibigay mo to sa taong nangangailangan” she gave me one last smile then lumabas na siya sa chapel.
Napaisip ako sa sinabi niya at bigla na lang nag flash back lahat ng nangyari kanina.
“S-stephen, man-niwala k-ka. M-mahal kita”
Bigla na lang din lumabas ang luha sa mata ko
“oo babes, naniniwala ako sayo. Mahal din kita. Mahal na mahal na mahal kita. Please, wag mo kong iiwan ha?”
She tried her best to smile “di k-kita iiwa-n. P-pangako”
Napatayo ako bigla
“di k-kita iiwa-n. P-pangako”
“di k-kita iiwa-n. P-pangako”
“di k-kita iiwa-n. P-pangako”
“di k-kita iiwa-n. P-pangako”
Nami.
Nangako siya saakin. Nangako siya!
Tinignan ko yung panyo na ibingay saakin ng babae at sa gilid nito ay may nakasulat
Dionne Sy
Dionne Sy? Whoever she was, she gave me hope.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko gamit yung panyo at tumakbo ako papunta sa ER
Nadatnan ko naman doon ang family ni Nami sa labas. Yung papa niya may hawak ng papel at sa tingin ko ito yung
fini-fill up-an para bigyan na ng right ang mga doctor na hugutin ang life support ni Nami.
“wag!!!” sigaw ko kaya lahat naman sila napatingin saakin
“pakiusap, wag niyo pong ipatanggal”
“Stephen..”
“nakikiusap po ako!” lumuhod ako sa harapan nila “kahit ngayon lang, kahit ilang oras lang. Please, bigyan
niyo pa ng kahit ilang oras si Nami. Nangako siya saakin na di niya ako iiwan at alam ko lumalaban parin siya
ngayon. Nakikiusap ako, kahit onting oras lang”
Naramdaman ko na may nag tap ng likod ko
“naintindihan ko” sabi ng dad ni Nami
“salamat po”
Agad akong tumayo at pumasok sa loob ng ER. Dumiretso ako sa kama ni Nami at hinawakan ko ang kamay niya.
“babes, hihintayin kita”
***
For Dionne Sy's participation, she'll be the leading character in my up coming story Angel in Disguise. Ako na ang
author na wagas mag plug.. hahaha XD
Chapter 59
*Grow old with you*
[Stephen’s POV]
“babes, mahal na mahal kita. Wag mo akong iiwan ha?”
Ilang oras ko ng pinapaulit ulit ang katagang yan. Alam ko pag sumikat ang araw, tatanggalin na nila yung life support
na nakakabit kay Nami. Natatakot ako na baka di siya gumising.
But still, pinanghahawakan ko ngayon yung pangako niya saakin. Hindi ko isusuko si Nami hanggang sa huling
hininga niya. Hindi ako papayag na mawala siya saakin.
“di mo ko iiwan di ba? Hihintayin kita” bulong ko sa kanya
Hinawakan ko ang kamay ni Nami atsaka ko isinandal ang noo ko dito.
Bigla naman akong may naalalang kanta. Isang kanta na dati kinaiinisan ko dahil kahit saang part ng lyrics nito,
parang ang korny korny.
Pero di ko ineexpect na ang kanta pala nito ang magpapahiwatig sa lahat ng gusto kong sabihin kay Nami.
Inangat ko ang ulo ko at tinignan ko si Nami. I gently sing the lyrics of the song in her ears
“I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you aroud when your arthritis is bad
All I want to do, is grow old with you..”
Bigla na lang tumulo ang luha ko ng maalala ko yung mga panahon na kasama ako si Nami.
“uhmm Stephen!! Am I beautiful?"
"nope, you're not."
"ha?"
"hindi ka rin cute, you're not even pretty"
"ok." Naglakad siya palayo saakin. Natatawa tawa naman akong hinabol siya.
"babes!" I put my arms on her waist and pulled her towards me. After that, I touched the tip of her nose "if I say you
are beautiful then I am comparing you to a sunset. If I say you are cute then I am comparing you to a dog.
And babes, the word pretty is not enough to describe you" I pull her closer to me then itinapat ko ang lips ko sa
ears niya then I whispered gently "you are gorgeous”
“I’ll buy you medicine when you’re tummy ache
Build up a fire when the furnace break
So I could be the man
Growing old with…you”
Tiningnan ako ng masama ni Nami “eh loko loko ka eh!! Paano na lang kung naimpluwensyahan mo si Yannie
ha?!”
“wag ka magalala nakatanggap din ako ng batok sa kanya nun! Sabi pa nga niya pag ako daw nagmahal
mararamdaman ko din kung gaano kasakit, at the same time kung gaano kasarap sa pakiramdam ang
nagmamahal. Syempre tinawanan ko lang siya at sinabing hindi ako marunong magmahal” tinitigan ko si Nami
then pumunta ako sa harap niya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya “kaso ngayon pakiramdam ko kinain ko
na lahat ng sinabi ko” sabi ko sa kanya ng seryosong seryoso
“S-stephen?”
Unit-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni Nami. Para akong nawala sa sarili ko. Aware ako sa ginagawa ko
pero sa hindi ko malamang kadahilanan, hindi ko pinigilan ang sarili ko. Bigla na lang ako napapikit at naglapat ang
mga labi namin.
Bigla na lang kaming napahiwalay dalawa at napatitig sa isa’t isa. Hindi ko alam kung ano ag ire-react ko. Kahit ako
nagulat sa ginawa ko. Pero isa lang ang malinaw sa isipan ko ngayon
Mahal ko na ang babaeng ito.
“I’ll miss you, kiss you
Give you my coat when you are cold”
“uy kanina ka pa tahimik diyan. Hanggang ngayon ba kinikilig ka parin sa sinabi ko? ”
“eh t-totoo ba naman lahat ng sinabi mo?”
“I wouldn’t go that far kung hindi ako seryoso. Alam kong mahihirapan kang maniwala kasi nga playboy ako.
Pero Nami, totoo talaga lahat ng sinabi ko sayo”
“p-pero di ba sabi mo hindi ka marunong mag mahal?”
“kinain ko na ang sinabi ko” I held her hand then smile “nung una hindi ko talaga maintindihan nararamdaman
ko. Basta alam ko kada makikita kita lumulundag ang puso ko. Kahit pa asar na asar ka saakin, tuwang tuwa
naman ako. Ang komportable ng pakiramdam ko kada mayayakap kita o kada hahawakan ko ang mga kamay
mo. Pagka naman nakikita ko na may kasama kang ibang lalaki, lalo na kung si Drew, nasasaktan ako…” I
placed my hand near my chest “..dito. Lalo na nung nakita kong nakayakap siya sayo. Nung mga panahon na
yun parang gusto ko ng makita ni Drew si San Pedro..” napakamot ako ng ulo dahil sa hiya at nakita ko naman si
Nami na napangiti, “malay ko bang nagseselos na ko nun. First time ko lang kasi maramdaman yun eh.
Natauhan lang ako nung nandun na tayo sa may seaside, yung tinanong kita kung bakit mo ko minahal? Kasi
nung mga panahon na yun, mahal na pala kita. Nami, mahal kita, seryoso ako.”
She smile at me brightly
“oo Stephen, naniniwala na ko sayo”
“Feed you, need you
Even let you hold the remote control”
“Stephen, ano ba dapat kong gawin para maniwala ka saakin na mahal kita?”
“wala, Nami. Wala kang dapat gawin para papaniwalain ako”
“S-stephen..”
“dahil kahit anong pilit ng utak ko na maniwala, ayaw parin nitong paniwalaan ang sinabi mo. Siguro dahil
pag ang isang tao naloko to the point na halos ikamatay na nito ang panlolokong nangyari sa kanya, titigil na
to sa pakikinig doon sa taong nanloko sa kanya”
“p-pero ang puso mo Stephen, ano ang sinasabi ng puso mo?”
Tinignan ko siya then I gave her a sad smile “People’s heart is dumb so it’s better if we stop listening to it. I
already stop listening to my heart kaya kung ano man ang sinasabi nito, it doesn’t matter to me
anymore” after that tinalikuran ko na siya.
“So let me do the dishes in our Kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink”
“Nami, please don’t die, please. Dadalhin kita sa ospital, just hold on. Please, please”
“S-st-ephen”
“babes, nandito lang ako, please hold on.. please. Wag kang pipikit”
“m-may s-sasab-bihin ak-ko”
“shhh, wag ka na muna mag salita babes, basta wag ka lang pipikit. Kahit wag ka muna magsalita, wag ka
lang matutulog ha? Wag kang pipikit please”
“m-makinig ka” she stretched her hand then touched my face at nakita kong may luhang lumalabas sa gilid ng mata
niya. Napahinto ako bigla sa pagtakbo
“S-stephen, man-niwala k-ka. M-mahal kita”
Bigla na lang din lumabas ang luha sa mata ko
“oo babes, naniniwala ako sayo. Mahal din kita. Mahal na mahal na mahal kita. Please, wag mo kong iiwan
ha?”
She tried her best to smile “di k-kita iiwa-n. P-pangako”
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napahagulgol na naman ako ng iyak.
“S-so I-I c-could b-be the man
G-growing old with you..”
I buried my face on Nami’s hand habang patuloy ang pag-agos ng luha ko
“I-I w-wanna grow old w-with…you” halos pabulong kong kanta.
“babes, please let me grow old with you. Wag mo kong iiwan. Hayaan mong makasama kita ng matagal na
panahon. Gusto ko pang alagaan at pasayahin ka. Wag mo muna akong iiwan please? Di ko kaya na wala ka
dito sa tabi ko. Please babes, please.. please”
Mas lalo akong napahagulgol ng iyak.
Natatakot ako na baka di na siya gumising, na baka di na niya kayanin na lumaban. Natatakot ako na baka iwanan
na niya ko ng tuluyan.
I don’t want to lose Nami. Please God nagmamakaawa po ako sa inyo, wag niyo siyang kunin saakin.
Bigla akong may naramdaman na humahawak sa may pisngi ko kaya naman napaangat agad ang ulo ko.
Halos matulala ako sa nakikita ko.
I saw Nami’s finger moving. Hindi ako namamalikmata. Alam ko nakita kong gumalaw talaga ang mga daliri niya.
Tinitigan ko maigi si Nami and I saw how she gently open her eyes.
“N-nami?”
She looked at me then I saw her smile
“t--pen”
Bigla ulit bumagsak ang luha ko but this time hindi na dahil sa nasasaktan ako.
I’m so happy to the point that it made me cry.
Tumakbo agad ako sa labas ng ER
“Where’s the doctor?!” sigaw ko
Agad naman naglapitan saakin ag pamilya at mga kaibigan ni Nami
“why?! What happened?!” tanong ng papa ni Nami
“she’s awake! Nami’s awake!!!”
Agad na tumakbo naman yung mga doctor sa loob ng ER but they don’t let us enter the room
“totoo ba yun? buhay ang kapatid namin?” tanong ni Nico saakin
“totoo yun! Sinabi niya pa nga ang pangalan ko!”
My mom hugged me “thank god.. thank God… my daughter… He saved my daughter”
I hugged her back “Sabi sa inyo babalik si Nami. Di niya ko iiwan”
Napatingin ako sa gilid ng ER and I saw Dionne Sy standing over there habang nakatingin siya saamin at nakangiti.
I smile back then mouthed the word “thank you”
She just nod and gave me another smile then umalis na siya palayo.
“gusto ko pa!”
“ha?! Eh nakakadalawa ka na eh” =__=
“eh basta! Pagtalop mo pa ko ng apple! Dali na”
“hay sige na nga babes” kinuha ko yung apple sa basket at nagsimula itong talupan “nakakatakot baka paglabas
mo ng hospital eh ang taba mo na” =__=
“so di mo na ko love pag tumaba na ko?” T__T
I smile then nilapitan ko siya at niyakap “kahit pumanget ka pa, o magmukha ka pang balyena ikaw parin ang
love ko”
It’s been 1 week eversince nung accident. I’ve witnessed a miracle.
Maraming mga doctor ang nagulat sa pagkakaroon ng malay ni Nami. Madami silang medical explanation saakin
pero di ako nakikinig sa mga explanation nila dahil sa isip ko, isa lang ang dahilan kung bakit nagising si Nami…
…tinupad niya ang pangako niya saakin that is why miracle happened.
And all thanks to that hanky girl. Kung di siya nag pakita saakin siguro nawalan na ko ng pag asa. Siguro natanggal
na ang life support ni Nami at tuluyan na niya kaming iniwan.
Inabot ko kay Nami yung mga nahiwa kong apple then tinabihan ko siya
“babes I want to show you something”
Inilabas ko yung panyo na ibinigay ni Dionne saakin at ipinakita ko ito kay Nami.
“Dionne Sy?” sabi niya habang nakatingin doon sa panyo
“yup. Nakita niya ako sa chapel nung panahong umiiyak ako kasi sabi ng doctor wala na daw pag-asa. Her
words strike me kaya bigla kong naalala yung pangako mo. Kung di siya dumating nun, malamang nawala ka
na ng tuluyan saakin”
I sw her smile “then I should thank her, she saved me”
I leaned on her then gently kissed her lips “she also saved me. Kung di siya dumating at tuluyan kang nawala
saakin, siguro ngayon naka-confine na ko sa mental”
Tumawa naman si Nami “then she’s our angel”
I hugged her tight “right. She’s our angel who saved us both from pain. Pero Nami, I want you to know how
happy I am dahil di mo ko iniwan. Thank you for staying at my side. Kahit pinagtabuyan kita at di
pinaniwalaan, di mo parin ako iniwan”
Naramdaman ko naman na niyakap niya rin ako ng pagkahigpit higpit “nasaktan na kita dati, di ko na gagawin ulit
yun. Kaya kahit anong mangyari, kahit ten wheeler truck pa ang makasagasa saakin, hindi kita iiwan, basta
ba wag mo rin ako iiwan eh”
“oo naman” I kissed her forehead “di ko magagawang iwan ang babes ko no. Pero teka may tanong ako, tayo
na ba?”
Bigla naman siya natawa sa sinabi ko “natural hindi. Ni-hindi mo pa nga ako tinatanong kung pwede bang
manligaw eh”
“ha? P-pero…”
“ok edi basted ka na”
Tinalikuran niya ako atsaka nag talukbong ng kumot.
Wait seryoso talaga siya? Kailangan ko pa ligawan pero sabi niya mahal niya nako? Bat kailangan ko pa ulit
manligaw =__=. Tsaka sinagot na niya ko dati sa rooftop ng condo ko eh. Kinantahan pa niya ko. Bakit back to
ligawan mode ulit =__=
“uy babes” pinindot pindot ko ang braso niya “talaga bang kailangan kita ligawan ulit”
“kung ayaw mo edi wag” sabi niya
“eh di ba ngging tayo na? nag break lang tayo! Pero bakit back to ligawan mode ulit?”
“kaya nga kung ayaw mo edi wag”
Bat ba ang sungit niya? Ganito ba ang mga nasagasaan ng kotse? Nagiging masungit? =__=
“babes wag ka na magalit” I sigh “o sige na nga. Willing ako ligawan ka mapasaya ka lang. Kahit ilang taon
pa kita ligawan ok lang saakin basta malaman ko lang na mahal mo ko. Babes”I leaned on her then I gently
whisper on her ears “I love you very very much. Can I court you?”
Nagulat naman ako ng biglang bumangon si Nami at hinalikan ako. Then she gave me a bright smile then niyakap
niya ako at binulungan
“I love you too babes. And yes, sinasagot na kita”
Medyo natawa naman ako sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit
“Edi tayo na talaga?”
“ayaw mo?”
“sabi ko nga tayo na eh!”
God, kahit na sobra akong nasaktan ng dahil sa babaeng ito, still laking pasasalamat ko dahil dumating siya sa
buhay ko.
Salamat dahil hindi siya nawala saakin.
Mahal ko si Naomi Mikael Perez, at alam ko, wala na kong mamahalin pa ng katulad ng pagmamahal ko sa kanya.
"I love you Stephen"
"I love you too babes"
Chapter 60
*Vows*
Finale part 2
[Naomi’s POV]
It’s been 5 months after ng lahat ng nangyari. Up to now, parang ang hirap paniwalaan na masaya na akong kasama
ang lalaking minsan kong kinainisan, sinaktan at pinaiyak.
Dati walang ibang laman ang utak ko kung hindi ang magpa cute kay Drew. Nung dumating naman ang contract sa
buhay ko, wala akong ibang inisip kung hindi tapusin na ito, at nung natapos na, wala akong ibang hiniling kung hindi
ang maibalik ang dati.
Regrets, agony, pain. Naramdaman ko lahat yan. Akala ko di na ko sasaya. Halos gabi gabi na lang akong umiiyak
nun, halos araw araw na maga ang mata ko.
Pero sabi nga nila, kung di mo naranasan masaktan, di mo maappreciate kung gaano kasarap ang maging masaya.
Parang ngayon…
“oh Mika aalis ka?” tanong ni Mama nung makasalubong niya ako pababa ng hagdan
“opo mama, pupunta lang ako sa condo ni Stephen. May bago kasi siyang recipe na natutunan, gagawin na
naman niya akong guinea pig” =__=
Medyo natawa naman si Mama sa sinabi ko “sige mag iingat ka ah. Ikamusta mo na lang din ako sa kanya”
“opo mama. Bbye”
Siguro napaka weird talagang tignan na ang step mom ko ngayon ay real mom ng boyfriend ko. Pero bago pa ako
makalabas noon sa ospital kinausap na kami ni Mama Anne. Ang sabi niya kung mahal namin talaga ang isa’t isa,
dapat wag na namin intindihin ang sasabihin ng iba. Kung sa bagay, ano nga naman kung step mom ko eh real mom
ng boyfriend ko di ba? may masama ba doon? Di naman kami magkadugo ni Stephen eh kaya walang mali doon.
Ang saya pa nga, at least pag dumating ang araw na ikasal kami ni Stephen, alam kong ok na ok ang mother-in-law
ko saakin.
Lumabas na ako ng bahay namin then hinimas ko muna yung ulo ni Hotdog, yung aso ko, bago ako tuluyang umalis.
Pagkadating ko naman sa unit ni Stephen, may naamoy na ako agad na parang niluluto. Infairness ha mukhang
masarap kasi amoy pa lang ang bango na.
“Stephen?”
Dumungaw si Stephen galing sa kitchen at nginitian ako “babes nandito ka na pala, wait malapit ng matapos to”
Naupo naman ako sa dining room niya “sure. Bilisan mo magluto chef Stephen nagugutom na ko”
I heared him chuckled “sure love, eto na ok na”
Lumabas siya sa kitchen ng may dalang isang tray na may lamang dalawang sizzling plate at dalawang baso ng
juice. Inilapag niya ito sa harap ko, tinitigan ko naman yung pagkain
“sizzling bangus with kamatis?”
“hindi lang yan basta bastang sizzling bangus with kamatis! Ang tawag diyan is sizzling milkfish with diced
tomatoes and love of Stephen”
=___= < - - reaction ko
“bat naman ganyan ang mukha mo babes!! Grabe ka pinaghirapan ko yan! Tikman mo kaya”
Kumuha naman siya ng isang serving noon at hinipan niya then itinapat niya yung kutsara sa bibig ko “say aahh”
Ngumanga naman ako at sinubo yung food. Infairness masarap nga. Kakaibang marinate ata ang ginamit niya sa
bangus.
“hmmm masarap ah”
“talaga? Sabi na eh magugustuhan mo”
“pero ikaw pasaway ka! Sabi mo may natutunan kang bagong recipe! Ano naman bago sa bangus?”
“eh hindi naman yan ang bagong recipe na natutunan ko eh”
“ha? Eh ano?”
“wait ipapatikim ko sayo”
Tumayo naman si Stephen then bigla siyang lumapit saakin. He lowered his face hanggang sa magkalapit kaming
dalawa then he gave me a dazzling smile .. and before I knew it, hinahalikan na niya ako.
Eto na naman yung pakiramdam na puro paruparo ang sikmura ko. Kada ginagawa niya saakin to hindi ko
maiwasang kiligin. Bakit ba ganito ang epekto ng lalaking to saakin? Mukhang siya ata ang ikakasanhi ng kamatayan
ko eh. Tapos mababalitaan ako sa TV at dyaryo
ANG BABAENG NAMATAY SA SOBRANG KILIG.
Mwahahahahahaha.
Pero kahit na, atleast mamamatay akong masaya di ba? :p
Ihiniwalay naman niya ang labi niya sa labi ko then he kissed my cheeks papalapit sa may tenga ko then he
whispered at me with a sexy voice
“bagong bili ang mouthwash ko, mabango ba?”
Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Stephen. Naalala ko tuloy dati nung first time kong makapasok dito sa unit
niya, lumabas siya nun sa CR ng naka tapis lang at inakit ako. Akala ko hahalikan niya ako but instead huminga lang
sa harapan ko at sinabing bagong brand ng mouthwash ang gamit niya.
Ibang klase talaga tong lalaking to, dati pa lang eh ang lakas na mang akit.
“oo mabango na ang mouthwash mo pero kahit di ka pa gumamit niyan, kahit di ka pa mag toothbrush, ang
hininga mo parin ang pinaka mabangong hininga na naamoy ko”
Natawa naman si Stephen sa sinabi ko “ang keso mo babes! Mamaya dagain na tayo dito! Hahahaha”
“kasalanan mo to eh. Hinahawahan mo ko” =__=
“kung nahawahaan kita edi sana aggressive ka narin, parang ganito” bigla naman akong binuhat ni Stephen at
dinala sa kama niya then pumaibabaw siya saakin
“o-oy bawal gumawa ng kalokohan!!” O///O
“haha babes hindi kalokohan ang mahalin ka” Unti-unti niya ulit inilapit ang mukha niya saakin at hinalikan ako.
It was a slow passionate kiss.
Ramdam na ramdam ko lahat ng emosyon. Kada hinahalikan ako ng lalaking to, doon ko narerealize ang tindi ng
pagmamahal ko sa kanya, pati narin ang pagmamahal niya saakin.
Etong mga bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon, hindi ko to ineexpect lahat. I never thought that this cassanova
can make me feel so blessed. Feeling ko ako na ang pinaka maswerteng nilalang sa buong mundo para mahalin ni
Stephen. Paulit-ulit kong sinasabi dati na bakit ba dumating yang contract na yan sa buhay ko. Simple at tahimik lang
naman ang buhay ko nun pero pinagulo yun ng contract. Kinailangan kong baguhin ang buong sarili ko, kinailangan
kong maglihim sa pamilya ko, at kinailangan kong magpanggap na mahal ko ang isang tao na sa totoo lang eh iba
naman ang nilalaman ng puso ko.
Sa pagdaan ng mga araw, naranasan kong umiyak, masaktan at makonsensya. Naranasan kong pakawalan ang
taong mahal ko ng dahil sa contract at saktan naman ang taong walang ibang ginawa saakin kung di mahalin ako ng
dahil din sa contract.
Madaming ibinigay na sakit saakin ang contract. Madaming luhang naibuhos. May mga pagkakataon pa nga na gusto
ko na itong punitin, o itapon sa basurahan eh.
Pero kung hindi dumating ang contract na to sa buhay ko. . .
. . . .wala rin ngayon si Stephen sa tabi ko.
Kaya kahit sobra akong nasaktan, di ko pinagsisisihan na tinaggap at pinapasok ko ang contract sa buhay ko.
“I love you Stephen” I gently whispered in his ears
He hugged me tightly “I love you too babes…”
The next morning sabay kaming pumasok ni Stephen sa school. Araw-araw kasi sinusundo niya ako sa bahay namin
at sabay kami pumapasok.
“nagyayaya si France mag starbucks mamaya, pupunta ba tayo Stephen?” tanong ko sa kanya
“sure babes not unless gusto mong mapagsolo tayong dalawa” he smirked
“naku tigil-tigilan mo nga ako” hinawakan ko yung braso niya “tara na nga sa classroom at baka ma-late na
tayo”
Naglakad na kami papunta sa classroom ng mapahinto naman siya sa bulletin board sa tabi ng dean’s office.
“babes, tignan mo to oh” may tinuro siya doon sa bulletin board “naghahanap sila ng mga ipapadalang
practicumer para mag training sa cruise ship for 3 years! Magandang experience to babes! Tara mag try
tayo”
“naku babes wala naman ako interes sa ganyan. Tsaka ang tagal naman, 3 years. Isa pa alam mo naman na
takot talaga ako sa dagat”
“pero sayang naman to” sabi niya saakin na mukhang hinayang na hinayang
“gusto mo ba?” tanong ko sa kanya
He smile at me then inakbayan niya ako “mas gusto ko na kasama ka. Kung wala ang babes ko, edi wag na
lang”
Napangiti naman ako sa sinabi niya tapos nun naglakad na kami papunta sa classroom.
That afternoon after class, dumiretso naman kami sa Starbucks na malapit dito sa university para i-meet sina France.
“ayan na ang naglalandiang couples!” sabi ni France pagkadating na pagkadating namin. Nagtawanan naman sila
doon. Umorder lang kami ni Stephen saglit then nakipag kwentuhan narin sa kanila.
Tinignan ko yung mga taong nasa harap ko. Magkatabi si Rence at Kryzel habang si Rence ay nakaakbay kay
Kryzel. Sa other side naman ay si Kuya Nico na kadadating lang sa photoshoot niya at si Yannie. Sa tabi namin ni
Stephen ay sina Jeanell at Drew. Ngayon ko lang napansin na bagay pala talaga silang dalawa. Hindi sila ganun ka
sweet pero yung simpleng ngitian nila ay nakakakilig na.
Tinignan ko yung nasa isa pang side namin ni Stephen, si France. Mag isa, walang kapartner, loner, lonely, kawawa,
kahabag habag at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Wahahahaha. Kasi naman kung sinasagot na niya si
Denny edi sana may katabi din siya ngayon XD
“France, pansin ko lang ikaw lang ang walang kapartner dito” sabi ko sa kanya
Tinignan naman niya kaming lahat at nanlaki yung mata niya “oh my betcha by golly wow! What’s the meaning of
this?!?!?!?! Maghiwa-hiwalay nga muna kayo!! Oh pakiusap pag magkakasama tayo mag break muna kayo!!!
Di na kayo naawalalu sa dyosa ng kagandahan na itey!!” T___T
“hahahaha eh kasi naman Francisco Juan, nandyan naman si Denny ayaw mo pa!” sabi ni Yannie
“oo nga! Masyado ka pang pakipot eh” – kryzel
“sus sa ganda ni Denny di makakatiis yang si France, susunggaban din niya yan” – Rence
“CHE MAGSITIGIL KAYO! Di aketchiwa nag me-making patol sa kauri ko! Babae siya dyosa akey! Di kami
talolalu!”
“ilang beses niya na ba sinabi to” – Nico
“pang ilang milyong beses na pre. Wala parin naniniwala sa kanya” – Drew
“magpakalalaki ka na kasi France” – Jeanell
“oo nga naman! Sus sayang ang feslaks!” – ako
“BAKIT BA GUSTO NIYA AKEY GAWING PAPABLE! ME NO PAPABLE!” T___T
Nagtawanan ang lahat. Eto kasing si France eh akala mo ginigisa na namin ng buhay XD
Napatingin naman ako kay Stephen at medyo nanibago naman ako kasi hindi siya nakikipagtawanan samantalang
dati siya ang nangungua sa asaran.
“ok ka lang ba?” bulong ko sa kanya “parang ang tahimik mo ata ngayon ah”
“uhmm babes” sabi saakin ni Stephen ng seryoso “ano kasi..”
“hmm?”
Bigla naman siya ngumiti “wala wala” sabi niya sabay inom ng kape
Hmmm bat ata parang pakiramdam ko may problema si Stephen?
The next morning sabay ulit kami pumasok ni Stephen. Nagsasalita naman siya ngayon at nakikipagkulitan pero
parang may something parin talaga sa kanya.
At narealize ko kung ano yun nung mapadaan ulit kami doon sa bulletin board.
Napansin kong napatingin ulit si Stephen doon sa announcement about sa training sa cruise ship then after that
nanahimik na ulit siya. Siguro gusting gusto niya talagang pumunta. Alam ko naman na madaling mapapasok si
Stephen doon eh kasi magaling talaga siya, pero kasi tatlong taon yun, masyadong matagal.
Ay ewan. Baka naman namisinterpret ko lang siya. Baka mamaya masama lang talaga ang pakiramdam niya.
“Stephen?”
“hmm?”
Hinawakan ko yung kamay niya “di mo ko iiwan di ba?”
Bigla naman siya ngumiti sa sinabi ko then he pulled me closer and kiss my forehead “oo naman babes. Bat naman
kita iiwan?”
“Wala lang” I put my arms around his waist then hugged him tighter “isang araw palang kasi na di kita makita
mamatay na ko sa sobrang pagkamiss sayo”
I heard him sigh “hindi ako pupunta sa isang lugar kung saan wala ang babes ko kasi ayokong malungkot
siya”
Inangat ko yung ulo ko “promise?”
He smile “promise”
“Mr. Cruz, go to the office, the Dean wants to talk to you” sabi nung professor namin right after nung subject
namin before lunc break.
“babes, una ka na muna sa cafeteria. Pag nagutom ka wag mo na ko antayin” sabi ni Stephen saakin
“sure”
Dumiretso na ako sa cafeteria para antayin si Stephen pero lumipas ang isang oras wala parin siya. Dahil 2 hours
lang ang break namin, naisipan kong umorder na ng makakain.
Bat kaya pinatawag ang isang yun? Wala naman sigurong ginawang kalokohan yun di ba? Siguro naman di siya
nahuling nakikipag PDA sa ibang babae habang nakatalikod ako =__= .. Pag yun ang dahilan makakatikim siya
saakin ng isang matinding flying kick to the part where it hurts the most =__=
Ay ano ba yang iniisip mo Naomi! Masyadong wild =__= Di naman gagawin ni Stephen yun no. Subukan niya lang
gawin, magpapaalam siya ng di oras sa mundong ibabaw. >__<
After a while, dumating narin si Stephen at naupo sa harapan ko
“ano nangyari? Bat ang tagal mo? Ano ang sinabi ni Dean?”
“ha? Ah wala. She just congratulated me dahil doon sa mga pictures na nakuhanan ko sa last event ng
college natin. Tinulungan ko narin siya mamili ng mga ilalagay sa bulletin board”
“ganun ba?”
“yep. Wait lang babes, bibili lang ako ng pagkain” tumayo na si Stephen at pumunta sa may counter kung saan
siya bibili ng pagkain.
Napa hinga naman ako ng malalim. Hay ano ba tong nararamdaman ko? Bat parang pakiramdam ko eh may tinatago
saakin si Stephen?
Hay kinakabahan ako.
Nung hapon, hindi muna sumabay si Stephen saakin pag uwi dahil kailangan pa niya dumaan sa staffer’s office pero
nagusap naman kami na mag me-meet sa Dairy queen na store malapit sa school. Umorder muna ako ng blizzard,
kitkat flavor, my favorite.
Kasalukuyan kong ineenjoy ang pagkain ng DQ ko ng may narinig akong di kanais-nais.
May dalawang babaeng nag chichismisan tungkol saamin ni Stephen. Nakaupo lang sila sa katabing table ko kaya
rinig na rinig ko though di nila ako nakikita kasi nakatalikod ako sa kanila.
“so talagang seryoso si Stephen doon sa girl na yun?”
“obvious ba te? 5 months na sila. Pero ang hirap paniwalaan kasi talagang babaero siya eh. Hay naalala ko
yung mga araw na jowa ko yun”
Grabe lang. Sarap iumpog ng ulo niya sa pader ng magka amnesia siya at di niya na maalala ang mga panahon na
yun. =__=
“ay ako din te! Nakakakilig! Infairness swerte nung babae ah! Eh ang sarap kaya humalik ni Stephen!
Hahaha”
Talagang swerte ako. Mamatay kayo sa inggit =__=
“pero si Stephen hindi swerte sa kanya, bad influence yung babae eh”
Bigla naman nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Bad influence?! Ako?! At kelan pa ko naging bad influence aber!
Pinag ka-cutting class ko ba si Stephen para makipag date sa kanya?! Pinupuyat ko ba siya gabi gabi?! Hindi ko ba
siya pinapaattend sa mga meetings nila?! Dinadala ko ba siya sa pulang building para mag *tooooooot* censored
censored?! Virgin pa ko no! =___= ..
Tong mga babaeng to! Napaka gandang impluwensya ko nga kay Stephen eh! Kung di niya ko nakilala edi forever
unggoy na siya! Di ba? Di ba?! =___=
“corrected by madam! Kung di dahil sa haliparot na yun edi sana ang ganda ganda ng future ni Stephen!”
Bigla akong natigilan. Future ni Stephen?
“oo nga! Napaka gandang opportunity na nung inalok ni Dean sa kanya eh! Papasakayin na siya sa cruise
ship para mag OJT pero tinanggihan niya dahil sa babaeng yun!”
“tumpak! Kawawa nga si Stephen, halatang hinayang na hinayang siya. Alam kong gustong gusto niyang
sumakay ng ship pero ayaw lang nung babae kaya wala siyang magawa. Tss kung ako kasi sa kanya dapat
din a niya pinapansin yung girl na yun”
“napaka bad influence talaga”
Di ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa mga narinig ko.
Inoffer ni dean yung OJT na yun kay Stephen pero tinanggihan niya ng dahil saakin? Aware ako na gusto talaga ni
Stephen na sumakay ng barko kaso… tatlong taon yun eh.. di ko kayang mahiwalay sa kanya ng ganung ka tagal.
Ang selfish ko na ba talaga?
Feeling ko tutulo ang luha ko any moment kaya tumayo na ako at lumabas. I just texted Stephen na sumakit ang
puson ko at mukhang magkakaroon ako kaya umuwi na ko. Pagkadating ko sa bahay, I turned off my cellphone at
sumalampak ako sa kama at doon nagiiyak.
3 years. Bakit sobrang tagal naman kasi? Isa pa graduating na kami at pag siya umalis di siya makaka attend ng
graduation ceremony. Tsaka isa pa, ilang buwan pa lang ako nagiging masaya kasama ni Stephen pero bakit ganun?
Bakit kailangang ilayo ulit siya saakin. But still…
Ang hirap mag decide. Para yun sa future ni Stephen eh. Napaka gandang opportunity yun para sa kanya. Alam
kong magaling si Stephen at may potential siya. . . . at di mapapansin ang potential niya kung itatali ko lang siya sa
tabi ko.
Kahit ako din naman, may mga bagay akong gustong gawin eh at sinusuportahan ako ng buong buo ni Stephen
doon.
Siguro ngayon siya naman ang dapat kong suportahan, kahit magiging mahirap ito sa part naming dalawa.
Ilang linggo ko din pinagisipan maigi yung tungkol sa OJT. Pero kada iisipin kong aalis si Stephen, hindi maalis sa
sarili ko ang masaktan. Minsan napapaluha na lang talaga ako. Kung pwede nga lang na samahan ko siya doon eh
kaso alam kong hindi. Wala doon ang lugar ko. Naghanap na rin kasi ako ng culinary school na pwedeng pasukan ko
after graduation tutal pumayag naman na sina papa na mag aral ulit ako ng isa pang taon bago mag trabaho.
Saturday ngayon at walang pasok. Simpleng tambay lang ako sa unit ni Stephen. Nag volunteer ako na ako naman
ngayon ang mag luluto.
Ulam for today: adobong manok.
Nag hihiwa ako ngayon ng sibuyas para pang gisa ng bigla naman sumilip si Stephen sa kitchen
“babes ayos ka lang diyan?” tanong niya
“oo naman babes! Chupi ka na, ako na bahala dito”
Ibinalik ko na ang tingin ko doon sa sibuyas ng magulat ako dahil biglang sumigaw si Stephen.
“Babes!” lumapit siya saakin at inagaw ang kutsilyo sa kamay ko “di ganyan ang tamang pag hihiwa, mamaya
masugatan ka pa. dapat itago mo mga daliri mo para di tatama” dinemonstrate naman niya saakin “ganito
babes, ipwesto mo ng ganito ang daliri mo para ramdam mo yung kutsilyo sa may buto mo at ng di dumulas.
Mamaya masira pa ang maganda mong kamay”
Napangiti naman ako bigla “sorry po Chef Stephen”
“naku ikaw talaga. Maupo ka na nga lang doon at ako na magtutuloy nito.”
Sinunod ko naman si Stephen at naupo na lang ako sa dining room habang pinapanuod ko siya mag luto.
Nasabi ko na ba sa inyo na mas naiinlove ako sa gwapong nilalang na to pag pinapanood ko mag luto? Feeling ko
mag asawa na kami eh.
Napahinga ako ng malalim. Ayan nalungkot tuloy ako bigla, naalala ko na naman yung OJT na yun.
“Stephen, nakahanap na ako ng culinary school na papasukan ko after ng graduation. Maganda naman siya
and reasonable ang tuition. Tsaka may magandang reputation yung school, madalas kasi sila nananalo sa
mga competitions”
“Really? That’s nice babes! Galingan mo ha? Basta lagi lang ako nandito”
I smile at him “thank you Stephen. Ikaw? Anong plano mo after graduation?”
Bigla naman siyang natigilan “ang totoo niyan wala pa kong naiisip eh. Maybe I should try applying to hotels or
fine dining restaurant. O baka mag culinary din ako. Bahala na si batman, basta kasama kita ok na ko” he
gave me a smile then lumapit siya doon sa table na kinauupuan ko at inilapag yung niluto niyang adobo at rice.
“chicken adobo for my love. Try it” sabi niya
I get a spoonful then tinikman ko and as usual, masarap siya.
“ano? Masarap ba?”
Tinignan ko si Stephen “hindi. Ang panget ng lasa!” inilayo ko yung plate ko “ano ba yan Stephen, bat ganyan
yan?” =__=
“ha?” tinikman niya yung adobo “masarap naman babes eh!” T__T
“hindi kaya! Naku kailangan mo pang mas mag aral ng mapagluto mo naman ako ng masarap!”tinignan ko si
Stephen ng seryoso “tatlong taon lang naman di ba? Babalik ka naman di ba?”
“N-nami…?”
“basta mangako ka lang saakin na babalikan mo ko” bago ko pa mapigilan ang sarili ko, my voice broke “mmagiging
o-ok ako”
Tumayo si Stephen at niyakap ako “babes ano ka ba! Di kita iiwan!”
“no Stephen, you should go. Alam kong gusto mong pumunta doon eh. Magandang opportunity yun at dapat
di mo pinapalagpas ng dahil saakin lang. Mahal na mahal na mahal kita pero siguro nga bata pa tayo
masyado para itali natin ang mga sarili natin sa isa’t isa. Meron pang mga bagay na mas mahalaga ang dapat
natin intindihin..”
“pero babes…”
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Stephen and tried my best to give him a sincere smile “I’ll be ok, I promise”
Niyakap ako ng mahigpit ni Stephen “thank you babes, thank you. I promise babalik ako. Magaantay ka sakin di
ba?”
“oo naman, aantayin kita kaya dapat balikan mo ko”
Buong mag hapon, nakayakap lang kami ni Stephen sa isa’t isa. Walang nagsasalita o umiimik.
May ilang buwan pa na natitira bago siya umalis, pero ngayon pa lang nilulubos ko na ang araw na kasama ko siya.
Kinabukasan, sinimulan na nilang lahat ayusin ang mga papeles na kailangan ni Stephen para makaalis. Nag SOLAS
training narin siya for 3 days. Araw-araw magkasama kaming dalawa. Every class lagi kaming kumakain ng dinner sa
labas. Every weekends naman, kung hindi siya dumadalaw sa bahay or pumupunta ako sa unit niya, lumalabas kami.
Ikot ikot lang sa mall, minsan nagpupunta kami sa Star City. Walang nag bi-bring up ng topic about sa pag alis niya.
Pero nararamdaman ko na pinipilit ni Stephen na pasayahin ako at sinusulit niya yung mga araw na magkasama
kami.
Inaamin ko minsan umiiyak parin ako. Minsan nga iniisip ko na bawiin na kay Stephen ang sinabi ko at magmakaawa
sa kanya na wag ng umalis. Ilang beses ng pumasok sa isip ko ang magpaka selfish, pero di ko ginawa. Siguro sa
dahilang sobrang mahal ko ang lalaking to na ang gusto kong mangyari eh maging masaya siya.
“hay ang hirap pala! Di pa siya umaalis pero namimiss ko na siya” nasabi ko one time kay Kryzel nung
sinamahan niya akong antayin si Stephen na kasalukuyang nasa orientation para sa mga ipapadala sa cruise ship.
“ano ka ba best, maikli lang ang tatlong taon maniwala ka”
“mahaba yun para sa taong nagaantay” :(
“wag ka ngang nega no! edi magpaka busy ka! Papasok ka sa culinary school di ba? Then do your best para
gumaling sa pagluluto. Try mong sumali sa iba’t ibang competition. Kung gusto mo, lumandi ka habang wala
ang boyplen mo!”
“lukaret! Di ko magagawang magtaksil doon no!” =__=
“joke lang syempre. Pero di masamang magka crush! Hahahaha”
“che magtigil ka nga!” I sigh “hay buhay parang life”
“naku best tantanan mo na pagmumukmok ok?” hinawakan niya ang kamay ko “alam ko naman na gagawa si
Stephen ng paraan para makipag communicate sayo eh. Tsaka syempre di ka naman namin pababayaan.
Gagawa kami ng paraan para di ka malungkot”
I smile “thank you best”
Mabilis lumipas ang araw. Kung dati buwan ang binibilang namin sa pag alis ni Stephen, ngayon oras na lang…
“13 hours” bulong ko kay Stephen habang yakap yakap niya ako sa may seaside at inaabangan namin ang sunset.
“ano ka ba babes, wag mo nga bilangin ang oras, nalulungkot ako eh” mas hinigpitan ni Stephen ang yakap
niya saakin
“Stephen, di ka mambabae doon di ba?”
I heared him chuckled “kahit maghubad pa sila sa harap ko, di ako titingin sa kanila”
“siguraduhin mo lang kung hindi ipapaiwan kita sa Antartica para kainin ka ng mga polar bears doon” =__=
He pinched my nose “ikaw din babes ah? Wag kang manlalaki!”
“sabi ni best ok lang daw magka crush”
“o sige, basta crush lang ha? Bawal kang kiligin, bawal kang lumandi, bawal mo siyang ngitian, at mas
lalong bawal mo siya kausapin” =___=
Natawa naman ako sa sinabi ni Stephen “opo boss”
Humiwalay si Stephen sa pagkakayakap saakin then tinignan niya ako sa mata
“alam mo ba na memorable ang lugar na to para saakin? Dito kasi sa lugar na to una kong naamin sa sarili
ko na mahal kita”
Napangiti ako. Makakalimutan ko ba naman yun?
Flashback
(chapter 24.2)
“minahal ko si Alyana bilang kapatid hindi yung katulad nung romantic feelings na nararamdaman mo
saakin. ” tinignan ko siya ng masama. Hmpf! Kayabangan “at kung tatanungin mo ako kung minahal ako ni
Alyana, hindi rin, kasi may boyfriend siya nung mga panahon na yun. Kaso !@#$ nung lalaki iniwan siya eh.
Sumugod saakin si Alyana nun at nagiiyak. Ako naman hindi ko alam ang encouraging word na sasabihin ko.
Sabi ko na lang sa kanya ‘wag ka na kasi mag mahal. Manloko ka na lang tulad ko. Tignan mo, enjoy na hindi
ka pa masasaktan’”
Bigla ko naman binatukan si Stephen “hoy lalaki!!! Grabeng advice yan ha!! Napaka good influence!!! ”
Hinimas niya yung likod ng ulo niya “ay grabe ka babes! Galit na galit ka ah! Kala ko matatanggal ang ulo ko!!”
Tinignan ko ulit siya ng masama “eh loko loko ka eh!! Paano na lang kung naimpluwensyahan mo si Yannie
ha?!”
“wag ka magalala nakatanggap din ako ng batok sa kanya nun! Sabi pa nga niya pag ako daw nagmahal
mararamdaman ko din kung gaano kasakit, at the same time kung gaano kasarap sa pakiramdam ang
nagmamahal. Syempre tinawanan ko lang siya at sinabing hindi ako marunong magmahal” tumingin si
Stephen saakin at nagulat naman ako dahil bigla na lang siyang pumunta sa harapan ko at inilapit ang mukha niya sa
mukha ko “kaso ngayon pakiramdam ko kinain ko na lahat ng sinabi ko” sabi niya saakin ng seryosong seryoso
“S-stephen?”
Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako gumalawa sa pagaakalang nagbibiro na naman siya.
Tinignan ko lang siya sa mata at kitang kita ko na seryosong seryoso siya. Nagulat ako ng biglang pumikit si Stephen
kaya napapikit din ako. Unti-unti, dahan-dahan, nag dampi ang labi namin dalawa.
Bigla kaming naghiwalay dalawa at napatitig na lang sa mukha ng isa’t isa. Pareho naming hindi alam kung paano
magrereact, pareho kaming natulala sa nangyari habang nakatingin parin sa mata ng isa’t isa.
And again, ininvade na naman ng mga pesteng karpintero ang puso ko.
End of flashback
“babes” may kinuha siya sa bulsa niya at inilabas ang dalawang kwintas. Eto yung kwintas na binigay saakin ni
Stephen nung naging kami din dati. Pero ang pagkakatanda ko eh naiwala ko na yung pair saakin, paano napunta sa
kanya to?
“teka paano napunta sayo yan?”
He just smiled and ignored my question “I think it’s about time para ibalik ko na to sayo”
Kinuha niya yung necklace na may gold na pendant then isinuot niya ito saakin. Pagkasuot niya saakin, he hugged
me then gently whispered at my ears
“today, I’ll make a vow to this very special girl in front of me whom I really love deeply” hinigpitan ni Stephen
ang pagkakayakap saakin “Naomi Mikael Perez, I promise that what ever happened, babalik ako sayo. Tatlong
taon lang ako mawawala, pero pag nakabalik na ko, pangako, hinding hindi na kita iiwan hanggang sa araw
na mamatay ako. Pangako di ako titingin sa ibang babae, di kita lolokohin, at gagawin ko ang lahat na kahit
magkalayo tayo, lagi tayong may communication. At pangako, lahat ng sinabi ko ngayon sayo, tutuparin ko”
Hindi ako makapag salita sa mga sinabi ni Stephen. Those words are just so touching na kahit ako, di namalayan na
may tumutulong luha nap ala sa mga mata ko.
God, why did you gave me this guy? I feel so blessed.
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Stephen at isinuot ko rin sa kanya yung kwintas niya at ginaya ko ang ginawa
niya. I hugged him tight and gently whispered to his ears
“Stephen Cruz, kahit malayo ka saakin, I promise I’ll behave. Susundin ko ang mga kuya ko, di ako
magpapasaway at mas lalong di kita ipagpapalit kahit na ligawan pa ko ni John Loyd Cruz or kahit haranahin
pa ko ni Jake Vargas” I heared him chuckled “I promise, hihintayin kita kahit gaanong katagal at hindi ako
mawawalan ng pagasa mag antay sayo kasi naniniwala akong tutuparin mo lahat ng pangako mo saakin”
Humiwalay si Stephen sa pagkakayakap then pinunasan niya ang mga luha sa mata ko “syempre di ko hahayaang
maiwan ka dito ng walang kasama”
“ha?”
“wait babes may kukunin lang ako” bumaba si Stephen at pumunta sa parking lot. After a few minutes bumalik
siya ng may dala-dalang isang life size na putting teddy bear
“babes, meet our anak, si Timi”
Kinuha ko yung teddy bear at hinug to “ang cute nito Stephen! Salamat! Haha bakit naman Timi?”
“Stephen and Nami” iniharap ni Stephen si Timi sa kanya “Timi, take good care of your mom for me ok? May
pagka burara kasi yan at careless kaya lagi mong babantayan ha?”
Natawa naman ako kay Stephen then hinug ko siya “thank you Stephen, for making me happy”
“mas masaya ako pag nakikita kong masaya ang babes ko” humiwalay siya saakin then tinignan niya ako sa
mata “I love you, babes”
“I love you too, babes”
“wait for me ok?”
“I will”
Inilapit niya ang mukha niya saakin at dahan-dahang inilapat ang labi nito sa labi ko…
….kasabay ng paglubog ng araw
Epilogue
(After 3 years)
[Naomi’s POV]
All I hear is raindrop
Falling from the rooftop
Oh baby tell me why you have to go
Coz this pain I feel it won’t go away
And today, I’m officially missing you..
“Chef Naomi mag break ka muna, ako na bahala dito”
“sige, medyo gutom narin ako eh”
Tinanggal ko yung apron at toque ko then lumabas na ko ng kitchen. Pagka labas na pagka labas ko, agad ko naman
kinuha ang cellphone ko to check kung may nag text.
No messages
*sigh*
It’s been three years simula nung umalis si Stephen. Yung nasa seaside kami at nagpalitan ng vows, yun na ang last
na pagkikita namin. Hindi ko na siya inihatid nun sa airport sa kadahilanang ayokong titigan ang likod niya habang
naglalakad siya palayo saakin.
Inaamin ko, nahirapan ako ng husto nung una. Isang linggo pa lang ang nakakalipas, halos mabaliw na ko sa
sobrang pagkamiss ko sa kanya. Ang hirap pala mahiwalay sa taong mahal mo lalo na kung nakasanayan mong
nandiyan siya palagi sa tabi mo. Halos di ako makakain nun, di rin ako halos lumalabas ng kwarto. Kada pumapasok
ako mag isa sa school, di ko mapigilan ang mapaluha. May mga times din na nagpupunta ako sa unit ni Stephen.
Ibinigay niya kasi saakin yung susi nun. Nandun lang ako, nakahiga sa kama niya. At pag feeling ko bibigay na talaga
ako, niyayakap ko si Timi habang inaalala lahat ng pangakong binitawan ni Stephen.
Pero siguro mas mahihirapan ako kung wala akong pamliya at mga kaibigan na tulad nila. Ang mga kuya ko pati
narin si mama at papa, ginagawa nila ang lahat para wag ako malungkot. Sina Kryzel naman, madalas akong
niyayaya sa galaan para iwas ang pagmumukmok. Eventually, nakasanayan ko na rin na wala siya, though yung
pagka miss ko ng sobra sa kanya, hindi nawala.
A few months after ng pag alis ni Stephen, grumaduate narin kami. Iyak ako ng iyak nung graduation day hindi dahil
masaya akong grumaduate kundi nalulungkot ako dahil di ko kasabay nag martsa ang taong mahal ko. Right after
graduation, tinuloy ko ang plano kong pag pasok sa culinary school, and like what Kryzel said, pinag igihan ko talaga
ng husto. I’ve join a lot of competition, won in different categories, and luckily, kinuha ako ng isang 5 star hotel bilang
pastry chef nila right after I graduate culinary. Dito din sa hotel na to nagtatrabaho si Kryzel as a receptionist/Front
office staff. Si Rence naman, siya na ang bar manager ng bistro nila Kryzel. Sometimes he flairs in different hotels
and bars and they pay him big. Tumatalent fee na ang loko XD. Si Alyana naman, nagtatrabaho narin doon sa beauty
shop ng family niya. Sikat na make-up artist kasi ang mom niya. At si France naman, busy humanap ng papa.
Walang trabaho =__= hahaha syempre joke lang yun. Sosyal ang bruha eh, nag training sa Singapore ng 3 months
then pagbalik dito sa Pinas, ayun pinag agawan ng mga hospitals dito para magtrabaho.
Si Drew and Jeanell? Sila parin hanggang ngayon. At kahit anong gawin nilang dalawa, di sila mapaghiwalay. Pareho
silang nagtatrabaho sa PAL as Steward/Stewardess.
Madalang na lang kami magkita kita dahil busy sa mga trabaho namin. Pero atleast twice a month, nagkakaroon
kami ng bonding time.
Kaso kulang palagi ng isa. . .
. . . .wala yung mundo ko.
Ano na ba nangyari kay Stephen? Madalas siya makipag communicate saamin. Everyday lagi siyang nagpapadala
ng message para saakin. Minsan pinapadalhan niya kami ng mga pictures sa iba’t ibang bansa na napuntahan niya.
Halata namang nag eenjoy ng maigi si Stephen sa work niya. Kaya lang…
Inaasahan namin 2 months ago, uuwi na siya kaya lang naka receive kami ng message na galing sa kanya na madedelay
ang uwi niya for we don’t know how long. After that, yun na ang huling message niya saamin. 2 months na
siyang di nagpaparamdam at talagang natatakot na ko sa possibility na pwedeng nangyari sa kanya.
O baka naman nakahanap na siya ng iba
*sigh*
Miss na miss na kita Stephen. Sana kahit isang message manlang padalhan mo ko. :(
“best!!” nakita ko si Kryzel na naglalakad papalapit saakin “mag lu-lunch ka na?”
“oo best, ikaw?”
“yep, sabay na tayo”
Naglakad kami ni best papuntang cafeteria. Ako naman, maya’t maya tumitingin sa cellphone ko, nagbabakasakaling
mag message si Stephen
“di parin ba siya nagpaparamdam?” tanong ni best saakin
“hindi parin eh. Nagaalala na talaga ako”
“ano ka ba best! Wag nega! May mga times talaga na nawawalan ng signal sa barko”
“pero kasi..”
“hay naku, change topic na nga! Balita ko magkakaroon daw kayo ng bagong head chef ah? At gwapo!”
“oo nga sabi nila, di ko pa nakikita eh”
“naku te pagkakataon mo na lumandi!”
“tse loyal ako no!” =__=
“hahaha to naman di na mabiro”
Tumingin ako kay Kryzel “pero gwapo ba talaga?”
Bigla niya akong sinapok “kala ko ba loyal ka?!”
“Aray ko naman! To naman di na mabiro” =___=
After ng lunch break, bumalik na kami ni Kryzel sa work. Pagka dating ko sa kitchen, sinalubong naman ako ng order
“Chef Naomi ikaw na gumawa nung Mudpie cake na order” sabi nung head chef namin
“sure chef, paano pong plating gagawin ko?”
“it’s up to you. Gandahan mo, VIP ang umorder”
“copy!”
Kinuha ko yung mudpie cake na pinrepare ko kanina sa fridge at inumpisahang iplating. Buti na lang pala at naisipan
ko na mag prepare nito kanina kundi yari ako. Ang tagal pa naman gawin to =__=
Nung contented na ko sa itsura nung mudpie ko, ibinigay ko na doon sa server na maghahatid sa guest nito. After
that, tumulong narin ako sa pag pe-prepare ng desserts para sa function ngayon.
Maya-maya lang, nabigla kaming lahat ng pumasok sa kitchen yung restaurant manager ng isang fine dining dito sa
hotel.
“Excuse me, may I know who’s the pastry chef who made the mudpie cake awhile ago?”
“a-ako po ma’am”
“Chef Naomi, please come with me in the office” sabi nung manager ng seryosong seryoso
They gave me a worried look as I removed my apron. Kahit ako kinakabahan sa nangyari. Tofu ano kayang problema
doon sa mudpie cake ko? Baka mamaya niyan may nakitang ipis, o daga, o hibla ng buhok, o kuko, o ngipin, o butiki,
o mata, o ilong, o crocodile sa loob nun T___T . Pero impossible naman yun eh. I always make sure na sanitize lahat
ng ginagamit ko, maging ang sarili ko kada nasa kitchen ako. Lagi pa nga ako naka gloves eh =__=
Baka naman panget lasa? Pero tinikman ko naman yun eh! Naka tatlong tasa pa nga ako nun. Oo ganun ako
tumikim, wag umepal =__= .. O baka naman allergic sa ice cream si VIP guest kaya ganun? Eh aanga-anga pala
siya. Oorder order ng mudpie cake, allergic sa ice cream. Di ba niya alam na ice cream cake yun?! >___<
“take a sit Chef Naomi” naupo ako doon sa chair opposite ng table niya habang nanginginig ang tuhod ko
“Chef Naomi—“
“terminated na po ba ko? Sorry po! Di ko talaga kasalanan! Sorry po! Wag na kayo magalit! Wag niyo na ko iterminate!
Huhuhuhuh” T____T
“huh? Sino naman nag sabi na ite-terminate kita?” takang takang tanong niya
Napaangat ang ulo ko “ay ganun po ba? Hehehehe sorry, OA lang” XD
“hay naku Chef! In fact gusto kita icongratulate! Alam mo bang natuwa ng husto yung VIP guest natin dahil
sa pagkakagawa at pagkaka plating mo nung order niya? He’s really impressed. And gusto niyang ikaw ang
gumawa ng cake sa engagement party niya. He’ll pay you big”
“t-talaga po? A-ako? As in ako po? Di po ba kayo nagkakamali? Ako talaga?” O___O
“oo ikaw nga, paulit ulit” =__=
“huwaaaaaaaaaaaaaaaa!” Napayakap ako sa restaurant manager namin “thank you ma’am! Thank you! Thank
you!”
That afternoon, agad akong sumugod sa unit ni Stephen at nagtingin tingin nung mga recipe book niya doon.
Nagtingin tingin ako ng design ng fondant cake na pwedeng gawin and at last nakahanap din ako ng maganda. Royal
Masquerade ang theme nung engagement party, itinugma ko doon yung design. Buti na lang at may mga gamit dito
sa condo niya kaya nakapag practice ako.
Pinag puyatan ko talaga ang pag gawa nung cake kaya nung makita kong successful ang gawa ko, napangiti ako.
Sana magustuhan to nung VIP na guest. Pinicturan ko to at plano ko ipakita doon sa head chef namin para
makakuha ng advice kung eto na ba ang gagawin ko o hindi.
After that, nakaramdam na ko ng pagod kaya nahiga ako sa bed ni Stephen. I texted my dad na ginabi ako sa pag
papractice dito sa unit ni Stephen kaya dito na muna ako matutulog.
Ipinatong ko yung braso sa mata ko at pumikit ako
“babes, kumain ka na, pinagluto kita”
Napabangon ako ng marinig ko ang boses na yun
“Stephen?”
“sizzling milk fish with diced tomato and a love of Stephen. Enjoy babes”
Bigla naman akong napahagulgol ng iyak.
Imagination. It is all in my imagination.
Naalala ko yung mga times na pinagluluto ako ni Stephen. naalala ko yung mga yakap niya, yung mga halik niya,
yung boses niya, at yung napaka ganda niyang ngiti.
Kelan ko ba ulit yun makikita? Kelan ko ba ulit siya makakasama?
Sabi niya 3 years lang eh. More than 3 years na ko nagaantay. Hindi pa siya nagpaparamdam saakin. Gustong gusto
ko na siya makita.
I grab my cellphone and texted him
“Stephen, maawa ka, miss na miss na kita. Balikan mo na ko please? :( “
After I send the message inihagis ko ang cellphone ko at niyakap si Timi. Alam ko hindi siya magrereply saakin pero
bakit umaasa parin ako?
Nakalimutan na ba talaga ako ni Stephen?
After that night, I tried my best para i-occupied yung isip ko. Nagpaka busy ako sa work. Ilang Linggo ko rin pinag
handaan yung cake na gagawin ko. Ayokong mapahiya doon sa VIP guest namin kaya talagang pinag igihan ko.
Pero kada may pupuri ng gawa ko, di ko maiwasang magisip na sana nakikita din lahat ng to ni Stephen. Sana
nandiyan siya para purihin ako.
Ay anak ng pagong naman oh!!!!!!!!! PAG NAGPAKITA SAAKIN SI STEPHEN MAPAPASLANG KO SIYA T___T
Dumating ang araw nung engagement party. A day before pa lang, sinimulan ko na gumawa ng 5 feet fondant cake.
Sosyal naman kasing engagement party na to eh, engagement pa lang, may malaking cake na agad. Paano pa kaya
kung wedding na nila? Siguro napaka yaman ng couples na to. Balita ko pa nga invited pa yung sikat na band na
Syntax Error. Mwahahahaha sisilip ako mamaya sa events place! Gusto ko makita ang syntax error.
Few hours before the event, nag set up na kami doon. Syempre inilagay nila yung cake na ginawa ko kung saan kita
ng madaming tao. Maya-maya lang pinabalik na nila kami sa kitchen pero dahil dakilang pasway ako, nag stay muna
ako doon para panuorin yung Syntax Error.
Dahil nga royal masquerade yung theme, puro nakamaskara yung mga guests. Sabi nila, right after kumanta ng SE
magpapakita yung couple. Doon magaganap ang engagement party. Pero sa ngayon, walang nakakaalam kung
nasaan ang couple.
Mga mayayaman talaga oh. Engagement party lang dami ng kaartehan sa katawan =__=
Maya-maya lang din umakyat na ang Syntax Error sa stage.
Huwaaaaaaaaaaaaa ang gugwapo nila! Ang gwapo ni Sync, ni Mirko at ni Zeke at ang ganda ganda naman ni
Corrine! Ang sarap nilang kidnapin lahat! Sana makapag papicture ako mamaya kasama sila! :3
After ilang announcement chuchu ni Sync, yung leader ng band nila., tumugtog na rin sila
(Vulnerable by Secondhand Serenade)
“~Share with me the blankets that you're wrapped in
Because it's cold outside (cold outside) it's cold outside~”
Haaaaaay ang ganda talaga ng boses ni Sync
“I’ll marry papa Sync na talaga! He is so gwapo!”
Napalingon ako doon sa nagsalita. Familiar ang boses eh. At hindi nga ako nagkamali, si France nga yun
“huy bakla ano ginagawa mo dito?! Invited ka!”
“hi atiiiiiii!”
Napatingin ako sa mga kasama ni France at nagulat naman ako dahil nandito rin sina Rence, Drew, Jeanell, Yannie,
kuya Nico at si Kryzel, pati narin si Denny
“sinabihan kami ni Denny na kakanta ang Syntax Error dito kaya napasugod kami”pagpapaliwanag ni Rence
“mga gate crashers =__=”
“naku te ok lang yun, binigyan ko sila ng pass” sabi ni Denny. Siya kasi ang producer ng Syntax Error
Napatingin ako sa kanila at doon ko lang napansin…
Si Rence nakaakbay kay Kryzel, si Drew naman hawak ang kamay ni Jeanell. Si kuya Nico naka hawak sa waist ni
Yannie. At si France…
…nakapulupot ang braso ni Denny sa braso ni France at di manlang nagrereact si France?! O_____O wait wait ano
ibig sabihin nito?!
Huwaaaaaaaaaa
Don’t tell me natibo na ang bakla?! O___________O
Pero pero…
Lahat sila may partner ako lang wala! T___T kahit si France may partner oh!! Huhuhuhuhuhuhu
Naiinggit ako >____<
“hay naku dennylalu you is make lakad to me one of the boys in SE! gusto ko sila maging boyfriend!”
“gaga! Di pwede! Ayoko ibugaw ang mga alaga ko =__= kasi naman papa France akin ka lang!”
“hmpf” inirapan ni France si Denny pero di parin niya inalis ang pagkakapulupot nito sa braso niya.
Confirmed, natibo na talaga ang bakla sa alindog ni Denny =__=
“who wants to sing with us?”
Napabalik ang attention ko sa SE ng magsalita si Sync sa mic. Tapos na pala silang kumanta. Ayan tuloy di ko
napakinggan. Dinistract kasi nila ko =__=
Nagulat naman ako ng magsisisigaw doon si France “SIYA PAPA SYNC! SIYA! SIYA! SHE WILL SINGLALU WITH
YOU!!” sabi niya habang tinuturo ako
Ay anak ng---
“huy France ano ba nakakahiya!!!”
“go best!!! Whooo!”
“kaya mo yan kapatid!!”
Pinagtutulak naman ako ng mga kasama ko doon sa stage kaya wala na kong nagawa kundi ang umakyat. Ampupu,
patay ako nito sa restaurant manager namin. Mahuhuli pa akong nanunuod dito =___=
“hi beautiful lady, may I know your name?” tanong ni Sync saakin.. huwaaaaa ang gwapo niya O///O
“N-naomi”
“Ms. Naomi! What a nice name. so kaano ano mo yung couple na i-e-engage?”
“h-ha? Ahm a-ako yung gumawa nung cake nila”
“oh so ikaw pala yung magaling na chef na gumawa! Nice work!”
“hehe thanks”
“so are you ready to sing with us?”
“uhmm y-yes!”
Nag start na silang tumugtog and antofu, sa dinami dami pa ng kanta, bakit eto pa?
“I always needed time on my own
I never thought I'd need you there when I cry”
Napahinga ako ng malalim habang kumakanta. Sana nga lang hindi nila ito napansin.
Kaasar naman eh bakit sa dinami dami ito pa? umpisa pa lang tinatamaan na ko.
Naalala ko tuloy yung times na tinataboy ko si Stephen. Ngayon na wala siya sa tabi ko, I feel so empty
“And the days feel like years when I'm alone
And the bed where you lie is made up on your side”
Sa mahigit tatlong taon na pag aantay, pakiramdam ko ilang dekada ang inantay ko. Pero hanggang kailan pa ba ko
magaantay? Gaano pa ba katagal? Sobra na ko nangungulila sa kanya to the point na feeling ko, isang araw, di ko
nakakayanin ang sakit. Baka bumigay na ako.
“When you walk away I count the steps that you take
Do you see how much I need you right now”
Napahinga ulit ako ng malalim.
Stephen, kailangan kita. Balikan mo na ko.
“When you're gone
The pieces of my heart are missing you
When you're gone
The face I came to know is missing too
When you're gone
The words I need to hear to always get me through the day and make it ok”
Napapikit ako dahil pakiramdam ko tutulo ang luha sa mata ko.
“I miss you”
Pina cut ko agad yung kanta dahil ayoko ng kantahin pa yung mga susunod na lyrics dahil alam ko, any moment
tutulo na ang luha ko.
“alright you’ve got a great voice Naomi, thank you for singing with us!”
I gave them my most sincere smile “thank you din”
Bumaba na ko ng stage at naglakad palayo. May iba pang sinabi si Sync pero di ko na naintindihan. Ang alam ko
lang, pabagsak na ang luha sa mata ko at kailangan ko na makalayo dito.
Pero napahinto ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun na kumakanta.
Napatingin ulit ako sa stage.
“I was alone not long ago
Without a love to call my own.
I was afraid and thought
It wasn't meant for me.”
Isang lalaking naka mask ang kumakanta sa stage. Pero kahit naka mask siya, ang boses na yun, kilalang kilala ko
ang boses na yun.
“I didn't need anybody else
That was what I would tell myself.
And I believed that that was how it would be.”
Naglakad ako palapit sa stage habang nakatitig doon sa lalaking kumakanta. Napansin kong yung mga mata niya,
nakatitig din saakin.
“I used to think that I was fine.
Oh, that I was doing ok.
I didn't know that I was blind.
I just went on along my way”
Bumaba yung lalaki sa stage at nilapitan ako habang yung mga tingin niya, ipinako niya saakin.
“I didn't know what I was missing
'Til I felt you tender lips
Kissing my fears away.”
He touched my face then he smile. He put his arms around my waist, pulling me closer to him, then pinagdikit niya
ang mga noo namin as he sing the song
“I'm so glad you're here today.”
Napangiti din ako at feeling ko sasabog ang puso ko sa sobrang sayang nararamdaman ko. Para bang nawala lahat
ng tao dito sa paligid namin at nakikita ko lang ay kaming dalawa ng lalaking ito.
Ng lalaking pinakamamahal ko.
Sinabayan ko siya sa pagkanta
“I never had somebody I could lean on.
I never had a shoulder I could cry on
'Til I found you babe -
'Til I found you.
And I never had somebody I would think about.
I Never had someone I coudln't do without
'Til I found you babe -
'Til I found you”
Ibinigay niya saakin yung mic at ako ang nagpatuloy kumanta habang yakap yakap niya ako at nag i-slow dance
kami.
“I had been badly hurt before.
Eversince then, I would ignore
Any chance for love -
I thought it was a lie.
I learned to realy on myself
And I thought that I was doin' well
Until you came with something
I just can't deny”
Rinig na rinig ko ang mga hiyawan ng mga tao. Siguro yung iba sa kanila nagtataka na kung sino ako at anong
ginagawa ko dito. Bakit ako nakikikanta sa lalaking ito na isa sa mga guest. Kahit ako nagtataka kung ano ang
ginagawa niya dito pero wala akong pakielam.
Ang mahalaga kayakap ko siya.
“I used to think that I was fine oh,
I was doing alright.
I would go on and do my thing”
Sa sobrang sayang nararamdaman ko, hindi ko namalayan na may tumutulong luha na pala sa mata ko.
“Everyday and every night.
I didn't know what I was missin'
'Til i felt your tender love
Fillin' me up inside.
I love you with all my might.”
Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin then he gently brushed my tears away at hinalikan ako sa noo. Then
sinabayan niya ulit ako sa pag kanta.
“I never had somebody I could lean on.
I never had a shoulder I could cry on
'Til I found you babe -
'Til I found you.
And I never had somebody I would think about.
I Never had someone I coudln't do without
'Til I found you babe -
'Til I found you”
After ng kanta, medyo dumistansya siya saakin then he gently removes his mask. Aware ako kung sino siya pero
bakit nung hinubad niya ang maskara nagulat parin ako?
“I miss you babes”
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, napahagulgol na ako ng iyak.
“S-stephen.. s-stephen..”
Niyakap niya ako ng mahigpit
“sorry kung pinag alala kita, but it’s a part of the surprise”
“n-nakakainis ka!!”
I heared him chuckled then humiwalay ulit siya saakin then he brushed my tears away.
“Nami, alam ko matagal tayong hindi nagkita, but I just want you to know na tinupad ko lahat ng pinangako
ko sayo. Mula umpisa hanggang sa huli, ikaw lang ang nagiisa” hinawakan niya ang kamay ko “hindi ko alam
kung masyado pang maaga para dito, pero buo na ang desisyon ko”nabigla ako ng lumuhod si Stephen sa
harapan ko at may inilabas siyang maliit na box mula sa bulsa niya. Sa loob nito ay isang singsing
“Naomi Mikael Perez, will you marry me?”
Mas lalo akong napahagulgol ng iyak. Halos hindi na ko makapag salita sa sobrang daming emosyon na gustong
lumabas. Isa lang ang word na nabigkas ko
“yes”
Tumayo si Stephen at niyakap ako
“alam mo bang grabe mo kong pinasaya ngayon?” bulong niya saakin habang nararamdaman kong paiyak narin
siya “mahal na mahal na mahal na mahal kita Nami”
“mahal na mahal din kita Stephen”
Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Napatingin naman kami sa kanila, then sabay sabay
nilang inalis ang mga masks nila.
Magkahalong saya at pagkagulat naman ang naramdaman ko.
Sa likod ng mga maskara na yun, ay ang mga taong mahahalaga saamin. Si Mama, si papa, ang mga kuya ko, ang
family ni Stephen, ang mga kaibigan namin, malalapit na kamag anak. Lahat sila masayang nakatingin saamin.
“this engagement party is for the two of us babes” bulong ni Stephen “nakauwi na ko dito 2 months ago pero
nag decide ako na wag munang magpakita at magparamdam sayo dahil dito. Inasikaso ko lahat ng
to” niyakap ulit ako “but I must say, your mudpie cake is the best”
Medyo napatawa naman ako doon “salamat Stephen salamat”
“tuloy ang wedding ha?”
“tuloy na tuloy”
He pulled me closer to him and started kissing me
***
“Love the Cassanova” Operation
10 things to do to love the Casanova’
1. Make him notice you.
2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet
3. Make him ask you on a date
4. Make sure that date will be the one he will remember the most
5. Make sure that he will take you seriously
6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating
7. Make him introduce you to his parents
8. Make him kiss you
9. Be his girlfriend
10. Love him for eternity
But there is one and only rule you must abide.
You must not break his heart
If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment.-Signed by: Naomi Mikael Perez - Cruz
Napangiti ako doon sa revised version ko ng contract.
“nagustuhan mo din ba yung ginawa ko Timi? Ang ganda no?” I whispered habang hinihimas ko ang tyan ko
“babes? Ano ginagawa mo?” sabi ni Stephen then nilapitan niya ako sa kinauupuan ko
“wala lang, kinukwentuhan ko lang ang soon to be baby natin”
Lumuhod si Stephen sa harapan ko then hinimas din niya ang tyan ko “baby Timi sana lumabas ka na agad, your
mom and dad are waiting for you”
5 months na kaming kasal ni Stephen. And yes, I am 1 month pregnant sa aming first baby.
Tinabihan ako ni Stephen then niyakap niya ako as he gently whispered to my ears “I love you babes, I love you
baby Timi”
“I love you too babes and of course, I love baby Timi too”
Loving this Cassanova is the greatest feeling I ever felt. Madami mang nangyari, madami mang nasaktan, at
sandamakmak man ang trial na dumating sa buhay namin. .
Mananatili kaming matatag.
Lalo na ngayon, may angel ng dumating sa buhay namin :)
So do we live happily ever after?
Not really, alam kong meron pang trials na dadating saamin pero ang mahalaga
Magkasama na kami ngayon, hanggang sa tumanda kami :)
The End.
***             -http://www.wattpad.com/3728194-htbg-how-to-break-the-cassanova%27s-heart-on-hold